You are on page 1of 68

FIL 2: PANIMULANG

PAGSASALIN
MGA PILÍNG TEORYA
SA PAGSASALIN

Aralin 2
Filipino 2: Panimulang Pagsasalin
Isiping kinomisyon kayo para magsalin ng subtitle ng
isang k-drama sa Netflix.
Paano ninyo isasalin ang linyang ito? Bakit?
Isiping kinomisyon kayo para magsalin ng subtitle ng
isang k-drama.
Paano ninyo isasalin ang linyang ito? Bakit?
ANG TEORYA SA PAGSASALIN

Matalik na magkaugnay ang teorya


at praktika sa pagsasalin. Kung ang huli
ay ang aktuwal na pagtutumbas ng SL at
TL, ang una ay ang kaalamang
pinagbatayan sa ginawang pagtutumbas.
ANG TEORYA SA PAGSASALIN

Ang teorya ang nagbibigay ng


framework na makapagpapaliwanag
sa mga desisyong ginawa sa
pagsasalin. Dahil dito, lalong
tumitibay ang kredibilidad ng
ginawang salin at mas
naipagtatanggol ito sa mga maaaring
kumuwestiyon dito.
TEORYA BLG. 1:
FORMAL VS. DYNAMIC
EQUIVALENCE

Eugene A. Nida (1914 – 2011)


Formal Equivalence
 Pinananatili ang anyo at nilalaman (form
and content) ng SL.
 Hindi lang mensahe ng orihinal ang
pinananatili sa TL kundi maging ang mga
pisikal na sangkap nito gaya ng
bokabularyo, gramatika, sintaks, at
estruktura.
 Hindi ito literal na pagsasalin kundi
matapat na salin.
Formal Equivalence
• Adheres closely to ST form – “quality of
translation in which features of the form of
the ST have been mechanically
reproduced in the receptor language”.
• “involves the purely formal replacement of
one word or phrase in the SL by another
TL.”
• Layunin: “allow ST to speak ‘in its own
terms’ rather that attempting to adjust it to
the circumstances of the target culture.”
Formal Equivalence
Features:
a. original wording
b. not joining or splitting sentences
c. preserve formal indicators like
punctuation marks or paragraph breaks
d. Explanatory note (kapag hiniram ang
salita)
• Fidelity to lexical details and grammatical
structures; accuracy
Formal Equivalence
Hal.,

Una, si Edward
ay isang bampira.
Formal Equivalence
 Mas natural kung sasabihin na lang na
“Una, bampira si Edward.”
 Ngunit kailangang panatilihin ang ayos
ng pangungusap ng SL kaya nauna ang
simuno bago ang panaguri (…si Edward
ay isang bampira).
 Hindi rin kailangan sa Filipino na
tumbasan ng “isang” ang “a” ngunit dahil
mayroon nga nito sa SL, kailangan pa rin
itong ilagay.
Pagtagpuin ang
iyong mga linya
sa mga sulok.
Dynamic Equivalence
 Tinatawag ding functional equivalence.
 Nakatuon sa paghahatid ng kahulugan,
hindi ng estruktura ng orihinal.
 “quality of a translation in which the
message of the original text has been so
transported into the receptor language
that the response of the receptor is
essentially like that of the original
receptors.”
Dynamic Equivalence
 Hindi ito malayang salin (free translation)
na puwedeng tumiwalag ang tagasalin
sa SL.
 Sa halip, hinahamon nito ang tagasalin
na balansehin ang pagiging tapat sa
kahulugan at diwa ng orihinal habang
ginagawa ring natural at katanggap-
tanggap (hindi tunog-salin) ang salin
para sa target audience.
Dynamic Equivalence
Original Agni’s mother works a lot.
Formal Ang nanay ni Agni ay gumagawa
Equivalence ng maraming trabaho.
Dynamic Kayod nang kayod ang nanay ni
Equivalence Agni.

Magkapareho ng kahulugan ang salin ngunit


hindi nakatali ang pangalawang salin sa mga
salitang ginamit sa orihinal sa halip, naghanap
ng panumbas na maaaring mas madamá ng
target audience.
Dynamic Equivalence
Ginagamit ito kapag:

• Ang ST ay hindi malinaw o hindi maintindihan kapag


ginamitan ng formal equivalence (may suliranin sa
comprehensibility)

a. dressed to kill – “nakapamburol”, sa halip na


“dinamitan para pumatay”
b. hand to mouth existence – “isang kahig, isang tuka”,
hindi “kamay sa bibig na pamumuhay”

• Ang ST ay hindi gaanong form-bound - ang form ay


hindi gaanong sangkot sa pagpapahayag ng
kahulugan.
Dynamic Equivalence
Mga Paraan
• Pag-uulit (redundancy)
• Pagpapaliwanag
• Pagpapaikli (gisting)
• Pagdaragdag
• Alterasyon
• Paglalagay ng footnote
• Modipikasyon ng wika para umangkop sa
karanasan ng target audience
• Pagbabago ng ayos ng pangungusap
Formal o Dynamic?
Nangangahulugan ba itong mas
maganda ang dynamic kaysa
formal? Ang huli ba ang dapat laging
pairalin kaysa una?

Depende sa kahingian ng teksto, ng


nagpapasalin, at/o ng target
audience.
MAGSANAY TAYO!
Formal o Dynamic?
 Batas o ordinansa
 Salita ng Diyos
 Subtitle ng pelikula o serye
 Tagline ng isang brand (hal., “I’m lovin’
it ng McDo”)
 Recipe
 Talumpati ng isang mahalagang tao
 Bisyon-misyon ng isang institusyon
 Haiku
TEORYA BLG. 2:
SEMANTIC VS.
COMMUNICATIVE
TRANSLATION

Peter Newmark (1916 – 2011)


Semantic vs.
Communicative Translation
Nahahawig ang konsepto kay Nida.
Katumbas ng semantic translation ang
formal equivalence at ng
communicative translation ang
dynamic equivalence.
Semantic Translation
 “attempts to render, as closely as the
semantic and syntactic structures of
the second language allow, the exact
contextual meaning of the
original” (1981, p. 39)
 may pagkiling sa SL
 literal
 tapat sa may-akda ng simulaang
teksto
 nananatili sa orihinal na kultura
Ang pangunahing gusaling mga materyal ay: kawayan,
yantok, iba’t ibang katutubong kahoy, katutubong mga
anahaw tulad ng anahaw, sasa, tubo, mahahabang
damo, para sa pangangati.

Sanggunian: http://www.ternar.com/asianart_98/philarch.htm
Communicative
Translation
 “attempts to produce on its readers an
effect as close as possible to that
obtained on the readers of the
original” (1981, p. 39)
 may pagkiling sa TL
 malaya at idyomatiko
 nakatuon sa magiging puwersa kaysa
sa nilalaman ng mensahe
 iniaangkop sa kultura ng mambabása
Semantikong Salin Komunikatibong Salin
• Focuses on the • Concentrates on effect
meaning
• Looks towards the new
• Looks back at the ST addressee; trying to
and tries to retain its satisfy them as much
characteristics as
much as possible as possible
• More complex, • Smoother, simpler,
awkward, detailed, clearer, more direct,
concentrated more conventional
• Tendency to • Tends to
overtranslate undertranslate, to be
smoother, more direct
and easier to read
Magsanay Táyo
Troli, the wooden scooter from
Ifugao.
Riding a bike is solitary freedom.
It lets our individual self go
wherever we want.

Si Troli, ang kahoy na iskuter mula sa


Ifugao.
Ang pagsakay sa bisikleta ay nag-
iisang kalayaan. Pinapayagan nitong
pumunta ang ating sariling sarili saan
man natin gusto.

Sanggunian: https://artsandculture.google.com/exhibit/only-in-the-philippines-center-for-art-new-ventures-sustainable-development-
canvas/iwLSkeopr5qoJQ?hl=en
Magsanay Táyo
Amidst natural disasters, Filipinos are
strong-spirited people who continue to
brave each storm hand in hand.
Whatever situation we are in, we rise as
one nation. Filipino Pride, as they say,
is "May angas. May yabang."

Sa kabila ng maraming sakunang


dumaan, ang mga Pilipino ay ay
nananatiling matatag na kung saan
patuloy pa ring lumalaban sa gitna ng
unos nang nagtutulungan. Anoman ang
mangyari, tumatayo tayo bilang isang
nasyon. Ang pagiging taas-noong mga
Pilipino, gaya ng sabi nga nila, ay “May
angas. May yabang.”
Sanggunian: https://artsandculture.google.com/exhibit/only-in-the-philippines-center-for-art-new-ventures-sustainable-development-
canvas/iwLSkeopr5qoJQ?hl=en
Magsanay Táyo
Si Troli, ang kahoy na iskuter
Troli, the wooden scooter mula sa Ifugao.
from Ifugao.

Riding a bike is solitary Ang pagsakay sa bisikleta ay


freedom. It lets our nag-iisang kalayaan.
individual self go wherever Pinapayagan nitong pumunta
we want. ang ating sariling sarili saan
man natin gusto.

Sanggunian: https://artsandculture.google.com/exhibit/only-in-the-philippines-center-for-art-new-ventures-sustainable-development-
canvas/iwLSkeopr5qoJQ?hl=en
Magsanay Táyo
Sa kabila ng maraming sakunang
Amidst natural disasters, dumaan, ang mga Pilipino ay ay
Filipinos are strong-spirited nananatiling matatag na kung
people who continue to brave saan patuloy pa ring lumalaban sa
each storm hand in hand. gitna ng unos nang nagtutulungan.
Whatever situation we are in, we Anoman ang mangyari, tumatayo
rise as one nation. Filipino Pride, tayo bilang isang nasyon. Ang
as they say, is "May angas. May pagiging taas-noong mga Pilipino,
yabang." gaya ng sabi nga nila, ay “May
angas. May yabang.”

Sanggunian: https://artsandculture.google.com/exhibit/only-in-the-philippines-center-for-art-new-ventures-sustainable-development-
canvas/iwLSkeopr5qoJQ?hl=en
TEORYA BLG. 3:
DOMESTICATION VS.
FOREIGNIZATION

Lawrence Venuti (1953 – )


Domestication vs.
Foreignization
 Kinikilala ang matalik na ugnayan
ng wika at kultura sa pagsasalin.
 Itinatanong nito sa tagasalin:
ipararanas ba ang kultura ng
simulaang teksto o iaayon ang
teksto sa kultura ng mambabása?
Kung ikaw ang tagasalin, paano
mo ito tutumbasan? Bakit?
Domestication
 Inilalápit at inilalapat ang teksto sa
konteksto ng mga mambabása sa
paggamit ng mga salitang lokal o
higit na pamilyar sa kanila kaysa sa
mga terminong banyaga.
Domestication
 “Wangseja/Seja” ang
sadyang tawag sa
wikang Koreano sa
“crown prince”. “Seja-
jeoha” (Your Royal
Highness) ang magalang
na pantawag na
espesipiko sa kaniya.
 Sa Filipino, isinasalin lang
ito na “Mahal na
Prinsipe” at
“Kamahalan”. Hindi
ginagamit ang
espesipikong mga
terminong Koreano.
Foreignization
 Pinananatili ang mga terminong kultural ng
SL gaya ng mga pangalan ng tao (hal.,
“Fernando de Magallanes” sa halip na
“Ferdinand Magellan”); konsepto (hal., “yin
at yang”, “hara-kiri”, “karma”); mga
katawagan sa pagkain, pananamit, at iba
pang sining (hal., “kimchi” sa halip na
“buro”, “hanbok” sa halip na “tradisyonal
na kasuotang Koreano”); pangalan ng
mga kalye, lugar, institusyon, atbp. (hal.,
“Harvard University” sa halip na
“Unibersidad ng Harvard”, “East
Coast/West Coast” sa halip na
“Silangan/Kanlurang Baybayin”); at iba pa.
Foreignization
• SL: …Ma put on her
special sari (p. 16)
• TL: …napasuot si
Nanay ng espesyal
niyang sari (p.16)
Pag-usapan Natin
Alin ang mas mainam sa dalawa:
panatilihin ang pagiging “foreignized”
ng isang ST o gawin itong
“domesticated” ayon sa konteksto ng
target audience?
TEORYA BLG. 4:
TEORYANG SKOPOS

Hans Vermeer (1930 – 2010)


Suriin ang sumusunod na salin:

Ano ang masasabi ninyo


sa pagtutumbas?
Teoryang Skopos
• Skopos – salitang Griyego na
nangangahulugang “purpose”.
• Naiimpluwensiyahan ang salin ng
layunin kung bakit ba ito ginagawa;
paano pinakaepektibong makakamit
ang intensiyon sa pagsasalin?
Teoryang Skopos
• Hal., kung ang skopos ay “maipaintindi
ang panganib ng pagtawid at
mapasunod talaga ang mga
pedestrian”, maaaring hindi sapat ang
matamlay na “Bawal tumawid” para sa
“No jaywalking” kundi dagdagan ng
babala na “May namatay na rito” sa
tekstong kulay pula (simbolo ng mariing
babala o puwede ring dugo ng táong
magpapasaway at maaaksidente).
Teoryang Skopos
Sa simula pa lang ng pagsasalin, kailangang tanungin
ng tagasalin:
a) Bakit isinasalin ang ST?
b) Ano ang magiging function ng TT?

Dalawang batayang tuntunin ng skopos:


Rule 1: “an interaction is determined by (or is a function
of) its purpose”
Rule 2: “the skopos can be said to vary according to the
recipient”

Dapat piliin ang paraan ng pagsasalin sa pinakaangkop


na makatutugon sa layunin.
Teoryang Skopos
Implikasyon ng Teoryang Skopos

• Kinikilala ang iba’t ibang posibilidad ng


pagsasalin ng teksto.
• Nagiging target-oriented ang pagsasalin.
• Ang pagsasalin ay paglikha ng bago at
orihinal sa halip na magbigay lámang ng
parehong impormasyon gamit ang ibang
wika.
Suriin
• Luke 22: 58-59

• A little later someone else saw him


and said, “You also are one of them.”
“Man, I am not!” Peter replied. About
an hour later another asserted,
“Certainly this fellow was with him, for
he is a Galilean.”
• After ilang minutes, may nakapansin
ulit kay Peter at sinabi sa kanya, 'Isa
ka sa mga kasamahan nila.' Pero
sumagot si Peter, "Hindi po ako 'yun,
sir!" After one hour, may lalaking
nag-insist, "Sure ako, kasama ni Jesus
ang taong ito, kasi taga-Galilea din
sya."
Teoryang Skopos
Ayon sa konsultant ng Philippine Bible
Society (PBS) na si Dr. Anicia del Corro na
nanguna sa pagsasalin ng Pinoy New
Testament, Teoryang Skopos daw ang
ginamit nila. Ang layunin nila ay “mailapít
ang Salita ng Diyos sa bagong henerasyon”
kaya ang wika rin ng nasabing henerasyon
ang ginamit nila. Kung pagbabatayan ang
sales, masasabing naabót nila ang kanilang
Skopos dahil ubós ang kopya ng Bibliya
nang ibenta ito.
Pag-usapan Natin
Ano-ano ang kagandahan at di-
kagandahan ng paggamit ng
Teoryang Skopos sa pagsasalin?
TEORYA BLG. 5:
MGA URI NG TEKSTO

Katharina Reiss (1923 – 2018)


Mga Uri ng Teksto
Suriin ang pagkakaiba-iba ng salin.
Source Text Posibleng Salin
It’s tasty! Try it. Ito ay malasa. Tikman mo.
Sumasabog sa lasa.
Hayaang dila’y magpista!
Malasa ito! Tikman mo na.

Kung ikaw ang magsasalin ng ST, ano


ang sarili mong salin?
Bakit dapat suriin ang ST?

“Translation is a very broad, complex and multi-


faceted phenomenon, encompassing much more
factors than it seems at first glance. It is not just
copying the words from the original work while
changing the language, but it consists of a careful
selection of appropriate phrases and expressions,
combining them together in a skillful way while taking
into consideration numerous aspects, one of them
being the text type.”

- Karolina PUCHALA, Text Typology and Its Significance in Translation


Mga Uri ng Teksto
Ang tipolohiya o pag-uuri ng
tekstong pinakamalaganap na
ginagamit sa teorya ng pagsasalin ay
ang ipinanukala ni Reiss (1976:10) na
nakabatay sa konsepto ni Karl Bühler ng
mga gámit ng wika.
MGA URI NG
TEKSTO
1.Tekstong Impormatibo
2.Tekstong Ekspresibo
3.Tekstong Operatibo
Mga Uri ng Teksto
Tekstong Impormatibo
• Nakatuon sa nilalaman ng mensahe.

• Hal., tekstong nagbibigay-kaalaman


gaya ng saliksik, teksbuk,
ensiklopidya, atbp.
• Ang pangunahing layunin ng
tagasalin ay maipása nang wasto ang
mga kaalaman mula SL pa-TL.
Mga Uri ng Teksto
Tekstong Impormatibo
Mga Uri ng Teksto
Tekstong Ekspresibo
• Nakatuon sa anyo ng teksto.

• Hal., mga akdang pampanitikang


gumagamit ng masining o matayutay
na wika.
• Ang pangunahing layunin ng
tagasalin ay matumbasan ang
estetika o ganda ng SL sa kaniyang TL.
Mga Uri
ng Teksto
Tekstong
Ekspresibo
Mga Uri ng Teksto
Tekstong Operatibo
• Nakatuon sa partikular na mga
pagpapahalaga at padron ng pag-uugali.
• Mga tekstong humihiling o nanghihimok sa
mambabása na kumilos, mag-isip, o dumama
ayon sa layunin ng teksto.
• Inaasahang maaapektuhan nito ang opinyon
ng mga tao, ang kanilang pag-uugali o lilikha
ng reaksiyon sa kanila.
• Karaniwan, ibinabagay ng tagasalin ang
pagsasalin sa wika ng mga tatanggap ng salin.
Mga Uri
ng Teksto
Tekstong Operatibo
Mga Uri ng Teksto
Text type Informative Expressive Operative

Language Representing Expressing Making an


function facts attitude appeal
Language Logical Aesthetic Dialogical
dimension
Text focus Content- Form-focused Appellative-
focused focused
TT should Transfer Transfer Elicit desired
content aesthetic form response
Translation Plain prose, Adopt ST Equivalent
method clarification perspective effect
Mga Uri ng Teksto
BILANG PAGLALAGOM…
Ano-ano ang inyong mahahalagang
natutuhan sa ikalawang aralin?

1.

2.

3.
MGA PILÍNG TEORYA
SA PAGSASALIN

Aralin 2
Filipino 2: Panimulang Pagsasalin

You might also like