You are on page 1of 9

Department of Education

National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE

10 MARIK INA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 4:
Paghahambing sa Mitolohiyang
Kanluranin at Pilipino

May-akda: Marcerin R. Permejo

Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

● Aralin 1 – Paghahambing sa Mitolohiyang Kanluranin at Pilipino

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:

A. napagbabalik-aralan ang mitolohiya;


B. naiisa-isa ang mga katangian ng mitolohiyang Pilipino; at,
C. naihahambing ang mitolohiyang Pilipino sa mitolohiya ng mga
bansang Kanluranin.

Subukin
Ang sumusunod na pangungusap ay tungkol sa paghahambing ng
Mitolohiya ng Pilipinas at bansang Kanluranin. Suriin ang bawat isa at
lagyan ng( / ) tsek ang patlang na katabi ng bawat bilang kung wasto ang
pahayag at (X) ekis kung mali.

_____ 1. Walang sariling mitolohiya ang Pilipinas.


_____ 2. Kapuwa mga diyos at diyosa ang mga tauhan sa mitolohiya ng
Pilipinas at sa mga bansang Kanluranin.
_____ 3.Ang mitolohiya ng Pilipinas at ng Kanluranin ay naglalaman ng
pagsasalaysay sa pagkakalikha ng mundo.
_____ 4. Isinulat sa sinaunang panahon ang mitolohiya sa Pilipinas
samantalang sa makabagong panahon naman naisulat ang
mitolohiya sa Kanluranin.
_____ 5. Magkaiba ang mitolohiya sa Kanluranin at Pilipinas dahil sa
magkaibang kinagisnang kultura ng bawat bansa.

Aralin Paghahambing sa Mitolohiyang


1 Kanluranin at Pilipino

Pag-aaralan mo sa araling ito ang paghahambing sa mitolohiya ng bansang


Kanluranin at Pilipino. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang
matapat ang sumsunod na gawain.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan
Sa unang modyul ng markahang ito ay napag-usapan na ang tungkol sa
Mitolohiya kaya siguradong madali mong mauunawaan ang aralin.
Ano nga ba ang natatanging katangian ng Mitolohiya na wala sa ibang
akdang pampanitikan sa anyong tuluyan?

Panuto: Piliin sa ibaba ang mga katangiang taglay lamang ng mitolohiya. Itiman
ang bilog na katapat ng pahayag.

1. Ang mitolohiya ay kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa.


2. Naglalaman ito ng karanasan ng mga diyos at diyosa sa pakikipag-ugnayan
sa mga tao.
3. Ipinaliliwanag sa mitolohiya ang pinagmulan ng isang bagay.
4. Ang mitolohiya ay naging paraan ng mga sinaunang tao sa
pagpapaliwanag ng puwersa ng kalikasan tulad ng lindol.
5. Naglalaman ito ng sariling pananaw ng sumulat tungkol sa napapanahong
usapin

Tuklasin
A. Panimula

Ayusin ang pinaghalong mga letra upang mabuo ang hinihinging salita.
Isulat ito sa mga patlang sa ibaba ng kahon.

T A L A H A B

__ __ __ __ __ __ __

Kilala mo ba siya? Siya ay isa sa mga tauhan sa mga mito sa Pilipinas.


Basahin ang isa sa mga ito.

B. Pagbasa

Basahin at unawain ang akda. Sagutin nang pasalita ang mga tanong sa
bahaging “Pag-unawa sa Binasa.”

Ang Araw at ang Gabi

Noong una ay wala pa ang ating daigdig pati ang ating mga ninuno at
kalikasan. Pawang kadiliman lamang at wala ni isa mang nilalang. May isang
nabubuhay lamang at iyon ay tinatawag na Bathala. Malungkot si Bathala sa
kaniyang pag-iisa.
“Napakalungkot ng nag-iisa. Kailangang lumalang ako ng isang daigdig
na paglalagyan ko ng aking mga nilalang,” ang sabi sa sarili ni Bathala.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Dito na nagsimulang umusad ng paglalang si Bathala. Pinagdaop niya
ang kaniyang mga palad at saka ito hinipan. Sa kaniyang pag-ihip ay
nagsimulang humubog ang isang napakalaking bilog na bagay. Ito ang daigdig.
Nilalang din niya ang isang buwan bilang tanglaw sa daigdig. Nilalang din niya
ang maraming mga hayop na ikinalat sa buong daigdig. Pagkatapos ay
lumalang din siya ng mga tao at inilagay sa gawing kanluran sa isang maliit na
bahagi ng daigdig.
Masaya na ang Bathala sapagkat nakikita na niya ang daigdig at ang
kanyang mga nilalang. Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng ito, napaidlip
siya. Nang magising, nakita niya ang mga nilalang na lamig na lamig dahil
puro yelo na ang paligid. Buwan lamang kasi ang tumatanglaw at walang init
itong naibibigay sa mga nilalang.
“A….! Kailangang lumalang ako ng bagay na makapagbibigay-init.”
Muling pinagdaop ni Bathala ang mga palad at saka hinipan. Mula sa
kaniyang pag-ihip, lumitaw ang isang bolang apoy. Inilagay niya ito sa itaas, sa
tapat ng mundo. Sumigla ang mga tao sampu ng mga hayop at halaman
sapagkat lumiwanag na nang napakaliwanag, higit sa taglay na liwanag ng
buwan.
Natulog na muli ang Bathala. Habang siya ay natutulog, muling
nabalisa ang kaniyang mga nilalang. Ang mga halaman at ang mga puno ay
nangatuyot at ang mga tao ay init na init. Lagi na lamang ang araw ang
kanilang nararamdaman.
Nang magising si Bathala, nakita niya ang nangyayari.
“Kailangang gawan ko ito ng paraan,” ang sabi sa sarili ng Bathala.
Hinawakan niya ang daigdig at iniikot nang dahan-dahan. Ang kalahati
na lamang ang iniharap niya sa araw habang iniikot niya ito. Nahati ang init at
ang lamig. Kapag ito ay nasa sikat ng araw, ang mga nilalang ay masasayang
nagsisigawa ng kanilang nais na gawin. Mula noon ay naging matiwasay ang
takbo ng daigdig at naging panatag na rin si Bathala.

Mula sa Panitikang Filipino Pampanahong Elektroniko pp. 160- 162

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Sino ang pangunahing tauhan?


2. Bakit siya lumalang ng iba’t ibang bagay?
3. Anong suliranin ang kinaharap ng mga nilalang niya?
4. Paano ito nasolusyunan? .
5. Kanino mo maihahalintulad si Bathala sa kasalukuyang panahon? Bakit?
6. Ano ang maipapayo mo sa mga taong katulad ni Bathala na may mga
nasasakupang dumaranas ng mga problema? Ipaliwanag.

Suriin

Ang mitolohiya ay isa sa mga naunang kumalat na uri ng panitikan sa


buong mundo. Kabilang ito sa anyong tuluyan. Kuwento ito ng mga diyos at

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
diyosa na pinaniwalang nagpapagalaw sa takbo ng buhay sa daigdig at sa
kanilang pakikisalamuha sa mga ordinaryong tao.

Sa pamamagitan ng mitolohiya, naipaliliwanag ng sinaunang tao ang


mga pangyayari sa kanilang paligid. Nalalaman natin ang kanilang
paniniwala, kaasalan, tradisyon at iba pa, sa madaling salita, ang kanilang
kultura.

Sa Pilipinas, kilala rin ito bilang mito. Bawat lugar ay may kani-
kaniyang kinikilalang makapangyarihan. Maaaring nagkakaiba sa pangalan
ngunit nagkakatulad sa katangian. Sina Adlaw, Bulan, Amihan, Tala ay ilan
lamang sa mga tauhan sa mga mito na hango sa ating kalikasan.

Pagyamanin

A. Basahin at unawain ang halimbawang mitolohiya mula sa Kanluran.


Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad nito sa mitolohiya ng Pilipinas.
Paano Nagkaanyo ang Mundo?

Si Odin kasama ang dalawang kapatid na Vili at Ve ay nagawang


paslangin ang higanteng si Ymir. Ito ang dahilan kaya hindi magkasundo
ang mga Aesir at mga higante. Lumikha sila ng isang mundo mula sa
katawan nito at iba’t ibang bagay mula sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Binuo nila ang gitnang bahagi ng mundo o ang mundo ng mga tao
mula sa katawan ng higante. Mula sa laman at ilang buto nito ay lumikha
sila ng kalupaan at mga bundok. Ginamit nila ang dugo nito upang
makalikha ng karagatan at iba’t ibang anyo ng katubigan. Ang mga ngipin at
ilang buto nito ay nagsilbing mga graba at hanggahan. Ang bungo nito ay
inilagay sa itaas ng mundo at nagtalaga ng apat na duwende sa apat na
sulok nito. Ang mga duwendeng ito ay pinangalanang Silangan, Kanluran,
Timog at Hilaga. Ginamit nila ang kilay ni Ymir upang lumikha ng
kagubatan sa buong mundo na magpoprotekta upang hindi makapasok dito
ang mga higante. Tinawag nila itong Midgard o Middle-Earth. Ang utak ni
Ymir ay ginawang mga ulap.

Lumikha sila ng isang lugar para sa mga liwanag na nakakawala sa


Muspelheim, isang mundo na nag-aapoy at inilayo nila ito sa mundo. Ang
mga liwanag nito ang nagsisilbing mga bituin, araw at buwan. Ang maitim
subalit napakagandang anak na babae ng isang higante na pinangalanang
Gabi ay nagkaroon ng anak na lalaki sa isang Aesir god at tinawag niya
itong Araw. Si Araw ay isang matalino at masayahing bata. Binigyan ng mga
diyos sina Gabi at Araw ng kani-kanilang karwahe at mga kabayo at inilagay
sila sa kalangitan. Sila ay inutusang magpaikot-ikot habang nakasakay sa
mga kabayo nila. Ang mga pawis na tumutulo sa kabayo ni Gabi ay siyang
nagsisilbing hamog sa umaga. Dahil sa sobrang liwanag at init ni Araw ay
naglagay ang mga diyos ng bagay sa mga paa ng kabayo nito upang hindi ito
masunog. May isang mangkukulam na naninirahan sa silangang bahagi ng

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Middle-Earth ay nagsilang ng dalawang higanteng anak na lalaki na nasa
anyo ng isang asong-lobo.

Si Skoll ang humahabol sa araw at si Hati naman ang humahabol sa


buwan. Ang magkapatid na ito ang dahilan ng paghahabulan ng araw at
buwan kaya nagkakaroon ng paglubog at paglitaw ng araw.

Mula sa mga uod sa katawan ni Ymir nilikha ang mga duwende. Ang
mga ito ay naninirahan sa mga kuweba sa ilalim ng mundo at naghahatid
ng mga bakal, pilak, tanso at ginto sa mga diyos. Lumikha din sina Odin ng
iba pang mga nilalang tulad ng light-elves na nakatira sa itaas ng mundo na
tinatawag na Alfheim, mga diwata at espiritu at pati na rin mga hayop at
isda. Ito ang simula ng pagkakaroon ng anyo ng mundo.

Mula sa Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, pp. 170-171

Habang binabasa ang akdang ito, naisip mo bang ihambing ito sa


naunang binasa tungkol kay Bathala? Bakit?

B. Paghambingin ang dalawang Mitolohiya. Isulat ang sagot sa loob ng


tsart.

Ang Araw at ang Batayan ng Paano Nagkaanyo ang


Gabi Paghahambing Mundo?
(Elemento atKatangian)

Tauhan

Papel na ginampanan

Tagpuan

Pangyayaring tumatak sa
inyong isipan

Tema

Isaisip
Punan ng wastong salita ang mga patlang upang mabuo ang paglalarawan
sa mitolohiya.

Ang mga mitolohiya saan mang lugar nagmula ay _____________ dahil


sa elemento at katangiang taglay ng ganitong uri ng akda na wala sa ibang
akda sa tuluyan.
May _________________ ang mga mitolohiya dahil iba-iba ang kultura
sa iba-ibang lugar.

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Ibigay ang kinakailangang salita upang makumpleto ang paghahambing sa
mitolohiya ng Kanluraning bansa at Pilipinas. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

1. Kapuwa naglalaman ng mga pangyayaring _____________ ang mga mitolohiya sa


Kanluraning bansa at sa Pilipinas.
2. Diyos at diyosa ang pangunahing ___________ sa mga mitolohiyang ito.
3. Bagamat ito ay nagpapaliwanag sa ___________ sa mundo, magkaiba ang istorya
dahil magkaiba sila ng pinaniniwalaan.
4. Kung sa Kanluran ay may diyos na si Odin, sa Pilipinas ay kinikilala si
_________.
5. Nagkakaiba-iba ang mitolohiya mula sa Kanluran at Pilipinas dahil magkaiba
ang_________ kinagisnan nila.

Bathala pagkakalikha tauhan

kultura di-makatotohanan

Karagdagang Gawain
Narito pa ang mga gawaing siguradong magagawa mo. Pumili lamang ng
isang gawaing ipapasa.

1. Share Ko Lang- Sa pamamagitan ng text o chat sa kagrupo ay magagawa


ninyo ito. Bumuo ng isang pangkat na may apat o limang miyembro.
Magbasa ng tig-iisang mitolohiya. May babasa ng mitolohiya na mula sa
Pilipinas at may babasa ng mitolohiya mula sa bansa sa Kanluranin. Iba-
iba dapat ang babasahin. Magbigay ng takdang panahon sa pagbabahagi ng
binasa at makipag-chat, text o tawag. Hingin ang reaksyon sa ibinahagi ng
kagrupo. Matapos ang pagbabahagi ng lahat, magkasundo kung aling
mitolohiya ang higit na magandang ibahagi sa ibang grupo. Ipaliwanag ang
dahilan sa pagpili.

2. Ikuwento Ko Lang- Magtanong sa nakatatandang kasama sa bahay


(magulang, lolo, lola at iba pa) at magpakuwento ng alam nilang mito. Isulat
ito ayon sa inyong pagkakaunawa.

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati kita!


Sige, hanggang sa muli!

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7 City of Good Character
https://takdangaralin.ph/mitolohiya/
170-171 Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, pah.
Mandaluyong City: Cacho Hermanos, Inc.pah. 160- 162
Arrogante, Jose A.,et. al. 2010. Panitikang Filipino Pampanahong Elektroniko.
Subukin:
1. X
2. /
3. /
4. X
5. /
Balikan
1.
2.
3.
4.
5.
Pagyamanin
Ang Araw at ang Batayan ng Paano Nagkaanyo ang
Gabi Paghahambing Mundo?
Bathala Tauhan Odin, Vili, Ve,Ymir
Lumikha ng mundo Papel na ginampanan Odin, Vili at Ve-
at naglagay ng mga pumaslang kay Ymir
nilalang Ymir- isang higante
Mundo Tagpuan Mundo
Pagkakaroon ng Pangyayaring tumatak Pagkakabuo sa daigdig
araw at gabi sa inyong isipan mula kay Ymir
Kung paano Tema Kung paano nagsimula
nagkaroon ng ang mundo
mundo
Tayahin
1. di-makatotohanan
2. tauhan
3. pagkakalikha
4. bathala
5. kultura
Susi ng Pagwawasto
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marcerin R. Permejo (Guro, PHS)


Mga Editor: Ma. Grace Z. Cristi (Guro, THS)
Kimberly M. Capuno (Guro, MHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like