You are on page 1of 10

QUIRINO STATE UNIVERSITY

DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

HWEI LING R. ANTONIO BSED 3A FILIPINO

LIT 107 DULAANG FILIPINO


(PRELIMS)
YUNIT 1 – A. ANG DULA
Kasanayang Pampagkatuto 1 (SUBMITTED ON THE LINK)
Kasanayang Pampagkatuto 2 (SUBMITTED ON THE LINK)
Kasanayang Pampagkatuto 3
 Walang kasanayang pampagkatuto 3 na nakalagay sa modyul.
Kasanayang Pampagkatuto 4 (CROSSWORD PUZZLE)
Panuto: Magsagot sa bukod na papel. Sagot na lamang ang ilalagay sa inyong
sagutang papel.
1. Banghay 15. Saynete
2. Tagapamahala ng tanghalan 16. Pababa - Trahedya
3. Tagadisenyo ng tanghalan Pahalang - Tagapamahala ng
4. Balanse sa entablado entablado
5. Komplikasyon 17. Posisyon
6. Tindig 18. Parsa
7. Pagbagsak 19. Aktor
8. Katulong ng direktor 20. Krisis
9. Pagpasok 21. Direktor
10. Tema 22. Direktor teknikal
11. Tagapagdikta 23. Resolusyon
12. Kumpas 24. Tanghalan
13. Diyalogo at kilos 25. Eksposisyon
14. Paglakad

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Kasanayang Pampagkatuto 5
Panuto: Magsagot sa bukod na papel. Magsaliksik ng 10 dula alin man sa mga
uri sa loob ng parirala (Pantanghalan, pantelebisyon, pangradio, pangpelikula)
Tukuyin kung anong teorya ng dula ang ginamit sa mga ito.
TEORYA PAMAGAT NG DULA
Teoryang Historikal ANAK NG DAGAT
Teoryang Sikolohikal SINAG NG KARIMLAN
Teoryang Imahismo KAHAPON, NGAYON AT BUKAS
Teoryang Realismo SA PULA, SA PUTI
Teoryang Feminismo MOSES, MOSES
Teoryang Klasismo DAHIL SA ANAK
Teoryang Sosyolohikal ESPERANZA
Teoryang Romantisismo WALANG SUGAT

YUNIT 1 – B. TEATRO O TANGHALAN


Kasanayang Pampagkatuto 5
Panuto: Pang-isahang proyekto. Gumawa ng isang dayorama ng dulang
tanghalan gamit ang mga bagay na pinaglumaan, gawing malikhain ang inyong
proyekto kahalintulad ng ipinakitang halimbawa.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Taong 2019 ika-30 ng Nobyembre, nagkaroon ng pagtatanghal ang


mga mag-aaral ng Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon medyor sa Filipino na
pumapaksa sa buhay ni Andres Bonifacio bilang paggunita sa Bonifacio Day.
Ang pagtatanghal ay isinagawa sa awditoryum ng Andres Bonifacio, Diffun,
Quirino. Ang mga mag-aaral ay nagtulong-tulong upang matagumpay na
mailahad at maitanghal ito sa tulong na rin ng kanilang mga guro sa Filipino.
Iba’t ibang tagpo ang ipinakita rito pati na ang pagkakatatag ng KKK na
pinangunahan ni Bonifacio.
Upang maging maganda ang gagawing pagtatanghal, ang mga mag-
aaral ay naglaan ng kanilang oras para mag-ensayo sa kani-kanilang papel sa
pagtatanghal. Pinaghandaan din nila ang mga kagamitang magagamit gaya ng
mga kasuotan, props at maging ang disenyo ng entablado upang ito’y kaaya-
aya. Bago ang araw ng pagtatanghal, aktwal nilang isinagawa ito sa awditoryum
upang ipraktis ang kanilang paglabas-masok sa entablado.
Sa mismong araw ng pagtatanghal, maagang nagsidatingan ang
mga mag-aaral sa kanilang departamento upang magpalit ng kasuotan at mag-
ayos ng sarili. Pagkatapos nito ay agad silang nagtungo sa paggaganapan ng
pagdiriwang. Bawat mag-aaral ay handang-handa na sa gagawing pagtatanghal.
Kaya naman, buong husay nilang ipinakita ang kanilang kahusayan sa pag-arte.
Dahil dito, matagumpay itong natapos.

YUNIT 2 – A. PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG DULA SA PILIPINAS


Kasanayang Pampagkatuto 6
Panuto: Magsagot sa bukod na Papel. Batay sa mga huling nabangit na epiko,
pumili ng isa sa mga ito, saliksin kung ano ang kanilang mga kuwento at
isasalaysay ang buod nito sa isang papel.

YUNIT 2 – B. MGA DULA SA PANAHON NG KATUTUBO


YUNIT 2 – C. MGA DULA SA IBA’T IBANG PANAHON

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Kasanayang Pampagkatuto 7
Panuto: Magsagot sa bukod na Papel. Kopyahin ang buong pagsasanay. Tukuyin
ang mga ipinapahayag.
1. Panunuluyan 11. Pinetencia
2. Tibag 12. Salubong
3. Dalit Alay (Flores de Mayo) 13. Duplo
4. Paglakad ng Estrella at ng Birhen 14. Karagatan
5. Karilyo 15. Senakulo
6. Pananapatan 16. Moro – moro
7. Moriones 17. Duplo
8. Pangaluluwa 18. Pangaluluwa
9. Santakrusan
10. Juego de Prenda

PAGSUSULIT
I. Panuto: Ibigay ang nakitang pagkakaiba at pagkakatulad ng dula sa iba pang
uri ng panitikan.
A. “May Pagkakaiba at Pagkakatulad”
PAGTUKOY SA PAGKAKAIBA at PAGKAKATULAD NG DULA SA IBA PANG URI
NG PANITIKAN
PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD
1. Dula - Layunin na itanghal sa Parehong akdang
entablado pampanitikan na
naglalarawan ng mga
Maikling kwento - Layuning magsalaysay pangyayari, tauhan, at
ng mga pangyayari sa tagpo
pamamagitan ng
pagsulat

2. Dula - Isinasagawa ang mga Hango sa totoong


pangyayari pangyayari o nangyayari
sa lipunan
- Nahahati sa ilang yugto
na maraming tagpo
VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Nobela - Isinasalaysay ang mga


pangyayari

- Nahahati sa mga
kabanata

3. Dula - Nagpapahayag ng Gumagamit ng payak at


damdamin sa matatalinhagang salita
pamamagitan ng
pagsasadula o
pagtatanghal

Tula - Nagpapahayag ng
damdamin sa
pamamagitan ng
malayang pagsulat

4. Dula - Maraming uri ng dula Parehong may tatlong


bahagi; simula, gitna, at
Sanaysay - May dalawa lamang na wakas
uri: pormal at di-pormal
na sanaysay

5. Dula - Aktwal na pangyayari Parehong naglalahad ng


na isinasagawa sa mga kwento, may
entablado tauhan, at tagpuan.

Epiko - Tungkol sa
kabayanihan ng
pangunahing tauhan
ngunit ito ay nakasulat
lamang

6. Dula - Istoryang ginagamitan Naglalahad ng mga


ng kilos ng tao kwento

Alamat - Isang pamanang


kwentong bayan na
binabasa magmula pa
noon.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

- Tungkol sa pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa
daigdig

7. Dula - Tao ang gumaganap na Nag-iiwan ng leksyon o


tauhan aral

Pabula - Mga hayop ang tauhan


sa kwento

8. Dula - Hango sa totoong Naglalarawan ng


pangyayari katotohanan at tunay na
tao ang sumasalamin sa
Parabula - Kwentong hango sa buong kwento
Bibliya

9. Dula - Ito ay isang Naglalahad ng mga


paglalarawan ng buhay kwento na may
na ginaganap sa kinalaman sa pang-
tanghalan araw-araw na buhay,
kasaysayan at iba pa.
Mitolohiya - Naglalarawan sa
kultura ng sinaunang
panahon na nakasulat
sa anyong tuluyan

- Kwento tungkol sa
diyos at diyosa

10. Dula - Kadalasang may Nagsasalaysay ng mga


paksang pag-iibigan, tunay na pangyayari
panlipunan,
pangpamahalaan at
kasaysayan

Anekdota - Karaniwang paksa nito


ay mga taong kilala sa
iba’t ibang larangan ng
buhay

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

II. Pagsusuri A. Walang Sugat ni Severino Reyes


TAUHAN
Tenyong – isang lalaking mapagmahal sa kanyang kasintahan, pamilya at bayan
Julia – ang babaeng pinakamahal ni Tenyong
Juana – ina ni Julia
Lucas – kanang kamay at utusan ni Tenyong
Miguel – ang lalaking ipinagkasundo kay Julia para pakasalan
Tadeo – ang ama ni Miguel.
Kapitan Inggo – ama ni Tenyong. Asawa ni Putin, namatay dahil sa kalupitan ng
mga Kastila
Kapitana Putin – ina ni Tenyong at asawa ni Inggo
Marcelo – alkalde o punong bayan
Monica – alila ni Julia
TAGPUAN

 Bahay
 Simbahan
 Bukid
 Kalsada
 Lalawigan
Simula
Dumating si Tenyong sa bahay ng kasintahan niyang si Julia.
Inabutan niyang nagbuburda si Julia ng isang panyo. Ayaw ni Julia na ipakita
kay Tenyong ang kanyang gawa. Nakita ni Tenyong na ang panyo ay may mga
letra ng kanyang pangalan (Antonio Narcisso Flores) ngunit sabi ni Julia ay para
raw ito sa Prayle (Among Na Frayle). Nagalit tuloy si Tenyong at gustong sunugin
ang panyo. Sinabi ni Julia na para nga kay Tenyong ang panyo at sila’y
nagsumpaan na ikakasal sa altar. Biglang dumating si Lucas, isang alalay ni
Tenyong na nagsabing inaresto ang ama ni Tenyong at ilan pang kalalakihan ng
mga Guwardiya Sibil sa pag-aakalang sila ay mga rebelled.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Saglit na Kasiglahan
Ang mga pamilya at kaibigan ng mga inaresto ay naghandang
bumisita at magbigay ng pagkain sa kulungan. Sumakay sila sa tren papunta
ng kapitolyo. Inutusan ng mga Kastilang Prayle si Kapitan Luis Mercado na
paluin at saktan pa ang mga nakakulong kahit na mayroon ng namatay at nag-
aagaw buhay na si Kapitan Inggo, ang tatay ni Tenyong. Sinabi ng punong prayle
na papakawalan na si Kapitan Inggo sa kanyang asawa. Sinabi rin niyang
pupunta siya sa Maynila upang sabihin sa Gobernador-Heneral na pakawalan
na ang iba pang mga inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin ng prayle pagdating
doon. Ipapapatay niya ang mga mayayaman at edukadong Pilipino. Nakapiling
ni Kapitan Inggo ang kanyang pamilya at mga kaibigan bago siya mamatay.
Pagkamatay nito, sinumpa ni Tenyong na maghiganti.
Kasukdulan
Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si
Julia na pumayag sa pag-aakalang patay na si Tenyong at sa kagustuhang hindi
mapahiya ang kanyang ina. Engrandeng selebrasyon ang magaganap at
nakatipon ang buong bayan.
Kakalasan
Pero bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na may
balitang nakita na si Tenyong pero agaw-buhay itong nakaratay sa karte. Dinala
si Tenyong sa pinagdausan ng kasal ni Julia. Sa muling pagtatagpo ng
magkasintahang sawi, hiniling ni Tenyong sa pari na, yaman din lang na
mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa pagkamatay daw ni Tenyong,
maaari nang pakasalan ni Julia si Miguel.
Wakas
Dahil mukhang matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin
si Miguel sa kakaibang huling hiling ni Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng
paring Kastila. Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si Tenyong, at
lahat ay napamanghang sumigaw ng “Walang sugat! Walang sugat!”.
TEORYANG PAMPANITIKAN

 Teoryang Sosyolohikal
Dahil ito ay tumatalakay sa kalagayang panlipunan sa isang tiyak
na panahon. Nagpapakita ng interaksyon ng pangunahing tauhan sa kanyang

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

paligid, sa lipunang kanyang ginagalawan. Tinitingnan dito ang reaksyon ng tao


sa tao, at ang tao sa lipunan.

 Teoryang Romantisismo
Dahil namayani rito ang emosyon o damdamin sa halip na pag-
iisip. Layunin nitong ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa
tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bayan at mundong kinalakihan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o sa bayan.

Pagsusuri B. Bakit Babae ang naghuhugas ng pinggan


TAUHAN
Ka Maldang – asawa ni Ka Ugong na natalo sa kanilang kasunduan
Ka Ugong – ang nanalo sa kasunduan nila ng kanyang asawa
TAGPUAN
Sa bayan ng Santa Rosa
Sakahan
Sa hapag kainan ng mag-asawa
Simula
Sa isang bayan ng Santa Rosa ay mayroong mag-asawa na laging
nag-aaway dahil sa hugasin. Isang araw umayaw si Ka Ugong sa utos ng
asawang si Ka Maldang sa paghuhugas ng pinggan.
Saglit na Kasiglahan
Nagkaroon ng kasunduan ang mag-asawa upang matapos na ang
kanilang pag-aaway. Ang sinuman na unang magsalita ang siya ng palaging
maghuhugas ng pinggan.
Kasukdulan
Dumating ang kanilang kumpadre upang humiram ng palakol
ngunit walang sinuman sa dalawa ang kumibo. Kaya naman tinawag niya ang
mga kapitbahay dahil sa labis na pag-aalala. Ngunit hindi pa rin nagsasalita ang
mag-asawa kung kaya’t nagdesisyon ang mga ito na magtawag na ng albularyo
VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

sa pag-aakalang ang dalawa ay kinulam o naengkanto. Nagsagawa sila ng mga


orasyon ngunit wala pa rin.
Kakalasan
Dahil sa pag-aakalang patay na ang dalawa, gumawa na ng
kabaong mga kapitbahay nito at inihiga sila sa loob. Umasa si Ka Maldang na
pipigilan ng kanyang asawa ang mga ito, ngunit hindi pa rin kumibo si Ka Ugong.
Sa inis at galit nito ay napasigaw na si Ka Maldang dahil sa pangingialam nila.
Wakas
Samantala, tuwang-tuwa naman si Ka Ugong dahil siya ang nanalo
sa kanilang kasunduan. Magmula noon ay si Ka Maldang na ang naghuhugas
ng mga pinggan.

III. Pasanaysay

Discuss Board ➢ Bakit mahalaga sa mag-aaral ang pagbabalik-tanaw sa


kasaysayan ng panulaang Filipino?

 Ang kasaysayan ng panulaang Filipino ay nababahagi sa pitong


importanteng panahon; (1) ang matandang panahon, (2) panahon ng
kastila, (3) panahon ng pambansang pagkamulat, (4) panahon ng
amerikano, (5) panahon ng hapon, (6) panahon ng bagong lipunan, at (7)
kasalukuyang panahon. Napakahalagang magbalik-tanaw tayo sa
nakaraan sapagkat mahalaga ito sa pagbuo hindi lamang ng isang bansa
kundi sa pagbuo rin ng ating pagkatao. Ito ang isa sa mga daan upang
matagpuan at mas maunawaan natin ang ating sarili at pinagmulan.
Magkakaroon din tayo ng mas malalim na pagmamahal sa ating lupang
tinubuan. Ang pagkilala natin sa kasaysayan ay mahalaga sapagkat ang
kasaysayan ay salamin ng kasalukuyan.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

You might also like