Mahal na Birheng Maria sa Bundok ng La Salette , Ikaw ay nagpakita sa dalawang bata na
nagpapastol ng kanilang alagang baka. Sa pamamagitan nila’y iyong pinaalala ang pagkukulang at mga nagawang kasalanan ng sanlibutan. Hinatid mo sa mga tao sa pamamagitan ng mga bata ang mensahe ng pagbabalik-loob at pagpapahalaga sa pagsisimba kapag araw ng Linggo.
Sa aming pagdedebosyon sa Iyo,
amin nawang maisakatuparan ang mensahe mo. ….sa panahon na kami ay nakakalimot na mangilin kapag Linggo. …sa patuloy naming pagsuway sa mga aral ng Anak mo, ang aming Panginoong Hesukristo.
Tulungan mo po kami na makabalik sa tamang landas patungo sa Iyong Anak.
…upang aming pagpahalagahan ang pagdiriwang ng Banal na Misa. …upang aming talikdan ang aming mga kasalanan. …upang lumayo kami sa mga tao, lugar at pangyayari na magdadala sa amin sa pagkakasala sa Iyo. …upang huwag na naming dagdagan ang paghihirap ng Iyong Anak, sa halip amin itong maibsan.
Samahan mo po kami sa paglalakbay na ito. Ipagkaloob nawa ng Panginoong Hesukristo sa
pamamagitan mo, ang mga biyayang aming kinakailangan. …para sa simbahan at sa bayan, para sa aming pamilya at mahal sa buhay …ipag-adya Mo kami sa tumutuligsa at umuusig sa amin dahil sa pagsunod sa Iyo.
Mahal naming Ina, gabayan mop o kami hanggang sa makarating kami sa langit na tahanan. Amen.