You are on page 1of 4

I.

Pagkilala sa may- akda

Honorio Bartolome de Dios

TALAMBUHAY:

Tubong Bulacan ang manunulat na si Honorio Bartolome De DIos. Maaga siyang namulat
sa mundo ng kabaklaan. Nag-aral siya sa loob ng seminaryo kung saan niya napagtanto
ang nais niyang gawin sa kanyang buhay. Doon nagsimula ang patuloy na paghahanap
niya sa kanyang tunay na pagkatao. Marami siyang napagdaang kahirapan sa patuloy
niyang paglalakbay tungo sa mas malalim na pagkaintindi sa kabaklaan at ang lugar nito
sa lipunan natin. Ipinapakita niya sa kanyang mga likha ang buhay na kinakaharap ng
mga baklang gaya niya sa lipunang mapanghusga, mapagsamantala, at patriyarkal.

Hindi lamang sa mga gawaing pangmasa naging abala si De Dios. Ginalugad din niya ang
lahat ng sulok ng kabaklaan sa malawak na lungsod upang hanapin ang lugar niya sa
lipunan. Hindi naging madali ito para kay De Dios. Nariyang nadapa siya, napaluhod siya,
at napasubasob habang siya ay naghahanap. Ngunit, hindi man siya lalaking lalaki sa
kasarian ay naging lalaking lalaki naman siya sa pagharap ng mga pagsubok na ito.
Napakatapang ng pagpapakita ng pagbangon na may panibagong lakas at determinasyon.
Sa ngayon patuloy pa rin ang kanyang paghahanap at ang pinagyayamang karanasan ang
ginagamit niyang panulat upang lumikha ng mga kuwentong sumasalamin sa buhay ng
mga bakla sa isang lipunang may kinikilingan, mapagsamantala, walang pagkakapantay-
pantay, pyudal, at patriyarkal.

IBA PANG MGA AKDA:


 Eulohiya
 Geyluv/ Gaylove
 Sumpa ng tag-araw
 Kas
II. Tauhan

 Mike
Nagsusulat ng mga artikulo at kumikita ng, ayon sa kanya ay, "hindi kayang buhayin ang
pagbuo ng isang pamilya." Sabi niya, hindi siya bakla.

 Benjie
Program officer ng opisinang kanyang pinapasukan. Inilarawan siya ni Mike bilang
mataray na bakla. Dahil sa karanasan sa tatlong lalaki na naging karelasyon niya, ayaw na
niyang umibig muli. Takot na siyang masaktan.

 Carmi
Pinakahuling naging syota ni Mike ng dalawang taon. Gusto daw niyang magkaanak kay
Mike pero hindi niya tiyak kung gusto niya itong pakasalan. Paminsan-minsan, nagkikita
sila ni Mike para magkamustahan.

 Joan
Kasamahan ni Benjie sa trabaho na may gusto kay Mike.

 Jake
Dating karelasyon ni Benjie. Ipinagpalit niya si Benjie sa isang bading na manager ng
cultural dancers sa Japan, dalawang taon na ang nakakaraan.

III. Tagpuan

Sa totoo lang ay parang walang tagpuan ang kwento maliban na lamang sa mga lugar na
kanilang pinupuntahan tulad ng mga bar, ang Mt. Pinatubo, Pampanga at Zambales. Kung
babasahin mo ang kwento ay mapapansin mo na para ka lang nagbabasa ng kanilang
mga liham sa isa’t- isa. Kinukwento lamang nila dito sa kwento ang lahat ng nangyari sa
kanilang buhay, kung paano sila nagkakilala, kung paano sila nagging magkaibigan at
kung paano nila nagawang mahalin ang isa’t- isa.

IV. Paglalahad ng mga pangyayari

Nagkakilala sila Mike at Benjie sa isang media party. Tinulungan ni Benjie si Mike na
makapanayam ang mga biktima ng pagsabok ng bulkang Pinatubo para sa isang
artikulong tinatapos nito. Papuntang Zambales, kung anu-ano ang tinanong ng ka-opisina
ni Benjie na si Joana kay Mike samantalang si Benjie ay tahimik lamang--nagsalita lang ito
nang nasa Pampanga na sila para alukin ang grupo na mag-softdrink at manigarilyo
muna. Sa isang date, naipakilala ni Mike ang dati nitong nobya na si Carmi at si Benjie sa
isa't-isa. Naging magkaibigan sina Benjie at Mike. Lumalabas sila sa gabi at tuwing
Sabado't Linggo, nag-iinuman, nanonood ng sine, kumakain nang sabay, bumibili ng tape
sa mga record bars, nagsasabihan ng mga sikreto, kasiyahan, problema at mga pangarap
sa buhay. Minsan, sa bar, ipinagtapat ni Benjie ang nararamdaman nito nang sabihin ang
"Mahal kita, Mike" na sinagot naman ni Mike sa sumunod na araw nang "Mas mabuting
magkaibigan na lang tayo." Sa bus papuntang Baguio, naiisip ni Benjie na ayaing makitira
sa kanyang apartment si Mike samantalang naiisip ni Mike na tanungin si Benjie kung
pwede siyang makitira sa apartment nito.

V. Pagtukoy sa suliranin at kalutasan

Karapatan sa pagmamahal at patas na tingin sa tao.

- Isa ito sa mga problemang napuna ko habang binabasa ang kwento. Oo at hindi
nga naging hadlang ang pagiging bakla ni Benjie sa pagkakaibigan nila ni Mike
ngunit ng umamin na si Benjie ng kanyang nararamdaman kay Mike ay parang
tinanggalan na niya ng karapatang umibig si Benjie ng sabihin niyang “Mas
mabuting maging magkaibigan na lang tayo”. Minsan ding nabanggit sa kwento na
naipakilala ni Mike si Benjie sa kanyang mga kaibigan at hindi naman naging
hadlang ang kabaklaan ni Benjie upang matanggap siya ng mga kaibigan ni Mike.
Madali lang naman ang kalutasan ng problman iyan. Ang matuto tayong
tumanggap. Siguro sabihin natin na magpahanggang ngayon ay hindi pa din
tanggap ng lipunan ang mga bakla pero tao pa din sila na may nararamdaman, na
nagmamahal at nangangailangan din ng pagmamahal.

VI. Pagwawakas ng kwento

Winakasan ang kwento ng may tanong, anu kaya ang magiging sagot ni Mike at Benjie sa
isa’t isa lalo na at alam na nila ang kanilang damdamin at sigurado na sila doon. Parehas
nilang ayaw mawala ang isa’t isa ngunit natatakot sila dahil baka ma-reject sila nung isa.
VII. Aral at Kaisipan

Nagustuhan ko ang kwentong napili ko dahil sa maraming aral na nakapaloob dito.


Sobrang naipakita sa kwento ang kahalagahan ng pagkakaibigan dahil sa tinagal-tagal na
magkasama si Mike at Benjie ay ni minsan ay hindi nila iniwan ang isa’t-isa at ni hindi nila
naisip na talikuran ang isa dahil sa sobrang pagtitiwala at pagmamahal na ibinuhos nila
sa isa’t isa. Kahit minsan ay hindi naipakita sa kwento na nagkaalitan o nagkatampuhan
man lang sila. Matatag ang kanilang pagkakaibigan, ayon sa kwento. Naipakita din ng
maayos ang pantay na tingin sa lahat ng tao, maski anu pa man ang kanyang kasarian.
Tulad ni Mike, hindi naging alintana sa kanya ang pagiging bakla ni Benjie at ipinagpatuloy
pa din niya ang pakikipagkaibigan dito. Natutunan niyang tanggapin ang kasarian nito
dahil lamang napakagaan ng loob niya rito at sa kanya lamang niya naibubuhos lahat ng
sama ng loob na kanyang nararamdaman. At si Benjie naman ay walang sawang nakikinig
sa mga drama ni Mike kahit na paulit-ulit lamang ito. Nagagawa niyang isantabi ang
kanyang mga ginagawa para lamang makinig sa mga problema ni Mike sa buhay. Isa din
sa aking nagustuhan sa pagbasa ng kwentong ito ay ang estilo ng pagsulat nito. Naipakita
ang dalawang perspektibo ng kwento, ang kay Mike at kay Benjie, at nailahad naman ito
ng maayos. Sa ganitong paraan ay mas lalo kong naintindihan ang kwento dahil
nalalaman ko ang nilalaman ng isip ng dalawang pangunahing tauhan.

VIII. Sanggunian

TALAMBUHAY:
(http://tl.wikipedia.org/wiki/Honorio_Bartolome_De_Dios)
(http://tl.honoriobartolomededios2.wikia.com/wiki/Talambuhay)

KWENTO:
(http://www.scribd.com/doc/81234352/Geyluv)

You might also like