You are on page 1of 13

Limwell Sierra Lu Wika 1-T1

2017-00331
Gawain 2: Pagpili ng mga Filipinong Salitang may Kinalaman sa Pandemya

I. Ang Aking Diksyunaryong Pang Pandemya

1. Academic Freeze (panggalan)


Kahulugan: Tumutukoy sa pagpahinto ng lahat ng uri ng klase (online man o hindi)
o ng academic year sa loob ng maikling panahon.
Salin sa Ibang Wika:
Pangungusap: Patuloy na hinihikayat ng iba’t ibang organisasyon ang gobyerno
upang maisulong ang academic freeze upang walang mapag-iwanan na mag-aaral
sa gitna ng pandemya.
Sanggunian:

Hernando-Malipot, M. (2020, September 17). Academic freeze pushed, rejected. Retrieved


October 23, 2020, from https://mb.com.ph/2020/09/17/academic-freeze-pushed-rejected/

Maramara, K., Manto, I., Morales, C., Medel, M., & Henares, T. (2020, July 20). Should We Be
Calling for an Academic Freeze Instead of Resuming Classes in August? (1003638089
773766369 B. Katipunan, Trans.). Retrieved October 23, 2020, from
https://www.8list.ph/academic-freeze/

Sape, E. B., Aquino, B. R., & Olivar, A. G. (2020, June 1). OPINION: An 'academic freeze' is
the best option for Filipino students for now. Retrieved October 23, 2020, from
https://www.cnn.ph/life/culture/2020/6/1/academic-freeze-opinion.html

2. Blended Learning (panggalan)


Kahulugan: Tumutukoy sa pamamaraan ng pag-aaral kung saan may mga panahon
na online learning at may mga panahon na face-to-face learning. Ngayong
pandemya ay nagbago ang konteksto ng salitang ito. Ito ngayon ay tumutukoy sa
magkahalong synchronous (online na pag-aaral) at asynchronous (offline na pag-
aaral gamit ang mga modyuls) na pag-aaral.
Salin sa Ibang Wika:
Pangungusap: Ang kapatid kong nasa hayskul ay sumasailim ngayon sa blended
learning sapagkat hindi pa maaaring magka-normal na klase dahil sa pandemya.
Sanggunian:

Lawless, C. (2020, April 27). Blended Learning - What is it and how is it used? Retrieved
October 23, 2020, from https://www.learnupon.com/blog/what-is-blended-learning/

Liimatainen, H. (2019, February 6). E-learning vs. blended learning - definitions, differences &
use cases. Retrieved October 23, 2020, from https://www.howspace.com/resources/e-
learning-vs-blended-learning

TeachTech. (2020, May 19). The Definition Of Blended Learning. Retrieved October 23, 2020,
from https://www.teachthought.com/learning/the-definition-of-blended-learning/

3. Contact Tracing (panggalan)


Kahulugan: Ito ay ang proseso ng pag-aysoleyt(isolate) sa isang taong nagpositibo
sa isang sakit at ang paghahanap sa mga taong nakasalamuha nito sa loob ng ilang
araw.
Salin sa Ibang Wika:
Pangungusap: Inilunsad ng Lungsod ng Pasig ang contact tracing upang mapabagal
ang pagkalat ng Covid-19.
Sanggunian:

Garza, A. (2020, April 22). What Is Contact Tracing? How It Will Be Used for COVID-19.
Retrieved October 23, 2020, from https://time.com/5825140/what-is-contact-tracing-
coronavirus/

Seladi-Schulman, J. (2020, August 04). What Is Contact Tracing? Process, What's Involved,
Privacy, More. Retrieved October 23, 2020, from https://www.healthline.com/health/what-
is-contact-tracing

Thompson, D. (2020, May 04). What Is 'Contact Tracing' and How Does it Work? Retrieved
October 23, 2020, from https://www.webmd.com/lung/news/20200504/what-is-contact-
tracing-and-how-does-it-work
4. Dolomite (panggalan)
Kahulugan: Ito ay isang uri ng limestone na kadalasan ay ginagamit para sa
paggawa ng iba’t ibang materyal pangkonstraksyon, ngunit ngayong pandemya ay
nagkaroon ng ibang konteksto na nagpapatungkol sa mga anomaliya sa loob ng
gobyerno.
Salin sa Ibang Wika:
Pangungusap: Kaysa pinaggastusan ang dolomite sand na proyekto sa Manila Bay,
sana ay inilaan nalang ng gobyerno ang pera upang mas mabisang makatugon
laban sa Covid-19.
Sanggunian:

Abad, M. (2020, September 08). FAST FACTS: What is dolomite sand, and how will it affect
Manila Bay? Retrieved October 23, 2020, from
https://www.rappler.com/newsbreak/iq/things-to-know-dolomite-sand-affect-manila-bay

Mawis-Aliston, A. (2020, September 26). Dolomite beyond Manila Bay. Retrieved October 23,
2020, from https://business.inquirer.net/308266/dolomite-beyond-manila-bay

Rosario, B. (2020, September 12). Is dolomite dangerous to humans? Retrieved October 23,
2020, from https://mb.com.ph/2020/09/05/is-dolomite-dangerous-to-humans/

5. E-numan (panggalan)

Kahulugan: Ito ay nagmula sa salitang inuman. Ang e-numan ay ang pinaikling


salita para sa “electronic inuman”. Dahil sa pandemiya ay hindi pinapayagan ang
magkaroon ng pagsasama-sama ng maraming tao sapagkat nakaisip ang ilang
Pilipino upang maibsan ang kanilang pangungulila sa kanilang mga kaibigan o
kamag-anak. Ang e-numan ay ang pansamantalang kapalit ng “social gatherings”
kung saan ay magkakaroon ng sabay-sabay na inuman sa isang video call.
Salin sa Ibang Wika: Online drinking
Pangungusap: Noong nakaraan na Biyernes ay nagkaroon kami ng e-numan ng
aking mga kaibigan sa college.
Sanggunian:
Beltran, C. (2020, September 20). E-numan: Social drinking. Retrieved October 23, 2020, from
https://www.philstar.com/opinion/2020/09/21/2043916/e-numan-social-drinking

CNN Philippines Life. (2020, July 30). Barkada hack: How to set up a successful e-numan
session. Retrieved October 23, 2020, from
https://cnnphilippines.com/life/culture/tech/2020/7/30/guide-to-e-numan.html

Gawaran, C. (2020, March 30). How to Have an E-Numan. Retrieved October 23, 2020, from
https://drinkmanila.com/2020/03/27/how-to-have-an-e-numan/

6. Kalasag sa Mukha (panggalan)


Kahulugan: Ito ay gawa sa “film” na plastic na nagsisilbing proteksyon para sa
mata at mukha ng nagsusuot nito laban sa mga “droplets” na maaaring may dalang
mikrobyo. Isa sa pinagkaiba nito sa face mask ay kaya nitong masakop ang buong
mukha. Mabisa din ito upang mapigilan ang nakasuot na maghawak sa kanyang
mukha.
Salin sa Ibang Wika: Face Shield
Pangungusap: Mahigit isang milyon na ang naitalang namatay dahil sa pandemya
dahil kumalat na ito sa halos lahat ng mga bansa.
Sanggunian:

Marco, J. (2020, September 7). PinoyWEEKLY. Retrieved October 23, 2020, from
https://www.pinoyweekly.org/2020/09/bentahe-at-disbentahe-ng-face-shields/

Mitchell, B., & Russo, P. (2020, September 13). Ang isang Face Shield ba ay Protektahan Laban
sa Covid-19? Retrieved October 23, 2020, from
https://tl.innerself.com/content/living/health/diseases-and-conditions/23918-does-a-face-
shield-protect-against-covid-19.html

THE STRAITS TIMES. (2020, May 22). Face Mask Vs. Face Shield: What Are The
Differences? Retrieved October 23, 2020, from
https://www.cleo.com.sg/adulting/wellness/face-mask-face-shield-differences/
7. Face-to-face Classes (panggalan)
Kahulugan: Ito ay ang tradisyunal na pag-aaral kung saan ay papasok ka sa
paaralan kung saan ay makakasalamuha mo ang iyong mga kaklase, guro at
propesor.
Salin sa Ibang Wika:
Pangungusap: Dahil sa pandemya ay hindi pa pinapayagan ang face-to-face classes
sa mga paaralan.
Sanggunian:

Face To Face Vs. Online Learning Options. (n.d.). Retrieved October 23, 2020, from
https://headspace.org.au/young-people/face-to-face-vs-online-learning/

South African College of Business. (2018). FACE TO FACE LEARNING VS ONLINE


DISTANCE LEARNING. Retrieved October 23, 2020, from
https://www.sacob.com/blog/face-to-face-learning-vs-online-distance-learning/

TopHat. (2019, September 27). Face-to-Face Learning Definition and Meaning. Retrieved
October 23, 2020, from https://tophat.com/glossary/f/face-to-face-learning/

8. Mañanita (panggalan)
Kahulugan: Sa mga Kastila, ang salitang ito ay nanggaling sa salitang mañana na
nangangahulugan na umaga o bukas. Ang hulaping –ito naman ay
nangangahulugang maliit. Kung kaya’t ang kahulugan ng mañanita sa Espanyol ay
medaling araw. Ang mañanitang ginagamit sa Pilipinas ay nagmula sa Mexico. Ang
ibig sabihin nito ay ang selebrasyon o handaan para sa isang okasyon kung saan ay
kadalasang ginaganap sa madaling araw. Ang mañanita ay isang salitang nagbago
rin ang konteksto ngayong pandemya. Ito ngayon ay may kahulugan ng social
gathering kahit walang okasyon. Ito minsan ay ginagamit na terminolohiya sa mga
rally upang hindi sila hulihin ng mga pulis.
Salin sa Ibang Wika: Birthday Party
Pangungusap: Tunay na lumabag ang mga dumalo sa Mananita ni Sinas sa social
distancing protocol para sa Covid-19.
Sanggunian:

Alquitran, N. (2020, May 14). 'Mañanita', ibinaon ang sakripisyo ni Sinas vs COVID! Retrieved
October 23, 2020, from https://www.philstar.com/pang-masa/punto-
mo/2020/05/14/2014107/maanita-ibinaon-ang-sakripisyo-ni-sinas-vs-covid

Limos, M. A. (2020, May 14). What Is a Mañanita? Retrieved October 23, 2020, from
https://www.msn.com/en-ph/news/other/what-is-a-ma%C3%B1anita/ar-BB144hXQ

Magcamit, H. (2020, May 13). OK, so what is a "mañanita"? Retrieved October 23, 2020, from
https://nolisoli.ph/80143/what-is-a-mananita-ymagcamit-20200513/

9. Mass Testing (panggalan)


Kahulugan: Ito ang sabay-sabay na pag “test” sa masa upang makita kung sino-
sino ang positibo sa isang partikular na sakit. Para sa Covid-19 ay may dalawang
uwi nito. Ang una ay ang Rapid Test; and isa naman ay ang Swab Test. Dapat ilinaw
na hindi lahat ng mamamayan ang sasailalim dito. Ang “mass” o masa ay
tumutukoy sa karamihan at hindi sa lahat. Para sa pagsimula ng mass testing sa
Pilipinas ay 8000 katao ang kanilang obdyektib na ipasailalim sa testing kada araw.
Isang obhektibo din ng mass testing ay ang makapagbigay ng libreng testing.
Salin sa Ibang Wika:
Pangungusap: Kahit ilang ulit na idinidiin ng mga mamamayan na importante ang
mass testing ay hindi parin sila pinapakinggan ng gobyerno.
Sanggunian:

CNN Philippines. (2020, April 14). PH begins 'progressive' COVID-19 mass testing. Retrieved
October 23, 2020, from https://www.cnnphilippines.com/news/2020/4/14/Philippines-
COVID-19-mass-testing.html

De La Cruz, C. I. (2020, May 22). Why "Mass Testing" Doesn't Mean What You Might Think.
Retrieved October 23, 2020, from https://www.spot.ph/newsfeatures/the-latest-news-
features/82252/mass-testing-during-covid-19-pandemic-a833-20200522-lfrm

Francisco, M. (2020, June 09). Ano ba talaga ang ibig sabihin ng 'mass testing'? Retrieved
October 23, 2020, from https://www.flipscience.ph/health/mass-testing-i/
Mayie. (2020, June 03). Mass Testing: Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Retrieved October 23,
2020, from https://ph.theasianparent.com/ibig-sabihin-ng-mass-testing

10. Quarantine Pass (panggalan)


Kahulugan: Ito ay isang legal na dokumento kung saan bibigyan ang bawat bahay
ng tig-iisang kopya. Kung kanino nakapangalan ang pass na ito ay siya lang ang
maaaring lumabas upang bumili ng pang-araw araw na pangangailangan.
Salin sa Ibang Wika:
Pangungusap: Noong ang Lungsod ng Pasig ay nasa ilalim pa ng enhanced
community quarantine ay kinakailangan ng quarantine pass upang makalabas ang
representate ng isang bahay.
Sanggunian:

Blogger. (2020, March 25). What is Community Quarantine Pass? Purpose and Explanation
Here. Retrieved October 23, 2020, from https://attracttour.com/2020/03/what-is-
community-quarantine-pass-purpose-and-explanation-here/

MSN News. (2020, March 18). Barangay in Manila hands out 'home quarantine pass' to families.
Retrieved October 23, 2020, from https://www.msn.com/en-ph/news/national/barangay-in-
manila-hands-out-home-quarantine-pass-to-families/ar-BB11lSi7

Philstar.com. (2020, March 22). What are quarantine passes and why are they handed out during
Luzon-wide lockdown? Retrieved October 23, 2020, from
https://www.philstar.com/headlines/2020/03/21/2002505/what-are-quarantine-passes-and-
why-are-they-handed-out-during-luzon-wide-lockdown

11. Rapid Test/Rapid Antibody Test (panggalan)


Kahulugan: Ito ang isa sa dalawang pangunahing test na ginagamit upang
malaman kung “infected” ng Covid-19 ang isang tao. Sa test na ito ay kokolekta ng
dugo galing sa pasyente upang pag-aralan ang “immune response” ng nasabing
pasyente. Sa halip na pag-aralan ang “genetic material” ng virus ay hinahanap nito
ang dalawang uri ng antibodies: ang Immunoglobulin M (IgM) na isang uri ng early
response at ang Immunoglobulin G (IgG) na isang uri ng delayed response. Dahil
dito ay kayang mailabas ang resulta ng test sa loob ng 45 na minuto, ‘di hamak na
mas mabilis kaysa sa RT-PCR test. Dahil hindi ang viral genes ang napag-aaralan ng
test na ito ay mas marami ang false positive na resulta galing dito.
Salin sa Ibang Wika:
Pangungusap: Si Aling Beth ay isa mga pinaghihinalaang may Covid-19 kung kaya’t
siya ay sumailalim sa Rapid Test upang malaman ang kanyang tunay na kalagayan.
Sanggunian:

Aguja, A. C. (2020, April 26). RT-PCR vs Rapid Test: Comparing two test methods. Retrieved
October 24, 2020, from https://www.msn.com/en-ph/money/topstories/rt-pcr-vs-rapid-test-
comparing-two-test-methods/ar-BB14AnPz

Magsambol, B. (2020, May 25). FAST FACTS: What's the difference between PCR, rapid
antibody tests? Retrieved October 24, 2020, from
https://www.rappler.com/newsbreak/iq/things-to-know-polymerase-chain-reaction-rapid-
anti-body-tests

Romarate, P. (2020, April 01). COVID-19 Testing: What are the two methods to diagnose the
coronavirus? Retrieved October 24, 2020, from
https://www.gmanetwork.com/entertainment/celebritylife/news/61378/covid-19-testing-rt-
pcr-test-vs-rapid-antibody-based-test/story

Wong, D. (2020, March 18). COVID-19 Rapid Tests : What You Need To Know! Retrieved
October 24, 2020, from https://www.techarp.com/science/covid-19-rapid-tests-analysis/

12. SAP (panggalan)


Kahulugan: Ang SAP ay ang pinaikling termino para sa Social Amelioration Program
na inilunsad ng pamahalaang nasyunal upang matugunan ang pangangailangan ng
bawat pamilya sa panahon ng pandemya. Pumapaloob sa SAP ang ayudang pera at
groceries. Ang implementasyon ng programang ito nakapaloob sa Republic Act
11469 na mas kilala bilang Bayanihan to Heal as One Act.
Salin sa Ibang Wika: Social Amelioration Program
Pangungusap: Maraming pamilyang Pilipino ang hindi nakatanggap ng SAP mula sa
gobyerno.
Sanggunian:
Coinsph. (2020, April 16). Ano ang DSWD Social Amelioration Program? Retrieved October
24, 2020, from https://coins.ph/blog/covid-19-dswd-social-amelioration-program/

Department of Social Welfare and Development. (2020). SAP Frequently Asked Questions
(FAQs). Retrieved October 24, 2020, from https://www.dswd.gov.ph/frequently-asked-
questions-on-sap/

Santos, C., Lantaca, E., & Castillo, J. (2020, April 06). Social Amelioration Program FAQs: Mga
Sagot Mula sa DSWD. Retrieved October 24, 2020, from https://governmentph.com/sap-
faqs/

13. Thermal Scanner (panggalan)


Kahulugan: Ito ay isang instrumento na sumusukat ng temperatura na maaaring
gamitin sa tao. Ilan sa mga uri nito ay ang mga ginagamit sa mga airport kung saan
may nakakabit na infrared camera dito. Meron din namang “handheld” thermal
scanner. Isang paglilinaw lang, ang mga thermal scanner ay hindi nakakadetek ng
Covid-19 subalit nasusukat nito kung ang isang tao ba ay may lagnat na isa sa mga
sintomas ng Corona Virus.
Salin sa Ibang Wika:
Pangungusap: Bago makapasok sa mga establisyimento ang kahit sinoman ay
kinakailangan muna sukatin ang temperatura ng bawat isa gamit ang isang thermal
scanner.
Sanggunian:

Chao, A. (2020, April 03). Thermal Scanner - Is It Effective in Detecting People w/ COVID-19?
Retrieved October 24, 2020, from https://healthtips.ph/health/thermal-scanner-is-it-
effective-detecting-people-covid-19/

Frazer, D. (2020, September 13). Thermal Body Scanner: A Step towards Combating
Coronavirus. Retrieved October 24, 2020, from
https://www.getholistichealth.com/85575/thermal-body-scanner-a-step-towards-
combating-coronavirus/

Nuos. (2020, July 02). What is Thermal Scanner and How Does it Work: NUOS. Retrieved
October 24, 2020, from https://www.nuos.in/what-is-thermal-scanner-how-does-thermal-
scanner-work/
14. Total Shutdown/Lockdown (panggalan)
Kahulugan: Ito ay ang malawakang pansamantalang pagpapatigil at suspension ng
iba’t ibang trabaho, transportasyon at pagsara ng mga establisyimento maliban sa
mga bilihang bayan at mga supermarkets. Ito rin ang matinding pagpapatupad ng
home quarantine kung saan ay bawal lumabas ang kahit na sino maliban nalang
kung may esensyal na kailangang bilhin o kaya’y exempted sa lockdown tulad ng
mga healthworkers.
Salin sa Ibang Wika:
Pangungusap: Maraming mga maliliit na negosyo ang tuluyang nagsara dahil sa
total lockdown na ipinatupad sa Maynila.
Sanggunian:

Aguilar, K. (2020, March 16). 'Total lockdown' in Metro Manila eyed. Retrieved October 24,
2020, from https://newsinfo.inquirer.net/1242928/total-lockdown-in-metro-manila-eyed

Gita-Carlos, R. (2020, April 16). Total lockdown 'an option:' Palace. Retrieved October 24,
2020, from https://www.pna.gov.ph/articles/1100067

Lopez, V. (2020, March 16). Panelo, Año recommend total lockdown of Metro Manila to curb
COVID-19 spread. Retrieved October 24, 2020, from https://www.msn.com/en-
ph/news/national/panelo-a%C3%B1o-recommend-total-lockdown-of-metro-manila-to-
curb-covid-19-spread/ar-BB11eXlq

Manila Bulletin_. (2020, March 15). Duterte mulls total lockdown for Metro Manila, placing
other provinces under quarantine. Retrieved October 24, 2020, from
https://mb.com.ph/2020/03/16/duterte-mulls-total-lockdown-for-metro-manila-placing-
other-provinces-under-quarantine/

15. Travel Ban (panggalan)


Kahulugan: Ito ang paglalagay ng restriksyon sa pagbiyahe papuntang iba’t ibang
bansa. Ang utos na ito ay nagbabawal sa pag-alis ng bansa o pagpunta ng mga tao
mula sa ibang bansa patungong Pilipinas maliban nalang kung sila ay mga
balikbayan. Ang mga balikbayan ay pinapayagang makapasok sa Pilipinas ngunit
sila ay sasailalim sa 14 na araw ng quarantine. Ito ay inilunsad sa mithiing pababain
ang kaso ng makakapasok na taong may dalang Corona Virus.
Salin sa Ibang Wika:
Pangungusap: Maraming bakasyon patungong ibang bansa noong nakaraan na
summer ang nakansela dahil sa travel ban.
Sanggunian:

The Inquirer. (2020, February 03). Duterte orders travel ban, as PH records 1st virus death.
Retrieved October 24, 2020, from https://newsinfo.inquirer.net/1223104/duterte-orders-
travel-ban-as-ph-records-1st-virus-death

Nowrasteh, A. (2020, April 21). Travel Restrictions and the Spread of COVID-19 – What Does
the Research Say? Retrieved October 24, 2020, from https://www.cato.org/blog/travel-
restrictions-spread-covid-19-what-does-research-say

O'Hare, M., & Hardingham-Gill, T. (2020, March 12). Coronavirus: Which countries have travel
bans? Retrieved October 24, 2020, from https://edition.cnn.com/travel/article/coronavirus-travel-
bans/index.html

16. Zoomers (panggalan)


Kahulugan: Ito kasingkahulugan ng Generation Z o Gen Z. Ito ay tinutukoy na
henerasyon na mataas ang kaalaman sa kompyuter. Sinasabing zoomer ang isang
tao kung siya ay ipinanganak sa loob mid-1900s hanggang mid-2000’s. Ito ang
henerasyon na sumunod sa Millenials. Ang salitang zoomer daw ay namula sa
pinaghalong salita na Generation Z at Boomer. Ito daw ay sa kadahilanang
parehong nakakainis ang ugali ng dalawang henerasyon na iyon. Ngayong
pandemya ay nagkaroon ng bagong konteksto ang Zoomers dahil sa pag-usbong ng
video call platform na Zoom. Ito Zoomers daw ay ang henerasyon ng mga bata na
maagang namulat sa Zoom.
Salin sa Ibang Wika: Generation Z, Gen Z
Pangungusap: Ang nakababata kong kapatid ay nasa henerasyon ng Zoomers.
Sanggunian:
Brown, S. (2020, April 07). Difference Between Boomers and Zoomers. Retrieved October 24,
2020, from http://www.differencebetween.net/miscellaneous/difference-between-boomers-
and-zoomers/

Generation Z / "Zoomers". (2020, September 24). Retrieved October 24, 2020, from
https://knowyourmeme.com/memes/cultures/generation-z-zoomers

Prabhu, J. (2020, October 04). A message to zoomers from a boomer (letter to the editor).
Retrieved October 24, 2020, from https://www.silive.com/news/2020/10/a-message-to-
zoomers-from-a-boomer-letter-to-the-editor.html
II. Maikling Sanaysay sa Pagkalap ko Datos sa Gawain 2

Ang gawaing ito ay nangangailangan ng mabigat na pag “research” sapagkat hindi


madaling gumawa ng diksunaryo gamit ang sariling pananalita. At dahil nakitaan ko ng bigat ang
gawaing ito ay agad agad akong naghanap ng mga salita, may mangilan-ilang mga salita akong
nakita subamit hindi sila ganun kalalim para saking opinion. At dahil doon ay nagtanong-tanong
na ako sa aking mga dating kaklase, kasama sa bahay at mga kaibigan kung ano sa tingin nila
ang mga salitang naging “relevant” o naimbento ngayong quarantine. Samu’t sari ang ideya at
mungkahi ang aking natanggap. May mga nagbigay ng mga pagkain tulad ng ube-cheese
pandesal at baked sushi. Meron din nagsabi tungkol sa mga naging hobbies nila tulad ng
planito. Malaki ang naiambag ng bawat isa sapagkat hindi ko maiisip ang lahat ng mga salitang
iyon kung ako lang mag-isa.

Noong nagkaroon ako ng listahan ng mga salita na umabot sa humigit-kumulang


animnapung salita ay nagsimula na akong magbawas ng mga salitang komon na sa tingin ko ay
gagamitin ng iba kong mga kaklase sa kanilang sariling diksunaryo. Sa dami ng mga salitang
namungkahi sa akin ay nag-isip ako ng tema para sa mga salitang aking gagamitin at doon
pumasok sa isip ko ang social issues na ating kinakaharap sa pandemya. Ito ang aking napiling
tema dahil napamulat sa akin ng pandemyang ito na walang pinipiling oras at kalamidad ang
mga mapansamantalang tao. Gumawa ako ng shortlist na nabubuo ng dalawampu’t limang
salita na maaari kong gamitin para sa gawain at doon ako nagsimulang maghanap ng mga
sangunian para sa bawat salita. May mga salita akong tinanggal sa aking shortlist dahil puro
diksyunaryo lamang ang nahanap kong sanggunian para sakanila. Isang halimbawa na dito ay
ang salitang curfew. Patuloy lang akong naghanap ng iba’t ibang depinisyon at konteksto sa
bawat salita at noong natapos yun ay binawasan ko ulit ang mga salita upang umabot sa 15 na
salita lamang. Nagdagdag lang ako ng isang salita sapagkat may sentimental values sa akin ang
numbering lambinganim.

You might also like