You are on page 1of 1

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG LA SALETTE

Mahal na Birheng Maria sa Bundok ng La Salette , Ikaw ay nagpakita sa dalawang bata na


nagpapastol ng kanilang alagang baka. Sa pamamagitan nila’y iyong pinaalala ang
pagkukulang at mga nagawang kasalanan ng sanlibutan. Hinatid mo sa mga tao sa
pamamagitan ng mga bata ang mensahe ng pagbabalik-loob at pagpapahalaga sa pagsisimba
kapag araw ng Linggo.

Sa aming pagdedebosyon sa Iyo,


amin nawang maisakatuparan ang mensahe mo.
….sa panahon na kami ay nakakalimot na mangilin kapag Linggo.
…sa patuloy naming pagsuway sa mga aral ng Anak mo, ang aming Panginoong Hesukristo.

Tulungan mo po kami na makabalik sa tamang landas patungo sa Iyong Anak.


…upang aming pagpahalagahan ang pagdiriwang ng Banal na Misa.
…upang aming talikdan ang aming mga kasalanan.
…upang lumayo kami sa mga tao, lugar at pangyayari na magdadala sa amin sa pagkakasala
sa Iyo.
…upang huwag na naming dagdagan ang paghihirap ng Iyong Anak, sa halip amin itong
maibsan.

Samahan mo po kami sa paglalakbay na ito. Ipagkaloob nawa ng Panginoong Hesukristo sa


pamamagitan mo, ang mga biyayang aming kinakailangan.
…para sa simbahan at sa bayan, para sa aming pamilya at mahal sa buhay
…ipag-adya Mo kami sa tumutuligsa at umuusig sa amin dahil sa pagsunod sa Iyo.

Mahal naming Ina, gabayan mop o kami hanggang sa makarating kami sa langit na tahanan.
Amen.

N: Mahal na Birhen ng La Salette


L: Ipanalangin Mo kami.

You might also like