Professional Documents
Culture Documents
0 10-July-2020
ARALIN 3
PONOLOHIYA
(Palatunugan)
MODULE OVERVIEW
Tayo ay nasa ikatlong bahagi na ng ating silabus at ang paksang nakapaloob dito ay
inihanda upang matukoy mo kung paanong ang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay
binubuo ng mga tunog. Sisimulan natin ang pag-aaral sa Filipino sa pamamagitan ng pag-aaral sa
mga tunog na bumubuo dito ngunit hindi natin ganap na mauunawaan ang ating tinatalakay kung
hindi aalamin muna ang mga sangkap na ginagamit natin sa paglikha ng nasabing mga tunog sa
ating pagsasalita.
Anupa't magiging madali at malinaw ang pag-aaral sa alinmang bahagi o antas ng Filipino
kung magkakaroon muna tayo ng sanligang kaalaman sa ponolohiya o palatunugan nito.
1. Nagagamit ang Unang Wika, Filipino at Ingles sa pag-unawa sa palatunugan ng wikang Filipino
at iba pang mga piling wikang lokal.
2. Naipakikita ang kaalaman sa paggamit ng iba’t ibang estratehiya na nalilinang ang kritikal at
mapanuring pag-iisipsa paglalarawan sa ponolohikal na estruktura ng isang wika.
3. Nabibigkas nang wasto ang mga ponema batay sa tono, haba, diin at hinto
LEARNING CONTENTS (Mga Bahaging Ginagamit sa Pagsasalita, Ang Pagsasalita, Ponolohya ng Filipino)
Bigyan natin ng pangalan ang saggital diagram sa ibaba. tawagin natin itong OSCAR o
anumang karaniwang ngalan ng tao. may tawag tayo sa bawat bahagi ni OSCAR na
ginagamit sa pagsasalita, gay ng makikita sa ibaba.
Nagbabagu-bago ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig dahil sa panga at sa dila na
kapwa malayang naigagalaw. ang dila ay napapahaba, napapaikli, napapalapad, napapapalag,
naitutukod sa ngipin o sa ngalangala, naikukukob, naililiyad o naiaarko ayon sa tunog na gustong
bigkasin. nabibigkas ang mga patinig sa pamamagitan ng pagtaas at pagbaba ng alinman sa
tatlong bahagi ng dila-- harap, sentral, likod-- at sa pamamagitan ng pagbabagu-bago sa hugis at
espasyo ng bibig, kasama na ang mga labi na dinaraanan ng tinig. at dahil sa pagbabagu-bagong
ito ay napag-iiba-iba rin ng nagsasalita ang korte ng mga tunog na lumalabas sa kanyang bibig.
B. Ang Pagsasalita
Ang interaksyong nagaganap sa tatlong salik na ito ay lumilikha ng alon ng mga tunog. at
gaya ng alam natin, ang hangin ang nagiging midyum o pahatiran ng mga alon ng tunog na siya
naman nating naririnig.
LEARNING ACTIVITY 1
1. 8
2
9
3
10
4
11
5
12
6
13
7
14
15
C. PONOLOHIYA NG FILIPINO
Bawat wika ay may kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng makabuluhang mga tunog.
sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang
kinasasamahan nito sa sandaling ito'y alisin o palitan. Ang salitang bansâ halimbawa, ay mag-iiba
ng kahulugan kapag inalis o pinalitan ang / s / - baňa 'small lake' , bantâ 'threat'. Samakatwid, ang /
s / ay isang makabuluhang tunog sa Filipino ay tatawagin nating ponemang segmental o ponema.
Ang Filipino ay may 21 ponema-- 16 sa mga ito ang katinig at 5 naman ang patinig.
Mga Katining - / p, t, k, ʔ, b, d, g, m, n, n, s, h, l, r, y, w/
Mga Patinig - / i, e, a, o, u/
a. Mga Katinig. Ang katinig ng Filipino ay maiaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon
at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m.t) o walang tunog (w.t.), gaya ng makikita sa
tsart sa ibaba.
Mga Ponemang Katinig ng Filipino
PUNTO NG ARTIKULASYON
PARAAN NG Pang- Pang- Pangngalangala
Panlabi Glottal
ARTIKULASYON ngipin gilagid Palatal Velar
Pasara
w.t. p t k ʔ (-)
m.t b d g
Pailong
m.t. m N Ŋ - ng
Pasutsot
w.t. S h
Pagilid
m.t. L
Pakatal
m.t. R
Malapatinig
m.t. y w
Sa punto ng artikulasyon ay inilalarawan kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang saglit
na pagpigil o pag-abala sa papalabas na hangin sa pagbigkas ng isang katinig. Mailalarawan ang
mga katinig ng Filipino sa pamamagitan ng limang punto ng artikulasyon, gaya ng mga sumusunod:
2) Pangngipin - ang dulo ng dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas. / t, d, n/
2) Pailong- ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong
dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya'y dahil sa pagbaba ng velum o malalambot na
ngalangala ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas. /m, n, Ŋ/
3) Pasutsot- ang hanging lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit
sa punong gilagid. /I/
5) Malapatinig- kaiba sa mga katinig, dito'y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng
labi o dila patungo sa ibang pusisyon. /w, y/ Sa /w/ ay nagkakaroon ng glayd o
pagkakambyo mula sa puntong panlabi-papasok; samantala, ang /y/ ay ang kabalikan nito--
palabas. Ito ang dahilan kung bakit hindi isinama ang mga ito sa paglalarawan ng punto ng
artikulasyon ng mga katinig.
b. Mga Patinig. Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos din sa tsart ayon naman sa kung
aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig - unahan, -sentral, likod--
at kung ano pusisyon ng nasabing bahagi sa pagbigkas-- mataas, nasa gitna o mababa.
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a
LEARNING ACTIVITY 2
A. Ilagay ang ponemang dapat mapalagay sa bawat bilang. Ang unang bilang ay may
sagot na.
PUNTO NG ARTIKULASYON
PARAAN NG Panla Pang- Pang- Pangngalangala
Glottal
ARTIKULASYON bi ngipin gilagid Palatal Velar
Pasara
w.t. p1 -4 -11 -15
m.t -2 -5 -12
Pailong
m.t. -3 -6 -13
Pasutsot
w.t. -7 -16
Pagilid
m.t. -8
Pakatal
m.t. -9
Malapatinig
m.t. -10 -14
A. MGA DIPTONGGO
Ang mga diptonggo ng Filipino ay aw, iw, iy, ey, at uy. Alinmang patinig na
sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig, ito ay
napapasama na sa sumusunod na patinig, kaya't hindi na maituturing na diptonggo. Ang
"iw", halimbawa, sa 'a-liw' ay diptonggo. Ngunit sa "a-li-wan" ay hindi na ito maituturing na
isang diptonggo sapagkat ang "aw" ay napagitan na sa dalawang patinig. Ang magiging
pagpapantig sa "aliwan" ay a-li-wan at hindi a-liw-an.
Mababa aw, ay
B. MGA KLASTER
/p/ x x x x
/t/ x x x x
/k/ x x x x
/b/ x x x x
/d/ x x x
/g/ x x x x
/m/ x x
/n/ x x
/l/ x x
/r/ x x
/s/ x x
/h/ x x
Ang mga halimbawa ng mga klaster na mahahango sa itaas ay gaya ng mga sumsusunod:
pwede, pyano, preno, plano, twalya, tyangge, trabaho, tsinelas, kwago, kyosko, krus, klase,
bwaya, byenan, braso, blangko, lwalhati, lyabe, sweldo, hweteng, rehyon.
mesa uso
misa oso
tela mura
tila Mora
Ngunit may mga pagkakataon na ang /i/ at /e/, gayundin ang /u/ at /o/, ay hindi
nagkokontrast o nasasalungatan.
Halimbawa:
lalaki tutoo
lalake totoo
bibi nuon
bibe noon
Pansinin sa mga halimbawa na malayang nagpapalitan ang /i/ at /e/, gayundin ang
/u/ at /o/, kung ang pantig na katatagpuan ng dalawang ponema ay walang diin (stress).
Ang isang kataliwasang mababanggit dito ang pares minimal na butuhan:botohan na kahit
ang diin ay wala sa /u/ at /o/ ay nagkokontrast pa rin.
LEARNING ACTIVITITY 2
B. Suriin ang bawat salita. Kung may klaster o mga klaster ang salita, isulat ang
klaster sa katapat na patlang.
C. Lagyan ng tsek (/) ang mga pares minimal dahil nagkokontrast ang dalawang
ponema.
A. Ang Glottal na Pasara o Impit na Tunog. Ang bilang ng mga katinig ay naging labing-
anim sa halip na labinlima lamang dahil sa ponemang glottal na pasara. Sa Matandang
Balarila, gaya ng nabanggit na, ay tinatawag itong impit na tunog. Nabanggit na ring ang
ponemang ito ang nakapagpapagulo nang kaunti sa palabaybayang Filipino sapagkat kahit
ito'y itinuturing na isang ponema, kaiba sa ibang ponema, hindi ito inirerepresenta ng titik o
letra.
b. Inirerepresinta ito ng gitling (-) kapag ito'y nasa loob ng salita sa pagitan ng katinig
at patinig, tulad halimbawa sa mga salitang may-ari, mag-alis, pang-ako, atbp. Pansinin na
kapag inalis ang gitling na kumakatawan sa ponemang glottal na pasara ay mag-iiba ang
kahulugan ng mga salita: mayari, magalis, pangako. Ang gitling na nagrerepresinta ng
glottal na pasara ay karaniwan nang matatagpuan sa pagitan ng panlapi na nagtatapos sa
katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig.
B. Mga Ponemang Suprasegmental. Ang mga ponema ay tintawag ding mga ponemang
segmental. Napag-aralan natin na bawat wika ay may sariling set o takdang dami ng mga
ponemang segmental. Ang Filipino ay may 21 ponemang segmental.
Pansinin na ang mga ponemang hiram sa wikang Kastila-e, o at r- ang mga
malayang nakikipagpalitan sa kahawig nitong mga ponema-i, u, at d. Isa pa, nagkakaroon
lamang ng malayang pagpapalitan kapag ang mga ponema ay wla sa pantig na may diin
nng salita. Sa ibang salita, nagkontrast ang /d/ at /r/ sa pares minimal na diles-riles sapagkat
ang mga ito ay nasa pantig na may diin.
Sa modyul na ito, apat ang kikilalanin nating mga ponemang suprasegmental: tono,
(pitch), haba (length), diin (stress) at antala (juncture). Ang tono ay tumutukoy sa taas-baba
ng bigkas sa pantig ng isang salita, ang haba ay sa haba ng bigkas sa patinig ng pantig, ang
diin ay sa lakas ng bigkas ng pantig at ang antala ay sa saglit ng pagtigil na ating ginagawa
sa ating pagsasalita.
a. Tono. Gaya ng nabanggit na, ang tono ay ang taas-baba na iniuukol natin sa
pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap
sa ating kapwa. Ang totoo, ang pagsasalita ay tulad din ng musika na may tono -- may
bahaging mababa, katamtaman, mataas, o mataas na mataas ang tono. Ngunit bakit nga
ba tinawag na ponemang suprasegmental ang tono? Mangyari pa'y alam na natin sa
bahaging ito na ang ibig sabihin ng supresegmental ay pantulong sa ponemang segmental;
na higit na nagiging mabisa ang ating paggamit ng 21 ponemang segmental sa ating
pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng mga pantulong o suprasegmental na tono, haba,
diin at antala.
b. Haba at Diin. Talakayin natin nang magkasama ang haba at diin para sa lalong
ikalilinaw ng gampanin ng mga suprasegmental na ito. gaya ng natatalakay na, ang haba ay
tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita. Ang
diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
Ang Filipino (batay sa Tagalog na buhat sa angkang Malayo-Polinesyo) ay
sinasabing syllable-timed, samantalang ang Ingles (buhat sa angkang Indo-Europeo) ay
sinasabi namang stress-timed. bawat wika, gaya ng natalakay na natin sa dakong una, ay
may kanya-kanyang natatanging kakanyahan, hindi lamang sa set ng mga ponemang
segmental, sa pagbuo ng mga pantig, salita at pangungusap, kundi gayon din sa mga
ponemang suprasegmental.
Ang tatlong suprasegmental na tono, haba at diin, sa pagbigkas ng isang salita, ay
karaniwang nagkakasama-sama sa isang pantig nito. Halimbawa, kapag binigkas natin nang
karaniwan ang salitang halaman, ang tono, haba at diin ay sama-sama sa pantig na -la. Sa
ibang salita, ang pantig na -la- ay mataas at malakas ang bigkas kaysa ibang kasamang
pantig na ha- at -man.
Ngunit ang tatlong suprasegmental na ito ay may iba't ibang halaga sa bawat wika.
May mga wika na higit na mahalaga ang tono, tulad ng mandarin at Thai na itinuturing na
tone languages. At may mga wika namang higit na mahalaga ang diin tulad ng Filipino at
lahat ng mga wikang katutubo sa Pilipinas na buhat sa angkang Malayo-Polinesyo.
c. Antala. Nabanggit na rin natin na ang antala ay ang saglit na pagtigil sa ating
pagsasalita nupang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahatid sa ating
kausap. Hindi marahil nangangailangan ito ng masusing talakay o paliwanag. Kunin nating
halimbawa ang pangungusap na "Hindi puti." na ang ibig sabihin sa Ingles ay "It's not white."
Ngunit kung lalagyan natin ng antala ang pagitan ng "hindi" at "puti", kayat magiging "Hindi,
puti". makikita nating mababaliktad ang kahulugan ng pangungusap at magiging " No, it's
not white." Sa pasulat na pakikipagtalastasan, ang antala ay inihuhudyat ng kuwit, mga
tuldok, ng semi-kolon o ng kolon.
.
SUMMARY (PAGLALAGOM)
REFERENCES
Abad, Marietta A. et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. SLA Publishing House Dagupan City: 2008.
Arrogante, Jose A. Filipino Pangkolehiyo. National Book Store. San Jose Quezon City: 2000.
Batnag, Aurora E. et al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Rex Book Store
Publishing House. 2016.
Gines, Adelaida C. et. al. A Reviewer for the Licensure Examination for Teachers – Filipino. Philippine Normal
University, Manila: Philippines, 2013.
Javier, Clarita G. et. al. Sandigan ng Komunikasyon para sa Kolehiyo Ikalawang Edisyon. Academic
Publishing Corporation. Madaluyong City: 2001.
Santiago, Erlinda M. & Inocencio, Evelina T. Ang Sining ng Pakikipagtalastasan sa Kolehiyo. National Book
Store. Madaluyong City: 2007.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G. Makabagong Balarilang Filipino, Binagong Edisyon. Maynila: Rex
Book Store. 2003.
MODYUL 4
GABAY NG KURSO para sa FIL 104
(ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO)
ARALIN 4
PALABAYBAYANG FILIPINO