You are on page 1of 3

Wika ng

Kasaysayan,
Kasaysayan
ng Wika
August 2020

ALAM MO BA?
Noong 1997, Nilagdaan
ni dating Pangulong
Fidel Ramos ang
Proklamasyong Bilang
1041 na nagpapahayag
ng taunang pagdiriwang
tuwing buwan ng
Agosto ang Wikang
Pambansa.
“Ang hindi
marunong
magmahal sa
sariling Wika ay
higit sa hayop at
malansang isda”
– Dr. Jose Rizal

Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika


ng Pilipinasat isa ito sa lubos na mahalaga
para sa ating mamamayan. Ang wikang
Filipino ay isang paraan ng komunikasyon
upang magka-unawaan ang bawat isa. Ang
wikang Filipino ay isa rin sa mga sumisimbolo
sa kultura nating Pilipino na kung sino tayo at
ano tayo. Napaka halaga na magamit natin
ang ating wikang pambansa dahil bilang
isang mamamayan sa bansa nakapaluob sa
ating wikang pambansa ang sariling
kulturang tinataglayna pag kikilanlan ng ating
sariling bayan, tungo sa pag-unlad ng ating
pang-ekonimiya at katatagang politika.
Ang lengguwahe ay ang diwa ng isang
bansa. Ito ang nagbubuklod sa atin at
isang paraan upang maiparating natin ang
ating nararamdaman at kaisipan. Wala
ring hihigit pa sa pakiramdam na tayo ay
makakapag-usap sa mga taong
kahalintulad natin sa lengguwahe.

Ang Pilipinas ay mayroon 130-187 na


dialekto. Bawat isang rehiyon ay
mayroong ibat-ibang mga dialekto at
bawat isang dialekto ay sumasalamin ng
kaniyang pagkakakilanlan at kultura. Ang
kulturang Pilipino ay kasing-lawak ng
kanyang mga dialekto. Bawat isa ay may
sariling sinusunod na tradisyon,
paniniwala, pagkain at maski relihiyon.
Ang mga taong mula sa hilaga ay iba ang
salita sa mga taong mula sa timog. Kaya
naman noong panahon ng mga Kastila,
walang lengguahe na magbubuklod sa
buong bansa. Noong dumating ang mga
Amerikano at ang Pilipinas ay sumailalim
sa Commonwealth, itinalaga ng 1937
Philippine Constitution na ang opisyal na
lengguahe ng bansa ay Filipino, na hango
sa Tagalog na dialekto.

Magmula noon, tuwing Agosto,


ipinagdiwang ng Pilipinas ang Buwan ng
Wika. Ipinagdiwang ito sa loob ng isang
linggo noong 1954 ngunit noong 1997,
sinimulang ipagdiwang ito ng buong
buwan. Ang pagdiriwang ay isinabay sa
kaarawan ni Manuel L. Quezon, na
kinikilalang Ama ng Wikang Filipino
sapagka’t sa termino niya bilang
presidente nagkaroon ng pagkakaisa ang
mga dialekto ng Pilipinas.

You might also like