You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education – Region III Central Luzon


DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

Self-Instructional Packets (SIPacks)


Araling Panlipunan Grade 7
Quarter 2 – WEEK 6
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):


Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa
pagbuo ng pagkakilanlang Asyano

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies


MELC No. 11 - Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at
komunidad sa Asya

D. Layunin (Objectives):
1. Naipaliliwanag ang mga pangyayaring naganap sa mga itinatag na dinastiya,
kaharian at imperyo mula sa sinaunang kabihasnan hanggang 16 na siglo;
2. Nasusuri ang pamumuno ng mga lider sa panahong ito;
3. Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa iba’t ibang larangan; at
4. Napahahalagahan ang mga pamanang naging batayan sa pagsulong at pag-unlad
ng mga sumusunod na kabihasnan.
I. NILALAMAN (Content): Dinastiya sa Silangang Asya China, Korea, Japan)

Kagamitang Panturo (Learning Resources)


A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs): pahina 198-206
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs): pahina 142-144
3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references): wala
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource: wala
5. Iba pang pinagkuhanang sources:

B. Iba pang Kagamitang Panturo: mga larawan, sagutang papel, internet (optional)

UNANG ARAW

II. PAMAMARAAN (Procedures):

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):


Bago ka magsimula sa pagbabasa ng araling ito, subukin mong sagutan ang
panimulang pagtataya upang masukat ang lawak ng kaalaman mo tungkol sa aralin.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa
iyo. Maaari mo nang simulan ang pagsagot.

TANDAAN: LAHAT NG IYONG SAGOT AY ISUSULAT MO SA ISANG MALINIS NA PAPEL .


Lahat ng gawain at pamprosesong tanong ay kailangan masagutan.

Page 1 of 12
Gawain 1: Panimulang Pagtataya: Buuin ang mga nawawalang letra upang maibigay ang hinihingi ng
pangungusap. Sagutin ang mga sumusunod ng pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Nagtatag ng Chin Dynasty- HI U NG T


2. Tawag sa mga pinuno ng mga sinaunang tsino. – E E A R
3. Pamamana ng pamumuno sa angkan- NA T Y
4. Napatanyag na ruta ng kalakalan noong panahon ng dinastiyang Han.- S L R A
5. Itinatag ni Wang Geon. Nagmula ang pangalang Korea sa kahariang ito. - RY O
K O
6. Barkong nababalutan ng bakal. G B SE
7. Alpabeto ng mga Koreano. - A U
8. Istilo ng porselana ng Korea – C AD
9. Marangal na pagpapatiwakal ng mga hapones. – H AK R
10. Isang uri ng teatro na lumitaw sa panahon ni Ieyasu. – K KI

Nahirapan ka ba sa pagsagot? Huwag kang mag-alala ang mga tamang sagot sa panimulang
pagsusulit ay iyong matututunan sa pag-aaral at pagsasagawa ng iba pang mga gawain sa
araling ito.

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa pangyayaring
naganap sa Silangan Asya. Handa ka na? Kung gayon, simulan mo na.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Gawain 2: LARAWAN SURI


Suriin ang mga larawan at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Sagutin ito ng pasalita. Huwag
ng isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pamprosesong Tanong:
1. Ilarawan ang nakikita sa larawan.
2. Sa aling bansa kaya nabibilang ang mga ito?
3. Ano ang kaugnayan nito sa dinastiya sa silangang Asya?

Page 2 of 12
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Gawain 3: LADDER WEB. Gamit ang ladder web, isaayos at pagsunod sunurin ang mga pahayag
na nasa ibaba upang mabuo ang kahulugan ng dinastiya na may kinalaman sa pag- aaral mo sa
dinastiya ng silangang asya. Sagutin ito ng pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang papel.

DINASTIYA

1.
2.
 Kapangyarihan ng
 Sa loob ng
3.
 Angkan
 Pagpapamana ng 4.
 Pamumuno
5.
IKALAWANG ARAW

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay
iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang
maging batayan mo ng impormasyon

BASA-SURI-UNAWA: Basahin, suriin at unawain ang teksto sa ibaba.

DINASTIYA NG CHINA

Dinastiya Dakilang Paglalarawan Kontibusyon


Pinuno
Zhou o  Naipasa sa dinastiyang  Naimbeto ang
Chou Zhou ang “Basbas ng o bakal na araro
(112 Langit” at ang titulo na o irigasyon
BCE-221 “Anak ng Langit” o dike at kanal
BCE)  Nagpatuloy ang pagunlad ng o kalsada
China sa ilalim ng dinastiyang o Sandatang crossbow-
ito, ngunit noong lumaon dahil gamit sa pakikidigma
malawak ang teritoryo at
mahirap pamahalaan, humina  Pilosopiyang
ang pamamahala sa dinastiya Confucianism –
,nagkaroon ng digmaaan ng Confucius) Tumatalakay
mga estado o warring states. sa pagpapabuti ng
 Sa panahon ng kaguluhan, sarili,tamang
lumitaw ang mga pilosopiya ng relasyon,tamang
Confucianism at Taoism. pamahalaan.
 Si Confucius ay naghain ng  Taoism- (Laozi o Lao-
solusyon sa kaguluhan ng Tzu)- Ang kaayusan ay
lipunan. Itinunuro nya ang makakamit kung susunod
paraan ng tamang asal, tamang sa daloy ng kalikasan.
relasyon ng bawat isa at
mabuting pamahalaan.Ang
Taioism naman ay tungkol sa
pagsunod sa daloy ng
kalikasan upang makamit ang
kapayapaan.

Page 3 of 12
2, Qin o  Zheng –  Naganap ang konsolidasyon ng  Pagpapatayo ng Great
Chin(221- Idineklara China, sentralisasyon ng Wall of China- bilang
206 BCE) ang sarili kapangyarihan ng emperador. proteksyon sa laban sa
bilang Shih  Nawala ang mga estadong- pag atake ng mga
Huang di o lungsod at napalitan ng mandirigmang nomadiko
Shih Huang malakas at sentralisadong mula sa Hilagang Asya.
Ti.- na ang pamahalaan. o Tinatayang isang milyong
kahulugan ay  Piniling tagapayo ang iskolar ng katao ang nagsilbi upang
“ Unang Legalism. itayo ang 1500 milya( 2,
Emperador”  Ayon sa Legalism ,kailanagn 414 km) na Great wall,
ang malulupit na batas at Libu- libo ang namatay sa
mabibigat na parusa upang paggawa nito.
maabot ang kaayusan,
 LIXI o (LI Ssu) isang legalista ,
ang naging tagapayo at punong
ministro ni Shih Huang di
o Malupit ang panahon ng
paghahari niya sa kabila ng
positibong programa ng
konsolidayon. Pinasunog ang
mga dokumento ng
Confucianism, at ipinawaksi
ang paggamit ng pilosopiyang
ito.Nang namatay si Shi
Huangdi noong 210 BCE,
bumagsak ang kanyang
dinastiya.

3.Han - Tinatag ni Liu  Isa sa apat na dakilang  Napatanyag ang Silk Road-
(206BCE- Bang, dinastiya. Isa itong ruta ng kalakalan
220CE)  Inalis ang mararahas na na nagdadala ng
 Wudi o patakaran,binawasan ang mga produktongTsino
Wuti- Natamo malalaking buwis, tinanggal tulad ng seda at porselana
ng Han ang malulupit na batas na sa malalayong lugar sa
ang rurok ng Legalist. kanluran.sa talaan ,
tagumpay sa  Pinairal ang mga aral ng nakarating ang mga tsinong
kanyang Confucianism. mangangalakal sa Rome
panahon  Pinalawak ni Wudi ang 166CE.
dinastiya sa pagsakop sa iba  Tinawag na seres ang seda
pang teritoryo ,tulad ng mula sa katagang latin.
Manchuria, Korea, Hilagang  Nagkaroon ng regular na
India, at bahagi ng TSA. pagsusulit sa serbisyo sibil-
 Pinalakas ang paglikom ng upang pumili ng dapat
buwis at kapangyarihan ng manguna at maglingkod sa
imperyo. pamahalaan.
 Pagsulong sa teknolohiya,
medisina, sining at
pagsusulat ng kasaysayan.
 Naimbento ang water
powered mill, papel,
porselana.
 Kinilala si Simaqien o
(Ssuma Chien) ang
dakilang historyador ng
China.

4. Sui- Yang Jian  Nang bumagsak ang Han,  Pagsasaayos ng Great


(589- 618 mabilis na nagkaroon ng Wall.
CE) pagpapalit ng dinastiya at  Pagpapatayo ng Grand
maraming digmaan. Canal- na nagdurugtong sa
 Nakapasok sa China ang mga Huang Ho at Yangtze River.
nomadikong mandirgima,
Watak watak ang China sa
panahong ito ng 400 na taon.
 Nakarating din ang Budhism sa
China sa panahong ito.
Page 4 of 12
 Sa panahon ni Yang Jian,
ibinalik ang konsolidasyon ng
China, ipinaayos ang Great
Wall, Ipinatayo ang Grand
canal
 na nagdurugtong sa Huang Ho
at Yangtze River.
5.Tang – Li Yuan  Nag alsa ang mga masasaka o Agrikultura
(618- sa kalaunan dahil sa paggamit o Pagtatayo ng mga kalsada
907 CE) sa kanila bilang mga o Wood Block Printing-
manggagawa sa mga proyekto nagpabilis sa paggawa ng
ng dinastiyang Sui kopya ng anumang
 Itinatag ni Li Yuan ang sulatin.
dinstiyang ito.
 Pangalawa sa dakilang
dinastiya ng China.
o Nanumbalik ang sigla at
kasaganaan.
o Bumalik ang mahusay na
pamamahala.
o Sa tulong ng mga iskolar na
Confucian
o Sumigla ang agrikultura dahil
sa pagong uri ng palay at
bagong paraan ng
pagsasaka
o Sumigla ang kalakalan dahil
sa mga bagong kalsada
o Lubos na lumaganap ang
Buddhism.
6. Song o Zhao Kuangyin  Ikatlo sa dakilang dinastiya ng  Sining at panitikan- Tema
Sung- China ay kalikasan, paglipas ng
(960-  Nagpatuloy ang kasaganaan sa panahon at buhay ng tao.
1278 CE) panahong ito, ngunit naging  Landscape painting at
hamon ang pagsalakay ng mga iskultura, porselana,
pangkat etniko sa Hilagang gunpowder.
Asya  Nagsimula ang tradisyon ng
 Bagamat nasakop ng mga Foot Binding- binabalot
nomadiko ang Hilagang China, nang mahigpit sa bendang
nagpatuloy nagpatuloy ang bulak o seda ang paa ng
pamumulaklak ng sining at babae mula sa daliri
panitikan.Kalikasan ang tema ng hanggang sa sakong upang
panitikan. pigilan ang paglaki ng paa.
 Lumitaw din sa panahong
ito ang Neo-
Confucianism.na binuo ni
Zhuxi o( Chu Hsi)isang
dakilang iskolar na
Confucian.
7.Yuan- Kublai Khan  Nasakop ng mongol ang  Kasanayan sa
(1278- Hangzhou, kapital ng Song pakikidigma.
1368 CE) noong 1276 CE.  Pagdating ng mga
 Bago pa ito, itinatag ni Kublai banyaga sa China.
Khan noong 1267 ang lungsod  Silk Road o Kalakalan ng
ng Daidu ( ngayon ay Beijing) seda.
sa hilagang China.
 Ito ang naging capital ng
dinastiyang Yuan- ang unang
dinstiyang banyaga sa
China.
 Si Kublai Khan ay apo ni
Genghis Khan. Ang
mga mongol ay magaling sa
pagsakaysa kabayo,
Page 5 of 12
mahusay sa taktika ng
pakikipaglaban,disiplina,at
katapatan sa pinuno.
 Ipinairal pa rin ng mga mongol
ang Pilosopiyang
Confucianism at iba pang
tradisyong tsino. Ang mga
dokumento ng imperyo ay
parehong nakasulat sa wikang
tsino at Mongolian.
 Ang Yuan ay bahagi lamang
ng malawak na imperyong
naitatag ng mga mongol sa
Hilagang Asya hangang
Kanlurang Asya .
 Nagkaroon ng mga banyagang
manlalakbay na nakarating sa
China sa panahong ito, tulad ni
Marco Polo- isang
manlalakbay na taga Venice
Italya, Nagpatuloy
din ang kalakalan ng seda sa
panahong ito.
8.Ming- Zhu  Pinalitan ng mga mahihinang  Inayos muli ang great
(1368- Yuanzhang pinuno si Kublai Khan Wall,
1644 CE)  Nagkaroon ng rebelyon na  Ibinalik ang eksameng
pinamunuan ni serbisyo sibil.
Zhu Yuangxhang- nag tatag  Pinalawak ang kalakalang
ng dinastiyang Ming. pandagat.
 ikaapat sa dakilang dinastiya  Nakarating sa TSA.TA.
sa China. Persian Gulf, at silangang
Africa ang ekspedisyon ni
Zhenghe.
 Sa kabuuan, umunlad
 ang kulturang Tsino at
lumago ang ekonomiya.

Gawain 4: VENN DIAGRAM. LOKALISASYON. Gamit ang iyong sagutang papel, isulat ang
pagkakatulad ng mga pangyayari o impormasyon o bagay na makikita sa Pilipinas sa impormasyon
o pangyayari o bagay sa dinastiya ng China. Sagutin ito ng pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Silk Road 1.
Forbidden City Pangyayari,
Calligraphy 2.
impormasyon o bagay
Mandate o na magkasing katulad. 3.
Heaven
Dinastiya ng
Nasakop ng mga China vs. Pilipinas 4.
Tsino ang Korea

Page 6 of 12
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

BASA-SURI-UNAWA: Basahin, suriin at unawain ang teksto sa ibaba

Mga Dinastiya ng Korea


1. Gojoseon o lumang Joseon (2333BCE-108 BCE)- Ayon sa mga iskolar, nagkaroon ng
hiwa- hiwalay na estadong pamayanan sa Korea noong panahon ng Bronse. Isa sa
pinakamalakas ay ang Gojoseon na itinatag ni Danggun. Mula sa pagiging pamayanan,
ito ay naging kaharian. Nasakop ng han ng China noong 109 BCE. Nagpatuloy ang
pangingibabaw ng China hanggang 313 CE.
2. Tatlong kaharian (313-668 CE)- Unti unting lumitaw ang 3 kaharian ng korea sa timog
na bahagi: ang Goguryeo, Baekje, at Silla. Tinawag ito bilang panahon ng 3 kaharian.
Ang lipunan ng 3 ay pinamunuan ng mga aristokratikong mandirigma. Hiniram nila ang
sistema ng pamahalaanng Han sa China, ang Buddhism at ang tradisyon ng pagsusulat
ng kasaysayan.
3. Pinag isang Silla- (668- 935 CE)- Noong ika 6 na siglo, ang Goguryeo at Baekje ay
pinahina ng mga sigalot, ang Silla ay nasa ilalim ng pamumuno ng magaling na hari,
sinakop nito ang 2 kaharian at napag-isa ng Silla ang halos kabuuan ng Korea. Matapos
ang 7 taon, napatalsik ng Silla ang mga Tsino sa Korea.
4. Balhae- (698- 926 CE)- Itinatag ni Dae Joyong, matatagpuan ito sa hilaga ng Korea at
umaabot hanggang Manchuria. Ang kultura nito ay pinagsanib ng Tang at Goguryeo.
Noong ika-10 na siglo, nasakop ito ng mga nomadikong Khitan.
5. Goryeo o Koryo- 918- 1392 CE)- Itinatag ni Wang Geon. Ang pangalang Korea ay nag
mula sa kahariang ito. Ang buong Korea aynapasailalim sa iisang kaharian. Sa larangan
ng sining, nakalikha ang Goryeo ng sariling istilo ng porselana na tinatawag na celadon.
6. Joseon o Yi- (1392- 1910 CE)- Pinakahuli at pinakamahabang dinastiya sa Korea.
Itnatag ito ni Yi Seong gye. Inilipat nya ang kabisera sa Hanseong (Seoul ngayon). Si
haring Sejong, na tinaguriang “ Ang Dakila” . Sa kanyang panahon, naabot ng Korea ang
tugatog ng pagunlad. Si haring Sejong ang apo ni Yi Seong Gye. Nagkaroon ng pagsulong
sa larangan ng agrikultura, teknolohiya at astronomiya. Pinakamahalagang kontribusyon
ay ang pag papalikha ng alpabetong Korean, ang Hangul o Hunmin Jeongeum. Pinalitan
ang pasusulat na Tsino. Sa pamamagitan ng Hangul natuto an mga karaniwang Korean
sa larangan ng pagsulat. Pinatingkad pa lalo ng Hangul ang pagkakakilanlan ng mga
Korean dahil kinatawan nito ang tunog ng wikang Korean na hindi kayang gampanan ng
pagsusulat na Tsino. Lalong dumami ang mga Koreanong marunong bumasa at sumulat.
Mahalaga rin ang kontribusyon ni Yi Sunsin sa mga labanan sa dagat. Inimbent ang Turtle
Ship o Geobukseon- barkong nababalutan ng bakal. Pilit na sinakop ng Japan ang Korea
,ngunit hindi nya ito nakuha, tinulungan sya ng China. Noong 1627 at 1636, sinakop din
ng mga Manchu ang Korea, ngunit nanatiling matatag ang Korea.
.
Gawain 5: Jumbled Word Puzzle.Sagutin ang mga katanungan sa ibaba, Hanapin ang mga
salita sa pinaghalong letra at ito ay bilugan. Sagutin ito ng pasalita. Huwag ng isulat ang sagot
sa sagutang papel.

B D A R T Y S C X E
A S D F G H E J K L
Z X G C H V J B N M
Q C E L A D O N W E
T R O Y N U N I O P
A D B S G H G F K L
X V U Z U C B N M K
L K K H L F D S E S
D F S C R W R M S K
M Q E J D B Z T K D
H J O S E O N O Y I
Q H N K A S V E T P

Page 7 of 12
1. Alpabeto ng mga Koreano.
2. Tinaguriang Dakila
3. Barkong nababalutan ng bakal
4. Pinakahuli at pinakamahabang dinastiya ng korea.
5. Istilo ng porcelana ng Korea

DINASTIYA SA JAPAN

1. Ang liping Yamato (300- 720 CE) Nara- ( 710- 794 CE)- panahon ng paglaganap ng
impluensyang Tsino sa Japan.Naging tulay ang Korea sa pagdating ng Buddhism at
Confucianism . Sa repormang Taika, binuo ang sentralisadong pamahalaan halaw sa
China. Itinayo ang lungsod ng Nara noong 710 CE. Pinaka unang permanenteng lungsod
sa Japan na kinopya sa Chang An sa China.
2. Fujiwara- (794- 1185 CE)- Heian- ( Kyoto ngayon)- bagong kapital ng Japan.
Nagpatuloy ang paghihiram ng kultura sa Tsina. Sumikat ang angkang Fujiwara simula ng
maging regent si Fujiwara Kamatari- namamahala sa ngalan ng emperador. Namahagi
ng lupa ang mga Fujiwara sa mga angkang aristokratiko. Unti –unting nawala ang kontrol
ng pamahalaan sa mga pribadong lupain ng mga aristokratiko. Lumitaw ang mga
independenteng Han o lupain na kontrolado ng mga Daimyo o pinunong pyudal. Sa
larangan cultural, sumikat ang eleganteng pagsusulat ng tula, sining ng calligraphy, at
pananamit. Naisulat ang dakilang nobela na- Tale of the Genji ni Murasaki
Shikibu.Nagkaroon ng labanan ang mga angkang aristokratiko, nangailangan ng mga
pribadong hukbo. Lumitaw ang grupong Bushi(mandirigma) at samurai – ang mga
naglilingkod. Sila ang mga mandirigmang naglilingkod sa mga daimyo. Lumitaw ang
tradisyong militar na Bushido- Alituntunin ng Karangalan. Mahalaga sa tradisyong ito ang
katapatan, karangalan, at katapangan.Kasama rito ang ritwal ng Seppuku o Harakiri-
marangal na pag papatiwakal.Ang pagtatapos ng panahong Heian ay hudyat ng
pagtatatag ng sistemang Bakufu o pamahalaang militar sa Japan. Sa pamahalaan
militar ,iisang angkan ang dominanteng kapangyarihang pulitikal ayon sa dami ng
kontroladong samurai at malawak na lupain. Shogun- o dakilang heneral ang
namumuno sa pamahalaan,kung kayat kilala rin ito bilang shogunato.
3. Tatlong Shogunato- Minamoto, Ashikaga. Tokugawa- Sa panahong ito,nawalan ng
pulitikal na kapangyarihan sa pamahalaan ang emperador bagamat nanatili sya bilang
simbolo at para gampanan ang mga ritwal ng Shinto.
4. Ang Minamoto- Unang shogunato sa Japan.Sa panahon ito nangibabaw ang
aristokratikong bushi at samurai. Namayani ang sistemang pyudal kung saan ang daimyo
ay kailangang sumunod sa shogun. Ngunit ang daimyo ay nanatiling makapangyarihan sa
sariling teritoryo. Sa panahon ito naganap ang 2 paglusob sa Japan- noong 1274 at 1281.
Ngunit sinalubong ng malakas na bagyo ang pagsalakay na ito ng mga mongol. Tinawag
na Kamikaze o banal na hangin ang mga bagyong ito na simbolo ng proteksyon ng mga
kami o espiritu sa mga hapones.
5. Ang Ashikaga- sa panahong ito hindi lubusang nakontrol ang mga hiwa-hiwalay na
daimyo. Nagkaroon ng digmaang sibil noong 1573.
6. Tokugawa- Ang pagkakaisa ng Japan ay naibalik sa 3 dakilang mandirigma.
a. Oda Nobunaga- isang makapangyarihang daimyo, paggapi sa ibang mga daimyo at
pagkontrol sa mga Buddhist, piñatay ng sariling basalyo.
b. Toyotomi Hideyoshi- Direktang pagbubuwis at pagbabawal ng Kristiyanismo sa
Japan. Pagsalakay sa Korea ngunit hindi nagtagumpay
c. Ieyasu- isang sentralisadong pamahalaang militar batay pa rin sa sistemang pyudal.
Mahalagang kautusan- Patakarang sakoku- pagsasara ng Japan sa mga banyaga
maliban sa mga Dutch na maaari lamang makipagugnayan sa daungan ng Deshima
sa Nagasaki. Ang patakaran ng pagbubuklod ay naipatupad mula 1639- 1854. Sa
larangan ng kultura,naging sikat ang Zen Buddhism, lumitaw ang kabuki- isang uri
ng teatro, haiku- pinakamaiksing tula. Bumuti ang agrikultura, nagkaroon ng
kapayapaan at sumigla ang kalakalan.

Page 8 of 12
Humahanga ako sa iyong determinasyon na matuto. Ngayon naman ay subukan mong
pagsama-samahin ang lahat ng iyong natutunan. Ipakita mo ito sa pamamagitan ng
paggawa ng Hanging Web ng dinastiya ng Silangang Asya. Tara na!!!

IKATLONG ARAW

F. Paglinang sa Kabihasnan(Gawin Mo/ Pagyamanin)

Gawain 6: HANGING WEB: Layunin ng Hanging Web na ito na maipakita mo ang pagkaalam at
pagka unawa mo patungkol sa binasa mong teksto ng dinastiya sa Silangang asya. Sagutin ito ng
pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga Pagpipilian:

Ming Sui Song Zhou Qin Yuan Tang Han Gojoseon Joseon o Yi Balhae

Goryeo Tatlong Kaharian Pinagisang Silla Tatlong Shogunto Liping Yamato Fujiwara

112-221BCE 221-206BCE 206BCE-220CE 589-618CE 618-907CE 960-1278CE

1278-1368CE 1368-1644CE Cross Bow Great Wall of China Silk Road

Grand Canal Wood Block Printing Gun Powder Kublai Khan Zhu Yuanzhang

2333-108BCE 313-668CE 668-935CE 698-926CE 918-1392CE 1392-1910CE

Goguryeo Baekje Silla Wang Geon Haring Sejong Hangul Geobukseon

300-720CE 794-1185CE Minamoto Ashikaga Tokugawa Oda Nobunaga

Toyotomi Hideyosi Ieyasu

Page 9 of 12
G. Paglalpat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin)

Gawain 7: CONCEPT MAP: Iguhit sa isang buong papel ang diagram at sagutin ang tanong na
nasa kahon.

Ngayong natapos mo na ang lahat ng mga gawain sa araling ito ay muling magmuni-muni at
pag-isipan ang iyong mga nalaman at naunawaan sa mga dinastiya sa Silangang Asya.
Makakabuo ka ba ng paglalahat sa iyong natutunan? Mahusay kung maipakita mo ito sa
pamamagitan ng pagsagot sa Gawain 10

Page 10 of 12
IKAAPAT NA ARAW
H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)
Gawain 8: Mag TRI –Question Tayo (LM pahina 146-147). Sagutin ito ng pasalita. Huwag
ng isulat ang sagot sa sagutang papel.

Paano nakatulong sa
Ano ang bahaging
Bakit mahalaga ang pagbuo at paghubog
ginampanan ng
mga pangyayaring ang mga
pangyayaring ito sa
ito sa kanilang pangyayaring ito sa
Mga Pangyayari kanilang bansa na
bansa? kanilang
kinabibilangan?
pamumuhay?
(CHINA)
Naipasa sa dinastiyang Zhou ang
“Basbas ng langit” at ang titulo na
“Anak ng langit”.
(CHINA)
Kinilala ang Han bilang isa sa mga
dakilang dinastiya sa China.
(KOREA)
Unti-unting lumitaw ang tatlong
kaharian ng korea sa timog na
bahagi.
(KOREA)
Ang Goryeo ay itinatag ni Wang
Geon. Ang pangalang Korea ay
nagmula sa kahariang ito. Ang
buong Korea ay napasailalim sa
iisang kaharian.
(JAPAN)
Naisulat sa panahong ito ang
dakilang nobela na The Tale of
Genji ni Murasaki Shikibu.
Nagkaroon ng labanan ng mga
angkang aristokratiko
sa huling bahagi ng panahong
Heian.
(JAPAN)
Lumitaw ang grupong Samurai.
Nabuo ang tradisyong military na
nakapaloob sa Bushido.
Pagkatapos ng Heian ay sumunod
ang Bakufu.

IKALIMANANG ARAW
I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko / Isagawa)

Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang lahat ng mga gawain. Patunay ito na
handa ka na sa maikling pagsusulit na iyong gagawin.

A. Basahin at unawain. Isulat ang sagot sa iyong sagutag papel. (1 puntos sa kada
tamang sagot)

1. Siya ang nagtatag ng Gojoseon.


2.Sa dinastiyang ito napag-isa nila ang halos kabuuan ng Korea at
matapos ang 7 taon napatalsik nila ang mga Tsino sa Korea.
3. Ang dinastiyang ito ay itinatag ni DaeJoyong.
4. Ang dinastiyang ito at itinatag ni Wang Geon. Ang Pangalang Korea ay
nagmula sa kahariang ito.
5. Pinakahuli at pinakamahabang dinastiya ng Korea.

Page 11 of 12
6. Dating capital ng Japan sa Panahong Fujiwara.
7. Ito ay ang panahong napalaganap ang Impluwensiya ng Tsino sa
Japan.Naging tulay ang Korea sa pagdating ng Buddhism at
Confucianism.
8. Sapanahong ito nawalan ng pulitikal na kapangyarihan sa
pamahalaan ang emperador bagamat nanatili siya bilang simbolo at
para gampanan ang ritwal ng Shinto.
9. Ang unang shogunato sa Japan.
10. Sa panahong ito hindi lubusang nakontrol ang mga hiwa-hiwalay na
daimyo.
11. Itinatagang lungsod na ito sa Japan noong 710 C.E. Pinakaunang
permanenteng lungsod sa Japan na kinopya sa Chang An sa China.
B. Enumeration:
3 Dakilang mandirigma ng Panahon ng Tokugawa
12.
13.
14.
3 Shogunato ng Japan
15.
16.
17.
3 Dakilang Kaharian sa Korea noong 313-668 C.E.
18.
19.
20.

J. Karagdagang Gawain at Remediation


Gawain 9: DATA INFORMATION CHART: TARA PAG USAPAN NATEN! Ang
layunin nito ay para magkaroon ng kaunting kaalaman sa mga salita ng mga bansa sa
Silangang Asya partikular na ang China, Japan at Korea para mas magkaintindihan sa
pakikipag-ugnayan sa kanila.

Panuto: Piliin ang Tamang sagot sa kahon. Sagutin ito ng pasalita. Huwag ng isulat ang
sagot sa sagutang papel.

PILIPINO CHINESE KOREAN JAPANESE


1. Magandang umaga
2. Salamat
3. Kumusta
4. Maligayang kaarawan

5. Ipagpaumanhin mo

Mga pagpipilian

Suimasen Bu hao yi si Shil lae hap ni da Xie xie

Kamsahamnida Arigato Tzao-aun Joe Eun A chim

Ohayo Sengil-chukaheh Tanjyoubi Omedetou

Sheng ri Kuaile Ni hao ma Ogenki desuka Jal Ji Net Sso yo

Mahusay! Binabati kita. Natapos mo na ang mga gawain para sa linggong ito.

Page 12 of 12

You might also like