You are on page 1of 2

El Filibusterismo - nobelang pampulitika; ang diin sa Fili ay nasa pamahalaang

tinangkilik ng pangunahin tauhan na pagkatapos ay nais niyang paghigantihan

Maikling Kasaysayang ng El Filibusterismo

Noli Me Tangere – gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin ng mga Pilipino ukol


sa kanilang mga karapatang pambansa

El Filibusterismo – nakatulong nang malaki kay Andres Bonifacio at sa Katipunan


upang alisin ang mga sagabal sa paghihimagsik noong 1896. Ang mga simulain ng
nobela ay nagpasigla at nagpatibay ng loob ng mga Pilipino sa pakikidigma laban sa
panahong ginugol sa pagkatuklas ng kasarinlan, nagturo sa kapilipinuhan ng
pagkabihasa, pagbabagong-buhay at ng landas tuno sa kaligtasang matatamo
lamang sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.

Kalagayan sa pamumuhay ni Rizal nang isinulat niya ang nobela:

 Nagtipid siya nang di-gagaano at kung minsa’y makalawa lamang kumain


maghapon
 Napilitang magsangla ng lahat ng kanyang alahas
 Nilayuan ng kanyang kapanalig sa La Solidaridad
 Pinag-uusig at pinasasakitan ng Pamahalaang Kastila ang mga magulang at
kapatid
 Ipinakasal sa iba ang kasintahan

Sinimulan: Oktubre 1887, Calamba


1890 sa Londres, Inglatera
Lumipat sa Bruselas (Brussels), Belhika – sinulat ang malaking bahagi ng nobela
Gante (Ghent), Belhika – sinulat ang huling bahagi at ang pagrerebisa ng manuskrito
Marso 29, 1891 – natapos ang aklat

Dalawang dahilan kung bakit lumipat ng Ghent:


1) Higit na mababa ang halaga ng pagpapalimbag
2) Iwasan si Suzanne Jacoby

Dahilan ng pagpapalit ng plano ng nobela:


1) Balitang pinarusahan ng mga prayle sa Asyenda Calamba ang kanyang
kaanak
2) Pagpapakasal ni Leonor Rivera kay Charles Kipping

Mayo 1891(huling mga araw) sinimulan ang paglilimbag sa isang palimbagan sa


Gante sa pag-asang may sapat na salaping panustos *F.Meyer-Van Loo Press

Agosto 6,1891 Itinigil ang paglilimbag(noo’y nasa pahina 112 lamang) dahil di
dumating ang inaasahang salapi mula sa Pil. At nakalimot ang ilang mayayamang
pilipinong nangakong tutulong

Setyembre 1891 (kalahatian ng buwan) dumating ang salaping buhat kay Valentin
Ventura mula Paris at nagligtas kay Rizal sa kagipitan
Set.22,1891 Natapos ang paglilimbag

Ibinigay ang orihinal na manuskrito kay ventura kalakip ang isang nilimbag sa
siping kanyang nilagdaan

Nagpadala ng sipi kina blumentritt,M.H del Pilar, G.Lopez Jaena at juan luna

Karamihan ng sipi ay ipinadala sa HK at pilipinas upang mabasa ng mga kababayan

Nasamsam ang mga siping ipinadala sa HK at ipinasira ang nakarating sa Iloilo

Ang ilang siping nakarating at nabasa sa Pil ay lumikha ng malaking sigla sa kilusang
ukol sa paghihimagsik

Mga pangyayaring nasaksihan sa madrid na nagbunga ng di-mabuti kay rizal:


-Hindi nagkakaisa sa isang layunin ang mga pilipino
-bantulot sa sama samang paggawa tungo sa pagbabago
-inggitan,pag-iiringan,pagiging makasarili

Dahil dito nabuo sa isip ni Rizal na di pa handa para sa isang rebolusyon ang
pilipinas(pinatay niya si simoun sa nobela)

You might also like