You are on page 1of 12

PAGSUSURI SA MGA PORMAL, DI-PORMAL, AT YUFEMISMONG

KATAWAGAN SA MGA PILING SALITANG CHABACANONG

PANTAHANAN

Isang tesis na ihaharap sa Kaguruan ng Kolehiyo ng Malayang

Sining

Pampamahalaang Unibersidad ng Kanlurang Mindanao

Lungsod Zamboanga

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Pagtamo ng Digring

Batsilyer sa Sekundaryang Edukasyon Major in Filipino

Nina:

Amores, May Ann

Atilano, Chris Mae

dela Serna, Cherry Mae

Landero, Angelica

Laylay, Christel

BSED 2B

Mayo, 2021
KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA

DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagsusuri ng nakalap na datos

upang malaman ang mga iba’t ibang piling salitang pantahanan na

nabibilang sa Pormal, Di-Pormal, at Yufemismong Antas ng Wika sa Urban

at Rural ng lunsod Zamboanga.

Inilalahad sa bahaging ito ang mga kinalabasan ng pag-aaral na

ayon sa mga layunin.

4.1 Ano-ano ang mga pormal na katawagan sa mga salitang

Chabacanong Pantahanan ng lunsod Zamboanga?

Chabacano – Urban Chabacano - Rural


Filipino Pormal Filipino Pormal
Salamat Gracias Hapunan Cena
Ikaw Etu Tuyo Seco
Kasintahan Novio/Novia Ikaw Etu
Damit Ropa Langis Aceite
Gawin Hace Maitim Negro
Paa Pies Kasintahan Novio/Novia
Kumain Come Lalaki Hombre
Maputi Blanco Magkano Cuanto
Asawa Marido Araw Dia
Babae Mujer Bakasyon Vacacion
Manahimik Calla Pamilya Familia
Bibig Voca Pagkabigo Falla
Hapon Tarde Kaunti Poco
Bawang Ajos Kamiseta Camisa
Alak Vino Matanda Viejo
Lasing Borracho Katawan Cuerpo
Ulo Cabeza Mukha Cara
Likod Detras Ulo Cabeza
Matulog Dormi Gawin Hace
Bukas Mañana Inahin Gallina
Kalahati Media Tandang Gallo
Itlog Huevos Ilong Naris
Mabango Oloroso Ibon Pajaro
Tawagan/Tawagin Llama Kumain Come
Bakit Por que Mainit Caliente
Mag-isa Solo Babae Mujer
Gumising Dispierta Tindahan Tienda
Matanda Viejo Klase Clase
Gusto Quiere Wika Lenguaje
Dibdib Pecho Magdasal Resa
Malungkot Triste Tubig Agua
Matamis Dulce Sa loob Adentro
Malaki Grande Sa akin Di mio
Maliit Diutay Iyong mga Aquellos
Malamig Frio Gabi Denoche
Sa loob Adentro Harang Balabak
Mabasa Moja Dasal Resa
Tumahol Ladra Sabungan Gallera
Pangalan Nombre Ilan Cuanto
Sino Quien Loob Adentro
Samantala Mientras Mapunit Rompe
Mamaya Luego Makati Raska
Panahon Tiempo Init Calor
Pantay Igual Hiram Presta
Sa akin Con migo Isang taon Un año
Sakit Dolencia Lakas Fuerza
Mapanganib Delicao Awa Lastima
Hininga Resuello Dito Aqui
Atensyon Atencion Minsan Tieneves
Tao Gente Kunin Saca
Pinagpapawisan Ta suda Nais o Gusto Quiere
Panginoon Señor Sunog Quemao
Namatay Muri Tanim Siembra
Mga Maga Bahay Casa
Ano Cosa Buhay Vida
Akyat Subi Iba Losdemas
Tubig Agua Kulang Palta
Alagaan Quida Mahal Karo
Sa kaniya Con ele Itlog Huevos
Nawawala Perdido Pagod Kansansya
Tanggapin Recibi Biro Broma
Putulin Corta Tumakas Escapa
Agahan Almorsa Ano Cosa
Nabali Ya kebra Matulog Dormi
Kanino Di quien Mabigat Pesao
Naramdaman Ya sinti Buksan Avri
Iyong mga Aquellos
Sa inyo Con ustedes
Magsalita Combersa
Maligo Baña
Marami Mucho
Payat Plako
Maayos Propio
Nariyan Talli
Maglinis Limpya
Hindi puwede No puede
Talahanayan 1.0

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik na inilahad sa

Talahanayan 1.0, mas nakararami ang gamit sa mga salitang Pormal o

mga salitang orihinal na Chabacano sa Urban at Rural na lalawigan ng

lunsod Zamboanga. Sa 100 na mga salita sa lalawigang Urban, 76 sa mga

nabanggit ay Pormal, samantalang sa Rural ay 66. Ito ay nagpapatunay

na sa kabila ng mga iba’t ibang salik na nakaiimpluwensya sa paggamit

ng wikang Chabacano, nananatiling tunay at buhay parin ito dahil sa

patuloy na paggamit ng mga mamamayan sa kanilang pantahanang

diskurso.

Mapapansin din na mas marami ang salitang pormal na ginagamit

sa Urban kaysa sa Rural. Ito ay maaaring dahil sa pagkakaiba ng

pamamaraan ng pagpapalaki at pagtuturo ng asal at katangian sa mga

naninirahan sa lunsod upang maging ganap na sibilisadong mamamayan


sila kumpara sa mga naninirahan sa Rural na lalawigan kung saan ay

hindi ito isang malaking bagay. Ipinaliwanag ito ni Villafuerte sa kaniyang

aklat na sinulat na pinamagatang “Daluyan,” na nagsasaad na ang pormal

na salita ay mga salitang tanggap ng nakararami lalo na ng mga

nakapag-aral ng wika. Makikita na sinasalamin ng mga taga-Urban at

Rural na mamamayan ang pormalidad batay sa mga salitang kanilang

ginagamit.

4.2 Ano-ano ang mga di-pormal na katawagan sa mga salitang

Chabacanong Pantahanan ng lunsod Zamboanga?

Chabacano – Urban Chabacano - Rural


Filipino Di-pormal Filipino Di-pormal
Wala No hay Wala Nohay
Pagod Cansao Balat Peliejo
Maganda Bonito Kulang Falta
Sibuyas Cebollon Bugbugin Bobocha
Maanghang Kahang Hatinggabi Madrogada
Nag-aalala Malingasa Nanay/ Tatay Nana/ Tata
Makainis Makapeste Galit Rabyao
Sa iyo De bo Sinungaling Pamparon
Suntukin Bombya Maganda Bonita
Paluin Garucha Dulo Punta
Suntukan Golpe-golpe Buhok Pelo
Sangkap Meniestras Ikaw Ebo
Tamad Plohon Satanas Satanas
Manyak Manyakul Bakla Mareng
Tuhod Tuhod Pagpapakamatay Suicido
Lolo/ Lola Lolo/ Lola Patay na Muerto
Sa iyo De bo Sa iyo Kombo
Baliw Gaga Ikaw Bo/Bos
Galit Rabyao Demonyo/Demonya Demonyo/Demonya
Auntie Auntie Patayin Mata
Baliw Loca/Loco Sa iyo De bo
Bastos Bastos Baliw Loco/Loca
Kanal Canal Sinungaling Pamparon
Bobo Pendejo/Pendeja Makulit Salawayun
Ginahasa Rape
Kuya Manong
Itlog ng Itik Balot
Anak Anak
Trabaho Trabaho
Swerte Swerte
Ate Manang
Mali Mali
Sungay Cuerno
Putang-ina Conyo Bonana
Talahanayan 2.0

Makikita sa Talahanayan 2.0 ang mga Di-Pormal na salita sa

lalawigan ng Urban at Rural na nakalap ng mga mananaliksik. Sa 100 na

mga salitang naitala sa lalawigang Urban, 24 sa mga nabanggit ay Di-

Pormal, samantalang 34 naman sa lalawigang Rural. Mula rito, makikita

natin mula sa mga naitalang salita sa itaas ang kabulgaran ng mga salita
na ginamit ng mga kalahok sa kanilang pakikipagtalamitam sa loob ng

tahanan. Masasabi rin nating halos lahat ng mga salitang ito ay ginagamit

ng mga tao sa tuwing wala sila sa isang pormal na usapan; sila ay

komportableng makipag-usap sa mga taong nasa kanilang kapaligiran, at

hindi sila alanganing gumamit ng Di-Pormal o Impormal na salita. Ayon sa

batayang aklat na pinamagatang “Daluyan” na isinulat ni Villaverde,

mayroong dalawang anta sang wika – Pormal at Di-Pormal. Ang Di-

Pormal na mga salita ay kadalasang ginagamit ng mga tao o madalas na

ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalamitam, ngunit mas

nananaig ang pagkabulgar at kapusungan ng mga salitang ito kung kaya

ay sa piling kalagayan o sitwasyon lamang ito ginagamit ng mga tao.

Ang pagkakaroon ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga salitang

Di-Pormal sa Urban at Rural ay maiuugnay sa Teoryang Sosyolinggwistika

kung saan, ito ay epekto ng mga aspeto sa lipunan, kung paano ginamit

ang wika at kung ano ang epekto ng wika sa lipunan.

4.3 Ano-ano ang mga yufemismong katawagan sa mga salitang

Chabacanong Pantahanan ng lunsod Zamboanga?

Batay sa ginawang pagsusuri, walang lumabas na mga salitang

yufemismo sa parehong lugar; Urban at Rural dahil higit na komportable

sa isa’t isa ang pamilyang nakatira lamang sa iisang bubong, kadalasang


sila ay wala ng sinusunod na tuntunin o tamang paggamit ng wika sa

pakikipagkomunikasyon. Ayon sa resulta ng pag-aaral ni Mahmoud na

may pamagat na “Using Euphemism and Impolite Language among

University Students,” sinabing ang mga tao ay hindi masyadong

gumagamit ng salitang yufemismo, at sila ay sumasang-ayon sa paggamit

ng yufemismo sa pagprotekta ng damdamin at pagpapakita ng respeto at

pag-aalala lalong-lalo na sa isang pormal na usapan na kanilang

kinabibilangan. Ayon naman kay Johnstone (2008, p.59) sa kaniyang

libro, nakasaad na, ang yufemismo ay ang paggamit ng hindi gaanong

bulgar na mga salita na may dalang negatibong konotasyon dahil siya ang

humahalili sa mga salitang Taboo o mga salitang bulgar at hindi nararapat

gamitin sa mga pormal na usapan o okasyon sa lipunan.

4.4 Ano-ano ang mga salik na nakaimpluwensiya sa mga pormal,

di-pormal, at yufemismong katawagan sa mga piling salitang

Chabacano ng lunsod Zamboanga?

Mula sa kinalabasan mahihinuha na ang salik na nakaimpluwensiya

sa pormal, di-pormal, at yufemismong katawagan sa piling salitang

Chabacano sa lunsod Zamboanga ay ang mga sumusunod:

Impluwensiyang hatid ng mga tao sa paligid na gumagamit ng iba’t ibang

wika at antas ng edukasyon o educational attainment. Makikita na

nakaimpluwensiya ang mga tao sa paligid sa isang taong gumagamit ng


kaniyang sariling wika sa pamamagitan ng pakikinig na kalaunan ay

natatamo niya at nagagamit niya ito sa pakikipagtalamitam niya sa

kaniyang kapwa. Ang mga salik na ito ay maiuugnay sa teoryang

Varationist ni Lavov, et.al (1968), na nagsabi na ang mga tagapagsalita

ay gumagamit ng iba’t ibang porma upang masabi ang isang kahulugan.

Ang pagbabago sa wika ay bunga ng impluwensiya sa sosyal at kultural

na factor- maaaring resulta ng kontak at paghihiram, o bunga ng

imahinasyon ng isip ng tao. Katulad sa naunang salik, may

impluwensiyang hatid din ang antas ng edukasyon sa isang tao sa paraan

ng kaniyang pakikipagtalamitam sa pamamagitan ng halos ang mga

ginagamit niya ay mga pormal na salita kaysa sa mga impormal na salita.

4.5 Alin sa mga piling salitang Chabacano ang mas ginagamit ng

mga Zamboangueño sa lunsod Zamboanga?

Base sa mga nakuhang datos na ipinakita sa mga talahanayan sa

itaas – Talahanayan 1.0 at Talahanayan 2.0, ang bilang ng mga salita na

naitala sa parehong lugar; Urban at Rural, mas maraming salita ang nasa

hanay ng pormal kaysa sa hanay ng di-pormal habang walang naitalang

mga yufemismong katawagan.


Ang mas ginagamit na mga piling salitang Chabacano sa pormal ay

ang mga salitang: Quiere (Gusto/Nais), Quien (Sino), Di mio/Con migo

(Sa akin), Di quien (Kanino), Con ele (Sa kaniya), Etu (Ikaw), Aqui (Dito),

Aquellos (Iyong mga), Talli (Nariyan), Novio/Novia (Kasintahan), Come

(Kumain), Hombre (Lalaki), Mujer (Babae), Dormi (Matulog), Hace

(Gawin), Saca (Kunin), Tiempo (Panahon), Dispierta (Gumising), Llama

(Tawagan/Tawagin), Huevos (Itlog), Por que (Bakit), Lluego (Mamaya),

Cuanto (Ilan), Adentro (Sa loob), Tieneves (Minsan), No puede (Hindi

puwede), Denoche (Gabi), Almorsa (Agahan), Cena (Hapunan), Caliente

(Mainit), Calor (Init), Frio (Malamig), Baña (Maligo), Agua (Tubig), Casa

(Bahay), Cabeza (Ulo), Mucho (Marami), Avri (Buksan), Voca (Bibig), Ajos

(Bawang), Camisa (Kamiseta), Ropa (Damit), Poco (Kaunti), Tienda

(Tindahan), Cosa (Ano).

Sa kabilang banda, ang mas ginagamit na piling salitang Chabacano

sa di-pormal ay ang mga salitang: No hay (Wala), Bonito/Bonita

(Maganda), Makapeste (Makainis), Gaga (Baliw), Pendejo/Pendeja

(Bobo), Loca/Loco (Baliw), Conyo bonana (Putang-ina), De bo/Kombo (Sa

iyo), Ebo/bo/bos (Ikaw), Pamparon (Sinungaling), Demonyo/Demonya

(Demonyo/Demonya), Cansao (Pagod), Mareng (Bakla), Lolo/Lola

(Lolo/Lola), Auntie (Auntie), Nana/Tata (Nanay/Tatay), Malingasa (Nag-

aalala), Rabyao (Galit), Muerto (Patay na).


Ang pagpili sa mga piling salitang Chabacano na mas ginagamit ng

mga Zamboangueño sa lunsod Zamboanga ay nakita at pinagbasehan sa

naging resulta ng datos na nakalap mula sa lalawigang Urban at Rural.

Mahihinuha na ang mga naging kalahok ay may parehong mga katawagan

na ginagamit na naitala sa kanilang pakikipagtalamitam sa loob ng

tahanan sapagkat ito ay kanilang nakasanayan na bunsod ng mga salik

na nakaapekto sa paraan ng paggamit nila ng naturang wika tulad ng

kultura at lipunang kanilang kinalakhan, at relasyon sa isa’t isa.

Makikita rin na walang yufemismong salita na naitala sapagkat

walang nakalap at naitalang datos ang mga mananaliksik dito mula sa

mga kalahok sa lalawigang Urban at Rural.

You might also like