Nais kong bigyang-diin sa artikulo kong ito na ang bawat
Filipino ay marapat lamang na bigyang halaga ang kanilang kalusugan. upang maging malakas sa lahat at may panlaban sa ano mang sintomas na sakit, Ang kalusugan ay kayamanan ng bawat mamamayan. Kaya naman hindi biro ang isyung pangkalusugan na kinakaharap ng ating bansa ngayon. Ito ang isyu ng Dengvaxia o ang bakuna na sana ay naging solusyon para sugpuin ang lumalalang kaso ng dengue sa bansa. Ngunit imbes na maging solusyon ito, naging dahilan pa ito ng paglala ng sitwasyon kaugnay sa dengue. Hindi dapat ipagwalang-bahala ang isyung ito. Kinakailangan ay may managot dahil buhay ng mga batang Filipino ang nailagay sa panganib dahil sa kapabayaan na ito. Kailangang makamit ang hustisya ng lahat ng mga naging biktima nito.