You are on page 1of 1

Gene Padua Mod 10 Isagawa

Dalagang nauulanan

Maraming aral ang aking nakuha habang ako’y lumalaki, bata pa lamang ako kaya alam kong marami pa
akong kakaharapin. Natuto akong mabuhay nang magisa dahil ofw ang mga magulang ko, alam kong
matibay ako kahit puro ako iyak kapag may problema dahil ako lamang ang tumutulong sa sarili ko. Sabi
nga nila, bestfriend mo ang sarili mo. No man is an island, and no man is a city. Kaya dapat matuto kang
makisama sa iba at sa sarili mo. Hindi lahat may oras sayo kaya dapat ikaw may oras para sa sarili.
Nahihirapan ako sa lahat ng bagay, pero nakakaya naman. Noong una, galit ako sa magulang ko dahil
iniwan nila kami dito at binigay responsibilidad ng pagbili pagkain at pagbayad ng bills saamin. Pero
habang lumalaki ako, nauunawaan ko na kung bakit kailangan nila kami iwan. Mahirap talaga ang buhay.
May kasabihan na kapag may bagyo, may rainbow naman pagkatapos. At dahil may pinagdadaanan pa
ako, nauulanan pa ako. Sana’y lumikas ang bagyo, ayun lamang po.

You might also like