You are on page 1of 24

Kuwarter 3 - Modyul 2:

Tekstong Deskriptibo
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik - Senior High
School Alternative Delivery Mode
Kuwarter 3 – Modyul 2: Tekstong Deskriptibo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa
aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B Pascua

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral


Manunulat: Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara, Bonifacio N. Gegato Jr,Marben A. Oco
Tagasuri ng nilalaman: Johanna Vanessa C. Obedencio
Tagasuri ng Lengguwahe: Mary Ann A. Maglangit, Russel Kerr E. Galarroza
Tagabalibasa: Louella Jean B. Mariano
Tagasuri : Helen R. Lucman,PhD
Tagaguhit: Perlito L. Lomongo
Naglayout: Jupiter B. Acosta
Mga Tagapamahala:
Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO
III Regional Director

Pangalawang Pangulo:Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Mga Miyembro: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr.,PhD,EPS-


ADM; Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino;
Celieto B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
Kuwarter 3 - Modyul 2:
Tekstong Deskriptibo

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng


mga edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin
ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng
kaalaman sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa
serye ng mga modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng
sapat na panahon para unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na
maraming kaalaman ang iyong mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling
pagsisikap.

Sa modyul na ito, sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri ng


iba’t ibang anyo ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at gawain na
maghahanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik. Ang modyul na ito ay
hinati sa iilang mga bahagi na may magkatimbang na halaga sa pagkatuto.

Ito ay hinati sa mga sumusunod na bahagi:

Alamin – Sa bahaging ito inilalahad ang mga Kasanayang Pampagkatuto na


sisikapin nating matamo sa buong semestre.

Subukin – Dito susubukin ang lawak ng iyong kasalukuyang kaalaman


tungkol sa paksa.

Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito, matututunan mo ang araling itinakda


na hinati sa iilang mga bahagi gaya ng balikan, tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip
at isagawa.

Tayahin – Malalaman mo sa bahaging ito kung sadya bang naunawaan mo


ang bagong araling napag-aralan sa pamamagitan ng pagtataya ng natamong
kaalaman.

Karagdagang Gawain – Upang mas mapalawak at mapalawig pa ang iyong


kaalaman sa araling ito, isa pang gawain ang kailangan mong tapusin sa bahaging
ito.

Lahat ng iyong mga kasagutan sa mga gawain ay isusulat mo sa kalakip na


Activity Sheets. Maaari kang gumamit ng dagdag na papel bilang burador bago mo
pinal na isulat sa Activity Sheets.

Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga ay
matamis”, kaya hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng
pagbahagi ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na malulumbay o
mawawalan ka ng dahilan upang matuto ngunit pakatandaan na ang iyong
pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng kasaganahan.

Halina’t matuto!

Mga May-akda

1
ALAMIN

Bigyan mo lamang ng sapat na panahon para unawain ang bawat bahagi ng


modyul na ito at tiyak na maraming kaalaman ang iyong mapupulot sa pamamagitan
ng iyong sariling pagsisikap.

Sa bahagi ng modyul na ito makikita ang yugto ng pagkatuto na balikan,


tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa simula at wakas ng
modyul ay may mga pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman bago at
matapos ang aralin. Sa bawat yugto ng pagkatuto ay may inihandang gawain na
maging batayan mo upang mapaunlad ang iyong kasanayan sa pangkabatiran
(cognitive), pandamdamin (affective), at sayko-motor (psychomotor).

Narito ang mga kasanayang pampagkatuto na dapat malinang mo bilang


isang mag-aaral:

1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng


tekstong deskriptibo (FIIPT-IIIa-88);
2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo (FIIPS-IIIb-
91);
3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong tekstong deskriptibo (F11PU –
IIIb – 89);
4. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong deskriptibo o
sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig ( F11PB – IIId – 99);

Bago pasagutan ang kasunod na bahagi,


siguraduhing asahan lamang ang sariling
kaalaman tungkol sa paksa. Sa
pagkakataong ito, hindi mahalaga ang
iskor na iyong makukuha. Iwasang silipin
ang mga mga kasunod pa na pahina.

2
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Tama o Mali. Batay sa sariling paghihinuha, tukuyin kung ang pahayag
ay tama o mali. Isulat sa inilaang patlang ang salitang MATA kung ito ay tama, at
LIMA naman kung ang pahayag ay mali.
_____ 1. Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o
iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na
pinagmulan ng larawan.
_____ 2. Gumagamit ang manunulat ng mga salita upang mabuo sa isipan ng
mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
_____ 3. Ang pangunahing layunin ng tekstong deskriptibo ay ipakita at iparamdam
sa mambabasa ang bagay o anumang paksa na inilalarawan.
_____ 4. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang
mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na nais na bigyang-
buhay.
_____ 5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring karaniwan o malikhain.
_____ 6. Sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng iba
pang uri ng teksto lalong-lalo na ng tekstong naratibo.
_____ 7. Ang maikling kwento ay isang direktang halimbawa ng tekstong deskriptibo.
_____ 8. Ang paningin, na isa sa mga limang pandama ay isa lamang sa
mahalagang pumupukaw sa paglalarawan.
_____ 9. Ang malikhaing paglalarawan ay ginagamitan ng mga matalinghagang
salita.
_____ 10. Sa karaniwang paglalarawan, subhektibo ang paglalahad ng kongkretong
katangiang inilalarawan.
_____ 11. Simpleng salita lamang ang kailangan sa malikhaing paglalarawan.
_____ 12. Nagbibigay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama ang
tekstong deskriptibo.
_____ 13. Kay tangkad mo na animo’y isang kapre. Ito ay isang halimbawa ng
karaniwang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
_____ 14. Ang paggamit ng mga tayutay ay isang paraan ng karaniwang
paglalarawan.
_____ 15. Ang karaniwang paraan ng paglalarawan ay naglalayong mapagalaw ang
guniguni ng mga mambabasa upang maipakita ang larawan ayon sa limang
pandama.

3
YUGTO NG PAGKATUTO

BALIKAN

Kung iyong maaalala sa Modyul 1 ( Tekstong Impormatibo ), may mga


elementong taglay ang tekstong impormatibo gaya ng layunin ng may-akda,
pangunahing ideya, pantulong na kaisipan at istilo. Tukuyin ang mga ito mula sa
tekstong mababasa sa kahon.

Inilunsad ni Mark E. Zuckerberg ang Facebook mula sa kanyang


dormitoryo sa Harvard noong ika-4 ng Pebrero 2004. Ang sapantaha ng
Facebook ay galing sa kanyang mga araw sa Phillips Exeter Academy kung saan
gaya ng karamihan sa mga dalubhasa at mga paaaralan ay mayroong
nakagawiang taunang sanggunian ng mga mag-aaral na mayroong mga larawan
ng mga guro at lahat ng mga kawani na tinatawag na "Facebook". Noong siya ay
nasa dalubhasaan pa, ang Facebook ni Zuckerberg ay nagsimula lang bilang
isang bagay na pang-Harvard lamang. Hanggang ninais ni Zuckerberg na
palawigin ang Facebook sa iba pang mga paaralan at inarkila sa tulong ng
kasama niya sa kuwarto na si Dustin Moskovitz.
Una nila itong pinalawig sa Stanford, Dalubhasaan ng
Dartmouth, Pamantasan ng Columbia, Cornel at Yale, at sa lahat ng mga
paaralang may koneksiyong panlipunan sa Harvard.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mark_Zuckerberg

Layunin ng May-akda: _________________________________________________


___________________________________________________________________

Pangunahing Ideya: ___________________________________________________


___________________________________________________________________

Pantulong na Kaisipan: ________________________________________________


___________________________________________________________________

Istilo: _____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

4
TUKLASIN

PANUTO: Basahin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon at sagutin


ang mga katanungan.

A. Dahil umuulan, B. Dahil umuulan, nakisukob si


nakisilong si Dodoy sa ilalim
Dodoy sa ilalim ng payong ni
ng makapal na berdeng
Ningning na animo’y madahon
payong ni Ningning na
pinalamutian ng mga pulang ng punongkahoy na
beads. Ito na marahil ang pinalamutian ng mga pulang
pinakamasayang sandali niya bunga. Abot-langit ang ngiti sa
sa piling ng kanyang kanyang mga labi sa
kasintahan. pagkakataong ito kasama ang
nagpapatibok ng kanyang puso.

1. Alin sa dalawang pahayag ang madaling unawain?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Alin sa dalawang pahayag ang pumukaw sa iyong pang-unawa at damdamin?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Alin sa dalawang paraan ng paglalarawan ang mas nanaisin mong gamitin?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Sa puntong ito ay
panibagong aralin na naman ang
matututunan ng ating mag-aaral.
Tulungan siyang ihanda ang sarili
para sa makabuluhang paglalakbay
na ito!

5
SURIIN

TEKSTONG DESKRIPTIBO

KAHULUGAN
Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon at
kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig,
paningin, at panlasa, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na
kanyang nararanasan.
LAYUNIN
Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng isang bagay,
pangyayari o kaya naman ay makapagbigay ng isang konseptong biswal ng mga
bagay, pook, tao, o pangyayari.
MGA ELEMENTO (DALAWANG PARAAN NG PAGLALARAWAN)
1. Karaniwang Paglalarawan – tahasang inilalarawan ang paksa sa
pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ang mga pang-uri
at pang-abay. Inilalahad sa tekstong ito ang mga pisikal na katangian ng
inilalarawan sa pamamagitan ng obserbasyon.

2. Masining na Paglalarawan – ito ang malikhaing paggamit ng wika upang


makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan. Tinatangka nitong
ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa at ipadama ang isang bagay, karanasan o
pangyayari.

PAGGAMIT NG TAYUTAY UPANG MAGING MALIKHAIN SA PAGGAMIT NG WIKA


SA MASINING NA PAGLALARAWAN.

a. Simile o Pagtutulad – paghahambing ng dalawang magkaibang


bagay, tao at pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng,
parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, animo’y at katulad.

Halimbawa:

6
b. Metapora o Pagwawangis – tuwirang paghahambing kaya’t hindi na
kailangang gamitan ng mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad.

Halimbawa:

c. Personipikasyon o Pagsasatao – tumutukoy sa paglalapat ng mga


katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay.

Halimbawa:

d. Hayperboli o Pagmamalabis – eksaherado o sobra sa mahinahong


katotohanan at hindi dapat kunin ang literal na pagpapakahulugan.

Halimbawa:

7
e. Onomatopeya o Paghihimig – paggamit ng salitang may
pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan.

Halimbawa:

URI NG PAGLALARAWAN
1. Subhektibo – ang manunulat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang
imahinasyon at hindi nakabatay sa katotohanan.

Halimbawa:
Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan
dahil sa matipunong pangangatawan at magaspang na palad na pinanday ng
kahirapan.

2. Obhektibo – may pinagbabatayang katotohanan.

Halimbawa:
Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing
binabalik-balikan ng mga turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng
bansa at mundo. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa bansa.

Subukin ang pang-unawa ng


mag-aaral at pasagutan ang Gawain 1.
Kung may mga bahagi na nahihirapan
siyang unawain, tulungan siyang
mabigyan ng linaw sa mga ito.

8
Gamit ang Venn Diagram, tukuyin ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga
uri at paraan ng paglalarawan batay sa iyong naunawaan sa bagong aralin tungkol
sa tekstong deskriptibo.

SUBHEKTIBO OBHEKTIBO

KARANIWAN MALIKHAIN

9
PAGYAMANIN

Basahin ang isang halimbawa ng tekstong deskriptibo.

Ang Karanasang ‘Di Ko Malilimutan


Jheru Alselmo Mendoza

Lahat tayo ay may karanasang di makakalimutan - karanasan sa pag-ibig, sa


kaibigan, at sa pamilya. Kailan nga ba tayo unang umibig? Kailan ba tayo unang nasaktan?
Ano bang alaala ang lubos na nagdulot ng sakit sa atin? Kailan ba tayo naging masaya?
Naalala mo pa ba? Sa dami ng mga bagay na aking naranasan, kulang pa yata ang isang
libro para maikuwento ko nang buo ang simpleng buhay ko.
Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay. Lagi kaming
magkakasama noon. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan.
Kinakaya namin anumang unos ang dumating dahil lagi kaming magkakasama. Sabi pa ng
aking mahal na ina noon, ayos lang daw maghirap kami at magdildil ng asin basta kompleto
at magkakasama kaming lahat. Nasabi niya ito dahil maaga siyang nahiwalay sa kanyang
pamilya noon. Bata pa lamang siya ay naranasan na niyang mabuhay nang mag-isa.
Mahirap daw ang nag-iisa sa buhay. Malungkot daw. Kaya para sa akin, siya ang
pinakamagaling na ina sa buong mundo kasi maayos niya kaming napalaki kahit nag-iisa na
lamang siya ngayon. Ang aking ama naman ay siyang mabait at mabuting ama. Mahal na
mahal ko siya kahit minsan napapalo niya ako dahil nakakainom siya ng alak.
Lumipas ang ilang taon na palaging masaya ang aking pamilya. Ngunit lingid sa
aming kaalaman, isang malaking problema ang parating sa aming buhay na ganap na
sumubok sa aming katatagan. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim
na baitang, nang malaman ng manggagamot na may kanser sa atay ang aking ama.
Nagulat kami sa nalaman naming balita. Gayunpaman, pinilit naming maging masaya para
sa aming ama dahil ayaw naming makita niyang nalulungkot kami para sa kaniya. Kahit
paano ay mabawasan ang nararanasan niyang paghihirap at kalungkutan.
Ilang buwan na ang lumipas pero hindi namin siya maipagamot dahil sa kakulangan
sa pera. Lumala nang lumala ang sakit niya at bumagsak ang dating masigla niyang
katawan dahil nangayayat siya nang husto. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang
namin ang kaniyang kaarawan. Nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang handa, kami lang
ang nagdiwang at nagsalu-salo. Ang ama ko ay masaya noong araw na iyon ngunit
nararamdaman ko na parang malungkot siya. Hindi niya pinapakita sa amin iyon dahil gusto
niyang maging masaya kami sa araw na iyon.
Ang saya talaga ng araw na iyon para sa akin ngunit iyon na pala ang huling kaarawan
ng aking ama. Tatlong araw ang lumipas, iniwan na niya kami. Wala na siya. Namatay na ang
aking ama. Napaluha na lang ako habang tinitingnan ko ang bangkay niya. Pero naalala ko ang
sabi niya sa akin noon; “Anak, huwag kang iiyak kapag nawala na ako, ha.” Kaya noong libing
niya ay hindi na ako umiyak at tinanggap ko na lang na wala na siya at hindi na siya mahihirapan
dahil kung saan man siya naroon ay masaya na siya sa piling ng Dakilang Ama.
https://www.wattpad.com/9047403-essay-ang-karanasang-di-ko-malilimutan

10
PANUTO:Batay sa tekstong binasa sa Gawain 1, tukuyin kung anong uri ng
paglalarawan ang ginamit sa mga siniping pahayag sa ibaba. Isulat sa patlang ang
letrang S kung ito ay subhektibo at O naman kung ito ay obhektibo.
_____ 1. Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay.
_____ 2. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan, at
kinakaya namin ang anumang unos na dumating dahil lagi kaming magkakasama.
_____ 3. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa buong mundo kasi
maayos niya kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon.
_____ 4. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang,
nang malaman ng manggagamot na may kanser sa atay ang aking ama.
_____ 5. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang kaniyang kaarawan.
nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang handa at kami lang ang nagsalu-salo.

Muling balikan ang tekstong binasa, sumipi ng bahagi ng sanaysay na sa tingin mo ay


Karaniwan o Malikhain ang paraan ng paglalarawan. Magbigay lamang ng isang
halimbawa na may 1-3 pangungusap lamang.

KARANIWAN MALIKHAIN
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________

______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________

11
Kung nakukulangan ka sa pag-unawa sa
aralin, maaaring bisitahin ang site na ito
para sa karagdagang paliwanag:

https://www.slideshare.net/marlonorienza/tekstong-deskriptibo

ISAISIP

Mahusay! Binabati kita sa panibagong biyaya ng kaalaman na


iyong natutunan mula sa modyul na ito.
May dalawang uri ng paglalarawan. Una ay ang ___________ na nakabatay sa
mayamang imahinasyon at ang ikalawa ay ang ____________ na nakabatay sa
katotohanan. Kung nais mong mas simpleng paglalarawan, gumamit ng
_____________ paraan at kung nais mo namang paggalawin ang imahinasyon ay
gumamit ng ___________ paraan.

ISAGAWA

Sumulat ng isang tekstong deskriptibo batay sa sumunod na sitwasyon.

Ikaw ay isang mahusay na


manunulat ng isang Advertising
Company. Naatasan ka ng iyong
boss na gumawa ng brochure na
may kaugnayan sa mga larong Maaaring kang kumuha ng
pambata sa Pilipinas. Ang mga dagdag na papel na magsisilbing
brochures ay ipamumudmod sa burador. Saka na isulat sa inilaang
mga magulang sa subdibisyon activity sheets kung pinal na ang
kung saan bibihira na lang ang tekstong sinulat.
mga batang naglalaro sa kalye.
Maari mo ring dikitan ng mga
larawan o guhitan ng mga imahe
upang mas magiging kawili-wili ang iyong brochure.

12
PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS

Batayan Kaukulang Puntos Nakuhang


Puntos
Angkop ang pagpili ng larawan sa nais
iparating na mensahe ng brochure 10
Malinaw at masining ang paglalarawan sa
mga kalakip na larawan 10
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang
napiling paksa 10
Malikhain at nakatatawag ng atensyon ang 10
kabuuan ng brochure
Malinaw, may kaugnayan ang mga detalye at 10
at mabisa ang paglalarawan
Kabuuan: 50 puntos

Halimbawa:

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fronancapistrano.wordpress.com%2F2013%2F12%2F03%2
Fbrochure-mga-sikat-na-larong-pinoy-sa-san-jose-batangas%2F&psig=AOvVaw2-xopv3ipCnWir-
rMtqfps&ust=1591260123066000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNjj04eg5ekCFQAAAAAdAAAAABAD

13
14
TAYAHIN

PANUTO:Tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat aytem. Pumili ng sagot mula sa
kahon sa ibaba at isulat ang katumbas na titik sa patlang bago ang bilang ng bawat
aytem. Maaaring ulitin ang sagot kung kinakailangan.

A. Deskriptibo B. Karaniwan C. Pang-uri D. Tama


E. Pang-abay F. Naratibo G. Malikhain H. Layunin
I. Obhektibo J. Subhektibo K. Impormatibo L. Mali

_____ 1. Ang tekstong ______ ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta


o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin
nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
_____ 2. Ang _____ at pang-abay ay mga uri ng pananalita na ginagamit sa
paglalarawan.
_____ 3. Ang ipakita at iparamdam sa mga mambabasa ang bagay o anumang
paksa na inilalarawan ang siyang pangunahing _____ ng tekstong
deskriptibo.
_____ 4. Mga pang-uri at ______ ang karaniwang ginagamit ng manunulat
upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na
nais bigyang-buhay.
_____ 5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring ____ o malikhain.
_____ 6. Sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng
iba pang uri ng teksto lalong-lalo na ng ____.
_____ 7. Ang talaarawan ay isang direktang halimbawa ng tekstong
deskriptibo. Tama o Mali?
_____ 8. Mahalagang mapukaw ang limang pandama sa paglalarawan.Tama
o Mali?
_____ 9. Sa ____ paglalarawan, ginagamit ang mga matalinghagang mga
salita.
_____10. Sa karaniwang paglalarawan, ____ uri ang paglalahad ng
kongkretong katangian ng nilalarawan.
_____11. Simpleng salita lang ang kailangan sa _____ paglalarawan.
_____12. Nagbibigay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama
ang tekstong _____.
_____13. Kay tangkad mo na animo’y isang kapre. Ito ay isang halimbawa
ng____ paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
_____14. Ang paggamit ng mga tayutay ay isang paraan ng
____paglalarawan.
_____15. Ang ____ paraan ng paglalarawan ay naglalayong mapagalaw ang
guniguni ng mga mambabasa upang maipakita ang larawan ayon sa
limang pandama.
15
KARAGDAGANG GAWAIN

Unawain nang mabuti ang sitwasyon at ibigay ang hinihingi nitong paglalarawan.

1. Mahaba ang itinagal ng Community Quarantine sa bansa dahil sa COVID-19. Marahil


samut-saring emosyon ang iyong naramdaman sa panahon ng krisis na ito. Ilahad
ang mga ito sa pamamagitan ng isang masining na paglalarawan. Pagkatapos ng
huling pangungusap ng paglalarawan, isulat ang #quarantinestories.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Sumulat ng paglalarawan tungkol sa mga katangian na sa palagay mo ay dapat


taglayin ng hihiranging Binibining Pilipinas at susunod sa yapak ni Catriona Gray.
Isaalang-alang ang kulay ng balat, kulay ng buhok, taas, timbang, kabuuang
personalidad bukod pa sa mga panloob na katangiang dapat niyang taglayin bilang
kinatawan ng Pilipinas sa paligsahang pandaigdig.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Nakuhang


Puntos
Malinaw at masining na paglalarawan 5
Kahusayan sa paggamit ng wika 5
Kalinawan, kaugnayan ng mga detalye at 5
bisa sa paglalarawan
Kabuuan: 15 puntos

16
SUSI NG PAGWAWASTO

17
18
TALASANGGUNIAN

MGA AKLAT

Atanacio, Heide C., Yolanda S. Lingat, and Rita D. Morales. 2016. Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C & E
Publishing Inc.

Bandril, Lolita T., Voltaire M. Villanueva, Alma T. Bautista, and Diana F. Palmes.
2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Quezon City: Vibal Group Inc.

MGA WEBSITES

https://tl.wikipedia.org/wiki/Mark_Zuckerberg

https://nineplanets.org/questions/how-much-does-the-earth-weigh/

https://viceprovost.tufts.edu/ehs/files/October2014.VI2-Backpacks.pdf

https://www.wattpad.com/9047403-essay-ang-karanasang-di-ko-malilimutan

https://www.slideshare.net/marlonorienza/tekstong-deskriptibo

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fronancapistrano.word
press.com%2F2013%2F12%2F03%2Fbrochure-mga-sikat-na-larong-pinoy-sa-san-jose-
batangas%2F&psig=AOvVaw2-xopv3ipCnWir-
rMtqfps&ust=1591260123066000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTC
Njj04eg5ekCFQAAAAAdAAAAABAD

19
For inquires or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address

You might also like