You are on page 1of 5

11/

12
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING
LARANG 11/12
(AKADEMIK)

MODYUL 5

Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng


akademikong sulatin. CS_FA11/12PU-0d-f-92

1
Aralin
5 Abstrak

MELC: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.


CS_FA11/12PU-0d-f-92

I. ALAMIN

A. Panimula
Ang abstrak ay isa sa mga pangunahing nilalaman ng isang tesis, aklat at disertasyon.
Naglalaman ito ng pahapyaw na kaalaman sa mambabasa upang magkaroon ng ideya kung
ano ang naging takbo ng isang sulatin. Sa araling ito ay makikilala at uunawain natin ang
pagsulat ng isang abstrak.

B. Pagtalakay
Ang Abstrak ay ang pinaikling deskripsiyon ng isang pahayag o sulatin. Sa mga
sulating pampanitikan maaaring ito ay bahagi ng isang buo at mahabang sulatin, aklat,
dayalogo, sanaysay, pelikula at iba pa na hinahango ang bahagi upang bigyang diin ang
pahayag o gamitin bilang sipi. Isa itong maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis,
disertasyon, reby, at papel-pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang gawain na
may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto. Kadalasang
makikita ito sa simula pa lamang ng manuskrikto, ngunit itinuturing ito na may sapat ng
impormasyon kung kaya’t maaaring mag-isa o tumayo sa kanyang sarili.

Karaniwang natatagpuan ang abstrak sa mga unang pahina ng akda. Sa mga aklat ay
maaari rinitong tawagin na paunang salita , sa mga tesis naman ay abstrak o pahapyaw na
buod. Narito ang mga nilalaman ng abstrak ng isang pananaliksik:

1. Pangalan ng mananaliksik, pamagat ng 4. layunin o kahalagahan ng nasabing pag-


pananaliksik, paaralan, address, taon kung aaral
kailan natapos 5. ang pamamaaraang ginamit
2. Tagapayo (kung mayroon) 6. ang kinalabasan ng pananaliksik
3. maikling panimula 7. konklusyon

Paalala: Ang mga abstrak ng isang pananaliksik ay maikli lamang sa sulating Ingles
ito ay binubuo lamang ng 1-2 pahina at sa Filipino naman ay 2-3 pahina lamang ng nasabing
papel.

Ang abstrak naman na matatagpuan sa mga aklat ay karaniwang inilalahad at


inilalarawan ang mga bahagi o nilalaman ng aklat at kung paano ito gamitin na nanggaling sa
manunulat.

2
II. MGA GAWAIN

Gawain 1
A. Panuto: Isulat sa patlang ang “PANANALIKSIK” kung ang mga bahaging
nakasulat ay nilalaman ng isang abstrak ng pananaliksik at “AKLAT” naman
kung ang mga bahaging nakasulat ay nilalaman ng abstrak ng isang aklat.

__________1. Tagapayo __________6. konklusyon


__________2. Mananaliksik __________7. Panimula
__________3. Bahagi ng nilalaman ng __________8. Pamamaraang sampling
aklat __________9. Manunulat ng aklat
__________4. Resulta __________10. Mensahe ng manunulat
__________5. Inaasahan ng manunulat

Gawain 2

B. Panuto: Itala ang mga nilalaman ng isang abstrak.

Gawain 3

Panuto: Sumulat ng isang talata patungkol sa kahalagahan ng isang abstrak.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

Pamantayan ng Pagbibigay puntos:

Nilalaman ng ideya 5 puntos


Kaayusan ng mensahe 3 puntos
Gramatika 2 puntos
KABUOAN 10 PUNTOS

3
Pangwakas na Pagsusulit

Pangalan:_____________________________________________ Iskor:__________
Baitang:___________________________ Petsa:__________

Panuto: Basahin at suriin ang pananaliksik na nasa ibinigay na link sa ibaba. Sagutin ang
mga hinihinging impormasyon na nakatala sa ibaba. Isulat sa isang malinis na papel.
*Kung walang internet , makipag-ugnayan sa guro upang makakuha ng kopya.

Pamagat: ___________________________________________________________
Respondante:________________________________________________________
Layunin ng Pag-aaral:__________________________________________________
Resulta ng Pag-aaral: __________________________________________________
Konklusyon:_________________________________________________________
Rekomendasyon:_____________________________________________________

Link:
https://www.academia.edu/33470031/Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_filipino_sa_pa
g-aaral_ng_mga_Senior_High_School_sa_Unibersidad_Ng_Pangasinan

Pamantayan:

Nilalaman /10

Kaugnayan sa Paksa /10

Kaayusan at Kaangkupan /5

Kabuoan: 25 PUNTOS

*Iba-iba ang inaasahang sagot ng mga mag-aaral.

4
Susing Sagot

Gawain 1

1. PANANALIKSIK
1. PANANALIKSIK
2. AKLAT
3. PANANALIKSIK
4. AKLAT
5. AKLAT/PANANALIKSIK
6. AKLAT/PANANALIKSIK
7. PANANALIKSIK
8. AKLAT
9. AKLAT
10. AKLAT

Gawain 2

1. Pangalan ng mananaliksik, pamagat ng pananaliksik, paaralan, address, taon kung kailan


natapos
2. Tagapayo (kung mayroon)
3. maikling panimula
4. layunin o kahalagahan ng nasabing pag-aaral
5. ang pamamaaraang ginamit
6. ang kinalabasan ng pananaliksik
7. konklusyon

Gawain 3
Ang mga mag-aaral ay malayang magkaroon ng iba’t ibang kasagutan.

Nilalaman ng ideya 5 puntos


Kaayusan ng mensahe 3 puntos
Gramatika 2 puntos
KABUOAN 10 PUNTOS

Sanggunian

Julian, A. B., at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling Larang


(Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Mabilin, E. R. et.al. (2012). Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa Esensyal na


Pananaliksik. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

Club, Lorena S. Filiino sa Piling Larang (Akademik) Modyul 1. Sentrong Edukasyon


ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros. Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila

Santos, C. S. et. Al (2018) Filipino sa Piling Larang-Akademik. Pasig City:


Kagawaran ng Edukasyon.

You might also like