You are on page 1of 10

KAHULUGAN, KALIKASAN at

KAHALAGAHAN NG WIKA
◼ Ayon naman kay Henry Gleason, ang
wika ay isang masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga tao sa
pakikipagtalastasan na nabibilang sa
iisang kultura.
◼ Ang salita ay isa lamang sa
manipestasyon ng wika.
(Perigrino,2017)
◼ Ito ay isang behikulo o paraan ng
paghahatid ng ideya o palagay sa
tulong ng mga salita na maaaring
pasalita o pasulat.
◼ Batay sa UP Diksiyonaryo (2001), ang
wika ay lawas ng mga salita at Sistema
ng paggamit sa mga ito na laganap sa
isang sambyanan na may iisang
tradisyong pangkultura at pook na
tinatahanan.
◼ Ang wika ay isang penomenong
pumapaloob at umiiral sa loob ng
lipunan at may angking kakayahang
makaimpluwensya, magdikta, magturo,
tumulong, kumontrol, manakot,
pumatay, magpaligaya at lumikha ng
isang realidad sa kanyang ispesipikong
kakayahan.
◼ Ang wika ay maaaring humubog ng
ating pananaw pandaigdig (world view).
◼ Kung titingnan ang wika bilang isang
ideolohiya, maaaring magkaroon ng
iba’t ibang pagpapakahulugan,
pagtingin, pag-unawa at karanasan
dahil may kani-kaniyang posisyon at
papel ang indibidwal sa lipunang
kanyang ginagalawan at kinabibilangan.
◼ Isang disiplinang maituturing ang pag-
aaral sa wika sa loob ng lipunan at ito’y
kabilang sa mga bagay na dapat
pagtuunan ng pansin at pananaliksik,
upang mas malinaw nating mailarawan
ang mga kalagayan o katayuan nito
para sa ating ikagagaling bilang
praktisyoner ng wika.
Wika: Kasangkapan sa
Pagpapahayag
◼ Ayon kay Whitehead, isang edukador at
Pilosopong Ingles: “Ang wika ay
kabuuan ng kaisipan ng lipunang
lumikha nito.”
◼ Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay
salamin ng lahi.
Kalikasan ng Wika
1. Ang wika ay masistemang balangkas.
2. Ang wika ay arbitraryo.
3. Ang wika ay tunog.
4. Ang wika ay kabuhol ng kultura.
5. Ang wika ay nagbabago at dinamiko
6. Ang wika ay makapangyarihan
Balangkas/ Estruktura ng Wika
Ponema Morpema Pangungusap Kahulugan

Ponolohiya Morpolohiya Sintaks Semantika

You might also like