You are on page 1of 1

Manila

CAASALAN SA SARILI
Pinakamamahal kong Feliza,

Aking naisulat na sa iyo, ang madlang kahatulang ukol sa paglilingkod sa Diyos, ngayong ay
isusunod ko ang nauukol sa sarili nating katayuan.
Sabihin mo kay Honesto, na bago pumasok sa eskwela, maghihilamos muna, suklayin, ayusin
ang buhok, at ang baro’t salawal na gagamitin ay malinis; ngunit ang kalinisa’y huwag iuukol sa
pagpapalalo. Huwang pahahabaing lubha ang buhok na parang tulisan, sapagka’t, ito ang
kinagagawian nang masasamang tao. Ang kuko huwang pahahabain, sapagka’t, kung mahaba,
ay pinagkakaratihang ikamot sa sugat, sa ano mang dumi nang katawan, nadurumihan ang kuko
ay nakakasuklam, lalong lalo na sa sa pagkain.
Bago mag-almusal, ay magbigay muna nang magandang araw sa magulang, maestro o sa iba
kayang pinakamatanda sa bahay. Sa pagkain, ay papasanayin mo sa pagbebendisyon muna, at
pagkatapos, ay magpasalamat sa Diyos. Kung madumihan ang kamay, mukha o damit ay
maglinis muna bago pa sa eskwela.
Huwang mong pababayaan, na ang plana, material, tarsilla o regla, papel, libro’t, lahat nang
gagamitin sa eskwela ay maging dungis-dungisan. Kung nakikipag-usap sa kapwa tao, ay
huwang magpapakita nang pagkamahiyain, ang pangungusap at tutuwirin, huwag hahaluan
nang lanyos o lambing, huwag kakamot-kamot o pagkuskusin ang balat kaya ang kamay o
babasain nang laway ang daliri at ipagkuskus mo nga ito sa iyong balat, huwag magpapakita ng
karumihan.
Sa harap ng ating magulang o matanda kaya, ay huwag mong pababayaang manabako, o
makipag-usap kaya ng kalapastangan o matunog sa sabi.
Adios, Feliza!

Hanggang sa isang sulat,


Urbana

You might also like