I. Hesus ko, sinabi Mo: “Tunay kong sinasabi sa inyo, humingi
kayo at kayo ay bibigyan, maghanap kayo at kayo ay makatatagpo, kumatok kayo at kayo ay pagbubuksan”. Narito akong kumakatok, naghahanap at humihingi ng biyayang… Ama Namin…Aba Ginoong Maria… Luwalhati… Mahal na Puso ni Jesus, sa Iyo ako lubos na umaasa. II. Hesus ko, sinabi Mo: “Tunay kong sinasabi sa inyo, anuman ang hilingin ninyo sa Ama sa aking Pangalan ay ipagkakaloob Niya sa inyo. Sa Ngalan Mo, narito akong humihingi sa Ama ng biyayang… Ama Namin…Aba Ginoong Maria… Luwalhati… Mahal na Puso ni Jesus, sa Iyo ako lubos na umaasa. III. Hesus ko, sinabi Mo: “Tunay Kong sinasabi sa inyo, lilipas ang langit at lupa ngunit hindi ang Salita Ko” Pinasigla ng Iyong di-mababaling Salita, hinihiling ko ngayon sa Iyo ang biyayang… Ama Namin…Aba Ginoong Maria… Luwalhati… Mahal na Puso ni Jesus, sa Iyo ako lubos na umaasa. Mahal na Puso ni Jesus, Ikaw na hindi maaring di magdalang- habag sa mga nalulumbay, kaawaan Mo kaming mga abang makasalanan at ipagkaloob Mo sa amin ang biyayang isinasamo namin sa Iyo, sa pamamagitan ng namimighati at malinis na Puso ni Maria, ang magiliw mong Ina at amin ding Ina. Aba po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa, ikaw nga ang kabuhayan at katamisan! Aba, pinanaligan ka namin. Ikaw ang tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis -hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus . Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain at maalam at matamis na Birhen, Kami’y ipanalangin mo na mapatuloy sa amin ang mga pangako ni Hesukristo. Amen.