Professional Documents
Culture Documents
Modyul 1 171028042058
Modyul 1 171028042058
Layuning Panlipunan:
Kabutihang Panlahat
Inihanda ni: Crisele Irsi B. Hidocos
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI
inililimos.
Panimula:
•“Walang sinumang ang nabubuhay
para sa sarili lamang”.
• Kinakailangan ng taong makibahagi
at mamuhay sa LIPUNAN.
• Ang buhay ng tao ay panlipunan
(Manuel Dy Jr ,1994).
• Ang ating pagiging kasamang
kapwa ay isang pagpapahalaga na
nagbibigay ng tunay na kaganapan
sa ating pagkatao.
Ano ang LIPUNAN?
• Nagmula sa salitang ugat na “lipon” na
nangangahulugang pangkat.
• Ang mga tao ay mayroong kinabibilangang pangkat na
mayroong iisang tunguhin o layunin.
• Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi
naman nito binubura ang indibidwalidad o pagiging
katang-tangi ng mga kasapi.
Ano naman ang komunidad?
• Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin
na communis na nangangahulugang common o
nagkakapareho.
• Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal
na nagkakapareho ng mga interes, ugali o
pagpapahalaga na bahagi ng isang partikular na
lugar.
Bakit likas sa TAO ang mamuhay sa
LIPUNAN?
• Dahil sa katotohanang ang
TAO ay nilikhang HINDI
perpekto at likas sa ating
magbahagi sa kapwa ng
kaalaman at pagmamahal.
Jacques Maritain: The
Person and the Common
Good (1966)
Bakit likas sa TAO ang mamuhay sa
LIPUNAN?
• Dahil sa ating
pangangailangan o
kakulangan mula sa
materyal na kalikasan.
• Hindi makakamit ng tao ang
kanyang kaganapan kung
hindi matutugunan ng
lipunan ang kanyang mga
Jacques Maritain: The pangangailangan.
Person and the Common
Good (1966)
• Sa lipunan, nagkakaroon
ang tao ng pagkakataong
maipakita ang
pagmamalasakit, ang
tumulong at matulungan sa
panahon ng
pangangailangan.
Dr. Manuel Dy Jr. • Dahil dito,umuusbong ang
Philosophy Professor Ateneo pagtitiwala sa kapwa na
de Manila University siyang dahilan ng
Binubuo ng TAO ang sama-samang pagkilos tungo
LIPUNAN. sa isang mithiin.
Binubuo ng LIPUNAN
Ano ang Kabutihang Panlahat?
• Ito ay ang kabutihan para sa bawat isang
indibidwal na nasa Lipunan.
• Ito ang pangkalahatang kondisyong pantay
na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng
lahat ng kasapi ng isang lipunan.
• Tumutukoy sa kabutihang naaayon sa
moralidad ng tao, sa Likas na Batas Moral.
Ano ang Kabutihang Panlahat?
• Ang tunay na layunin ng lipunan ay ang
kabutihan ng komunidad na nararapat na
bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi
nito.
• Hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang
nararapat na manaig kundi ang panlipunan
at sibil na pagkakaibigan, na palaging
nangangailangan ng katarungan.
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
TANDAAN:
Hindi namiili ng edad o antas sa
buhay ang pagtiyak na
mananaig
ang kabutihang panlahat. Ito ay
nakabatay sa iyong puso at
pagmamalasakit sa iyong
kapwa.