You are on page 1of 4

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

GApplied Subject

Blg. sa Klase.: G5 Petsa: ______________________


Modyul 5 – 2nd
Pangalan: DELACRUZ, Kyle Nicole G. Quarter – SY2021-22 Baitang at
Seksyon: St. Vincent de Paul Guro: Bb. Luz Alfeche

I. Paksa: Pagsulat sa Pagtatrabaho

II. Layunin:
Sa katapusan ng modyul, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. matukoy ang mga halimbawa ng mga sulatin sa pagtatrabaho;
2. makilala ang mga katangian nang mahusay na sulating ginagamit sa pagtatrabaho sa
pamamagitan ng mga halimbawa; at
3. makasulat ng organisado,malikhain at kapani-paniwalang dokumentong pagtatrabaho.

III. Kagamitan:
1. Aklat: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik, Diwa Textbook Julian Ailene,
Nestor B. Lontoc Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Phoenix
Publishing House, 2016
2. Pagsangguni sa Internet – Prezi.com/7outOjhlwcsy/lint, https://brainly.ph,
www.linkedin.com

IV. Saklaw na Panahon: 2 na araw

V. Konsepto: Alamin Natin!

Executive order No. 335.S.1988 - naglalayong palaganapin


ang paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na
transaksiyon at korespondensiya sa mga tanggapan ng
pamahalaan. Ngunit sa kabila nito karamihan ng ating mga
sulatin sa pagtatrabaho ay nakasulat sa Ingles.

Ano nga ba ang sulatin sa pagtatrabaho?

Ito ay isang uri ng propesiyonal na komunikasiyon. Ito ay ginagawa kung


magpapahayag ka ng mensahe sa mga tao sa loob ng organisasyon,sa mga kliyente o
iba pang indibidwal. Ginagamit din ito sa mga akademikong institusyon, non-
government at non profit organizations, at iba pang organisasyon sa iba’t ibang
larangan.

Ang mga sumusunod ay ilang halimbawa ng dokumentong pantrabaho

1. Liham Pasasalamat 5. Katitikan ng Pulong


2. Liham Aplikasyon 6. Korespondensiya Opisyal
3. Resume 7. Press Release
4. Agenda 8. Panukalang Proyekto
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Modyul 5 Pahina 1 ng 3
Noon nakasulat kamay lamang ang mga sulating nabanggit lalo na ang mga opisyal na
koresponsiya. Kahingian noon ang paggamit ng legal na lenggwahe, ibig sabihin,
tumpak, kumplikado, pormal, at talaga namang mahirap basahin.

Ngunit sa pag-usbong ng internet nagkaroon ng pagbabago lalo na sa paraan ng


komunikasyon. Nagkaroon ng pagbabago sa pagsulat ng salita. Ang pormal na
lenggwahe na ginagamit sa email, blog, cell phone,at maging sa pormal na Web site ay
iba sa pormal na lenggwaheng ginagamit noon.

Ngayon mas maikli at madaling maunawaan dahil sa simpleng salita at di kumplikadong


pangungusap.Dahil sa pagbabagong ito,naging mahalagang kasanayan ang pagsulat
sa pagtatrabaho. Mas maraming ginugugol na oras ng mga nagtatrabaho sa pagsulat
kumpara noon. (Taylor, 2013)

Layunin ng Pagsulat para sa Pagtatrabaho


1. Mabasa nang mabilis at maiparating ang mensahe.
2. Maipaliwanag at maipagtanggol ang isinagawa o isasagawa
3. Magbahagi ng impormasyon
4. Maimpluwensyahan ang sinumang tatanggap ng mensahe na gumawa ng
aksiyon
5. Mag-utos sa tumatanggap ng mensahe

Mga Prinsipyo
1. Alamin bakit ka magsusulat at kung ano ang inaasahan mong resulta.
2. Pagpapahayag nang malinaw na mensahe.
3. Paggamit ng simple at karaniwang salita.
4. Maikli at deklaratibong pahayag.
5. Iwasan ang mga balbal o bulgar na mga salita,tandang padamdam,o mga
impormal na panimulang pagbati.

VI. Pagsasanay: Subukin natin!


Panuto: Ayon sa dating kaalaman, bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang mga
sumusunod na salita.
1. Liham

2. Resume

3. Agenda

4. Katitikan ng Pulong

5. Korespondensiya Opisyal

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Modyul 5 Pahina 2 ng 3


VII. Pagtataya: Tiyakin natin!
A. Panuto: Isulat sa kahon kung ano ang tinutukoy sa mga sumusunod na pangungusap.
1-3 . Ang mga dapat iwasan sa pagsulat ng 3 SAGOT:
sulatin sa pagtatrabaho.
1.) Ang mga salitang dapat
gamitin habang nagsusulat
ng sulatin sa pagtatrabaho
ay dapat hindi balbal at
impormal.
2.) Kapag nagsusulat ng sulatin
sa pagtatrabaho ay dapat
hindi paligoy-ligoy. Dapat ay
diretso sa punto ang
nilalaman ng ating talata.
3.) Dapat ring iwasan ang
pagkakaroon ng pagkakamali
habang tayo ay nagsusulat.

4. Ang pinag-uutos ng Executive Order Naglalayong palaganapin ang pag


No. 335.S.1988 na may kaugnayan sa gamit ng wikang Filipino sa mga
pagbuo sa sulatin sa pagtatrabaho.
opisyal na transaksiyon at
korespondensiya sa mga
tanggapan ng pamahalaan.

5. Noong wala pa ang internet, ito ang mga Lapis at papel


salitang ginagamit sa pagsulat ng mga
sulatin para sa pagtatrabaho.

6. Sa pagdating ng internet, anong Nang dahil sa internet, naging


kasanayan ang naging mahalaga? mas madali ang pagpapadaloy ng
palitan ng mensahe at
impormasyon.

7-9. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa 3 SAGOT:


pagbuo sa pagbuo ng mga sulatin sa 1.) Maipaliwanag at
pagtatrabaho? madepensahan ang mga
naisagawa
2.) Pagbabahagi ng
impormasyon
3.) Maimpluwensyahan ang
sinumang tatanggap ng
mensahe.

10. Ginagamit ito upang maghatid ng KUMPYUTER/INTERNET


mensahe sa iiba’t ibang tao.

B. Panuto: Sinasabing napakaraming buting dulot sa atin ang pagdating ng internet lalo
na sa paraan ng kominikasyon. Ngunit, sinasabi rin may hindi rin magandang dulot ito
sa buhay ng tao. Magtala ng ilan sa mga ito.
VIII. Paglalahat: Pahalagahan natin!

Mabuti:

1.) Pinapadali ng internet ang ating mga buhay sapagkat mas pinapabilis nito ang
paghahatid ng impormasyon na nais nating iparating sa iba’t-ibang tao.
2.) Mabilis tayong makahahanap ng spesipikong impormasyong ating hinahanap sa
pamamagitan ng internet.

3.) Tayo ay mas nakatitipid sa oras kapag internet ang ating ginamit kumpara sa tradisyonal
na bagay. Halimbawa, may hindi tayo mahanap na salita, imbis na sa diksyonaryo ay
maaari na lamang itong makita sa internet sa saglit na oras lamang.

Di-mabuti:

1.) Dumedepende na lamang ang mga tao sa internet, dahilan upang sila’y maging tamad.
2.) Napapaniwala tayo paminsan-minsan sa mga maling impormasyong nakikita natin sa
internet sapagkat napakaraming impormasyon ang nasa internet. Kaya naman, hindi
natin maiwasan na tukuyin kung ano nga ba ang tama o mali.
3.) Nang dahil sa lubos na pag gamit ng internet, hindi maiwasan na ang isang tao ay
kaadikan ito , sa pamamagitan ng paglalaro, dahilan upang maubusan sila ng oras sa
kanilang dapat na gawin.

Sa panahon ngayon ng Pandemic dahil sa COVID-19, alin sa dalawang larawan ang


sa tingin mo ang dapat gamitin ng mag-aaral sa kursong pagsulat? Bakit?
KUMPYUTER PAPEL AT PANULAT

SAGOT:

Sa aking personal na perspektibo, kumpyuter ang siyang dapat na gawing panulat


ng mga magaaral sa panahon ng pandemya. Ang lahat ay maaari nang gawin ng
kumpyuter. Mas pinabibilis at pinadadali nito ang ating mga gawain. Kaya
naman, bilang estudyante, mas nakatitipid ako sa oras. Kung magsusulat ako
gamit ang lapis at papel ay baka kainin nito ang buong oras kong pag-gawa ng
modyul o mga takdang aralin. Bilang resulta, pinapaboran ko ang kumpyuter
bilang gamit para sa kursong pagsulat.

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Modyul 5 Pahina 3 ng 3

You might also like