You are on page 1of 1

R – resulta ng pagpapahayag ng saloobin at kaalaman sa pamamagitan ng pagsasalin sa papel

O – ordinansa at mga batas ay nailalahad sa mga tao sa pamamagitan ng pagsulat


N – naituturing na pisikal na aktibidad dahil ito ay madalas na ginagamitan ng paggalaw ng
kamay
E – emosyon ng tao ay maaaring ihayag sa tekstuwal na pamamaraan kung hindi masabi sa bibig
L – layon nitong mapabuti ang interaksyon sa mga tao kahit na sila ay nasa magkalayong lugar

Ang pangunahing kahalagahan ng pagsusulat para sa ating mga tao ay ito ang nagsisilbing
paraan natin upang maipahayag ang ating mga saloobin, damdamin, at kaalaman. Ito ang
nagsisilbing daan upang mailahad ng mga tao ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng
tekstuwal na pamamaraan. Ang mga bagay na hindi kayang sabihin ng pasalita ay ginagawa sa
paraang pasulat. Bukod dito, pagsulat din ang ating gamit sa paglalahad ng ating mga kwentong
karanasan sa buhay na madalas na nagagamit sa paglalagay ng ating mga kwalipikasyon sa pag
aapply ng trabaho. Mayroon ding mga tao na gumagamit ng kanilang mataas na kaalaman at
kasanayan sa pagsusulat bilang kanilang propesyon tulad ng lamang mga journalist at script
writer. Pagsulat din ang ginagamit ng ilan upang magkaroon ng interaksyon at komunikasyon sa
mga taong malapit sa kanila na nasa ibang mga lugar na nahaluan na ng teknolohiya ngayong
modernong panahon. Gayundin ang mga batas, reporma, at mga ordinansa ng ating bansa ay
isinusulat ng mga nasa Senado at nilalagadaan ng ating Pangulo upang maipatupad sa ating
bansa o komunidad. Kalakip din ng pagbabasa ang pagsusulat na kung saan ito ang madalas na
paraan ng mga mag-aaral upang kanilang mas maintindihan at maisaulo ang kanilang mga aralin
sa eskwelahan. Napapangalagaan din natin ang ating kasaysayan sa pamamagitan ng pagsusulat
tulad ng pagtatala at pagdodokumento sa mga ito na atin ding ginagamit na reperensiya sa ating
mga ginagawang pag-aaral sa kasalukuyan. Ilan lamang ito sa mga kahalagahan ng pagsulat sa
ating mga tao na minsan ay hindi natin napapagtanto dahil nga kalakip na ng ating pang araw-
araw na pamumuhay ang pagsusulat.

You might also like