You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

I-Layunin
Sa loob ng isang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng 80% na
pagkatoto sa mga sumusunod; (AP9MSP-IVb-4, IVc-5).

a. natutukoy ang iba’t-ibang estratehiyang makatutulong sa pag-unlad ng isang


bansa.
b. nakapagsasagawa ng isang pagpaplano kung paano makapag-ambag bilang
mamamayan sap ag-unlad ng bansa;at
c. napahahalagahan ang sama-samang pagkilos ng mamamayang Pilipino para
sa pambansang kaunlaran.

MAPAGPAHALAGA

II-Paksang Aralin: Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran


a. Paksa: Sama-samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran
b. Sanggunian: Ekonomiks sa Araling Panlipunan, Modyul para sa mag-aaral,
Pahina 353-362.
c. Kagamitan: Larawan, task cards, bond paper at manila paper
d. Metodolohiya: 4A’s approach; Cooperative Learning

III-Pamamaraan
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
 Magandang umaga sa lahat. Magandang umaga naman po Ma’am
Calapate.
3. Pagtatala/pagtatakda ng Lumiban sa
Klase.
 May lumiban bas a klase ngayon? Wala po.
4. Pagbibigay ng Pamantayan sa klase
 Ano-ano ang mga pamantayang dapat
sundin sa loob ng silid aralan? Ang mga pamantayang dapat sundin sa
loob ng silid-aralan ay ang mga
sumusunod:
 Itaas ang kanang kamay
kung may tanong o kaya ay
sasagot.
 Huwag gumamit ng kahit na
anong “gadgets” sa loob ng
silid-aralan.
 Maging aktibo sa diskusyon
at lahat ng gawain.

5. Pagpasa at Pagwawasto ng Takdang


Aralin
6. Pagbabalik Aral
 Ano-ano ang mga aspektong sinusukat
ng HDI?
Ang mga aspektong sinusukat ng HDI
ay ang Kalusugan, Edukasyon at Antas
ng pamumuhay.
 Ano-ano ang mga palatandaang
ginagamit ng HDRO ng United Nations
Development Program? Ang mga karagdagang palatandaan
upang masukat ang hindi pagkapantay-
pantay na kita, kalusugan at edukasyon
ay ang inequality adjusted index,
multidimensional poverty index at
gender inequality index.
B. Panimulang Gawain
a. Pagganyak
Gawain 1
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan sa
pisara, ano ang napapansin ninyo?

Batay sa mga larawan, ano ang mga konseptong


nabuo ninyo?  pagkakaroon ng maraming
trabaho para magkaroon ng
malaking sahod.
 pagtatrabaho para sa
pambansang
kaunlaran.
 sama-samang pagkilos para sa
pambansang kaunlaran.
b. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
 Ang tatalakayin natin ngayong araw ay
tungkol sa Sama-samang Pagkilos
para sa Pambansang Kaunlaran.
 Alam na ba ninyo ang mga
estratehiyang makatutulong sa
pambansang kaunlaran? Hindi pa po.
 Nais nyo bang malaman ang mga ito? Opo.

“PANGKATANG GAWAIN”
Panuto:
 Bumuo ng apat na pangkat
 Magkaroon ng makabuluhang talakayan sa
tulong ng babasahin at mga tanong.
 Magtalaga na kalihim na siyang susulat ng
mga impormasyong nakuha.
 Gawin ito sa loob ng limang minuto.

KRAYTERYA
Deliberi-10 puntos
Nilalaman-20 puntos
Kooperasyon-10 puntos
Kawastuhan-10 puntos
Total- 50 puntos
UNANG PANGKAT (MAPANAGUTAN)
 Ipaliwanag ang mga
estratehiyang nakapaloob sa
mapanagutan.
- Tamang pagbabayad ng
buwis
- Makialam
IKALAWANG
PANGKAT(MAABILIDAD)
 Ipaliwanag ang mga
estratehiyang nakapaloob sa
maabilidad.
- Bumuo o sumali sa kooperatiba
- Pagnenegosyo
IKATLONG PANGKAT (MAKABANSA)
 Ipaliwanag ang mga
estratehiyang nakapaloob sa
makabansa.
- Pakikilahok sa pamamahala
ng bansa
- Pagtangkilik sa mga
produktong Pilipino.
IKAAPAT NA PANGKAT(MAALAM)
 Ipaliwanag ang mga
estratehiyang nakapaloob sa
maalam
- Tamang pagboto
- Pagtutupad at pakikilahok sa
mga proyektong
pangkaunlaran sa
komunidad.
7. Pag-uulat ng bawat Grupo
8. Pagpapaliwanag ng Guro
9. Pangwakas na Gawain
Panuto: Bumalik sa grupo at magsagawa ng
brainstorming upang masuri ng mabuti ang paksa.
Ipakita sa klase ang resulta ang pagsusuri sa mga
estratehiyang makatutulong sa pag-unlad ng bansa
sa pamamagitan ng: Unang Pangkat- Drawing
Pangalawang Pangkat- Jingle
Pangatlong Pangkat- Sabayang
Pagbigkas
Pang-apat na Pangkat- Pantomime
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng limang minute
para sa preparasyon at 2 minuto para sa
performance.

RUBRIKS PARA SA PAGTATANGHAL


Pamangtayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos
Nilalaman Naipapakita sa 30
pamamagitan ng
ginawang
pagtatanghal ang
pagsusulong sa
sama-samang
pagkilos para sa
pambansang
kaunlaran
Pagkamalikhain Ang mga konsepto 20
at simbolismong
ginamit ay naging
makabuluhan
upang lubos na
maipakita ang
sama-samang
pagkilos aktibong
pakikisangkot tungo
sa pambansang
kaunlaran.
Mensahe Ang mensahe ng 20
ginawang
pagtatanghal ay
direktang
nakatugon sa mga
estratehiyang
inilahad sa aralin.
Pamagat Naipaloob nang 15
wasto ang konsepto
ng sama-samang
pagkilos tungo sa
pambansang
kaunlaran sa
pamagat ng
ginawang
pagtatanghal.
Pakikisangkot Ginawa ng bawat 15
kasapi ng grupo
sa Grupo ang mga iniatang
na Gawain para sa
ikakaganda ng
pagtatanghal
Kabuuang 100
Puntos

10. Paglalapat
 Batay sa mga tinalakay na mga
gampanin, ano ang hand among gawin
para sa ating bayan?  Pagtangkilik sa sariling produkto
 Makisangkot sa pagpapatupad at
pakikilahok sa mga proyektong
pangkaunlaran sa lipunan.

IV- Pagtataya
Panuto: Kumuha ng sangkapat na papel. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
inyong papel.

1. Sa estratehiyang ito ay maaaring bumuo o sumali ng kooperatiba o magtayo ng


negosyo na kontrolado ng mamamayang Pilipino.
A. Maalam B. Makabansa C. Maabilidad D. Mapanagutan

2. Ito ay tumutukoy sa aktibong pakikilahok sa pamamahala ng bansa at pagtangkilik


sa mga produktong Pilipino.
A. Maalam B. Makabansa C. Maabilidad D. Mapanagutan

3. Ito ay tumutukoy sa tamang pagboto at pagpapatupad at pakikilahok sa mga


proyektong pangkaunlaran sab komunidad.
A. Maalam B. Makabansa C. Maabilidad D. Mapanagutan

4. Bilang isang mag-aaral, ano ang mga bagay na maaari mong gawin upang
makatulong sa bansa?
A. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin
B. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan
C. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran
sa lipunan.
D. Wala sa nabanggit.

5. Bilang isang indibidwal, paano mo mapapahalagahan ang sama-samang pagkilos


ng mamamayang Pilipino para sa pambansang kaunlaran?
A. Tangkilikin ang mga “imported” na produkto.
B. Huwag maniniwala na ang mga kooperatiba ay nakatutulong sa sama-samang
pag-unlad.
C. Ang mga kandidatong mayayaman ang dapat iboto para sa kaunlaran ng bansa.
D. Dapat magkaroon ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at
makapagpapatupad ng mga proyektong magpapaunlad ng komunidad.

V- Takdang Aralin

Basahin ang Editoryal-Umaangat ang Ekonomiya, dumadami ang Jobless sa


Pahina357-358 sa inyong modyul.

You might also like