You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
SUAL CENTRAL SCHOOL
POBLACION, SUAL, PANGASINAN

SELF-LEARNING MODULE
ARALING PANLIPUNAN 2
QUARTER 4, WEEK 7-8

Prepared by:

FLORDELUNA C. LAURIANO
Teacher II

Checked by:

MICHAEL E. RAME, EdD


OIC-PRINCIPAL
Name: Score:
Grade and Section: Date:

Araling Panlipunan 2: Quarter 4 (Week 7)


Objective: Matutukoy ang epekto ng pagpapatupad o hindi pagtupad ng mga
karapatan sa buhay ng tao at komunidad.

MELC:

Suriin:
Mahalagang malaman nating lahat ang ating mga karapatan. Bawat bata ay
may karapatang pangalagaan ang kanilang karapatan. Tinatamsa ba natin ito
sa ating komunidad?

Gawain I:
Panuto: Isulat ang + kung ipinapatupad ng komunidad ang mga karapatan ng
maayos at - kung hindi.
1. Maganda ang plaza ng aming komunidad. Maraming bata ang ligtas
na naglalaro rito tuwing walang pasok.
2. Hindi nag-aaral ng dahil sa kahirapan si Carlo. Dahil sa libreng
edukasyon,tinutulungan siya ng isang kagawad sa Barangay na makapasok
sa paaralan.
3. Ang pamilya ni Angelo ay masayang naninirahan sa kanilang
komunidad.
4. Sa ilalim ng tulay naninirahan ang pamilya nina Robert. Pinagtagpi-
tagping kahon at plastik ang kanilang bahay.
5. Maraming mga bata ang may angking kakayahan sa pag-awit at
pagsayaw sa aming komunidad.

Gawain II:
Panuto: Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod ng karapatan
at di-pagsunod ng karapatan. Lagyan ng √ (tsek) ang nagpapakita ng
pagtupad,
(X) naman kung hindi.
1. Paglilinis ng kapaligiran.
2. Pagkain ng masustansiyang pagkain.
3. Pakikipaglaro sa kapwa.
4. Pagpunta sa doktor kung may sakit.
5. Paglilimos sa kalsada.

Gawain III:
Magpakita ng mga larawan ng pagtupad at di-pagtupad ng mga karapatan.
Objective: Pagtukoy at paglalarawan sa mga gawaing nagpapakita ng
pagtutulungan at pakikipagkapwa.

MELC: K-12 CGP


P. 240-242

Suriin: Ang bawat batang Pilipino ay may mga tungkuling dapat gampanan
upang maging maayos, mapayapa at maunlad ang kaniyang komunidad.

Gawain I:
Panuto: Iguhit ang kung kaya mo nang gawin ang mga nakatalang
tungkulin.
1. Magbayad ng buwis.
2. Magtapon ng basura sa tamang basurahan.
3. Dumalo sa mga pagpupulong na ipinatatawag ng Barangay.
4. Sumali sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.
5. Tumawid sa tamang tawiran kahit walang nakatinging pulis-trapiko.

Gawain II:
Panuto: Iguhit sa papel ang maaaring maging epekto ng pagtupad at di-
pagtupad ng tungkulin.
1. Maraming nagmimina sa bundok ng iyong komunidad na walang
pahintulot ang pamahalaan.Ano ang maaaring mangyari sa komunidad?
2. Malinis ang kapaligiran at disiplinado ang mga tao sa iyong
komunidad. Ano kaya ang magiging epekto nito?

Gawain III:
Panuto: Iguhit sa papel ang tungkulin mo sa pangangalaga sa kapaligiran ng
iyong komunidad.

You might also like