You are on page 1of 91

SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.

Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

SANAYSAY

Ano ang Sanaysay?

Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang komposisyon na kadalasan ay


naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may akda. Sa ganitong paraan, naipapahayag ng
may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa. Isa rin itong uri ng pakikipag-
komunikasyon na ang layunin ay maipabatid ang iyong saloobin sa isang makabuluhan at
napapanahong paksa o isyu.

Uri ng Sanaysay

Ito ay may dalawang uri: ang pormal at di-pormal.

1. Pormal

Tumatalakay ito sa mga siryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng


sumulat. Kadalasan itong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar o
pangyayari. Ang tono nito ay siryoso at walang halong biro.

Isang uri ng pormal na sanaysay ang editoryal sa mga pahayagan. Ito ay tungkol sa opinyon
ng sumulat sa mga maiinit na balita.

2. Di-pormal

Ito naman ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang araw-araw na


nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa. Binibigyan diin nito ang mga bagay-
bagay at karanasan ng may akda sa isang paksa kung saan mababakas ang kanyang
personalidad na para bang nakikipag-usap lamang siya sa isang kaibigan kaya naman ito ay
madaling maintindihan.

Sa madaling sabi, tungkol sa damdamin at paniniwala ng may akda ang paksa ng di-pormal
na sanaysay.
1
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Mga Bahagi ng Sanaysay

Mayroon itong tatlong bahagi: ang simula o panimula, gitna o katawan, at wakas.

1. Simula/Panimula

Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy ng
mambabasa ang kanyang binabasa. Sa simula pa lamang ay dapat mapukaw na ng may-
akda ang damdamin ng mga mambabasa.

2. Gitna/Katawan

Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng may-akda.
Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti dito ang paksang tinatalakay o
pinag-uusapan.

3. Wakas

Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng sanaysay. Dito


rin nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay sa
paksang pinag-usapan.

2
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Halimbawa ng Sanaysay

PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim


Salin mula sa Ingles ni
Elvira B. Estravo

Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang


kasalanan kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang
ilang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag napagislam. Pinaniniwalaang ito ay
ang pagbibiyag ng mga Muslim.
Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob
sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.
Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isangpandita ang
babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y ginagawa ipang dito’y ikintal na
siya’y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah.
Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad.
Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mgamagulang ng kanduli,
isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang mga
kaibigan, kamag-anakan at pandita.
Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan.
Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito’y tinatawag na aqiqa,
na ang ibig sabihi’y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.
Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng
isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa
isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag
lumutang ang buhok magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata
ngunit kapag ito’y lumubog, siya’y magdaranas ng paghihikakos at paghihirap. Ang bahaging
ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring
ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng

3
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin,


dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin.
Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng
isang matandang babaeng tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may kaalaman
sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig.
Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya.
Ang ikatlo at huling seremonya ayang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa
pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito
ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga
batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pagislam ay
ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa
kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang
mahalagang banal na araw ng mga Muslim.

4
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Pangarap sa Hinaharap
Akda ni: Michael Saudan

Bawat taong nabubuhay dito sa mundong ibabaw ay may kani-kaniyang pangarap.


Malaki ang papel na ginagampanan nito sa ating buhay. Dahil dito, lumuluha tayo nang hindi
natin alam at ngumingiti tayo nang hindi natin namamalayan. Lahat ng bagay na akala natin
ay hindi natin kayang gawin ay ating nagagawa dahil sa ating determinasyon, tiwala sa sarili
at pagsisikhay para lang maabot ang pinakamimithi nating pangarap.
Katulad ng ibang bata, tinanong din ako ng aking mga magulang kung ano ang nais ko
pagdating ng panahon. IIsa lang ang bukambibig ko noon. “Ang pangarap ko po ay maging
abogado, hindi lang para maipagtanggol ang mga naaapi kundi pati na rin ipaalala sa lahat
na ang bawat tao, mayaman man o mahirap ay may pantay-pantay na karapatan pagdating
sa batas”. Isang matunog na halakhak ang naging ganti sa akin ng aking ama. Tila
napakataas daw ng aking pangarap at sa hinagap ng pagkakataon ay malabong
maisakatuparan ko ito. Ngunit hindi ko pinakinggan ang aking narinig. Patuloy lang ako sa
pangangarap.
Noon, ang lahat ng bagay ay napakasimple. Sapat na sa akin noon na ako ay may
pangarap. Na bago ko maisakatuparan ang mga bagay na naglalaro sa aking balintataw ay
kailangan ko munang matutong sumulat, bumasa at masaulo ang ABAKADA. Simple lang
ang buhay ko noon. Nag-aaral, naglalaro, nakikisabay sa agos ng buhay na tila ba kung
minsan ay inililihis ang aking landas sa direksyong aking tinutunton patungo sa aking
pangarap. Bagamat dala-dala ko ang sugat ng kahapon na dulot ng isang yugto ng aking
kamusmusan, ang mapait na katotohanang wala akong Ina ay dagdag pasakit sa aking
murang katawan pati na rin ang senaryo ng kahirapan ng aking pamilya.
Ang aking ama ay marami nang pilak sa kaniyang buhok at ang katawan ay niluma na
nga panahon. Hindi sapat ang kakarampot niyang kita mula sa pangingisda. Ang aking mga
ate’t kuya noon ay wala pa ring alam sa buhay datapwa’t matapos nilang matanggap ang
diploma ay natutong magbanat ng buto at makipaglaban sa buhay. Ang aking kuya ay
nagging mamalakaya, at ang aking ate naman ay nagsakripisyong hindi kami makasama

5
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

para lang matustusan an gaming pangaraw-araw na gastusin. Isinama siya ng aking tiyahin
para mamasukan sa Maynila.
Sa sitwasyong iyon ay tila nabigo ako sa unang pagkakataon. Ang mga araw na
humalili ay tigib ng pag-aalalang baka balang araw ay matulad ako sa ibang bata na sa halip
na papel at panulat ang hawak ay maging lambat at sagwan. Nawawalan ako ng kumpiyansa
na matutupad ko ang mga katagang minsan ay aking binitiwan. “Gusto kong maging
Abogado”.
Nabigo man ako sa unang pagkakataon ay muling nagliwanag ang aking isip. Hindi
tumigil ang araw sa pagbibigay ng liwanag at tulad nito’y hindi rin tumigil ang aking isip sa
pangangarap. Ngayon ay nais ko nang maging Guro. Oo, nais kong maging guro na siyang
huhubog sa pagkatao ng mga bagong nilalang sa mundo. Nabuksan ang aking isip sa mga
pahayag na aking nabasa ”Mapalad ka pagkat ikaw ay isang guro, ang kasalukuyan ay
nakasalalay sa iyong mga kamay”.
Noon, kahit alam kong madilim na landas ang aking binabagtas at tila namamangka
ako sa dagat ng kawalan ay hindi ako nagpatinag dahil alam ko sa aking sarili na kaya kong
maisakatuparan ang aking mga pangarap. Hindi naging madali ang lahat. Tila ba isang unos
ang aking binangga. Naranasan ko ang iba’t ibang mukha ng buhay. Dito ko naranasan ang
matulog nang walang kumot o sapin man lamang. Naranasan kong makisama, makibagay at
kaibiganin ang mga taong noon ko lang nakilala. Natuto akong ngumiti kahit nagdurugo ang
aking puso, natuto akong muling bumangon matapos ang paulit-ulit na pagkadapa. Lahat ng
ito na akala ko noong una ay hindi ko kaya, ay aking nagawa dahil sa aking mga pangarap.
Isang karanasan ang nagturo sa akin noon kung gaano kahalaga ang isang
pangarap. Iilang lingo na lang bago matapos ang ikasampung taon ng pagsisikap,
pagbubuno, at paghahasa ng isip sa paaralan nang ako ay tawagin ng aking dating guro
noong ako ay Elementarya. Siya ang isa sa pinaka-inaayawan kong guro noon ngunit nang
dahil sa pangyayaring iyon ay labis kong pinasalamatan ang kahapong napasailalim ako sa
kanyang pagtuturo.
Naglalakad ako noon pauwi. Halos dalawang kilometro na lang ang aking layo mula sa
aking bahay nang tawagin niya ako. “Matagal na kitang sinusubaybayan. Marami rin akong

6
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

naririnig tungkol sa iyo. Tama ang ginagawa mo. Huwag kang bibitaw. Halika at may ibibigay
ako sa iyo”.
Halos manlaki ang aking mga mata sa ibinigay niyang iyon sa akin. Sa wakas!,
pagkalipas ng ilang libong panalangin ay nakamit ko rin ang aking pinakamimithi kong
bisikleta. Ang bagay na iyon ang nagpatibay sa aking loob na balang araw, katulad ng
pangarap ko noon na magkaroon ng bisikleta ay matutupad ko rin ang pangarap kong
maging guro. Ngunit sa mga sandaling iyon, ang kakat’wang pumasok sa aking isip ay
paanong maiuuwi ang bisikletang iyon. Nakakatawa kung iisipin, ngunit sa mga sandaling
iyon ay hindi pa ako marunong magbisikleta. Kaya’t ako, sa saliw ng pagdampulay ng init na
araw, sakbit ang bag na may 4 na libro at 8 kuwaderno ay inalalayan ko ang bike na sa halip
na siyang maghahatid sa akin, ay siya pang inihatid ko pauwi. Sariwa pa sa aking isip kung
paanong ako ay pagtawanan ng mga nakakasalubong ko dahil sa aking sitwasyon.
Sumapit ang araw na aming pagtatapos. Mabilis na lumipas ang mga araw at
namalayan ko na lang aking sariling sa saliw ng Aida March ay ang pagtanggap ko ng
diploma at dalawang medalya bilang simbolo ng isang makulay at masigasig na
pakikitunggali sa mga hamon ng apat na taon sa hayskul. Noon, akala ko ay doon na
natatapos ang lahat. Na makaraang matanggap ko ang naging bunga ng aking pinaghirapan,
at matapos tanghalin bilang 2nd Honorable Mention at Best in History, ay doon na rin
natatapos ang aking karera bilang estudyante, ay sapat na iyon upang matupad ko ang
aking mga pangarap, ay hindi pa pala. Ito ay simula lamang ng isa pang mas malaki at mas
mahirap na hamon bilang isang mag-aaral sa kolehiyo.
Ngunit sa mga araw na iyon ay pilit na nagsusumiksik sa aking isip ang mga
nanunumbat na mga tanong na… Makakapag-aral kaya ako ng kolehiyo? Sino ang tutulong
sa akin? Matutupad ko pa ba ang aking mga pangarap?
Ako ay tila naglalakbay sa kawalan. Tulad ng isang bisikleta na sira ang pedalan. Na
kahit pilitin kong ipadyak at sumakay doon ay hindi ko mararating ang aking paroroonan ay
malabong mangyari iyon dahil hindi sapat na ako lang ang nagnanais na mangyari ang mga
bagay na gusto ko. Nawawalan ako ng kumpiyansa at pakiwari ko’y walang tutulong sa akin.

7
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Gayunpama’y ipinagpatuloy ko ang aking paglalakbay. Tulad ng bisikleta, ako ay


bumagsak. Naplatan. Napagod. Ngunit patuloy pa rin ang laban. Kahit marami mang beses
na ako ay magchapter at masugatan, walang makapipigil sa akin sa pagtupad sa mga
pangarap na iyon na isang yugto sa aking kamusmusan ay naging gabay at ipinangako ko sa
aking sarili na balang araw ay mabibigyang linaw ang lahat ng iyon.
Ilang linggo bago ang pasukan, isinama ako n gaming SK Chairman kay Fr. Mihler.
Baon ko noon ang aking Card, at ang pag-aasam na mapapabilang ako sa mga pipiliin
niyang Iskolar.
“Magpasalamat ka sa Panginoon”., Tanda iyon ng isang maliwanag na pangitain.
Salamat sa Diyos, nakapasa ako sa kaniyang panlasa!. Dagli naming tinungo ang
pinakasikat at pinakamapagkakatiwalaang iskul sa kolehiyo, ang Abada College. Kumuha ng
Entrance Examination at makaraang mafill-upan ang Registration card ay isang masiglang
ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Unti-unting nagliwanag ang aking isip at umaasa na
sana’y matutupad ko ang aking mga pangarap. Mga pangarap na hindi lang para sa aking
sarili kundi pati na rin sa aking pamilya.
“Pasensya na po kayo, talagang kahapon pa ang huling araw ng pagkuha ng mga
iskolar. Ang mga katagang iyon ang nakapagpalumo at nakapagpatigil sa pag-inog ng aking
mundo. Akala ko’y matutupad ko na ang aking mga pangarap. Akala ko’y makakatungtong
na ako sa kolehiyo. “Tara sa school at mag-ooficially dropped ka na”.
Bigla akong nanlata. Tila gumuho ang pundasyon ng aking mga pangarap. Tunay na
ang buhay kung minsan ay mapagbiro. Isa itong pedestal na matapos kang makarating sa
ituktok nito at dumanas ng kaligayahan at pag-asa, ay siya rin naming bilis ng sandal na ikaw
ay mapupunta sa ibaba at makakaranas ng pagkabigo.
Laking pasasalamat ko dahil sa mga sandaling iyon ay minamasdan pala ako ni Sir
Umbao. Tinawag niya ako, tiningnan ang aking card at makalipas ang ialng sandal ay
nagwikang, “Wag ka nang magdrop. Matataas ang mga grado mo ah.., sige ako ang bahala
sa iyo”.
“Naku, maraming maraming salamat po Sir. Magkahalong saya at galak ang aking
naramdaman ng mga sandaling iyon. Sa wakas!, sigurado nang ako ay makapag-aaral. Ito

8
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

ang unang hakbang sa pagtupad ko nga aking mga pangarap. BSED major in Filipino. Ito
ang aking napiling kurso. Ang aking pagpupunyagian, paghihirapan at pakakadalubhasaan.
Sa ngayon ay nasa ikatlong taon na ako sa kursong ito. Isang taon na lang at magliliwanag
na ang lahat. Isang taon na lang na puno ng pagsubok at paghihirap. Huling taon na
papupuno ng luha, ngiti at pag-asam s asana buks, o maging sa mga susunod pang bukas
ay patutupad ko ang lahat.
Mapalatan man ako, magchapter o kaya nama’y lubak na daan ang tatahakin, hindi
ako mawawalan ng pag-asa at ni hindi makakalimot lumingon sa nakaraan. Patuloy ang
pangarap. Sabi nga ng isang awit. Kahit marami mang pagsubok, hindi iyon dahilan para
isuko ang lahat. Pedal ang aking lakas. Gulong ang aking determinasyon. Manibela ang
aking tiwala sa sarili. Ngunit, ang ating Panginoon ang aking magiging drayber sa pagtahak
sa madilim na landas tungo sa aking mga pangarap.
Hindi sapat na mayroon ka lang pangarap. Dapat ay samahan mo rin ng paggawa.
Magtiwala ka sa Panginoon at kumilos para sa iyong mga pangarap. Masarap mangarap,
libre ito di ba? Pero wala nang mas sasarap pa pag nakikita mong unti-unting natutupad ang
mga ito dahil sa iyong sariling kamay.

9
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ang Pag-ibig
Akda ni: Emilio Jacinto

Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng


pag-ibig. Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang Maykapal, at
ang kapwa-tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig; siya lamang
makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay
ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig ang tunay na siyang may udyok kundi ang
kapalaluan at kasakiman.

Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at kara-karakang
mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay
matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis. Ang
tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaaakay sa tao sa mga dakilang gawa
sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawahan. Ngunit ang kasakiman at ang
katampalasanan ay nag-aanyo ring pag-ibig kung minsan, at kung magkagayon na ay libu-
libong mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng gapatak na pagkakawanggawa na
nagiging tabing pa mandin ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag
na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig.

Ang pag-ibig – wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matatamis


na alaala sa nagdaan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga
kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig ay siyang nagiging dahilan lamang kung kaya natin
minamahal pa ang buhay. Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang
magbabatang mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili
lamang nila? Kung ang anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang
magiging alalay at tungkod ng katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang matamis kaysa

10
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay
wala nang malingapang mag-aakay at makaaaliw sa kanyang kahinaan.

Ang pagkahabag sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran


hanggang sa tayo’y mahikayat na sila’y bahaginan ng kaunting kaluwagan ang ating
pagtatanggol sa naapi hanggang sa isapanganib at idamay natin ang ating buhay; ang
pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin kaya ang pinagbuhatan
kundi ang pag-ibig?

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at


kaginhawahan. Kailanpama’t sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani, at ang kanyang
buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag-
ibig ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t bulaang karangalan. Sa aba ng mga
bayang hindi pinamamahayan ng wagas at taimtim na pag-ibig. Sa pag-ibig nunukal ang
kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng di-maihahapay na lakas na
kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid. Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan
ng pag-ibig at binubulag ng hamak na pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang ninanasa
kundi ang ganitong kalagayan. Gumagawa ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan,
pagtataniman, at pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang
hangarin nila ay mapagbukud-bukod ang mga mamamayan upang kung mahina na at dukha
dahil sa pag-iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan. Oh! Sino
ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig? Ang pagkakaisa na siyang
kauna-unahang bunga niya ay isang lakas at kabuhuyan, at kung nagkakaisa na’t nag-
iibigan, ang lalong malalaking hirap ay nagiging maagang pasanin, at ang munting ligaya’y
matimyas na nalalasap. Kung bakit nangyari ang ganito ay hindi matatalos ng mga pusong
hindi nakadarama ng tunay na pag-ibig. At upang mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay
siya ngang susi at mutya ng kapayapaan at ligaya. Ikaw na bumabasa nito,
mapagnanakawan mo kaya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong ina’t
mga kapatid? Hindi, pagkat sila’y iniibig, at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at
sampu ng buhay kung sila’y nakikitang inaapi ng iba. Gayundin naman, kung ang lahat ay

11
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag-


aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di-mabatang mga kapaitan.

Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang


magagandang akala. Ipapalagay na may tapat na nais at tatawaging marurunong ang
mabuting magparaan upang matamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong
marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid.

Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitan sa mga hirap ng tao sa
inaakalang walang katapusan. Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga
puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa, at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad
sa tunay na paraiso.

12
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Kapangyarihan ng Pag-ibig
Akda ni: Anthony Rosales Sarino

Walang perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan. Oo, mayroon tayong


patutunguhan at mayroong dahilan ang lahat ngunit wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng
kahihitnatnan.

          PAG-IBIG –- naniniwala akong ito ang dahilan ng lahat ng bagay. Alam kong ang puso
ang nagdidikta ng nararapat sa ating sarili. Yung pagmamahal na makukuha sa iisang tao na
nilaan ng Diyos at magtuturo nang tamang kahulugan ng buhay.
          Ang pag-ibig ay makikita at madarama saan ka man makarating. Kahit sa mga
simpleng bagay na espesyal at kung minsan sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang
pag-ibig. Bunga ito lahat ng pagmamahalan. Napakamakapangyarihan ng pag-ibig. Kung
titingnan natin ito ng mas malawak at mas malalim sa kung ano mang dapat ipakahulugan
nito, tiyak lahat tayo ay mag-aasam na sana isang araw darating ang taong magiging kabiyak
ng ating puso.
          Wala sa edad, klase ng buhay o kasarian makikita ang pag-ibig. Hanggat may
pagmamahalan na namamagitan sa dalawang tao iba man o parehas ang buhay na meron
sila wala na dapat tayong itanong pa. Hindi na ako nagulat sa pag-ibig ngayon. Hindi na bago
sa akin ang pagmamahalan ng isang matanda at bata, isang mahirap at mayaman o maging
dalawang lalaki o babae. Natutuwa pa nga ako dahil sa kabila ng mapanghusgang lipunan
nariyan pa rin ang mga taong may kakaibang pagmamahalan. Tinitiis ang bawat
masasamang salita na namumutawi sa mga taong makitid ang utak na intindihin ang
sitwasyon nila.
          Isa pa sa kapangyarihan ng pag-ibig ang TADHANA. Wala ng tatalo sa pagtagpo ng
dalawang puso dulot nito. Napakasarap isipin na may mga taong nagiging masaya at

13
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

maligaya sa kapangyarihang ito. Naghintay ka o naghanap ngunit may isang bagay na


makakagawa nito sa isang iglap lang. Nakakatawa man ngunit ito ang katotohanan.
Kung minsan, hindi lang kasiyahan ang dulot ng pag-ibig. Pumapasok ang iba’t ibang
suliranin at problema. Ang kasawian at kalungkutan bunga nito. Minsan, negatibong
tinuturing ang pagkakaroon ng pag-ibig sa mga taong takot na magmahal at ang masama
pa’y sa mga taong takot na masaktan. May iba ngang naniniwala na kailangan nating
sumugal sa pagmamahal. Tipong manalo man o matalo, bumalik man o tuluyang mawala
yung itinaya natin wala dapat tayong pagsisihan. Yun daw ang tinatawag na
UNCONDITIONAL LOVE.
          Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. May mga panahong magsasakripisyo
tayo para makamit ang kaligayahan o kung sinusuwerte ka madali mong mararamdaman ang
magmahal at mahalin. Ngunit kung ano man ang magiging sitwasyon mo at magiging bunga
nito; masama man o hindi ito ay dulot ng iyong malayang kaisipan at higit sa lahat ng iyong
PUSO.

14
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Tamang Pangangalaga ng Kabayo


ni: Bernadette Biko

Mahalaga na mabigyan ang iyong alagang kabayo ng sapat na tubig lalo na sa


panahon ng tag-init upang maiwasan ang dehydration. Ang dehydration ay makakasama sa
kalusugan ng iyong kabayo kaya’t nararapat lamang na isaalang-alang ito upang maiwasan
ang mga problema. Maaari siyang ilagay sa isang lugar kung saan makakakuha siya ng tubig
sa lahat ng oras. Isang magandang ideya rin na paliguan siya ng regular upang makasiguro
na hindi siya tatamaan ng heat stroke, Maraming kabayo ang namamatay sa ganitong
panahon dahil sa ganitong kalagayan. Laging tandaan, mapanganib ang heat stroke.

Ilagay sa tamang lalagyan ang tubig na ipaiinom sa iyong alagang hayop.


Kinakailangan na naaabot ng kanyang bibig ang anumang lalim ng timbang pinaglagyan ng
tubig. Kailangan din na malinis ang tubig at walang anumang bagay na kasama nito.
Sanaysay sa Filipino.

Gumamit ng mataas na kalidad ng joint supplements. Gusto mong siguraduhin na


nabibigyan mo ng mataas na kalidad ng joint supplements at mga bitamina ang iyong
kabayo. Ang kanilang mga activities ay maaaring nakakapinsala na sa mga bahagi ng
kanilang katawan lalo na sa kanilang mga kasu-kasuan. Ito ay maaaring magdulot ng joint
injuries. Kailangan na pangalagaan natin at maiwasan ang mga pilay sa kanilang mga joints.
Ugaliing kumunsuta sa isang beterinaryo upang masiguro ang kalusugan ng mga kabayo.
Ang mga doctor ng hayop ay maari ring hingan ng payo tungkol sa pag-iwas na
bumigat ang timbang ng iyong alagang kabayo. Kapag bumigat ang timbang nila, maaari

15
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

silang mahirapan sa kanilang araw-araw na activities. Bunga nito, ang kanilang mga joints ay
maaaring mapinsala bunga ng kanilang mabigat na timbang .

Ang pagmamay-ari ng isang kabayo ay isang malaking responsibilidad. Tulad ng


pagmamay-ari ng anumang mga alagang hayop, dapat mong ilagay ang iyong sarili sa isang
mahusay na desisyon at pag-isipang mabuti bago ka magpasyang bumili ng isang kabayo.
Dahil ang karamihan sa mga tao ay may kagustuhang magkaroon ng kabayo bilang alaga,
dapat mong unang isaalang-alang ang paghahanap ng isang angkop na kabayo na
nababagay sa iyong lugar. Gayundin, isaalang-alang din ang iyong nais at pangangailangan.
Kung ikaw o ang iyong lugar ay limitado, huwag mo nang pangarapin pa ang ganitong uri ng
alaga.

16
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

MAIKLING KWENTO

Ano ang Maikling Kwento?

Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang


maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang
tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog.

Kahit ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling kwento. Maaaring


hango ito sa mga pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y patungkol sa kababalaghan
at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.

Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng
guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.”
Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling kwento at ginagawa
itong libangan ng mga sundalo.

Mga Elemento ng Maikling Kwento

Mayroong labing-isang elemento ang maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:

17
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

1. Panimula

Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang
iba sa mga tauhan ng kwento.

2. Saglit na Kasiglahan

Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

3. Suliranin

Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento.

4. Tunggalian

Ang tunggalian ay may apat na uri:

 Tao laban sa tao

 Tao laban sa sarili

 Tao laban sa lipunan

 Tao laban sa kapaligiran o kalikasan

5. Kasukdulan

Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng


kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan

Ito ang tulay sa wakas ng kwento.

7. Wakas

Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

18
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

8. Tagpuan

Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama
din dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.

9. Paksang Diwa

Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.

10. Kaisipan

Ito naman ang mensahe ng kwento.

11. Banghay

Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.

Mga Bahagi ng Maikling Kwento

Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang Simula, Gitna at Wakas.

1. Simula

Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman
kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat
isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na
pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente kasama na dito ang panahon kung kailan
naganap ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang
haharapin ng pangunahing tauhan.

19
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

2. Gitna

Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na


kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan
ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang
bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.

3. Wakas

Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging


nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng
kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng


dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na
mabitin ang wakas ng kwento para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung
ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan ng kwento.

20
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Halimbawa ng Maikling Kwento

Ang Aral ng Damo

Akda ni: D. Villanueva

“G. Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel.

“Hindi,” ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.”

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Bb. Bulaklak, ikaw ba’y maligaya sa
iyong paligid?”

“Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda
roon. Siya’y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!”

Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. “Ano ang masasabi
mo sa iyong halimuyak?”

“Ako’y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya’y natatanaw
ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!”

21
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, “G. Saging, kumusta?
Ikaw ba’y nasisiyahan sa iyong sarili?”

“Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas ang
hangin lalo’t may bagyo, ako’y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!”

Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, “Anong palagay mo sa iyong matibay na puno?”

“Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang
mga ito’y nagsisilbing proteksiyon!” pakli ng narra.

Ang anghel ay nagpunta sa damo. “Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?”

“Masaya ako !” sagot ng damo . “Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga.
Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko’y ako’y ako… hindi nananaghili kaninuman pagkat
maligaya!”

22
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ang Araw at ang Hangin

Akda ni: Aesop

Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-aaway itong
dalawang ito noong araw dahil sa nagpapalakasan nga.

Isang araw, sinabi ng hangin, "O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas malakas ako
kaysa iyo?"

Ngumiti ang araw. "Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun, may
lalakeng dumarating. Kung sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot niyang polo,
siya ang kikilalaning mas malakas."

"Payag ako. Ngayon din", magkakasubukan tayo, "malakas na sagot ng hangin. "Ako ang
uuna," dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging pangalawa sa anumang labanan.

Sinimulan niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa umpisa ay tila nagustuhan ng tao
ang hihip ng hangin kaya naging masigla at bumilis ang lakad nito.

Nilakasan ng hangin ang paghihip. Isinara ng tao ang lahat ng butones hanggang sa may
leeg ng kanyang polo. Inubos ng hangin ang buong lakas sa paghihip. Lalo namang
pinakaipit-ipit ng mga braso ng lalake ang damit dahil tila giniginaw na siya.

23
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Nanghina na nang katakut-takot ang hangin sa paghihip niya ay talagang hindi niya
makuhang mapaalis ang damit ng lalake. "Sige," sigaw niya sa araw. "Tingnan naman natin
ang galing mo. Marahil, hindi mo rin naman mapapahubad ang taong iyon."

Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang pawis ng
lalake. Dinagdagan pa ng araw ang init na inilalabas niya, at ang lalake ay nagkalas ng mga
ilang butones sa baro.

Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at tinanggal nang
lahat ang mga butones ng polo at hinubad ito. Panalo ang araw! Mula noon, di na nagyabang
uli ang hangin.

24
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Si Maymay at ang kanyang Aso at Pusa


Akda ni: Sandy Ghaz

Nag-iisang anak ni Mang Tibo at Aling Iña si Maymay kung kaya’t parang kapatid na
ang turing na sa kanyang mga alaga. May aso siyang si Bruno at pusa na ipinangalanan
niyang si Kiting.

Araw-araw, naglalaro sina Maymay, Bruno, at Kiting. Kahit ang mag-asawa ay


nagagalak sa saya sa mukha ng kanilang nag-iisang anak tuwing nakikipaglaro ito sa mga
alaga niya.

Subalit, hindi alam ni Maymay na may inggitan na nangyayari sa pagitan nina Bruno at
Kiting. Isang araw, habang nasa talyer si Mang Tibo nagtratrabaho at si Maymay naman ay
sumama kay Aling Iña sa tindahan, nag-away ang dalawa.

Hindi sinasadyang nalalag si Kiting kay Bruno na siya namang natutulog sa sala ng
munting bahay ng pamilya Santos. Nagising ang aso at nagalit dahil mahimbing na sana ang
tulog niya.

Hinabol ni Bruno si Kiting at nang madatnan niya ito ay pinag-kakagat niya. Hindi
naman nilakasan ng aso ang pagkaka-kagat sa pusa pero may nagdulot ito ng mga maliliit na
pasa.

25
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Pag-uwi ni Maymay, nagalit siya kay Bruno. Hindi niya ito pinakain habang awang-awa
siya kay Kiting. Nais ng bata na matuto raw ang aso kaya ginawa niya ito kahit masakit rin sa
kanya.

Nanghina si Bruno at masakit ang loob niya sa parusa ni Maymay. Umalis ulit si Aling
Iña at ang anak niya. Saktong pag-sarado ng pintuan, itinulak ni Kuting ang kanyang kainan
patungo kay Bruno.

Ang Sapatero at ang mga Duwende

Akda ni: Edith Honradez

May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lang para sa isang pares na
sapatos. Isang gabi ginupit na niya at inihanda ang mga materyales para gawin sa umaga
ang sapatos.

Anong laking gulat niya nang magisnan niya kinaumagahan na yari na ang mga
sapatos at kay husay pa ng pagkakagawa! Madaling naipagbili niya ang sapatos at nakabili
siya ng materyales para sa dalawang pares.

Inihanda na uli ang mga gagamitin para sa kinabukasan. Paggising niya sa umaga
nakita uli na yari na ang dalawang pares na sapatos.

Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at bumili naman siya uli ng mga gamit para
sa apat na pares. Inihanda niya uli ito sa mesa para magawa sa umaga.

26
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ganoon na naman ang nangyari, na tila may tumutulong sa kanya sa paggawa ng


mga sapatos. Kinalaunan, sa tulong ng mahiwagang mga sapaterong panggabi, gumaling
ang buhay ng sapatero.

"Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin," tanong niya sa asawa.

"Sino nga kaya? Gusto mo, huwag tayong matulog mamaya at tingnan natin kung sino
nga siya?" alok ng babae.

Ganoon nga ang ginawa ng mag-asawa kinagabihan. Nagkubli sila sa likod ng


makapal na kurtina para makita kung ano nga ang nangyayari sa gabi. Nang tumugtog ang
alas dose, biglang pumasok sa bintana ang dalawang kalbong dwende.

Tuloy-tuloy ito sa mesa at sinimulan agad ang pagtatrabaho. Pakanta-kanta pa at


pasayaw-sayaw pa na parang tuwang-tuwa sila sa paggawa. Madali nilang natapos ang mga
sapatos at mabilis din silang tumalon sa bintana.

"Mga dwende pala!" sabi ng babae. "Kay babait nila, ano?"

"Oo nga. Paano kaya natin sila pasasalamatan? Ayaw yata nilang magpakita sa tao."

"Hayaan mo. Itatahi ko sila ng mga pantalon at baro at iiwan na lang natin sa mesa sa
gabi."

Dalawang pares na maliliit na pantalon at dalawang pang-itaas ang tinahi ng babae


para sa mga matutulunging dwende. Ipinatong nila ito sa mesa kinagabihan at nangubli uli
sila sa likod ng kurtina.

27
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Tuwang-tuwa ang maliliit na sapatero nang makita ang mga damit dahil nahulaan
nilang para sa kanila iyon. Isinuot nila ang mga ito at sumayaw-sayaw sa galak.

Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos na handang gawin, mabilis silang
tumalon sa bintana na suot ang mga bagong damit. Buhat noon hindi na bumalik ang
dalawang dwende ngunit nagpatuloy naman ang swerte sa buhay ng mag-asawa na
marunong gumanti sa utang na loob.

Ang Elepante at ang Bulag

Akda ni: Elden Bonilla

Minsan isang hapong mainit ang araw,


May anim na bulag, sa zoo namasyal,
Nagkasundo silang doon ay dumalaw
Upang elepante ay makapanayam.

Iyang unang bulag, siyang nagpasiya;


"Diyos po, hintay! Hindi ko madipa,
Palagay ko parang dingding siya,"
Kagyat na sinabing kasabay ay tawa.

Ikalawang bulag ay siyang lumapit,


Hindi sinasadya sa pangil kumapit:
"Bilog at makinis, totoong matulis,
Pihong sibat ito!" ang pagmamatuwid,
Ang ikatlong bulag, sumunod, humipo;
Ang nahipo'y tuhod, tulad daw ng puno:

28
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

"Puno ng kahoy, tunay, hindi biro!


Magpustahan tayo upang magkasundo."

Ikaapat na bulag, kaipala'y lumapit,


Ang nahipo'y nguso, madulas, pilipit:
"Alam ko na, ahas!" ang siyang sinambit,
Ang pagkakasabi ay dalawang ulit.

Ang sumunod nama'y ikalimang bulag,


Ang nahipo'y taynga, sinabi kaagad:
"Ito ay pamaypay, aking tinitiyak,"
Kasabay ang ngiting sa labi bumukad.

Katapusang bulag, sa huli napabanda,


Kaya itong buntot ang nahipo niya:
"Lubid! Walang sala!" pagkaraka'y badya,
Walang alinlanga't tila nagyabang pa.

Ang anim na bulag ay nangagsiuwi,


Tuloy ang taltalan at di mapagwari
Kung sino ang tama, kung sino ang mali,
Pagpalain ng D'yos ang anim na sawi!

29
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

NOBELA

Ano ang Nobela?

Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng


iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18
siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary
genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak
na istilo.

Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na


pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay
ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila
-isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan
sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela
-binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit
pang tauhan

30
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Uri ng nobela

1. Nobelang Romansa – ukol sa pag-iibigan


2. Kasaysayan – binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay – isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang
ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining – paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari
ang ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin – mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan – binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing
tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago – ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o
Sistema

Elemento ng nobela
1. tagpuan – lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan – nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay – pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw – panauhang ginagamit ng may-akda
a. una – kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa – ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo – batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema – paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin – nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan – istilo ng manunulat
8. pananalita – diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari

31
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Layunin ng nobela

1. gumising sa diwa at damdamin


2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan

Katangian ng nobela

1. Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan


2. Pumupuna ng lahat ng larangan ng buhay
3. Dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. Binubuo ng 20 000-40 000 na salitaTemplate:Fact
6. Kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
7. Maraming ligaw na tagpo at kaganapan
8. Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari

32
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Halimbawa ng Nobela

Mga Ibong Mandaragit

Akda ni: Amado V. Hernandez

Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Don sa


Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga
gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay
Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni
Simoun.

Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya,
sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na
patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni
Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay
nagpabalatkayong si Mando Plaridel.

33
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan


niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando
at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan.
Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at
magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na
amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si
Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga
ito.

Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don
Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang
ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando
si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila.

Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa


isa nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay
ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni
Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng
mga naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan.

Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga
magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor.

Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa


si Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na
si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka at kabilang si
Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam
kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang

34
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

mga nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya
sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng political Science sa U.P.

Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig
sa Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na
malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong
kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri.

Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga


pahayagan . Nalaman ni Dolly na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala
ni Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni
Mando sa siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit
nang ulitin iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly.

Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando,


patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni
Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando
hanggang sa maipabilanggo niya si Don Segundo.

35
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Banaag at Sikat

Akda ni: Lope K. Santos

Tungkol ito sa buhay ng magkaibigang sina Delfin at Felipe na mayroong magkatulad


na naisin ngunit may kakaibang paraan upang maipatupad ito.

Si Delfin ay kilala bilang isang sosyalista na naghahangad na magpalaganap ng


konsepto ng sosyalismo sa lipunan. Nais niyang maging dominante ang mga mahihirap sa
iba’t ibang gawain ng kabuhayan ang mga mamamayang maralita tulad ng pangangalakal,
pagnenegosyo, at pagkakaroon ng pag-aari.

Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil


sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan
nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang
kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang

36
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng
amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa
pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga
pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at
nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.

Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng
batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at
patas na ginhawa sa buhay.

Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya
sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng
ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa datingpinapasukan sa Maynila
at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga
seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.

Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang
pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang
taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at
namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga
magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng
abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at
kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.

Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa
marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga
tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa
pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.

37
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa
na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si
Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina
Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng
mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong
mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa
buhay.

Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni
Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y
maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang
pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang
nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.

Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito
naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin,
Sa a-uki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit
nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang
anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin.


Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o
nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at
ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa
pangangailangan.

Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan


ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang
mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng

38
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay


tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan.
Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya
sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang
isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni
Meni.

Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na


makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si
Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng
karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan,
subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng
pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay
kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay
marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.

Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na


nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa
New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa
pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi
pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.

Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na


malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang
kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang
naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika
at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa
New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na
naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang

39
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang
kasamang utusan.

Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa
libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng
pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at
Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.

Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang


ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang
namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at
kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga
pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang
paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang
panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang
bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan
nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa
Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa
pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming
tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano
mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.

Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa


pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t
palipasin ang diin ng gabi."

40
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

DULA

Ano ang Dula?

Ang dula o drama ay isang nakakaaliw na kategorya sa panitikan. Ito ay ginagawa ng


iba’t ibang aktor sa entablado sa harap ng madla o di kaya’y sa paraan ng pagiging isang
pelikula. Mayroon silang dialogue at kasuotan na nakatutulong para ilarawan ang kanilang
karakter. Ang mga pangunahing elemento ng dula na hindi maaaring mawala ay tema,
setting, karakter, balangkas o plot, at musika,

Maaari rin itong tawaging stage play o role play sa wikang Ingles.

Mga uri ng dula

41
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Komedya - Ang kuwento ay kadalasang nakabatay sa mga tunay na buhay na mga


character, mga nakakatawang karanasan sa buhay, o anumang uri ng sitwasyon na
nakapagpapasigla. Ang dramang komedya ay maaari ring sacrcastic. Ito ay karaniwang
magaan sa kalooban at may maligayang pagtatapos.

Trahedya - Ang trehedya ay isa sa pinakamatandang uri ng dula. Ang tema ng isang
trahedya ay karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang dinastiya, pagbagsak ng tao,
pagtataksil, at pagkamatay. Ang magandang dulang trahedya ay maaaring malalim ang
epekto sa mga manonood. Ang mga ito ay bihirang magkaroon ng masayang pagtatapos.

Melodrama - Ang melodrama o soap opera  ay labis na nakakapaapekto sa emosyon ng


manonood. Ito ay isang pamamaraan upang mas maging nakakaakit ang mga kararkter.
Karaniwan nitong inilalarawan ang mabuti at masamang aspeto ng mga karakter.

Parsa - Ang parsa o farce ay isang kategorya ng komedya na gumagamit ng mga pinagrabe
at nakakatawang sitwasyon na ang layon lamang ay magpatawa ng madla. Kung minsan ay
tinatawag din itong saynete.

Bahagi ng Dula

1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing bawat yugto upang
makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga nanonood.

2. Tanghal – kung kinakailangang magbago and ayos ng tanghalan, ito ang ipinanghahati sa
yugto

3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan

42
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Mga Elemento ng Dula:

A. Banghay – binubuo ng paglalahad kaguluhan at kakalasan ang banghay ng isang dula

1. Paglalahad – ay isng tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging, ito ipinapakilala


ang mga tauhang lugar, panahon, tunggalian at ang maaring maganap sa kabuuang aksyon

2. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing


tauhan gaya rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap

3. Ang kakalasan – sa bahaging ito nagluluwag ang dating masikip, at matinding


pagtatagisan ng tauhan o ng mga pangayayari

B. Tauhan – kung babatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang ito
ng dalawa: ang tauhang nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang tauhang
walang pagbabago mula sa simula ng dula hanggang sa matapos ito.

C. Diyalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay gunagamit upang maipaalam sa
manonood o mambabasa ang mga nangyayari na ang mangyayari pa at ang kasalukuyang
nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan, ikalawa, ang pagbibitiw ng diyalogo ay
kinakailangan malakas kaysa normal na pagsasalita

43
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Halimbawa ng Dula

Plop! Click!

Akda ni: Dobu Kacchiri

KOTO : Isa akong Koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si Kikuichi para
konsultahin siya. Nariyan ba si Kikuichi?
KIKUICHI : Nariyan na!
KOTO : Nasaan ka?
KIKUICHI : Heto na ‘ko.
KOTO : May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akong hindi
nakalalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko. Gusto kong magbiyahe at
nang makapagmasid naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo?
KIKUICHI : Sa totoo lang, imumungkahi ko nga sana sa iyo, Ekselenteng ideya.
KOTO : Ano pang hinihintay natin kung Ganoon. Maghanda ka ng sake.
KIKUICHI : Ngayon din, Nakahanda na ang bote ng sake.

44
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

KOTO : Umalis na tayo agad. Halika na!


KIKUICHI : Nakahanda na ako.
KOTO : Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang dalawang
paris natin na namamasyal at nagmamasid sa mga tanawin. Pero ang pagbibiyahe sa
bagong lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo.
KIKUICHI : Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago. Kaya, kapag
nararamdaman mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong magbiyahe.
Nakabubuti iyon sa inyo, Amo.
KOTO : Nasa labas na tayo ng nayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito.
KIKUICHI : Nasa gitna nga tayo ng bukirin.
KOTO : Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang
pakiramdam ko.
KIKUICHI : Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe.
KOTO : Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay kana
lamang umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kuwento. Bakit di mo ensayuhin
ang Labanan sa Heike, ang pamosong epiko?
KIKUICHI : Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Masuwerte na lang at
ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin ‘yan, tatanawin kong
malaking utang-na-loob.
KOTO : Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang isang
berso.
KIKUICHI : Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako.
KOTO : “Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at nauwi sa isang malaking giyera.
Natalo ang mga dakilang Hieke, at nagsisugod ang mga mandirigma ng Genji—silang sabik
sa kabantugan. Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma.
Kalunus-lunos na pagdanak ng dugo! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan,
at ang iba nama’y talampakan. Sa gitna ng nakakukuliling mga daing at pananangis, pilit
pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakan sa duguang baba, ang sugatang baba
sa duguang talampakan. Ay, kahabaghabag na tanawin! Tatlo o apat na raang mga

45
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

mandirigma ang nagkalat sa kapatagan!…”


KIKUICHI : Kagila-gilalas palang talaga ang epikong ‘yan. Nagagalak akong marinig.
KOTO : Halika’t pumunta tayo doon sa malayu-layo pa. Sumunod ka sa ‘kin!
KIKUICHI : Sige lang, sumusunod ako.
KOTO : Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito nang
mainam. Kaya kailangang pag-aralan mo itong mabuti.
KIKUICHI : Iinsayuhin ko itong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli.
KOTO : Sakali’t maitalaga ako sa posisyon ng “Kengyo”. Gagawin kitang isang “Koto”.
KIKUICHI : Napakabuti mo ngang talaga.
KOTO : Ano ‘yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguro’y malapit tayo sa dagat.
KIKUICHI : Oo nga, pakiramdam ko’y dagat nga ‘yon.
KOTO : Kailangan nating tawirin ito. Ano’ng dapat nating gawin?
KIKUICHI : Ano nga bang dapat nating gawin?
NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil sa may lalakarin ako sa
kabila ng bundok, kailangan kong magmadali. Ano itong nakikita ko? Dalawang bulag ang
nagbabalak lumusong sa dagat. Paano kaya nila magagawa ‘yon? Titigil muna ako rito at
panonoorin sila pansumandali.
KOTO : Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat.
KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis na ako. PLOP!
KOTO : Malalim doon.
KIKUICHI : Malalim na malalim doon.
KOTO : Subukan mo sa ibang direksyon.
KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK!
KOTO : Mababaw doon.
KIKUICHI : Mukha ngang mababaw doon.
KOTO : Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na!
KIKUICHI : Pero amo, teka muna sandali.
KOTO : Bakit?
KIKUICHI : Sandali, bubuhatin ko kayo.

46
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

KOTO : Naku, hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin.


KIKUICHI : Pero kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan ng
aking kaluluwa. Hayaan niyo ng buhatin ko kayo.
KOTO : Hindi, huwag na. Dahil hindi ka rin nakakakita, baka maaksidente pa tayo.
Maghawakan na lang tayo sa isa’t isa saka lumakad nang painut-inot.
KIKUICHI : Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang mabuhat ko
kayo sa aking likuran.
KOTO : O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero kailangang
maghanda na muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo.
KIKUICHI : Salamat, nakahanda na ako.
NAGDARAAN: Mautak ang mga bulag na ‘yon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa
pamamagitan ng paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso. Ako ang magpapabuhat
patawad sa dagat. (Papatong siya sa likod ni KIKUICHI)
KIKUICHI : Humawak kayong mabuti. Ngayon sisimulan ko nang magpainut-inot sa dagat.
Sana naman hindi masyadong malalim. Ayan nakarating na ako sa kabila. Nagawa ko ito
nang walang kahirap-hirap, at natutuwa ako’t wala ring disgrasya.
NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Hindi ko inaasahan ang suwerteng ito. Tuwang-tuwa
ako.
KOTO : Ano Kikuichi? Nakahanda ka na ba? Walang sumasagot? Hindi ko ito maintindihan.
Ki-ku-i-chi! Na-sa-an ka?
KIKUICHI : Na-ri-to a-ko!
KOTO : Bakit di mo pa ako buhatin patawid?
KIKUICHI : Pero kabubuhat ko lang sa inyo.
KOTO : Kabubuhat lang sa akin? Pero naghahanda pa lang ako. Hindi mo pa ako nabubuhat.
Ang hayop na ‘yon mag-isa palang tumawid.
KIKUICHI : (Magmamadaling tumawid sa pinanggalingan) Kailan kayo tumawid na mula rito
amo?
KOTO : Kailan? Aba’t walanghiya ‘tong taong ito. Umaayaw na yata. Madali ka’t buhatin mo
na ako agad.

47
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

KIKUICHI : Hindi ko maintindihan ito. Di bale, tatawid na lang uli ako. Kumapit na kayo sa
likod ko.
KOTO : Huwag kang magalaw.
KIKUICHI : Lalakad na ako nang painut-inot. Mukhang napakalalim dito.
KOTO : Basta mag-iingat ka at huwag kang masyadong magalaw.
KIKUICHI : Opo, opo. Ang lalim naman nito! Naku, tulungan ninyo ako, saklolo!
NAGDARAAN: Nakakaaliw pagmasdan ang kawawang mga bulag!
KOTO : Nakakapanggalit itong nangyayari sa atin. Basang-basa na ako. Kaya nga ba
tumanggi na akong pabuhat sa iyo noong una pa.
KIKUICHI : Ipagpaumanhin ninyo. Patutuyuin ko kayo. Talaga namang nag-iingat ako, pero
natalisod ako. Patawarin ninyo ako.
KOTO : Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon. May
nangyari ba sa sake?
KIKUICHI : Ano’ng sabi n’yo? Ah, ang bote ng sake. Heto, hindi nadisgrasya.
KOTO : Giniginaw na ‘ko. Tagayan mo ako.
KIKUICHI : Sige po.
NAGDARAAN: Aba’t may isa pa pala akong suwerte. Ako’ng iinom noon.
KIKUICHI : Nagtatagay na po ako. Glug, glug!
KOTO : Tama na ‘yan. Mawawala rin ang ginaw ko pag nainom ko na ito.
KIKUICHI : Sigurado, amo.
NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Ang sarap nito!
KOTO : Ano na, Kikuichi? Bakit di mo ako tinatagayan?
KIKUICHI : Pero, katatagay ko lang po’t binigay ko sa inyo.
KOTO : Iyon din ang aakala ko, pero wala ni isang patak ang baso ko.
KIKUICHI : Talagang hindi ko maintindihan ito. Magtatagay uli ako. Heto, pupunuin ko na ang
baso.
KOTO : Sige, bilisan mo.
KIKUICHI : Eto na. Glug, glug!
NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Aba’t may kasunod pa! Walang kasinsarap ang sakeng

48
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

ito!
KOTO : Tama na ‘yan. Uminom ka rin nang kaunti.
KIKUICHI : Puwede po ba? Salamat sa kabaitan ninyo. Napakasarap ng sake, di po ba?
KOTO : O, bakit hindi mo pa ako tinatagayan?
KIKUICHI : Pero katatagay ko lamang po ng isang punong baso para sa inyo.
KOTO : Akala ko nga, pero ni isang patak, wala pa rin ang baso ko. Kamuhi-muhi kang
tarantado ka. Ni isang patak di mo man lang ako pinatikim, kasi sinosolo mo’ng pag-inom.
KIKUICHI : Naku, hindi ganyang magsalita ang amo ko. Bakit ko naman sosolohin ito nang
hindi inuuna ang amo ko? Mali ang akusasyon ninyo sa akin. Nakadalawa na po kayong
tagay.
KOTO : Aba’t talaga bang ginagalit mo ‘ko? Hindi ka lang gago, dinadaya mo ‘ko at
pinalalabas na iniinom ko’ng tinatagay mo nang di mo alam. Tagayan mo ako ulit.
KIKUICHI : Gusto ko po sana. Pero, ipagpaumanhin ninyo! Wala na pong natira.
KOTO : Ano? Ni isang patak wala nang natira?
NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Talagang nakaaaliw ito. Pag-aawayin ko sila. Bang!
Bang!
KOTO : Aray, array ko! Aba’t sobra na ito. Matapos mo akong gawan ng inumin. Ngayon
naman may gana ka pang bugbugin ako.
KIKUICHI : Ano’ng sabi ninyo? Bugbugin?
KOTO : Sinaktan mo na ako, ulol!
KIKUICHI : Itinatabi ko lang po ang bote ng sake. Ni hindi nakaturo sa direksyon ninyo ang
mga kamay ko.
KOTO : A, hindi pala? At sino pang mananakit sa akin, aber? Sino, sabi?
KIKUICHI : Aray, array ko po! Inaakusahan n’yo na nga ako ng kung anu-anong hindi ko
naman ginagawa, ngayon naman sinasaktan n’yo pa ako. Bakit binubugbog ninyo ang isang
walang kasalanang katulad ko?
KOTO : Aba’t ni hindi nga nakatutok sa iyo ang mga kamay ko.
KIKUICHI : Hindi nakatutok? Sino’ng nanakit sa kin? Magsalita kayo, sino pa?
KOTO : Aray, aray ko! Kikuichi, ano ba? Bakit mo ba ako sinasaktan?

49
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

KIKUICHI : Nasa binti ko ang mga kamay ko.


KOTO : Nasa binti mo? Kaninong mga kamay ang sumuntok sa akin?
KIKUICHI : Aray, tama na ! Huwag ninyong abusuhin ang inosenteng tulad ko, Amo.
KOTO : Ano? Abusuhin?
KIKUICHI : Ano pa nga bang ginagawa ninyo?
KOTO : Ni hindi nga dumadapo ang mga kamay ko sa iyo.
KIKUICHI : Di dumadapo? Kung gayo’y sinong nanununtok sa akin?
KOTO : Aray, ano ba?
KIKUICHI : Aray ko po, tama na!
NAGDARAAN: Nakakatuwa talaga ito. Paiikutin ko sila sa iba’t ibang pakana. Pero teka!
Aba’t tinutuluyan na nilang magsuntukan. Delikado na ang manatili pa rito.
Kailangang makaalis na ako habang may araw pa.
KOTO : Nauubos nang pasensiya ko. Hindi kita patatakasin lintik ka!
KIKUICHI : Bakit ako sinasaktan?
SILANG DALAWA: A-a-ray…
KIKUICHI : Ikinahihiya ko kayo Amo. Hawak ko na kayo ngayon. Nagpapanggap lang pala
kayong mabait. Santo-santito!
KOTO : Huwag, sandali lang! Matapos mo akong bugbugin, tatakbuhan mo ako. Wala bang
ibang tao rito? Hulihin n’yo siya, hulihin n’yo! Huwag n’yo siyang patatakasin!

50
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Pasko

Akda nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales

Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)

(Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.)

Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.”

Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”

Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.”

Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”

51
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Anak 4: “Ako rin po.”

Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.”

Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”

(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)

Tilon

Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)

(May mga tindera. May tugtuging pamasko.)

Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.”

Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.”

(May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.)

Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?”

Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.”

Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.”

Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?”

52
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?”

Anak 2: “Dalawa po.”

Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.”

Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!”

Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.”

Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)

Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.”

Tilon

Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)

Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.”

Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.”

(Nanay at Tatay – magmamano rin)

Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)

Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.”

53
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.”

Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!”

Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.”

Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche
Buena.”

Anak 3: “Gutom na nga ako eh.”

Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.”

(Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)

Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at
Lola.”

Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong
Bagong Taon sa lahat.”

Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na busog po
kaming lahat.”

Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.”


“Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.”

Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.”

54
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Tula

Ano ang Tula?

Ang tula ay isang tuwirang pagbabagong-hugis sa buhay; na sa ibang pananalita, ito


ay isang maguniguning paglalarawan, na nakakalupkupan ng kariktan sa pamamagitan ng
mga sukat ng taludtod, na tahasang nadarama, dinaramdam, iniisip, o ginagawa ng tao.

Uri ng Tula

Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang
bahagi.Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang
Pasalaysay o narrative poetry sa ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)

55
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin
ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita
sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento
na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa,
ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

Uri ng tulang liriko:

1. Awit - Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang
bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal
na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may
malungkot na paksa - sad love songs kumbaga.

2. Soneto - Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may


malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.

3. Oda - Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa
isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon
para sa oda.

4. Elehiya - Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

5. Dalit - Isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin
ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang
kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.

56
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) 

Isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga
kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay
karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays.

Uri ng Tulang Pasalaysay

a. Epiko - Isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na


naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa
isang kultura o bansa.
b. Awit at kurido - Isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang
tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad
ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na
kurido ay ang Ibong Adarna.

c. Karaniwang Tulang Pasalaysay - Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa
araw-araw na buhay.

3. Tulang Patnigan (joustic poetry) 

Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.

a. Balagtasan - Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang

57
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.


b. Karagatan - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa
tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang
alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.

c. Duplo - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at


pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga
kasabihan.

4. Tulang Pantanghalan o Padula

Karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay


sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang
madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na
buhay.

58
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Halimbawa ng Tula

Bulag ka, Juan

Akda ni: Ariana Trinidad

Bumaon sa tao,
Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko,
Na plantsado pati kwelyo.

Sa eleksyon lang nakita,


Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kaniyang malamig na kuta.

59
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Tahimik sa buong taon


Maingay sa eleksyon
Parang naghahamon
Wala kasing laman ang garapon.

Ang bulsa ng pagkatao


Ng hayop sa Kongreso,
Ay nakadeposito
Sa bituka ng bangko.

Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Kalat-kalat kasi.

Bundat ang bulsikot


Sa pangungurakot,
Ang kaban: sinimot.
Sinaid pati ipot.

Tuso si Hudas
Planado ang lahat
Walang mga pekas
Kahit isang bakas.

Ang hahatol ay bulag


Bingi ang katulad
Kaya nakaligtas
Ang lider na huwad.

60
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Kailan ititigil ni Juan


Ang pakikipagbolahan
Sa bingo ng gahaman
At roleta ng kasakiman?

Ang Aking Pangarap

Akda ni: Kiko Manalo

Pangarap kong magbakasyon


Kapiling ang hanging Habagat
At kami’y maglilimayon
Sa mga ilog at dagat.

Ipagmamalaki ko sa kanya
Na hindi galing sa atin ang basura,
Na naglutang sa dalampasigan.
Ng Kamaynilaan.

Sa lungsod ko siya igagala


Doon sa nilalakaran ng rodilyo
At sa gilid ay nagtayo
Ang mga pabrika ng bata.

61
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ipagmamalaki ko sa kanya,
Na ang mga nakatira
Ay hindi nagtatapon ng basura
Sa mga kanal at kalsada.

Ililigid ko siya nang masigla


Sa mga bundok at gubat,
Na ginawang pugad
Ng mga tumakas sa siyudad.

Kabayanihan

Akda ni: Lope K. Santos

Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.

Natatalastas mong sa iyong pananim


iba ang aani’t iba ang kakain;
datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.

Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…


pinupuhunan mo at iniaalay,
kapagka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan.

62
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,


sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

Tikis na nga lamang na ang mga tao’y


mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
ang kadalasan pang iganti sa iyo
ay ang pagkalimot, kung di paglililo.

Makabuhay

Akda ni: Nemesio E. Caravana

Lubid kang luntiang sa gubat nanggaling,


Sa bakod ng dampa’y naging salang baging…
Dahil sa dagta mong may pait na lihim,
Hayop man o tao’y takot kang sagiin.

May dala kang ditang kapait-paitan


Na kung lalasahi’y “kadalamhatian”…
Ngunit ang pait mo ay gamot kung minsan,
Sa maling akala’y diwang Makabuhay.

Sa maraming sakit, ikaw ay panlunas,


At sa tagabukid ay gamot sa sugat;
Sa bibig ng bata na sakim sa gatas,
Madalas kang gawing mabisang pang-awat.

63
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ang ingat mong dagtang simpait ng mira,


Pagsayad sa labi’y nangangaral tila:
“Sa tamis, ang bata kapag namihasa,
Munting kapaita’y mamalakhing dusa.”

Si Kristo sa Kurus, isang halimbawa,


Nang kanyang lagukin ang apdo at suka…
Ang taong masanay uminom ng luha,
Sa sangmundong dusa’y hindi nalulula.

Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Akda ni: Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip


at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal


sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

64
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Pagpupuring lubos ang nagiging hangad


sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog


ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki


na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,


siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap


ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan


ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

65
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ang nangakaraang panahon ng aliw,


ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga


na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sa ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anaki’y bulog


bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaka aliw sa pusong may lungkot.

Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!


gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan


wari ay masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap. O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib


at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

66
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Datapwa kung bayan ano ang bayan ng ka-Tagalogan


ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis


ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay


sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa kaalipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos


sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay


na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumugol ng dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap


ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

67
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,


nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay


sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit


ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak


kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang inuusal


ng daya at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging sikap


kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

68
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ipahandog-handog ang buong pag-ibig


hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
ito’y kapalaran at tunay na langit.

Puso, Ano Ka?

Akda ni: Jose Corazon de Jesus

Ang puso ng tao ay isang batingaw,


sa palo ng hirap, umaalingawngaw
hihip lang ng hapis pinakadaramdam,
ngumt pag lagi nang nasanay, kung minsan,
nakapagsasaya kahit isang bangkay.

Ang puso ng tao’y parang isang relos,


atrasadong oras itong tinutumbok,
oratoryo’y hirap, minutero’y lungkot,
at luha ang tiktak na sasagot-sagot,
ngunit kung ang puso’y sanay sa himutok
kahit libinga’y may oras ng lugod.

Ang puso ay ost’ya ng tao sa dibdib


sa labi ng sala’y may alak ng tamis,
kapag sanay ka nang lagi sa hinagpis

69
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

nalalagok mo rin kahit anung pait,


at parang martilyo iyang bawat pintig
sa tapat ng ating dibdib na may sakit.

Kung ano ang puso? Ba, sanlibrang laman


na dahil sa ugat ay gagalaw-galaw,
dahil sa pag-ibig ay parang batingaw,
dahil sa panata ay parang orasan,
at mukhang ost’ya rin ng kalulwang banal
sa loob ng dibdib ay doon nalagay.

70
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Manggagawa

Akda ni: Jose Corazon de Jesus

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday


alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.
Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,


kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal


pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..

71
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,


dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,


at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

Isang Punongkahoy

Akda ni Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


ako’y tila isang nakadipang kurus,
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organong sa loob ng isang simbahan


ay nananalangin sa kapighatian
habang ang kandila ng sariling buhay,
magdamag na tanod sa aking libingan…

Sa aking paanan ay may isang batis,


maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

72
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Sa Pamilihan ng Puso

Akda ni: Jose Corazon de Jesus

Huwag kang iibig nang dahil sa pilak


pilak ay may pakpak
dagling lumilipad
pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.

Huwag kang iibig nang dahil sa ganda


ganda’y nagbabawa
kapag tumanda na
ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba.

Huwag kang iibig sa dangal ng irog


kung ano ang tayog
siya ring kalabog
walang taong hindi sa hukay nahulog.

73
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Huwag kang iibig dahilan sa nasang


maging masagana
sa aliw at tuwa
pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya…

Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo


at mahal sa iyo
kahit siya’y ano,
pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.

Kung ikàw’y masawi’y sawi kang talaga


ikaw na suminta
ang siyang magbata;
kung maging mapalad, higit ka sa iba.

Sa itong pag-ibig ay lako ng puso


di upang magtubo
kaya sumusuyo
pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.

74
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Sangharding Asin

Akda ni: Rio Alma

Iginawa kita Mahal ng sangharding asin


Tigim sa halamang sumupling sa asin
Hitik sa bulaklak at prutas na asin
Mga dahong asin mga sangang asin

Maghapong bumubulong ng pag-ibig na asin


Ang mga paruparo’t bubuyog na asin
Kung gabi nagsasayaw ang mga alitaptap na asin
Sa awiting asin ng mga kuliglig na asin

Mga oras ng panaginip na asin

Huwag kang didilat Baka magulat malusaw ang asin


Ay sumpa! Tumatalilis na ang ahas ng asin
Dahil sa lumalaganap muling alamat ng luha

75
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Repleksyon

Mayroong iba’t ibang akdang pampanitikan sa Pilipinas na siyang naging daan upang
mas malawak nating maintindihan ang kultura ng mga Pilipino. Sa akdang panitikan na
ibabahagi ang damdamin ng mga manunulat. Mayroon din itong kahalagahang naitataglay sa
bawat manunulat. Naipapadama at naipapahiwatig nila ang iba’t ibang anyo ng panitikan, ito
ay para sa kasiyahan ng emosyon o damdamin, paglilibang, impormasyon o maging sa
edukasyon.

Sa panitikan nagsisimula ang kalinangan ng isipan dahil dito nagkakaroon ng iba’t


ibang ideya na maaaring gawing kilos. Nagiging daan ito upang mas maramdaman ng
mambabasa ang ninanais ipahiwatig ng may akda. Hindi lamang sa emosyon kung hindi sa
pagiging makatao ng bawat Pilipino. Ito ay isang uri ng mahalagang panlunas na tumutulong
sa tao upang maunawaan ang diwa ng kalikasan at upang matugunan ang kanilang mga
suliranin.

Malaki ang naitulong ng panitikan sa kasaysayan dahil dito makikita ang kung ano ang
buhay ng tao noon. Sa pamamagitan ng sanaysay, maikling kwento, nobela, tula at dula
makikita sa nilalaman kung ano ang nagging karanasan nila noon. Ang magandang

76
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

halimbawa nito ay ang nobela ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na
pinamagatang “Noli me Tangere at El Felibusterismo”. Sa nobelang ito isanalaysay ni Rizal
ang naging kalupitan ng Espanyol sa mga Pilipino noon.

Ako si Gicelle B. Labor , Nakatira sa Barangay Bag ong Lungsod Tandag City. Ako ay
labinsiyam taong gulang. Ipinanganak noong Nobyembre 4, 2000. Ang aking mga magulang
ay sina Lina Labor isang caretaket at Gervacio Labor isang mananahi. Apat kaming
magkakapatid pangatlo ako sa amin. Sa ngayon ako ay nag aaral sa kursong Bachelor of
scirnce in Criminology sa Saint Theresa College of Tandag Inc. Noong ako'y nasa
elementarya palamang ako'y nag aaral sa Tandag Pilot Elementary School. Nag JHS ako sa
Jacinto P. Elpa High School. At nagtapos din ako ng SHS sa paaralan ng Tandag National
Science High School. Isa lamang akong simpleng estudyante na may munting pangarap. Yun

77
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

ay ang makapagtapos ng pag aaral. Ang aking paboritong pagkain ay ang adobong manok,
pancit at afritada na luto ng aking ina. Isa sa mga libangan ko sa buhay yun ang manuod ng
Telebisyon at makinig ng musika. Tumutulong din ako sa mga gawaing bahay lalo na
kapagbwalang pasok. Mayroon din akong mga tunay na kaibigan. Ang pinakamithiin ko sa
aking buhay ay masuklian ko mab lamang ang lahat ng paghihirap ng akinh mga magulang .
Nais kong makapagtapos ng pag aaral hindin para lamang sa akin kundin maging sa aking
mga magulang. At nag papasalamat ako sa Panginoon na laging gumagabay sa amin.

78
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ako po si Arjay Montero Rivamonte nakatira sa Prk: Tulay dawis san agustin sur. Ako
po ay labingsiyam na taong gulang ang pangalan ng mama ko ay si Arlyn Frias Rivamonte at
ang tatay ko naman ay si Jimmy Ague Rivamote. Tatlo kaming magkakapatid yun ay si
Jemelyn Montero Rivamonte at ako ang pangalawa at ang bunso namin ay si Clyfel Montero
Rivamonte. Ang trabaho ng tatay ko ay Vendor at ang nanay ko naman ay nasabahay lang
nagbabantay ng tindahan namin, medyo mahirap ang buhay namin kasi hindi sapat ang
kinikita ng tatay ko sa pang araw-araw na pamumuhay para pag-aralin kaming magkakapatid
dahil narin sa hirap ng buhay. Ako po ay nagsisikap sa pag-aaral para makatulong narin ako
sa kahirapan ng pamilya ko, Alam ko hindi madali ang buhay kasi kumuha ako ng kursong
BS-CRIMINOGY medyo mabigat sa bulsa ng pamilya ko ang bayarin sa kursong pinili ko.

79
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ako si Lovelyn M. Lagare ang aking pa palayaw ay "lab²". Nakatira sa Matho, Cortes
Surigao del sur. Ako ngayon ay nag aaral sa paaralan ng Saint Theresa college, sa kursong
BS-Criminology. Ako po ang panganay sa aming anim na mag kakapatid dalawang lalaki at
tatlong babae . Sila po ay Elementary at High school pa. Ang pangalan po ng Ina ko ay si
Marebelea M. Lagare at ang ama ko ay Julieto B. Lagare pariho po silang nakatira sa Matho,
Cortes, SDS. Hinde madali ang buhay ng isang mahirap lalong lalo na kung ang trabaho ng
magulang mo ay isang magsasaka lamang Napakahirap talaga dahil anim kaming pina
paaral ng magulang ko hinde sapat ang kinikita ng ama ko. Kaya nga mag sisikap ako sa pag
aaral para maka tulong sa magulang ko at sa mga kapatid na maka tapos sa pag aaral.
Gusto kong e angat ang aming kahirapan. At sana po ay dinggin ng panginoon ang aking
mga panalangin na maka tapos ako sa pag aaral para makatulong ako sa kanila At sana
hinde niya kami pababayaan

80
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ako si Jhon Rey M. Manzano nakatira sa UMBAY TAGO S,D,S labin siyam na taking
gulang na. Nag aaral sa saint Theresa college Tandag Inc , at ngayun ako ay nasa kolehiyo
na. Komukuha ng korsung criminology. At ako po ang panganay sa anak ni Rey C Manzano
at Marive M. Manzano. Apat po kaming mag kakapatid at Ang pangalan nila ay si
Mark,James,Jed, at ang trabaho ng magulang ko so papa ay isang driver Ng motursiklo at si
mama ay nasa bahay lang. Ang pamumohay po namin sy simple lang po minsan masaya
minsan naman malungkot pero kahit ganun nangingibabaw padin Ang pagiging masayahin
namin. Sa ngayon po Pina pa aral po ako ni papa sa kolehiyo. At para masuklian ang sila ni
papa at mama. Nag sikap po ako sa pag aaral upang matupad ko ang ina asam asam nila
mama at papa mapag tapos nila ako sa kolehiyo. At para din matupad ko yung pangarap ko
na maging isang matipunong pulis. At para din maipag malaki ako ng mga magulang ko. At
ngayong po ay sobrang hirap pala pag naging koliheyo Kana. Dahil maraming mga gawain
na dapat mong gawin. At dito po mag tatapos ang tala ng buhay ko.

81
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ako si King Jims A. Sumaga ang palayaw ko ay “King”, nakatira sa Brgy.Bag-ong


lungsod Tandag City. Ang tatay ko ay si Remegio G. Sumaga at ang nanay ko ay si Luz B.
Abendan na pumanaw na. Ako ay pandalawa sa mag kakapatid , may isang babae at dalawa
kaming lalake. Ang tatay ko naman ay mangingisda at ang nanay ko naman sumakabilang
buhay na. Tatlo nalang kami sa bahay kasi ang kuya ko ay lumipat na ng bahay kasi
nakapag-asawa na. Dalawa nalang kaming pinag-aaral ng tatay ko , yung kapatid ko ay nasa
labim-dalawang baitang at ako naman ay nag-aaral sa kolehiyo at kumuha ng kursong
Criminology kasi pangarap kung maging pulis at maka tulong narin sa pamilya ko , alam kung
hindi mahirap mag-aral ng mag tiyaga hindi pareho sa iba na kahit saan lang nag bubulakbol.
Pero ang tiyaga at sikap ko ang tangi kung i aalay saaking mga magulang dahil narin sa
pursigido silang pag-aralin ako, mas inuna nila ang kapakanan ko para masunod ang
pangarap ko kaya nagpapasalamat ako sa Diyos sa munting hiling ko namakatapos ng pag-
aaral at ngayon dahan-dahan kunang natutupad dahil narin sa sipag at tiyaga ko nag-aaral
tapos nag-papartime Job ako kaya mensan na lalate sa klase pero kakayanin ko kasi walang
imposible sa taong may pangarap.

82
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ako si Elmer P. Ruiz isinilang ako sa Purok Mahayag Unidad Cagwait, Surigao Del
Sur noong marso 23, 2000 labing siyam na taong gulang. Ako ay bunso saaming
magkakapatid meron akong ate na ngayon ay isa ng guro at nagtuturo Vicente L. Pimentel
Sr. aking mga magulang ay sina Merlinda Ruiz at Elvie Ruiz. Ang aking ama ay isang
mangingisda at isang karpentiro at ang aking ina ay sa bahay lamang siya ngyon ang
nakatotok sa pagbabantay sa aming sari-sari store. Ang pangarap ko sa buhay ay
makapagtapos sa pag-aaral at makatulong sa aking magulang at higit sa lahat sa lahat ang
matupad ang pangarap ko na maging isang tagapagpatupad ng batas. Nag-aral ako ng
elementarya sa Aras-asan Elementary School at nag High school ako sa Unidad National
High school (UNHS). Ngayon ay nag-aaral ako sa Saint Theresa College (STC) dito ko
natutunan na ang buhay kolehiyo ay mahirap sapagkat ang pera na binigay ng magulang ko
ay dapat kong pag kasiyahin sa isang linggo kaya naman hindi ko sinasayang ang perang
binigay sakin ng magulang ko dahil dugot pawis ang nilaan nila upang ako ay ma pa-aral sa
magandang pa-aralan.

83
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ako si Emma Grace Sumugat Mejorada ang aking palayaw ay "emyat". Nakatira
sa Badong, Tago Surigao del Sur. Ako ngayon ay nag aaral sa paaralan ng Saint Theresa
College, sa kursong BS-Criminology. Bata pa lamang ako gusto ko ng maging isang pulis,
kaya kinuha ko ang kursong ito . Nagtapos ako sa aking elementarya sa Badong Elementary
School, nagtapos din ako ng aking Junior High School at Senior High School sa paaralan ng
Badong National High School. Ako ay dalawamput isang taong gulang. Ipinanganak ako
noong Nobyembre 18,1998 sa siyudad ng Tandag. Ang pangalan ng aking ina ay si Elvie
Atibula Sumugat siya ay nasa tatlumpu't siyam na taong gulang, ang trabaho ng aking ina ay
isang OFW, at ang aking ama ay si Edgar Montilla Mejorada siya ay nasa apatnaputwalong
taong gulang,ang kanyang trabaho ay magsasaka. Ako ang panganay sa lima naming
magkakapatid at ang pangalan ng mga nakakabata kong mga kapatid ay sina Edvie mae,
Pinky, Nikkie at Ella Grace, sa kasawiang palad namatay ang aming bunsong kapatid na si
Ella Grace. Nag aaral ngayon ang ikalawa kong kapatid sa SDSSU sa kursong BA- Filipino at
ang ika tatlo at ika apat kung kapatid ay nag aaral ngayon sa Badong National High School
sa baitang sampu. Lumaki ako sa pamilyang salat sa yaman pero kahit ganon ang aming
sitwasyon masaya parin ako. Ang paborito kong pagkain ay adobo, gawain ko din ang
maglinis ng bahay at labhan ang lahat naming mga labahin, kinagawian ko ding laruin ang
billiard. Mahirap man ang aming buhay nagsusumikap akonv mag-aral ng mabuti para
masuklian ang lahat ng hirap at pagod naibinuhos ng aking mga magulang.

84
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ako si Cheruel A. Sumacot . Naka tira sa prk: Tulay, Dawis, Tandag city. Ang
palayaw ko ay "Timo". Labinsiyam na taong gulang . Bata palang ako marami na akong
pangarap sa buhay kaya't ako'y nag susumikap sapag aaral. Para matupad lahat Ng aking
mga pangarap. Isa sa mga pangarap ko ay maging pulis kaya't kinuha ko ang kurso na
criminology. Tatlo kaming mag kakapatid at panganay ako at ang ika lawa Kung kapatid ay si
Mark Charlie at ang bunso naman at si Jan christian. Sila ay mga mabubuti kong kapatid at
mapag Mahal sa mga magulang. Ang aking mama ay si Menchie Sumacot at ang papa ko
naman ay si Ruel Sumacot. Ang trabaho ng mama ko ay sa bahay Lang at ang trabaho ng
papa ko ay driver. Sila yung magulang ko na masipag at dika pababayaan anumang
problema na mararanasan. Ako nga pala ang tipong taong maraming pangarap sa magulang
dahil gusto kung maka tulong maibigay ang kanilang pangangailangan at mabigyan sila ng
sariling bahay. Masaya na ako na Makita ang magulang ko na masaya. Ang pinaka
malungkot na nangyari sa aking buhay ay Ng malangan namin na may sakit si mama at Kay
langan ng operahan, ngunit wala pa kaming pera kaya't gumawa Ang ama ko Ng paraan
kung saan maka hanap ng pera at kami namang magkakapatid ay nagdarasal na sana
pagalingin na sana si mama. Ng pumasok naman ako sapag relasyun sobrang saya ko dahil
may dumating sa na isang babae sa buhay ko na akala ko ay siya na pero iiwan kalang pala.
Ang saya saya namin sa una pero sa huli binaliwala kalang pala at ipag papalit kalang sa
bago palang niyang kakilala at diyan mag tatapos Ang aking talambuhay.

85
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Ako si Shieber Mae G. Manzano, labisiyam taong gulang, ipinanganak noong May 9,
2000 sa Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur. Ang aking mga magulang ay sina Bernard at
Shiela Manzano. Kinuha nila ang aking pangalan sa pinagsabay na pangalan ng aking mga
magulang at ang ikalawang pangalan na Mae ay kinuha sa buwan ng aking kapanganakan.
May tatlo akong kapatid sina Thriecia, Fionah, at ang bunso naming lalaki na si Zachary. Ako
ang panganay sa aming magkakapatid. Kami ay nakatira ngayon sa Tago, Surigao del Sur.
Nakikitira lamang kami sa aking lola dahil wala pa kaming sariling bahay. Ako ngayon ay nag-
aaral sa Saint Theresa College bilang Criminology student. Noong unang pasukan pa lamang
sa kolehiyo ibang kurso ang kinuha ko. Naging Pharmacy student ako ng University of
Immaculate Conception sa Davao. Dahil sa mahal ng tuition hindi kinaya ng aking magulang
na paaralin ako sa paaralang iyon. Lumipat ako ng paaralan at sa paaralang ito ay malapit na
akong magtapos ng 1st year. Naging mahirap man ang kursong ito noong una pero kinaya ko
din naman sa paraang gusto ko.

Isa ako sa mga tao sa mundo na hindi madalas nakikipagkapwa o nakikipaghalubilo.


Nagsasalita lamang ako kung may mga tanong sa akin. Hindi rin ako 'yong taong laging
nakangiti. Minsan hindi ako nakakasabay sa trip ng barkada kaya minsan feel ko "out of
place" ako sa amin. May hilig din ako sa sports gaya ng volleyball, hindi man ako masyadong
marunong pero kaya kong makipagsabayan maglaro. Mahilig din ako gumuhit ng mga
"gowns". May mga naguhit na ako at kinokolekta ko ito. Nang tumungtong ako ng Senior
86
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

High School ay nagpagawa o nagpaguhit ang aming guro ng mga damit o gowns at doon ko
natuklasan na kaya kong gumuhit. Hindi pa man ako masyadong magaling pero hilig ko na
ang gumuhit.

May mga karanasan din akong hindi ko makakalimutan sa buhay. Masaya man,
malungkot o nakakatangkot. Sa masayang bahagi ay 'yong may isang tao akong nakilala sa
aking buhay. Ito ay si Jumarie J. Fuego, naging magkaklase kami noon sa Grade 7. Naging
matalik kaming kaibigan hanggang Grade 10 at sa taong 'yon ay nagtapat siya saakin na may
gusto siya hanggang sa tinanong niya ako kung pwede bang manligaw, dahil sa kagustuhan
ko rin ay sinabihan ko siya ng "oo pwede". Mabait at nirerespeto niya ako sa lahat ng bagay.
Ngayong kolehiyo na kami, parehas naming tinahak ang kursong Criminology at ngayon ay
magkaklase na ulit kami.

Ang pangarap ko sa buhay ang makapagtapos ng pag-aaral. Minsan nakakapag-isip-


isip ako kung tama ba 'tong kursong kinuha ko dahil sa iba't ibang pananaw ng mga tao
saakin. Sinasabihan ako nila na hindi daw bagay saakin ang maging pulis dahil baka di ko
raw kakayanin. Ngunit sa kabila ng lahat ay mas pinili ko parin na kunin ang kursong ito dahil
kung hindi ko gusto ang isang bagay ay madali akong magsawa. Mahirap man dahil
kinakailangan na balanse ang pag-aaral at pisikal na mga aktibidad bilang isa I'llng
Criminology istudent. Sa tamang panahon makakapagtapos rin ako at matutulungan ko na
ang aking mga magulang sa pagpapaaral ng aking mga kapatid.

87
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Dokumentasyon

88
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

89
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

Sanggunian

https://pinoycollection.com/sanaysay/

https://www.academia.edu/7515288/PAGISLAM_Ang_Pagbibinyag_ng_mga_Muslim_Sanay
say_Muslim_Salin_mula_sa_Ingles_ni?auto=download

https://www.scribd.com/doc/85002129/pangarap-sa-hinaharap#download

http://banareskimberly.blogspot.com/2012/07/ang-pag-ibig-sanaysay-ni-emilio-jacinto.html

http://anthonyrosalessarino.blogspot.com/2012/01/kapangyarihan-ng-pag-ibig.html

http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/halimbawa-ng-pormal-na-sanaysay.html

https://pinoycollection.com/maikling-kwento/

https://www.wikakids.com/filipino/maikling-kwento/ang-aral-ng-damo/

https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/ang-araw-at-ang-hangin/

https://philnews.ph/2018/12/03/maikling-kwento-maymay-aso-pusa/

https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/ang-sapatero-at-ang-dwende/

https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/ang-elepante-at-ang-mga-bulag/

https://www.wikakids.com/filipino/ano-ang-nobela/

http://markpacete02.blogspot.com/2012/07/mga-ibong-mandaragit-ni-amado-v_1047.html

https://PanitikanSaFilipinoIvViii/posts/buod-ng-banaag-at-sikat-ni-lope-k-santosang-buod-ng-
kasaysayan-ng-banaag-at-sikat

https://gabay.ph/dula/

https://www.myph.com.ph/2011/09/dula.html#.Xmo9KahKhPY

http://filipino4niwarville.blogspot.com/2014/06/plop-click.html

90
SAINT THERESA COLLEGE OF TANDAG, INC.
Cor. Magsaysay & Quezon Sts., Tandag City, Surigao Del Sur
Telefax: (086) 211-3046, 211-50
92, 211-3862

http://hagonoy-bahay-kubo.blogspot.com/2008/12/pasko-dula-dulaan.html

https://www.tagaloglang.com/ano-ang-tula/

http://arkongbatopanitikantula.blogspot.com/2017/02/uri-ng-tula.html

https://www.wikakids.com/filipino/tula/bulag-ka-juan/

https://saghajwideknowledge.wordpress.com/2015/03/16/tula-ang-aking-pangarap-ni-kiko-
manalo/

https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-various-authors-
kabayanihan-tula-ni-lope-k-santos_1080.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-various-authors-
makabuhay-tula-ni-nemesio-e-caravana_1098.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-during-the-spanish-regime-pag-ibig-sa-
tinubuang-lupa-tula-ni-andres-bonifacio_1108.html

https://awanderingpsyche.wordpress.com/2017/09/19/puso-ano-ka-ni-jose-corazon-de-jesus/

https://www.tagaloglang.com/tula-manggagawa/

https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-various-authors-
isang-punongkahoy-ni-jose-corazon-de-jesus_1069.html

https://www.tagaloglang.com/sa-pamilihan-ng-puso/

https://daigdig-ng-tula.tumblr.com/post/56714372987/sangharding-asin-rio-alma

91

You might also like