You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 10

Unang
Markahan MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN
Modyul 2

MELC/ KASANAYAN SA PAGKATUTO:

Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas.

MGA LAYUNIN:

1. Nakakatukoy ng sanhi at epekto ng Suliraning Pangkapaligiran.

2. Nakagawa ng isang graphic organizer nagpapakita ng sanhi at bunga ng pagbabago ng klima sa


kapaligiran, at kabuhayan sa bansa at daigdig.

TUKLASIN:

Gawain 1: 3 in 1

Panuto: Ayusin ang mga jumbled words upang mabuo ang wastong salita na may kaugnayan sa mga suliranin
sa Kapaligiran.

Suliraning Pangkapaligiran Dahilan Epekto


1. AMNIGPIMI
2. NDLA NULOLIOPT
3. ERTAW TOLLUPNIO
4. NREDFESOTIAOTN
5. IRA TOONULLPI

PAUNLARIN:

Isa sa mga isyung my malaking epekto sa iba’t ibang dako ng mundo ang climate change. Ang climate
change o pagbabago ng klima ng panahon ay nagdudulot ito ng kalamidad tulad ng heatwave, tagtuyot,
matinding bagyo, at baha na nagiging sanhi ng pagkakasakit o pagkawala ng buhay at pagkasira ng ating
kapaligiran. May kaakibat na panganib ang mga ito sa ating ecosystem. Patuloy na tumitindi ang pagbabago
ng klima sa mundo at nararamdaman na ang mga epekto nito sa ating pang araw-araw na gawain ng mga tao
na nakapagpapataas pamumuhay at sa ating kapaligiran. Sa patuloy na pagtindi ng init ng panahon sa
daigdig, nakikita sa iba't ibang panig ng mundo ang mga senyales at epekto nito. Ang halimbawa nito ay ang
pagbabago sa dalas at tindi ng pag-ulan, pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat dahil sa pagkatunaw ng mga yelo,
icebergs, at glaciers sa Arctic at Antarctic. Sa patuloy na pagtaas ng temperatura ng mundo, maraming
pagbabago ang nagaganap sa ating klima at kapaligiran. Nararanasan na natin ang mga epektong ito. Ang
climate change ay nagdudulot ng tagtuyot o kaunting tubig sa ilang lugar at matindi namang pagbaha sa ibang
bahagi ng mundo. Ang pagtindi ng init ng panahon ay nagiging sanhi ng pagkatuyo ng lupa at mga pananim,
pagkakasakit ng mga tao at hayop. Ang mga epekto ng climate change ay mapipigilan kung mababawasan
ang sa kanilang mga pangangailangan. Dahil pagtaas ng lebel ng mga greenhouse gases dito, lumalala ang
pollution at patuloy na na nasa ating himpapawid. Kailangang tumataas ang konsentrasyon ng mga natural
maunawaan natin ang mga sanhi ng climate at sintetikong gas sa ating atmospera.Sa change upang
makagawa tayo ng mga pagtugon sa mga pangangailangan ng paraan na makababawas sa paglala nito.

MGA SANHI NG CLIMATE CHANGE

Ayon sa climatologists o mga siyentipiko na nag-aaral ng klima, dalawa ang sanhi ng climate change.
Una ay ang natural na pagbabago ng klima dala ng epekto ng araw sa mundo at ikalawa ay ang init mula sa
ilalim ng lupa o epekto ng mga gawain ng mga tao. Nakatatanggap ang daigdig ng init mula sa araw. Matindi
ang sinag ng araw sa mundo kaya't umiinit ito. Kailangan at ginagamit ng mga tao, hayop, at halamanang init
ng araw upang mabuhay. Ang malaking bahagi nito ay bumabalik sa atmospera at kalawakan.

Tinataya ng mga climatologist na nakadaragdag ang mga gawain ng mga tao sa pag-init ng daigdig na
nagiging sanhi ng climate change. Ito ay dahil sa maraming ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases.
Greenhouse gases ang tawag sa mga gas na nakapagpapainit sa daigdig tulad ng carbon dioxide, methane,
nitrous oxide, hydrofluorocarbons, at iba pa. Ang greenhouse gases ay mga hanging-singaw na ibinubuga ng
mga makinarya at mga pagawaan na napupunta sa ating kapaligiran at atmospera. Nagkakaroon ang mga ito
ng greenhouse effect sa daigdig. Tinatayang nagsimula ang pagtindi ng global warming noong pagtatapos ng
ika-18 na siglo. Noong panahon ng Industrial Revolution, nagkaroon ng mga makabagong makinarya at mga
pagawaan. Noong 1712, nag-umpisa ang paggamit ng coal at steam engine. Ang mga ito ay gumamit ng
marami at iba't ibang greenhouse gases. Ikalawa ay ang paglaki ng populasyon ng tao sa buong mundo at ang
pagtugon tao at pag-unlad ng agham at teknolohiya, nagiging matindi ang pagsunog ng mga fossil fuel tulad
ng coal, langis, at natural gas. Ito ang mga dahilan ng pagtaas ng konsentrasyon ng greenhouse gases sa
ating kapaligiran at atmospera. Sa pag-aaral ng mga siyentipiko,nitong nakaraang isang daang taon mula
noong 1906 hanggang 2005, ang pangkalahatang temperatura ng buong daigdig ay patuloy na umiinit.
Tinatayang lalong iinit ang daigdig sa mga susunod na dekada kung ang mga tao ay hindi gagawa ng mga
paraan na magpapabagal ng pagtaas ng temperatura ng daigdig.

Ang mga Greenhouse Gases

Batay sa mga pananaliksik, ang mga gas na naiipon sa atmospera ay pumipigil sa pagbalik ng init sa
kalawakan at nagsisilbing makapal na balot na nagpapainit sa daigdig. Ang mga greenhouse gases na
nagpapainit sa ating daigdig na sanhi ng climate change ay:

1. Water vapor - pinakamarami ito sa ating atmospera na dahilan ng pagkakaroon ng mga ulap, presipitasyon
na nagdadala ng ulan, at nagkokontrol ng lubhang pag-init ng atmospera. Kapag dumarami ang water vapor
sa ating atmospera, nagiging mas mainit din ang daigdig.

2. Carbon Monoxide (CO) at Carbon dioxide (CO2)- mula ito sa mga natural na proseso tulad ng paghinga
ng mga tao at hayop at pagsabog ng mga bulkan. Nabubuo rin ito tuwing sinusunog ang mga fossil fuel tulad
ng langis, coal, at natural gas para mapaandar ang mga sasakyan, mga pagawaan, at mga planta ng koryente.
Maraming gawain ang mga tao na nakapagpapataas sa konsentrasyon ng carbon dioxide sa ating.kapaligiran
at atmospera tulad ng pagputol ng mga puno, pagkakalbo ng kagubatan, at paggamit ng mga fossil fuel.
Mula noong Industrial Revolution, mahigit tatlong beses na tumaas ang dami ng carbon dioxide sa ating
atmospera. mundo, mahigpit nang ipinagbabawal ang produksiyon at paggamit nito. Maraming bansa ang
nakiisa na itigil na ang paggawa nito mula noong 1992.

3. Methane - mula ito sa natural na proseso sa kapaligiran tulad ng mga nabubulok na bagay tulad ng mga
basura, dumi ng mga hayop, at dayami ng palay.Tinatayang higit na mas matindi ang greenhouse effect ng
gas na ito kaysa sa carbon dioxide kahit mas kaunti ang konsentrasyon nito sa ating atmospera.
Nakapagpapalala rin ang mga gawain ng mga tao sa pagdami nito sa atmospera.
4. Nitrous oxide - nabubuo ito sa pama- magitan ng paggamit ng mga komersiyal at organikong pataba,
pagsunog ng biomass, kombustiyon ng fossil fuel, at paggawa ng nitric acid.

5. Chlorofluorocarbons (CFCs) – kemikal na ito na nakasisira ng ozone layer ng ating mundo. Ginagamit ang
chlorofluorocarbons bilang refrigerants o pampalamig at aerosol propellants at iba pa. Ginagamit ang
refrigerants sa mga air-conditioner, automotive industry, chemical/pharmaceutical industry, at food industry
dahil nontoxic ito o híndi nakalalason, hindi nakakasunog, madaling.mag-evaporate at mag- condense.Mula
nang mapag-alamang nakasisira ito ng ozone layer ng ating ating mundo.

EPEKTO NG CLIMATE CHANGE SA TAO

May masasamang epekto sa mga tao ang pagbabago ng klima ng ating mundo. Ang climate change ay
nagdudulot ng pagkakasakit ng mga tao. Pinakamatinding naaapektuhan nito ang mga mahirap, may
'kapansanan, bata, matanda, at nakatira sa mga lugar na may malalaking populasyon at baybaying-dagat. llan
sa mga masamang epekto kalusugan ay ang sunburn, blister, skin nagiging dahilan ng kakulangan sa pagkain
kaya't nagkakaroon din ng malnutrisyon o paghina ng resistensiya. Tumataas din ang bilang ng kaso ng mga
sakit tulad ng:

1. pangangati ng balat o allergy dulot ng polusyon.

2. Malaria at dengue dahil sa pagdami ng lamok.

3. Leptospirosis mula sa maruming tubig baha na may ihi ng daga

4. Mga sakit sa respiratory system dulot ng polusyon at pagbago-bagong panahon

5. Pananakit ng tiyan, pagtatae o diarrhea at cholera dahil sap ag-inom ng maruming tubig at pagkain.

MGA EPEKTO SA AGRIKULTURA AT KAPALIGIRAN

Ang dahilan ng pag-init ng mundo ay nakaaapekto sa pagbabago ng panahon na nagiging sanhi ng


pagkatuyo, pagbabaha, pagkasira ng mga coral reef, pagkakasakit, at kamatayan ng mga hayop at halaman.
Ang mga pananim o halaman ay may kanya-kanyang pangangailangan upang tumubo at lumago. May
malaking epekto ang climate change sa temperatura at suplay ng tubig. Kung napakainit na ng panahon, may
masamang epekto ito sa mga pananim. Kapag matindi ang init, nagkakaroon ng tagtuyot at kakulangan sa
tubig na kailangan sa pagtatanim o pagsasaka. Kapag may matinding pag-ulan at bagyo, maaaring
magkaroon ng pagbaha, flash flood, o pagguho ng lupa na nakapipinsala ng mga pananim.

Kapag umiinit ang panahon,dumarami rin ang mga insekto at peste na nakasisira nawawalan din ng
mga tirahan ng mga isda ng mga pananim. Naiiba rin ang life cycle ng Ayon sa mga dalubhasang environmen-
talist, ang pag-init ng mundo ay makapipinsala sa mga halaman at hayop. Halimbawa nito ay ang mga
polarbea rna naninirahan sa malalamig na lugar tulad ng sa Artiko. Kung patuloy na iinit ang kanilang
kapaligiran at matutunaw ang mga yelo, sila ay maaaring mawalan ng matitirahan para mabuhay. Namamatay
rin ang mga korales dahil sa labis at matagalang pag-init ng tubig sa mga dagat at karagatan. Sa pagkasira ng
mga ito, at iba ang organismo.

Kung magpapatuloy ang pagkakaroon ng global warming o pag-init ng buong mundo, maraming
halaman at hayop sa buong daigdig ang maaaring maging extinct o maglaho sa loob lamang ng isang daang
taon. Kung mangyayari ito, magkakaroon din ito ng masamang epekto sa iba pang mga natitirang hayop at
halaman. Mapuputol ang food chain na magiging sanhi ng pagkamatay ng mga hayop at halaman.
MGA EPEKTO SA EKONOMIYA

May epekto rin ang pagbabago ng klima sa mga hanapbuhay at pang-araw- araw na gawain ng mga
tao at ekonomiya ng bansa at mundo. Dahil sa pagbabago ng ay tumataas din kasabay nito. Sa kabilang
klima, dumadalas ang panahon ng tagtuyot kaya't ang agrikultura ng mga bansa ay mga tao kaya't
nahihirapan silang mabili makararanas ng paghina ng produksiyon dulot ng kakulangan ng tubig. Ang mga
bundok ay makararanas ng mas madalas na tagtuyot dahil maaaring magkaroon ng mga sunog sanhi ng labis
na init. Kung magiging mas mainit na ang klima sa malalamig at may yelong lugar na pinupuntahan ng mga
tao upang magliwaliw, mag-skiing, at ice skating, mababawasan na ang pagkakataon ng mga negosyante sa
mga lugar na ito na. kumita ng kanilang ikabubuhay. Sa patuloy na pag-init ng panahon dahil sa pagbabago ng
klima, mas lalaki ang pangangallangan sa produksiyon ng koryente dahil sa pagtaas ng konsumo nito para sa
mas madalas na paggamit ng mga bentilador at air conditioner. Maaaring magkaroon ng kakulangan sa
suplay ng. koryente. Dahil.karamihan sa koryenteng ating ginagamit ay nagmumula sa pagsunog ng mga
fossil fuel, kaya't nadaragdagan din ang greenhouse gas sa ating kapaligiran at atmospera. Dahil lumalaki ang
pangangailangan ng mga tao sa enerhiya, tumataas din ang halaga ng ibinabayad para sa paggamit nito. Pati
na ang halaga ng mga serbisyo at bilihin banda, hindi naman lumalaki ang kita ng ang kanilang mga kailangan.
Sa ganitong kalagayan, bumababa ang bilang ng mga namimili ng mga produkto at naaapektuhan ang
negosyo at ekonomiya ng bansa at mundo.

PAGLALAPAT:

Gawain 2: Graphic Organizer

Panuto: Gumawa at gumamit ng isang akmang graphic organizer na nagpapakita ng sanhi at bunga
ng pagbabago ng klima sa kapaligiran, at kabuhayan sa bansa at daigdig.
ARALING PANLIPUNAN 10 1st Quarter: Aralin 2

Pangalan:_____________________________________________________Taon at Pangkat:_____________

Gawain 1: 3 in 1

Panuto: Ayusin ang mga jumbled words upang mabuo ang wastong salita na may kaugnayan sa mga suliranin
sa Kapaligiran.

Suliraning Pangkapaligiran Dahilan Epekto

1. AMNIGPIMI

2. NDLA NULOLIOPT

3. ERTAW TOLLUPNIO

4. NREDFESOTIAOTN

5. IRA TOONULLPI

Gawain 2: Graphic Organizer

Panuto: Gumawa at gumamit ng isang akmang graphic organizer na nagpapakita ng sanhi at bunga ng
pagbabago ng klima sa kapaligiran, at kabuhayan sa bansa at daigdig.

You might also like