You are on page 1of 50

Republic of the Philippines

SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY


Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA SENIOR HIGH SCHOOL SA


PAMIMIGAY NG CONDOM

Isang Sulating Pananaliksik


na Iniharap kay
Gng. Merlyn Etoc-Arevalo
ng Surigao Del Sur State University
Main-Campus, Tandag City

Bilang Bahagi ng Pagtupad


sa Pangangailangan ng Kursong
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
(Filipino 102)

Ipinasa nina:

Frenzy Picasales
Joan Montero
Jenesiel Carbonilla
Marian Lilang
Ingrid Quilas
Renielle Kristine Mades
Celbert Mahinay
John Paul Tajonera

Marso 2017
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

PASASALAMAT

Taos pusong ipinaaabot ang aming pasasalamat sa mga taong naging parte o

bahagi ng aming pag-aaral para sa walang humpay na suporta at kontribusyon upang

maisagawa nang maayos, maging epektibo at maging matagumpay ang pananaliksik

na ito. Nang dahil sa kanila, mas napalawak pa ang aming kaalaman at naging possible

na magkaroon ng magandang resulta ang aming pag-aaral. Ang tagumpay ng

pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod.

Kay Gng. Merlyn Etoc-Arevalo, ang aming mahal na guro na siyang gumabay at

nagpalawig ng aming pananaliksik, kami po ay nagpapasalamat sa walang sawang

pag-unawa at pagtulong sa amin sa pamamagitan ng pagtama ng aming mali habang

isinasagawa namin ang aming pananaliksik at laong lalo na sa pagbabahagi ng iyong

kaalaman ukol dito. Kung hindi dahil sa inyo ay isang walang kalidad na pananaliksik

ang aming magagawa.

Sa mga respondente sa Senior High School na naglaan ng kanilang oras na

masigasig na nakilahok sa pagsagot nang tapat sa aming kwestyoner, at sa pagbigay

sa amin ng impormasyon na aming kinakailangan sa pananaliksik na ito, maraming

salamat po sa inyong hindi matawarang kabaitan sa pagtugon sa aming mga

katanungan. Kung wala ang inyong kooperasyon at kahandaang sagutin ang aming

katanungan ay maaaring hindi mabuo ang pananaliksik na ito.


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Sa aming kapwa mag-aaral na tumulong sa pamamagitan ng pagbahagi ng

kanilang ideya at kaalaman tungkol sa aming pananaliksik, maraming salamat sa

inyong pagbibigay ng suporta upang matapos namin ito.

Sa aming mga magulang na buong unawa kaming tinulungan at sinuportahan sa

aming mga pangangailangan, maraming salamat po sa inyo. Kami ay nagpapasalamat

sa inyong pag-intindi sa amin sa mga panahong abala kami sa paggawa ng

pananaliksik na ito at sa pagbibigay ng moral at pinansyal na tulong, pagmamahal at

inspirasyon sa amin.

At higit sa lahat, kami po ay lubusang nagpapasalamat sa Poong Maykapal na

pumapatnubay sa bawat hakbang na aming isinagawa mula sa pangangalap ng mga

datos hanggang sa ito ay matapos. Kami ay nagpapasalamat sa Inyo sa pagbibigay sa

aming grupo ng sapat na kaalaman, lakas ng loob at determinasyon upang maisagawa

at maisakatuparan ang pag-aaral na ito, at sa pagdinig sa aming mga panalangin

lalong-lalo na sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa

takdang panahon.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat.

Mga Mananaliksik
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

DEDIKASYON

Ang pananaliksik na ito ay buong pagmamahal naming inihandog unang una sa

mahal na Panginoon na Siya ang nagbigay ng lakas at walang sawang paggabay sa

mga taong nasa paligid lalong lalo na ang mga taong kabilang sa pananaliksik na ito.

Buong puso rin ang aming paghahandog ng lahat ng ito sa aming mga magulang

na walang sawang sumuporta sa amin pang -pinansyal na pangangailangan. Sa

malawakang pag-unawa sa amin tuwing kami’y minsan nahuhuli sa pag-uwi.

Masasabing kayo ang dahilan sa aming mga pagsisikap.

F. P.
J. M.
J. C.
M. L.
I. Q.
R. K. M.
C. M.
J. P. T.
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

TALAAN NG MGA NILALAMAN

DAHON NG PAMAGAT i

PASASALAMAT ii

DEDIKASYON iv

Kabanata

1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN

Panimula 1

Batayang Konseptwal 3

Paglalahad ng Suliranin 4

Kahalagahan ng Pananaliksik 5

Saklaw at Limitasyon 6

Kahulugan ng mga Katawagan 7

2 REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura 9

Kaugnay na Pag-aaral 11

3 METODOLOHIYA

Disenyo ng Pag-aaral 18

Respondente at Populasyon 18

Teknik sa Pagpili ng mga Respondente 19


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Instrumento sa Pananaliksik 19

Hakbang sa Paglikom ng mga Datos 19

Estatistikang Pamamaraan 20

4 PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Talahanayan 1 21

Talahanayan 2.1 23

Talahanayan 2.2 25

Talahanayan 3 26

5 LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom ng mga Natuklasan 28

Konklusyon 29

Rekomendasyon 30

TALASANGGUNIAN 31

APENDIKS A 32

APENDIKS B 34

PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK 35


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Marami sa mga kabataan ngayon ang tumatahak sa magulong mundo.

Nakikipagtalik, agarang pagbubuntis hanggang sa mag-asawa na lamang ng wala pa

sa tamang edad. Sinasabing mapupusok ang mga kabataan sa makabagong

henerasyon. Dahil dito, naging laganap sa bansa gayundi n sa buong mundo ang mga

sakit o virus na dulot ng pakikipagtalik. Naging bukas ang bawat pamahalaan sa

ganitong pangyayari kung kaya’t ang condom ang naisip nilang paraan upang sugpuin

ang ganitong problema. Subalit, ito ay hindi ang pinakaligtas na paraa n upang

maiwasan ang pagbubuntis. Bagama’t ang katawan ng tao ay sensitibo lalong-lalo na

sa ganitong bagay kaya’t ang produktong ito ay maaaring sisira sa immune system ng

babae.

Ayon kay Paulyn Ubial (2016), sekretarya ng Kagawaran ng Pangkalusugan, ang

pamimigay ng condom ay hindi magsusulong ng kawalang delikadesa, ngunit sa

katunayan, ito ay ginawa para sa sekswal na aktibong tinedyer. Sa pamamagitan nito,

magiging mas maingat sa hindi ginusto o “unplanned pregnancies” at STI (Sexually

stransmitted Infection) kasama na ang HIV ( Human Immunodeficiency Virus) o AIDS (

Acquired Immuno Defieciency Syndrome).


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Ang pamimigay ng condom sa bawat mag-aaral ay maaring maging isang

positibong paraan para sa kanila na gawin ng agaran ang pakikipagtalik sa kapwa.

Maaaring masira ang dignidad ng mga kabataan. Sinasabing maiiwasan ang HIV/AIDS

lalong-lalo na sa mga multi-sexual, subalit imbis na maprotektahan sila, lalabas na

parang sinang-ayunan ang pakikipagtalik basta gagamit na lamang ng condom.

Magiging maaga ang panahon ng kanilang taglibog. Edukasyon ang kailangan nila para

maintindihanang usaping ito. Kailangang maunawan nila na ang pakikipagtalik ay para

lamang sa mag-asawa na bumubuo ng pamilya.

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang maipaunawa sa mga mambabasa ang

maaaring maidudulot ng pamimigay ng condom sa mga mag-aaral. Ang layunin nito ay

bigyan ang mga tinedyer ng naturang impormasyon tulad ng positibo at negatibong

epekto nito sa kanilang pag-aaral at kalusugan. Ang pag-aaral na ito ay may

ginagampanang mahalagang tungkulin sapagkat ito ay magsisilbing gabay at patnubay

sa mga mambabasa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Nakatutulong ito

upang mamulat at mapalawak ang kanilang isipan, mabigyang linaw ang kanilang mga

katanungan, mabatid nila ang tama at mali, at upang maproteksyonan ang kanilang

mga dignidad para makamit nila ang landas tungo sa magandang kinabukasan.
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Batayang Konseptwal

Pananaw ng mga
Positibo at
Mag-aaral sa Senior Suhestyon sa
Negatibong Epekto sa
High School sa Kinauukulan
Pamimigay ng mga Mag-aaral

Condom

Figure 1. Iskema ng Pag-aaral


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Makikita sa Figure 1 ang pananaw o opinyon ng mga mag-aaral sa Senior High

School ukol sa pamimigay ng condom sa mga paaralan. Ipinapakita din dito ang mga

posibleng epekto sa mga estudyante na maaaring mabigyan na kung saan ito’y

makadudulot ng mabuti o kaya’y masama. Ipinapakita din dito ang suhestyon ng mga

estudyante sa kinauukulan. Sa pamamagitan nito, maipaabot at maipaalam sa

kinauukulan ang mga hinaing ng mga mag-aaral nang sa gayon ay matukoy nila kung

ano ang karapat dapat gawin at malaman nila kung itutuloy pa ba nila o hindi na ang

pamamahagi ng condom sa mga paaralan. Ito ay magsisilbing instrumento upang

mabatid ng pamahalaan ang mga suhestyon ng mga estudyante, at maaaware sila sa

mga impormasyon at datos na nakakalap ng mga mananaliksik. Sa tulong nito, malutas

at maaaksyunan ng kinauukulan ang ganitong uri ng suliranin.

Paglalahad ng Suliranin

Pag-aaralan ng mga mananaliksik ang pananaw at ang mga maaaring maidulot

nito sa mga mag-aaral sa SHS ng Surigao del Sur State University tungkol sa

pamimigay ng condom. Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na

bigyan ng kasagutan:

1. Anu-ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa SHS sa pamimigay ng condom?

2. Ano ang epekto nito sa mga mag-aaral sa SHS?

2.1 Positibong epekto

2.2 Negatibong epekto


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

3. Ano ang suhestyon sa kinauukulan sa pamimigay ng condom?

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral at magiging

kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang magkaroon ng

karagdagang impormasyon at kaalaman ang mga mag-aaral, at pamulatin ang pag-iisip

ng mga estudyanteng mahilig makipagtalik. Sa pamamagitan din nito ay maagang

mamumulat ang bawat isa sa kahalagahan ng kanilang mga kinabukasan at mabuksan

ang bawat kamalayan sa mga bagay-bagay at mabigyang linaw at kasagutan ang

kanilang mga katanungan tungkol dito.

Sa mga Guro. Ito ay makatutulong upang malaman kung ano ba ang pananaw

at saloobin ng kanilang mga estudyante ukol sa pamimigay ng condom. Sa

pamamagitan din nito, mas lalo nilang maturuan nang tama at mabigyan ng sapat na

patnubay ang bawat estudyante.

Sa mga Magulang. Ang magiging resulta ng pag-aaral nito ay makakatulong

upang malaman nila ang mga mabubuti at masasamang maidudulot ng pamimigay ng

condom sa kanilang mga tinedyer na anak. Sa pamamagitan din nito, mas lalo nilang

ituon ang kanilang atensyon sa kanilang mga anak at mabigyan ng gabay at patnubay

upang maprotektahan ang kanilang dignidad.


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Sa Paaralan. Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay

at batayan upang mas mapaunlad pa ang pamamahala sa loob ng paaralan. Sa

pamamagitan nito, mas lalo pang mapaigting ang seguridad sa paaralan, at upang ang

bawat mag-aaral ay mas lalong maging disiplinado at edukado. �

Sa Pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing instrumento upang

maipalam sa pamahalaan ang mga hinaing ng mga estud yante, at maaaware sila sa

mga impormasyon o datos na nakakalap ng mga mananaliksik. Sa tulong nito,

maaaksyunan nila ang mga problemang kailangang lutasin.

Sa mga susunod pang henerasyon. Ito ay makakatulong upang sila ay

magkaroon ng malawak na pananaw at karunungan, at mapalawak ang kanilang

kaisipan sa pangkalusugan at sa ikinakaharap. Makakatulong din ito upang

maprotektahan ang dignidad ng bawat isa.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pananaw ng mga mag -aaral sa SHS sa

Surigao del Sur State University ukol sa epekto ng pamimigay ng condom sa mga

paaralan. Ito ay gagawin sa loob ng isang semester lamang taong 2016-2017.


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Kahulugan ng mga katawagan

AIDS. Ito ay isang kondisyon sa mga tao kung saan ang patuloy ng pagkabigo o

paghina ng sistemang immuno ay pumapayag sa mga nakapanganganib sa buhay na

mga oportunistikong mga impeksiyon na manaig.

Benipisyo. Ang makukuha o napapakinabangan ng isang tao sa isang bagay,

sitwasyon at pangyayari.

Condom. Bagay na parang lobo na ginagamit sa pakikipagtalik bilang

proteksyon upang maiwasang mabuntis ang babae.

Dignidad. Ang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagkilala, pagpapahalaga, at

paggalang ng kaniyang kapwa.

Hinaing. Isang reklamo o suhestiyon ukol sa isang partikular na bagay na inyong

pinaguusapan.

HIV. isang lentivirus (na kasapi ng pamilyang retrovirus) na nagsasanhi

ng acquired immunodeficiency syndrome

Iskema. Diyagram na ginagamit sa pagrepresenta .

Kamalayan. Pag-unawa at kaalaman sa maraming bagay tungkol sa mga

nangyayari sa paligid.

Kinauukulan. May kapangyarihan sa pagdesisyon sa isang bagay o pangyayari.


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Sarbey. Pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pakikipanayam.

Saloobin. Damdamin ng isang tao.

STD. Sexually Transmitted Disease

Suhestyon. Masasabi ng isang tao tungkol sa mga pangyayari.


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Makikita sa kabanatang ito ang mga publikasyong may kinalaman sa

pananaliksik na ito, kasama na ang mga pahayagan, aklat, web page, gayundin ang

ibang mga kaugnay na pag-aaral tulad ng tesis at disertasyon at iba pang sanggunian

na magagamit na batayan sa pagsusuri.

Kaugnay na Literatura

Banyaga

Ayon kay Dodd (1988), ang paghahambing sa publikong paaralan sa lungsod ng

New York at Chicago ay nakita ang positibong epekto ng condom. Sa magkatulad na

aktibidad sa mga mag-aaral sa senior high school sa parehong lungsod, ang mga

estudyanteng aktibo sa usapang sekswal sa New York na kung saan mayroong

programang tungkol sa condom, ay maaaring mag-ulat gamit ang condom kaysa sa

Chicago, sapagkat ang condom ay hindi ipinamimigay sa kanilang paaralan.

Sa dalawang taong pag-aaral ng Philadelphia Health Resource Centers (HRCs),

ang porsyento ng mga estudyanteng gumagamit ng condom na nakikipagtalik ay

tumaas. Sa paaralang mayroong mataas na paggamit ng HRC, ang mga estudyanteng

nakikipagtalik ay bumaba, habang ang condom na nagamit sa pakikipagtalik ay tumaas.


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Ang pag-aaral sa paaralan ng New York, ang condom ay isang makabuluhang

pagtaas sa paggamit ng mga estudyanteng aktibo sa sekswal ngunit hindi tumaas ang

gawaing sekswal. Sa Europe at Canada, kung saan ang komprehensyon na edukasyon

sa pakikipagtalik ay kompidensyal.

Inilahad ni Boonstra (2014) na ang kabataang maagang nabubuntis sa mga

industriyalisadong bansa ay kontrobersyal na isyu upang sugpuin at matulungan ang

mga kabataan sa ganitong kontrasepsyon. Ang ganitong sistema ay naglalaban sa

pagpapabuti at mabawasan ang mga probabilidad ng mga ayaw mabuntis na

nakikipagtalik na mga aktibong kabataan.

Ipinaliwanag ni Paton (2002) na maaaring dadami ang pasilidad ng condom at

ang mga nakikipagtalik kabilang ang maagang panganganak kung sasang -ayunan ang

pamimigay ng condom.

Lokal

Maaaring payagan ng Department of Education (DepEd) ang Department of

Health (DOH) sa kanilang plano na mamigay ng mga condom sa mga mag-aaral sa

susunod na taon pero tanging sa mga junior at senior high school students lamang.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones (2016), nagsimula na ang pag-

uusap sa pagitan ng dalawang kagawaran kaugnay ng pinaplanong programa ng DOH

para mapababa ang tumataas na kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) at


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa mga kabataan. Dagdag pa ni Briones

na napakasensitibong isyu nito at kinakailangan ang masusing pagsusuri bago

maipatupad. Aniya hindi maaring basta-basta na lang ipamahagi ang mga condom ng

hindi sumasailalim sa 17 counseling.

Ipinahayag ni Adelyn (2016) na dumadating sa punto na kapag hatinggabi

tumatakas ang mga bata, pumupunta sa mga tropa at kaibigan. Kahit di naman

magbigay ang gobyerno ng condom, ginagawa pa rin nila ito. Ayon naman kay Chloe

(2016), mas nagiging curious sila na gawin ang mali. Kahit alam nilang mali, parang

gagawin nila kasi alam nila na safe sila doon.

Edukasyon at impormasyon ang kailangan upang labanan ang pagpalaganap ng

HIV at AIDS at hindi ang pamamahagi ng condom sa mga paaralan na pagsasayang ng

pera ng bayan. (Veritas Team, 2016)

Inilahad ni Jerome Secillano (2016) na ang pamamahagi ng condom sa mga

estudyante ay magtutulak lamang sa kanila na makipagtalik na isang immoral na

gawain sa mga taong hindi kasal.

Kaugnay na Pag-aaral

Banyaga

Para kay Watson (2011), na galing sa Jamaican Gleaner; adolescent

prergnancy ay patuloy na hamon sa Jamaica, humigit kumulang 18% ng kabataang


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

isinilang sa Jamiaca ay naiuugnay sa mga nagdadalaga at ang mga condom ay

ibinibigay sa mga paaralan. Ayon pa sa kanya, mahigit 60 sa bawat 100 na buntis sa

mga nagdadalaga sa edad ng 15-19 ay hindi planado noong 2008.

Ang paksa tungkol sa pakikipagtalik ay napakakontrobersiya lalong lalo na sa

kabataan. Ang mga kabataan ay nasa punto na ang kanilang hormone ay mataas at sila

ay nakakaramdam ng pagkalibog. Kung kaya’t napakaimportante sa mga kabataan na

maintindihan ang importansiya tungkol sa kaligtasan sa pakikipagtalik at maaaring

kahihinatnan ng hindi paggamit ng condom. Maraming salik na nakakaapekto sa mga

mga-aaral ng Jamaican na kung saan sila ay lumahok sa pakikipagtalik na paggamit ng

proteksyon at ang mga condoms ay dapat na maipamimigay para makatulong sa

pagbaba ng mga salik na katulad ng: high teen pregnancy rate, mataas na STD/STI

rate at hindi mabisang abstinensya. Ang unang salik na kinakaharap ng mga mag-aaral

sa hayskul ay ang maagang pagbubuntis. Ayon sa Guttmacher Institute (2010), ang

kabataang may edad 15-19 na hindi gumagamit ng proteksyon sa pakikipagtalik ay

tataas ng dalawang beses na posibleng maging maagang ina na kung saan, ito’y

magiging bago at patok sa mg kabataang kababaihan. Ito rin ang napansin ng mga

kasama sa awtoridad ng kalusugan na mayroong makabuluhang pagtaas sa maagang

pagbubuntis.

Bilang resulta ng paghahanap, malinaw na ang condom ay kailangang ipamahagi

sa paaralan upang makontrol at mabawasan ang maagang pagbubuntis. Ang


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

pangalawang malaking salik ay ang STD. Ayon kay Hirsch (2010), ang STD ay tumaas

sa mga tinedyer. Ito ay kilala na ang latex condom ay isa sa mga sangkap upang

makontrol ang pagbubuntis na nakapalaban ng delikadong STD at ito’y kailangang

gamitin palagi.

Ipinahayag ni Cullinan (2004) na magkakaproblema kung ang mga guro ay

mamahagi ng condom, na kung saan sila ay nagtaguyod ng gawaing sekswal.

Lokal

Ayon kay Andrade (2016), ang pagbibigay ng condoms sa paaralan ay may

positibo at negatibong kaso. Ang positibong kaso ay makakapigil ito sa pag empiksiyon

ng HIV at ang negatibong kaso ay maraming mabubuntis na mga kabataan kapag

bibigyan nila ang mga paaralan ng condoms. Hindi lahat ng condoms ay hindi

nabubutas may ilan nabubutas at may ilan din na hindi nabubutas. Kapag bibigyan ang

mga estudyante ng condoms maaring hindi na sila mag-aaral ng mabuti at mas

magpopukos sa pag-aaral kung paano gamitin ang condoms. Maaring palagi na silang

mag sesex dahil sa condoms na binigay.

Mawawala sila sa kanilang landas o tamang daan patungo sa tagumpay dahil sa

binigay na condom. Dapat hindi magbibigay ang DOH ng libreng condom sa mga

estudyante sa susunod na taon dahil hindi natin kontrolado ang isip ng tao na gamitin

ang condom sa tamang paraan may iba talagang tao na lumilihis ng daan para sa
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

sariling kaligayahan.Maraming mabubuntis na mga kabataan kapag ipagpapatuloy nila

ang pagbibigay ng libreng condom sa estudyante.

May advantage at disadvantage ang proyektong ito ng DOH. Ang advantage nito

ay una, mayroong safe sex na magaganap dahil sa condom. Pangalawa,

mababawasan ang kaso ng teen age pregnancy. Panghuli, ay mababawasan ang

abortion at pagkawasak ng kinabukasan ng mga kabataan. Ang disadvantage naman

nito ay una, dahil sa pamimigay ng condoms ay mabubuksan ang malay ng mga

kabataan na umengage sa iresponsableng pakikipagtalik. Pangalawa, magdedepende

nalang ang mga kabataan sa condom at makikipagtalik sa kahit kanino dahil ang iniisip

ng mga kabataan ay safety sila dahil sa condom at hindi magkakasakit o mabubuntis.

Panghuli, ay mabubuo nalang sa mindest ng kabataan na makipagsex nalang palagi

dahil sa binibigay nila na condom. (Lawrence, 2016)

Para kay Garcia (2016), mas lalo pang dadami ang bilang ng teenage pregnancy

sa bansa sa sandaling simulan ng Department of Health (DOH) ang pamimigay ng

libreng condom sa mga estudyante sa susunod na taon. Ito’y nakakadismaya dahil hindi

distribution center ng condom ang mga paaralan at ang mga magulang din ang dapat

nagbibigay ng “education condom” sa halip na ang mga guro. Mas magbebenipisyo ang

mga mag-aaral kung ang ituturo sa kanila ay tungkol sa sports, culture, good manners

and right conduct at hindi ang paggamit ng condom. Wala naman umanong kinalaman
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

ang condom sa pag-aaral at edukasyon ng mga mag-aaral at mali din na solusyon ito

ng DOH sa HIV-AIDS.

Hindi solusyon ang paggamit ng condom sa isyu ng teenage pregnancy at kung

itutuloy pa ang distribusyon nito sa mga pampublikong paaralan ay posibleng dumami

pa ang bilang ng mga nabubuntis na kabataan. Ito ay dahil tinuturuan lang umano

maging sexually conscious ang mga kabataan kaya mas lalong tataas a ng bilang ng

teenage pregnancy.

Ipinaliwanag ni Pedroche (2016) na ang paglaganap ng sakit na Accute Immuno

Deficiency Syndrome (AIDS) ay nagsimula sa isang moral wrong. Hindi siya nag-

aastang “moralista” pero iyan ang katotohanan sa kanyang palagay at sa palagay din

ng maraming gumagamit ng sentido komun. Upang masolusyunan ang pagkalat ng

HIV/AIDS, binabalak ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Health na

mamahagi ng libreng condom sa mga paaralan. Ang katuwiran, yamang hindi rin

mapipigil ang panakaw na pagtatalik ng mga kabataan, maniguro na at bigyan sila ng

condom. Pumapasok dito ang kasabihan na ang isang mali ay hindi puwedeng itama ng

isa pang mali. Kahit totoong talamak ang pre-marital sex sa mga kabataan, hindi naman

lahat ay gumagawa nang ganyan.

Kapag namahagi ang pamahalaan ng libreng condom sa mga eskuwela,

katumbas iyan ng pagkunsinti ng ating awtoridad sa malayang pagtatalik ng mga

kabataan kahit di kasal. Dahil diyan, pati yung hindi nagpa-practice ng pre-marital sex
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

ay ma-eengganyo na ring gawin ito. Lalakas ang loob nila. Dapat mag-isip-isip muna

ang DOH kaugnay nito.

Ayon kay Crizaldo (2017), maingat na binabalanse ng Department of Education

(DepEd) at Departmrnt of Health (DOH) ang nararapat na hakbang upang tugunan ang

patuloy na pagtaas ng insidente ng premarital sex at epidemya ng HIV and AIDS sa

mga kabataan.

Kada sampung taon, naglalabas ng pambansang datos ang University of the

Philippines Population Institute (UPPI) at ang Demographic Research and Development

Foundation patungkol sa sexual behaviors ng kabataang Pinoy. Noong 2013, napag-

alaman na isa sa bawat tatlong kabataan ay may naging karanasan na sa pakikipagtalik

sa kapwa nila kabataan. Mas mataas ang datos na ito kumpara noong 2002 at noong

1994. Hindi na dapat magtaka kung bakit halos nadoble ang bilang ng teenage

pregnancy nitong nakaraang dekada. Kinumpirma ng United Nations Population Fund

(UNFPA) ang datos na ito kung saan sinasabing patuloy ang pagtaas ng bilang ng

teenage pregnancy.

Sa kasalukuyang datos ng UPPI at DRDF, ang premarital sex incidents sa mga

kabataan ay 'unprotected' o hindi gumamit ng anumang proteksyon hindi lamang upang

hindi mabuntis kundi upang makaiwas din sana sa pagkakaroon ng HIV. Ayon sa tala

ng National Youth Commission, may mga bagong cases ng HIV infection sa bansa ay
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

mga kabataan na nasa 15 to 24 years old. Dagdag pa ng NYC, sa bawat araw, 29 na

Pilipino ang nagkakaroon ng HIV, at higit sa kalahati nito ay kabataan. Ibig sabihin, may

19 na kabataang Pinoy ang nagkaka-HIV kada araw.

Ito ang mga nakakabahalang scenario na nag-udyok sa DOH na maglapat ng

dagliang tugon sa lumalalang insidente ng premarital sex at epidemya ng HIV.

Pangunahin sa mga solusyon na nais gawin ng ahensya ay ang pamimigay ng libreng

contraceptives (condoms) sa mga paaralan kaakibat ng pagpapaigting ng sex

education.

Pero medyo nagpreno ang DepEd sa panukalang ito ng DOH. Katwiran ng

ahensya, mahalagang isaalang-alang ang posibilidad na maaaring magkaroon ng

'unintended consequences' ang ganitong hakbang. Lalo pa't hindi malayong mangyari

na may mga kabataan na lalong ma -curious at mag-experiment sa condom use. Sa

madaling salita, baka lalong ma-encourage ang mga kabataan na mag-engage sa

premarital sex dahil malaya at libre na ito sa mga paaralan. Dagdag pa ng ahensya,

mahalaga din na hindi masapawan ang karapatan at katungkulan ng mga magulang na

mag-educate ng kanilang mga anak patungkol sa sekswalidad.


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata 3

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang disenyo ng pag-aaral, instrumentong

gagamitin at pamamaraan sa pangangalap ng mga datos o impormasyon pati na rin

ang bilang ng mga respondente na makilahok sa pag-aaral. Nakapaloob dito ang mga

gagamiting tagatugon sa paksang sinisiyasat at gayundin ang uri ng estadistika na

angkop sa paksa.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang disenyo ng pag-aaral o pananaliksik ay deskriptib-sarbey sapagkat

naaangkop ito sa mga estudyanteng may pananaw tungkol sa pamimigay ng condom.

Marami itong epekto sa pag-aaral nila, sa kalusugan at sa pakikipag-ugnayan nila sa

ibang tao. Susuriin ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang kaalaman, damdamin,

kaisipan, at pananaw ng mga mag-aaral sa mga maaaring maging epekto ng

pamimigay ng condom sa mga paaralan.

Respondente at Populasyon

Ang mga kalahok sa pananaliksik ay mga mag-aaral na nagmumula sa Senior

High School ng Surigao Del Sur State University. Ang mga respondente ay limitado sa

50 na mag-aaral na maaaring sumagot sa bawat talatanungan na ipapamahagi ng mga

mananaliksik.
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Teknik sa Pagpili ng mga Respondente

Ang ginamit bilang teknik sa pagpili ng mga respondente ay Convenience

Sampling. Ito ay sapagkat ang mga respondenteng pipiliin ay limitado lamang sa 50 na

mag-aaral at hindi buong populasyon ng SHS. Ang populasyon ay masyadong malaki at

imposibleng isama ang bawat indibidwal. Ito ang piniling teknik ng mga mananaliksik

sapagkat ang mga pipiliing respondente ay batay sa kanilang availability at easy

access.

Instrumento sa Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay kwestyoner o

talatanungan na sariling gawa ng mga mananaliksik at ipanavaledeyt sa mga eksperto.

Ipamumudmod ito sa 50 na mag-aaral sa Senior High School sa Surigao Del Sur State

University. Ang talatanungan ay binubuo ng apat na mga katanungan at ipapasagot sa

mga respondente. Sasagutin ng mga kalahok ang bawat tanong sa pamamagitan ng

paglalagay ng tsek sa kanilang kasagutan.

Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay siyang magiging daan upang

makakuha ng mga datos na susuporta sa tesis o pag-aaral na ito.

Hakbang sa Paglikom ng mga Datos

Ang pamamaraan at hakbang ng pangangalap o paglilikom ng mga datos ay

nagsisimula sa paggawa ng talatanungan at susundan ng pag-eedit sa instrumento


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupan ng

mga tanong sa mga problemang nais lutasin ng mga mananaliksik.

Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang susunod. Personal na

pinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sa bawat

kalahok at ibibigay ang tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat na

tugon. Ililikom ang mga instrumento at ihahambing ang mga sagot ng bawat kalahok at

bigyan ng kabuuan at konklusyon.

Estatistikang Pamamaraan

Ang estatistikang pamamaraan na gagamitin ay pagkuha ng porsyento o

bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito. Batay sa nabilang na tugon

ng mga respondente sa bawat katanungan, maaari nang makita ang prekwensi sa

bawat bilang na tugon. Ang pagkuha ng kabuuang bahagdan ay:

Kung saan ang:

P ay nangangahulugang bahagdan

f ay nangangahulugang prekwensi o bilang ng tumugon

n ay nangangahulugang kabuuang bilang ng mga respondente


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata 4

PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik

mula sa mga mag-aaral sa Senior High School tungkol sa pananaw nila sa pamimigay

ng condom, positibo at negatibong epekto nito, at suhestiyon nila sa kinauukulan.

Talahanayan 1
Pananaw ng mga Respondente sa Pamimigay ng Condom sa mga Paaralan

Opsyon Bilang ng Bahagdan Ranggo


Tumugon
1. Nakakatulong ito upang maiwasan ang pagkalat
ng sakit na HIV/AIDS 11 22% 2
2. Mas mamulat ang mga estudyante sa ganitong
bagay at mapalawak ang kanilang kaalaman 7 14% 3
3. Ito’y nakabubuti upang makontrol at mabawasan
ang maagang pagbubuntis 6 12% 4
4. Ito’y nakakasama sapagkat katumbas ito ng
pagkunsinti ng awtoridad sa malayang pagtatalik ng 18 36% 1
mga kabataan kahit di kasal
5. Ito’y nakakadismaya dahil mali itong solusyon ng
DOH sa problema, edukasyon at impormasyon ang 4 8% 5.5
kailangan
6. Mas lalo pang dadami ang bilang ng teenage
pregnancy sa bansa sa sandaling simulan ng DOH 4 8% 5.5
ang pamimigay ng condom

Kabuuan 50 100%
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Ipinapakita sa talahanayan 1 na labingwalo (18) ang nagsabing ang pamimigay

ng condom ng DOH sa mga paaralan ay nakasasama sapagkat katumbas ito ng

pagkunsinti ng awtoridad sa malayang pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal. Ito ay

may 36%. Labing-isa (11) naman sa kanila ang nagsabing nakatutulong ito upang

maiwasan ang pagkalat ng sakit na HIV/AIDS at ito ay may katumbas na 22%. Pito (7)

naman sa kanila na may 14% ang nagsabing sa pamamagitan ng pamimigay ng

condom, mas mamulat ang mga estudyante sa ganitong bagay at mapalawak ang

kanilang kaalaman. Anim (6) naman sa kanila ang tumugon na ito ay nakabubuti upang

makontrol at mabawasan ang maagang pagbubuntis. Ito ay may 12%. Apat (4) sa

kanila ang nagsabing mas lalo pang dadami ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa

sa sandaling simulan ng Kagawaran ng Kalusuguan (Departement of Health) ang

pamimigay ng condom ng libre sa mga paaralan. Bukod dito, apat (4) din sa limampung

respondente ang nagsabing ito ay nakakadismaya dahil mali itong solusyon ng DOH sa

problema, sapagkat edukasyon at impormasyon ang kailangan ng mga mag-aaral.

Ayon sa nakalap na resulta, nasuri ng mga mananaliksik na karamihan sa mga

respondente ay may pananaw na ang pamimigay ng condom sa mga paaralan ay

nakakasama sapagkat katumbas ito ng pagkunsinti ng awtoridad sa malayang

pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal.

Base sa resulta ng pag-aaral, nangunguna sa ranggo ang pang -apat na opsyon

na ito’y nakakasama sapagkat katumabas ito ng pagkonsente ng awtoridad sa


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

malayang pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal. Pumapangalawa naman sa bilang

na ito’y nakaktulong upang maiwasan ang pagkalap ng sakit na HIV/AIDS. Habang

pangatlo naman ang opsyon na mas mamulat ang mga estudyante sa ganitong bagay

at mapalawak ang kanilang kalaman ay ika-tatlo. Ika apat naman sa ranggo na ito’y

nakakabuti upang makontrol at mabawasan ang maagang pagbubuntis. Samantalang,

patas naman sa ranggo ang pag-lima at pang-anim na opsyon kung saan ito’y

nakakadismaya dahil mali itong solusyon ng DOH sa problema, edukasyon at

impormasyon ang kailangan ganoon din ang pagdami ng bilang ng teenage pregnancy

sa bansa sa sandaling simulan ng DOH ang pamimigay ng condom.

Talahanayan 2.1
Positibong Epekto ng Pamimigay ng Condom sa mga Mag-aaral

Opsyon Bilang ng Tumugon Bahagdan Ranggo

1. Masolusyonan ang 25 50% 1


HIV/AIDS

2. Upang hindi mabuntis 13 26% 2

3. Pampaswerte sa wallet 4 8% 4

4. Upang laging handa 5 10% 3

5. Walang positibong 3 6% 5
epekto

Kabuuan 50 100%
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Ipinapakita sa talahanayan 2.1 na dalawampu’t lima (25) sa limampung (50)

respondente ang tumugon na ang pangunahing postibong epekto ng pamimigay ng

condom sa mga mag-aaral ay masolusyonan ang HIV/AIDS, na kung saan may

katumbas itong bahagdan na 50%. Labintatlo (13) naman sa kanila ang nagsabi na

ang positibong naidudulot ng pamimigay ng condom ay upang hindi mabuntis at ito ay

may 26%. Apat (4) naman na mga respondente ang tumugon na ito ay pampaswerte

sa wallet at may katumbas itong 8%. Lima (5) naman sa kanila na may 10% ang

tumugon na upang maging laging handa at tatlo (3) naman ang nagsabi na wala itong

positibong epekto at ito ay may 6%.

Batay sa natuklas na mga resulta ng mga mananaliksik, mas malinaw na ang

pangunahing positibong epekto ng pamimigay ng condom ay masolusyonaan ang

pagkalat ng sakit na HIV/AIDS.

Ang positibong epektong nangunguna sa ranggo ay ang opsyon 1 na kung saan

ito ay nagsasaad na masolusyonan ang HIV/AIDS. Pumapangalawa naman ang opsyon

2 na nagsasabing upang hindi mabuntis. Pangatlo ang epekto na upang laging handa.

Pang-apat naman ang pampaswerte sa wallet at panglima ang walang positibong

epekto.
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Talahanayan 2.2
Negatibong Epekto ng Pamimigay ng Condom sa mga Mag-aaral
Opsyon Bilang ng Tumugon Bahagdan Ranggo
1. Nahihikayat silang
makipagtalik 36 72% 1
2. Mas lalong dadami ang
bilang ng teenage pregnancy 3 6% 4
3. Dagdag gastos sa
pamahalaan 1 2% 5
4. Distraksyon sa Pag-aaral 6 12% 2
5. Walang negatibong epekto 4 8% 3
Kabuuan 50 100%

Ayon sa talahanayan 2.2, sinang-ayunan ng tatlumpu’t anim (36) na

respondente na may 72% na ang negatibong epekto ng pamimigay ng condom ay

nahihikayat ang mga tindeyer na makipagtalik. Anim (6) naman sa kanila ang

nagsabing distraksyon sa pag-aaral ang negatibong epekto nito, na kung saan may

katumbas itong bahagdan na 12%. Tatlo (3) sa kanila na may 6% ang tumugon na mas

lalong dadami ang bilang ng teenage pregnancy at isa (1) ang nagsabing ito ay dagdag

gastos sa pamahalaan. Ito ay may bahagdan na 2% Bukod dito, apat (4) ang tumugon

na may 8% na ang pamimigay ng condom sa mga mag-aaral ay walang negatibong

epekto.
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Base sa nasuring resulta ng mga mananaliksik, mas malinaw na ang

pangunahing negatibong epekto ng pamimigay ng condom sa mga paaralan ay

nahihikayat ang mga tinedyer na makipagtalik.

Malinaw na nangunguna sa ranggo ang opsyon 1 na nagsasabing nahihikayat

silang makipagtalik. Pumapangalawa naman ang opsyon 4 na kung saan ito daw ay

distraksyon sa pag-aaral. Ikatlo naman ang walang negatibong epekto. Pang-apat ang

opsyon 2 na mas laong dadami ang bilang ng teenage pregnancy. Panghuli naman sa

ranggo ang epekto na dagdag gastos ito sa pamahalaan.

Talahanayan 3
Suhestiyon ng mga Mag-aaral sa Kinauukulan

Opsyon Bilang ng Tumugon Bahagdan Ranggo

1. Ipagpatuloy ang 8 16% 3


pamamahagi ng condom

2. Huwag na lang ituloy 10 20% 2


ang pamimigay ng condom
sa mga mag-aaral

3. Dapat ituro ang sex 28 56% 1


education sa halip na
magbigay ng condom

4. Ipagpaliban na lang 4 8% 4
muna

Kabuuan 50 100%
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Ipinapakita sa talahanayan 3 ang mga suhestiyon ng mga mag-aaral sa

kinauukulan ukol sa pamimigay ng condom sa mga paaralan. Dalawampu’t walo (28) sa

limampung (50) respondente na may bahagdan na 56% ang nagsabing dapat ituro ang

sex education sa mga paaralan sa halip na magbigay ng condom. Walo (8) naman sa

kanila ang nagsabing kailangang ipagpatuloy ang pamimigay ng condom, at ito ay may

16%. Samantala, sampu (10) sa kanila na may katumbas na 20% ang tumugon na

huwag na lang ituloy ang pamimigay ng condom sa mga mag-aaral. Apat (4) naman

ang nagsabing ito’y ipagpaliban na lang muna, at ito ay may katumbas na 8%.

Dahil sa mga nakalap na impormasyon, napag-alaman ng mga mananaliksik na

halos lahat ng mga respondente ay may kagustuhan na dapat ituro ang sex education

sa mga paaralan sa halip na magbigay ng condom.

Tunay na makikita sa talahanayan na nanguguna sa ranggo ang opsyon 3.

Sinang-ayunan ng maraming estudyante na dapat ituro ang sex education sa halip na

magbigay ng condom. Pangalawa naman ang opsyon 2 na nagsasabing huwag na lang

ituloy ang pamimigay ng condom sa mga mag-aaral. Pangatlo sa ranggo ang opsyon

na ipagpatuloy ang pamamahagi ng condom. Panghuli naman ang opsyon 4 na kung

saan ito ay nagsasaad na ipagpaliban na lang muna ang pamimigay ng condom.


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata 5

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng lagom ng pag-aaral, konklusyon, at

rekomendasyon para ang solusyon sa problemang naitala sa pag-aaral na ito ay

maibibigay.

Lagom ng mga Natuklasan

Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa pamimigay ng condom ay naganap.

Limampung respondente ang sumagot sa mga katanungan na pinamigay ng mga

mananaliksik, at ang resulta ay ang mga sumusunod:

1. Batay sa resulta ng pag-aaral, napag-alaman ng mga mananaliksik na karamihan

sa mga respondente ay naniniwala na ang pamimigay ng condom sa mga paaralan

ay nakasasama sapagkat katumbas ito ng pagkunsinti ng awtoridad sa malayang

pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal.

2.1. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang positibong naidudulot ng pamimigay

ng condom ay masolusyonan ang HIV/AIDS.

2.2 Bukod dito, napag-alaman ng mga mananaliskik na mas malinaw na ang

pangunahing negatibong epekto ng pamimigay ng condom sa mga paaralan ay

nahihikayat ang mga tindeyer na makipagtalik.


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

3. Ayon sa mga nakalap na mga datos, na tuklasan ng mga mananaliksik na

karamihan sa mga respondente ay nagmungkahi na dapat ituro ang sex education

sa mga paaralan sa halip na magbigay ng condom.

Konklusyon

Batay sa mga inilahad na mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa

mga sumusunod na konklusyon.

1. Ang pamimigay ng condom ng DOH sa mga mag-aaral ay nakasasama sapagkat

katumbas ito ng pagkunsinti ng awtoridad sa malayang pagtatalik ng mga kabataan

kahit di kasal.

2.1. Ang positibong epekto ng pamimigay ng condom sa mga mag-aaral ay

masosolusyonan ang pagkalat ng sakit na HIV/AIDS.

2.2. Kahit may positibong epekto ito, nakadudulot pa rin ito ng negatibong epekto sa

mga mag-aaral. Ang pangunahing negatibong epekto nito ay nahihikayat silang

makipagtalik.

3. Suhestyon ng mga mag-aaral na dapat ituro ang sex education sa mga paaralan

sa halip na magbigay ng condom.


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Rekomendasyon

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, buong

pagkumbabang inirekomenda ng mga mananaliksik ang sumsunod:

1. Sa halip na condom ang ipamamahagi, Sex Education nalang ang kanilang

pagtuunan ng pansin nang sa gayon, kabataa’y magkaroon ng kamalayan sa ganitong

bagay.

2.1. Kailangang alamin muna ang hinanaing ng mga guro, magulang at maging ang

mga kabataan bago gawin ang aksyon upang masiguradong walang badyet na

masasayang at mga kabataang masisira ang kinabukasan.

2.2. Kung ang pamimigay ng condom sa mga mag-aaral ay nakakapagbibigay ng

negatibong epekto, dapat ito’y itigil at mag -ingat ang awtoridad sa bawat desisyong

gagawin.

3. Kailangang paigtingin ang pagbibigay ng mga pang-edukasyong suporta ng

pamahalaan ukol sa ganitong problema.


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

TALASANGGUNIAN

Dodd, Keri J. (1998). School Condom Availability. Retrieved February 1998, from
https://www.advocatesforyouth.org/publications/449-school-condom-availability

Boonstra (2014). The Incidental Fertility Effects of School Condom Distribution


Programs. Retrieved from http://www3.nd.edu/~kbuckles/condoms .pdf

Veritas Team (2016). Pamamahagi ng Condom, Pagsasayang ng Pera ng Bayan.


Retrieved December 6, 2016, from http://www.veritas846.ph/pamamahagi -ng-
condom-pagsasayang-ng-pera-ng-bayan/

Watson (2011). Condoms Should be Distributed in Schools. Retrieved from


http://essayontopic.com/?p=38135

Andrade, J.N. (2016). Panindigan tungkol sa Distribusyon ng Condoms sa Paaralan


upang mapigilan ang Empiksiyon ng HIV. Retrieved December 13, 2016, from
http://jhaybnadileandrade.blogspot.com/2016/12/panindigan-tungkol-sa-
distribusyon-ng.html

Lawrence (2016). Condom: Nakakatulong ba? Retrieved December 11, 2016, from
http://litelawrence.blogspot.com/2016/12/condom-nakakatulong-ba.html

Garcia, Gemma (2016). Teenage Pregnancy Dadami sa Libreng Condom ng DOH.


Retrieved December 5, 2016, from
http://www.philstar.com/bansa/2016/12/05/1650357/teenage -pregnancy-dadami-
sa-libreng-condom-ng-doh

Pedroche, A.G. (2016). Libreng Condom sa Students. Retrieved December 5, 2016,


from http://www.philstar.com/psn-opinyon/2016/12/05/1650333/libreng-
condom-sa-students

Crizaldo, R.L. (2017). Condoms sa Classrooms. Retrieved January 20, 2017, from
http://www.journal.com.ph/editorial/pananaw-pinoy/condoms-sa-classrooms
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

APENDIKS A

PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA SENIOR HIGH SCHOOL SA

PAMIMIGAY NG CONDOM

Pangalan (optional):________________________________ Kasarian: Babae


Strand: Lalaki
ABM HUMSS ICT STEM FBS

Edad: 12-13 14-15 16-17 18-pataas

PANUTO: LAGYAN LAMANG NG ISANG TSEK (√) ANG IYONG PINAKASAGOT SA


MGA TANONG.

1.) Ano ang iyong pananaw ukol sa pamimigay ng condom sa mga mag-aaral sa SHS?

[ ] Nakakatulong ito upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na HIV/AIDS

[ ] Mas mamulat ang mga estudyante sa ganitong bagay at mapalawak ang


kanilang kaalaman

[ ] Ito’y nakabubuti upang makontrol at mabawasan ang maagang pagbubuntis

[ ] Ito’y nakakasama sapagkat katumbas iyan ng pagkunsinti ng awtoridad sa


malayang pagtatalik ng mga kabataan kahit di kasal

[ ] Ito’y nakakadismaya dahil mali itong solusyon ng DOH sa problema, edukasyon


at impormasyon ang kailangan

[ ] Mas lalo pang dadami ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa sa sandaling
simulan ng DOH ang pamimigay ng condom

2.1) Ano sa tingin mo ang positibong epekto ng pamimigay ng condom sa mga mag-aaral?
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

[ ] Masolusyonan ang HIV/AIDS

[ ] Upang hindi mabuntis

[ ] Pampaswerte sa wallet

[ ] Upang laging handa

[ ] Walang positibong epekto

2.2) Ano ang negatibong epekto ng pamimigay ng condom sa mga estudyante?

[ ] Nahihikayat silang makipagtalik

[ ] Mas lalong dadami ang bilang ng teenage pregnancy

[ ] Dagdag gastos sa pamahalaan

[ ] Distraksyon sa pag-aaral

[ ] Walang negatibong epekto

3.) Ano ang iyong suhestyon sa mga kinauukulan ukol sa pamimigay ng condom sa mga
paaralan?

[ ] Ipagpatuloy ang pamamahagi ng condom

[ ] Huwag na lang ituloy ang pamimigay ng condom sa mga mag-aaral

[ ] Dapat ituro ang sex education sa halip na magbigay ng condom

[ ] Ipagpaliban na lang muna


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Marso, 2017

Annie Y. Samarca PhD.


Punong-guro ng Senior High School
Surigao del Sur State University
Tandag City

Ginoo/Ginang:

Isang malugod na pagbati.

Ang mananaliksik ay kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik hinggil sa


Pananaw ng mga Mag-aaral Sa SHS sa Pamimigay ng Condom, bilang pagtugon sa
mga pangangailangan sa asignaturang Filipino: Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik..

Kaugnay nito, hihingi ang mga mananaliksik ng inyong pahintulot na makuha ang
mga datos na kinakailangan sa pananaliksik mula sa mga mag aaral ng ABM sa
pamamagitan ng pagpapasagot sa kanila ng talatanungang aming inihanda.

Inaasahan po naming ang iyong positibong pagtugon sa kahilingang ito

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik

Pinagtibay ni:

MERLYN ETOC AREVALO


Instructor

Inaprubahan ni:

ANNIE Y. SAMARCA Ph.,D.


Punong-guro
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Frenzy M. Picasales

Tirahan: Purok Mercury, Telaje, Tandag City

Edad: 16

Araw ng Kapanganakan: April 24, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Tandag City, Province of Surigao del Sur

Mga Paaralang Pinagtapusan

Elementarya: Telaje Elementary School

Sekondarya: Jacinto P. Elpa National High School


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Joan B. Montero

Tirahan: Prk. 6A. Boulevard Riverside, Poblacion San Miguel, Surigao del Sur

Edad: 17

Araw ng Kapanganakan: June 6, 1999

Lugar ng Kapanganakan: Poblacion San Miguel, Surigao del Sur

Mga Paaralang Pinagtapusan

Elementarya: Mabuhay Elementary School, Mabuhay Kadingilan Bukidnon

Sekondarya: San Miguel National High School, Poblacion San Miguel, Surigao

del Sur
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Jenesiel C. Carbonilla

Tirahan: Balilahan, Mabua, Tandag City

Edad: 17

Araw ng Kapanganakan: April 16, 1999

Lugar ng Kapanganakan: Layog, Tago, Surigao del Sur

Mga Paaralang Pinagtapusan

Elementarya: Layog Elementary School

Sekondarya: Jacinto P. Elpa National High School


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Marian B. Lilang

Tirahan: Tabing-dagat, Mabua, Tandag City

Edad: 18

Araw ng Kapanganakan: November 06, 1998

Lugar ng Kapanganakan: Tandag City

Mga Paaralang Pinagtapusan

Elementarya: Tandag Central Elementary School

Sekondarya: Jacinto P. Elpa National High School


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Ingrid R. Quilas

Tirahan: Purok Neptune, Telaje, Tandag City

Edad: 17

Araw ng Kapanganakan: November 7, 1999

Lugar ng Kapanganakan: Tandag City

Mga Paaralang Pinagtapusan

Elementarya: Kinabigtasan Elementary School

Sekondarya: Jacinto P. Elpa National High School


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Renielle Kristine A. Mades

Tirahan: Melissa Homes, Tago, Surigao del Sur

Edad: 16

Araw ng Kapanganakan: June 12, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Dumaguete, Cebu City

Mga Paaralang Pinagtapusan

Elementarya: Placido Del Mundo Elementary School

Sekondarya: Jacinto P. Elpa National High School


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: Celbert S. Mahinay

Tirahan: Purok Maligaya III Tanabog, Rosario, Tandag City

Edad: 17

Araw ng Kapanganakan: August 25, 1999

Lugar ng Kapanganakan: Tandag City

Mga Paaralang Pinagtapusan

Elementarya: Rosario Elementary School

Sekondarya: Jacinto P. Elpa National High School


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

Pangalan: John Paul P. Tajonera

Tirahan: Purok Tulay, Bag-ong Lungsod, Tandag City

Edad: 16

Araw ng Kapanganakan: April 1, 2000

Lugar ng Kapanganakan: Tandag City

Mga Paaralang Pinagtapusan

Elementarya: Telaje Elementary School

Sekondarya: Catalunan Pequeno National High School


Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL
Republic of the Philippines
SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY
Main Campus
Tandag City, Surigao del Sur
SENIOR HIGH SCHOOL

You might also like