You are on page 1of 2

FILIPINO 3-QUARTER 3

Pangalan:____________________________________Baitang/Seksiyon:___________

Learning Competency: Nagagamit ang tamang salitang kilos/ pandiwa sa pagsasalaysay ng mga
personal na karanasan (F3WG-IIIe-f-5)

Pandiwa

Ang mga salitang nagsasabi ng kilos o galaw ay tinatawag na mga


pandiwa. Ang mga pandiwa ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
Ang mga panlapi ay maaaring nasa unahan, gitna o hulihan ng
salitang –ugat.

Halimbawa:

Kinalalagyan ng Panlapi Salitang-ugat Pandiwa


panlapi
nasa unahan mag- lakad maglakad
ma- upo maupo
nasa gitna -um- takbo tumakbo
-in- sulat sinulat
nasa hulihan -hin ani anihin
-an tulong tulungan

 Ang pandiwa ay may tatlong panahunan o aspekto - pangnagdaan, pangkasalukuyan, at


panghinaharap.

 Panahunang Pangnagdaan
*Pangnagdaan-nagsasaad na nangyari na o natapos na ang kilos na sinasabi
ng pandiwa.

 Sa panahunang ito, ang panlaping ma-o mag ay nagiging na-o nag.


 Nagagamit din dito ang panlaping –um- at –in-

 May mga salitang nagsasabi na ang kilos o pandiwa ay nasa panahunang pangnagdaan tulad ng:
kanina kahapon kagabi, kamakalawa, noon, noong isang araw, (linggo,buwan,taon) at iba pa.

 Basahin: Nagbigay ng mga regalo si Ate Amina noong Pasko.


Nakita ko kanina si Gino sa palengke.
Si Aling Tanya ay tumulong sa pamimigay ng mga pagkain
kahapon.
Sinita ng pulis ang bag na dala ni Andres noong Sabado.

Pagsasagot sa mga pasulit:


Panuto: Tukuyin ang bumubuo ng salitang kilos o pandiwa na nasa panahong pangnagdaan.

Pandiwa Panlapi Salitang -ugat Kinalalagyan ng


panlapi
Hal. hinakot -in- hakot gitna
1. sinita
2. tumulong
3. nakita
4. kumain
5. naglinis

Performance Task:
Panuto: Bilugan ang mga salitang kilos sa loob ng pangungusap at lagyan ng sa patlang
kung ito ay nasa panahong pangnagdaan at kung hindi.

_______________1. Si Ate May ang naghugas ng pinggan kagabi.


_______________2. Noong isang linggo lamang si Kuya lumuwas ng Cebu.
_______________3. Nalinis ko na ang buong bahay kanina.
_______________4. Kumakaway sa atin si G. Victor.
_______________5. Dadamputin ko mamaya ang mga hulog na dahon.

You might also like