You are on page 1of 10

Bb. Raquel S.

Aro
Pambansang Pamantasan ng Batangas
Unang Semestre 2021-2022

YUNIT I
ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT
LAGPAS PA
PANIMULA

Umani ng samo’t saring reaksyon ang pagbabago sa sistemang pangedukasyon ng


bansa lalo’t higit sa usapin ng noong pagtatangka na tanggalin ang mga asignatura
sa Filipino at Panatikan sa kolehiyo. Iba’t ibang institusyon at mga makawikang
organisasyong ang nagpahayag ng kani-kanilang tindig at nagpaabot ng kanilang
pagtutol sa mga hakbangin na ito. Ang mga inisiyatibang ito ang nagbunsod sa
pagtatatag ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika), isang
alyansang binubuo ng mga dalubiwika, guro, mga mag-aaral, at iba pang
nagmamahal sa wika upang isulong ang patuloy na pagyabong ng wika. Ilang
promenenteng paaralan din ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa layunin ng
grupo sa pamamagitan ng posisyong papel. Ang ilan sa mga posisyong papel na
nagpapahayag ng pangangailangan ng pagbabalik ng mga naturang asignatura sa
kuriulum ng kolehiyo ay matatalakay sa bahaging ito ng Yunit 1.

LAYUNIN

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. makilala mga makawikang organisasyon at institusyong nakipaglaban para maibalik ang mga
asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo;
2. mapapalalim ang pagunawa sa malaking gampanin ng Filipino at Panitikan sa buhay at
pagunlad ng mga mag-aaral; at
3. makapagpahayag ng sariling tindig sa hinggil sa Filipino at Panatikan sa kolehiyo gamit ang
modernong midya.
LUNSARAN

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.


• • https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM
• • https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ
• • https://www.youtube.com/watch?v=Jq82Kvl39vo
• • https://www.youtube.com/watch?v=EYiNkGBB8Q8

NILALAMAN

Bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabgong bihis ng sistema ng


edukasyon ng Pilipinas. Ito ay naka-angkla sa ideya ng international standards,
labor mobility, at ASEAN integration. Batid ng mga nagpanukala ng nasabing
pagbabago ang kahingian na sumabay sa tinatawag na interantional standards dahil
ang Pilipinas ay kabilang sa iilan na lamang na mga bansa na may sampung taon
lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay mabubukas ng
pinto sa mas maraming opurtunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng labor
mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng
trabaho ng mga mag-aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na
sistema ng edukasyong K to 12. Dahilan nito ay mas magiging handa ang mga
mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng lakas paggawa ng bansa. Ang mga
magtatapos ng grade 12 ay maaring pumili sa pagitan ng pagtrabaho o
pagpapatuloy sa kolehiyo mataposang labindalawang taon sa basic education. Ang
ASEAN integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran ng
mga kasaping bansa ng organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na ugnayan at
pagtutulungan sa pagitan ng mga miyembro.

Bagaman maraming positibong implikasyon ang K to 12, mayroon din itong mga
naging hamon. Tulad na lamang ng tangkang pagaalis sa mga asignaturang may
kaugnayan sa Panitikan at Filipino. Taong 2011 pa lamang nang magsimula ang
usap-usapan ukol dito. Dahil sa ilan nga sa pokus nito ay mas mapadulas ang
pagkakaroon ng trabaho dito at higit sa ibang bansa at ang pagsunod sa yapak ng
mga mauunlad na bansa, nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan sa pag
gamit ng wikang Ingles sa K to 12. Ito ay tumataliwas sa mga nauna nang mga
hakbangin para sa pagpapayabong ng wikang pambansa, ang Filipino. Mula rito ay
umusbong na ang mga damdaming handang ipahayag ang kanilang pagtutol ang
pasasawalang bahala sa Filipino.
Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang
alyansang nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on
Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and
Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga
Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod
naman ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History
Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul.

Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa
De La Salle University Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan,
kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa
nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si
Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay
kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012.
Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa
anti-Filipinong CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa
Korte Suprema. Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang
Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo,
bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika. Bagamat tuluyang binawi ng Korte
Suprema ang TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa iba
pang arena. Marami-rami pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring
Filipino at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang House Bill 223 upang
muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa
kolehiyo. (https://tanggolwika.org/)

Maraming tulad ng Tanggol Wika ang nagpahayag ng ng kani-kanilang saloobin sa


pamamagitan ng posisyong papel. Ang posisyong papel ay isang pasulat na
gawaing akademiko kung saan inilalahad ang paninidigan sa isang napapanahong
isyu na tumutukoy sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at
iba. Kadalasang idinadaan sa pagsulat ng posisyong papel ang paggaganyak, at
pagpapaunawa ng punto ng sumulat tungkol isang paksa. Karaniwang ginagamit
ito ng mga organisasyon at institusyon upang ipabatid sa publiko ang kanilang
paniniwala at rekomendasyon bilang isang pangkat.

Agosto 2014 nang nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle


University ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na
may pamagat na “Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat
Lasalyano.” Nakapaloob sa posisyong papel na ito na “ang pagkakaroon ng
asignaturang Filipino ay nakapag aambag sa pagiging mabisa ng community
engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga
ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang
pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamayan ay
alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit
ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat bigyang diin ang
Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng ibat ibang departamento at kolehiyo sa
pamantasan ay makatutulong din ng malaki sa pagtitiyak na ang ating mga
pananaliksik ay higit na magiging kapaki pakinabang sa ating mga kababayan. Sa
pamamagitan ng assignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na
katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa
pakikipagtalastasan sa ibat ibang pangangailangan o kontekstong pang
komunikasyon png akademiko man o pang kultura, tulad ng nililinang sa ibang
pamantasan.” Ang adbokasiyang itoy pagsasalba sa kolektibong identidad, sa
salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskurong pambansa, at pagtataguyod ng
nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki
pakinabang na mamamayaan ng ating bansa.”
Mababatid sa posisyong papel na ang responsibilidad ng paaralan na hubugin ang
pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Isa sa mga inaasahan ay ang mapanatili ang
ugnayan ng paaralan at ng komunidad lalo at higit yaong mga nabibilang sa
lalylayan. Higit kanino man ay sila ang mas nangangailangang marinig at
mabigyang atensyon. Sa pamamagitan ng wikang Filipino ay magiging mabisa ang
pagpapahayag ng mga saloobin at pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ang
nagbibigay boses sa mg ordinaryong tao at kung mawawala ito ay tuluyan nang
hindi malilinang ang ugat na sanay magdudugtong sa malayong agwat ng
karaniwan at mga edukadong tao. Mas magiging malabo na na maging pantay ang
mga mamayan mula sa iba’t ibang estado sa buhay at manantiling pinid ang mga
labi kung dayuhang wika ang kailangan upang makapagpahayag ng saloobin at
pangangailangan.

Ang posisyong papel naman na may pamagat na “Ang Paninindigan ng Kagawaran


ng Filipino ng Panantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang
Umuuugat sa CHED Memorandum Order No. 20Series of 2013” ay mula sa
panulat ng mga guro ng Ateneo De Manila University. Nakapaloob dito na “hindi
lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa itong displina. Lumilikha ito ng
sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka Filipino sa anumang
usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng
tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong
propesyonal… ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay
magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at
kulturang panrehiyon. Kakabit ng pagaaral ng Filipino bilang disiplina ang
pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala
ang wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga
wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong
ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itanggi ang sarili at kanilang
mga interes.”

Bilang mga Pilipino tungkulin nating pagyabungin ang bawat butil ng ating
pagkakakilanlan. Kaakibat ito ng ating pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo
ng ating mga ninuno. Kaya naman ang tahasang pagtatanggal sa asignaturang
Filipino at Panitikan sa kurikulum ay isang paraan ng pagkitil sa ating identidad at
pagsasawalang bahala ng lahat ng buhay na binuwis para makamit ito. Malinaw sa
posisyong papel ng Ateneo de Manila ang pangangailangang mapagtibay ang
Filipino bilang isang disiplina nang sa gayon ay mapataas din ang kalagayan ng
mga pangrehiyong wika. Ang pagyakap sa ibang wika habang pinababayaan at 4
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino iniisang tabi ang sariling wika ay
nagtutulak sa atin palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa atin sa mga totoong
intensyon ng nagpapalawig nito.

Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng


Filipino at Panitikan ang Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng
Filipino at Panitikan sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino
ay wika na “susi ng kaalamang bayan”. Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa
wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga kaalamang patuloy na hinubog at
humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para
mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Layunin
dapat ng edukasyon ang humubog ng mga magaaral na tutuklas ng dunong bayan
at napakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya
ang sanayin ang mga mag aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing
kapaki pakinabang ang napili nilang disiplina sa oang araw araw na buhay ng mga
mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga magaaral sa UP Manila sa pagbibigay
nila ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong
magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng
mamamayan ang kanilang kaalaman.”

Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din sa iba. Ang


pagbibigay serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa
salaping maaring matanggap ng isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang
magiging produkto ng bagong kurikulum kung hindi naman ito magagamit sa
pagtulong sa kapwa ay hindi din makapagbibigay ng pagunlad. Binibigyang diin sa
posisyong papel ng UP Diliman na dapat kaagapay ng intelektwalisasyon ay ang
pag gamit nito sa makataong paraan. Hindi dapat natatapos ang paglago sa
pagkakamit ng degri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa pamamagitan ng serbisyo at
ang mainam na serbisyo ay nagsisimula sa pagkakaunawaan. Wala nang hihigit pa
sa unawaang dulot ng parehas na wika.

Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng


Filipinolohiya ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga
Dalubguro at Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang
Filipino at mga Sining ng Plipinas, PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”. Dito
ay ipinahayag ng Polytechnic University of the Philippines, Manila na ang “umiiral
sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at
ginagamit sa araw araw na pakikipag talastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang
kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi tangi ang tatag
nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito
sa bawat Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag aaral ng kolehiyo sa Pilipinas
ang patuloy na pag aaral ng wikang Filipino, tinanggal narin natin ang identidad
natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo yun ang identidad mo.”

Kalakip ng pagka Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito ay paglinang
din ng sariling identidad. Ito ay nagbibigay diin sa lalong pangangailangan ng mga
mamayan lalo’t higit ng mga mag-aaral na linangin ang kani-kanilang identidad.
Malinanw ang pahayag sa posisyong papel na ang pagtatanggal ng pag-aaral ng
Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang
pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo ay higit na mainam na panahon para
mas mapalalim ang pagmamahal sa sariling identidad at mapataas ang antas
kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang propesyon at larangan. Upang
kasabay ng mga lumalagong Pilipino ay ang pagyabong din ng wikang Filipino.

Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog na sandigan ang
wikang Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na
pakikinabanagan ng mga mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang
paaralan bilang institusyong panlipunan ay mahalagan domeyn na humuhubog sa
kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa.
Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na
maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang
natatapos sa apat na sulok ng silid aralan.”
Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang
pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga
karaniwang karanasan at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na
perspektibo. Binigyang pansin sa posisyong papel ang malaking gampanin ng
paaralan sa pagbuo ng tulay na magdudgutong sa kung ano man ang mga
napagaralan sa silid ay syang magamit at madala sa paglabas dito. Ito ang
nagpapaigting ng pagnanais na malinang sa paaralan ang sariling wika at panitikan
at nang sa gayon ay masiguradong bahagi ng paglago ng mga mag-aaral ang
midyum na batid ng bawat Pilipino. Ito ay magbibigay daan din sa
kapakinapakinabang na talastasan at talaban ng ideya.

Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na nailathala sa paksang ito ay naging


malaking bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga asignaturang umiinog
sa Filipino at Panitikan. Ang hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga
organisyon at pamantasan ay nagbigay ng magandang bunga sa kalagayang pang-
edukasyon ng susunod na henerasyon. Patuloy na magiging mapanghamon ang
pagyakap sa globalisasyon at nawa kaalisabay nito ay mas humigpit ang pagyakap
sa sariling pagkakakilanlan at identidad. Sa kabila ng pagbabago sa napakaraming
aspekto ay manatili sana ang pagmamahal sa Filipino at Panatikan. Inaasahang
dadami ang mga propesyonal na magmamahal at magpapaunlad sa sariling wika
matapos ang pagtatalakay sa mga posisyong papel na ito upang maibalik ang
Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
Mga Gawain

Gawain 1
Ang bawat mag-aaral ay aatasang ipahayag ang kani-kanilang mga tindig hingil sa pagkakaroon ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo tulad ng kasalukuyang kurso, ang Fili 101 Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino, sa pamamagitan ng isang Facebook (FB) post. Ang naturang FB post ay
tatalakay sa saloobin ng mag-aaral sa kung paanong ang asignatura ay nakatutulong sa kanyang
paglago bilang isang mag-aaral at isang indibiwal. Inaasahang ang mag-aaral ay gagamit ng
akademikong tinig sa kanyang pagpapahayag na hindi lalampas sa 300 salita, at sumusunod sa
tamang baybay, at balarila. Kasama ng FB post ay isang larawan na may kaugnayan sa kanilang
tindig. Maaring ito ay isang bagay o pangyayaring sumisimbolo sa knilang nais ipabatid. Ang awtput
ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa
mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa
cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger. Ang rubrik sa
ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.

Gawain 2
Ang bawat magaaral ay aatsang alamin ang pulso ng kanilang pamilya at kasama sa tahanan kung
sila ay pabor o hindi sa pagkakaroon ng mga sabjek na Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ito ay
pamamagitan ng pagintebyu na mga kasama sa tahanan. Ang interbyu ay irerekord gamit ang mga
cellphone at isusumite gamit pa rin ang Facebook Private Group ng klase. Para sa mga mag-aaral na
walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang naging resulta ng interbyu
ay isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger. Mainam din kung
matatawagan ng guro ang mga mag-aaral para sa aktibidad na ito. Ang rubrik sa ibaba ang
gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.
Kategorya Napakahusay Mahusay Kulang sa Iskor
(5) (3) Kasanayan
(1)
Kaakmaan sa paksa ng Komprehensibo ang Malinaw ang pagkakalahad Naging mahaba ang
gawain ginawang pagtalakay sa ng paksa, nagtataglay ng pagtalakay sa paksa at hindi
paksa, malinaw at akma ang mga importanteng detalye kakikitaan ng mga
larawang ginamit, kompleto subalit hindi nito napatibay mahahalagang impormasyon
ang mga detalye at ang ang mga impormasyong na magpapatibay sa paksang
kakikitaan na dumaan sa tinalakay sa paksa. tinatalakay.
masusing pagiisip.
Mekaniks Lubhang mahusay at lohikal Mahusay at lohikal ang Nagtataglay ng kompletong
ang pagkakahanay ng mga pagkakahanay ng impormasyon subalit hindi
impormasyon, naiorganisa impormasyon, naiorganisa naihanay ng lohikal ang mga
ang mga detalye, maayos ang mga detalye, nagamit detalye na magpapatibay sa
ang pagkakagamit ng mga ang mga pang-ugnay para ideyang tinatalakay. May
pang-ugnay para mailahad mailahad tindig. Ang bahagi ng FB post na
ng buong husay ang tindig, paliwanag ay malinaw at nakapagdulot ng kalituhan sa
may kaisahan ang mga makabuluhan subalit mambabasa dahil sa ilang
ideya, at naging malinaw, kinakulangan ng mga pahayag na hindi kaugnay ng
mahusay at makabuluhan salitang magpapaigting ng paksa.
ang pagtalakay sa paliwanag. pagkaunawa ng mambabasa
sa paliwanag.
Kaugnayan ng larawan sa Maayos ang pagkakahabi ng Maayos ang pagkakahabi ng Hindi magkaugnay ang tinit
tindig tindig at may direktang tindig subalit hindi direktang at ang larawang ginamit.
kaugnayan sa larawan na naipakita ang kaugnayan
ginamit. nito sa larawang ginamit.
Kabuuang Iskor

You might also like