You are on page 1of 4

W1

Learning Area FILPINO Grade Level 5


Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Gamit ng Pang-abay at Pang-uri sa Paglalarawan


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos. (F5WG-IIIa-c-6);
COMPETENCIES (MELCs) Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan. (F5WG-IIId-e-9)
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
 Natutukoy ang iba’t ibang ng uri ng pang-uri at pang-abay na
ginaagamit sa paglalarawan.
 Nagagamit ang mga pang-uri at pang-abay bilang mga salitang
naglalarawan sa pagsulat ng pangungusap at talata.
Sanggunian:
Agarrado, PJ. C. Francia, M.L, Guerrero III, P. R., & Gojo Cruz, G. R. (2016). Alab
Filipino 5. FEP Printing Corporation.
Gobot, F. D., Bellen, E. V., & Sadang, M. L. (1999). Pagdiriwang ng Wikang
Filipino 5. Watana Phanit Printing and Publishing Co. Ltd.
Lalunio, L. P., & Ril, F. G. (2000). Hiyas sa Wika 5. LG & M Corporation.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 90 minuto Inaasahan na pagkatapos ng araling ito ay matutukoy mo ang mga
Panimula salitang naglalarawan, at magagamit ang iba’t ibang uri ng pang-uri at
pang-abay sa paglalarawan.
Alam mo bang kulang ang isang pahayag kapag hindi ka
nakapaglalarawan? Kailangan mong mailarawan ang mga mga bagay na
iyong nakikita, naririnig, naaamoy, natitikman, at nahahawakan upang higit
na maging epektibo ang iyong pagpapahayag.
Bukod sa mga nabanggit, maaari mo ring ilarawan ang iyong mga
ginagawa at ang mga mismong bagay na binibigyan mo ng paglalarawan.
Sa paglalarawan ng mga ito ay gumagamit tayo ng mga pang-uri at pang-
abay.
Ang pang-uri ay mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa
pangngalan o panghalip. Maaari nitong ilarawan ang isang tao, bagay,
hayop ,lugar o pangyayari.
Halimbawa:
Kulay- pula Hitsura- maganda Bilang- lima
Laki- maliit Dami- isang kaban Hugis – bilog
Pansinin ang mga pangungusap na may pang-uri:
1. Pulang -pula ang nabiling damit ni Leo para sa nanay niya.
2. Sila ay limang magkakapatid.
3. Hugis bilog ang tinapay na natanggap ng mga bata.
Sa unang halimbawa, ang pang-uri ay Pulang pula sapagkat ito ay
naglalarawan sa damit.
Sa pangalawa namang halimbawa ay ang salitang lima sapagkat ito ay
naglalarawan sa magkakapatid.
Pangatlo ay ang Hugis bilog, sapagkat ito ay naglalarawan sa salitang
tinapay.
May tatlong uri ng pang uri. Ito ay ang mga:
1. Pang-uring panlarawan – Ito ang mga pang-uring naglalarawan sa kulay,
hugis, laki, ugali, at iba pang katangian ng panggalan o panghalip.
Halimbawa: Tahimik na lugar ang Sagada.
2. Pang-uring pantangi- Ito ang pang-uring nasa anyo ng pangngalang
pantangi at naglalarawan ng pangngalan. Nagsisimula ito sa malaking letra.
Halimbawa: Mahusay siyang magsalita ng wikang Filipino.
3. Pang-uring pamilang – Ito ang pang-uring naglalarawan sa bilang o dami
ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Mayroon akong dalawang kuya at isang ate.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Sa paggamit ng pang-uri, tiyaking angkop ang salita sa inilalarawan nito.
Halimbawa, maaaring sabihing “matangkad” ang isang tao, ngunit hindi
ang isang gusali. Ang angkop na pang-uri para sa isang gusali ay “mataas”.
Ngayon naman ay tunghayan mo ang pang-abay at mga uri nito.
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang naglalarawan kung paano,
saan, at kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos o galaw na isinasaad
ng pandiwa. Ito ay mga salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, o sa
kapwa pang-abay.
May iba’t ibang uri ang pang-abay: pamaraan, panlunan, at pamanahon.
Ang pang-abay na pamaraan ay sumasagot sa tanong na “paano”
isinasagawa, isinagawa,o isasagawa ang isang kilos. Ginagamit itong
panuring sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
Halimbawa:
a) Panuring sa Pandiwa
Si Jia ay taimtim na nanalangin para sa mga biktima ng Covid-19.
b) Panuring sa Pang-uri
Sadyang masigla ang pananaw sa buhay ng Tatay niya.
c) Panuring sa kapwa Pang-abay
Talagang mabilis umunlad ang buhay ng mga taong matitiyaga.
Mapapansin mo na ang mga inilalarawan ng mga salitang
nakasalungguhit ay ang mga ginawa ng mga tauhan sa pangungusap.
Ang pang-abay na panlunan ay sumasagot sa tanong na “Saan”
isinasagawa, isinagawa,o isasagawa ang isang kilos. Ito ay
pinangungunahan ng katagang sa.
Halimbawa:
1. Ang malapalasyong bahay ay itinayo sa gilid ng bundok.
2. Sa paaralan ko natutuhan ang pagiging mapagbigay.
3. Kinuha ko sa kabinet ang aking mga lumang damit at laruan.
Hindi ba’t inilalarawan ng mga salitang may salungguhit kung saan
ginawa ang kanilang mga ikinilos? Ang palatandaang sa ay makatutulong
din sa pagtukoy kung ang mga salita ay pang-abay na panlunan.
Ang pang-abay na pamanahon ay sumasagot sa tanong na “Kailan”
isinasagawa, isinagawa,o isasagawa ang isang kilos. Ito ay may apat na uri:
a) Payak – tulad ng bukas, mamaya, ngayon
b) Maylapi – tulad ng kagabi, samakalawa
c) Inuulit – tulad ng araw-araw, gabi-gabi, taon-taon
d) Parirala – tukad ng sa Linggo ng umaga,
Halimbawa;
1. Darating ang aking bisita sa Linggo ng umaga.
2. Taon-taon ay pumupunta kami sa Tagaytay upang mamasyal.
3. Malakas ang lindol kagabi.
Sa paggamit ng pang-abay na pamanahon, gumagamit ng mga
salitang nagtatakda ng panahon.
Ang pang-uri at pang-abay ay parehong mga salitang naglalarawan.
Ang pang-uri ay naglalarawan sa mga pangngalan at panghalip
samantalang ang pang-abay naman ay naglalarawan sa pandiwa, pang-
uri, at isa pang pang-abay.
Sa pagkakataong ito, iyo namang pansinin ang pagkakagamit ng mga
salitang may salungguhit sa bawat pangungusap sa ibaba.
1. A. Mahusay ang bata sa Matematika.
B. Mahusay sumagot ang bata.
Ang salitang mahusay ba ay pareho ang gamit sa pangungusap sa
letrang A at B? Paano nagkaiba ang gamit ng salitang mahusay?
Sa letrang A, ang binigyang -turing o inilarawan ng salitang mahusay ay
ang bata, na isang pangngalan. Ang gamit ng salitang mahusay ay
bilang pang-uri.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Sa letrang B naman, ang salitang mahusay ay ginamit bilang pang-abay
dahil binigyang-turing o inilarawan nito ang salitang sumagot na isang
pandiwa. Inilarawan dito kung paano sumagot ang bata.
Kaya ang isang salita ay maaaring gamitin bilang pang-uri o pang-abay.
Ang pagkakaiba ng gamit ay maipakikita sa pangungusap.
Narito pa ang ilang halimbawa ng pagkakaiba ng gamit ng pang-abay
at pang-uri:
1. Malakas: (pang-uri) Malakas ang katawan ng mga manlalaro.
(pang-abay) Hinila niya nang malakas ang tali.
2. Mabilis: (pang-uri) Mabilis sa pagsulat ang mga mag-aaral.
(pang-abay) Tumakbo siya nang mabilis.
* Upang higit na maunawaan at magkagkaroon ka pa ng mas malalim na
pagkaunawa sa ang ating aralin, maaari kang sumangguni sa mga
batayang aklat na Alab Filipino 5, pahina 92-93, 123, 128, 132, 142;
Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5, pahina 144-146, 170-172, 178-179; Hiyas sa
Wika 5, pahina 161-162, MISOSA -Gamit ng pang-uri at pang-abay.
B. Development 40 minuto Ngayon, subukin natin ang iyong natutuhan sa kaugnay na pagtalakay
Pagpapaunlad sa ating aralin. Ihanda ang sagutang papel at sagutan ang sumusunod na
mga pagsasanay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Punan ng angkop na pang-uri ang puwang
sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang sagot. (Tingnan sa batayang
aklat na Alab Filipino 5, pahina 93, letrang A.)
lumang sapat maliwanag buong Marikina
1. Nagtutulong-tulong ang _____ pamilya sa pagtitipid sa kanilang tahanan.
2. Pinapatay nila ang ilaw kapag _____ naman ang silid o kung walang tao
rito.
3. Sulit na sulit ang sapatos na gawang _____ dahil abot-kaya na, matibay
pa.
4. Upang walang masayang, nagluluto lamang sila ng pagkaing _____ para
sa kanila.
5. Tuwing bakasyon, itinatabi ang mga _____ lapis, pangkulay, at bolpen na
puwede pang gamitin sa darating na pasukan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Punan ng angkop na pang-abay ang
puwang sa pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang sagot. (Tingnan sa
batayang aklat na Hiyas sa Wika 5, pahina 163)
araw-araw sa parke sa bakuran sa plasa masiglang
Lunes sa gulayan hatinggabi sa ilog kanina
1. Nang _______ na ay umuwi na ang mga namamasyal ________.
2. Pumunta ang Tatay _______ upang mamingwit ng isda.
3. _______ ay namimitas ang Nanay ng talong ________.
4. _______ nagpulong ang mga kabataan ________ noong ________.
5. _______ nagtanim ng mga halamang bulaklakin si Jia Riz ________.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na
salita bilang pang-uri at pang-abay. Maaaring iugnay ang sariling karanasan
ngayong panahon ng pandemya. (Tingnan sa aklat na Alab Filipino 5,
pahina 142)
1. matiyaga 2. malinis 3. masipag 4. masaya 5. tahimik
Kumusta? Nasagot mo ba ang mga gawain? Kung mayroon ka pa ring pag-
aalinlangan o nais linawin tungkol sa aralin, maaari mong balikan ang
talakayan sa bahaging Panimula nitong Learner’s Packet. Para sa
karagdagang pagsasanay o pagpapayamang gawain, maaari mong
sagutan ang mga pagsasanay sa batayang aklat na Alab Filipino 5, pahina
137, letrang A; at Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5, pahina 173-174, Gawain
1.
C. Engagement 60 minuto Sa puntong ito, muli nating susubukin ang iyong natutuhan ukol sa paggamit
Pakikipagpalihan ng pang-uri at pang-abay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pagmasdan ang larawan ng bulkang Taal.
Umisip ng tatlong pang-uri at dalawang pang-abay na naglalarawan sa
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
bulkan at gamitin ito sa pangungusap. Maaari mong iugnay sa iyong mga
pangungusap ang sariling karanasan mula nang sumabog ito hanggang sa
kasalukuyang kalagayan nito.

(Kuhang larawan ni Joel B. Rolle)


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng dalawang talata tungkol sa
iyong sariling karanasan sa pagsasagawa ng modular distance learning
ngayong panahon ng pandemya. Gamitin ang iba’t ibang pang-uri at
pang-abay. Gamitin ang sumusunod na Rubrik sa pagsulat.

Mahusay! Binabati kita at natapos mo ang mga pagsasanay. Sa susunod


na aralin ay iyong matututuhan ang kronolohikal na pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari sa tekstong mapakikinggan.
D. Assimilation 10 minuto Ngayong natutunan mo na ang paggamit ng pang-uri at pang-abay sa
Paglalapat paglalarawan, gawin ang sumusunod. Punan ang patlang ng wastong salita
upang mabuo ang pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Ang pang-uri at pang-abay ay parehong mga salitang naglalarawan.
Ang pang-uri ay naglalarawan sa mga ________ at ________ samantalang
ang pang-abay naman ay naglalarawan sa ________, _________ at isa pang
_________.
V. ASSESSMENT 30 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gawan ng akrostik ang salitang LABAN. Sa
(Learning Activity Sheets for bawat letra ay bumuo ng tig-iisang pangungusap na naglalaman kung
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks
paano mo ipinapakita ang paglaban sa Covid-19. Gumamit ng angkop na
3 and 6) pang-uri at pang-abay. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
VI. REFLECTION 10 minuto Magsulat ka sa iyong kwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon
gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na______________________________________________________.
Nabatid ko na __________________________________________________________.
Naisasagawa ko na_____________________________________________________.

Prepared by: Joel B. Rolle; Alona Lagadia Checked by: Maribeth C. Rieta, EPS-Filipino
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa
pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong
pagpili.
-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko
ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan
ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan
ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP Gawain sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

You might also like