You are on page 1of 19

1.

Ang pagkakaroon ng pormalidad at impormalidad ng sitwasyon tumutukoy na maaaring

maging pormal impormal ang pananalita depende sa kung sino ang kinakausap.

Sagot: True

2. Sa parirang “magandang sumayaw” ang salitang “magandang” ay isang halimbawa ng

pang-abay na siyang naglalarawan sa pandiwa.

Sagot: True

3. Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na makabuo at

makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap.

Sagot: True

4. Pinag-iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang kakayahang

lingguwistiko sa tinatawag na kakayahang komunikatibo.

Sagot: True

5. Ang kakayahang sosyolingguwisitiko ay nangangahulugan namang abilidad sa angkop na

paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal.

Sagot: False

6. Sa papanaw ng lingguwistang si Tiangco (1965) ang kakayahang lingguwistiko ay isang

ideyal na sistema ng di-malay o likas na kaalaman ng tao.

Sagot: False
7. Kinakailangang sanayin ng isang tao ang kaniyang kakayahang komunikatibo pang

mapaimbabawan ang mga sagabal na nagsisilbing puwang sa kaniyang pag-unawa at

aksiyon.

Sagot: True

8. Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Tagalog ang wastong pagsunod sa tuntunin ng

balarilang Filipino.

Sagot: False

9. Ang pangngalan at panghalip ay tinuturing ng mga nominal at mga salitang

pangkayarian.

Sagot: False

10. Ang pangngalan ay pamalit o panghalili sa pandiwa.

Sagot: False

11. Ang mga salitang ikaw at ako ay mga salitang pangkayarian.

Sagot: False

12. Dahil ang Cebuano (o Sugbuanong Binisaya) ay isang tiyak na wikang nagsisilbing

unang wika ng tagapagsalita sa mga halimbawa sa itaas, nakaiimpluwensiya ito sa

kanyang pagkatuto at pagsasalita ng pambansang wikang Filipino.


Sagot: True

13. Ang pangngalan ay nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,

pangyayari at iba pa.

Sagot: True

14. Ang panghalip ay mga salitang pamalit sa pangngalan.

Sagot: True

15. Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos o nagbibigay buhay sa pangkat ng mga salita.

Sagot: True

16. Ang mga salitang “pagsayaw” at “pagkanta” ay mga salitang halimbawa ng pandiwa.

Sagot: True

17. Ang pang-uri ay nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip.

Sagot: True

18. Ang pang-uri ay nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at pandiwa.

Sagot: False

19. Ang mga salitang pang-uri ay nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at

kapuwa pang-abay
Sagot: False

20. Ang mga salitang pang-abay at nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri

at kapuwa pang-abay.

Sagot: True

21. Ang mga salitang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang

tinuturingan tulad na lamang ng sa at mga.

Sagot: False

22. Ang mga salitang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang

tinuturingan tulad na lamang ng “na at ng”.

Sagot: True

23. Ang interference phenomenon ay siyang lumikha ng iba pang natatanging varayti ng

Filipino-Ilokano Filipino. Bikolnon-Filipino, Kapampangan-Filipino, Hiligaynon-Filipino

at iba pa.

Sagot: True

24. Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutunan din ang wastong pala

baybayan o ortograpiya ng wikang Filipino

Sagot:True
25. Pangawing o Pangawil ang tawag sa mga salitang nagkakawing ng paksa o simuno at

panaguri.

Sagot: True

26. Pangawing o Pangawil ang tawag sa mga salitang nagkakawing ng paksa o simuno at

panaguri tulad ng “ng”

Sagot: False

27. Sa pangungusap na “Si Anna ay maganda”, ang salitang “ay” ay ginagamit bilang

pangawil.

Sagot: True

28. Sa pangungusap na si “Si Anna ay maganda”, ang salitang “maganda” ay ginamit bilang

pang-uri na tumutukoy kay Anna.

Sagot: True

29. Sa pangungusap na “Si Anna ay maganda”, ang salitang “Si” ay isang halimbawa ng

pantukoy

Sagot: True

30. Sa pangungusap na “Si Anna ay maganda, ang salitang “Si” ay isang halimbawa ng

pangatnig
Sagot: False

31. Sa pangungusap na “Si Anna ay maganda, ang salitang “maganda” ay ginamit bilang

pananda na tumutukoy kay Anna.

Sagot: False

32. Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-Ingles ng mga

titik maliban sa N (enye) na tunog-espanyol at ll na tunog hapon.

Sagot: False

33. Ang pasalitang pagbaybay ay ASEAN ay /ey-i-ey-en/

Sagot: False

34. Dahil sa din sa kaalaman sa mga wika sa proseso ay nababago ng tagapagsalita ang

gramatika sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng alituntunin

(Constantino 2002).

Sagot: True

35. Tukuyin kung ang kayarian ng pangungusap ay tama o mali. “Halimaw daw ang humabol

sa kanya kagabi”.

Sagot: False

36. Tukuyin kung ang kayarian ng pangungusap ay tama o mali. “Halimaw raw ang humabol

sa kanya kagabi”.
Sagot: True

37. Tukuyin kung ang kayarian ng pangungusap ay tama o mali. “Siya ay tumakbo ng

mabilis”.

Sagot: False

38. Tukuyin kung ang kayarian ng pangungusap ay tama o mali. “Siya ay tumakbo nang

mabilis”.

Sagot: True

39. Nilinaw ng sosyolingguwistang si Noam Chomsky (1974) ang mahahalagang salik ng

ligguwistikong interaksyon gamit ang kaniyang modelong SPEAKING.

Sagot: False

40. Ang “S-Setting and Scene” ay tumutukoy kung saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan at

kung ano ang pakay nito.

Sagot: False

41. Ang “K-Key ay tumutukoy kung ano ang tono ng pag-uusap at kung ano ang tono ng

pag-uusap at kung ano ang daloy ng pag-uusap.

Sagot: False
42. Ang salitang etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at kultura

sa pamamagitan ng pag-obserba at pagpreserba ng kakayahan sa mga piling kausap.

Sagot: False

43. Ang sariling etnograpiya at nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at kultura

sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa

kanilang natural na kapaligiran.

Sagot: True

44. Bahagi ng kakayahang sosyolingguwistiko ang pagkilala sa mga pagbabago sa wika pag-

aangkop ng gamit nito ayon sa lunan at sitwasyon.

Sagot: True

45. Sa pananaw ng sosyo-sikolohistang si William Labov, na siyang nagtaguyod ng

variability concept, likas na pangyayari ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng

mga varayti ng isang wika.

Sagot: True

46. Sinabi na ang pag-aaral sa wika ay nararapat na nakatuon sa paglalarawan at pagsusuri sa

kakayahan ng tagapagsalita na gamitin ang wika sa tunay na sitwasyon (Farrah, 1998).

Sagot: True
47. Sa pananaw ng sosyo-sikolohistang si William Tiangco na siyang nagtaguyod ng

variability concept, likas na pangyayari ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng

mga varayti sa isang wika.

Sagot: False

48. Ang “A- Act Sequence” ay tumutukoy sa kung paano ang daloy ng usapan.

Sagot: True

49. Ang mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip ay mga salitang

halimbawa ng pantukoy tulad ng “ang,si,ang, mga”

Sagot: True

50. Ang mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip ay mga salitang

halimbawa ng pantukoy tulad ng “ang, ay at na”

Sagot: False

Pangalawang bahagi ng pagsusulit


1. Ang papansin ay isang mensaheng may layuning humihingi ng atensiyon na kadalasang

naipahahayag sa pamamgitan ng pagtatampo, pagkabali dosa sa pinanamit at pagkilos,

sobra-sobrang pangungulit at iba pang kalabisang kumukuha ng pansin.

Sagot: Tama

2. Ang ikalaawa naman ay ang pakikiisa na kinapapalooban ng mga panuntunan hinggil

sakantidad, kalidad, relasyon at paraan ng kumbersasyon

Sagot: Tama

3. Sa paglilinang ng kakayahang pragmatiko, mahalagang isaisip ang pag-iral ng dalawang

uri ng komunikasyon-ang berbal at di-berbal na komunikasyon.

Sagot: Tama

4. Isang mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa na

hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon.

Sagot: Paandaran

5. Ang kung paano natin itinuturing ang katahimikan o kawalang-kibo bilang malalim na

pag-iisip at kung gayon ay lubhang makahulugan ay ang isang patunay na high context

ang kulturang Pilipino.

Sagot: Tama
6. Sa pagbuo ng pananaliksik, marapat na pahalagahan ang tunguhing maka-Pilipino na

makapag-ambag sa karaniwang Pilipino at larangang magpapalakas ng interes ng

paksang sinasaliksik.

Sagot: Tama

7. Ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa

isang tiyak na wika.

Sagot: Tama

8. Ang paramdam ay isang mensaheng ipinaabot ng tao o maging ng espiritu, sa

pamamagitang ng mga ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdadabog, pagbabagsak ng

mga kasangkapan, malakas a pagsasara ng pinto , kalukos, at iba pa.

Sagot: Tama

9. Napahahaba ang pangungusap sa pamamagitang nga mga katagang gaya ng: pa, ba,

naman, nga, pala at iba pa.

Sagot: C. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga

10. Mayroong dalawang uri ng kakayahang diskorsal at ito ay ang:

Sagot: Tekstwal at Retorikal


11. Ang pasaring ay mga berbal at di-berbal na nagpaparating ng puna, paratang at iba pang

mensaheng nakasasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.

Sagot: Tama

12. Ito ay “isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag na di-tuwirang ipinaabot ngunit

nababatid at nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas na pakikiramdam at matunog na

pagbabasa ng mga himaton o ng mga verbal na palatandaang kaakibat.

Sagot: Pahiwatig

13. Ang paandaran ay isang mensaheng may layunin humingi ng atensyon na kadalasang

naipahayag sa pamamagitan ng pagtatampo, pagkabali dosa sa pananamit at pagkilos,

sobra-sobrang pangungulit at iba pang kalabisang kumukuha ng pansin.

Sagot: Mali

14. Ito ay itinuturing na isa sa mga pinakaunang anyo ng komunikasyon.

Sagot: Pandama

15. Tumutukoy ang kakayahang retorikal sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at

pag-unawa ng iba’t ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan gabay instruksiyonal,

transkripsiyon at iba pang pasulat na komunikasyon.

Sagot: Mali
16. Ang parating ay mga berbal at di-berbal na nagpaparating ng puna, paratang at iba pang

mensaheng nakasasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.

Sagot: Mali

17. Ang iba’t ibang uri ng kumpleto ng pandiwa ay ang mga sumusunod:

Sagot: tagaganap, tagatanggap, ganapan, sanh, layon, at kagamitan

18. Sa pag-aaral sa kultura at komunikasyon na isinagawa ni Maggay (2002) , kaniyang

binigyang-diin ang pagiging high context ng kulturang Pilipino. Ibig sabihin, mataas ang

ating pag babahaginan ng mga kabuluhang kahit sa pamamagitan ng pahiwatig.

Sagot: Tama

19. Maaaring ang pagpapahiwatig ay berbal, di-berbal o kombinasyon nito.

Sagot: Tama

20. Ang kakayahang tekstuwal ay tumutukoy naman sa kahusayan ng isang indibidwal na

makibahagi sa kumbersasyon. Kasama rito ang kakayahang unawain ang iba’t ibang

tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw.

Sagot: Mali

21. Napahaba ang pangungusap sa tulong ng mga salitang “na” at “ng”.

Sagot: Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring


22. Ito ay tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita.

Sagot: Paralanguage

23. Maituturing na isa sa kahalagahan ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ang

kakayahang magluwal ng iba pang kaalaman.

Sagot: Tama

24. Ang proksemika ay tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan.

Sagot: Mali

25. Ang pahiwatig ang maituturing na pinakalaganap at pinakabuod ng kulturang

pangkomunikasyon

Sagot: Tama

26. Kinakailangang maipakita ang resulta ng pananaliksik na hindi nakatali lamang sa mga aklat

kundi sa mismong aktuwal na prakita sa lipunang kabilang ang pang-araw-araw na gawain, pag-

uugali at pananaw ng isang karaniwang Pilipino sa tiyak na lipunan.

Sagot: Tama

27. Ang di-berbal na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng salita sa

anyong pasalita at/o pasulat man.

Sagot: Mali
28. Ang parinig ay malawang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa kaharap na

kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid.

Sagot: Tama

29. Ang sangkap na illocutionary force ay tumutukoy sa intensiyonal na papel ng tagapagsalita.

Sagot: Tama

30. Nakapaloob sa kakayahang pragmatiko ang pagkilala sa kagawiang pangkomunikasyon ng

mga tagapagsalita ng wikang pinag-aralan.

Sagot: Tama

31. Ito ay isang pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na karaniwang tinutulan

ng nakakinig bilang isang paalala na maaaring may masakitan.

Sagot: Sagasaan

32. Ang padaplis ay isang mensaheng sadyang linis sa layuning matamaan nanng bahagya ang

kinauuulan nito.

Sagot: Tama

33. Ayon kay Grice (1957,1975; sipi kay Hoff 2001), may tatlong batayang panuntunan sa

pakikipagtalastasan.

Sagot: Mali
34. Ayon kina Light Brown at Spada (2006), ang pragmatico ay tumutukoy sa pag-aaral sa

paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o

may paggalang.

Sagot: Tama

35. Ayon sa mga pag-aaral, lubhang napalaki ng elementong di-berbal sa pakikipag-usap sa mga

taong napapaloob sa sariling kultura.

Sagot: Tama

36. Tumutukoy ang kakayahang tekstuwal ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t

ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal, transkripsiyon, at iba pang

pasulat na komunikasyon.

Sagot: Tama

37. Ang distansiya naman ay nagbabago rin depende sa natatamong ugnayan sa kausap. Kapan-

pansin ang mga bagong magkakilala ay may mas malaking distansiya kumpara sa mga taong

matalik na magkakaibigan. Ang ganitong anyo ng di-berbal na komunikasyon ay tumutukoy sa

proksemika.

Sagot: Tama

38. Ang unang tuntunin sa pakikipagtalastasan ay mga pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag.

Sagot: Tama
39. Ang pasaring ay malawakang ginagamit upang maiparating ang nasasaloob, hindi sa kaharap

ng kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid.

Sagot: Mali

40. Ang kinesika naman ay tumutukoy sa oras at distansiya sa pakikipag-usap. Ang oras ay

maaaring pormal gaya ng isinasaad ng relo o impormal na karaniwang nakadikit sa kultra gaya

ng mga terminong “ngayon na” sa lalong madaling panahon” at “mamaya na”.

Sagot: Mali

41. Ang kakayahang retorikal ay tumutukoy naman sa kahusayan ng isang indibidwal na

makibahagi sa kumbersasyon. Kasama rito ang kakayahang unaawain ang iba’t ibang

tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw o opinyon.

Sagot: Tama

42. Ang kapaligiran ay tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng kaayusan nito.

Hindi ahihinuha ang intensyon ng kausap kung batay lamang sa kung saang lugar niya nais

makipag-usap.

Sagot: Mali
43. Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto ng speech act.

Sagot: Tama

44. May tatlong sangkop ang speech act.

Sagot: Tama

45. Ang pahaging ay isang mensaheng sinadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa

paligid.

Sagot: Tama

46. May limang anyo ng di-berbal na komunikasyon.

Sagot: Tama

47. Ang parinig ay isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan nang bahagya ang

kinauukulan nito.

Sagot: Mali

48. Mayroong apat na paraan sa pagpapahaba ng pangungusap.

Sagot: Tama

49. Kadalasang nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang

karanasan. Halimbawa nito ay pagtapik sa balikat o pagyakap sa kausap.

Sagot: Haptics
50. Ito ay makahulugan na karaniwang ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang sasabihin o

dili kaya ay magparating ng tampo o sama ng loob.

Sagot: Parehong tama

You might also like