You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 10

SUMMATIVE TEST #3
NAME______________________________________________________
SECTION__________________________________

PANUTO: ISULAT ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA PATLANG BAGO ANG BILANG.
_____1. Kaakibat ng magandang epekto ng globalisasyon ay ang mga suliraning nakaaapekto sa
maraming bilang ng mga Pilipino. Bakit kailangang makialam ang pamahalaan sa mga gawaing pang-
ekonomiya mas lalo na sa kalakalang panlabas?
A. Mahikayat ang mga dayuhang namumuhunan sa bansa upang magbigay sigla sa naghihingalong
ekonomiya ng bansa.
B. Matakot ang mga lokal na namumuhunan upang hindi makasabay ang mga ito sa kompetisyon laban sa
malalaking dayuhang negosyante.
C. Mahikayat ang mga dayuhang namumuhunan at bigyang-proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa
kompetisyon laban sa lokal na negosyante.
D. Mahikayat ang mga lokal na namumuhunan at bigyangproteksiyon ang mga ito upang makasabay sa
kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante.
_____2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapaliwanag kung paano makakatulong sa mga
lokal na namumuhunan ang pagbibigay ng subsidiya sa kanila ng pamahalaan?
A. Makakatulong ang anumang pagsasaliksik kung paano mapapalago ang ani ng mga dayuhang
magsasaka.
B. Makakatulong ang paghihikayat ng pamahalaan ng mga dayuhang namumuhanan upang magkaroon ng
negosyo sa bansa.
C. Makakatulong ang anumang tulong pinasyal na magagamit ng mga lokal na namumuhunan upang
mapalago ang kanyang negosyo.
D. Makakatulong ang pagbabantay ng pamahalaan sa mga hangganan ng teritoryo ng bansa upang
walang makapuslit ng mga produkto na makakasira sa agrikultura ng bansa.
_____3. Ang mga sumusunod ay ilang mahahalagang dimensiyon ng kalakalan na binibigyang-pansin ng
pagkakaroon ng patas at pantay na kalakalan o Fair Trade maliban sa isa:
A. Paglaban sa terorismo
B. Paggawa ng mga produktong ligtas sa lahat.
C. Pagbibigay ng sapat at ligtas na trabaho sa kababaihan at mga bata
D. Pangangalaga ng karapatan ng mga manggagawa (hal.pagbuo ng unyon)
_____4. Saang kontinente makikita ang “the bottom billion”?
A. Asya at Aprika
B. Antarctica at Ocenia
C. Gitna at Timog Amerika
D. Europa at Hilagang Amerika
_____5. Paano matutulungan ng mga mauunlad na bansa ang “The Bottom Billion”?
A. Madaling paglipat ng kaalamang teknolohikal
B. Paggawad ng tulong pinansyal na walang hinihintay na kapalit
C. Pagkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa kahirapan
D. Lahat ng nabanggit
_____6. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon
na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong pulitikal at ekonomikal ng mga bansa sa
mundo.
_____7. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa B. Ekonomiya C. Migrasyon D. Globalisasyon
_____8. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na
matagal ng naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking
industriya
_____9. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa
migrasyon ang inilalarawan dito
I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang nagpupunta sa Pilipinas.
II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians bilang managers ng mga
industriyang nabanggit.
A. Globalisasyon ng migrasyon
B. Mabilisang paglaki ng globalisasyon
C. Peminisasyon ng globalisasyon
D. Migration transition
_____10. Ang liberisasyon ay kalakalang walang taripa at kota. At karamihan sa mga bansa ngayon ito ay
kanilang ipinatutupad. Ang mga sumusunod ay mabuting dulot nito sa ekonomiya ng isang bansa, maliban
sa?
A. Pamumuhunan ng mga dayuhang negosyante
B. Pagkakaroon ng empleyo ng mga walang trabaho.
C. Pagbabayad ng mataas na bahagdan ng buwis ng mga mamamayan
D. Paghubog sa kasanayan ng mga manggagawa dahil sa teknolohiya.
_____11. Ito ay buwis na ipanapataw sa mga produktong inaaangkat mula sa ibang bansa.
A. Income Tax B. Tariffs C. Sin Tax D. VAT
_____12. Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng
bukas na negosasyon sa pagitan ng mamimili at nagbebenta.
A. Fair Trade
B. Globalisasyong ekonomiko
C. Guarded Globalization
D. Kalakalang Panlabas
_____13. Puro hindi mabubuti ang naidudulot ng globalisasyon sa buhay ng mga Pilipino.
A. Tama B. Mali C. Madalas D. Minsan
_____14. Nakikilala ang produktong gawa ng mga Pilipino sa ibang bansa dahil sa pakikipagkalakalan.
B. Tama B. Mali C. Madalas D. Minsan
_____15. Ito ang tawag sa mamamayang mahihirap na matatagpuan sa iba’t ibang bansa.
A. Bottom Billion B. Developing Countries C. First World D. Third World

PERFOMANCE TEST #3

Suriin ang sitwasyon. Sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap, isulat sa loob ng kahon ang inyong nabuong
mungkahi sa Pangulo.

Rubriks sa Pagsulat ng Mungkahi

Pamantayan Deskripsyon Puntos

Paglalahad ng sariling saloobin Napakaliwanag ng paglalahad mungkahi sa Pangulo 10

Pagpapahalagang natalakay sa Natukoy ang mga mahahalagang punto na natalakay sa aralin 7 10


aralin

Pagsasabuhay ng mga Makatotohanan ang binanggit na mungkahi sa Pangulo 10


pagpapahalagang natutunan

You might also like