You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
LUNA NATIONAL HIGH SCHOOL
LUNA, BOLINAO, PANGASINAN

Pangalan: _________________________ Seksyon: __________________________

1st Quarter Summative Assessment (Week 3-4)


ARALING PANLIPUNAN 10

Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang sagot
1. Alin sa sumusunod ang dapat gawin sa paghahanda sa pagdating ng bagyo at ibapang kalamidad?
A. Laging buksan ang radyo at makinig sa pinakahuling ulat sa mga artista.
B. Magtabi ng sobrang baterya upang may kapalit.
C. Makinig sa haka-haka o tsismis sa lagay ng panahon.
D. Talian ng matibay na lubid o alambre ang mga haligi ng bahay at bubong upanghindi tangayin ng
hangin.
2. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng bottom-up approach?
A. Ang kaunlaran ng isang pamayanan ay nakasalalay sa kakayahan ng mgamamamayan na simulan
at panatilihin ito.
B. Lahat ng mga may kaugnayan sa hazard, kalamidad, at pangangailangan ngpamayanan ay
nabibigyang pansin.
C. Pananaw lamang ng namumuno ang nabibbigyang pansin sa paggawa ng plano.
D. Nakasalalay sa kamay ng mga mamamayan ang responsibilidad sa pagbabago.
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahinaan ng top-down approach?
A. Limitado ang pagbuo sa disaster risk management plan dahil tanging angpananaw ng mga namumuno
ang nabibigyang-pansin sa pagbuo ng plano.
B. Nabibigyang-pansin dito ang maliliit na detalye na may kaugnayan sa mgahazard at kalamidad.
C. Madaling nakakarating ang mga plano at dapat gawin kapag mayroongmga sakuna.
D. Ang mga suluraning dulot ng kalamidad ay madaling nabibigyan ng solusyon.
4. Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan?
A. Dadami ang epekto ng mga hazard at kalamidad.
B. Mailigtas ang maraming ari-arian.
C. Hindi mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga nararanasang kalamidad.
D. Walang maayos na plano ang pamayanan sa pagtugon sa kalamidad.
5. Paano magiging ligtas ang isang komunidad sa mga sakuna o kalamidad?
A. Pagtutok sa ulat panahon ng PAGASA. C. Pakikinig at panunuod sa Social Media.
B. Pagmomonitor sa lindol ng PHIVOLCS. D. Mahusay na plano ng Disaster Management.

Isulat ang salitang LIGTAS kung ang pahayag ay tama, at kung mali itama ang salitang nasalungguhitan upang maging
tama ang pahayag. Gumamit ng sariling sagutang papel.

______________1. Ang Community-Based Disaster and Risk Reduction ManagementApproach ay isang proseso
ng paghahanda na nakatuon sa kapakanan ng tao.
______________2. Ang paglutas sa mga hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulinng pamahalaan.
______________3. Tanging ang mga mamamayan ang siyang tutukoy, susuri, tutugon, susubaybay at tataya sa mga
risk na maaari nilang maranasan para makagawa ng isang disaster management plan.
______________4. Mabibigyan ng karampatang solusyon ang iba’t ibang suliranin na dulot ng sakuna at kalamidad
dahil sa mas organisadong plano na gawa ng piling sektor ng pamayanan.
______________5. Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay nakatuon sa
paghahanda sa bansa at komunidad sa panahon ng kalamidado anumang panganib.
Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa nakalaang patlang T kung ito ay tama at M kung ito naman ay mali.

6. Ayon sa Philippine National Red Cross (2016), nagmungkahing magkaroon ng lifetime kit bago pa may dumating na
kalamidad gaya ng pagbaha.
7. Sa panahon ng kalamidad “Ligtas ang may alam”.
8. Alamin ang mga emergency numbers ng lokal na tanggapan ng pamatay-sunog, pulis, pagamutan at mga kawani ng
barangay pagkatapos ng kalamidad.
9. Mag-imbak ng pagkain o inuming tubig para sa posibleng kalamidad.
10. Mag panic-buying kung may paparating na kalamidad.
11. Magplano ng gagawin kapag may parating na kalamidad.
12. Huwag ipaalam sa mga kinauukulan ang mga nasirang kawad ng koryente at tubo ng tubig.
13. Magsagawa o lumahok sa regular na earthquake drill, emergency drill, fire drill at iba pa bilang paghahanda sa
kalamidad.
14. Ang paghahanda sa kalamidad ay tungkulin lamang ng pamahalaan.
15. Ang mga taong naninirahan sa may paanan ng bulkan ay maaaring malagay sa peligro sa pagputok nito.

Prepared by: Checked by: Noted :

MAYDA E. RIVERA ZENAIDA B. CARANZA EDGAR C. ORPERIA


Subject Teacher Master Teacher I Principal II

You might also like