You are on page 1of 3

September 2-6, 2013

I. Layunin:
Makagawa ng isang dokumento gamit ang iba’t-ibang mga bahagi ng MS Word program.

II. Paksang-Aralin:
Word Processing (MS Word Program)
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan pp.328-332
PELC – EPP V 6, 6.1 at 6.2

III. Pamamaraan:

A. Balik –Aral
Anu-ano ang mga bahagi ng MS Word program?
Anu-ano ang mga gamit ng mga ito?
a. File menu
b. Home menu
c. Toolbar
d. Formatting toolbar
B. Pagganyak
Mahilig ba kayong tumula?
Anu-anong mga tula ang iyong paboritong basahin at bigkasin?

3.1 Paglalahad
Gamit ang MS Word program ay ilalahad sa mga mag-aaral kung paano gamitin ang mga iba’t-
ibang bahagi ng program sa pagsasagawa ng isang dokumento.

3.2 Paglalapat
Kailangang makagawa ng isang dokumento (tula) ang mga mag-aaral gamt ang mga bahagi ng
MS Word program sa looban ng talong (3) araw.

3.3 Paglalahat
Anu-ano ang mga bahaging iyong ginamit upang maging maganda ang iyong tulang ginawa
gamit ang MS Word program?
(Maaaring magamit ang paglalagay ng larawan, borders, clip arts, shapes, atbp. upang mas
maging maganda ang ginawang dokumento).

IV. Pagtataya
Paghambingin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
Sumangguni: Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan p. 333

V. Kasunduan
Matapos ang itinakdang Gawain sa loob ng tatlong (3) araw. Inaasahang makapagbubuo ng isang
dokumento (tula) ang bawat mag-aaral.
August 28-30, 2013
I. Layunin:
Bumuo at makagawa ng folder.
Gumawa, magbukas at gumawa ng kopya ng file at folder mula sa ginawang sariling folder.

II. Paksang-Aralin:
Pamamalakad ng mga Files at Folders o Managing Files and Folders
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan pp.325-326
PELC – EPP V 4, 4.1 – 4.5

III. Pamamaraan:

A. Balik –Aral
Sa ilang bahagi nahahati ang computer keyboard?
Anu-anong mga katawagan ang ibinigay sa mga bahagi ng keyboard?

B. Pagganyak
Narinig nab a ninyo ang salitang files sa Ingles? Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Alam nyo ba ang hitsura ng isang pangkaraniwang folder? Saan ito ginagamit?

3.1 Paglalahad
Ituturo sa mga bata ang paggawa ng folders sa dektop at bahaging My Documents. Ipagagawa sa
mga mag-aaral ang paggawa ng folder, pagbubukas ng folder at ang paggawa ng kopya na mula sa isang
folder.

3.2 Paglalapat
Kailang magawa ng mga mag-aaral ang kanya-kanyang folder. Dapat ay isunod ang pangalan ng
folder sa kani-kanilang pangalan. Kinakailangan ding makagawa ng kopya ang mga mag-aaral ng mga
files, mag-delete, at mag-copy at paste ng mga files sa nagawang folder.

3.3 Paglalahat
Ano ang folder? Ano ang files?
Mayroon bang pinagkaiba ang hitsura ng dalawang nabanggit?
(File ang tawag sa dokumentong ginawa gamit ang iba’t-ibang programs sa computer. Folder
naman ang tawag sa imbakan ng files na ginawa. Ang folder ay may disenyong may kulay dilaw
halintulad sa ordinaryong folder samantalang ang mga files naman ay may hitsura halintulad sa icon ng
ginamit na programa?.

IV. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
Sumangguni: Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan p. 327

V. Kasunduan
Ipakita sa harap ng guro ang mga wastong hakbang sa pagbubukas ng folder sa kompyuter.
September 3-6, 2013
I. Layunin:

II. Paksang-Aralin:

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan pp.


PELC – EPP V 6, 6.1 at 6.2

III. Pamamaraan:

A. Balik –Aral

B. Pagganyak

3.1 Paglalahad

3.2 Paglalapat

3.3 Paglalahat

IV. Pagtataya

Sumangguni: Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan p. 333

V. Kasunduan

You might also like