You are on page 1of 1

Iaalay ko ang liwanag ng kapaskuhan sa aking dalawang pamilya.

Una, ang

pamilya ko sa tahanan, sa aking asawa at dalawang anak na sina Prince and Princess.

Ikalawa, ang aking pamilya sa eskwelahang Liceo De Bay kabilang ang Admin staffs,

teaching and non-teaching personnel at higit sa lahat ang aking mga anak sa Grade 10-

St. Gregory the Great.

Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam ang makatanggap ng regalo

ngayong Pasko ngunit, higit sa regalong materyal o pera ay mayroon tayong maaring

ibahagi sa lahat.

Kung mayroon tayong nakagalitan sa buong taong ito masmasarap sigurong

iregalo ay ang “Pagpapatawad“. At kung marunong tayong magpatawad sa ating

nakagalitan ay dapat marunong tayong umunawa sa sitwasyong batid nating may

pagkukulang ang isat isa.

Ang pagbibigay ng regalo ay dapat Bukal sa Puso o may kasamang

pagmamahal. May kasabihan nga na “you can give without loving but you cannot love

without giving” – pagpapatunay lamang ito na kahit may materyal tayong naibibigay sa

ating kapwa kung wala namang kalakip na pag-ibig sa ating mga regalo, wala rin itong

saysay.

Ang pagpapatawad, pag-unawa, pagbibigayan ng bukal sa Puso at may kalakip

na pagmamahal ay siyang sumisimbulo sa tunay na masayang Pasko at masaganang

bagong taon. Kaya naman, binabati ko kayo ng Maligayang Pasko at mapagpalang

bagong taon!

You might also like