You are on page 1of 33

SALOOBIN AT PANANAW NG MGA ESTUDYANTE HINGGIL SA PAMUMUNO NG

PANGULONG DUTERTE

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Arte at

Sensya, Universidad ng Perpetual Help

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng

Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik

Marso 2018
i

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik ang pamanahong papel na isa sa

pinamagatang Saloobin at Pananaw ng mga Estudyante Hinggil sa Pamumuno ng Pangulong

Duterte ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananalksik mula sa binubuo nina:

John Briones Kevin Camacho

Vince Celis Althea Lucas

Shaira Yoldi

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng mga Wika, Kolehiyo ng Arte at Sensya,

Unibersidad ng Perpetual bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Dr. Naicy M. Cesista

Propesor ng Filipino
ii

PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa mga sumusunod na indibidwal, tanggapan at sa iba

pang mga naging bahagi sa aming pag-aaral para sa walang humpay na suporta, tulong at kontribusyon upang

maisagawa at maging matagumpayang ang pag-aaral na ito.

Sa mga awtor ng mga artikulo at kuhaan ng elektroniko para sa paglalaan nila ng kanilang oras upang

mabahagi ang mga saloobin at pananaw hinggil sa pamumuno ni Pangulong Duterte na aming nagamit sa aming

buong pananaliksik.

Sa mga respondente na naglaan ng kanilang oras na masigasig na nakilahok sa pagsagot nang tapat sa

kanilang mga kwestyuner at sarbey.

Sa aming mga kapwa mag-aaral na nasa ikatlo na taon para sa pagtutulungan, pagbibigay inspirasyon at

pagsuporta upang matapos an gaming pananaliksik.

Kay Dr. Naicy M. Cesista, ang aming minamahal na propesor at tagapayo sa asignaturang

Filipino, ipinaabot po namin ang aming pasasalamat dahil sainyong walang sawang pagsuporta, pagtulong,

paggabay at pag-unawa samin habang isinasagawa namin ang pananaliksik at lalong lalo na sa pagbabahagi ng

inyong mga kaalaman ukol dito.

Sa Poong Maykapal sa pag bibigay sa aming grupo ng determinasyon upang maisagawa at

maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na aming ginamit sa aming pananaliksik. Sa pag dinig

sa aming mga panalangin lalong-lalo na sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa

takdang panahaon.

Muli, maraming Salamat po sa inyong lahat.


iii

TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1-3

Introduksiyon 1

Layunin sa Pag-aaral 2

Kahalagahan ng Pag-aaral 2

Saklaw at Limitasyon 2

Depinisyon ng mga Terminolohiya 3

Konseptwal na Balangkas 3

KABANATA 2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA 4-9

KABANATA 3 METODOLOHIYA 10

Disenyo ng Pananaliksik 10

Respondente 10

Instrumento ng Pananaliksik 10

Tritment ng mga Datos 10

KABANATA 4 PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS 11-16

KABANATA 5 BUOD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON 17-19

Buod 17-18

Kongklusyon 18

Rekomendasyon 19
iv

TALAAN NG GRAP

A. Grap 1: Ang War on Drugs ni Pangulong Duterte 13

B. Grap 2: Pagiging ligtas ng mga Estudyante Pagna-ideklara

Ang Martial Law 14

C. Grap 3: Pagiging Panatag ng mga Estudyante Kung ang

Susunod na President ay katulad ni Duterte 15

D. Grap 4: Ang Pagdedeklara ni Pangulong Duterte sa

NPA bilang Terroristang Organisasyon 16

E. Grap 5: Ang Plano ng Administrasyong Duterte na

Muling Buksan ang Pag Bigay ng Death Penalty 17

F. Grap 6: Ang Plano ni Pangulong Duterte na Gawing

Federalismo ang Gobyerno 18


v

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa saloobin at pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa pamumuno ng Pangulong

Duterte. Sa kabuuan, ang mananaliksik ay nakapanayam ng isang daang mag-aaral. Ang mananaliksik ay

gumamit ng sarbey kwestyoneyr upang makalakap ng maramihan at makatotohanang datos ukol sa paksang

sinasaliksik at para na rin makuha ng mananaliksik ang tunay na nararamdaman ng mga kalahok at ito ay mas

naaayon sa kamalayang Pilipino. Batay sa mga inilahad na datos, napag-alaman ng mga mananaliksik ang mga

positibo at negatibong saloobin ng mga estudyante hinggil sa pamumuno ni Pangulong Duterte, nadiskubre ng

mga mananaliksik na marami ang hindi sumasang-ayon sa planong Federalismo ng Pangulong Duterte. Naisip

ng mga estudyante na ito ay hindi makakabuti sa ating bansa at may ilang respondente na nagsasabing hindi

makakabuti sa ating bansa ang war on drugs ng Pangulong Duterte. Ang mga positibong opinyon na nakalap sa

datos na to ay nagpapatunay na positibo parin ang saloobin at pananaw ng mga estudyante sa pamumuno ng

Pangulong Duterte kaya ang rekomendasyon ng mga mananaliksik ay bigyan pansin ni Pangulong Duterte ang

kanyang kilos at pananalita upang panatilihin ang ganitong positibong reaksyon ng mga estudyante at mga

mamayan ng ating bansa.


1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSIYON

Sa Pilipinas laganap ang krimen at korapsyon, mga adik at pusher. Simula nang maupo bilang Presidente

si Duterte ay naging maingay na ang kanyang mga pangako at banta sa kriminalidad upang mapaganda

at maging maayos ang seguridad sa Pilipinas, ngunit naging laman ng balita ang patayan at tumaas ang

mga namamatay kabilang na ang ilang mga estudyanteng nadadamay lamang. Sa kabila ng mga

nangyayari nabawasan ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at marami ding pusher ang

sumuko upang mabago ang kanilang mga buhay. Ilan sa mga batas at pangako na ipapatupad ni

Pangulong Duterte ay ang karaoke ban na mapigilan ang magdamagan at nakakabulabog na kantahan

para sa isang mahimbing na pagtulog at upang hindi makabulabog sa mga estudyanteng magdamagan

ang pag aaral at ang pag bawal din nya sa sigarilyo, pagkakaroon ng libreng pag-aaral sa mga State

University, ilan lamang yan sa mga pangako at batas na binitiwan ng Pangulong Duterte sa harap ng

publiko na bibigyang pansin ng mga estudyante.

Ngunit sa kabila ng mga pangakong natupad ni Pangulong Duterte ay nandiyan pa rin ang pangangamba

ng mga estudyante sa mga pamamalakad na sa tingin nila ay hindi ganoon kaayos para sa masa, kabilang

dito ang giyera laban sa droga na nasasama ang mahihirap at ang masama pa dito ay nadadamay ang

ilang estudyante sa mga bilang na namamatay at ang pagpapatupad muli ng Martial Law sa buong

Pilipinas.

Sa pananaliksik na ito mabibigyang linaw ang pamamalakad ng Pangulong Duterte sa kanyang mga

naidulot sa mga estudyante.


2

Layunin ng Pag-aaral

1. Anu-ano ang mga saloobin ng mga piling respondente hinggil sa pamumuno ni Pangulong

Duterte?

2. Anu-ano ang mga pananaw ng mga piling respondente hinggil sa pamumuno ni Pangulong

Duterte?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makatutulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral - makatutulong ang pananaliksik na ito upang sila ay bigyang kaalaman at linawin ang mga

nangyayari at mga maaaring mangyari sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

Sa mga guro at paaralan - magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat ituro o gawing programa para sa

kanilang estudyante nang sa gayon ay magabayan at matulungan ang mga mag-aaral kung anu-ano ang mga

katangian na kailangang hanapin sa isang kandidato na mamumuno sa ating bansa.

Saklaw at Limitasyon

Ang Saklaw at Limitasyon ng Pananaliksik na ito ay napapaloob lamang sa Saloobin at Pananaw ng mga

estudyanteng kolehiyo na nag-aaral sa University of Perpetual Help System DALTA - Las Piñas

Campus hinggil sa pamumuno ni Pangulong Duterte.


3

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Saloobin – Ito ang damdamin at disposisyon ng isang indibidwal.

Pananaw – tumutukoy sa paniniwala o pagkakaunawa o personal na perspektibo ng isang tao sa mga

bagay bagay.

Pamumuno – ay ang proseso ng impluwensiyang panlipunan kung saan ang isang tao ay

nakakapangalap o nakakahingi ng tugon, tulong, at pagtangkilik ng ibang tao para sa pagsasagawa ng

isang pangkaraniwang gawain.

Pangulong Duterte – kasalukuyang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Konseptwal na Balangkas

Estudyante

Saloobin Pananaw

Pamumuno

Duterte
4

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Tagataguyod ni Duterte: Wala nang mga negatibong komento

Ayon kay Andrea Carigma, gusto niyang ipabatid sa madaming tao ang kanyang saloobin nang buong

buo at walang pagkukulang patungkol sa pamumuno ni Pangulong Duterte at sa ugali nito na kung bakit

kasuklam-suklam ang kanyang hindi kagandahan asal, hindi magandang pananalita at kung papaano siyang

isang hindi magandang halimbawa para sa ating mga kabataan. Binanggit niya na mayroong nagsabi na

“marami ang nabubulagan, kahit na kitang-kita na ang mga senyales ng pagkakamali.” Iba ang nababatid niyang

pagkakakilala kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang nakikita ay malayo sa ipinapakita sa telebisyon

at sa internet na “mandarambong” o “masamang tao” ang Pangulo. Siya ay nalulungkot sa tuwing binabatikos

ng maraming tao si Pangulong Duterte bilang isang walang modo at may sayad na tao. Para sa kanya ay isang

responsableng pinuno si Pangulong Duterte (Carigma, Andrea, 2016).

Duterte at ang media, mula sa pananaw ng isang mag-aaral na mamamahayag

Ayon kay Angelica De Leon laman ng nakaraan, ang alkalde ng Davao ay nagpatakbo muli ng kanyang bibig

sa pambansang telebisyon sa panayam nya kay Mariz Umali. Kasabay nito, dinala ni Duterte ang kanyang mga

nakatagpo sa mga tiwaling media practitioner, na epektibong sinisisi ang panlilinlang ng isang mamamahayag

para sa kanyang pagpatay. Hinahamon niya ang awtoridad ng medya upang suriin ang kanyang mga aksyon, at

muling ipahiwatig ang kanyang pangangailangan para sa binting binti habang hindi niya kinuha ang posisyon.

Sa magaspang na paraan, siya ay tumingin direkta sa lente ng camera, at ngasabi sa medya ang gulo ay hindi sa

kanya. Pinahihintulutan si Duterte na hamunin ang pahayag ng medya, gayunpaman ay tila krudo at hindi

naaangkop ang kanyang pagtatanggol. Sa legal na pagsasalita, pinahihintulutan siyang tanggihan ang mga

panayam at makipag-usap sa mga komperensiya. Ang pangulo ay isang pampublikong pigura na ang halaga sa

privacy ay pinahahalagahan pa rin. Ito ay isang pagpipilian, at kung o hindi ang kanyang pagpipilian ay etikal o
5

hindi maaaring debated ng mga tao. Gayunpaman, nakita ko ang paglipat na ito ng Duterte na isang mapanganib

at hindi lamang para sa pangulo o sa medya (De Leon, Angelica, 2016).

Radical na pagbabago sinimulan na ni Presidente Rodrigo Roa Duterte: Laban sa Droga at mga illegal na

gamot

Ayon kay Rod Cantiveros malinaw ang sinabi ni Pangulo Duterte: “Huwag ninyong sisirain ang

kinabukasan ng mga kabataan, papatayin ko kayo. Huwag inyong sisirain ang Pilipinas, papatayin ko kayo.”

Matigas ang paninindigan ni Digong, simula pa nang siya ay manganpanya, haharapin niya ang problemang ito

na wari’y hindi matugunan ng mga kasalukuyang administrasiyon. Laganap at harapan ang paggamit at

paggawa ng mga shabu. Maraming nasisirang mga kabataan; maraming nawawasak na tahanan. Panahon na

ngayon upang ito ay matigil. Wala pang isang lingo sa panunungkulan ang ating pangulo Rodrigo Roa Duterte

ay nasaksihan na maraming factory ng mga droga at mga illegal na gamot. At sa iba’t ibang panig ng Pilipinas,

libu-libo ang mga sumusukong gumagamit at nagbebenta ng mga droga at mga illegal na gamot. Marami din

ang nagsasagupa, kalimitan humahantong sa barilan at patayan. “Alam ko, ang aking anak ay nagbebenta ng

droga, iyon ang hanap buhay niya, upang mabuhay ang kanyang pamilya,” sabi ng isang ama ng napatay ng

drug pusher. At sa mga barangay, marami mga opisyal at mga mamayan ang natutukan at nahuhuli sa

pagbebenta at pagamit ng droga. At ang bagong hepe ng PNP Chief Gen.Ronald “Bato” de la Rosa ay may lakas

upang pangunahan ang pakikipaglaban sa droga at mga ilegal na gamot.Nakakagulat ang libu-libong sumusuko

at nais magbagong buhay (Cantiveros, Rod, 2017).

Dutertador

“Dutertador”, ito ang sigaw ng ilang estudyante ng St. Scholastica Manila at ilang militanteng

estudyante na nag-rally para idaing ang kanilang mga hinaing sa Pangulo bago pa ang nalalapit na SONA. Ayon

sa mga estudyante, wala raw pagkakaiba si Pangulong Duterte kay dating Pangulong Marcos na ginamit ang

batas militar para pumatay ng ating mga kababayan. Bukod pa rito, kabi-kabila rin daw ang paglabag ng

Pangulo sa human rights dahil sa kanyang war on drugs at mga hindi katanggap-tanggap na pananaw sa
6

kababaihan na laging laman ng kanyang mga rape joke. Ayon pa sa mga mag-aaral ng St. Scholastica, sawa na

raw sila sa paulit-ulit na hindi makataong nangyayari at dapat na raw itong mahinto.

Kilusang Pagbabago ng PUP pinababa sa pwesto si Pangulong Duterte

Ayon kay Joana Cruz isang barikada ang itinayo ng Kilusang Pagbabago – PUP at ang Duterte Youth for

Change kasama ang ilang propesor at estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa main

entrance ng unibersidad kamakalawa ng hapon, para paalalahanan ang pangulo ng unibersidad na bumaba sa

puwesto. Sa nasabing protesta, ipinawagan ng mga guro at estudyante na bakantehin ni Emanuel De Guzman

ang kanyang posisyon alinsunod sa Memorandum No. 4 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan,

na nag-uutos na umalis ang mga public official na itinalaga noong nakaraang administrasyon kabilang ang mga

opisyal ng state universities and colleges (SUCs). Bukod sa memorandum ni Duterte, muling inihayag ng mga

guro at mag-aaral ang iregularidad na nangyayari sa loob ng paaralan, sa ilalim ng pamumuno ni De Guzman.

“Walang ventilation ang mga classroom, at pinagkakasya ang mahigit 50 estudyante sa kuwartong 25-30 lang

ang kapasidad,” ani Leopoldo Bragas, pangulo ng Kilusang Pagbabago at dating dean ng College of Business

Administration (Cruz,Joana,2016).

Landas Patungong Pasistang Diktadura

Ayon sa Pinoy Weekly nagtalaga si Pangulong Duterte ng mga progresibo sa gabinete. Nagdeklara siya

ng “pagkalas sa Amerika,” habang tinatahak ang isang tunay na “independiyenteng polisiyang panlabas.”

Umuusad ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Nangako

siyang wawakasan ang kontra tuwalisasyon, habang pag-iisipan ang pagpapatupad ng isang pambansang

minimum na sahod sa mga manggagawa. Sinuportahan niya ang libreng edukasyon sa kolehiyo. May moratoryo

sa mga demolisyon habang walang relokasyon. Pero simula’t sapul, si Duterte mismo ang naglatag ng batayan

sa pagtungo niya sa lantarang pasismo. Sa kabila ng walang-tigil na pamumuna ng progresibong kilusan kontra

sa kanyang Oplan Tokhang na bumiktima sa libu-libong maralita, pinatindi lang ito ng kanyang rehimen.

Nagtalaga siya ng economic team na tumatahak pa rin sa landas ng neoliberal economics – o ang bigong mga
7

polisiya sa ekonomiya na lalong nagpahirap sa mga mamamayan sa nakaraang mga administrasyon. Unti-unti

siyang nagtalaga ng mga retiradong heneral at opisyal sa sibilyang mga posisyon sa gobyerno. Samantala, hindi

talaga siya nagputol ng ugnay sa US; ipinagpatuloy niya ang mga ehersisyong militar na Balikatan. Patuloy

naman ang banat niya sa independiyenteng mga institusyon ng gobyerno tulad ng Hudikatura, habang

kinokonsolida ang kontrol sa Kongreso (Pinoy Weekly, 2016).

Reaksyon ng mamamayan sa SONA ng Pangulong Duterte, naging positibo

Ayon kay Aiko Miguel habang nanonood ang ating mga kababayan ay di mapigilang matawa at matuwa

sa bawa’t biro at salitang binibitawan ng Pangulo na nakalaan para sa buong bayan.. Ipaglaban ang pambansang

kalayaan at demokrasya laban sa paghahari at dominasyon ng US. Isulong ang pambansang soberanya at

teritoryal na integridad ng Pilipinas. Isulong ang usapang pangkapayapaan na nakabatay sa pagresolba sa ugat

ng pangmalagiang krisis sa bansa. Palayain ang mga bilanggong pulitikal. Isulong ang pambansang

industriyalisasyon! Ipatupad ang patakaran sa ekonomiya tungo sa isang bansa na nakatitindig-sa-sarili, at hindi

dependyente sa dayuhang kapital at pamumuhunan. Isulong ang tunay na reporma sa lupa at wakasan ang

monopolyong paghahari ng panginoong may lupa at dayuhan sa mga lupain ng bansa. Ipaglaban ang libreng

edukasyon sa lahat ng antas! Ibasura ang mga patakaran ng edukasyon na nagtutulak sa pribatisasyon at

nagpapahintulot sa paglaki ng kita sa edukasyon. Igalang ang karapatan ng mamamayang pambansang minorya,

kasama ang mga Moro sa pagpapasya-sa-sarili. Kundenahin at labanan ang pakanang Islamophobia para

pagtakpan ang kanilang makatarungang pakikibaka (Miguel, Aiko, 2017).

Duterte idineklara na ang mass arrest sa mga komunista

Ayon kay Alexis Romero sinabi kay Duterte ng kanyang mga opisyal na ang pag-uuri ng terorista ng

anumang grupo ay nangangailangan ng pag-apruba ng hukuman, ngunit naghahanda na si Pangulong Duterte

para sa isang pag-iipon ng mga komunistang konsultant sa kapayapaan. Ako ay pinilit na gawin ito dahil ito ang

gusto mo, "sinabi ni Duterte sa mga opisyal ng militar sa isang seremonya sa Malacañang. armadong pakpak

nito, ang Bagong Hukbong Bayan (BHB), bilang isang teroristang grupo. Ang NDF ay kumakatawan sa
8

CPP-NPA sa usapang pangkapayapaan sa gobyerno. Dahil sa kanyang tawag pagkatapos ay upang humarap sa

kapayapaan sa mga komunista. Sinabi niya na sila ay mananagot sa kriminal para sa pagsasabwatan upang

makagawa ng paghihimagsik. Sinabi ni Roque na ang isang tao o isang grupo ay maaaring singilin para sa pag-

uudyok sa paghihimagsik o sedisyon sa ilalim ng Human Security Act at iba pang mga batas sa penal. Habang

idineklara ng Pangulo ang PKP-NPA bilang isang grupo ng terorista, ipinaliwanag ni Roque na ang mga kaso

laban sa grupo o tao ay kailangang pa-proseso ng mga korte sa ilalim ng Human Security Act. Idinagdag ni

Roque na ang Pangulo ay may kapangyarihan sa ilalim ng batas upang i-classify ang CPP-NPA bilang isang

teroristang organisasyon. Sinusunod din ng Malacañang ang mga probisyon ng Human Security Act upang

matiyak na ang proklamasyon ni Duterte ay sinusuportahan ng batas, sinabi niya (Romero, Alexis, 2017).

Pangako ng Pangulong Duterte na isasako nya patiwarik ang mga kurakot na komisyonado

Ayon kay Alexis Romero ang pinahayag ng Pangulo noong nakaraang Biyernes na sunugin niya ang

isang buong komisyon ngayon, na naniniwala na ang katiwalian ay hindi umiiral nang walang kaalaman sa mga

opisyal nito. Hindi tinukoy ni Duterte ang komisyon, ngunit sinabi ng mga pinagkukunan na maaari niyang

pawalang-bisa ang Energy Regulatory Commission (ERC), na inilabas na ang kanyang galit dahil sa mga isyu

sa katiwalian na nauugnay dito sa kanyang pagbisita sa Lima, Peru noong nakaraang taon, hiniling ni Duterte

ang pagbitiw sa lahat ng opisyal ng ERC kasunod ng pagpapakamatay ng mga bid at awards committee chief

nito, na pinipilit na mag-sign ng mga anomalyang kontrata."Hinihiling ko na silang lahat ay magbitiw,"

sinabi ni Duterte sa mga reporters na sumakop sa kanyang paglahok sa 28th Asia-Pacific Economic

Cooperation meet. Nagbanta si Duterte na hilingin sa Kongreso na alisin ang regulatory body kung ang mga

opisyal nito ay tumangging umalis sa kanilang mga post (Romero, Alexis, 2017).
9

Suporta ng publiko kay Pangulong Duterte na lumabas sa Pew Research Center Survey

Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang resulta ng survey ng Pew Research Center isang American

think tank na nagpapakita na marami sa ating mga kababayan ang nagtitiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte at

sa mga ipinatutupad nitong programa. Batay sa nasabing survey, lumalabas na 86% ng ating mga kababayan

ang positibo ang pananaw kay Pangulong Duterte, 78% naman ang kontento sa paghawak ni Pangulong Duterte

sa illegal drugs issue at 62% naman sa ating mga kababayan ang naniniwala na may pinatutunguhan ang

kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, Isa

itong welcome development ito at magpapatuloy lang aniya ang kampanya ng administrasyon laban sa iligal na

droga sa bansa hanggang maubos na ang mga nagtutulak nito.

Pagpirma ni Pangulong Duterte sa free tuition fee bill, labis na ikinatuwa ng mga estudyante

Ayon kay France Ipinagbubunyi ng League of Filipino Students ang ginawang paglagda ng pangulo sa

free tuition fee bill para sa mga State Universities at Colleges ngayong umaga. Samantala binatikos naman nila

ang pagiging negatibo ng Department of Budget and Management at iba pang economic manager’s ng pangulo.

Ayon kay France, imposibleng walang sapat na pondo ang gobyerno para sa libreng edukasyon dahil,

napakalaki aniya ng perang inilalaan ng gobyerno para sa mga polisiya nitong pangkapayapaan.“Hindi tayo

naniniwala na walang sapat na kakayahan ang gobyerno para suportahan ang education, actually napakalaki ng

perang inilalaan ng gobyerno para sa militarization, para sa pagpopondo ng war on drugs ng tokhang, at Oplan

Kapayapaan at iba pang mga polisiya ng gobyerno kaya hindi totoo na wala silang kakayahan nasuportahan ang

edukasyon.”Kaugnay nito, mananatiling nakabantay ang kanilang hanay sa mga magbabalak pang kumontra at

humarang dito (France, 2017).


10

KABANATA III

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyong gagamitin upang makalakap ng datos sa mga estudyante ay ang pagamit ng

deskriptib-sarbey kwestyuneyr sa pagtatanong ukol sa saloobin at pananaw ng mga estudyante hinggil sa

pamumuno ng Pangulong Duterte. Ito rin ang paraan ng mga mananaliksik sa pagtuklas ng mga opinyon,

damdamin at giit ng mga nasabing kukuhanan ng sarbey.

Respondente

Ang mga nakuhang respondente para sa paksang ito ay 100 na estudyante mula sa University of

perpetual help system dalta. Ang mga respondente ay dapat nag-aaral sa kolehiyo at pwede silang bigyan

ng sarbey.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumento na ginamit para makalakap ng datos ukol sa paksa ay ang sarbey kwestyoneyr.

Sarbey ang nabanggit na gagamiting upang makalakap ng maramahian at makatotohanang datos ukol sa

paksang sinasaliksik.

Tritment ng mga Datos

Ang paraan upang mailarawan ang datos na nakalap ay ang pagamit ng porsyento, bibilangin ang

mga tumugon sa ibat-ibang marka sa mga tanong na naka akda sa kwestyoneyr.


11

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS

1. Anu-ano ang mga saloobin ng mga piling respondente hinggil sa pamumuno ni Pangulong Duterte?
Grap 1
Ang war on drugs ni Pangulong Duterte

1%
10%

Mahigpit na sumasang-ayon
31%
11%
1 Sumasang-ayon
Hindi Sigurado
2
3 Hindi sumasang-ayon
4 Matindi ang hindi pangsang-ayon
5

47%
Ipinapakita sa grap na ito na

apatnampu’t pitong porsyento ang sumagot ng sumasang-ayon sila sa war on drugs ni Pangulong Duterte ,

tatlompu’t isang porsyento naman sa nagsasabing Mahigpit na sumasang-ayon , labing-isa porsyento naman sa

nagsasasbing hindi sigurado , sampung porsyento naman sa Hindi sumasang-ayon, habang isang porsyento

naman sa matindi ang hindi pagsang-ayon.

Malaki ang nakuhang suporta ng Pangulong Duterte sa mga estudyante ng UPHSD sa kanyang

pagpapatupad sa war on drugs sa Pilipinas, naniniwala sila na makakabuti ito para sa bayan.
12

Grap 2

2% Pagiging ligtas ng
7% mga estudyante pagna-ideklara
ang martial law

32%
1
27% 2
3
4 Mahigpit na sumasang-ayon
5 Sumasang-ayon
Hindi Sigurado
Hindi sumasang-ayon
Matindi ang hindi pangsang-ayon
32%

Sa pagsasabing magigiging ligtas ang mga estudyante kapag nagdeklara ng martial law sa Pilipinas

parehong tatlompu’t dalawng porsyento ang nagsasabing Mahigpit na sumasang-ayon at sumasang-ayon,

samantalang dalawampu’t pitong porsyento naman sa mga Hindi sigurado , pitong porsyento naman sa , habang

maliit lamang ang nagsasasbing Matindi ang hindi pagsang-ayon na umabot lamng ng dalawang porsyento.

Sa kabuohan Marami sa mga respondente ang nagsasasbi na sila ay magiging ligtas at naniniwalang

hindi magkakaroon ng problema o trahedya sa ilalim ng martial law.


13

Grap 3
Pagiging panatag ng mga estudyante kung ang susunod na presidente ay katulad ni Duterte

5%

12% 22%

Mahigpit
1 na sumasang-ayon
2
Sumasang-ayon
3
4 Hindi Sigurado
25% 5
Hindi sumasang-ayon
Matindi ang hindi pangsang-ayon

36%

Ipinapakita sa grap na ito sa tanong na Pagiging panatag ng mga estudyante kung ang susunod na

Pangulo ay mahahalintulad kay Pangulong Duterte, dalawampu’t dalawang porsyento ang nagsasabing

Mahigpit na sumasang-ayon, tatlompu’t anim na porsyento naman sa Sumasang ayon, habang dalawapu’t

limang porsyento naman sa mga Hindi sigurado, labing dalawang porsyento naman sa Hindi sumasang-ayon at

limang porsyento sa Matindi ang hindi pag sang-ayon.

Malaki ang porsyento ng mga respondente ang nag sasabing sila ay magiging panatag pa din kung

katulad man ni Pangulong Duterte ang susunod na uupo sa pagiging presidente. Nakikitaan nila ng magandang

katangian ang meron si Pangulong Duterte, ngunit sa lahat ng ito may mangilan ngilan din na mga respondent

ang tutol dito.


14

2. Anu-ano ang mga pananaw ng mga respondente hinggil sa pamumuno ni Pangulong Duterte.
Grap 4
Ang pagdedeklara ni Pangulong Duterte sa NPA bilang terroristang organisasyon
1%
3%

26% Mahigpit na sumasang-ayon


41% 1
2 Sumasang-ayon
3 Hindi Sigurado
4
5 Hindi sumasang-ayon
Matindi ang hindi pangsang-ayon

29%

Sa pagdedeklara ni Pangulong Duterte sa NPA bilang teroristang organisasyon makikita sa grap na ito na

apatnapu’t isang porsyento ang nagsasabing Mahigpit na sumsasang-ayon, habang dalawampu’t siyam na

porsyento sa Sumasang-ayon, sa Hindi sigurado naman ay nakakakuha ng dalawampu’t anim na porsyento ,

habang tatlong porsyento sa Hindi sumasang-ayon, samantalang isang porsyento lamang sa Matindi ang hindi

pag sang-ayon.

Marami sa mga respondente ang naniniwala na tama ang pagdeklara ni Pangulong Duterte na ang mga

NPA ay isang terroristang organisasyon at ito ay nakakasama sa bayan. Maliit lamang ang porsyento ng mga

respondent na hindi sang-ayon sa desisyon na ito.


15

Grap 5
Ang plano ng administrasyong Duterte na muling buksan ang pag bigay ng death penalty
2%

14%

30%
Mahigpit na sumasang-ayon
1
2 Sumasang-ayon
3 Hindi Sigurado
4
24%
5 Hindi sumasang-ayon
Matindi ang hindi pangsang-ayon

30%

Sa plano ng Administrasyong Duterte sa death penalty na muli itong buksan, naging pantay ang

nakuhang pursyento ng Mahigpit na sumasang-ayon at Sumasang-ayon sa pinakamataas na napili ng mga

respondente sa pagbukas muli ng death penalty na may tatlompung porsyento, dalawampu’t apat naman sa mga

hindi sigurado, labin apat naman sa mga Hindi sumasang-ayon, habang dalawang porsyento lamang sa mga

Matindi ang hindi pag sang-ayon.

Marami ang naging pabor sa pagbubukas muli ng death penalty.Nagtitiwala sila na ang batas ay

magiging patas at hindi mabubulag sa kung ano-anong bagay. Naniniwala rin sila na ito ay makatutulong sa

pagpuksa ng krimen sa bayan.


16

Grap 6

Ang plano ni Pangulong Duterte na gawing Federalismo ang gobyerno

6%

26%

27% 1 Mahigpit na sumasang-ayon


2
3 Sumasang-ayon
4 Hindi Sigurado
5
Hindi sumasang-ayon
Matindi ang hindi pangsang-ayon
21%

20%

Sa plano na gawing federalismo ang gobyerno dalawampu’t pito ang nagsasasbing Hindi sumasang-

ayon, samantalang dalawampu’t anim na porsyento naman sa mga mahigpit ang pag sang-ayon at dalawampu’t

isa naman sa mga sumasang-ayon, dalawampung porsyento naman sa Hindi sigurado at anim na porsyento sa

matindi ang hindi pag sang-ayon.

Malaki ang porsyento ng mga respondente na pumapayag na gawing Federalismo ang bansa, ngunit

malaki rin ang bilang ng porsyento na may ayaw sa planong ito. Sa tingin nila na ito ay hindi maganda sa bansa

o kaya ang bansa natin ay gusto lang igaya sa ibang mga bansa.
17

KABANATA V

BUOD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Pananaliksik hinggil sa Saloobin at Pananaw ng mga

Estudyanteng Pilipino hinggil sa Pamumuno ng Pangulong Duterte. Gamit ang disenyong deskritip-sarbey, ang

mga mananaliksik ay nagsagot sa aming sarbey-kwestyuner na pinasagutan sa isang daang (100) mag-aaral sa

Unibersidad ng Perpetual ng Perpetual Help System- DALTA. Malaki ang porsyento ng mga estudyante na may

pagsang-ayon sa paglaban kontra droga ni Pangulong Duterte.

Bilang karagdagan sa kasagutan ng mga repondente, mataas ang bilang ng mga sumasang-ayon na sila

ay magiging ligtas kung sakaling maideklara ang martial law sa bansa, naniniwala sila na mas magkakaroon ng

mapayapang komunidad at mababawasan ang mga krimen at bababa ang bilang ng mga taong pwedeng

mapahamak gaya na lamang ng rape, holdap at marami pang iba.

Napag-alaman din ng mga mananaliksik na nakikitaan nila ng magandang katangian ang Pangulong

Duterte, ngunit malaki-laking porsyento din ang nagsasabing hindi sila sigurado tungkol dito.

Marami sa mga respondente na naniniwala na tama ang pagdeklara ni Pangulong Duterte na ang mga NPA

ay isang terroristang organisasyon at ito ay nakakasama sa bayan. Ayon sa nakalap na datos, karamihan sa mga

sumagot na sila ay mahigpit na sumasang-ayon sa pagdeklara ni Pangulong Duterte sa NPA na ito ay isang

terroristang organisasyon,
18

Pagdating naman sa plano ng administrasyong Duterte na muling buksan ang pag bigay ng death penalty. Ang

mga respondente ay mahigpit na sumasang-ayon at sumasang-ayon lamang sa plano ng administrasyong Duterte

na mapatupad ang death penalty. Dahil sa mga krimen at karumal-dumal na ginawa sa kapwa Pilipino at upang

mapuksa o mahinto ang mga gawi na masasama at di na maulit pa. ilan naman ang hindi sigurado, sa dahilang

mahalaga ang buhay ng bawat indibidwal ay mahalaga at may pagkakataon pa itong magbago.

Hati naman ang sagot ng mga respondent pagdating sa usaping Federalismo. Ang kalahati sa kanila ay

sumasang-ayon at ang kalahati naman ay hindi.

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

1. Napag alaman ng mga mananaliksik ang mga positibo at negatibong saloobin ng mga estudyante hinggil

sa pamumuno ni Pangulong Duterte.

2. Nadiskubre ng mga mananaliksik na marami ang hindi sumasang-ayon sa planong Federalismo ng

Pangulong Duterte. Naisip ng mga estudyante na ito ay hindi makakabuti sa ating bansa.

3. May ilang respondente na nagsasabing hindi makakabuti sa ating bansa ang war on drugs ng Pangulong

Duterte.
19

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyon ay buong pagpapakumbaba na mabigyang pansin ng mga mananaliksik

ang mga sumusunod:

1. SA MGA MAG-AARAL – Sa mga mag-aaral na may pag-aalala sa bansa, hinihiling ng mga

mananaliksik na sana sa mga susunod na taon pang dadating sana ay matuto tayong gumawa ng mga

bagay na makakatulong sa ating bansa. Wag sila matakot ilabas ang kanilang mga saloobin ukol sa

ganitong usapan lalo na nasa panahon na tayo ng pagbabago.

2. SA MGA GURO AT PAARALAN – Maging gabay sana ang mga turo ng ating mga guro upang

mapalawak pa ang kaisipan ng mga estudyante ukol sa ganitong paksa.

3. SA MGA IBA PANG MANANALIKSIK - Ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa

pagtuklas ng mas marami at higit pang relebant ng mga datos o impormasyon maaring makatulong sa

pagtuklas ng mga suliraning kaugnay ng pananaliksik na ito.


20

LISTAHAN NG SANGGUNIAN

Cantiveros,Rod

Radical na pagbabago sinimulan na ni Presidente Rodrigo Roa Duterte: Laban sa Droga at mga illegal na

gamot

Nakuha sa http://filipinojournal.com/radical-na-pagbabago-sinimulan-na-ni-presidente-

rodrigo-roa-duterte-laban-sa-droga-mga-illegal-na-gamot/

2017

Carigma, Andrea

Tagataguyod ni Duterte: Wala nang mga negatibong komento

2016

Cruz,Joana

Kilusang Pagbabago ng PUP pinababa sa pwesto si Pangulong Duterte

2016

De Leon,Angelica

Duterte at ang media, mula sa pananaw ng isang mag-aaral na mamamahayag

Nakuha sa https://www.rappler.com/views/imho/136387-duterte-media-journalism-student

2016

Dutertador

Nakuha sa http://n5e.d5.studio/breaking/dutertador-mga-estudyante-nagsagawa-ngkontra-sona-rally-

para-idaing-ang-pagiging-diktador-umano-ni-duterte

2017
21

France

Pagpirma ni Pangulong Duterte sa free tuition fee bill, labis na ikinatuwa ng mga estudyante

2017

Landas Patungong Pasistang Diktadura

Nakuha sa Pinoy Weekly

2017

Miguel,Aiko

Reaksyon ng mamamayan sa SONA ng Pangulong Duterte, naging positibo

Nakuha sa http://www.anakbayan.org/10-puntong-panawagan-ng-kabataan-at-estudyante-sa-rehimeng-

duterte-panawagan-para-sa-katarungan-kapayapaan-at-kalayaan

2017

Romero,Alexis

Duterte idineklara na ang mass arrest sa mga komunista,

Pangako ng Pangulong Duterte na isasako nya patiwarik ang mga kurakot na komisyonado

Mandaluyong City: The Philippine Star,

2017

Suporta ng publiko kay Pangulong Duterte na lumabas sa Pew Research Center Survey

Nakuha sa RMN News Nationwide: The Sound Of The Nation

2017
22

TALLY SHEET

1. 6.
[ ] Mahigpit na sumasang-ayon = 41 [ ] Mahigpit na sumasang-ayon = 30
[ ] Sumasang-ayon = 29 [ ] Sumasang-ayon = 30
[ ] Hindi Sigurado = 26 [ ] Hindi Sigurado = 24
[ ] Hindi sumasang-ayon = 3 [ ] Hindi sumasang-ayon = 14
[ ] Matindi ang hindi pangsang-ayon = 1 [ ] Matindi ang hindi pangsang-ayon = 2
2. 7.
[ ] Mahigpit na sumasang-ayon = 31 [ ] Mahigpit na sumasang-ayon = 29
[ ] Sumasang-ayon = 47 [ ] Sumasang-ayon = 31
[ ] Hindi Sigurado = 11 [ ] Hindi Sigurado = 22
[ ] Hindi sumasang-ayon = 10 [ ] Hindi sumasang-ayon = 17
[ ] Matindi ang hindi pangsang-ayon = 1 [ ] Matindi ang hindi pangsang-ayon = 1
3. 8.
[ ] Mahigpit na sumasang-ayon = 30 [ ] Mahigpit na sumasang-ayon = 26
[ ] Sumasang-ayon = 20 [ ] Sumasang-ayon = 21
[ ] Hindi Sigurado =31 [ ] Hindi Sigurado = 20
[ ] Hindi sumasang-ayon = 15 [ ] Hindi sumasang-ayon = 27
[ ] Matindi ang hindi pangsang-ayon = 4 [ ] Matindi ang hindi pangsang-ayon = 6
4. 9.
[ ] Mahigpit na sumasang-ayon = 18 [ ] Mahigpit na sumasang-ayon = 32
[ ] Sumasang-ayon = 50 [ ] Sumasang-ayon = 32
[ ] Hindi Sigurado = 20 [ ] Hindi Sigurado = 27
[ ] Hindi sumasang-ayon = 11 [ ] Hindi sumasang-ayon = 7
[ ] Matindi ang hindi pangsang-ayon = 1 [ ] Matindi ang hindi pangsang-ayon = 2
5. 10.
[ ] Mahigpit na sumasang-ayon = 32 [ ] Mahigpit na sumasang-ayon = 22
[ ] Sumasang-ayon = 35 [ ] Sumasang-ayon = 36
[ ] Hindi Sigurado = 30 [ ] Hindi Sigurado = 25
[ ] Hindi sumasang-ayon = 3 [ ] Hindi sumasang-ayon =12
[ ] Matindi ang hindi pangsang-ayon = 0 [ ] Matindi ang hindi pangsang-ayon = 5
23

CURRICULUM VITAE

Althea Ann Lucas

Cellphone Number: 09275041337

Tel. Number: 416-3884

Email Address: althealucas17@gmail.com

PERSONAL INFORMATION EDUCATIONAL BACKGROUND

Age: 19 years old Primary: Young Shepherd’s School

Gender: Female School - 2011

Date of Birth: October 17, 1998 Secondary: Young Shepherd’s School

Place of Birth: Bacoor CIty High school - 2015

Religion: Roman Catholic Tertiary: University of Perpetual Help

System DALTA - present


24

Shaira D. Yoldi

Cellphone Number: 09956531972

Tel. Number: 8091383

Email Address: shaiyolddi@gmail.com

PERSONAL INFORMATION EDUCATIONAL BACKGROUND

Age: 18 years old Primary: EJES -2011

Gender: Female Secondary: Juan Nolasco- 2015

Date of Birth: August 02, 1999 Tertiary: University of Perpetual Help

Place of Birth: Manila System - PRESENT

Religion: Roman Catholic


25

John Kenn Roi M. Briones

Cellphone Number: 09953780947

Tel. Number: 8054372

Email Address: briones.kennroi@gmail.com

PERSONAL INFORMATION EDUCATIONAL BACKGROUND

Age: 18 years old Primary: Saint Francis of Assisi College

Gender: Male - 2011

Date of Birth: May 29, 1999 Secondary: Saint Francis of Assisi College

Place of Birth: San Jose, Batangas - 2015

Religion: Roman Catholic Tertiary: University of Perpetual Help

System DALTA - present


26

John Kevin C. Camacho

Cellphone Number: 09953259458

Tel. Number: None

Email Address: camachojohnkevim@gmail.com

PERSONAL INFORMATION EDUCATIONAL BACKGROUND

Age: 19 years old Primary: Gigmoto Central Elementary

Gender: Male School - 2011

Date of Birth: November 23, 1998 Secondary: Gigmoto Rural Development

Place of Birth: Manila High school - 2015

Religion: Roman Catholic Tertiary: University of Perpetual Help

System DALTA - present


27

Vince Lawrence S. Celis

Cellphone Number: 09156815000

Tel. Number: 5018097

Email Address: vincecelis@gmail.com

PERSONAL INFORMATION EDUCATIONAL BACKGROUND

Age: 19 years old Primary: Saint Francis of Assisi College

Gender: Male - 2011

Date of Birth: June 23, 1998 Secondary: Saint Francis of Assisi College

Place of Birth: Camarines Norte - 2015

Religion: Roman Catholic Tertiary: University of Perpetual Help

System DALTA - present

You might also like