You are on page 1of 32

Department of Education

Region IV-A - CALABARZON


Schools Division of Calamba City

SELF-LEARNING MODULE
GRADE 12

Filipino sa Piling Larang-Akademik


Kalikasan ng Pananaliksik
Akademiko, Di-Akademikong Gawain
Quarter 1 – Module 1.1

Mga Bumubuo ng mga Kagamitan ng Mag-aaral

Manunulat: Belen M. Manimtim


Tagasuri: Lino T. Sanchez
Mylene Ganzon
Tagalapat: Cristeta M. Arcos
Ren Mac Mac G. Motas
Tagapamahala: SDS Susan DL Oribiana
ASDS Rogelio F. Opulencia
CID Chief Dolorosa S. De Castro
EPS-LRMDS Cristeta M. Arcos

Department of Education│R4A│Division of Calamba City


Office Address: DepEd Bldg., City Hall Compound, Brgy. Real, Calamba City
Landline: 049–554 9830 loc. 14
Email Address: lrmds.depedcalamba@deped.gov.ph

For DepEd Calamba City USE only. We Value your feedback and recommendations.
UNANG
LINGGO

I AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang modyul na ito ay inihanda para sa mag-aaral na nasa ikalabindalawang baitang. Ito ay
makatutulong upang maunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo
ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan.
Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat.
MELC CS FA11/12PB-OA-C101

Ito ang mga inaasahang bunga pagkatapos ng isang linggo:


1. Nalilinaw ang kahulugan at katangian ng malikhain at mapanuring pag-iisip
2. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng akademiko sa di-akademiko

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong


sagutang papel.

1. May Kinakaharap ka bang problema sa araw-araw?


2. Ano-ano ang mga ito?
3. Paano mo ito hinahanapan ng solusyon?
4. Tama ba ang naging solusyon mo? Bakit oo? Bakit hindi?

D
Basahin at unawain ang teksto pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Ang Pagkatuklas sa Lunas sa Sakit na Kidney Stones.
Pangkaraniwan ang bato sa kidney at daanan ng ihi na maaaring magdulot ng matinding sakit sa
tagiliran. Minsan may mga pasyenteng walang sintomas kahit na malalaki na ang bato sa kidney.
Ang mga pasyenteng may bato sa daanan ng ihi ay madalas na nagkakaroon ng impeksiyon sa ihi
at maaaring tuluyang masira ang kanilang kidney kung hindi ito naaagapan. Kapag nagkaroon ng
bato sa daanan ng ihi, paulit-ulit na magkakaroon muli ng bato sa kidney. Kaya mahalagang
maunawaan na iwasan at alagaan ang bato sa daanan ng ihi.

Ano ang bato sa daanan ng ihi?


Ang bato sa daanan ng ihi ay binubuo ng mga kristal na namumuo sa loob ng kidney o daanan ng
ihi. Kapag matataas ang sukat ng mga kristal gaya ng calcium, oxalate, urate, at phosphate sa ihi,
maaaring magkaroon ng bato sa kidney. Kapag nagkukumpulan ang mga kristal, ito ay puwedeng
mamuo at lumaki, at sa mahabang panahon nagiging bato sa kidney.

Karaniwan ding may mga sangkap sa ihi na pumipigil sa pagbuo ng bato sa daanan ng ihi tulad ng
citrate. Kapag kulang ang mga sangkap na ito sa ihi, mas madaling mamuo ang bato sa kidney.
Ang tawag sa bato sa daanan ng ihi ay urolithiasis. Dapat tandaan na ang bato sa apdo ay iba sa
bato sa daanan ng ihi.

Gaano kalaki, ano ang hugis at saan nakikita ang mga bato sa daanan ng ihi?
Iba’t ibang uri, laki, at hugis ang mga bato sa daanan ng ihi. Puwede siyang kasingliit ng butil ng
bigas o kasinglaki ng bolang ginagamit sa paglalaro ng tenis. Kapag pabilog at makinis, mas madali
siyang dumulas sa loob ng ureter at mas mataas ang tsansang kusang lalabas na hindi masyadong
makararanas ng kirot ang pasyente. Samantala, kapag matulis at hindi pangkaraniwan ang hugis,
hindi ito kusang lalabas at mas matindi ang sakit o kirot na mararanasan ng pasyente habang
dumaraan ito sa ureter. Bagamat nakikita ang bato sa iba’t ibang bahagi ng daanan ng ihi, madalas
itong nakikita sa kidney bago bumagsak sa ureter.

May apat na uri ng bato sa kidney:


1. Calcium na bato: Karamihan (70-80%) ng mga bato sa kidney ay may calcium. Karaniwang
binubuo ang mga bato ng calcium oxalate. Hindi madalas makita ang calcium phosphate na
bato.
2. Struvite na bato: Ang struvite na bato ay nakikita sa 10- 15% ng mga bato sa kidney at
madalas na nabubuo siya dahil laging may impeksiyon sa ihi. Mas madalas itong nakikita sa
kababaihan at ihing alkalino.
3. Uric acid na bato: Hindi pangkaraniwan (mga5-10%) ang ang uric acid na bato. Ito ay
namumuo kapag maraming uric acid sa ihi at palaging maraming asido ang ihi. Nakikita rin ito
sa mga pasyenteng may rayumang dulot ng mataas na uric acid sa dugo, sa mga mahilig
kumain ng protinang mula sa hayop, mga tuyot o kulang sa tubig ang katawan, o kakasalin
lamang ng gamot para sa kanser. Itong uri ng bato ay hindi nakikita sa x-ray ngunit nakikita
sa CT scan.
4. Cystine na bato: Madalang na makita ang mga cysteine na bato. Nakikita ito sa namamanang
sakit na cystinuria. Sa sakit na ito, matataas ang level ng cystine sa ihi. Ito ay namumuo rin
sa ihing maraming asido.
Ano ang “staghorn” na bato?
Ang staghorn na bato ay isang malaking struvite na bato sa loob ng kidney. Kasing-hugis nito ang
mga sungay ng usa kaya tinatawag na staghorn. Madalas itong napababayaan ng mga pasyente
dahil hindi ito nagdudulot ng malubhang kirot o sakit. Dahil hindi ito agad naaagapan, tuluyang
nasisira ang kidney.

Gamutan ng bato sa daanan ng ihi


Ang pagpili ng gamutan para sa bato sa daanan ng ihi ay depende sa sintomas, laki, posisyon o
lokasyon at sanhi ng bato; kung may impeksiyon sa ihi at kung nagbabara ang bato sa daanan ng
ihi. May dalawang pagpipilian:

A. Konserbatibong gamutan
B. Gamutang ginagawa ng siruhano
A. Koserbatibong gamutan
Karamihan ng mga bato sa kidney ay maliliit (hindi humihigit sa 5 milimetro sa laki) at kusang
nakalalabas sa daanan ng ihi mga 3 hanggang 6 na linggo mula sa umpisa ng sintomas. Ang layunin
ng konserbatibong pagamutan ay maibsan ang sintomas at tulungan ang paglabas ng bato habang
hindi ginagamitan ng operasyon

Agarang gamutan ng bato sa daanan ng ihi


Kapag sobra at di-natitiis ang kirot, kinakailangan ng iniksiyon tulad ng NSAID o morpina. Kapag
hindi gaanong masakit, epektibo ang mga iniinom na gamot para sa kirot.

Pag-inom ng maraming tubig


Sa mga pasyenteng nakararanas ng matinding kirot, dapat katamtaman lamang ang inom dahil
maaaring lumala ang kirot. Ngunit sa panahong naibsan ang sakit, dapat uminom ng maraming
tubig. Ang pag-inom ng 2 hanggang 3 litro ng tubig sa isang araw ay makatutulong sa pag-ihi ng
bato na hindi inooperahan. Tandaan na bawal ang serbesa. Kapag matindi ang kirot at may
kasamang pagsusuka at lagnat, maiging gumamit ng solusyon o tubig na dinaraan sa ugat upang
maiwasto ang kakulangan sa tubig. Kapag lumabas ang bato sa ihi, dapat ito ay kokolektahin at
iipunin. Ang simpleng paraan ng pangongolekta ay ang paggamit ng gasa bilang salaan.

Mga ibang patakaran


Mahalaga na manatiling tama ang pH ng ihi depende sa klase ng bato. May mga gamot tulad ng
calcium channel blocker at alpha blocker na nagpapaluwang ng daanan ng ihi upang mas madaling
makalabas ang bato mula sa ureter. Gamutin ang pagsusuka at impeksiyon sa ihi. Sundin ang mga
patakarang pangkalahatan at espesyal na pinag-usapan sa naunang mga pahina.

B. Gamutang ginagawa ng siruhano


May iba’t ibang paraan na ginagamit ang mga siruhano kapag hindi epektibo ang konserbatibong
pagamutan. Ang mga pinakapangkaraniwang proseso ay ang extracorporeal shock wave lithotripsy
(ESWL), percutaneous nephrolithotripsy (PDNL), ureteroscopy, at operasyon. Hindi sila lumalaban
sa isa’t isa at maaaring gamitin nang sabayan depende sa kondisyon ng pasyente. Ang siruhano
ng daanan ng ihi (urologist) ay pumipili ng tamang pagamutan para sa bawat pasyente.

Sino-sino ang nangangailangan ng operasyon?


● Karamihan ng mga pasyenteng may maliit na bato ay nagagamot sa konserbatibong paraan. Ang
operasyon ay kailangan kapag:
● Pabalik-balik ang sakit o matindi ang sakit at hindi lumalabas ang bato sa ihi sa inaasang panahon.
● Masyadong malaki ang bato para lumabas nang kusa
● Barado ang daloy ng ihi at nakasisira ng kidney
● Paulit-ulit na nagkakaroon ng impeksiyon sa ihi o nagdudugo
Agarang inooperahan ang pasyenteng hindi na gumagana ang kidney dahil sa nagbabarang bato
kapag iisa lang ang kaniyang kidney o parehong barado ang daanan ng ihi ng dalawang kidney.

1.Extra-Corporeal Shockwave Lithotripsy (ESWL)


Ang ESWL ay ang pinakabago at epektibong pagamutan na ginagamit sa bato sa kidney at daanan
ng ihi. Ginagamit ito kapag ang bato ay mga 1.5 na sentimetro sa laki o nakabara sa bahagi ng
ureter na malapit pa sa kidney.

Sa lithotripsy, binabasag ang bato ng mga matitinding shock wave o mga ultrasonic shock wave na
nilalabas ng makina. Ang mga maliliit na basag na bato ay nakakadaan na sa ureter at sumasama
sa ihi. Pagkatapos ng proseso, pinapayuhan ang pasyente na uminom ng maraming tubig upang
bulabugin ang mga maliliit na bato. Kapag inaasahang may malaking bato na puwedeng maging
sanhi ng pagkabara, naglalagay ang siruhano ng “stent” (tubo na dinadaan sa ureter) upang
maiwasan ang kumplikasyon ng pagbabara sa ureter.

Ang lithotripsy sa pangkalahatan ay ligtas na proseso. Ang mga inaasahang kumplikasiyon ay dugo
sa ihi, impeksiyon sa ihi, may natitirang bato na mangangailangan ng mas marami pang sesyon ng
pagbasag ng bato, mananatili ang bara sa daanan ng ihi, pinsala sa kidney at altapresyon.

Ang mga kalamangan ng lithotripsy ay isa siyang ligtas na proseso na hindi kinakailangan maospital,
walang ginagamit na anesthesia at walang hiwa sa katawan. Kaunti lang ang naidudulot na kirot at
nagagamit sa lahat ng edad na grupo ng pasyente.

Ang lithotripsy ay hindi masyadong epektibo kapag malaki ang bato at may katabaan ang pasyente.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong mga paliwanag sa
mga sumsunod.
• 1. Ano ang natuklasang alternatibong gamot sa sakit sa kidney stones?
• 2. Ano-ano ang pamamaraan na isinagawa upang mapatunayan ang bisa nito?
• 3. Paano nakatulong ang pananaliksik sa paglutas ng problema ng tao sa sakit na kidney
stones?
Basahin at unawain.
Paglalahad ng Konsepto
Gamit ng Pananaliksik sa Lipunang Pilipino
1. Sa Pang-Araw-Araw na Gawain
Marami pang mga pagpapatunay, paglilinaw, pagpapatibay, pagpapasubali at pagdaragdag ng
mga kaalaman at ideya ang nagagawa ng tao sa pang-araw-araw niyang pamumuhay.
Ang mga ito’y mga kasagutan o katugunan sa mga tanong ng tao sa sarili at sa komunidad sa
araw-araw niyang gawain.

2. Sa Akademikong Gawain
Malaki ang nagagawa ng pananaliksik sa kolehiyo para magkaroon ng disiplina sa pag-aaral,
motibasyon sa mas malalim pang pag-aaral, at kahandaan sa iba pang mga gawaing pang-
akademiko.
Tumutulong din ito para magkaroon ka ng sapat na kaalaman ukol sa kinabibilangan mong
larangan.
3. Sa Kalakal/Bisnes
Bago pumasok sa isang bisnes, ang isang korporasyon o indibidwal ay gumagawa muna ng
pananaliksik at/ o feasibility study ukol sa potensyal sa market at tubo at sa ikatatagumpay ng bisnes
na pinasok.
Titingnan dito ang clientele o mamimili, lugar, uri ng produktong ipinagbibili, atbp.
Sa gayon, maiiwasan ang sobra o walang kabuluhang paggasta, pagkalugi at pagsasayang ng oras
at pagod.

4. Sa Iba’t Ibang Institusyong Panggobyerno


Para sa serbisyong panlipunan, ang mga opisina o institusyong panggobyerno ay nagsasagawa
ng pananaliksik para sa kani-kanilang mga pangangailangan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin ang gamit ng pananaliksik sa mga sumusunod.


Isulat ang sagot sa isang buong papel o isend sa messenger.
• 1. Sa pang-araw-araw nating gawain
• 2. Sa kahandaan natin sa larangang ating kinabibilangan
• 3. Sa ikatatagumpay ng isang negosyo? Ipaliwanag.
• 4. Sa panahon ngayon ng pandemya
Mga Gawaing Pampag-iisip sa Akademya
Ang salitang akademya ay mula sa salitang Pranses na academia, sa Latin ay academia at
sa Griyego na acadedemeia. Ang huli ay mula naman sa Academia, ang bayaning Griyego kung
saan ipinangalan ni Plato ang hardin.

Ang akademya ay itinuturing sa isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar,


artista at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at
kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan.
isa itong komunidad ng iskolar.

Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, malaki ang maitutulong ng kaalaman at


kasanayan sa malikhain at mapanuring pag-iisip upang masiguro ang tagumpay sa buhay-
akademya.
Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may kakayahang mag-isip
nang kritikal o mapanuri, maging at malikhain at malayang magbago at makapagpabago. Ganito
ang isang mapanlikhang mag-aaral na lalo pang huhubog ng akademya.

Malikhain at Mapanuring Pag-iisip

Ang mapanuring pag-iisp ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga at


talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay –akademiko, at maging
sa mga gawaing di-akademiko.
Hindi nasasagkaan ng pagiging mapanuring pagkamalikhain ng tao. Nagtutulungan pa nga at
nagtatalaban (impluwensya) ang dalawang kakayahang ito upang makabuo ng paniniwala sa buhay at
desisyon tulad ng pagpili ng kurso, karera o negosyo, pagsasagawa ng mga gawain, pakikipag-ugnayan
sa kapuwa, at pagkakaroon ng makabuluhan at makahulugang pamumuhay sa komplikadong mundong
ating ginagalawan.
Ganitong mga katangian ang bumubuo sa isang malikhain at mapanuring indibidwal. Hindi
kailangang maging henyo o talentado upang maging malikhain.
Sa akademya, ang mga katangiang ito ay nalinang at pinapaunlad sa mga mag-aaral. Malaki
ang maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo, trabaho, at araw-araw
na pamumuhay.

Akademiko vs. Di-Akademiko

Ang salitang akademiko o academiic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses:


academique; Medival Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-6 na siglo. Tumutukoy ito o
may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o larangan ng paggawain.
(www.oxforddictionaries.com)

Sa Akademya, nalilinang ang mga kasanayan at natututuhan ang mga kaalamang kaugnay
ng larangang pinagkakadalubhasaan. Kasanayan sa pagbasa, pagsasalita, panonood at
pagsusulat ang napapaunlad. Sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis, panunuring
kritikal, pananaliksik at eskperimentasyon ang mga isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika,
pagpapahalaga, katotohanan, ebidensiya, at balanseng pagsusuri. Ginagabayan din ito ng
karanasan, kasanayan at karaniwang kahulugan.
Narito ang mga pagkakaiba sa katangian ng Akademiko at Di-akademiko

Paraan:Sariling
karanasan, pamilya at
komunidad

Gawain
sa

Pagkatuto
Bilang 3:

A. Sagutin ang mga sumusunod.

1. Ano ang gamit ng salitang akademik?


a.
b.
c.

2. Saang wika nanggaling o ano ang pinagmulan ng salitang akademik?


a.
b.
c.

3. Ano-anong mga kasanayan ang nililinang sa akademya? Magbigay ng limang salita nito.

4. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng akademik at di – akademik. (1-3 pangungusap)


B. Isulat ang hinihingi sa sagutang kahon.
Maaari bang gawin sa loob ng akademya ang mga gawaing di-akademiko at ang mga
gawaing akademiko sa labas ng akademya?

Magbigay ng halimba na magpapatunay rito at ipaliwanag


Akademiko sa labas ng Akademya Di-Akademiko sa loob ng Akademya
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Ipaliwanag: _________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

E Linangin
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Maglista ng tatlong kurso na interesado kang pasukin sa kolehiyo. Pumili lamang ng isa na
iyong pinakagusto. Magsaliksik sa libro, o sa internet, o magsagawa ng panayam tungkol dito.

Sumulat ng sanaynay na binubuo ng hindi bababa sa 500 salita at isulat sa iyong


kwaderno.

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos Nakuha
1. Malinaw at makabuluhan ang nilalaman ng sanaysay 10

2. Wasto at angkop ang paggamit ng wika at mga bantas. 10


3. Malinis at nauunawaan ang sulat kamay ng bata. 10

Kabuuan 30

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

Gumawa ng isang journal tungkol sa kursong nais na kuhanin pagkatapos ng Senior High School
o trabahong nais pasukin kung hindi makapagpapatuloy ng pag-aaral.
Masusing isulat ang nais na marating.

Pamatayan Puntos Iskor


1. Kabuuang Konsepto 10

2. Gamit ng Wika 10

3. May orihinalidad sa pagsasagawa ng itinakdang


Gawain 10

Kabuuan 30

Paano nakatutulong ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa isang mag-aaral ng


Senior High School?

Ipaliwanag ang iyong sagot sa kwaderno na hindi bababa sa 150 salita.

Pamantayan Puntos Sariling Iskor ng


Iskor guro
1. Kabuuang Konsepto 9
2. Orihinal na interpretasyon 8
3. Kaangkupan ng Interpretasyon sa mensahe ng teksto 8
Kabuuan 25
ALAWANG
LINGGO
I Gamit ng Pananaliksik sa Lipunang Pilipino
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang makikilala mo ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon
sa layunin, katangian at anyo.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sabihin kung paano pinagiginhawa ng mga nasa larawan sa
ibaba ang buhay ng tao. Ipaliwanag ang inyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. 3.

4.
2.

D
Basahin at unawain
Sinumang seryosong estudyante sa kolehiyo ay may kakayahan at kahandaan sa
pananaliksik. Isa ka rito, di ba? Kailangan lang naman ang determinasyon para isagawa ito.

Katangian ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay:
∙ Obhetibo. Ang mga datos ay kinuha sa mga di-kumikiling o di-kinikilingang mga batis ng
impormasyon. Ang gma interpretasyon ay batay sa paghahanay, pagtataya, at pagsusuri ng
mga datos na ito.
∙ Marami at iba’t iba ang mga ginagamit na datos. Lahat ng posibleng pagkunan, maging
ito’y nakasulat sa wikang banyaga o kaya’y nasa ibang bansa, ay mga datos na magagamit
sa pananaliksik. Ang anumang problema kaugnay ng pinansyal, distansya, at lenggwahe ay
limitasyong dapat harapin ng mananaliksik.
∙ May pamamaraan o angkop na metodolohiya na tutulong sa ikahuhusay ng
pananaliksik.
∙ Masuri o kritikal sa paggamit ng mga datos at sa pagtitimbang-timbang sa mga ideya.
∙ Dokumentado sa mga materyales na ginagamit bilang pagkilala sa gawain ng iba at mga
datos na nakuha.

Ano naman ang mga motibasyon, dahilan o layunin sa pananaliksik? Narito ang ilan:

Layunin ng Pananaliksik:
1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.
Nagiging interesado ka kung may bago kang nalamang impormasyon. Kapag bago ang
sapatos mo, excited kang isuot agad, di ba? Maraming tao ang interesado ngayon sa email, Internet,
fax, cellphone, video games, atpb. Dahil bago.

2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.


Pwede mong tingnan ang isang ideya mula sa ibang anggulo, perspektiba, at pananaw kaysa
dati nang paraan ng pagtingin ng iba rito. Bago pa rin ito, dati na nga lang alam ng marami ang
paksa.

3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.


Maraming bagay ang pinagtatalunan, pinag-uusapan at pinagkakainteresan sa komunidad,
sa mga institusyon, at sa bansa. Magandang gumawa ng panananliksik para makatulong sa
paglilinaw sa mga bagay na ito.

4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay na


totoo o makatotohanang ideya.
Ang isyu ukol sa kabayanihan ni Bonifacio ay nagiging paksa ng mga usapan, diskusyunan,
hamunan, balitaktakan sa mga klasrum, simposyum, radio, TV, magasin at mga dyaryo. Ang
ganitong paksa ng mga pananaliksik ay nanghahamon sa mga tinatanggap at ipinapalagay na
totoong ideya at siyang interes ngayon ng mga mananaliksik. Pwede mong hamunin ang
katotohanan ng palagay na ang Pilipinas ay isa ngang “third largest English-speaking
country.”Gawan mo ito ng pananaliksik.

5. Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya, interpretasyon, paniniwala,


palagay, o pahayag.
Balido o totoo ang isang ideya kung ito’y mapapatunayan o mapapasubalian ng mga
makatotohanang datos. Pwede mong patunayang balido o totoo sa pamamagitan ng pananaliksik
ang paniniwala mong hindi nabibigyan ng sapat na atensyon at suporta ang isports sa Pilipinas.
Patunayan mo ring balido na mababa ang kalidad ng edukasyon sa ngayon kumpara noong 20-30
taon ang nakakaraan.

6. Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo.


May mga ideyang makabuluhang tingnan o suriin ang hinaharap o kinabukasan nito. Ngunit
sa pagtukoy at pagsusuri dito ay kailangan ang pananaliksik sa kasaysayan nito. Hlimbawa, sa
pagtalakay sa kahihinatnan ng kapaligiran bunga ng modernisasyon, kailangang saliksikin ang mga
datos ng mga pagsasayang, pang-aabuso, at pagsasambahala ng tao sa kalikasan mula noong
unang panahon hanggang sa kasalukuyan.

Paano naman naipakikita o napatutunayan ang oryentasyong Pilipino?


Maaari mong makita ito sa pamamagitan ng:
 paksa
 pamamaraan
 interpretasyon/perspektiba/pananaw
 kung sino ang gagawa ng pananaliksik
 para kanino ang pananaliksik
 wika ng pananaliksik

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin ang layunin ng mga sumusunod na pananaliksik.

1. Mga batayan ng Sikolohiyang Pilipino sa kultura at kasaysayan


2. Special Filipino Curriculum (SFC): Isang mungkahing kurikulum sa
Filipino para sa Dayuhang mag-aaral

3. Direksiyong Historikal ng mga Pag-aaral Panggramar ng mga Wikang Timog Bisaya

4. Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong


Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan

5. Mga Pananaw Hinggil Sa Paggamit Ng Wikang Filipino Sa Pag-Aaral Ng Batas at Ang


Kahalagahan Nito Sa Paghubog Ng Katauhan Ng Mag-Aaral

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Magsulat ng limang halimbawa ng paksa ng pananaliksik na may


oryentasyong Filipino.
1.
2.
3.
4.
5.

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Suriin ang isang halimbawa ng pananaliksik sa Filipino sa ibaba
kung ito ay naging obhetibo, mapanuri, maparaan, maraming datos at dokumentado.
Pangatwiranan ang iyong sagot.

Ang Pelikulang Rural sa Sineng Indie Noong 2005-2008


Patrick F. Campos
Walang dudang mas mahaba, ang kasaysayan ng sining sa anumang midyum na nag-
uugnay sa tao at sa kaniyang espasyong ginagalawan kaysa nosyon ng “landscape” bilang kritikal
na konsepto ng klasipikasyon, ayon kay Simon Schama (3). Ang landscape ay tumutukoy sa idea
ng “hurisdiksiyon,” o ang mga prinsipyo ng pag-uugnay ng tao sa kaniyang sarili sa espasyong
kaniyang ginagalawan, kaysa nosyon ng paisahe bilang bukas at malawak na lugar na siya
mismong bukal ng kasiningan, at hiwalay sa mga taong gumagalaw rito (“Figuring Landscapes”
n.p.). Samakatwid, ang pormang sining na sinisipat at sinusuri ayon sa paglalarawan nito ng paisahe
ay nakaangkla sa sistema ng hanggahan at sa espasyong nakahiwalay (“Figuring Landscapes”
n.p.).
Ngunit higit pa sa pagtukoy sa espasyo at sa mga hanggahan nito sa loob ng kahit anong
pormang sining, ang lahat ng biswal na materyal, ayon kay Gillian Rose, ay may tatlo pang
espasyong kailangang sipatin, at pawang nagbibigay ng kahulugan sa isang imahen: ang espasyo
na siyang bumubuo ng imahen, ang espasyo sa loob ng imahen, at ang espasyo na ang imahen ay
maaaring matunghayan. Sa bawat espasyo ay may tatlong aspekto ang imahen: teknolohiko,
komposisyonal, at sosyal (Rose 2001, 16-17).
Mahalagang maintindihan, para sa papel na ito, na kaiba sa mga imahen ng espasyong
itinatanghal, halimbawa, sa panitikan, ang espasyong pampelikula ay kawangis ng espasyong
isinapelikula mismo; samantalang itinatago ng kawangis na espasyo sa loob ng pelikula ang kamera
na kumukuha at nagkukuwadro rito (Hopkins 1994, 49). Higit pa rito, dapat maintindihan, gaya ng
giit ni Mark Shiel, sang-ayon na rin sa nabanggit na pananaw ni Rose, na ang espasyo sa loob ng
pelikula ay minamapa ng kamera, samantalang ang mga pelikula naman sa mga kultural na
espasyo ng lipunan ay siyang nagtatampok ng organisasyon ng espasyo sa loob ng pelikula at ng
espasyong panlipunang kinapapalooban ng pelikula (Shiel 2001, 5)
Sang-ayon sa mga pananaw na ito, ang proyekto ng papel ay tatlo. Una, tinitingnan ng papel
ang pagsasalarawan ng mga espasyong urban at rural sa “Ginintuang Panahon” ng pelikulang
Filipino, sapagkat sa kontemporaneong diskurso, ang natatanging panahong ito ang tinatayang
karugtong at pinagmulan ng 116 DALUYAN “makabagong sineng indie.” Ikalawa, sinusuri ang ilang
sineng indie mulang 2005 hanggang 2008 sa kung ano ang sinasapantaha nitong pananaw ng
tagaprobinsiya tungkol sa mga paisaheng rural na kanilang ginagalawan. At ikatlo, sinusuri at
tinataya kung paano ikinukuwadro sa makabagong estilo ng pagsasapelikula itong
sinasapantahang halaga at gamit ng tanawing rural sa pagtukoy sa kalagayan ng bayan, sa mga
realidad sa labas ng pelikula. –Mula sa Journal ng
Wikang Filipino
Patunay Paliwanag
Obhetibo
Maparaan
Mapanuri
Maraming datos
Dokumentado

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Sumulat ng isang sanaysay kung bakit ang isang pananaliksik ay
kailangang maging obhetibo, mapanuri, may pamamaraan, maraming pinagkunang datos at
dokumentado.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman – 10 puntos
Pangangatwiran-10 puntos
Daloy ng ideya-10 puntos
Gamit ng wika-10 puntos
Kabuuan-40 puntos

ATLONG
INGGO

I PAGBABALANGKAS AT PAGBUBUOD
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagsasagawa ng panimulang
pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
akademiko.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Ipaliwanag ang iyong sagot sa mga sumusunod na tanong sa
iyong sagutang papel.

1. Bakit mahalaga ang isang gabay para sa mga arkitekto, inhinyero, pintor, manunulat, at iba pa?

2. “Ano-ano ang mga maaaring kahinatnan kung sila ay hindi susunod sa mga gabay na kanilang
inihanda? Ano kaya ang epekto nito sa kanilang mga proyektong ginagawa?”

3. “Paano iniuugnay ang pagbuo ng gabay, partikular ang pagbabalangkas sa proseso ng


akademikong pagsulat? Patunayang mahalaga ito.

D
Alam mo ba na…
1) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas mapag-iisipan mong mabuti kung paano mo sisimulan
o tatapusin ang iyong sanaysay.
2) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mapipili mo ang mga ideya o konsepto na nais mong
isama sa sanaysay. Dapat lahat ng ito ay magkakaugnay.
3) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas magiging madali sa iyong ayusin ang mga ideya sa
iyong sanaysay. Mapipili mo kung ano ang mga ideyang nais mong ilagay sa panimula, katawan at
katapusan ng iyong sanaysay.
4) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong mawala sa pokus habang nagsusulat
ng sanaysay dahil para itong mindmap. Gagabayan ka nito para maisulat ng malinaw ang iyong
mga ideya.
5) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong maging paulit-ulit ang mga ideya sa
iyong sanaysay, dahil sa simula pa lang ay nakaplano na kung ano ang mga ideyang isasama mo
at hindi.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga
pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)
_____ 1. Nagsisilbing giya o padron ng isusulat na pag-aaral ang balangkas.
_____ 2. Kadalasan,1/4 hanggang 1/3 ng kabuuang teksto ang buod nito.
_____ 3. Sa pagbabalangkas, mas mainam ang pasaklaw (deductive) na pag-aayos ng mga ideya
_____ 4. Sa pagbabalangkas, maaaring gumamit ng mga parirala o pangungusap bilang paksa ng
bawat aytem.
_____ 5. Sa pagbabalangkas, kinakailangan ng mga suportang ideya ang bawat
pangunahing paksa.

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang maikling teksto at gumawa ng balangkas gamit ang
pormat sa ibaba.

Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula
sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome
(MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV)
ay isang bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na
nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa sa mga tao. Ang mga
coronavirus ay naisip na kumalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahin at malapit na personal na
pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay at pagkatapos ay sa paghawak ng
bibig, ilong, o mata.
Nagkaroon ng pagsiklab ng isang bagong coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-2, na unang
lumitaw noong Disyembre 2019. Ang virus ay kumalat sa karamihan ng mga bansa sa mundo,
kabilang ang United States.
Dahil bago pa itong coronavirus, ang mga awtoridad ng kalusugan ay natututo pa tungkol sa virus
at kung paano ito kumakalat. Mabilis na nagbabago ang sitwasyon at ang US Sentro para sa Pag-
iwas at Pagkontrol sa Sakit (CDC) ay nagbibigay ng na-update na impormasyon kapag
magagamit: www.cdc.gov/ncov
Ang COVID-19 ay ang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Severe Acute Respiratory Syndrome
Coronavirus 2 (SARS-CoV-2) ay tumutukoy sa virus, habang ang Coronavirus Disease-19 (COVID-
19) ay tumutukoy sa sakit sanhi ng virus. Wala pang bakuna para sa bagong coronavirus at walang
tiyak na paggamot o pagalingin para sa COVID-19. Gayunpaman, maaaring gamutin ang marami
sa mga sintomas. Ang mga pasyente ng COVID-19 ay dapat magpahinga ng lubusan, uminom ng
maraming likido, kumain ng malusog na pagkain, at bawasan ang stress.

Dapat gamitin ang Acetaminophen upang mabawasan ang lagnat at pananakit at sakit. Para sa
mga malubhang kaso, ang pangangalagang medikal ay maaaring kailanganin upang mapawi ang
mga sintomas at suportahan ang mga mahahalagang pag-andar ng organo hanggang sa gumaling
ang pasyente.

https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx
I. Paksa 1 III. Paksa 3
A. Paksa 1.1 A. Paksa 3.1
1. ideya 1. ideya
2. ideya 2. ideya
B. Paksa 1.2 B. Paksa 3.2
1. ideya 1. ideya
2. ideya 2. ideya
II. Paksa 2
A. Paksa 2.1
1. ideya
2. ideya
B. Paksa 2.2
1. ideya
2. ideya

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng balangkas tungkol sa mga pangarap mo sa buhay.
Gamitin ang ibinigay na pormat sa itaas sa pamamagitan ng paglilista mula sa pinakamahalaga
hanggang sa hindi masyadong mahalagang pangarap para sa iyo .

KAAPAT
A LINGGO

I PANUKALANG PROYEKTO
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusulat nang maayos na akademikong
sulatin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Maglista ng tatlong proyekto o programa sa paaralan na nais


ninyong ipatupad sa paaralan. Ipaliwanag ang iyong dahilan kung bakit nais mong ipatupad ito.

Pangalan ng Proyekto Mga Dahilan kung Bakit Nais Ipatupad


ito
1.
2.
3.

D
Ang Panukalang Proyekto ay isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang isang
sponsor na ang isang proyekto ay kailangang gawin upang malutas ang isang partikular na
problema sa negosyo o oportunidad. Inilalarawan nito nang malalim kung paano magsisimula ang
proyekto.
Mga halimbawa ng Panukalang Proyekto
● proyekto sa Edukasyon
● proyekto sa Kalusugan
● proyekto sa Kalinisan
● proyekto sa Kaligtasan
● proyekto sa Paaralan
● proyekto para sa Komunidad

Katangian ng isang panukalang proyekto:


● Sinasalamin ang mga pangangailangan at kapasidad ng indibidwal at komunidad.
● Nagdadala sa mga indibidwal at komunidad ng nakikitang mga benepisyo.
● May suporta at kooperasyon sa kapaligiran

Mga Nilalaman ng Panukalang Proyekto


I. Proponent ng Proyekto
II. Kaligiran ng Proyekto
III. Deskripsiyon ng Proyekto
IV. Layunin
V. Proseso
VI. Badyet

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay ipatutupad sa edukasyon,
komunidad, paaralan, kalinisan, kalusugan at kaligtasan. Isulat ang iyong kasagutan sa iyong
sagutang papel.

1. Panukalang Plano sa Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng PIS.


2. Panukala Para Sa Karagdagang Poste Ng Ilaw Sa Boulevard.
3. Panukalang Proyekto para sa Pag-iinstall ng WIFI sa gusali ng Senior High School.
4. Panukala sa Pagpapagawa ng Streetlights sa Barangay Punta.
5. Panukala para sa isang bulwagang pambarangay
6. Panukalang Proyekto para sa Gulayan sa Paaralan.
7. Panukalang proyekto para sa epekto ng pagkahilig ng mga kabataan sa social networking sites
ngayon.
8. Panukalang proyekto tungkol sa Segregation ng Basura
9. Panukalang Proyekto hinggil sa Pagkakaroon ng E-Library sa Paaralan.
10. Panukalang Proyekto para sa Pagkakaroon ng Plantbox sa Pathway ng Paaralan.

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pumili ng isang panukalang proyekto sa mga inilista ninyo sa
Gawain 1. Sumulat ng isang panukalang proyekto gamit ang pormat sa ibaba.
Pamagat ng Proyekto
I. Proponent ng Proyekto
II. Kaligiran ng Proyekto
III. Deskripsiyon ng Proyekto
IV. Layunin
V. Proseso
VI. Badyet

Pamantayan sa Pagmamarka:
Kahalagahan ng Proyekto -10puntos
Nilalaman-10 puntos
Kahustuhan ng mga bahagi-10 puntos
Gamit ng Wika-10 puntos
KABUUAN -40 puntos

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Suriin ang halimbawang panukalang proyekto sa ibaba. Lagyan
ng pagsusuri ang bawat bahagi nito.

Bahanding Sarita: Kumperensiya sa Pagpapayaman ng Wikang Filipino


1. Proponent ng Proyekto: Sentro ng Wikang Pilipino
2. Kaligiran ng Proyekto
Itinakda sa Konstitusyong 1987 na Filipino ang wikang pambansa. May probisyon din dito
tungkol sa pagpapaunlad ng Filipino gaya ng sumusunod: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga
wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. (Artikulo VIV, Seksiyon 6) Ang proyektong Bahanding
Sarita ay kumikilala sa probisyong pangwika na ito sa Konstitusyon. Nagpapanukala ito ng isang
estratehiya sa pagpapayaman ng wikang Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng pagdaraos ng
kumperensiya na magtatampok sa mga salitang dapat mailahok sa korpus ng wikang pambansa.
3. Deskripsiyon ng Proyekto
Ang proyekto ay may dalawang bahagi: una, saliksik at pagbuo ng papel tungkol sa salita
mula sa isa sa mga wikang katutubo sa Pilipinas na dapat maihalok sa korpus ng wikang pambansa;
at ikalawa, kumperensiya at paligsahan na magtatampok sa resulta ng saliksik. Sa kumperensiya,
hihilingan ang mga kalahok na magtaguyod ng isang salita na inaakala nilang dapat na maging
bahagi ng korpus ng wikang Filipino dahil sa natatanging kahulugang kinakatawan nito. Ang
paliwanag tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng salita ay 55 ihaharap sa isang kumperensiya.
Dito hihirangin ang pinakamahalagang salita at pinakamahuhusay na presentasyon. Iimplementa
ang proyekto mula Setyembre 2008 hanggang Pebrero 2009.
4. Layunin
4.1 Pangkalahatang Layunin: Makatulong sa pagpapayaman ng wikang Filipino sang-ayon sa
itinakda ng Konstitusyon na pagpapaunlad ng wikang pambansa batay sa umiiral na mga wika sa
Filipinas.
4.2 Mga Tiyak na Layunin:
4.2.1 Matukoy ang mahahalagang salita mula sa mga katutubong wika sa Filipinas na dapat
mailahok sa wikang pambansa
4.2.2 Maipaliwanag ang pangkultura at panlipunang kabuluhan ng ilang salita mula sa mga
katutubong wika sa Filipinas
4.2.3 Maipalaganap nang mas mabilis ang ilang salita sa katutubong wika sa Filipinas sa
pambansang diskurso sa pamamagitan ng kumprerensiya.
5. Proseso
5.1 Mananawagan ang SWF sa mga gustong lumahok sa kumperensiya at paligsahan. Pambansa
ang proyekto kung kaya’t hihikayat ng mga kalahok sa iba’t ibang rehiyon.Puwede ring tumukoy na
ang SWF ng mga iskolar sa bawat wika para lumahok.
5.2 Ang bawat nominadong salita ay idedevelop sa isang sanaysay. Pwedeng sundin sa sanaysay
ang ganitong balangkas. Kahulugan ng salita; Kasaysayan o etimolohiya ng salita; 56
Paghahambing ng salita sa ibang mga salitang kahawig ngunit iba ang kahulugan; Iba’t ibang
posibleng gamit ng salita; at paliwanag kung bakit mahalaga na mailahok ang salita sa korpus ng
wikang pambansa. Ipapadala ang mga sanaysay sa SWF sa pamamagitan ng e-mail o pagsusumite
ng kopyang print.
5.3 Rerepasuhin ng isang panel ng mga iskolar sa wika at kultura ang mga lahok. Pipili sila dito ng
10-12 lahok na ipepresenta sa Kumperensiya. Puwedeng hilingin sa kalahok na magrebisa ng
kaniyang sanaysay kung kailangan.
5.4 Magdaraos ng isang Kumperensiya para sa presentasyon ng mga salita. Isa-isang ipepresenta
ang lahok na salita. Hihikayatin ang mga kalahok na gumamit ng pinakamabisang paraan para
maipaliwanag nang mabuti ang itinataguyod na salita tulad ng paggamit ng paggamit ng audio-
visual na materyal, maikling pagsadadula, at iba pa.
5.5 May dalawang set ng gantimpala: Una, pinakamahusay na presentasyon. Pipiliin ito ng mga
nakarehistrong dadalo sa kumperensiya. Ang pagboto ay idadaan sa secret balloting. Manalo ang
lahok na may pinakmataas na boto. Isa lamang ang bibigyan ng gantimpala. Ikalawa,
pinakamahusay na lahok. Pipiliin ito ng isang panel ng mga hurado na kabibilangan ng
aanyayahang iskolar na dominyong kultural o wikang itinatampok sa paligsahan. Sa pagpili ng
pinakamahusay na lahok, magpupulong na ang lupon ng hurado ilang araw bago ang Kumperensiya
para makapag-shortlist na. Gayunpaman, puwedeng magbago nang bahagya ang kanilang listahan
batay na rin sa presentasyon ng mga kalahok. Tatlo ang bibigyan ng gantimpala: una, ikalawa,
ikatlo. 57
5.6 Ilalathala ang 10-12 sanaysay. Puwede ring ipasok ang mga ito sa mga susunod na pag-update
ng mga diksiyonaryo ng wikang Filipino. Puwede ring maglathala ng proceedings ng kumperensiya.
6. Badyet:
-Filipino sa Piling Larang Akademik Modyul ng Mag-aaral

Bahagi ng Proyekto Pagsusuri sa Kawastuhan ng Bahagi


ng Proyekto

ALIMANG
LINGGO
POSISYONG PAPEL
I
Aralin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusunod sa istilo at teknikal na


pangangailangan ng akademikong sulatin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pumili sa mga isyung panlipunan na nakasulat sa ibaba.


Gumawa ng limang argumento sa napili mong isyu hinggil sa paninindigang napili mo. Sundin ang
pormat sa ibaba at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Patuloy na pangingibang bansa ng mga Pilipino para magtrabaho: nakatutulong o nakasasama


sa bansa?
2. Internet: nakabubuti o nakasasama para sa mga kabataan?
3. Bitay: dapat bang ibalik o hindi?

Isyu o Paksa Napiling Paninindigan Mga Argumento


1.
2.
3.
4.
5.

D
Ang pangangatwiran ay isang uri ng panghihikayat. Nanghihikayat itong pumanig sa opinyon
ng manunulat. Binubuo ito ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang mapasang-ayon
ang mga mambabasa. Sinusuportahan naman ng mga ebidensya ang mga argumento upang
mapatibay ito at mas makumbinsi ang mga mambabasa. Ang mga ebidensya sa mga argumento
ay maaaring kunin sa obserbasyon, mga pahayag mula sa awtoridad (pulis, abogado, dalubhasa,
doktor, propesor, atbp.), istatistiks o kaya’y mga mapagkakatiwalaang datos at pag-aaral.
Ang posisyong papel ay isang akademikong teksto/ sulatin na nangangatwiran at
nagbibigay ng paninindigan sa isang partikular na isyu. Inilalahad nang malinaw ang mga
argumento at pinapatibay ito ng mga malalakas na ebidensya. Kailangang manaliksik upang
makakuha ng mga ebidensya. At bilang pangwakas, may aksyong ginagawa ang sumulat sa isyung
inihain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang halimbawang posisyong papel sa ibaba, pagkatapos
ay ibigay ang hinihingi sa pormat.

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP Hinggil sa Pagtatanggal ng


Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad
PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG
PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO, KABATAANG
PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO

Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013


Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
(PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang
Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat,
at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED)


nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang
Hunyo 28 serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles
o Filipino ang mga asignaturang binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive
Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw-
agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad, at
magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang
ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil
halata namang nakakiling ang Purposive Communicationsa Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-
unting nilulusaw ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at
unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP ang
mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng
Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito.

Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang
Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing mabuti ang CHED Memorandum,
malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng
asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito: "General
education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the world, take
pride in and hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood amid the forces
of globalization. As life becomes more complex, the necessity of appreciating the gifts of nature and
addressing social problems in the general education program increasingly become more pressing.
"Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong
isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-
aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng
mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga
kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at
makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang
ng mga asignaturang tila pirapirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malaking
puwang na kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng


Pilipinas (PUP) na tinaguriang "largest state university in the country" na binubuo ng humigit
kumulang 70, 000 na mga magaaral na nagmula sa iba't ibang panig ng bansa katuwang ang
iba pang mga organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang
asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.

Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.
hindi ba't paurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel
ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao na at walang malinaw
na konsultasyong isinagawa? Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng ating bansa ay
pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A,
Osaka University at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg University at University of Moscow
sa Russia.

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya


nito ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura, pangkultura at pansining
sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdaraos ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang
Filipino sa iba't ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng
Filipinolohiya bilang Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa ito, natamo na nito
mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (ACCUP) ang
pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang
programang AB Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Bukod pa rito, ang mga
batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa bansa ay kabilang sa Kagawaran
ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga Departamento/Kagawaran ng
Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan kung sa bagong kurikulum na binalangkas
ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at malinaw na puwang ang disiplinang
Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung hindi tuloy-tuloy ang paglinang nito
hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't muli naming igigiit ang karapatan ng Wikang
Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas.

Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at


pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo.
Bilang hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika,
Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na may temang "Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa
Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro sa Filipino
sa Hamon ng Programang K-12" kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa
Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA)
na kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral, at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino .

Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang Filipino. Maghahain ito ng mga
mungkahing asignaturang Filipino sapakikipag-ugnayan na rin ng iba't ibang mga unibersidad at
kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na asignaturang Filipino sa Kolehiyo.

Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang malinaw
na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa
ng malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna ng
Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at
ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang
tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang
identidadng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung
ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino,
tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad
mo!

Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014

Pamagat:
Pangunahing posisyon:
Argumento 1:
Ebidensya 1:
Ebidensya 2:
Argumento 2:
Ebidensya 1:
Ebidensya 2:
Ebidensya 3:

Aksyon kaugnay ng isyu:

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sumulat ng isang posisyong papel tungkol sa napapanahong isyu
sa panahon ngayon ng pandemya. Linawin ang posisyong iyong tinitindigan sa isyu. Magsaliksik
para sa iyong mga ebidensiya at ibigay ang iyong mga argumento hinggil dito.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Bigat ng isyu-10 puntos
Dami at Bigat ng mga argumento-10 puntos
Ebidensiya- 10 puntos
Gamit ng wika-10 puntos
KABUUAN- 40 puntos

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Pagnilayan ang sinulat mong posisyong papel, ipaliwanag ang
iyong sagot sa mga sumusunod na tanong.

1. Mayroon bang malinaw na tindig ang iyong posisyong papel?


2. Naging malinaw ba ang iyong mga argumento?
3. Napatibay mo ba ang mga ebidensyang inihain ng mga argumento?
4. Naging konkreto ba ang aksyong gagawin mo bilang konklusyon?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sumulat ng isang maikling sanaysay ukol sa kahalagahan ng


pagbuo ng posisyong papel sa larangan ng akademya.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman-10 puntos
Daloy ng ideya-10 puntos
Gamit ng wika-10 puntos
KABUUAN-30 puntos
AANIM NA
LINGGO
TALUMPATI
I Aralin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng talumpati batay sa
napakinggang halimbawa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan.


Isulat sa iyong kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Kadalasang binibigkas ito sa mga salo-salo at pagtitipong sosyal. Layunin nitong magpatawa
kaya naman kailangang samahan ito ng mga birong nakatatawa kaugnay sa paksang
tinatalakay.
A. Talumpati ng Papuri C. Talumpating Panghihikayat
B. Talumpating Panlibang D. Talumpating Pagpaparangal

2. Layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. Ito ay isinulat upang
makapukaw at makapagpasigla sa damdamin at isipan ng mga tao.
A. Talumpating Pampasigla C. Talumpating Panghihikayat
B. Talumpati ng Panlibang D. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon

3. Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng


pagbibigay-katwiran at mga patunay.
A. Talumpati ng Papuri
B. Talumpating Panlibang
C. Talumpati ng Panghihikayat
D. Talumpating Nagbibigay ng impormasyon

4. Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon.


A. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon
B. Talumpating Pagbibigay-galang
C. Talumpating Panlibang
D. Talumpati ng Papuri

5. Layunin ng talumpating ito na ipabatid sa mga tagapakinig ang tungkol sa isang paksa, isyu o
pangyayari.
A. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon
B. Talumpati ng Panghihikayat
C. Talumpating Panlibang
D. Talumpati ng Papuri
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gamit ang concept web, isulat sa papel kung anong mga salita
ang maaaring iugnay sa paglalahad, pangangatwiran, pagsasalaysay at paglalarawan.

PANGANGATWIRAN PAGLALAHAD

TALUMPATI

PAGLALARAWAN
PAGSASALAYSAY

D
Basahin at unawain
Alam mo ba na…
Ang Talumpati ay isang sining na pagpapahayag ng isang kaisipan hinggil sa isang paksa.
Ito ay isinasagawa sa paraang pasalita sa harap ng mga tagapakinig.

Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid sa pamamagitan ng


pagsasalita sa entablado para sa madla. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.

Uri ng Talumpati
▪ Talumpating Panlibang. Kadalasang binibigkas ito sa mga salo-salo at pagtitipong sosyal.
Nagpapatawa ang nagtatalumpati kaya naman kailangang samahan ito ng mga birong nakatatawa
kaugnay sa paksang tinatalakay.

▪ Talumpating Panghikayat. Ilan sa mga halimbawa nito ay tulad ng sa simbahan, sa kongreso, sa


kampanya ng mga politiko gayundin ang talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman.
Hinihikayat nito ang mga tagapakinig na paniwalaan ang mananalumpati sa pamamagitan ng
pangangatwiran at pagpapakita ng mga ebidensya.

▪ Talumpating Pagpaparangal. Hinahanda ito upang bigyang parangal ang isang tao o di kaya ay
magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa nito.
▪ Talumpating Pagbibigay-galang. Matatawag din itong talumpati ng pagbati, pagtugon o
pagtanggap. Ito ay ginagamit sa pagbibigay-galang bilang pagsalubong sa isang panauhin,
pagtanggap sa isang bagong kasapi ng samahan o kasamahang mawawalay.

▪ Talumpating Pampasigla. Karaniwang binibigkas ito sa araw ng pagtatapos sa mga eskwelahan at


pagdiriwang ng mga anibersaryo ng isang samahan. Ito ay pumupukaw sa damdamin at
nakapagbibigay ng insiprasyon sa mga tagapakinig.

▪ Talumpating Pangkabatiran. Ginagamit ito sa mga kumbensyon, panayam, at pagtitipong


pansiyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa. Kalimitang makikita sa mga
talumpating ito ang mga kagamitang pantulong upang maliwanagan at ganap na maunawaan ang
paksang tinatalakay.
Klasipikasyon ng Talumpati

▪ Biglaan (Impromptu). Ito ay binibigkas na walang ganap na paghahanda. Nalalaman lamang


ang paksang tatalakayin sa oras ng pagtatalumpati.

▪ Daglian o Maluwag (Extemporaneous). Binibigkas ito na may maikling panahong


paghahanda. Ang mananalumpati ay nakapaghanda lamang ng balangkas upang maging
patnubay sa kanyang pagtatalumpati.

▪ Manuskrito. Kinakailangan ng matagal na panahon ng paghahanda at pag-aaral sa ganitong


paraan ng pagtatalumpati sapagkat ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar at
programang pagsasaliksik. Binabasa lamang ang manuskrito kaya’t nawawala ang pakikipag-
ugnayan ng tagapagsalita sa mga tagapakinig.

▪ Handa o Isinaulo (Prepared o Memorized). Talumpating binibigkas na may mahabang


panahon ng pagsulat, organisasyon at deliberasyon. Ngunit isa sa mga kahinaan nito ay ang
pagkalimot sa nilalaman ng talumpating ginawa.

Mga Bahagi/Elemento ng Talumpati

▪ Introduksyon. Sa bahaging ito pinupukaw ang atensyon ng mga tagapakinig upang ipabatid
sa kanila ang mensahe ng talumpati. Maaaring sumipi ng mga anekdota, pahayag, kasabihan,
awitin at mga nakatatawag pansing pangyayari na maiuugnay sa pangunahing ideya ng
talumpati. Sa bahagi rin ito ay kinakailangang maipadama sa mga tagapakinig ang kahalagahan
ng paksa ng mananalumpati.

▪ Pangunahing Ideya. Sa bahaging ito ay binibigyang-linaw ang direksyon ng talumpati.


Ipinakikita nito ang paninindigan ng tagapagsalita kaugnay sa paksa.

▪ Katawan o Paglalahad. Ito ang isyu o diwa sa paksang tinatalakay. Kinapapalooban ito ng
mga pangunahing punto ng talumpati. Maaari itong isaayos sa paraang Spatial (isinasaayos ang
detalye ayon sa lokasyon), Kronolohikal (pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari) at Sanhi at
Epekto (inilalarawan ang sanhi at ipinakikilala ang epekto o bunga nito).

▪ Paghahambing at Pagtutulad. Sa bahaging ito ipinakikilala ang pagkakaiba at pagkakatulad


ng mga ideyang inilalahad.

▪ Suliranin. Sa bahaging ito sinusuri ang mga suliiranin at matapos ay isinasaalang- alang ang
mga solusyon nito.

▪ Paninindigan. Sa bahaging ito ipinahahayag ang katwiran hinggil sa isyu. Layunin niyo ng
hikayatin o mapaniwala ang mga nakikinig. Nakapaloob ito sa katawan ng talumpati.

▪ Konklusyon. Sa bahaging ito inilalahad ang lagom sa mensahe o pagganyak sa mga


tagapakinig na gumawa ng aksyon. Maaaring muling banggitin ang mga pangunahing puntos
upang maliwanagan ang mga tagapakinig sa paksang tinatalakay.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

▪ Paksa o Tema. Mahalagang matiyak ng isang mananalumpati ang tema o paksa ng pagdiriwang
bilang gabay sa pagbuo ng talumpati. Ayon kay Casanova at Rubin (2001) sa kanilang aklat na
Retorikang Pangkolehiyo, upang higit na maging kawili-wili ang talumpati, kinakailangang may
sapat na kaalaman ang mananalumpati sa paksa. Samakatuwid, kinakailangang paghandaan,
pagplanuhan at pag- aralang mabuti ang talumpati. Maaaring magsaliksik sa pamamagitan ng
pangangalap ng mga datos sa aklat, pahayagan, dyornal, magasin at iba pang babasahing
makatutulong. Mahalaga ring matukoy ang pangunahing ideya ng paksang tatalakayin sapagkat ito
ang magiging batayan ng isang mahusay na talumpati.

▪Tagapakinig. Ayon kay Lorenzo et al. (2002) sa kanilang aklat ng Sining ng Pakikipatalastasang
Panlipunan, dapat mabatid ng mananalumpati ang edad at kasarian ng mga tagapakakinig sapagkat
kailangang magkaroon ng kabatiran ang isang mananalumpati sa interes ng mga tagapakinig. Kung
sila ba ay mga bata o matatanda, grupo ng kababaihan o kalalakihan. Isinasaalang-alang din ang
edukasyon o antas sa lipunan upang maging akma ang wikang gagamitin sa pangkat. At kailangan
din malaman ng mananalumpati ang bilang ng mga makikinig sa gayon ay mapaghandaan ng nang
husto ang talumpati gayundin ang saloobin ng mga nakikinig.

▪ Hulwaran o Balangkas. Ayon kina Casanova at Rubin (2001) may tatlong hulwarang maaaring
gamitin sa pagbuo ng talumpati. Una, ang Kronolohikal– maisasagawa ang paghahanay mula sa
unang pangyayari, sumunod at panghuling pangyayari. Ikalawa, ang Topikal- nakabatay ang
pagkakaayos ng talumpati batay sa pangunahing paksa at mga pantulong na detalye. Ikatlo, ang
Problema- Solusyon na karaniwang ginagamit sa mga talumpating nanghihikayat o nagpapakilos.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Ngayon ay basahin mo ang halimbawang talumpati sa ibaba,


pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

Dangal at Parangal
Binigkas sa 2009 Gabing Parangal ng Gawad Palanca
Bienvenido Lumbera
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan

Ito ang maningning na gabi na noong magtatapos ang buwan ng Hunyo ay tinanaw-tanaw
na ng mga manunulat na lumahok sa taunang patimpalak na mula pa noong dekada 50 ay
bukambibig na bilang “Palanca.” Sa gabing ito nagaganap ang pagkakamit ng mga mapalad na
manlilikha ng medalya, sertipiko at cash, na katibayan na ang kanilang akda ay pinagkaisahan ng
mga hurado na gawaran ng gantimpala bilang akdang namumukod sa hanay ng mga akdang
pawang humihinging itanghal na karapatdapat parangalan.
Ang Gantimpalang Palanca ay isa nang tradisyon sa kasaysayan ng kontemporaneong
panitikan ng Filipinas. Bilang parangal, itinuturing itong katibayang “may dangal” na ikinakapit sa
isang akda ang pasya ng tatlo/limang eksperto na nagsuri at nasiyahan sa tula/kuwento/dula/nobela
na kanilang binasa.
Ano ba ang naging batayan sa pagpaparangal sa nagwaging likha? Galing sa akademya ang
karaniwang hinihirang na hurado, kaya’t ang mga propesor at manunulat ay naghahanap ng mga
katangiang kinikilala sa unibersidad at kolehiyo bilang makabuluhan at makasining. Makabuluhan
dahil ang pinapaksa ay suliraning moral, sosyal at politikal na kinasangkutan ng mga tauhan o
persona.
Makasining dahil masinop at kasiya-siyang napalitaw ng mga sangkap ng anyo at ng wika
ang suliraning nakabuod sa akda. Ang pagkapagwagi ng akda ay bunga ng matamang pagtimbang
sa halaga at ganda ng likha ayon sa mga pamantayang umiiral sa akademya. May mga kritiko at
awtor na nagpasubali na sa pamantayang “Palanca”, ngunit masasabi naman na sa mahabang
panahong namili ang kompetisyong Palanca ng mahuhusay na akda, matagumpay nitong
nagampanan ang pagpapalanaganap ng kamalayang makasining sa hanay ng mga kabataang
manunulat. Ang mga antolohiya ng nagwaging mga akda na inilaabas ng Palanca ay tunay na
kayamanan ng panitikan, at hindi kataka-takang ang Parangal Palanca ay patuloy na kinikilala
bilang pamantayang pampanitikan na hindi matatawaran. Tunay na masasandigan ng isang
manlilikha ang kanyang mga nagwaging akda bilang mga likhang nagdulot ng dangal sa kanyang
pangalan.
Ang dangal na dulot sa isang manlilikha ng isang parangal ay iginagawad ng isang
panlipunang institusyon. May mga taong gumagalaw sa loob ng institusyon, at ang tibay ng kanilang
pagkilala ay sinusukat ayon sa reputasyon ng mga nagpasya sa gawad. Sa kagandahang-palad ng
mga manunulat, ang institusyong kumakatawan sa Gantimpalang Palanca ay empresang
pangkalakalan na hindi nakakaramdam ng pangangailangang pakialaman ang resulta ng parangal
na itinataguyod nito. Ito ay magandang kapalaran para sa mga manunulat. Ang karangalang
kanilang tinatanggap mula sa La Tondeña Incorporada ay walang bahid ng manipulasyong
pumapabor sa isa o ilang naghahangad ng “dangal.”
Sa ating kapitalistang lipunan, ang dangal ay kalakal na minimithing makamtan ng mga
mamamayang hangad kilalaning nakaaangat ang katayuan sa lipunan. At ang parangal ay
pagkakataon na nagbubukas ng daan, kaya’t ang taong may ambisyong matanghal bilang ”may
dangal” ay humahanap ng paraan upang magkamit ng “dangal.” Maaaring iyon ay taong
impluwensyal, maaaring serbisyo, at maaari din namang suhol kung kinakailangan. Nangyayari din
ang kabaligtaran. Ginagamit din ng nagbibigay ng “dangal” ang parangal upang pag-ibayuhin ang
kanyang impluwensiya sa taong pinararangalan, upang magbayad ng utang na loob sa taong
subsob sa paglilingkod sa kanya, at upang suhulan ng “dangal” ang taong gusto niyang maging
tauhan.
Ang tinatawag na National Artists Award ay parangal na may mahaba nang kasaysayang
nagsimula pa sa panahon ng Martial Law, sa pangangasiwa ni Imelda Marcos bilang kasangkapan
ng kanyang asawang diktador. Si Imelda ang itinayong imahen noon ng di-umano’y “nakangiting
diktadura,” at ang kanyang pagtataguyod sa sining at kultura ay sinagisag ng paghirang ng mga
itinuring niyang ulirang artista na pinarangalan bilang ”pambansang artista.”
Ang malansang propagandang nagluwal ng National Artist Award ay kusang kinalimutan ng
mga administrasyong namahala sa bansa matapos ang Pag-aalsang EDSA at ang parangal ay
naging iginagalang na institusyong suportado ng Estado na ngayo’y nagkakaloob ng pabuyang
pinansiyal sa mga artistang itinatanghal bilang Pambansang Alagad ng Sining.
Ang Tanggapan ng Pangulo na ang kapangyarihang nakapalikod sa parangal at sa ilang
pagkakataon ay iginiit na ng Pangulo ang kanyang kapangyarihan bilang patrong umaayon sa estilo
ng piyudal na panginoong nagbibigay ng pabuya sa mga artistang kabilang sa kanyang kampon.
May pinagkayarian nang proseso ang Cultural Center of the Philippines at ang National Commission
for Culture and the Arts sa pagpili ng mga artistang pararangalan, pero hindi ito iginalang ni
Presidente Ramos nang iproklama niya ang historyador na si Carlos Quirino bilang National Artist
para sa Historical Literature di-umano. Ganoon din ang ginawa ni Presidente Estrada nang
parangalan niya si Ernani Cuenco bilang National Artist para sa Musika. Sa ilalim ni Presidente
Arroyo, sina Alejandro Roces at Abdulmari Imao ay ipinasok bilang National Artist sa Literatura at
National Artist para sa Sining Biswal. At sa kanyang pasya kamakailan, apat na pangalan ang balak
parangalan: Cecilia Guidote Alvarez, Carlo Caparas, Jose Moreno at Francisco Manosa. Bukod sa
isang lansakang paglabag sa proseso ang pagpapasok ng pangalan ng apat na hindi nagdaan sa
proseso, tinanggal pa ang pangalan ng kompositor, propesor, mananaliksik at konduktor na si
Ramon Santos sa listahan ng mga lehitimong artista na binuo ng komite ng CCP at NCCA.
Nakapopoot na paghamak ang ganyan sa karangalan ng mga artistang nauna nang itinanghal
bilang National Artist at pagyurak sa prosesong pinagdaanan ng mga lehitimong Alagad ng Sining.
Ang dangal na dulot ng parangal ay hindi laging kanais-nais. Kailangang malinis ang kamay
na nag-aalay nito. At walang manipulasyong ginawa ang tatangap upang magkamit ng karangalan.
Ang burak ng transaksiyong politikal ay nagpapamura sa dangal na tinatanggap at sa tumatanggap
na rin. Kayong tumanggap ng dangal ngayong gabi, mapalad kayo. Ang parangal sa inyo ay walang
bahid ng pamumulitika, pagkat ang tanging hinihingi nito sa pinararangalan ay magpatuloy na
lumikha ng masining at makabuluhang mga akda sa mga darating pang araw.
1. Anong uri ng talumpati ang nabasa?

2. Ano ang pangunahing kaisipang nakuha sa talumpating iyong nabasa?

3. Kakikitaan ba ito ng mga katangiang dapat taglayin ng isang mabisang talumpati?


Ipaliwanag.

4. Sa anong bahagi ng talumpati napukaw ang iyong interes? Bakit?


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sumulat ng isang talumpati na binubo ng 100 salita tungkol sa
napapanahong isyu ngayon.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman -10 puntos
Hikayat sa mambabasa-10 puntos
Daloy ng ideya-10 puntos
Gamit ng wika-10 puntos
KABUUAN-40 puntos

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Mula sa natutuhang aralin, sa iyong palagay ano ang maitutulong
ng pagsulat ng talumpati sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa partikular sa kumakalat na
pandemyang COVID-19? Ipaliwanag ang iyong sagot at isulat ito sa iyong kwaderno.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman -10 puntos
Daloy ng ideya-10 puntos
Gamit ng wika-10 puntos
KABUUAN-30 puntos
KAPITONG
LINGGO
PAGSULAT NG TALUMPATI
I Aralin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng talumpati batay sa


napakinggang halimbawa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman
sa nilalaman ng modyul na ito. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa


paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa .
a. sanaysay b. talumpati c. debate d. pagpapahayag
b.
2. Isang uri ng talumpati na kung saan ang layunin ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol
sa isang paksa, isyu o pangyayari.
a. pagbibigay-galang b. panlibang c. panghikayat d. kabatiran
b.
3. Ito ay isang uri ng talumpati na ang pangunahing layunin ay hikayatin ang mga
tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng
pagbibigay-katwiran at mga patunay.
a. panghikayat b. pampasigla c. papuri d. pagbibigay-galang

4. Ang layunin ng talumpating ito ay magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o


samahan .
a. pampasigla
b. papuri
c. panghikayat
d. panlibang

5. Ito ang uri ng talumpati na magbibigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.


a. pagbibigay-galang
b. kabatiran
c. pampasigla
d. papuri

6. Ang layunin ng talumpating ito ay tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o


organisasyon.
a. pampasigla
b. b. panghikayat
c. c. kabatiran
d. d. pagbibigay-galang

7. Isang uri ng talumpati na kung saan ay isinasagawa nang biglaan o walang


paghahanda nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na
kaisipan .
a. maluwag na talumpati c. biglaang talumpati
b. manuskrito na talumpati d. isinaulong talumpati
8. Ito ay mahusay ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig.
a. biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati
b. isinaulong talumpati d. maluwag na talumpati

9. Ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-


aralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
a. maluwag na talumpati c. biglaang talumpati
b. manuskrito na talumpati d. isinaulong talumpati

10. Isang uri ng talumpati na kung saan ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda na
kaagad ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita .
a. biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati
b. isinaulong talumpati d. maluwag na talumpati

D
Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Maipakikita rito ang katatasan at kahusayan ng
tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw at
pangangatwiran sa isang partikular na paksang pinag-uusapan. Ang talumpati ay kadalasang
pinaghahandaan bago bigkasin sa harapan ng tao kahit pa man ito’y biglaan. Ang pagsulat ng
talumpati ang susi sa mabisang pagtatalumpati.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: PAGSULAT NG DYORNAL


Bakit kailangang matutuhan ang pagsusulat ng talumpati? Para sa iyo, anong uri ng talumpati
ang mas komportable kang gawin? Ipaliwanag.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman- 10 puntos
Daloy ng ideya- 10 puntos
Gamit ng wika- 10 puntos
KABUUAN- 30 puntos

Sanggunian
an
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK) Corazon L. Santos Santos, PhD Gerard P. Concepcion
PhD

You might also like