You are on page 1of 8

ANG WIKA

WIKA:
• Isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang
simbulo. (Webster 1974).
• Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. (Archibald
Hill, What is language)
• Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Henry Gleason)
• Koleksyon ng iba’t-ibang simbolo at mga salita na nagpapahayag ng kahulugan. Ito ay nagsisilbing
behikulo upang maipahayag natin ang ating mga kaisipan, mga saloobin at nararamdaman.
KATANGIAN NG WIKA:
1. Ang wika ay masistemang balangkas.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
3. Ang wika ay arbitraryo.
4. Ang wika ay ginagamit.
5. Ang wika ay nakabatay sa kultura.
6. Ang wika ay nagbabago.
BALANGKAS NG WIKA
1. Ponema - tawag sa makahulugang tunog ng isang wika.
Halimbawa:
Ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay
mabubuo ang salitang lumipat.
BALANGKAS NG WIKA
2. Morpema - mga nabuong salita.
Tatlong Uri ng Morpema
A. Salitang Ugat
B. Panlapi
C. Ponema
BALANGKAS NG WIKA
3. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap.
Halimbawa:
Uminom siya ng tubig.
Umiinom siya ng tubig.
BALANGKAS NG WIKA
4. Sintaks – Istraktyur na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
Halimbawa:
Ang ulap ay makulay.
Mataas ang puno.
Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (Hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)
PANGUNGUSAP
• Ang pangungusap ay isang salita o pangkat ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa o
kaisipan. Sa pamamagitan nito, napapahayag natin ang ating naiisip at nararamdaman. Ito ay susi
ng pagkakaunawaan ng tao.

DISKURSO
• Ito ay makabuluhang palitan ng mga pangungusap. Isa rin itong paraan ng pagpapahayag, sulat
‘man o pahayag.

You might also like