You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DR. PABLITO V. MENDOZA SR. HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 10


Learning Area: ARALING PANLIPUNAN 10 Modyul: 1 BATCH 1&2 Date: September 13-
17, 2021 Batch 1 Modyul 1(Aguinaldo, Quezon) Batch 2 Modyul 1 September 20-24,
2021 (Marcos, Magaysay, Garcia)
MELCs:
 Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu.
Layunin:
1. Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito.
2. Nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan.
3. Naipapahayag ang pagtugon ng bawat isa sa mga isyu at hamong panlipunang kinahaharap
sa kasalukuyan.

Araw at Oras Learning Task (Gawaing Pagkatuto)


September 15, 2021 Paghahanda para sa isang makabuluhang araw.
September 22, 2021
3:00-3:10

3:10-3:15 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng


ehersisyo kasama ang miyembro ng ating pamilya.

3:15-3:25 PANIMULANG GAWAIN


Sa pasimula ng aralin, hayaan munang magkwento o maglahad ang mag-
aaral ng ilang isyu na kanyang narinig o nabasa o napanood tungkol sa mga
pangyayari o usapin sa ating bansa.
Matapos ang maikling kwentuhan. Ibigay sa kanya ang unang module-
Isyu at Hamong Panlipunan at ang inihandang sagutang papel na kaniyang
gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang pagsasanay. Ang lahat ng mga
gawain o pagsasanay sa modyul na ito ay sasagutan o gagawin sa iyong
sagutang papel. Maaaring magdikit o istapler kung hindi sapat ang
nakalaang bahagi. Kung may bahaging hindi naunawaan maaring tanungin
ang inyong Guro sa pamamagitan ng pag mesahe sa learners group o text .
SUBUKIN
3:25-3:35
 Pasagutan mo ang unang pagsasanay sa pahina 2-4 ng modyul.
1. Ang mga pangyayari o mga suliranin na pinag-uusapan sa bawat sulok
ng ating bansa.
A. Headline News C. Social Issues
B. Contemporary Issues D. Sociological Imagination
Tandaan: Maaari mong basahin ang mga tanong gayundin ang mga
pamimiliang sagot. Matapos mong pamasagutan ang mga tanong ay buksan
ang modyul 1 sa pahina 5 upang mabasa ang panimulang pahayag ukol sa
aralin.
3:35-3:45 BALIKAN
 Sa parteng ito ng modyul, maari mong ipabasa at ipasuri ang nilalaman
na nasa pahina 5 tungkol sa Ekonomiks.
Paano mo maiuugnay ang mgasalita sa loob ng kahon sa iyong
pagkakaunawa sa Ekonomiks?
TUKLASIN
3:45-3:55
 Sa bahaging ito ay kailangang hanapin ang mga salita sa kanang bahagi
sa loop a word, ito ay nasa pahina 6 ng modyul.
Panuto: Hanapin ang mga salita sa ibaba sa loob ng kahon. Ang mga
salitang iyong
mahahanap ay lubhang mahalaga para sa talakayan. Tandaan lahat ng
iyong magiging sagot ay ilalagay sa iyong sagutang papel
3:55-4:30
SURIIN
 Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras sapagkat
tatalakayin ninyo ang nilalaman ng aralin. Dito susuriin ng mag-aaral sa
pahina 6-13 ang mga leksyon tungkol sa:
A. KONTEMPORARYONG ISYU pahina 6-8,
B. LIPUNAN pahina 8-10
C. KULTURA pahina 10- 12 at
D. SOCIOLOGICAL IMAGINATION pahina 13.
Tandaan: Siguraduhing maayos at tamang mailalahad ang nilalaman ng
aralin. Magkaroon ng maganda at kawili-wiling talakayan kasama ang
inyong anak. Sa mga bahaging nagbibigay ng agam agam maaring itanong
sa guro sa pamamagitan ng inyong learners group maari din padalhan ng
mensahe ang guro sa pamamagitan ng text o messenger.

September 17, 2021 PAGYAMANIN


September 24, 2021 Sa parteng ito, masusukat mo kung lubos ba nilang naunawaan ang
konsepto ng aralin. Sagutan ang pagsasanay sa pahina 15 -17.
3:00-3:45
C-Larawang Guhit Ko; p. 15 Gumuhit ng larawan na magpapakilala sa mga
elemento ng kultura.
E. Paghahambing; p. 16-17 Buoin ang graphic organizer sa ibaba sa
pamamagitan ng paghahambing sa pagitan ng isyung personal at isyung
panlipunan.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng inyong anak ang
3:45-3:55 inihandang pagsasanay. Sundin nang tama ang bawat panuto sa
pagsasanay.
ISAISIP
 Sa bahaging ito mo ibubuod ang aralin gamit ang inihandang gawain sa
pahina 17.
Bakit mahalagang maunawaan mo ang mga konseptong may kinalaman
sa
lipunan?
Tandaan: Maaari mong bigyan ng mga halimbawang sitwasyon ang iyong
anak/kapatid na makatutulong upang mabuo nya ang pagbubuod ng
3:55-4:05 talakayan. Maari din tanungin ang guro sa pamamagitan ng pag text o
pagbibigay mensahe sa pamamagitan ng messenger

ISAGAWA
 Sa bahaging ito ay aanalisahin ng mag-aaral ang mga sitwasyon na
nararansan ng karaniwang Pilipino batay sa naging talakayan. Ito ay
matatagpuan sa pahina 18-19.

Sa pamamahagi ng ayuda mula kay Mayor Susan ay nagdulot ng


kaguluhan sa
Barangay 1115, ano ang dapat gawing ng Kapitan upang masolusyonan
ang
kaganapan. Magbigay ng maaaring maging slogan upang maayos ang
kaguluhan.
4:05-4:15
Tandaan: Kailangang masagot ang katanungan, “Paano nagkakaroon ng
ugnayan ang isyung personal at isyung panlipunan?
Sa bahagi ng sociological imagination, paano magagawan ng paraan ang
suliranin ng lipunan.”

TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung nakuha ba ng mag-aaral ang tamang
konsepto ng aralin sa pahina 19-21.
Ang mga elemento ng institusyong panlipunan.
A. Pamilya,Paaralan,Ekonomiya,Pamahalaan,Pananampalataya
B. Norms,Values,Symbols,Beliefs
C.Institusyon,Status,SocialGroup,Gampanin
4:15-4:30 D. Pamilya,Paniniwala, Paaralan ,Pagpapahalaga
Tandaan: Muli ay gabayan ang mag-aaral habang sinasagutan ang
bahaging ito subalit napakahalaga na ang sagot ay magmumula mismo sa
sariling pagsisikap ng mag-aaral.
KARAGDAGANG GAWAIN
 Ngayon ay maaari nang maglaan ng oras ang mag-aaral upang magsagot
sa Karagdagang Gawain na nasa pahina 22 at pahina 23.
Magsisilbi itong unang Performance task 1
Gumawa ng isang journal tungkol sa iyong natutuhan.Maglagay ng isang
hanggang dalawang larawan na nagpapakita ng iyong ginagawang
pagpupursige sa pag-aaral.
TANDAAN MO:
Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong anak nang buong ngiti at
may pagmamalaki. Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang
magsumikap sa mga susunod pang mga aralin.

MODE OF DELIVERY / PARAAN NG PAGSUSUMITE NG AWTPUT:


 Ang mga Magulang / Taga pangalaga ay ibibigay ang modyul at sagutang papel sa Gurong taga
payo/ Guro sa ibinigay na takdang araw at oras ng pagbabalik ng modyul.
Inihanda Ni : Binigyan Pansin Ni:

MA. CONCEPCION A. GUANSING ISABELITA S. CANOZA


A. P. TEACHER Assistant Principal II

You might also like