You are on page 1of 5

St. Blaise Christian School Inc.

ESP 8
(Week 10, Day 1-5)
Cayanga, San Fabian Pangasinan
GRADE 8
S.Y. 2020 – 2021
MS. RANIELA E. CALICDAN

Pangalan: _______________________________________________________ LRN: ______________________


MODYUL 10
KABUTIHANG GINAWA, IALAY NATIN SA KAPUWA
KATAPATAN ISABUHAY NATIN

Ang nilalaman ng araling ito ay ang paglalayong gawing kaaya-aya ang buhay para sa kapuwa,
makapagbigay ng inspirasyon at tularan ng iba, at gumagawa ng kabutihan sa kapuwa nang buong puso at
ang kahalagahan ng pagiging tapat sa salita at gawa na siyang nagpapatunay ng pagkakaroon ng
komitment sa katotohanan at ng mabuti at matatag na konsiyensya.

Bago natin talakayin ang mga iyan, ating na munang alamin ang ating layunin sa araling ito.
Layunin
Sa dulo ng araling ito ikaw ay inaasahang:
a. Nailalahad ang mga kabutihang ginawa sa kapuwa;
b. Naipaliliwanag na isang gawaing mabuti ang gawaing kaaya-aya ang buhay para sa kapuwa at
makapagbigay ng inspirasyon;
c. Naisasagawa ang mga angkop na kilos para sa isang mabuting gawaing tumutugon sa pangangailangan ng
kapuwa;
d. Nakikilala ang kahalagahan ng katapatan, mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at bunga ng hindi
pagpapamalas ng katapatan;
e. Naipapaliwanag ang pagiging tapat sa salita at sa gawa ay pagpapatunay ng pagkakaroon ng komitment sa
katotohanan at ng mabuti o matatag na konsensiya.
Bago natin talakayin ang ating aralin ngayon, pagmasdan ang kasabihan na nasa sa ibaba.

“Huwag kang mapagod sa paggawa ng kabutuhan dahil isa yan sa


mga ugaling hinahangaan. Hindi ka man pamansin ngayon,
siguradong may gantimpala sa tamang panahon”.

Ano ang
mahalagang mensahe na nais iparating ng kasabihan?
Upang masagot iyan, halina’t sabay nating alamin at tuklasin.

Ang dakilang utos ng Diyos ay “Mahalin mo ang iyong kapuwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong
sarili”. Ang pagmamahal sa kapuwa ay pagmamahal din sa sarili na kailangang ipakita at ipadama.
Magagawa mo ito sa pamamagitan ng korporal at espiritwal na gawa, gaya ng sumusunod:
MGA KORPORAL NA GAWA NG AWA
 Pagpapakain sa mga nagugutom
 Pagpapainom sa mga nauuhaw
 Pagbibigay ng damit sa mga nangangailangan
 Pagbisita sa mga taong may sakit
 Pagbibigay ng matutulugan sa mga walang matirahan
MGA ESPIRITUWAL NA GAWA NG AWA
 Pagpapaalala sa mga taong nagkasala
 Pagbibigay ng kaligayahan at kasiyahan sa mga taong dumaranas ng kapighatian sa buhay
 Pagpapatawad sa mga taong nagkasala sa atin

PARAAN UPAMG MAKAPAGBIGAY NG INSPIRASYON

5. Magkaroon ng sinseridad. 1. Alamin ang mga balakid.


6. Isantabi ang personal na kaluwalhatian. 2. Paliitinn ang problema.
7. Maging matatag. 3. Gumamit ng pangkulturang halimbawa.
8. Himukin ang ibang tao na ipakita ang kanilang galing. 4. Magbigay ng pag-asa.

Ating sunod na talakayin ang iba’t-ibang samahan na makakapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Pahina 1

 DOCTORS WITHOUT BORDERS/ MEDECINS SANS FRONTIERES


- Ang samahang pandaigdig na ito ay binubuo ng mga doktor na nagkakaloob ng tulong saan mang
bahagi ng mundo
Ang katapatan aykung saan higit
mahalaga dahilnaito
kailangan ang kanilang
ang lumilikha tulong tuladsang
ng kapayapaan mga
isip at biktima ng
nagtataguyod ng
epidemya, kalamidad, at mga biktima ng kawalan o kakulangan ng serbisyo medical.
pagtitiwala sa pakikipag-ugnayan. Ang pakinabang ng katapatan ay lumalawig sa personal na kalusugan,
 RANDOM ACTS
pakikipag-ugnayan, at OF KINDNESS
sa lipunang FOUNDATION
ginagalawan. Ang kasalungat ng katapatan ay ang pagsisinungaling,
- Isang non-profit organization na naglalayong
pandarambong, at pagkabahala. Ang katapatan ay nagdudulot turuan angng mga bata ng kabutihan
pagbabago sa pamamagitan
sa sarili. Ang ng
taong matapat
pagtuturo
ay kinikilala nito sa paaralan
ang kanyanjg kahinaan at pamayanan.
at sinisikap na baguhin ito para mapabuti ang kanyang pagkatao.
 GREENPEACE PARAAN UPANG MAIPAKITA ANG KATAPATAN
- Isang samahang pandaigdig
Mag-isip bago ukol sa panganngalaga sa kapaligiran at sa kalikasan. Pangunahing
magsalita.
layunin ng samahang itona tiyaking
 Panindigan at panagutan ang binitiwang may kakayahan
salita.ang daigdig na maipagpatuloy ang buhay sa
kabila
 Liwanagin ang mensaheng gusting sabihin. binigyan-pansin nila at sinikap bigyan ng solusyon
ng pagkakaiba-iba. Ilan sa mga suliraninng
ay 
ang Gumamit
ckinate change, deforestation,
ng simpleng overfishing
pananalita o wika atathuwag
anti-nuclear issues.
magpaligoy-ligoy sa pagsasalita.
 Sabihin ang layunin ng iyong desisyon upang ikaw ay maintindihan.
 Kapag
Ang katapatan ay angmay pagkakamaling
pagkapit nakitasa
at paninindigan aykatotohanan
dapat na iwasto ito. man o sa gawa. Isa ito sa mahalagang
sa salita
 Huwag
susi sa pagpapanatili pagalitan ang
ng mapayapang taong nagsasabi
ugnayang ng katotohanan.
pangkapuwa. “Ang katotohanan ang siyang magpapalaya sa iyo”.
 Tanggapin ang iyong pagkakamali.
Ang katapatan ay palaging kaakibat ng katotohanan, saan man at ano man ang katayuan sa buhay ng isang tao.
Ang birtud na  Huwag
ito ay makipagsabwatan
nag-uutos na magmahal,satumuklas,
taong hindi
at mapagkakatiwalaan.
sabihin ang totoo kung nararapat. Ang matapat na tao
 Iwasan ang pagkampi sa anumang panig.
ay nakikilala sa pamamagitan ng kanyang kilos, iniiisp, at paninindigang magpakatotoo sa anumang oras ay
sitwasyon. Siya ay madaling makagaanan ng loob. Hindi siya nag-aalinlangan na makitungo sa sinumang tao
dahil wala siyang itinatago kaya’t magaan agad ang pakiramdam sa kanya ng ibang tao. Ang isang taong hindi
nagsasabi ng totoo ay hindi konsistent sa pagsagot kapag tinatanong, samantalang ang taong tapat ay hindi
nagbabago ang sinasabi ano man ang itanong sa kanya. Laging isipin na ang katapatan at sinseridad ay isang
gawain sa pagpupunla ng mabuting pakikipag-ugnayan.

KAHALAGAHAN NG PAGGALANG

PAANO NALALABAG ANG KATAPATAN?


 Pagnanakaw ng maliit na bagay, gaya ng pangungupit sa magulang.
 Pagkuha ng gamit na hindi sariling pagmamay-ari.
 Pagsisinungaling.
 Pangongopya tuwing may pagsusulit.
 Pagtataksil sa mga kasamahan.
 Pagpapabago ng mga detalye sa transaksiyon.
 Paglabag sa mga patakaranpara sa personal na interes.
 Paggamit ng gamit nang walang pahintulot ng tunay na may-ari.

“Natutupad nating maging kawangis ng Diyos kung sa kapuwa tayo’y taos pusong tumutulong”.
“Ang katapatan ay ang pundasyon ng isang matibay na pagsasamahan”.

Ngayon ay naunawaan at naintindihan mo na ang ating aralin. Batid kong handa ka na para
sagutan ang ating mga gawain upang subukin ang iyong kaalaman.

Pahina 2

Panuto: A. Basahin ang mga pangungusap at isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad
Gawain 1 ng pangungusap at MALI naman kung hindi.

____________________1. Ang pagbibigay ng salapi ang pinakamabuting paraan ng pagtulong.


____________________2. May iba’t-ibang paraan upang maipadama ang pagtugon sa nangangailangan.
____________________3. Ang talentong kaloob ng Diyos sa tao ay magagamit sa pagtulong sa kapuwa.
____________________4. Mahalagang alamin kung ano ang pangangailangan ng tao bago ibigay ang tulong.
____________________5. Ang Brigada Eskwela ng Kagawaran ng Edukasyon ay magandang haklimbawa ng
pagtutulungan.
____________________6. Ang mga mahihirap lamang ang may pangangailangan.
____________________7. Ang pakikinig ay isa ring uri ng pagtulong na maaaring ipagkaloob sa kapuwa.
____________________8. Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ay naglalayong makatulong sa mga
maralitang taga-lungsod lamang.
____________________9. Ang pagbibigayng scholarship sa mga mahihirap ngunit matatalinong mag-aaral sa
kolehiyo ay makatutulong sa pagpapaangat ng buhay nila sa hinaharap.
____________________10. Higit sa materyal na bagay, nangangailangan ang mga inabandonang bata sa mga
bahay-ampunan ng pagkalinga.

Panuto: B. Kilatisin kung alin sa sumusunod ang KATOTOHANAN at alin ang KASINUNGALINGAN.
Isulat ang sagot sa patlang.

________________________1. Higit na mabuti ang panahon noong araw kaysa ngayon.


________________________2. Lahat ay nagbabago.
________________________3. Ang katanyagan at kasikatan ang sukatan ng tagumpay sa buhay.
________________________4. Ang kagandahang pisikal ay katumbas ng kagandahang espirituwal.
________________________5. Edukasyon ang susi sa pag-unlad ng tao.
________________________6. Mabibili ng salapi ang lahat ng bagay.
________________________7. Hindi lahat ng “friends” sa facebook ay tunay na kaibigan.
________________________8. Higit na kapaki-pakinabang sa bahay ang anak na babae kaysa lalaki.
________________________9. Mas mabisa ang branded na gamot kaysa sa generic.
________________________10. Habang may buhay ang tao ay may pag-asa.

Panuto: C. Masdan ang larawan at hulaan ang salitang ipinahihiwatig nito. Ilista sa ang mga nabuong salita
at tingnan ang pagkakaugnay ng mga ito pagkatapos ay bumuo ng konsepto batay sa mga
salitang iyong nabuo. (sampung puntos)
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Magaling! Batid kong handa kana para sa susunod pa nating gawain.

Pahina 3

Gawain 2 Panuto: Pumili ng isa na nasa ibaba na maaaring mong gawin. Pagkatapos gawin ang isa
sa mga nasa ibaba ay ipasa ang video sa messenger ( Raniela E. Calicdan).

A. Panuto: Gumawa ng isang song adaptation na pumapaksa sa katapatan. Maaaring lapatan ng himig ng isang
popular na awitin. I-video ang iyong sarili habang umaawit. Gamitin ang pamantayan na nasa ibaba.

Batayan sa pagbibigay ng puntos sa song adaptation


Orihinal na liriko - 10
Mensahe ng awitin - 8
Kaangkupan ng himig sa liriko ng awitin - 7
20 puntos

B. Panuto: Gumawa ng isang tula na pumapaksa sa katapatan. I-video ang sarili habang nagtutula.
Gamitin ang pamantayan na nasa ibaba.

Batayan sa pagtutula
Orihinal na tula - 10
Sukat at Tugma - 8
Lakas ng boses - 7ito na ganap
Mahusay! Binabati kita sapagkat iyong natapos ang lahat ng mga gawain. Nagpapakita
mo na ngang naunawaan at naintindihan ang ating aralin. 20 puntos

Paglalahat

Ating pakatatandaan na ang pagkakaroon ng mabuting puso ay hindi kailanman matutumbasan ng


anomang halaga kaya’t dapat na isabuhay natin ang paggawa ng mabuti sa ating kapuwa. Laging isipin
na ang katapatan at sinseridad ay isang gawain sa pagpupunla ng mabuting pakikipag-ugnayan. Ang
katapatan ay nagsisimula sa ating sarili, igalang mo muna ang iyong sarili upang nang sa gayun ay
maibigay mo din ang paggalang sa mga taong nakapaligid sayo.

Sanggunian:
Venus M. Ph. D. Victoria M. Ramil R. Ph.D.( K+12 Kurikulum Butil ng Pagpapahalaga 8 (1624-1626 Espaňa
Blvd.cor.Don Quijote St.Sampaloc Manila-2019).
Danilo M. Aquino,Jr.,Imelda P. dela Cruz, Marlette R. Timbre, Nenita I.de Vega (Edukasyon sa Pagpapakatao 8- 1253
G. Araneta Avenue cor. Ma. Clara Street, Talayan, Quezon City-2018ng Vival Group, Inc.
Pahina 4

You might also like