You are on page 1of 22

12

Filipino 12
Unang Markahan – Modyul 1:
ANG AKADEMIKONG
PAGSULAT
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Akademikong Pagsulat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jennie Salarda Jarabe
Editor: Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy,
Melle L. Mongcopa,
Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa, Shem Don C. Fabila
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera
Renante A. Juanillo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
12

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Akademikong
Pagsulat
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Ang Akademikong Pagsulat!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Ang Akademikong Pagsulat!!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat CS_FA11/12PB-0a-C-


101

PANIMULA

Magandang araw sa iyo! Ikinalulugod ko na makasama ka sa


kursong Filipino sa Piling Larang: Akademik!

Ang kursong ito ay tungkol sa pagsulat ng iba’t ibang anyo ng


sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa,
mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling larangan

Mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng akademikong sulatin


dahil maaari itong magamit sa anomang pagkakataon. Ang modyul na ito
ay inihanda bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat at nasusuri ang mga


konseptong kaugnay nito;
2. Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa kahulugan at kahalagahan
akademikong pagsulat;
3. Masiglang naisasagawa ang mga gawain at naipapakita nang may
kawastuan ang pagbibigay kahulugan sa akademikong pagsulat.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang tamang sagot sa inyong
sagutang kwaderno.

1. Ang akademikong pagsulat ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga


kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinatawag din na __________ na
pagsulat.
A. intelektwal
B. personal
C. teknikal
D. lohikal

2. Ang mga sumusunod ay mahahalagang konsepto ng akademikong pagsulat


maliban sa;
A. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar.
B. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na
kinagigiliwan ng akademikong komunidad.
C. Ang akademikong pagsulat ay walang sinusunod na partikular na kumbensyon.

2
D. Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol
sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami
pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.

3. Ang __________________ ay isang sulatin o akda na maayos ang pagkakabuo


upang matulungan ang mga babasa na mas maintindihan at makasabay sa mga
argumento o ideya ng sumulat.
A. akdang pampanitikan
B. akademikong teksto
C. sulating teknikal
D. sulating tradisyonal

4. Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging _______ nito,


inaral, sinaliksik, obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka-
impluwensya ng kanyang mambabasa.
A. impormal
B. kumbensyunal
C. pormal
D. lohikal

5. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang ______________kung


saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
A. akademikong institusyon
B. bahay
C. online chat room
D. lahat ng nabanggit

6-15. Gamit ang talahanayan sa ibaba, ayusin ang mga sumusunod upang
maipakita ang pagkakaiba ng akademiko at di-akademikong pagsulat.

Layunin:
A. magbigay ng ideya at impormasyon
B. magbigay ng sariling opinyon
C. maglahad ng damdamin
D. maglahad ng karanasan
Paraan o Batayan ng Datos:
A. obserbasyon, pananaliksik, pagbabasa
B. sariling karanasan, pamilya, at komunidad
C. opinyon ng nakararami
D. saloobin ng mga propesyunal
Audience:
A. Iba’t ibang publiko
B. Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad)
C. mga pulitiko
D. lahat ng nabanggit

3
Pananaw:
A. Obhektibo
B. Subhektibo
C. Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamiin kundi sa mga bagay,
ideya, at katotohanan.
D. Sariling opinyon, pamilya, komunidad ang pagtukoy

AKADEMIKO DI-AKADEMIKO

Layunin: 6. 7.

Paraan o Batayan ng Datos:


8. 9.

Audience 10. 11.

12. 14.
Pananaw
13. 15.

Mahusay! Napagtagumpayan mo ang


unang hamon na inihanda para sa iyo.
Ngayon ay sisimulan na natin ang isang
makabuluhang talakayan upang maging
kawili-wili ang iyong karanasan sa araw
na ito.

TUKLASIN

4
GAWAIN 1

Panuto: Gamit ang iyong dating kaalaman, bigyan ng mga kaugnay na kaisipan ang
konsepto na nasa gitna ng concept map.

AKADEMIKONG
PAGSULAT

SURIIN

PAGSUSURI

Mga tanong:
1. Kumusta ang iyong karanasan sa gawain 1? Nahirapan ka ba sa
pagbibigay ng kaugnay na kaisipan?
2. Paano kaya makatutulong sa iyo ang gawaing iyong isinagawa sa
pagkatuto mo sa bagong paksang ating tatalakayin?

5
PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Ang AKADEMIYA ay itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at


respetadong mga iskolar, artista at siyentista na ang layunin ay isulong,
paunlarin, palalimin, palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan
upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan.
Isa itong komunidad ng mga iskolar

• Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, Malaki ang maitutulong ng


kaalaman at kasanayan sa malikhain at mapanuring pag-iisip upang
masiguro ang tagumpay sa buhay akademiya.
• Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may
kakayahang mag-isip nang kritikal o mapanuri , maging mapanlikha at
malikhain, malayang magbago at makapagpabago.
• Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang hinuhubog ng AKADEMIYA!

Sa AKADEMIYA

1. Nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kasanayang kaugnay ng


larangang pinagkakadalubhasaan:
 kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat

2. Napapaunlad ang pagsasagawa ng mga gawain sa larangan, analisis,


panunuring kritikal, pananaliksik at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.

 Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at


balanseng pagsusuri.

 Samantala ang DI-AKADEMIKONG GAWAIN ay ginagabayan naman ng


KARANASAN, KASANAYAN, at COMMON SENSE

6
AKADEMIKO DI-AKADEMIKO
Magbigay ng sariling
Layunin: Magbigay ng ideya at
opinyon
impormasyom
Paraan o
Batayan ng Obserbasyon, pananaliksik, Sariling karanasan, pamilya,
Datos: pagbabasa at komunidad

Iskolar, mag-aaral, guro Iba’t ibang publiko


Audience
(akademikong komunidad)
 Obhektibo  Subhektibo
 Hindi direktang tumutukoy  Sariling opinyon,
sa tao at damdamiin kundi pamilya, komunidad ang
sa mga bagay, ideya, pagtukoy
Pananaw  Nasa pangatlong panauhan  Tao at damdamin ang
ang pagakakasulat tinutukoy
 Nasa una at
pangalawang panauhan
ang pagkakasulat

ANG AKADEMIKONG PAGSULAT


Ang AKADEMIKONG PAGSULAT ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga
kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinatawag din na INTELEKTWAL NA PAGSULAT.

Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon. May layuning maipakita ang resulta
ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay isinasagawa sa isang akademikong
institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa
pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang
impormasyon sa halip na manlibang lamang.

Ang AKADEMIKONG PAGSULAT ay nangangailangan nang higit na mataas


na antas ng mga kasanayan. Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na
pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis, at pagtataya. Ito ang ginagamit sa mas
mataas na edukasyon o sa kolehiyo. Dagdag pa nito, isa sa pinakamahahalagang output
ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa akademikong pagsulat. Ito
ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan
na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa
ikatataguyod ng lipunan.

7
 MAHAHALAGANG KONSEPTO NG AKADEMIKONG PAGSULAT AYON
KAY KARENGOCSIK (2004)
1. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar.
2. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na
kinagigiliwan ng akademikong komunidad.
3. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng importanteng argumento.

Ang AKADEMIKONG TEKSTO ay isang sulatin o akda na maayos ang


pagkakabuo upang matulungan ang mga babasa na mas maintindihan at
makasabay sa mga argumento o ideya ng sumulat.

Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging pormal nito,


inaral, sinaliksik, obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka-impluwensya
ng kanyang mambabasa.

 MGA HALIMBAWA NG AKADEMIKONG SULATIN

1. Akademikong sanaysay 14. Panunuring pampanitikan


2. Pamanahong papel 15. Antolohiya
3. Konseptong papel 16. Pasalitang testimonya
4. Tesis 17. Mga tinipong sulatin (e.g.,tula,
5. Disertasyon sanaysay, at talumpati)
6. Abstrak 18. Form na pang-administratibo
7. Book report (e.g.,proposal, peer review
8. Pagsasaling-wika report, performance evaluation
9. Aklat atbp.)
10. Rebyu 19. Opinyon
11. Artikulo (maaaring 20. Mga rebyung pampanitikan
pahayagan, magasin atbp.) 21. Position paper
12. Bibliograpiya (annotated)
13. Annotated na Katalogo

Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng


isang indibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang
husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang
datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong
magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa
ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling
salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng
tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa
pagbibigay ng kaalaman.
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat
ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon
itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang

8
mga pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng
mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang
akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon,
gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon,
kongklusyon, at rekomendasyon. lian sa mga halimbawa ng akademikong teksto
ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, repiektibong sanaysay,
sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis, at iba pa.

Mga Gawain

Panuto: Mula sa iyong natutuhan sa paksang inilahad, sagutin ang mga tanong na
nasa loob ng kahon. Isulat sa kuwaderno ang iyong mga sagot.

1. Bakit kinakailangang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong


pagsulat?
2. Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na
tulad mo ang mga layunin ng Akademikong Pagsulat?
3. Sa iyong palagay, bakit hindi mabuti ang plagiarism o ang
pangongopya ng ideya ng iba lalo na sa pangangalap ng matibay
na impormasyon?
4. Bakit mahalaga ang bibilyograpiya sa wastong pangangalap ng
impormasyon?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
____________________

9
ISAISIP

Ang akademikong sulatin ay isang


intelektwal na pagsulat. Makatutulong
ito sa pagpapataas ng kaalaman sa
iba’t ibang larangan. Ito ay para rin sa
makabuluhang pagsasalaysay na
sumasalamin sa kultura, karanasan,
reaksyon at opinyon batay sa
manunulat. Ginagamit din ito upang
makapagpabatid ng mga impormasyon
at saloobin.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Bumuo ng isang sanaysay kaugnay sa mga kaisipan na iyong nakuha


tungkol sa akademikong pagsulat. Lagyan ito ng sariling pamagat at
bubuuin ng tatlong talata na may tiglilimang pangungusap. Gawing gabay
ang pamantayan sa ibaba sa pagsulat ng iyong sanaysay.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Nilalaman .............................................................45%
Kaugnayan sa Tema ............................................30%
Paggamit ng Salita ...............................................25%

Kabuuan ............................................................100%

10
KARAGDAGANG
GAWAIN

REFLEKSIYON

Bilang isang mag-aaral sa SHS na nabibilang sa Academic Track, ano ang


iyong maibabahagi sa iyong akademikong institusyon na maaaring pakinabangan
nang higit sa nakararaming mag-aaral?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________________________

TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang tamang sagot sa inyong
sagutang kwaderno.

1. Ang __________________ ay isang sulatin o akda na maayos ang pagkakabuo


upang matulungan ang mga babasa na mas maintindihan at makasabay sa mga
argumento o ideya ng sumulat.
A. akdang pampanitikan
B. akademikong teksto
C. sulating teknikal
D. sulating tradisyonal

11
2. Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging _______ nito,
inaral, sinaliksik, obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka-
impluwensya ng kanyang mambabasa.
A. impormal
B. kumbensyunal
C. lohikal
D. pormal

3. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang ______________kung saan


kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
A. akademikong institusyon
B. bahay
C. online chat room
D. lahat ng nabanggit

4. Ang akademikong pagsulat ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga


kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinatawag din na __________ na
pagsulat.
A. intelektwal
B. personal
C. teknikal
D. lohikal

5.Ang mga sumusunod ay mahahalagang konsepto ng akademikong pagsulat maliban sa;


A. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar.
B. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na
kinagigiliwan ng akademikong komunidad.
C. Ang akademikong pagsulat ay walang sinusunod na partikular na kumbensyon.
D. Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol
sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami
pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay Tama, M naman kung Mali.

1. Sa Akademiya, nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga


kasanayang kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan
2. Ang mga kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat
ay hindi naman kailangan sa pagsulat ng mga sulating akademiko.
3. Napapaunlad ang pagsasagawa ng mga gawain sa larangan, analisis,
panunuring kritikal, pananaliksik at eksperimentasyon sa mga institusyong pang-
akademiko
4. Ginagabayan ang akademikong pagsulat ng etika, pagpapahalaga, katotohanan,
ebidensya, at balanseng pagsusuri.
5. Ang mga di-akademikong gawain ay ginagabayan naman ng karanasan,
kasanayan, at common sense.
6. Ang akademikong sulatin ay direktang tumutukoy sa tao at damdamin, hindi sa
mga bagay, ideya, at katotohanan.

12
7. Ang pananaw sa pagsulat ng akademikong sulatin ay nasa una at pangalawang
panauhan ang pagkakasulat
8. Ang batayan sa pagkuha ng datos sa pagsulat ng mga akademikong sulatin ay
mula sa obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa.
9. Ang akademikong sulatin ay subhektibo, samantala ang di-akademikong sulatin
ay obhektibo.
10. Ang audience ng mga akademikong sulatin ay mga mag-aaral, guro o mga
iskolar.

13
14
I. Sagot sa Panimulang Pagtataya
1. A 11. A
2. C 12. A
3. B 13. C
4. C 14. B
5. A 15. D
6. A
7. B
8. A
9. B
10. B
II. Sagot sa Pangwakas na Pagtataya
1. B 11. M
2. C 12. M
3. A 13. T
4. A 14. M
5. C 15. T
6. T
7. M
8. T
9. T
10. T
11. M
12. 9
13. 7
14. 3
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Lolita T. Bandril et. Al. Pagsulat sa Piling Larangan (Akademik at Sining), Vibal Group
Inc. 2016

Corazon L. Santos et al. Filipino sa Piling Larang – Akademik: Patnubay ng Guro,


Meralco Avenue, Pasig City. 2016

Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong Pagsulat. Last Modified


February 20, 2020. https://bit.ly/3a3w3J1.

Kapulungan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KaMFil). Krayterya sa Pagsulat ng


Sanaysay. Last Modified August 27, 2013. https://bit.ly/33tGe8j

15
JENNIE S. JARABE, L.P.T, RPm. Siya ay nagtapos sa kursong
Bachelor of Science in Psychology Major in Guidance and
Counseling at Bachelor of Secondary Education Major in Values
Education, Minor in Filipino sa Paaralang Western Mindanao
State University. Naikumpleto ang katuparan sa akademikong
kinakailangan (CAR) sa mga Programang MaEd in Guidance
and Counseling (WMSU) at Master of Arts in Filipino sa
Paaralan ng Negros Oriental State University. Sa kasalukuyan
ay tinatapos ang pagsasagawa ng kaniyang tesis sa parehong
paaralan.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like