You are on page 1of 4

Buod ng State of the Nation Address 2021 ni Pangulong Duterte

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pang-anim at huling State of the
Nation Address (SONA) noong Hulyo 26, Lunes ng hapon.

Duterte: Kaunting bisyon, mas maraming pagbalik- tanaw.


Sa unang bahagi ng kanyang talumpati, binanggit ng Pangulo na mayroon na ang Pilipinas ng
libreng eduksyon, unibersal na pangangalaga ng kalusugan. Binanggit niya na kaunti ang
bisyon at mas maraming pagbabalik- tanaw ang pagtatapos ng kanyang ng termino.
Ipinaliwanag niya na hindi ito dahilan para pagsisihan o paghinayangan kung ano sana ang
nangyari kung hindi ito ay para sunugin ang nga di-inaasahang pangyayari at dagling
matugunan ito

Usapin ukol sa mga Pulis at Sundalo


Binanggit ng Pangulo ang pagtaas ng sahod ng ating mga sundalo at kapulisan noong 2018
na katugma ng mahalagang papel na kanila ginagampanan. Pagkatapos nito, hiniling sa
Kongreso ni Duterte na ipasa ang panukalang batas para sa pensiyon ng mga sundalo at
uniformed personnel. Nanawagan rin ang Pangulo na magpasa ng batas na magbibigay ng
libreng aid sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Ayon sa pa sa kanya, ito ay upang matulungan ang mga ahensiya kung sila ay masakdal
kaugnay ng pagtupad sa kanilang tungkulin.

Usapin ukol sa mga Komunista


Ipinahayag ng Pangulo ang kanyang papuri sa National Task Force to End Local Communist
Armed Conflict o NTF-ELCAC dahil umano sa pagkabuo nito, malayo ang narating ng ating
bansa sa pagtugon sa mga ugat ng komunismo. Ipinaliwanang niya na ang mga komunidad
na dating pugad ng mga komunista ay nabigyan ng panibagong buhay na makakaya nilang
ipagpatuloy Inilinaw rin ng Pangulo ang kanyang utos sa militar na kapag nakakita ang mga
ito ng palakad-lakad na komunista ay marapat na barilin ito hanggang mamatay, at ang
pagpatay dito ay magdudulot sa kanya ng kasiyahan. Dinagdag rin ng Pangulo ang mga
bintang sa kanya ng ICC at dahil dito, ipinaliwanag niya na nararapat lang na dagdagan ang
mga papatayin na tao lalo na't kung isa naman ito sa mga dahilan ng lubhang pagkasira ng
ating bansa.

Usapin ukol sa Rehabilitasyon ng Marawi


Ipinahayag ng pangulo na ang pagwawagi natin sa digmaan na naganap sa Marawi ay isang
patunay na mas malakas ang pagkamakabayan ng mga Filipino. Dagdag pa niya, walang
puwang ang mga manggugulo sa bansang Pilipinas. Ipinahayag niya rin na hindi pa tapos ang
pagpapabangon ng Marawi. Ipinarating niya naman sa Task Force Bangon Marawi na
kailangan nang madaliin at tapusin kung ano mang kailangan gawin upang maisayos muli ang
lungsod na sinira ng digmaan at upang makauwi na rin ang mga pamilya sa kani-kanilang
tahanan.
Usapin ng ‘Giyera Kontra-Droga’
Ipinagmalaki ng pangulo na dahil sa pursigido ang kanyang kampanya sa giyera kontra-
droga, sumuko umano ang milyon-milyong gumagamit ng droga at napatay naman ang libo-
libong kasangkot sa dito.

Usapin ng Transportasyon at Impraestruktura

Ipinaliwanag ng Pangulo na dahil umano sa komprehensibong reporma ng gobyerno sa


buwis, nakalikom sila ng pondo upang makapagpatayo ng mahahalagang impraestruktura.
Ipinunto niya na ang MRT3 ay isa sa mga halimbawa nito. Kung dati ay dalamhati ang inaabot
ng mga bagbibiyahe ngayon ay malaki na ang nabawas sa oras ng ipinaghihintay para
makasakay ang mga pasahero sa mga tren, dahilan ng magkapawi ng pagdurusa ng publiko
sa pagbibiyahe. Binanggit rin ng Pangulo na sa labas ng Metro Manila ay sinisimulan na ng
gobyerno ang ilang proyektong na pinakamakatutulong sa komunidad. Ipinaliwanag rin ng
pangulo na unahin ang buong Pilipinas at ihuli ang Davao dahil hindi umano sapat dahilan na
doon nagmula ang Pangulo para gawing prayoridad ang pagpapatayo ng impraestruktura rito.

Usapin ukol sa Nararapat para sa mga Filipino

Ayon sa pangulo, sa pakikipag-ugnayanng ating bansa sa mundo, ang patakaran natin ay


nanatiling malaya sa impluwensiyang banyaga, at nakasentro sa pagtataguyod at pagtatanggol
ng ating mga pangunahing pambansang interes. At patuloy tayong nakikipagtulungan sa lahat
ng bansa at tinitiyak na ang pakikisama natin sa kanila ay magbubunga ng mabuti Ipinarating
niya rin ang kanyang mensahe sa mga bansang kabilang sa ASEAN at sa buong mundo ang
kanyang pasasalamat. Ipinangako ng pangulo na tinitiyak niya na ang Pilipinas ay mananatiling
responsableng kasapi ng pandaigdigang komunidad, at makikipagtulungan sa mga ito upang
maabot ang ating magkakatulad na layunin. Ngunit iginiit ng pangulo na huwag magkakamali
ang mga bsansang ito sapagkat lumipas na ang mga araw na ang Pilipinas ay nagpapasiya at
kumikilos sa anino ng mga makapangyarihang bansa. Ipinahayag niya na igigiit ng Pilipinas
kung ano ang nararapat at ipaglalaban kung ito para sa mga Pilipino.

Usapin ukol sa COVID-19 Pandemic sa Pilipinas


Pinunto ng Pangulo na umaangat na sana ang ekonomiya ng Pilipinas at nakikipagsabayan
sa fastest-growing economies ng mundo, ngunit ito ay natigil dahil sa pandemya na dala ng
COVID-19. Ayon pa sa kanya, dinagdagan ng gobyerno ang kakayahan nilang magsagawa ng
testing. Ipinagmalaki niya na mayroon nang mahigit 260 na accredited laboratories sa buong
bansa na may kakayahang magsagawa ng ’di bababa sa 50,000 na test araw-araw. Dagdag pa
ng Pangulo, nagtayo na rin ang gobyerno sa buong bansa ng mahigit 9,000 na
pansamantalang monitoring and treatment facilities. Ukol naman sa malulubang kaso ng
COVID-19 sa ating bansa, binanggit niya na patuloy na tinitiyak ng ating walang pagod na
health workers ang pinakamahusay na pag-aalaga sa araw at gabi. Humingi naman ng
paumanhin ang pangulo sa mga susunod na babakunahan. Binanggit niya na marami pang
paparating na bakuna laban sa COVID-19, at darating din ang kanilang pagkakataon na
mabakunahan nito. Ipininto ng pangulo na napakalaki na ng nagastos ng ating gobyerno upang
palakasin ang ating kakayahang manaig laban sa pandemya at hindi na kakayanin ng ating
ekonomiya na sumailalim muli sa lock-down. Binigyang diin rin ng Pangulo na kailangang
nating manaig at hindi maparalisa sa takot at pagkabalisa dulot ng banta ng COVID-19 virus.
Inilahad niya na ang COVID-19 Delta Variant ay hindi maawat ang paglutang ng mga kaso sa
Indonesia, Thailand, India, at maraming bahagi ng Asya. Banggit pa niya, na ang variant na ito
ay higit na mas agresibo, mapanganib, at mas madaling magdulot ng kamatayan kumpara sa
orihinal na COVID-19.

You might also like