You are on page 1of 2

KEYPOINTS KOMPONENTS

Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo (kakayahang lingguwistiko o gramatikal)

Canale at Swain (1980-1981) - may tatlong komponent para sa unang framework o modelo o Kaalaman at
kakayahang gramatikal, sosyolinggwistiko, at istratedyik.

Canale (1983,1984) - binuo ang ikaapat na component wq kakayahang diskorsal mula


sa kakayahang sosyolingguwistiko.

Canale at Swain (1980-1981)- Ang kanilang kakayahang linggwistiko ay kapareho lang raw ng kakayahang
gramatikal ni Chomsky (1965). Kaya naman, ang iba pang mga dalubwikang gumamit sa modelo nina Canale
at Swain tulad ni Savignon (1983) ay tumutukoy na rin sa kakayahang lingguwistiko bilang kakayahang
gramatikal.

Kakayahang Gramatikal – (Canale at Swain ) ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa


ponolohiya,morpolohiya,sintaks,semantika gayundin ng mga tuntuning pang-ortograpiya.

Kakayahang Gramatikal - magbibigaykakayahang sa taong nagsasalita upang magamit


ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng
mga salita.

Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o Kakayahang Gramatikal (Celce-Murcia,


Dornyei, at Thurell (1995))

Sintaks (pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan)


• Estruktura ng pangungusap
• Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
• Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos, padamdam)
• Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan)
• Pagpapalawak ng pangungusap
Morpolohiya (mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang bahagi ng pananalita)
• Iba't ibang bahagi ng pananalita
• Prosesong derivational
mga salita na nagbabago ang kahulugan kung nalagyan ng panlapi.
Halimbawa: ▪ tubig(pangngalan) + an = tubigan(lagayan)
• Prosesong inflectional
ang gramatikang kahulugan ng slaita na may karugtong na panlapi/parirala ay hindi nagbabago.
Halimbawa: ▪ Estudyante = 1 (isa)
▪ Mga estudyante = marami
• Pagbubuo ng salita
Halimbawa: dasal - nagdasal
bili - bumili
linis - nilinis
Leksikon (mga salita o bokabularyo)
• Pagkilala sa mga
▪ content words (pangalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)
▪ function words (panghalip, mga pang-ugnay tulad ng pangatnig, pang-ukol, pang-angkop)
• Konotasyon
Ito ay ang pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita
Halimbawa: “Tunay na si Angelo ay may ginintuang puso.”
• Denotasyon
Ito ay ang kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo.
Halimbawa: “Tunay nang may gintong alahas na iniingatan si Angelo.”
• Kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita)
Halimbawa: Puso ng saging = Bunga ng saging na ginugulay
Nagdurugong puso = Nagdaramdam

Ponolohiya o Palatunugan
• Segmental
▪ Katinig, patinig, tunog
Halimbawa: Pala - bala
Titik - titig
Sipag - hipag
•Suprasegmental
▪ Diin, intonasyon, hinto
Halimbawa: BU : hay - Kapalaran ng tao
bu : HAY - Humihinga pa

Ortograpiya
• Mga grafema
▪ titik at di titik
• Pantig at palapantigan
• Tuntunin sa pagbaybay
• Tuldik
• Mga bantas (tuldok, pananong, padamdam, kuwit, kudlit, gitling, tutuldok,
tutuldok-kuwit, panipi, panaklong, tutuldok-tutuldok)

You might also like