You are on page 1of 479

MGA

SAKRAMENTO
Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 5

I. BINYAG

A. PAGDIRIWANG NG BINYAG

MGA SAKRAMENTO
NG MAY SAPAT NA GULANG

1. PAGSALUBONG SA PINTO NG SIMBAHAN

Pari:

Sumainyo ang Panginoon.

Bayan:

At sumaiyo rin.

Pari:

Mga kapatid,
tayo’y nagagalak na magkatipun-tipon
sa pagdiriwang na ito para kay N.,
na magiging kaanib ng ating Sambayanang Kristiyano.

Sa pasimula ng ating pagdiriwang


mangyari lamang na iyong ipahayag
ang iyong layunin.
6 BINYAG

Nagpapabinyag:

Nais ko pong sumampalataya kay Kristo.

Pari:

Ano ang kapakinabangang idudulot nito?

Nagpapabinyag:

Ito po ay magdudulot ng buhay na walang hanggan.

Pari:

Ito ang buhay na walang hanggan:


ang pagkilala sa tunay na Diyos
at kay Hesukristo na kanyang sinugo.
Si Hesukristo ay ating Panginoong nabuhay mag-uIi.
Sa kanyang pagkabuhay ikaw ay makakapakinabang.
Sa pagdulog mo ngayon,
ikaw ay magiging kanyang alagad.
Ikaw ba ay nakahanda na maging Kristiyano?
Ikaw ba ay nakapakinig na sa Salita ni Kristo
at nakapagpasyang sumunod sa kanyang mga utos?
Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 7

Nagpapabinyag:

Opo.

MGA SAKRAMENTO
Pari (sa Ninong at Ninang):

Bilang ninong at ninang, kayo ba ay makapagpapatunay


na si N. ay karapat-dapat maging kaanib ng Simbahan?

Ninong at Ninang:

Opo.

Pari:

Bilang tagapagpatunay na si N. ay karapat-dapat na


maging Kristiyano, kayo ba ay nakalaang tumulong sa
kanyang paglilingkod kay Kristo sa salita at gawa?

Ninong at Ninang:

Opo.

Pari:

Manalangin tayo.
8 BINYAG

Tahimik na mananalanging saglit ang tanan.

Ama naming maawain,


ipinagpapasalamat namin ang pagkabatid ni N.
tungkol sa iyong pagkupkop.
Sa pagtitipon ngayon,
kanyang tinutugon ang iyong paanyaya
upang siya’y sumampalataya kay Kristo,
kaya’t papakinabangin mo si N.
sa iyong kaligayahan at bagong buhay.
Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:

Amen.

2. PAGPASOK SA SIMBAHAN

Pari:

Tumuloy ka N., sa loob ng Simbahan upang makisalo sa


aming pakikinabang sa salitang nagbibigay-buhay.
Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 9

AWIT
Purihin at ipagdangal

MGA SAKRAMENTO
ang ating Poong Maykapal,
Ama na bukal ng Buhay,
Anak na s’ya Dating Daan,
Espiritung ating Tanglaw.

Sapagka’t sa ating tanan


ay kanyang ipinaalam
ang mga Banal na Aral
na siyang gabay at tanglaw
sa landas ng ating buhay.

3. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

a. Unang Pagbasa
Ezekiel 36, 24-28

Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo’y luminis.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel


10 BINYAG

Sinabi ng Panginoon, “Titipunin ko kayo mula sa iba’t


ibang bansa upang ibalik sa inyong bayan. Wiwisikan
ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo’y luminis. Aalisin
ko rin ang naging mantsa ninyo dahil sa inyong mga
diyus-diyosan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at
bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay
gagawin kong masunurin. Bibigyan ko kayo ng aking
Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga
tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga
utos. Ititira ko kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyong
mga ninuno. Kayo ay magiging bayan ko at ako ang
inyong Diyos.”

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:

Salamat sa Diyos.

b. Salmong Tugunan
Salmo 32, 1.2.5. 11

Bayan:

MapaIad ang pinatawad sa kasalana’t paglabag.


Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 11

Namumuno:

Mapalad ang tao na pinatawad na yaong kasalanan.

MGA SAKRAMENTO
Mapalad ang taong sa harap ng Poo’y di
naparatangan. Dahilan sa siya ay di nagkasala at hindi
nanlinlang. Tugon.
Namumuno :

Ako ay lumapit sa iyong harapan at sala’y inamin ang aking


ginawang mga pagsalangsang di ko inilihim, at aking
natamo ang iyong patawad sa sala kong angkin. Tugon.
Namumuno :

Lahat ng matuwid at tapat sa Poon, magalak na lubos,


dahil sa tinatamo, nilang kabutihang kaloob ng Diyos,
sumigaw sa galak ang lahat ng taong sa kanya’y sumunod.
Tugon.

c. Aleluya
Juan 3, 16
Aleluya, aleluya.
Lubhang mahal tayo ng D’yos
kaya’t sinugo si Hesus
na pagkabuhay ang handog.
Aleluya, aleluya.
12 BINYAG

d. Mabuting Balita
Juan 3, 1-6

Maliban na ipanganak na muli ang isang tao,


hindi siya paghaharian ng Diyos.

+ Ang Mabuting Balita ng Pangioon ayon kay San Juan

May isang Pariseo at pinuno ng mga Judio, na


nagngangalang Nicodemo. Isang gabi, siya’y nagsadya
kay Hesus. “Rabi,” sabi niya, “nalalaman po naming
kayo’y isang gurong mula sa Diyos, sapagkat walang
makagagawa ng mga kababalaghang ginagawa ninyo
malibang sumasakanya ang Diyos.” Sumagot si Hesus,
“Sinasabi ko sa inyo: maliban na ipanganak na muli ang
isang tao, hindi siya paghaharian ng Diyos.” “Paano pong
maipanganganak na muli ang isang tao kung matanda
na siya? Makapapasok pa ba siya sa tiyan ng kanyang
ina para ipanganak uli?” tanong ni Nicodemo. “Sinasabi
ko sa inyo,” ani Hesus, “maliban na ang tao’y ipanganak
sa tubig at sa Espiritu, hindi siya paghaharian ng Diyos.
Ang ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak
sa Espiritu ay espiritu.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 13

Bayan:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

MGA SAKRAMENTO
e. Pangaral

f. Panalangin ng Pagsisisi
Pari:

Mga kapatid, halina’t Iumuhog sa Poong MaykapaI


upang magiliw niyang kaIingain si N., na dumudulog
nang may pananampalataya kay Kristong nag-aanyayang
pagsisihan natin ang ating mga pagkakasala.

Namumumuno:

Upang ang diwa ng pagbabagong-buhay ay mag-alab sa


ating kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan:

Panginoon, dinggin mo kami.


14 BINYAG

Namumuno:

Upang ang pagbangon natin kaisa ni Kristo para talikdan


ang ating mga kasalanan ay mapanindigan natin sa ating
pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan:

Panginoon, dinggin mo kami.

Namumuno:

Upang ang pagsisisi at pagbabagong buhay kalakip ng


pagtitiwala sa Diyos sa pagsunod kay Hesus ay
ipagkaloob kay N., manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan:

Panginoon, dinggin mo kami.

Namumuno:

Upang ang pagkahango sa kasalanan ay kamtan ni N.,


sa pagsunod niya kay Kristo na siyang nag-aalis ng
kasalanan ng sanlibutan, manalangin tayo sa Panginoon.
Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 15

Bayan:

Panginoon, dinggin mo kami.

MGA SAKRAMENTO
Namumuno:

Upang ang kadalisayang kaloob ng Espiritu Santo ay


kamtin ni N. sa kanyang ikababanal bunga ng binyag,
manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan:

Panginoon, dinggin mo kami.

Namumuno:

Upang ang pamumuhay na nakatalaga sa Diyos ay kamtin


ni N. bunga ng kanyang pakikiisa sa pagkamatay at
pagkalibing ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan:

Panginoon, dinggin mo kami.


16 BINYAG

Namumuno:

Upang ang aming handog ng kabanaIan at pagmamahal


ay maiharap ni N. sa Diyos sa araw ng paghuhukom,
manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan:

Panginoon, dinggin mo kami.

Namumuno:

Upang ang pananampalataya kay Kristo ay mamayani


sa daigdig na pinagmalasakitan niyang masagip,
manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan:

Panginoon, dinggin mo kami.

Pari:

Ama naming makapangyarihan,


kusang-loob kang nagmahal sa amin
kaya sinugo mo ang iyong Anak
upang kaming nasadlak at inalipin ng sala
ay mabigyan ng laya.
Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 17

Sa tanda ng krus na banal


loobin mong si N., ay maging malaya sa pagkaalipin

MGA SAKRAMENTO
na bunga ng pagsuway ng una mong nilikha.
Lukuban mo siya ng Banal na Espiritu
upang siya ay mapuspos ng diwa
ng muling pagkabuhay ng iyong Anak.
Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:

Amen.

g. Pagkukrus sa Noo

Pari:

Sa kapangyarihan ng ating Tagapagligtas


na si Hesukristo,
ikaw ay magpakatatag
ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan:

Amen.
18 BINYAG

4. PAGDIRIWANG NG BINYAG

Paroroon ang lahat sa pook ng pagbibinyagan. Doon ipapahayag


ang paanyaya:

Pari:

Mga kapatid,
manalangin tayo sa Diyos Ama
upang kaawaan niya si N.,
na kanyang inaanyayahang sumunod kay Kristo
sa pag-ako sa pananampalataya ng Simbahan
at sa pagkabuhay sa Espiritu Santo
na siyang hihilingin nating lumukob
sa gagamiting tubig sa binyag.

a. PAGBABASBAS SA TUBIG
Pari:

Ama naming makapangyarihan,


niloob mo ang tubig
ay maging tagapagpahayag ng iyong pagpapala.
Ipinamalas mo ito sa amin
noong lalangin mo ang tubig
na sagisag ng pambinyag na tubig,
Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 19

noong ipinahintulot mo ang malaking baha


na tumapos sa kasamaan

MGA SAKRAMENTO
at nagpasimula sa kabutihan,
at noong pinatawid mo sa karagatan
at pinalaya sa pagkaalipin ang mga anak ni Abraham.
Ipinamalas mo rin ang iyong pagpapala
noong binyagan ang Anak mo sa llog Jordan,
noong dumaloy ang dugo at tubig
sa puso ng Anak mong iniibig,
at noong nag-utos siya sa mga alagad:
“Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat
ng bansa.
Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama,
at ng Anak, at ng Espiritu Santo.”

Isasawsaw ng pari ang kanyang kanang kamay sa tubig habang


nananalangin:

Ama namin,
iniluluhog namin sa iyo,
manaog nawa ngayon sa tubig na ito
ang kapangyarihan ng Espiritu Santo
sa pamamagitan ni Hesukristo,
upang mapuspos ng iyong Espiritu
itong pambinyag na tubig.
20 BINYAG

Lahat nawa ng makikiisa sa kamatayan ni Kristo


sa pamamagitan ng binyag
ay muling mabuhay kasama niya
at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan:

Amen.

c. Pagtatakwil sa Kasalanan
Pari:

N., itinatakwil mo ba si Satanas, ang kanyang mga gawain


at ang kanyang pang-aakit?

Nagpapabinyag:

Opo, itinatakwil ko.

d. Pagpapahayag ng Pananampalataya
Pari:

Sumasampalataya ka ba sa Diyos Amang


makapangyarihan sa lahat na may likha ng langit at
lupa?
Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 21

Nagpapabinyag:

Opo, sumasampalataya ako.

MGA SAKRAMENTO
Pari:

Sumasampalataya ka ba kay Hesukristo, iisang Anak ng


Diyos, Panginoon natin, ipinanganak ni Santa Mariang
Birhen, ipinako sa krus, namatay, inilibing, muling
nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?

Nagpapabinyag:

Opo, sumasampalataya ako.

Pari:

Sumasampalataya ka ba sa Espiritu Santo, sa banal na


Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa
kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay
ng mga namatay, at sa buhay na walang hanggan?

Nagpapabinyag:

Opo, sumasampalataya ako.


22 BINYAG

e. Pagbibinyag
Tatlong ulit na ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig ang
nagpapabinyag.

Pari:

N., ikaw ay binibinyagan ko sa ngalan ng Ama,

Ang binibinyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa unang


pagkakataon.

at ng Anak,

Ang binibinyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa


ikalawang pagkakataon.

at ng Espiritu Santo

Ang binibinyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa


ikatlong pagkakataon.

f. Awit

Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal,
Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 23

Ama na bukal ng buhay,


Anak na s’ya nating Daan,

MGA SAKRAMENTO
Espiritung ating tanglaw.

Sa bagong buhay n’yang bigay


pag-asa nati’y kakamtan
ang dakilang kayamanang
di kukupas kailan man
at sa langit nakalaan.
g. Paglalahad ng Kahulugan ng Binyag
h. Paglalagay ng Langis
Kapag may dahilan para ipagpaliban ang kumpil, gaganapin ng
nagbinyag ang paglalagay ng langis.

Pari:

Ang pagpapahid ng langis ay nagpapakilala


ng paglukob ng Espiritu Santo
sa muling isinilang sa binyag.
Maging matatag ka nawa
sa iyong pakikiisa kay Kristong hari, pari, at propeta,
ngayon at magpakailanman.
24 BINYAG

Bayan:

Amen.

Lalagyan ng langis ang tuktok ng bagong binyag.

i. Pagbibigay ng Damit Pambinyag


Pari:

Ang damit pambinyag


ay tanda ng muling pagsilang kay Kristo
at ng dakilang karangalan ng mga Anak ng Diyos.
Nawa’y manatiling wagas
at walang bahid-dungis ang iyong karangalan
hanggang iyong matamo
ang buhay na walang hanggan.

Bayan:

Amen.

llalagay ng ninong at ninang sa kanilang inaanak ang damit


pambinyag.

j. Pagbibigay ng Kandilang Nagdiringas

Tatanganan o hahawakan ng pari ang kandila ng pagkabuhay.


Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 25

Pari:

Tayo nang magbigay-dangal

MGA SAKRAMENTO
kay Hesus na ating ilaw sa diwa nati’t isipan.

Bayan:

Amen.

Pari:

Si Hesukristo’y nabuhay.
Siya’y ating kaliwanagan.
Mula sa kandila ng pagkabuhay, sisindihan ng ninong at ninang ang
kandila para sa kanilang inaanak. laabot ng ninong o ninang sa kanilang
inaanak ang kandilang nagdiringas.

Pari:

Ang ilaw na ito ay tanda ng liwanag ni Kristo


na tinanggap sa binyag.
Nawa’y mag-alab ito sa iyong puso’t diwa
hanggang sa pagbabalik ni Kristong ating Panginoon.
Bayan:

Amen.
26 BINYAG

5. KUMPIL

Kapag obispo ang nagbinyag, dapat niyang isunod kaagad ang


pakukumpil. Kapag wala ang obispo, ang kumpil ay maigagawad ng
paring nagbinyag.

6. PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Lalaktawan ang “Sumasampalataya”. Kaagad isusunod ang panalanging


pangkalahatan na lalahukan sa unang pagkakataon ng bagong binyag.
PagkapanaIangin ng bayan, siya ay lalahok sa prusisyon ng mga alay.

a. Panalangin ukol sa mga Alay

Pari:

Ama naming Lumikha,


ang mga pinagindapat mong makawangis ng iyong Anak
(at naging ganap sa tatak ng langis na krisma)
ay aming idinadalanging makaisa
sa iyong kinalulugdang haing
tinanggap mo bilang alay ng Sambayanan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 27

Bayan:

Amen.

MGA SAKRAMENTO
Kapag ang “Unang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat”
ang pinili, may tanging pagbanggit sa ninong at ninang ng bagong
binyag sa “Pag-alala sa mga nabubuhay sa daigdig” at mayroon ding
tanging “Ama namin, iyong tanggapin.”

Pari:

Ama namin
alalahanin mo ang iyong mga anak
na aming idinadalangin
bilang mga ninong at ninang
ng bininyagang hinirang mo.

Dito babanggitin ang mga ngalan ng ninong at ninang.

Ang kanilang pananampalataya ay nababatid mo


gayun din ang pagsisikap nilang maging tapat sa iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay
para sa kapakanan nila
at ng mga mahal namin sa buhay,
para sa kalusugan at walang hanggang kaligtasan
sa pagdulog ng mga ito sa iyong kadakilaan
Diyos na totoo at nabubuhay kaiIanman.
28 BINYAG

Sa mga Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat, ang bagong


binyag ay babanggitin.

Unang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat

Pari:

Ama namin,
iyong tanggapin ang handog na ito
ng iyong buong angkan
para sa minarapat mong muling isilang
sa tubig at sa Espiritu Santo
sa ikapagpapatawad ng lahat niyang mga kasalanan
upang siya’y itambal mo kay Kristo Hesus
na aming Panginoon
at kalugdan mo sa ikapananatiling nakatala
sa aklat ng mga nagkakamit ng iyong buhay.
(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.
Amen.)
Ikalawang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat

Alalahanin mo rin si N.
na bagong kaanib ng iyong angkan
bunga ng Binyag (at Kumpil)
upang kanyang kusang masundan
Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 29

ang iyong Anak na si Kristo.


Alalahanin mo rin ...

MGA SAKRAMENTO
Ikatlong Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat

Dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong angkan


na ngayo’y tinipon mo sa iyong harapan.
Patatagin mo si N.
sa kanyang banal na kapasyahan
upang mapangatawanan
ang tinanggap na bagong pagsilang sa tubig ng binyag
(at gayun din ang pagkakaloob ng Espiritu Santo).
Ngayong kabilang siya sa iyong sambayanan,
bigyan mo ng pagsulong araw-araw
ang tinatamasa niyang bagong buhay.
Amang maawain, kupkupin mo at pag-isahin
ang lahat ng iyong mga anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.

Ikaapat na Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat

... ang lahat ng naririto ngayon


at ang bagong binyag na si N.,
na muli mong isinilang ngayon
sa tubig at Espiritu Santo,
gayun din ang buo mong Sambayanan,
30 BINYAG

at ang lahat ng mga tao


na pawang tapat at wagas sa paghanap sa iyo.

b. Pakikinabang

Pari:

Sumapit na tayo sa tugatog


ng pag-anib sa Sambayanang Kristiyano.
Ang pinakamahalagang layunin ng pagbibinyag
ay pakikinabang sa Katawan at Dugo ni Kristo.
Ito ang Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Bayan:

Panginoon,
hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo
ngunit sa isang salita mo lamang
ay gagaling na ako.

c. Panalangin Pagkapakinabang
Pagdiriwang ng Binyag ng may Sapat na Gulang 31

Pari:

Ama naming mapagmahal,

MGA SAKRAMENTO
kaming mga pinapagsalo mo
sa Katawa’t Dugo ng iyong Anak
ay makapakinabang nawang ganap
sa kanyang Espiritu
sa ikapagkakaroon ng ibayong pagsulong
sa pamumuhay bilang magkapatid
upang sa kaganapan ng aming pagkatao
ayon sa pagiging ganap ni Kristo
lalong mag-ibayo ang pag-ibig naming buhay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:

Amen.
32 BINYAG

B. PAGDIRIWANG NG BINYAG NG MARAMING BATA

1. PAGSALUBONG SA PINTO NG SIMBAHAN

Pari:

Sumainyo ang Panginoon.

Bayan:

At sumaiyo rin.

Pari:

Mga kapatid,
tayo’y nagagalak na magkatipun-tipon
sa pagdiriwang na ito
para sa mga sanggol na magiging kaanib
ng ating Sambayanang Kristiyano.
Sa pasimula ng ating pagdiriwang
sa Sakramento ng Binyag,
mangyari po lamang na ipahayag ang inyong layunin
ukol sa inyong mga pabibinyagan.

Bilang mga magulang ng mga batang ito,


nais ba ninyong sila ay tumanggap
Pagdiriwang ng Binyag ng Maraming Bata 33

ng Sakramento ng Binyag
upang makiisa sa buhay ng Diyos

MGA SAKRAMENTO
at makaanib ng ating Sambayanang Kristiyano?

Mga magulang:

Opo.

Pari:

Nalalaman ba ninyo
na kalakip ng kahilingang ito
ang pananagutan na hubugin
ang inyong mga pabibinyagan
sa diwa ni Kristo?
Mga magulang:

Opo.

Pari:

Kayo naman, mga ninong at ninang,


nakahanda ba kayong tumulong sa mga magulang
na akayin ang inyong mga inaanak sa pananampalataya?
Mga Ninong at Ninang:

Opo.
34 BINYAG

Pari:

Bilang kinatawan ng Sambayanang Kristiyano,


ikinagagalak kong tanggapin ang inyong mga anak
sa pamamagitan ng pagkukrus sa kanilang noo.
Kaya’t inaanyayahan ko kayo,
mga magulang, ninong at ninang,
upang krusan sa noo ang inyong mga pabibinyagan.

Pagpasok sa Simbahan

Awit:
Purihin at ipagdangal
ang ating Poong MaykapaI,
Ama na bukal ng Buhay,
Anak na s’ya Dating Daan,
Espiritung ating Tanglaw.
Sapagkat sa ating tanan
ay kanyang ipinaalam
ang mga Banal na Aral
na siyang gabay at tanglaw
sa landas ng ating buhay.
Pagdiriwang ng Binyag ng Maraming Bata 35

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

a. Mabuting Balita

MGA SAKRAMENTO
Marcos 10, 13-16

Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata.

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Marcos
May nagdala ng mga bata kay Hesus upang hilinging
ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay; ngunit
pinagwikaan sila ng mga alagad. Nagalit si Hesus nang
makita ito, at sinabi sa kanila, “Pabayaan ninyong
lumapit sa akin ang mga bata, huwag ninyo silang
sawayin, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang
Diyos. Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi
tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit
na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian
niya.” At kinalong ni Hesus ang mga bata, ipinatong ang
kanyang mga kamay sa kanila at pinagpala sila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.


36 BINYAG

b. Pangaral
c. Panalanging Pangkalahatan
Pari:

Mga kapatid,
halina’t lumuhog sa Poong Maykapal
upang magiliw niyang kalingain
ang mga batang bibinyagan,
ang mga magulang, ninong at ninang,
at ang buo niyang Sambayanang Banal.
Bayan:
Panginoon, dinggin mo kami.
Namumuno:

Para sa banal na Sambayanan sa ating lupain,


upang sa pamamatnubay ni Pedrong Pastol na banal,
at ni Pablong tagapangaral,
masipag niyang maipalaganap ang Magandang Balita
sa ating kapuluan at sa iba’t ibang bansa,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.
Pagdiriwang ng Binyag ng Maraming Bata 37

Namumuno:

Para sa mga bibinyagan,

MGA SAKRAMENTO
upang ang mga anghel ang pumatnubay
at mag-adya sa kanila
sa lahat ng masama,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.
Namumuno:
Para sa mga mag-anak,
upang mamalagi silang tapat
sa kanilang pangako sa binyag;
at alinsunod sa halimbawa ng banal na mag-anak
na sina Hesus, Maria at Jose,
sila’y manatiling nagmamahalan
at nagmamalasakit sa isa’t isa,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.
Namumuno:
Para sa mga ninong at ninang,
upang sa patnubay ni N. (Patron ng Parokya)
magampanan nila ang tungkuling
tuwangan nila ang mga magulang
sa paghubog sa kanilang mga inaanak,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.
38 BINYAG

Namumuno:

Para sa lahat ng binyagang naririto,


upang katulad ng lahat ng mga banal
makapamuhay tayong matapat
sa ating pangako sa binyag,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.
Pari:

Ama naming makapangyarihan,


kusang- loob kang nagmahal sa amin,
kaya sinugo mo ang iyong Anak
upang kaming nasadlak sa paniniil ng sala
ay mabigyan ng laya.
Sa tanda ng krus na banal
loobin mo na ang mga batang bibinyagan
ay maging malaya sa pagkaalipin na bunga
ng pagsuway ng nilikha mong unang tao.

Lukuban nawa sila ng Banal na Espiritu


upang sila ay mapuspos ng diwa
ng muling pagkabuhay ng iyong Anak.
Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Pagdiriwang ng Binyag ng Maraming Bata 39

Bayan:

Amen.

MGA SAKRAMENTO
d. Pagkukrus sa Noo

Pari:

Sa kapangyarihan ng ating Tagapagligtas


na si Hesukristo,
ikaw ay magpakatatag
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan:

Amen.

3. PAGDIRIWANG NG BINYAG

a. Pagbabasbas sa Tubig

Pari:

Mga kapatid,
halina’t lumuhog sa Diyos
na nagkakaloob ng kanyang buhay
sa mga sumasampalataya at nagpapabinyag
40 BINYAG

upang ang kanyang paglukob at paglingap


ay maidulot ng tubig na puspos ng kanyang
pagbabasbas.

Manalangin tayo.
Tahimik na mananalanging saglit ang tanan.

Pari:

Ama naming maawain,


pinabukal mo sa binyag ang iyong buhay
para sa mga umaanib sa iyong Sambayanan.
Kapuri-puri ka ngayon at kaiIanman.

Bayan:

Kapuri-puri ka ngayon at kailanman.

Pari:

Ama naming mapagkalinga,


pinagkakaisa mo ang mga tumanggap
ng pagbibinyag sa tubig at Espiritu Santo
upang maging mga kapatid ni Hesukristo.
Kapuri-puri ka ngayon at kailanman.
Pagdiriwang ng Binyag ng Maraming Bata 41

Bayan:

Kapuri-puri ka ngayon at kailanman.

MGA SAKRAMENTO
Pari:

Ama naming mapagmahal,


iniligtas mo ang mga tumanggap
sa Espiritu ng iyong pag-ibig
upang magkamit ng iyong kapayapaan.
Kapuri-puri ka ngayon at kailanman.
Bayan:

Kapuri-puri ka ngayon at kailanman.

Pari:

Ama naming mapagpala,


hinirang mo ang mga bininyagan
upang masayang ipahayag
ang Mabuting Balita ni Kristo para sa tanan.
Kapuri-puri ka ngayon at kailanman.

Bayan:

Kapuri-puri ka ngayon at kailanman.


42 BINYAG

Pari:

Ama naming Lumikha,


halina na po kayo at basbasan +
ang tubig na nakalaan para sa pagbibinyag
ng mga hinirang para sa muling pagsilang
at pananampalataya ng Simbahang
naghahatid sa buhay sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:

Amen.

Kapag Panahon ng Pagkabuhay at mayroon pang tubig mula sa


Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ang
pangwakas na panalangin:

Pari:

Ama naming Lumikha,


sa tubig na iyong pinagpala
idinulot mo ang muling pagsilang sa Espiritu Santo.
Ang mga hinirang mong tumanggap ng binyag
Pagdiriwang ng Binyag ng Maraming Bata 43

ayon sa pananampalataya ng iyong Simbahan


ay iyong itaguyod sa buhay sa kalangitan

MGA SAKRAMENTO
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:

Amen.

b. Pagtatakwil sa Kasalanan

Pari:

Mga minamahal na magulang, ninong at ninang,


noong tayo ay binyagan
tayo ay nalibing kasama ni Kristo,
upang kasama rin niya
tayo ay makabangon at makapagbagong-buhay.
Bilang tanda ng inyong pananagutan
sa paghubog ng inyong mga anak
ayon sa Banal na Aral
sariwain ninyo ngayon ang inyong pangako
noong kayo’y binyagan na tatalikuran
ang lahat ng kasamaan at kasalanan.
44 BINYAG

Pari:
Mga magulang, ninong at ninang, itinatakwil ba ninyo si
Satanas?

Tugon:
Opo, itinatakwil namin.

Pari:
Itinatakwil ba ninyo ang kanyang mga gawain?

Tugon:
Opo, itinatakwil namin.

Pari:
Itinatakwil ba ninyo ang kanyang pang-aakit?

Tugon:
Opo, itinatakwil namin.

c. Pagpapahayag ng Pananampalataya
Pari:
Mga magulang, ninong at ninang,
Pagdiriwang ng Binyag ng Maraming Bata 45

sumasampalataya ba kayo
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat

MGA SAKRAMENTO
na may gawa ng langit at lupa?

Tugon:
Opo, sumasampalataya kami.

Pari:
Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon natin,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?

Tugon:
Opo, sumasampalataya kami.

Pari:
Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
at muling pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan?
46 BINYAG

Tugon:
Opo, sumasampalataya kami.

Pari:
Sa pananampalataya na marangal nating ipinahayag
ating igawad ang Sakramento ng Binyag
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
4. PAGBIBINYAG

Pari:

Talaga bang bukal sa inyong loob na si N. ay pabinyagan


upang hubugin sa ipinahayag nating pananampalataya?

Tugon:

Opo.
Pagdiriwang ng Binyag ng Maraming Bata 47

Tatlong ulit na ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig ang bawat


binibinyagan.

MGA SAKRAMENTO
Pari:

N., ikaw ay binibinyagan ko, sa ngalan ng Ama,

Ang binibinyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa


unang pagkakataon.

at ng Anak,

Ang binibinyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa


ikalawang pagkakataon.

at ng Espiritu Santo.

Ang binibinyagan ay ilulubog sa tubig o bubuhusan ng tubig sa


ikatlong pagkakataon.

5. PAGLALAHAD NG KAHULUGAN NG BINYAG

a. Paglalagay ng Langis
48 BINYAG

Pari:

Ngayong naganap na ng Diyos Ama


ng Panginoong Hesukristo
ang muling pagsilang sa tubig at Espiritu Santo,
ang pagpapahid ng langis ay nagpapakilala
ng paglukob ng Espiritu Santo
sa muling isinilang sa binyag.
Maging matatag nawa ang mga batang ito
sa kanilang pakikiisa kay Kristong hari, pari, at propeta,
ngayon at magpakailanman.

Bayan:
Amen.
Lalagyan ng langis ang tuktok ng mga bagong binyag.

b. Pagbibigay ng Damit Pambinyag

Pari:

Ang damit pambinyag


ay tanda ng muling pagsilang kay Kristo
at ng dakilang karangalan ng mga anak ng Diyos.
Nawa’y manatiling wagas
Pagdiriwang ng Binyag ng Maraming Bata 49

at walang bahid-dungis ang kanilang karangalan


hanggang matamo nila ang buhay na walang hanggan.

MGA SAKRAMENTO
Bayan:
Amen.
Ilalagay ng ninong at ninang sa kanilang inaanak ang damit
pambinyag.

c. Pagbibigay ng Kandilang Nagdiringas

Tatanganan ng pari ang Kandila ng Pagkabuhay.

Pari:

Tayo nang magbigay-dangal kay Hesus


na ating Ilaw sa diwa nati’t isipan.

Bayan:

Si Hesukristo’y nabuhay. Siya’y ating kaIiwanagan.

Mula sa Kandila ng Pagkabuhay, sisindihan ng ninong at ninang


ang kandila para sa kanilang inaanak.

Pari:

Ang ilaw na ito ay tanda ng liwanag ni Kristo


na tinanggap ng mga bagong binyag.
50 BINYAG

Sa tulong ng mga magulang, ninong at ninang,


nawa’y mag-alab ito sa kanilang puso’t diwa
hanggang sa pagbabalik ni Kristong ating Panginoon.

Bayan:
Amen.
6. PAGWAWAKAS
(Sa harap ng dambana)

Pari:

Naging anak tayo ng kaliwanagan kay Kristo.


Dumulog tayo ngayon sa ating Ama
na bukal ng kaliwanagan at buhay
sa panalanging itinuro sa atin
ng ating Panginoong Hesukristo.
Bayan:

Ama Namin ...

Pari:

At sa Mahal na Birhen ating ipagkatiwala ang mga


bagong binyag. Sama-sama tayong manalangin.
Pagdiriwang ng Binyag ng Maraming Bata 51

Bayan:

Aba Ginoong Maria ...

MGA SAKRAMENTO
7. PAGBABASBAS
Ama naming mapagmahal,
amin nang ipinagdiwang ang sakramento
na nagbibigay ng iyong buhay at dangal.
Habang panahon kaming lilingon sa iyo
dahil sa lahat ng iyong awa at biyaya.
Pagindapatin mong kami
bilang mga magulang, ninong at ninang
ay manatiling matapat
sa aming mga ipinangako sa binyag.
IniIuluhog namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:

Amen.
Pari:
Sumainyo ang Panginoon.
52 BINYAG

Bayan:
At sumaiyo rin.

Pari:
Pagpalain kayo ng Poong Maykapal sa ngalan ng Ama,
at ng Anak, + at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.
Pari:

Sa kumpil at unang pakikinabang


dapat lubusin ang ating pinasimulan.
Ihanda ninyo sila pagsapit ng araw
ng pagtanggap sa mga sakramentong banal.
Humayo kayong taglay ang kapayapaan.

Bayan:
Amen.
Pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil 53

II. KUMPIL

Ang seremonyang ginagamit ng mga obispo sa pagkukumpil ang

MGA SAKRAMENTO
siya ring susundin ng isang hindi obispo na magkukumpil sa bisa ng
pangkahalatang batas o tanging pahintulot na galing sa Papa.

A. PASIMULA
Pari:
Sumainyo ang Panginoon.

Bayan:
At sumaiyo rin.

Pari:
Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


marapatin mong isugo sa amin
ang Espiritu Santo
ayon sa ipinangako ng iyong Anak.
Liwanagan nawa niya ang aming isipan.
Akayin nawa niya kami sa katotohanan
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo
magpasawalang hanggan.
54 KUMPIL

Bayan:
Amen.
B. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1. UNANG PAGBASA
Isaias 11, 1-4
Mananahan sa kanya ang espiritu ng Panginoon.

Pagbasa mula sa akIat ni propeta Isaias


Sa lahi ni David ay lilitaw ang isang hari,
tulad ng supling mula sa isang tuod.
Mananahan sa kanya ang espiritu ng Panginoon,
Bibigyan siya ng katalinuhan at pagkaunawa,
ng kaalaman at kapangyarihan,
ng karunungan at takot sa Panginoon.
Kagalakan niya ang tumalima sa Panginoon.
Hindi siya hahatol ayon sa nakikita
o batay sa narinig sa iba.
Bibigyan niya ng katarungan ang mga dukha,
ipagtatanggol ang karapatan ng mga kawawa.

Ang Salita ng Diyos.


Bayan:
Salamat sa Diyos.
Pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil 55

2. SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 1.24. 27-28. 30-31. 33-34

MGA SAKRAMENTO
Bayan:
Espiritung bumubuhay Panginoon, ‘yong ibigay.

Namumuno:
Pinupuri ka, Panginoon, ng aking kaluluwa,
O Panginoon aking Diyos,
kay dakila mong talaga!
Sa daigdig, Panginoon,
kay rami ng iyong likha,
pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa. Tugon.

Namumuno:
Lahat sila’y umaasa, sa iyo ay nag-aabang,
umaasa sa pagkain na kanilang kailangan.
Ang anumang kaloob mo ay kanilang tinatanggap,
mayro’n silang kasiyahan pagkat bukas ang yong
palad.Tugon.

Namumuno:
Taglay mo ang katangiang buhay nila ay ibalik,
56 KUMPIL

bagong buhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.


Sana ang ‘yong karangala’y manatili kailanman,
sa lahat ng iyong Iikha ang madama’y kagalakan.
Tugon.

Namumuno:
Aawitan ko ang Poon, palagi kong aawitan,
Siya’y aking pupurihin habang ako’y nabubuhay.
Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan,
habang aking inaawit ang papuri sa Maykapal. Tugon.

3. ALELUYA
Juan 14, 16

Aleluya! Aleluya!
Bigay ni Kristo’y patnubay
Espiritung mananahan
sa hirang ng Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

4. MABUTING BALITA
Juan 14, 15-17
Pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil 57

Ang Espiritu ng katotohanan


ay magiging kasama ninyo magpakailanman.

MGA SAKRAMENTO
+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung iniibig


ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos.
Dadalangin ako sa Ama, at kayo’y bibigyan niya ng isa
pang Patnubay na magiging kasama ninyo
magpakailanman. Ito’y ang Espiritu ng katotohanan,
na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya
nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala
ninyo siya, sapagkat siya’y sumasainyo at nananahan
sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

5. PAGTAWAG SA KUKUMPILAN AT PANGARAL


Pari:
Noong araw ng Pentekostes, ayon sa pangako ng
Panginoon, tinanggap ng mga apostol ang Espiritu Santo.
58 KUMPIL

Gayundin, tinanggap nila ang kapangyarihan


ipagkaloob sa kapwa tao ang Espiritu Santo upang
maging ganap ang pagkakristiyano ng mga nabinyagan
na. Sa Aklat ng Mga Gawa ng Mga Apostol ay sinasabing
noong ipatong ni San Pablo ang kanyang mga kamay sa
mga binyagan, dumating sa kanila ang Espiritu Santo at
nagsimula silang magsalita sa iba’t ibang wika at
nagpahayag ng salita ng Diyos.
Bilang kahalili ng mga apostol, ang mga obispo
ay nagtataglay ng gayon ding kapangyarihang
magkaloob ng Espiritu Santo sa mga nabinyagan na.
Ang pagkakaloob na ito ay maaaring isagawa ng mga
obispo mismo o ng mga paring kanilang aatasang
tumulong.

Sa ngayon, ang pagdating ng Espiritu Santo sa


sandali ng pagkukumpil ay wala nang kasabay na mga
panbihirang kaloob tulad ng pagsasalita sa iba’t ibang
wika.

Gayon pa man, sa tulong ng ating


pananampalataya nadarama natin ang pagdating ng
Espiritu Santo. Ang ating puso ay pinupuspos niya ng
pag-ibig ng Diyos. Tayo ay pinagbubuklod niya sa iisang
Pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil 59

pananampalataya bagamat ang bawat isa sa ati’y may


kanya-kanyang atas na gawain buhat sa Diyos. Sa paraang

MGA SAKRAMENTO
lingid sa ating paningin, ang Simbahan ay pinagkakaisa
at inilalapit ng Espiritu Santo sa Diyos.

Minamahal na mga kapatid na ngayo’y


kukumpilan, ang pagkakaloob sa inyo ng Espiritu Santo
ay magiging isang espirituwal na tanda at tatak.
Tutulungan kayo nitong maging higit na katulad ng ating
Panginoong Hesukristo. Tutulungan kayo nitong maging
lalong maaasahang kaanib ng kanyang Simbahan, mga
masigasig na sangkap ng kanyang katawan. Kahit na si
Hesus ay tumanggap din ng Espiritu Santo noong siya’y
binyagan ni San Juan Bautista. Ito ang nagsugo sa kanya
upang pag-alabin ang diwa ng mga tao.

Nabinyagan na kayo kaisa ni Hesukristo. Ngayon


nama’y tatanggapin ninyo ang ipinangako niyang Espiritu
Santo. Ito’y magaganap samantalang tinatatakan kayo
sa noo ng krus ni Hesukristo.

Mula ngayon, mayroon na kayong pananagutan


na maging tagapagpahayag ng pagpapakasakit,
kamataya’t muling pagkabuhay ni Hesukristo sa kapwa
60 KUMPIL

tao. Magagawa ninyo ito kung ang kanyang kabutihan


ay mababakas sa inyong pagkatao, kaisipan, at pag-
uugali. Tayong lahat na bumubuo ng Simbahan ay
tumatanggap mula kay Hesukristo ng iba’t ibang kaloob
na ipinamamahagi ng Espiritu Santo. Bilang
nagkakaisang bayan ng Diyos, mamalagi nawa tayong
nagtutulungan at nagmamahalan.

Mula ngayo’y maging masigasig kayo sa pagiging


kaanib ng Simbahan. Sa patnubay ng Espiritu Santo,
sikapin ninyong paglingkuran ang isa’t isa katulad ng
ginawa ni Hesukristo na naparito hindi upang
paglingkuran kundi upang maglingkod.

Bago ninyo ganap na tanggapin ang Espiritu


Santo, ipahayag ninyo ang pananampalataya na
ipinangakong isasalin sa inyo ng inyong mga magulang,
mga ninong at ninang. Ginawa nila ang gayong pangako
noong kayo ay binyagan.

Ngayong may kakayanan na kayo upang magsalita


para sa inyong sarili, buong puso ninyong akuin ang
pangako nila bilang pagsariwa sa pananampalatayang
saligan ng inyong pag-anib sa angkan ng Diyos, ang
Simbahan.
Pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil 61

6. PAGSARIWA SA MGA PANGAKO SA BINYAG

Pagkatapos ng pangaral, ang mga kukumpilan ay tatayo at tatanungin

MGA SAKRAMENTO
sila ng magkukumpil:

Pari:
Itinatakwil ba ninyo si Satanas at ang kanyang mga
gawain at panghihikayat sa masama?

Mga Kukumpilan:
Itinatakwil po namin.

Pari:
Sumasampalataya ba kayo sa Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat na may likha ng langit at
lupa?

Mga Kukumpilan:
Sumasampalataya po kami.

Pari:
Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo, iisang Anak
ng Diyos, Panginoon natin, ipinanganak ni Santa
Mariang Birhen, ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?
62 KUMPIL

Mga Kukumpilan:
Sumasampalataya po kami.

Pari:
Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo, Panginoon
at nagbibigay-buhay, na bumaba sa mga apostol noong
Pentecostes, at ngayon ay inyong tatanggapin sa
sakramento ng kumpil?

Mga Kukumpilan:
Sumasampalataya po kami.

Pari:
Sumasampalataya ba kayo sa Banal na Simbahang
Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran
ng mga kasalanan, at muling pagkabuhay ng mga
namatay, at sa buhay na walang hanggan?

Mga Kukumpilan:
Sumasampalataya po kami.

Pari:
Ito ang ating pananampalataya.
Ito ang pananampalataya ng Banal na Simbahan.
Ito ang ikinararangal nating ihayag
kaisa ni Kristo Hesus na ating Panginoon.
Pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil 63

Bayan:
Amen.

MGA SAKRAMENTO
C. PAGKUKUMPIL

1. PAGPAPATONG NG MGA KAMAY

Ang magkukumpil ay haharap sa mga tao at magkadaup-palad niyang


aawitin o bibigkasin ang sumusunod:

Mga kapatid,
noong binyagan ang mga kukumpilan ngayon,
sila’y muling isinilang:
ipinagkaloob sa kanila ng Diyos
ang kanyang sariling buhay
kaya’t sila’y naging mga anak niya.

Idalangin natin ngayon sa Diyos Ama


na ipagkaloob niya sa kanila ang Espiritu Santo
upang sila’y mapuspos ng kanyang lakas
at bunga ng pagpapahid ng banal na langis
ay maging higit silang katulad ni Kristo,
ang Anak ng Diyos.
Tahimik na dadalangin ang lahat.
64 KUMPIL

Ipapatong ng magkukumpil ang kanyang mga kamay sa ulo ng mga


kukumpilan. Siya lamang ang aawit o bibigkas ng sumusunod:

O Diyos na makapangyarihan sa lahat,


Ama ni Hesukristo na aming Panginoon,
sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu Santo,
hinango mo sa kasalanan ang mga anak mong ito
at binigyan mo sila ng pakikihati sa iyong buhay.

Suguin mo sa kanila ngayon


ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw,
upang siyang maging lakas nila at patnubay.
Ipagkaloob mo na sila’y mapuspos
ng karunungan at pang-unawa,
na sila’y maging makatwiran sa pagpapasya
at manatiling matibay ang loob sa lahat ng pagkakataon.
Puspusin mo sila ng kaalaman at pamimitagan
at ng banal na pagkatakot sa harap ng iyong kadakilaan.
Hinihiling namin ito sa iyo sa pamamagitan ni Kristo
na aming Panginoon magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
Pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil 65

2. PAGPAPAHID NG LANGIS

Ang krisma ay dadalhin sa nagkukumpil. Ang mga kukumpilan ay

MGA SAKRAMENTO
isa-isang lalapit sa kanya, o kaya lalapit siya sa kanila. Ipapatong ng
ninong o ninang o ang magulang na naghaharap sa kukumpilan ang
kanyang kanang kamay sa aanakin o anak at sasabibin niya ang
ngalan nito sa nagkukumpil. Maaari ring ang kukumpilan ang magsabi
ng kanyang ngalan.

Ilulubog ng nagkukumpil ang kanyang kanang hinlalaki sa lalagyan


ng krisma at sa pamamagitan nito’y kukrusan niya sa noo ang
kinukumpilan samantalang sinasabi ito:

N., TANGGAPIN MO ANG TATAK NG KALOOB NG


ESPIRITU SANTO.
Kinumpilan:
Amen.

Igagawad ang pagbati ng kapayapaan.


Pari:
Sumaiyo ang kapayapaan.

Kinumpilan:
At sumaiyo rin.
66 KUMPIL

3. PANALANGIN NG BAYAN
Pari:
Mga kapatid,
taimtim tayong manalangin
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Pag-isahin natin ang ating pagsamo sa kanya
tulad ng ating pagkakaisa sa pananampalataya,
pag-asa, at pag-ibig na kaloob ng Espiritu Santo.
Bayan:
Panginoon, dinggin mo kami.

Namumuno:
Para sa mga kapatid nating bagong kumpil,
upang ang kanilang buhay
ay mapuspos ng pananampalataya at pag-ibig
at maging mga tapat silang saksi ni Kristo,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Namumuno:
Para sa kanilang mga magulang, ninong at ninang
na umaakay sa kanila sa pananampalataya,
upang mapatnubayan ng kanilang magagandang payo
at mabubuting halimbawaang pamumuhay ng mga
Pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil 67

bagong kumpil na naaayon sa landas ng Panginoong


Hesukristo, manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

MGA SAKRAMENTO
Namumuno:
Para sa banal na Simbahan ng Diyos,
para sa ating Papa N., para sa ating obispo, N.
at para sa lahat ng mga obispo’t pari, upang maitaguyod
nila ang pagkakaisa’t pagmamahalan ng mga taong
pinagbubuklod ng Espiritu Santo
hanggang sa maningning na pagbabalik ng Diyos Anak,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Namumuno:
Para sa lahat ng mga tao, lipi, at bansa,
upang magmahalan ang lahat bilang magkakapatid
at mga anak ng iisang Diyos Ama at upang totohanang
hanapin ng lahat ang kaharian ng kapayapaan
at kaningningan ng Espiritu Santo,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.
Pari:
O Diyos na aming Ama,
isinugo mo ang Espiritu Santo sa mga apostol.
Sa pamamagitan nila at ng kanilang mga kahalili,
68 KUMPIL

patuloy mong isinusugo ang Espiritu Santo sa amin.


Ang aral na sinimulang ipahayag noong Pentecostes
ay patuloy nawang maihatid sa kabatiran ng lahat.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo
na aming Panginoon magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

4. ANG PANALANGIN NG PANGINOON


(Kapag walang Misa)

Darasalin ng lahat ang “Ama Namin” sa pangunguna ng nagkumpil.


Sisimulan niya ito sa pamamagitan ng sumusunod na pangungusap
o anumang katumbas nito:

Mga kapatid,
sabay-sabay nating awitin (bigkasin)
ang panalanging itinuro sa atin
ni Hesukristo na ating Panginoon.

Bayan:
Ama namin ...
Pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil 69

D. MARINGAL NA PAGBABASBAS

Pari:

MGA SAKRAMENTO
Isinilang kayo ng Diyos Ama bilang kanyang mga anak
sa pamamagitan ng tubig at Espiritu Santo.
Sumainyo nawa ang kanyang pagpapala
at patnubayan kayo ng kanyang maka-amang
pagmamahal.
Bayan:
Amen.

Pari:
Ipinangako ni Hesukristo
na Diyos Anak sa kanyang Simbahan
ang pananatili ng Espiritu Santo ng katotohanan.
Sumainyo nawa ang pagpapala ni Hesukristo
at patatagin nawa kayo sa pamumuhay
ayon sa tunay na pananampalataya.

Bayan:
Amen.
70 KUMPIL

Pari:
Pinag-alab ng Espiritu Santo
ang apoy ng pag-ibig sa puso ng mga alagad
noong siya’y bumaba sa mga ito.
Sumainyo nawa ang kanyang pagpapala,
pagbuklurin kayo sa isang pananampalataya at pag-ibig,
at akayin kayo sa kaligayahan ng paghahari ng Diyos.

Bayan:
Amen.

Agad idurugtong ng nagkumpilang sumusunod:


Pari:
Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama,
at Anak, + at Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.
Pagsamba sa Banal na Sakramento ng Eukaristiya 71

III. PAGSAMBA SA BANAL NA SAKRAMENTO NG


EUKARISTIYA

MGA SAKRAMENTO
A. PAGTATANOD NG SANTISISSIMO SAKRAMENTO

Aawit ang bayan ng isang angkop na awit sa pagtatanod ng


Santissimo Sakramento at ang Banal na Sakramento ay iinsensuhan.

1. Awit
“Isang Bansa”

O kay ganda ng ating buhay napupuspos ng pagpapala


Ng sakramentong mahiwaga kaloob ni Hesus
sa ‘ti’y gabay.
O kay tamis ng pagsasama nagmumula sa pagkakaisa
Bumubukal sa pagsasalo sa iisang hapag ay dumalo.

Purihin si Hesus sa sakramento;


purihin ng lahat ng tao
Purihin siya ng Pilipino sa pagkakaisa lingapin mo.
O lingapin mo.
72 BANAL NA SAKRAMENTO

2. PAUNANG SALITA

Tagabasa:

Tayo ay natitipon ngayon sa harapan ng Banal na


Sakramento ng pag-aalay buhay ni Hesukristo sa krus.
Ang tanging Tagapagligtas ay naghahandog sa atin ng
Tinapay na nagbibigay ng buhay. Sa Eukaristiya ay
nabubuklod tayo sa pag-ibig ni Kristo. Bilang isang
sambayanang pinasisigla ng Tinapay ng buhay, tayo ay
mag-alay ng panalangin ng pagsamba, pasasalamat,
pagluhog at pagbabayad-puri kay Kristo. Ang
sambayanang hinirang na ito, kasama ni Maria na ating
Ina, ay nakatalagang lubos sa paglilingkod sa mahihirap,
sa kawang-gawa, sa pagpapahalaga sa karapatan ng
bawat tao, at sa pagpapalaganap ng katarungan,
kapayapaan at kagalingan ng kalikasan.

3. PAGBUBUNYI KAY KRISTO

a. Antipona:
Aawitin sa tono ng “Christus vincit...”
Pagsamba sa Banal na Sakramento ng Eukaristiya 73

Si Kristo ang ilaw; si Kristo ang buhay;


Kristo, Kristo magpakailanman.

MGA SAKRAMENTO
Namumuno:
Si Kristo ang nagmamahal noon sa bayang hinirang,
Si Kristo ang nagmamahal simula pa noong araw. Tugon.

Namumuno:
Si Kristo ang pinagmulan: alpa’y sagisag n’yang tunay,
S’ya’y ating pinangalingan.Kay Kristo ay nabibilang lahat
ng panaho’t araw,Bawat yugto ng pag-iral. Tugon.

Namumuno:
Kay Kristo ang karangalan, lahat ng kapangyarihan,
Panginoong dinarangal.Si Kristo ang s’yang hantungan:
Omega’y kanyang larawan, s’ya ang ating patutunguhan.
Tugon.

Namumuno:
Kay Kristo ay nabibilang, mga taong daan-daan,
Hari s’ya ng kasaysayan.
Kay Kristo ang kapurihan ng buong sangkatauhan,
Ngayon at magpakailanman. Tugon.
74 BANAL NA SAKRAMENTO

4. PAGBASA

1 Cor 10:16-17
Maaaring ang pagbasa na ginamit sa Santa Misa sa kasalukuyang araw,
o anumang angkop na pagbasa na galing sa Bibliya.

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa


mga taga-Corinto

Hindi ba’t ang pag-inom natin sa saro ng pagpapala na


ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni
Kristo? At ang pagkain natin ng tinapay na ating
pinagpipira-piraso ay pakikibahagi naman sa kanyang
katawan? Kaya nga, yamang isa lamang ang tinapay,
tayo’y iisang katawan bagamat marami, sapagkat
nakikibahagi tayo sa iisang tinapay.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:

Salamat sa Diyos.

Maglaan ng sandali ng katahimikan.


Pagsamba sa Banal na Sakramento ng Eukaristiya 75

5. HOMILIYA
Maaring magbigay ang namumuno ng homiliya.

MGA SAKRAMENTO
6. PAGNINILAY-TAHIMIK NA PANALANGIN

7. PANALANGIN KAY KRISTONG BANAL

Pari:
Hesus banal na Guro, iyong sinabi: “Ang lumalapit sa
akin ay hindi Ko ipagtatabuyan.” Sumasamo kami:

Bayan:
Hesus Guro, — Daan, Katotohanan at Buhay,
kaawaan mo kami.

Pari:
Hesus Banal na Guro, iyong sinasabi: “Ako ang tinapay
ng buhay. Hinding-hindi magugutom ang lumalapit sa
akin at hindi mauuhaw kailanman ang naniniwala sa
akin. Sumasamo kami:

Bayan:
Hesus Guro, — Daan, Katotohanan at Buhay,
kaawaan mo kami.
76 BANAL NA SAKRAMENTO

Pari:
Hesus, Banal na guro, iyong sinasabi: “Ako ang tinapay
ng buhay na pumanaog sa langit. Kung may kakain ng
Tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At
ang laman, alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.”
Sumasamo kami.

Bayan:
Hesus Guro, — Daan, Katotohanan at Buhay,
kaawaan mo kami.

8. AWIT

“Isang Pagkain, Isang Katawan, Isang Bayan”

Katulad ng mga butil na tinitipon


Upang maging tinapay na nagbibigay buhay
Kami nawa’y matipon din at maging bayan mong giliw.

Koro: Iisang Panginooon, iisang katawan,


isang bayan, isang lahi sa ‘yo’y nagpupugay.

Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak


Pagsamba sa Banal na Sakramento ng Eukaristiya 77

Sino mang uminom nito may buhay na walang hanggan.


Kami nawa’y maging sangkap sa pagbuo nitong bayang

MGA SAKRAMENTO
liyag. Koro.

9. PAGPAPAHAYG NA PANANAMPALATAYA

B. ANG LITANIYA NG KASUNDUAN

(Batay sa Panalanging Ingles ni Sr. Catherine Caron, SSS)

Pari:
Panginoong Hesus, hindi kita nakikita ng mata
ng aking katawan sa sakramento ng altar. Ngunit
sumasampalataya ako na ikaw ay naririto sa
kaluwalhatian ng iyong Amang nasa langit at sa
kaligtasan ng tao.

Bayan:
Purihin si Hesus sa sakramento, purihin ng lahat ng tao.
Purihin siya ng Pilipino, sa pagkakaisa lingapin mo.
(aawitin)
78 BANAL NA SAKRAMENTO

Pari:
Sumasampalataya ako na ang Eukaristiya ay kahanga-
hangang tanda ng pag-ibig. Ito ay buhay na alaala ng
iyong banal na salita at gawa. Ikaw, O Kristo — ang
kahapon, ngayon at kailanman — ang dakilang
Eukaristiya!

Sumasampalataya ako na ang Eukaristiya ay ang Bagong


Kasunduan, ang pangako ng pagmamahal ng Diyos sa
lahat ng tao, ang katuparan ng pangakong kabanalan sa
ating panahon at sa ating buhay.

Bayan:
Purihin si Hesus sa sakramento, purihin ng lahat ng tao.
Purihin siya ng Pilipino, sa pakikipagkaisa lingapin mo.
(aawitin)

Pari:
Sumasampalataya ako na ang Eukaristiya ay si Hesus na
sumasaatin. Naparito siya upang manahan sa atin upang
mahubog tayo sa kanya. Kaya ating masasabi: “Hindi na
ako ang nabubuhay kundi si Kristo ang nabubuhay sa
akin.’
Pagsamba sa Banal na Sakramento ng Eukaristiya 79

Naniniwala ako sa kadakilaan ng iyong pag-ibig.


Sinasamba kita! Kahanga-hanga ang iyong kabutihan at

MGA SAKRAMENTO
pagmamahal! Opo, Panginoon, Sumasampalataya po
ako.

Bayan:
Purihin si Hesus sa sakramento, purihin ng lahat ng tao.
Purihin siya ng Pilipino, sa pakikipagkaisa lingapin mo.
(aawitin)

Pari:
Napakinggan namin ang iyong tinig, Panginoon! Nadama
namin ang pintig ng iyong puso sa iyong mga salita.
Hinahanap ka namin. “Panginoon, kanino kami
tutungo? Nasa iyo lamang ang salita ng buhay na walang
hanggan.”

Sumasampalataya kami na ikaw ay naririto kapiling


namin. Kasama ka namin hanggang kailanman. Ang iyong
salita, ang iyong mga anak at sambayanan, ang kaparian
ang mga sakramento — nadarama namin rito ang iyong
presensya.
80 BANAL NA SAKRAMENTO

Narito kami upang ipahayag ang aming


pananampalataya sa iyong presensya, sa Banal na
Eukaristiya. Salamat po sa handog mong kapayapaan.
Maipahayag po sana namin nang buong tiwala ang
hiwaga ng iyong pagmamahal.

Bayan:
Purihin si Hesus sa sakramento, purihin siya ng lahat ng
tao. Purihin siya ng lahat ng Pilipino, sa pagkakaisa
lingapin mo. (aawitin)

Pari:
Salamat, Panginoong Hesus, ikaw ang tinapay ng buhay.
Kami ang nagugutom na sambayanan. Kailangan namin
ang lakas na dulot sa iyong banal na piging.

Tanggapin mo ang aming gawa, ang buo naming


pagkatao. Ang yaman at karalitaan ay handog namin sa
iyo, kaisa ang iyong pag-aalay buhay, para sa
kaluwalhatiaan ng Banal na Santatlong Diyos.
Pagsamba sa Banal na Sakramento ng Eukaristiya 81

Bayan:
Purihin si Hesus sa sakramento, purihin ng lahat ng tao.

MGA SAKRAMENTO
Purihin siya ng Pilipino, sa pagkakaisa lingapin mo.
(aawitin)

Pari:
Sumasampalataya kami na ang Eukaristiya ay tanda ng
ating kasunduan sa Diyos. Ito ang buhay ni Kristo na
dumadaloy sa atin — ang buhay na dumadaloy sa puno
ng ubas at sa sanga. Salamat po, Panginoon! Sinasamba
ka namin sa iyong pag-ibig na walang hanggan.

Bayan:
Amen.

Saglit na katahimikan bilang paghahanda ng mga kalooban ng tao para


sa bendisyon ng Eukaristiya.

C. BENDISYON NG EUKARISTIYA

1. Awit
“Tantum Ergo”
82 BANAL NA SAKRAMENTO

Tautum ergo Sacramentum veneremur cernui


Et antiquum documentum novo cedat ritui;
Praestet fides supplementum sensuum defectui.

Genitori, Genitoque laus et iubilatio


Salus, honor, virtus quoque sit et benedictio:
Procedenti ab utroque compar sit laudatio. Amen.

Pari:
Binusog mo sila ng tinapay na galing sa langit.

Bayan:
Ang tinapay na punong-puno ng kagalingan.

2. Panalangin sa Pagbendisyon

Pari:
Manalangin tayo.

Saglit na katahimikan.

Panginooong Hesukristo,
sinasamba ka namin,
Pagsamba sa Banal na Sakramento ng Eukaristiya 83

buhay kang kapiling namin


sa sakramento ng iyong katawan at dugo.

MGA SAKRAMENTO
Maialay nawa namin sa ating Amang nasa langit
ang pangako ng ganap na pagmamahal.
Maiaalay nawa namin sa ating mga kapatid
ang buhay na laan sa pag-ibig
at sa paglilingkod sa kaharian ng Diyos.
Nabubuhay ka kasama ng Ama
at ng banal na Espiritu, iisang Diyos,
magpakailanman.

Bayan:
Amen.

Habang binabasbasan ang bayan ng Santissimo Sakramento,


iinsensuhan ng isang ministro ang Santissimo Sakramento.

3. Mga Dakilang Papuri

Purihin ang Diyos.


Purihin ang kanyang Banal na Pangalan.
Purihin si Hesukristo, tunay na Diyos at tunay na tao.
Purihin ang pangalan ni Hesus.
84 BANAL NA SAKRAMENTO

Purihin ang kamahal-mahalan niyang Puso.


Purihin ang kamahal-mahalan niyang Dugo.
Purihin si Hesus sa kabanal-banalang Sakramento
ng Altar.
Purihin ang Banal na Espiritu, ang Paraklito.
Purihin ang dakilang Ina ng Diyos, si Maria
ang kabanal-banalan.
Purihin ang kanyang paglilihing walang sala.
Purihin ang kanyang maluwalhating pag-akyat sa langit.
Purihin ang pangalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose, ang kanyang pinakadalisay
na kabiyak.
Purihin ang Diyos sa mga anghel at banal.

4. Pangwakas na Awit

Maaari pang pumili ng ibang anumang angkop na awit.


Pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-iisang-Dibdib 85

IV. ANG PAG-IISANG-DIBDIB

A. PASIMULA

MGA SAKRAMENTO
1. PAGBATI
Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.

Pari:
Sumainyo ang Panginoon.

Bayan:
At sumaiyo rin.

2. PAMBUNGAD NA PALIWANAG
(Hinalaw sa Familiaris Consortio, 1)

Pari:
Mga kapatid, tayo’y nilikha ng Diyos bilang kanyang
kawangis, tinawag niya tayo upang mabuhay sa
pamamagitan ng pag-ibig at para sa pag-ibig.
86 PAG-IISANG-DIBDIB

Ang pangunahing kataga sa Pahayag ng Diyos ay ang


kanyang pag-ibig sa kanyang sambayanan. Ito ay
ipinahahayag sa inyong pag-ibigan, N. at N. Ang buklod
ng pag-ibig ng magkaisang-dibdib ay siyang larawan at
tagapaghiwatig ng tipan na siyang nag-uugnay sa Diyos
at sa kanyang sambayanan.
B. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1. UNANG PAGBASA
Genesis 1, 26-28. 31a

Nilalang ng Diyos ang lalaki at babae.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sinabi ng Diyos: “Ngayon, lalangin natin ng tao. Ating


gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala
sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging maamo
o mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang
tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang
lalaki at babae, at sila’y pinagpala. Wika niya,
“Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling
ang buong daigdig, at pamahalaan ito.
Pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-iisang-Dibdib 87

Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa


mga ibon, at sa lahat ng maiilap na hayop, maging

MGA SAKRAMENTO
malalaki o maliliit.” Pinagmasdan ng Diyos ang lahat
niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan.

Ang Salita ng Diyos.


Bayan:
Salamat sa Diyos.

2. SALMONG TUGUNAN
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5

Bayan (1):

Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.


Namumuno:
Mapalad ang bawat taong sa Panginoo’y may takot,
ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.
Tugon.
88 PAG-IISANG-DIBDIB

Namumuno:
Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga,
bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya.
Ang sinuman kung Panginoon ay kusang susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain. Tugon.

Namumuno:
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem;
Ang iyong magiging apo, nawa ikaw ay abutin,
nawa’y maging mapayapa itong bayan ng Israel! Tugon.

3. ALELUYA
1 Juan 4,8 at 11

Aleluya! Aleluya!
D’yos ay pag-ibig na tunay
kaya’t tayo’y magmahalan
at siya’y ating tularan!
Aleluya! Aleluya!
Pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-iisang-Dibdib 89

4. MABUTING BALITA
Marcos 10, 6-9

MGA SAKRAMENTO
Hindi sila dalawa kundi isa.

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus: “Sa pasimula
pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan: ‘Nilalang niya
silang Ialaki at babae. Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang
kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyang asawa,
at sila’y magiging isa.’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi
isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng
tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
5. PANGARAL
(Hinalaw sa Familiaris Consortio, 13 at 86).
Pari:
Mga kapatid, bilang pag-alala, ang sakramento ng kasal
ay nagdudulot ng pagpapala at pananagutang
ipagdiwang ang paggunita sa mga dakilang ginanap ng
90 PAG-IISANG-DIBDIB

Diyos at ang pagpapatunay sa mga anak ninyo tungkol


dito.
Bilang pagganap, ang sakramento ng kasal ay
nagdudulot ng pagpapala at pananagutang gampanan
ang pag-ibig na mapagpatawad at mapagmalasakit sa
kapakanan ng isa’t isa at mga anak. Bilang
pagpapahayag, ang sakramento ng kasal ay nagdudulot
ng pagpapala at pananagutang isabuhay at patunayan
ang inaasahang pakikipagtagpo kay Kristo sa hinaharap.
Ang Banal na Mag-anak, Hesus, Maria at Jose, ay hindi
magkukulang sa pagtulong sa inyo upang maging tapat
kayo sa inyong pananagutan araw-araw, upang maging
matatag kayo sa pag-ako sa mga alalahanin at suliranin
sa buhay, upang maging laan kayo sa pagtulong sa mga
kapwa-taong nangangailangan ng pagdamay, at upang
makatupad kayong may kasiyahan sa layunin ng Diyos
para sa inyong pamumuhay.

C. PAG-IISANG-DIBDIB
Pari:
Minamahal kong N., at N.
sa Binyag at Kumpil, nakiisa kayo
Pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-iisang-Dibdib 91

sa buhay at pananagutan ng Panginoon,


at sa pagdiriwang ng Huling Hapunan

MGA SAKRAMENTO
muli’t muli kayong nakisalo
sa hapag ng kanyang pagmamahal.
Ngayon nama’y kusang-Ioob
na kayo’y dumudulog sa Sambayanang ito
at humihiling ng panalangin
upang ang inyong panghabambuhay na pagbubuklod
ay pagtibayin ng Panginoon.

At kayo naman, mga kapatid, na natitipon ngayon,


ay manalangin para kina N. at N.
at bukas-palad silang tanggapin
bilang magkaisang-dibdib
sa ating Sambayanang Kristiyano.
Sa katapusan ng pangaral, ang pari ay maglalahad ng mga katanungan
sa mga ikakasal upang kanilang maipahayag ang kanilang kusang-loob
at tapat na pag-ibig sa isa’t isa at ang pagiging handang tanggapin at
hubugin ang kanilang magiging anak. Makakaharap sa bayan ang mga
ikakasal hanggang sa pagpapatibay ng kanilang kasal. Kapag sila’y
lampas na sa gulang na pagkakaroon ng anak, malalaktawan ang huling
tanong.
92 PAG-IISANG-DIBDIB

Pari:
Hinihiling ko ngayon
na buong katapatan ninyong ipahayag
ang inyong damdamin sa isa’t isa.

Pari (sa babae):


N., bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito
upang makaisang-dibdib si N.
na iyong pakamamahalin at paglilingkuran
habambuhay?

Babae:
Opo, Padre.

Pari (sa lalaki):


N., bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito
upang makaisang-dibdib si N.
na iyong pakamamahalin at paglilingkuran
habambuhay?

Lalaki:
Opo, Padre.
Pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-iisang-Dibdib 93

Lalaktawan ang tanong na sumusunod kapag sila’y lampas na sa


gulang ng pagkakaanak.

MGA SAKRAMENTO
Pari (sa magkasintahan):

Nakahanda ba kayong gumanap sa inyong pananagutan


sa Simbahan at sa bayan na umaasang inyong aarugain
ang mga supling na ipagkakaloob ng Poong Maykapal
upang sila ay inyong palakihin bilang mabubuting
mamamayanang Kristiyano?

Magkasintahan:
Opo, Padre.

1. PAGTITIPAN
Aanyayahan ng pari ang magkasintahan upang ipahayag ang
kanilang pagtitipan.

Pari (sa magkasintahan):


Minamahal kong N. at N.
sa harap ng Diyos at ng kanyang Sambayanan,
pagdaupin ninyo ang inyong mga palad
at ipahayag ninyo ang mithiing magtipan
sa banal na sakramento ng kasal.
94 PAG-IISANG-DIBDIB

Magdadaup-palad ang magkasintahan.

Tatanungin ng pari ang babae:

N., sumasang-ayon ka ba
na maging asawa si N.,
na naririto ngayon
alinsunod sa batas at mga alitintunin
ng ating banal na Simbahan?

Babae:
Opo, Padre.

Pari:
Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya
ng iyong sariIi bilang kanyang maybahay?

Babae:
Opo, Padre.
Pari:
Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya
ang pananagutan ng buhay may-asawa?

Babae:
Opo, Padre.
Pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-iisang-Dibdib 95

Tatanungin ng pari ang lalaki:

N., sumasang-ayon ka ba na maging maybahay si N.,

MGA SAKRAMENTO
na naririto ngayon,
alinsunod sa batas at mga alituntunin
ng ating banal na Simbahan?

Lalaki:
Opo, Padre.

Pari:
Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya
ng iyong sarili bilang kanyang asawa?

Lalaki:
Opo, Padre.

Pari:
Nakalaan ka bang balikatin sa piling niya
ang pananagutan ng buhay may-asawa?

Lalaki:
Opo, Padre.
96 PAG-IISANG-DIBDIB

Ang ikalawa at ikatlong tanong ay malalaktawan kapag nakasal na


sa hukuman ng pamahalaan ang magkatipan.

Magdarasal ang magkasintahang ikinakasal:

Ama namin,
kami po ay inyong loobing
magkaisa ng kalooba’t damdamin
mula ngayon sa kaginhawahan at kahirapan,
sa karamdaman at kalusugan,
sa lahat ng araw ng aming buhay.

Ang pagtitipan ng nag-iisang-dibdib ay tatanggapin ng pari:

Bilang tagapagpatunay ng Simbahan,


pinagtitibay ko’t binabasbasan
ang pagtataling-puso na inyong pinagtipan,
sa ngalan ng Ama, at ng Anak, + at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.
Pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-iisang-Dibdib 97

2. PAGBABASBAS AT PAGBIBIGAYAN
NG MGA SINGSING AT ARAS

MGA SAKRAMENTO
Lalapit ang maydala ng singsing at aras upang ito’y ipanalanginan
ng pari bilang pagbibigay-kahulugan sa mga sagisag na ito ng kasal.
Wiwisikan ng pari ang mga singsing at aras ng banal na tubig.

Pari:
Ama naming maawain,
basbasan mo’t kupkupin
ang iyong mga + lingkod na sina N. at N.
Pagkalooban mo sila ng sapat na kabuhayang
sinasagisag ng mga aras na ito
sa ikapagkakamit ng buhay na walang hanggan.
Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan
Amen.

Sa halip na mga salapi, ang mga aras ay maaaring sagisag ng


kabuhayan tulad ng bigas, mga kuwintas, at pulseras, alinsunod sa
umiiral na kaugalian.
98 PAG-IISANG-DIBDIB

Pari:
Ama naming mapagmahal,
basbasan mo’t lingapin
ang iyong mga + lingkod na sina N. at N.
Pagindapatin mo na silang magsusuot
ng mga singsing na ito ay maging kawangis mo
sa iyong wagas na pag-ibig
at walang maliw na katapatan.
Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

Isusuot ng lalaki sa kinauukulang daliri ng babae ang singsing habang


kanyang sinasabi:

Lalaki:

N., kailanma’y di kita pagtataksilan.


Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito
na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.
Pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-iisang-Dibdib 99

Isusuot ng babae sa kinauukulang daliri ng lalaki ang singsing habang


kanyang sinasabi:

MGA SAKRAMENTO
Babae:

N., kailanma’y di kita pagtataksilan.


Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito
na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.
llalagak ng lalaki ang mga aras (mga salapi, o kaya bigas, kuwintas o
pulseras) upang ipagkatiwala ito sa babae habang kanyang sinasabi:

Lalaki:

N., kailanma’y di kita pababayaan.


Inilalagak ko sa iyo itong mga aras
na tanda ng aking pagpapahalaga
at pagkaIinga sa kapakanan mo
(at ng ating magiging mga anak).
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.
100 PAG-IISANG-DIBDIB

Sasagot ang babae:

Tinatanggap ko ito
at nangangako akong
magiging iyong katuwang
sa wastong paggamit at pangangasiwa
ng ating kabuhayan.
Matapos ang pagbibigayan ng singsing at aras, maaaring batiin ng
mag-asawa ang isa’t isa sa pamamagitan ng masuyong paghalik.
Sila’y magmamano sa kanilang mga magulang, ninong at ninang.
Sila’y papalakpakan ng sambayanan habang tinutugtog ang batingaw.

3. PANALANGIN NG BAYAN
Pari:
Mga minamahal kong kapatid,
halinang magkaisa sa pagdalangin sa Diyos
para sa ating mga bagong kasal na sina N. at N.
at para sa buong Simbahan, sanlibutan,
at sa ikapagkakaisa ng tanan.

Bayan:
Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.
Pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-iisang-Dibdib 101

Namumuno:
Para kina N. at N. na ngayo’y

MGA SAKRAMENTO
pinagbuklod sa pag-iisang-dibdib
upang sila’y mamuhay sa kalusugan
at maligtas sa panganib,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Namumuno:
Para sina N. at N. ay pagpalain sa buklod ng tipan
gaya ng pagpapabanal ni Kristo
sa ikinasal sa Cana, Galilea
na pinangyarihan ng kanyang unang kababalaghan,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Namumuno:
Para sina N. at N. ay puspusin ng pag-ibig,
pagkakasundo at pagtutulungang matalik,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Namumuno:
Para sina N. at N. ay panatilihing matibay
sa katapatan, kasiyahan, at Kristiyanong pamumuhay,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.
102 PAG-IISANG-DIBDIB

Namumuno:
Para sina N. at N. at ang lahat ng mag-asawa
ay bigyan ng Espiritu Santo
ng ibayong pag-ibig at ligaya,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Pari:
Ama naming makapangyarihan,
kaawaan mo sina N. at N. at pagbigyan sa kahilingang
magkamit ng iyong kaloob
sa ikapagkakaisa sa pagmamahal
at sa ikapagkakaroon ng ligaya sa kalangitan
kaisa ng kanilang mga supling at mga mahal sa buhay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
4. PAGSUKOB AT PAGBIBIGKIS

Ang belo at kordon bilang sagisag ng pagsukob at pagbibigkis ng


mag-asawa sa buhay ng pag-iibigan ay ilalagay ng mga abay kapag
nakaluhod na ang mag-asawa.
Pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-iisang-Dibdib 103

5. PAGPAPANALANGIN SA MAG-ASAWA
Pari:

MGA SAKRAMENTO
Ama naming banal,
nilikha mo ang tao
bilang lalaki’t babaing iyong kalarawan
upang sa kaugnayan sa pag-iisang-dibdib
ay maisakatuparan ang iyong layunin
sa lupang ibabaw.

Ama naming mapagmahal,


niloob mong sa pamumuhay
ng mga mag-asawa sa pagmamahalan
ay mabanaagan ang tipan ng iyong paghirang
na iyong minarapat ipagkaloob sa iyong sambayanan
upang ang ipinahihiwatig mong lubusan
ay maglahad ng pag-iisang-dibdib
ni Kristo at ng Sambayanan
kaya naman hinihiling naming sina N. at N.
ay gawaran ng pagbabasbas ng iyong kanang kamay.

Ipagkaloob mong sa pagsasama nila habang buhay


kanilang mapagsaluhan ang pag-ibig mong bigay
at sa isa’t isa’y kanilang maipamalas
104 PAG-IISANG-DIBDIB

ang iyong pakikipisan


sa pagkakaisa ng damdamin at isipan.
Bigyan mo rin sila ng matatag na tahanan,
(at mga anak na huhubugin sa Mabuting Balita
ng Anak mong mahal
para maging maaasahang kaanib ng iyong angkan).

Marapatin mong mapuspos


ng pagpapala ang babaing ito na si N.,
upang bilang asawa ni N.,
(at bilang ina ng magiging mga anak nila)
kanyang maganap nang may pagmamalasakit
ang tungkulin sa tahanan.
Gayun din naman,
pangunahan mo ng iyong pagbabasbas
ang lalaking ito na si N.,
upang kanyang magampanang marapat
ang tungkulin ng asawang matapat ni N.
(at amang maaasahan ng kanilang magiging mga anak).

Ama naming banal,


pagbigyan mo sila sa pagdulog sa iyong hapag
bilang mga pinagbuklod sa pag-ibig na wagas
Pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-iisang-Dibdib 105

upang kanilang mapagsaluhan


ang piging na di magwawakas

MGA SAKRAMENTO
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
D. PAGHAYO SA PAGWAWAKAS

Iaalis ngayon ang belo at kordon. Tatayo ang mga bagong kasal para
sa tagubilin at pagbabasbas. Bilang tagubilin, sasabihin ng pari sa mga
bagong kasal:

Habilin ko sa inyo, mga bagong kasal:


mamuhay kayong lagi sa pag-ibig at katapatan.

Sasabibin ng pari sa maybabay:

N., pag-ibig mo’y patunayan


sa pagiging butihing maybahay
na may pananampalataya,
kabanalan at pag-ibig sa Maykapal.
106 PAG-IISANG-DIBDIB

Sasabibin ng pari sa asawang lalaki:

N., maybahay mo’y ibigin


gaya ng malasakit ni Kristo sa Simbahan
bilang pagsunod sa kalooban
ng Diyos Ama sa kalangitan.

Pari:
Sumainyo ang Panginoon.

Bayan:
At sumaiyo rin.
1. MARINGAL NA PAGBABASBAS
Pari:
Ang Diyos Amang makapangyarihan
ay siya nawang magbigay ng kagalakang
dulot ng mga anak na sa inyo’y sisilang
at ng kanyang kasiyahan
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
Pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-iisang-Dibdib 107

Pari:
Ang Bugtong na Anak ng Diyos

MGA SAKRAMENTO
ay siya nawang sa inyo’y tumuwang sa kahirapan
at kaginhawahan ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

Pari:
Ang Espiritu Santo ay siya nawang
magdulot ng pagmamahal
na nag-uumapaw sa inyo ngayon
at magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

Pari:
At kayong lahat na nagtipun-tipon dito
ay pagpalain nawa ng makapangyarihang Diyos,
Ama, at Anak, + at Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.
108 PAKIKIPAGKASUNDO

V. PAKIKIPAGKASUNDO

A. ISAHANG PAKIKIPAGKASUNDO SA DIYOS NG


NAGSISISI

1. PAGTANGGAP SA NAGSISISI

Ang nagsisisi na nais makipagkasundo sa Diyos ay buong lugod na


tatanggapin ng pari at babatiin nang nararapat na pananalita.

Magkukrus ang nagsisisi at kung hinihingi ng pagkakataon, pati ang


pari:
Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Aanyayahan ng pari ang nagsisisi na umasa sa Diyos:

Ang Diyos ay Iiwanag ng ating puso.


Pagkalooban ka nawa niya ng kanyang awa
at aminin mo nawa ang iyong mga pagkakasala
ayon sa katotohanan.

Sasagot ang nagsisisi:


Amen.
Isahang Pakikipagkasundo sa Diyos ng Nagsisisi 109

2. PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


(Kung ninanais)

MGA SAKRAMENTO
Mateo 6, 14-15

Kung pinatatawad ninyo ang mga nagkasala sa inyo,


patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit.

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Mateo

Dinggin natin ang Panginoong Hesukristo.


Ito ang sinasabi niya:
“Kung pinatatawad ninyo ang mga nagkasala sa inyo,
patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit.
Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad
ang mga nagkasala sa inyo,
hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
110 PAKIKIPAGKASUNDO

3. PAGKUKUMPISAL AT PAGTANGGAP SA
GAWAING UKOL SA PAGBABAYAD-PURI

Kung may kaugaliang bigkasin ang pangkalahatang pagkukumpisal,


maaari itong gawin ng nagsisisi, halimbawa’y “Inaamin ko”.

Kung kinakailanga’y tutulungan ng pari ang nagsisisi na


makapagkumpisal nang buo, bibigyan ng nauukol na payo, at
hihimuking magtika nang lubos. Ipaaalala sa kanya na sa
pamamagitan ng sakramento ng pakikipagkasundo sa Diyos ang
Kristiyano’y muling nakikiisa sa misteryo ng pasko ng pagkamatay at
pagkabuhay na muli ni Kristo. Bibigyan siya ng isang gawain bilang
bayad-puri dahil sa kasalanan at para sa ikapagbabagong-buhay.
Pagsisikapan ng pari na ibagay sa katayuan ng nagsisisi ang uri ng
pananalita at payo na kanyang ibinibigay.

4. PANALANGIN NG NAGSISISI AT PAGGAWAD NG


KAPATAWARAN

Pagkatapos ay aanyayahan ng pari ang nagsisisi para ihayag ang


kanyang damdamin at hangad na makipagkasundo sa Diyos. Maaaring
gamitin ang sumusunod na pananalita o katumbas nito:

Diyos ko,
pinagsisihan ko nang buong puso
ang aking kasalanan
dahil sa paggawa ng masama
Isahang Pakikipagkasundo sa Diyos ng Nagsisisi 111

at di ko paggawa ng mabuti.
Ito’y pagsuway sa iyo, pinakamabuting Diyos,

MGA SAKRAMENTO
na dapat kong mahalin nang higit sa lahat.
Sa iyong tulong ay nagpapasya akong matibay
at nangangakong magbabagong-buhay
at Ialayo sa udyok ng kasalanan.
Sa pamamagitan ng mga pagpapalang tinamo
ni Hesukristo na Manunubos
mula sa bisa ng kanyang mga hirap.
O Diyos ko, kaawaan po ninyo ako.
o kaya:

Panginoong Hesus, Anak ng Diyos,


ako na isang makasalanan ay inyo pong kaawaan.

Ngayon ay ipapatong ng pari ang kanyang mga kamay sa ulo—ng


nagsisisi (o itataas man lamang ang kanyang kanang kamay) at kanyang
sasabihin:

Ang Diyos ay maawain nating Ama.


Pinagkasundo niya ang mundo sa kanyang sarili
sa pamamagitan ng kamatayan at
muling pagkabuhay ng kanyang Anak.
Sinugo niya ang Espiritu Santo
para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
112 PAKIKIPAGKASUNDO

Pagkalooban ka niya ng kapatawaran at kapayapaan


sa pamamagitan ng paglilingkod ng Simbahan.

AT NGAYON IKA’Y PINAPATAWAD KO


SA IYONG MGA KASALANAN
SA NGALAN NG AMA, AT NG ANAK +
AT NG ESPIRITU SANTO.

Sasagot ang nagsisisi:


Amen.
5. PAGPUPURI SA DIYOS AT PAGPAPAHAYO
SA NAGSISISI
Pari:
Purihin ang Panginoon sapagkat siya’y lipos ng
kabutihan.
Sasagot ang ginawaran ng kapatawaran:
Sapagkat ang kanyang awa
ay magpakailanman.
Pari:
Pinatatawad ng Panginoon
ang mga kasalanan mo.
Taglayin mo sa iyong pag-alis
ang kanyang kapayapaan.
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 113

B. PAKIKIPAGKASUNDO SA DIYOS NA MAY ISAHANG


PAGKUKUMPISAL AT PAGGAGAWAD NG

MGA SAKRAMENTO
KAPATAWARAN

1. PASIMULA

a. Awit

Maaaring umawit ng anumang katha buhat sa Aklat ng mga Awit


(Salmo), taludtod o awiting angkop, kung ang mga tao ay natitipon na
samantalang pumapasok ang pari upang magsimula.

b. Pagbati
Pari:
Sumainyo ang pagpapala at kapayapaan
mula sa Diyos na ating Ama
at mula kay Hesukristo na nagmamahal sa atin
at sa pamamagitan ng kanyang dugo
ay lumilinis ng ating mga kasalanan.

Bayan:
Ang karangaIan ay sumasakanya habang panahon.
Amen.
114 PAKIKIPAGKASUNDO

c. Panalanging Pambungad
Pari:
Manalangin tayo, mga kapatid,
upang pagkalooban tayo ng Diyos ng tunay
at ganap na pagsisisi,
yayamang siya na rin ang tumawag sa atin
upang tayo’y magbalik-Ioob sa kanya.

Sandaling manalangin nang tahimik.

Pakinggan mo, Diyos Amang mahabagin,


ang aming pagdaing at pagkukumpisal.
Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan
upang matahimik ang aming kalooban.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 115

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

a. Unang Pagbasa

MGA SAKRAMENTO
Deuteronomio 5, 1-3.6-7. 11-12. 16-21a; 6, 4-6

Ibigin mo ang Panginoong iyong Diyos nang buo mong puso.

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Tinipon ni Moises ang buong Israel at kanyang sinabi,


“Mga Israelita, dinggin ninyo ang Kautusan at ang mga
tuntuning ilalahad ko sa inyo ngayon. Unawain ninyong
mabuti at tupdin ang mga ito. Ang Panginoon ay
nakipagtipan sa atin sa Bundok ng Horeb. Siya’y hindi
lamang sa ating mga ninuno nakipagtipan kundi pati sa
atin na nabubuhay ngayon.
‘Ako ang Panginoon, ang Diyos na humango sa inyo sa
pagkaalipin sa Egipto.
‘Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos maliban
sa akin.
‘Huwag ninyong babanggitin sa walang kabuluhang
usapan ang aking pangalan; tiyak na parurusahan ko
ang gagawa nito.
116 PAKIKIPAGKASUNDO

‘Ipangilin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, tulad ng


utos ko sa inyo.
‘Igalang ninyo ang inyong ama’t ina tulad ng iniutos ko
sa inyo. Sa gayon, hahaba ang inyong buhay at
mapapanuto kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo.
‘Huwag kayong papatay.
‘Huwag kayong mangangalunya.
‘Huwag kayong magnanakaw.
‘Huwag kayong sasaksi nang walang katotohanan.
‘Huwag ninyong pagnanasaan ang asawa ng inyong
kapwa. Huwag ninyong pag-iimbutan ang kanyang
bahay, bukid, alila, baka, asno o alinmang ari-arian
niya.’
Dinggin ninyo mga Israelita: Ang Panginoon lamang ang
Diyos. Ibigin ninyo siya nang buong puso, kaluluwa
at lakas. Ang mga utos niya’y itanim ninyo sa inyong
isip.”
Ang Salita ng Diyos.
Bayan:
Salamat sa Diyos.
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 117

b. Salmong Tugunan
Baruk 1, 15-22

MGA SAKRAMENTO
Bayan:
Kami po ay kaawaan,
daing namin ay pakinggan.
Tiwala nami’y matibay, Panginoon,
pagkat bukal sa puso n’yo’ng pagmamahal.

1. Sa harap ng katarungan
na inyong pinaiiral
kami’y puspos-kahihiyan.
Nagkasala kaming tunay
kayo po’y aming sinuway.

Hindi po namin dininig,


Panginoon, ang ‘yong tinig.
Sa utos ninyong matuwid
na dapat naming inibig
kami po ay nagsilihis. Tugon.

2. Mula nang inyong hanguin


buhat sa pagkaalipin
ang mga magulang namin
118 PAKIKIPAGKASUNDO

kami po’y naging suwail


tinig n’yo’y di namin pansin.

At magpahanggang ngayon nga


kami’y kulang sa tiwala
sa banal ninyong salita
aming binabalewala
ang dakila n’yong adhika. Tugon.

3. Kami pari’y nagkasala,


kahit amin nang nakita
na lahat ay makakaya
na gawin ninyo tuwina
upang kami’y ipag-adya.

Mga parusang sakuna


sa Ehiptong isinumpa
upang kami’y mapalaya
ni Moises na nagsalita
ng matapat ninyong awa. Tugon.
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 119

c. Ikalawang Pagbasa
Efeso 5, 1-14

MGA SAKRAMENTO
Mamuhay tayong puspos ng pag-ibig tulad ni Kristo.

Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Efeso
Yamang kayo’y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan
ninyo siya. Mamuhay kayong puspos ng pag-ibig tulad
ni Kristo; dahil sa pag-ibig sa atin, inihandog niya ang
kanyang buhay, bilang mahalimuyak na hain sa Diyos.

Kayo’y mga hinirang ng Diyos, kaya’t hindi dapat


mabanggit man lamang sa inyong usapan ang anumang
uri ng pakikiapid, karumihan, o pag-iimbot. Gayun din
ang anumang malaswa, o walang kabuluhang usapan at
pagbibirong di nararapat. Sa halip, magpasalamat kayo
sa Diyos. Alam ninyo na walang bahagi sa kaharian ni
Kristo at ng Diyos ang taong mapakiapid, mahalay, o
mapag-imbot sapagkat ang pag-imbot ay pagsamba sa
diyus-diyosan.Huwag kayong padaya kaninuman sa
pamamagitan ng mga gawang iyon, ang Diyos ay
napopoot sa mga suwail.
120 PAKIKIPAGKASUNDO

Dati, kayo’y nasa kadiliman, ngunit ngayo’y nasa Iiwanag


sapagkat kayo’y sa Panginoon. Mamuhay kayo gaya ng
nararapat sa mga taong naliwanagan sapagkat ang
ibinubunga ng pamumuhay sa Iiwanag ay pawang
mabuti, matuwid, at totoo. Pag-aralan ninyo kung ano
ang kalugod-Iugod sa Panginoon. Huwag kayong
sasangkot sa mga taong gumagawa ng mga bagay na
walang ibinubungang kabutihan — mga bagay na dulot
ng kadiliman. Sa halip ay ilantad ninyo sila at ang
kanilang mga gawa. Sapagka’t kahiya-hiyang banggitin
man lamang ang mga bagay na ginagawa nila nang lihim.
Ang lahat ng nalalantad ay naliliwanagan, at ang
naliliwanagan ay nagiging liwanag. Kaya’t sinasabi,
“Gumising ka, ikaw na natutulog,
magbangon ka mula sa mga patay.
At liliwanagan ka ni Kristo.”
Ang Salita ng Diyos.

Bayan:
Salamat sa Diyos.
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 121

d. Aleluya
Juan 8, 12

MGA SAKRAMENTO
Aleluya, halikayo:
Liwanag ako ng mundo
sa aki’y sumunod kayo
Dilim ay di sasainyo.
Aleluya, ani Kristo.

(Sa panahon ng Kuwaresma)


Paanyaya’y halikayo:
Liwanag ako ng mundo
sa aki’y sumunod kayo
Dilim ay di sasainyo.
Ang sabi ni Hesukristo.

e. Mabuting Balita
Juan 13, 34-35; 15, 10-13

Isang bagong utos ang ibinibigay ko: Mag-ibigan kayo.

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Isang bagong


utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo!
122 PAKIKIPAGKASUNDO

Kung paanong inibig ko kayo, gayun din naman, mag-


ibigan kayo. Kung kayo’y mag-ibigan, makikilala ng lahat
na kayo’y mga alagad ko.

“Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili


kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga
utos ng aking Ama at ako y nananatili sa kanyang pag-
ibig.

“Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang


makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong
kagalakan. Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng
pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa sa
pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para
sa kanyang mga kaibigan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

g. Pangaral

Ang pangaral ay dapat hanguin sa mga pagbasa. Ito’y dapat tumulong


sa mga nagbabalik-loob sa pagsusuri ng budhi tungo sa ikapagbabago
ng buhay.
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 123

h. Pag-uusisa ng Budhi

1. Ano ang aking saloobin o palagay tungkol sa

MGA SAKRAMENTO
Sakramento ng Pakikipagkasundo? Hinahangad ko ba
nang buong katapatan ang lumaya sa kasalanan,
magbalik-Ioob sa Diyos, magsimula ng bagong buhay,
at pumasok sa isang matatag at matapat na
pakikipagkaibigan sa Diyos? O para sa akin ito ay isang
mabigat na dalahin, na kung maaari lamang ay
maiwasan?
2. Kinalimutan ko ba na banggitin o kusang itinago ang
isang mabigat na kasalanan noong lumipas na
pagkukumpisal?

3. Isinagawa ko ba ang pagbabayad-puri na iniatas sa akin?


Gumawa ba ako ng pagbabayad-puri sa nagawa ko laban
sa kapwa? Pinagsumikapan ko ba na tuparin ang aking
pangako na ang buhay ko ay lalong maiayon sa aral ng
Mabuting Balita?

Ang wika ng Panginoon: “Ibigin mo ang Panginoon mong


Diyos nang buo mong puso.”
124 PAKIKIPAGKASUNDO

1. Ang puso ko ba ay nakatalaga sa Diyos, upang siya ay


tunay kong ibigin nang higit sa lahat ng bagay, at matapat
ba ako sa kanyang mga utos, tulad ng pag-ibig ng isang
anak sa kanyang ama? O ako ba ay higit na abala sa mga
bagay sa mundong ito? Mayroon ba akong mabuting
intensiyon sa aking mga ginagawa?

2. Nagsalita ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Anak.


Matatag ba at matibay ang aking pananampalataya sa
Diyos? Buong puso ba ang pagtanggap ko sa itinuturo
ng Simbahan? Naging masigasig ba ako sa pag-unlad sa
aking pananampalataya, sa pakikinig ng Salita ng Diyos,
sa pakikinig sa mga itinuturo ng pananampalataya, sa
pag-iwas sa mga ikakapanganib ng aking
pananampalataya? Ako ba ay laging naging malakas at
walang takot na magpahayag ng aking pananampalataya
sa Diyos at sa Simbahan? Maluwag ba sa aking kalooban
na ako ay makilalang Kristiyano maging sa sarili ko at sa
lipunan?

3. Nagdasal ba ako sa umaga at sa gabi? Kung ako ay


nagdarasal, itinataas ko ba ang aking isip at puso sa
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 125

Diyos, o ito ay mga salita lamang? Iniaalay ko ba sa


Diyos ang aking kahirapan, kasayahan at kalungkutan?

MGA SAKRAMENTO
Sa panahon ng tukso, sa Diyos ko ba ibinabaling ang
aking sarili?

4. Ako ba ay mayroong pag-ibig at paggalang sa ngalan ng


Diyos? Nagkasala ba ako ng paglait sa Diyos, ng
panunumpa nang walang katotohanan, o binanggit ko
ang ngalan ng Diyos nang walang kabuluhan? Nagpakita
ba ako ng kawalang paggalang sa Mahal na Birhen at sa
mga Santo?

5. Ipinangingilin ko ba at pinagiging banal ang mga araw


ng Linggo at pistang pangilin, sa pamamagitan ng ganap
na pakikiisa sa Pagdiriwang ng Liturhiya, lalo na ang
Eukaristiya?

6. Mayroon ba akong mga sinasambang diyus-diyosan na


higit kong binibigyan ng pansin at pananalig kaysa Diyos,
tulad ng salapi, mga pamahiin at mga maling paniniwala?

Sinabi ng Panginoon: “Magmahalan kayo tulad ng


pagmamahal ko sa inyo.”
126 PAKIKIPAGKASUNDO

1. Ako ba ay may pag-ibig sa kapwa? O ginagamit ko sila


para sa aking sariling layunin, o ginagawa ko sa kanila
ang ayaw ko na gawin nila sa akin? Nakapagbigay ba
ako ng masamang halimbawa sa salita at sa gawa?

2. Sa buhay ng angkan, nakapagdulot ba ako ng kasiyahan


at sa ikabubuti ng mga kasama sa bahay, sa pamamagitan
ng pagtitiis at tunay na pag-ibig? Bilang anak, ako ba ay
naging masunurin sa magulang, sa wastong paggalang
at pagtulong sa kanilang pangangailangang materyal at
espirituwal? Bilang ama o ina, ako ba ay naging masikap
na makapagbigay sa aking mga anak ng maka-
kristiyanong edukasyon at matulungan sila sa
pamamagitan ng magagandang halimbawa at
pagpapakita ng tunay na pagiging magulang? Ako ba ay
naging matapat sa aking asawa at sa aking pakikitungo
sa iba?

3. Binabahaginan ko ba ng aking kabuhayan ang mga


kapus-palad? Ginagawa ko ba ang makakaya upang
matulungan ang mga biktima ng pang-aapi, kahirapan
at kawalang katarungan? o binabaliwala ko ang aking
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 127

kapwa, lalo na ang mga dukha, maysakit, matatanda,


mga dayuhan at mga taong malayo sa akin?

MGA SAKRAMENTO
4. Ang buhay ko ba ay nagpapahayag ng aking misyong
tinanggap sa kumpil? Nakikiisa ba ako sa mga gawain at
pagkakawanggawa ng Simbahan at sa buhay ng ating
parokya? Tumutulong ba ako upang matugunan ang
pangangailangan ng Simbahan at ng buong daigdig at
ipinagdarasal ko ba sila para sa pagkakaisa sa Simbahan,
para sa ikalalaganap ng Mabuting Balita, para sa
kapayapaan, katarungan, atbp.?

5. Ako ba ay nagmamalasakit para sa ikabubuti at


ikasasagana ng sambayanan na aking kinabibilangan, o
ako’y nabubuhay para sa sarili lamang? Ako ba ay
nagsusumikap na makatulong para sa pagpapairal ng
katarungan, moralidad, magandang pagsasamahan at
pag-ibig, bilang isang mamamayan? Nagbayad ba ako
ng buwis?

6. Sa aking gawain o propesyon, ako ba ay naging


matuwid, masipag, matapat, naglilingkod sa lipunan
taglay ang pag-ibig sa kapwa? Binibigyan ko ba ng
makatarungang suweldo o upa ang aking mga
128 PAKIKIPAGKASUNDO

empleyado o manggagawa, mga katulong sa bahay at


mga naglilingkod sa akin? Sa aking paglilingkod, ako ba
ay naging matapat sa aking pinaglilingkuran, sa aking
gawain? Ako ba ay naging matapat sa aking pangako?

7. Sumusunod ba ako sa mga may kapangyarihan sa


pamahalaan o sa mga namumuno sa bayan at ibinibigay
sa kanila ang wastong paggalang?

8. Kung ako ay nasa katayuan ng mga may pananagutan o


may kapangyarihan, ginagamit ko ba ito para sa aking
sariling kapakanan o para sa ikabubuti ng iba ayon sa
diwa ng tunay na paglilingkod?

9. Ako ba ay naging matapat at matuwid o nakasakit sa


kapwa sa pamamagitan ng panlilinlang, paninirang puri,
pagbibintang at pagbubunyag ng lihim ng aking kapwa?

10. Ako ba ay naging marahas sa iba, at nakapinsala sa


kanilang buhay o katawan, sa karangalan o kabuhayan
ng iba? Ako ba ay nakapagdala sa kapahamakan ng iba?
Ako ba ay nagturo sa iba para sa kanilang ikapapahamak
tulad ng pagpapayo ng paglalaglag, o maling
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 129

pamamaraan ng pagpipigil sa panganganak? Ako ba ay


nagtanim ng galit sa iba? Ako ba ay hindi kasundo ng

MGA SAKRAMENTO
aking kapwa, dahil sa pakikipag-away, samaan ng loob,
galit? Ako ba ay tumangging sumaksi sa kawalang malay
ng aking kapwa dahil sa kasakiman o karamutan?

11. Ako ba ay kumuha ng hindi sa akin laban sa kalooban


ng aking kapwa? Nagnasa ba ako sa ari-arian ng iba nang
may labis na pag-iimbot? Ako ba ay nagbayad-puri sa
nagawang pamiminsala o pagkawala ng ari-arian ng aking
kapwa?

12. Ako ba ay nagpatawad, at nagbigay ng pakikipag-


kapayapaan alang-alang sa pag-ibig kay Kristo, sa mga
nakagawa sa akin ng masama o ako ba ay nagtanim ng
galit o naghangad ng paghihiganti?

Sinabi ni Kristong ating Panginoon: “Maging ganap kayo


tulad ng inyong Ama sa langit.”

1. Saan ako dadalhin ng aking buhay? Ang akin bang


inspirasyon ay ang pag-asa sa buhay na walang hanggan?
Pinagsikapan ko ba na umunlad sa buhay ng Espiritu, sa
130 PAKIKIPAGKASUNDO

pamamagitan ng panalangin, pagbasa at pagninilay ng


Salita, ng Diyos, pagtanggap ng mga sakramento,
pagtanggi sa sarili? Pinagsumikapan ko ba na
mapaglabanan ang aking masasamang hilig, pag-uugali,
tulad ng pagkainggit, malabis na pagkain at pag-inom?
Ako ba ay naging palalo at mayabang sa pag-iisip na
higit na mabuti ang aking sarili kaysa iba sa harap ng
Diyos? Ipinilit ko ba sa iba ang aking gusto, at walang
paggalang sa kanilang kalayaan at karapatan?

2. Paano ko ginamit ang aking panahon, kalusugan at lakas,


ang mga biyayang ipinagkaloob sa akin ng Diyos, tulad
ng mga talento sa Mabuting Balita? Ginagamit ko ba
ang mga ito upang lalong maging ganap araw-araw? O
naging tamad ako at pabaya?

3. Ako ba ay naging mapagpasensiya sa pagtanggap ng


mga kalungkutan at kabiguan sa buhay? Paano ako
nagsanay para sa mga tiisin at mumunting kahirapan
upang makabahagi man lamang ng mga paghihirap ni
Kristo? Ginawa ko ba ang pag-aayuno at abstinensiya?

4. Iningatan ko ba ang kalinisan ng aking kaluluwa, mga


panlabas na pandamdam at ang aking katawan, bilang
templo ng Espiritu Santo, na nakatalaga para sa muling
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 131

pagkabuhay at kaluwalhatian at bilang isang tanda ng


matapat na pag-ibig ng Diyos sa lalaki at babae, na lubos

MGA SAKRAMENTO
na nakalarawan sa sakramento ng kasal? Niyurakan ko
ba ang aking katawan sa pamamagitan ng
pangangalunya, kahalayan, masasagwang usapan o pag-
iisip, hangarin at kilos? Ibinigay ko ba ang aking sarili sa
kamunduhan? Nagpakalabis ba ako sa mga babasahin,
usapan, panoorin at libangan na laban sa maka-
Kristiyanong gawain at kabanalan? Inakit ko ba ang iba
sa kasalanan? Bilang may-asawa, ako ba ay naging
matapat sa batas ng kabutihan sa aking buhay may-
asawa?

5. Lumabag ba ako sa aking budhi sa takot o pagpapakitang-


tao?

6. Pinagsumikapan ko ba na gumawa ayon sa tunay na


kalayaan ng mga anak ng Diyos, sa batas ng Espiritu, o
ako ay alipin ng aking sariIing mga di-mapigil na simbuyo
ng damdamin?
132 PAKIKIPAGKASUNDO

3. PAKIKIPAGKASUNDO SA DIYOS

a. Pangkalahatang Pag-amin sa Kasalanan


Namumuno:
Mga kapatid, aminin ninyo ang inyong mga kasalanan
at ipanalangin ninyo ang bawat isa upang magkamit kayo
ng kapatawaran.
Bayan:
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos
at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.
sa isip, sa salita, sa gawa
at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Namumuno:

Hingin natin sa Panginoon ng awa


na linisin ang puso ng mga nagkukumpisal sa kanya.
Kalagin sa tali ng kasamaan at bigyan ng kapatawaran
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 133

ang mga umaamin sa pagkakasala


at patatagin ang lahat laban sa kasalanan.
Tulungan mo kaming pagsisihan

MGA SAKRAMENTO
at talikdan ang kasalanan.

Bayan:
Hinihiling namin, dinggin mo kami.

Namumuno:
Bigyan mo kami ng kapatawaran sa aming kasalanan at
pawiin ang kaparusahan dahil sa kasalanan noong
lumipas. Tugon.
Namumuno:
Panumbalikin mo ang pagkakaisa sa banal mong
Simbahan yayamang natiwalag kami sa kanya dahil sa
aming mga pagkakasala. Ibalik mo kaming malinis sa
sinapupunan ng iyong Simbahan. Tugon.
Namumuno:
Igawad mong muli sa amin na mga makasalanan ang
buhay na tinanggap namin sa sakramento ng binyag.
Tugon.
134 PAKIKIPAGKASUNDO

Namumuno:
Tanggapin mo kami sa iyong altar at bigyan mo kami ng
bagong buhay kasama ng pag-asang kami’y magtatamo
ng buhay na walang hanggan. Tugon.
Namumuno:
Tulungan mo kaming maging tapat sa pagtanggap ng
mga banal na sakramento at manatiling tapat sa iyo,
sapagkat ikaw ay aming Panginoon. Tugon.
Namumuno:
Pagtibayin mo ang pag-ibig namin sa iyo upang kami’y
maging tunay na saksi at tapat na alagad mo sa gitna ng
mga tao. Tugon.
Namumuno:
Bigyan mo kami ng tiyaga sa pagsunod sa iyong mga
utos upang makamtan namin ang buhay na walang
hanggan. Tugon.

Pari:
Manalangin tayo sa Diyos na ating Ama, ayon sa turo ni
Kristo, upang patawarin ang ating mga kasalanan at
tayo’y maligtas sa lahat ng masama.
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 135

Dadasalin ng lahat:
Ama namin ...

MGA SAKRAMENTO
Pari:

Ama naming makapangyarihan,


tulungan mo kami.
Inaamin namin na kami’y mga makasalanan
sa iyong Simbahan.
Sa pamamagitan ng Simbahan
ay patawarin mo ang aming mga kasalanan,
linisin mo ang aming mga puso,
at turuan mo kaming magpasalamat sa iyo tuwina
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.

b. Isahang Pagkukumpisal at Paggawad ng Kapatawaran

Ang mga nagbabalik-loob ay paroroon sa mga pari, na nasa


kani-kanilang upuan, upang ikumpisal ang kanilang mga kasalanan.
Ang bawat isa ay bibigyan ng isang gawain bilang bayad-puri at
dapat niya itong tanggapin. Pagkatapos na ikumpisal ang mga
kasalanan, ang bawat nagbabalik-loob ay bibigyan ng angkop na
payo at paalaala. Ipapatong ng pari ang kanyang mga kamay sa ulo
136 PAKIKIPAGKASUNDO

ng nagkukumpisal o kaya’y iuunat na lamang ang kanang kamay at


ibibigay ang kapatawaran:

Ang Diyos ay maawain nating Ama.


Pinagkasundo niya ang mundo sa kanyang sarili
sa pamamagitan ng kamatayan at muling
pagkabuhay
ng kanyang Anak.
Sinugo niya ang Espiritu Santo
para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Pagkalooban ka niya ng kapatawaran at kapayapaan
sa pamamagitan ng paglilingkod ng Simbahan.
AT NGAYON IKA’Y PINAPATAWAD KO
SA IYONG MGA KASALANAN
SA NGALAN NG AMA, AT NG ANAK +
AT NG ESPIRITU SANTO.

Sasagot ang nagbabalik-loob:


Amen.

c. Pagpupuri sa pagkamaawain ng Diyos

Matapos na makapagkumpisal nang isa-isa ang mga taong


nagnanais, ang paring nangulo ng pagdiriwang sa piling ng mga
ibang pari ay magsasalita upang anyayahan ang mga tao na
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 137

magpasalamat sa Diyos at magsikap gumawa ng mabuti. Maaaring


umawit ng isang angkop na katha mula sa Aklat ng mga Awit, o
ibang awitin, o kaya’y magdasal ng isang papuring litanya para

MGA SAKRAMENTO
ipagbunyi ang kapangyarihan at awa ng Diyos, halimbawa’y ang
Awit ni Maria (Magnificat), o ika-135 Awit, 1-9, 13-14, 16,25-26.

d. Pangwakas na Panalangin ng Pasasalamat

Pagkatapos ng awit o papuring litanya, wawakasan ang pagdiriwang


na ito sa pamamagitan ng isang panalanging ipahahayag ng pari:

Diyos ng kapangyarihan at awa,


isang kababalaghan ang paglikha mo sa tao
ngunit higit na kababalaghan
ang siya’y muli mong likhain at bigyan ng bagong buhay.
Hindi mo pinababayaan ang mga makasalanan,
bagkus pa nga’y kinukupkop mo sila
sanhi ng iyong pagmamahal bilang aming Ama.
Sinugo mo ang iyong Anak dito sa Iupa
upang sa pamamagitan ng kanyang pagpapakasakit
ay magapi ang kasalanan at kamatayan;
ibinalik mo sa amin ang buhay at kaligayahan
sa pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay.
Sinugo mo ang Espiritu Santo sa aming puso
138 PAKIKIPAGKASUNDO

upang kami’y iyong kupkupin bilang mga anak


at tagapagmana ng iyong kaharian.
Kami ay binibigyan mo ng iyong buhay at lakas tuwina
sa pamamagitan ng mga sakramento ng kaligtasan
upang kami’y mahango sa pagkaalipin ng kasalanan
at upang malarawan sa aming sarili ang pinakamamahal
mong Anak. Pinasasalamatan ka namin dahil sa
kababalaghan ng iyong awa at pinupuri ka namin
kaisa ng buong Simbahan. Kami’y nag-aalay ng isang
bagong awit na bumubukal sa aming puso, salita,
at gawa. Sumaiyo ang kapurihan
sa pamamagitan ni Hesukristo kaisa ng Espiritu Santo
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
4. PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Pari:
Patnubayan nawa ang inyong puso
ng pagmamahal ng Diyos at ng pagkamitiisin ni Kristo,
ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.
Pakikipagkasundo na may Isahang Pagkukumpisal 139

Pari:
Taluntunin ninyo ang landas ng pagbabagong-buhay

MGA SAKRAMENTO
at bigyang-Iugod ang Diyos ngayon
at magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.

Pari:
Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama,
at Anak, + at Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Pari:
Pinatawad na ng Panginoon
ang inyong mga kasalanan.
Humayo kayong taglay ang kapayapaan.
140 PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT

VI. PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT

A. PASIMULA
Pari:
Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:
At sumaiyo rin.

1. PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG


Pari:
Ang banal na tubig nawang ito ay magpaalaala ng
pakikiisa sa kamataya’t pagkabuhay ni Kristo sa
sakramento ng binyag.
Pagkaraa’y sasabihin ng pari sa lahat ng mga nakapaligid:

Pari:
Manalangin tayo.
Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa amin sa
pamamagitan ng iyong Apostol na si Santiago:
“Mayroon bang maysakit sa inyo?
Pagpapahid ng Langis sa Maysakit 141

Ipatawag niya ang mga pari ng Simbahan,


upang ipanalangin siya at pahiran ng langis,

MGA SAKRAMENTO
sa ngalan ng Panginoon.
At pagagalingin ang maysakit dahil sa panalanging may
pananampalataya.
Ibabangon siya ng Panginoon,
at patatawarin kung siya’y nagkasala.”
Kami’y natitipon ngayon sa iyong ngalan.
Dinggin mo po
ang aming panalanging
may pananampalataya.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig,
lingapin mo po itong si N.,
ang aming maysakit na kapatid.
Sumaamin nawa ang kapayapaan
at kaligayahan ng iyong kaharian
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
142 PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT

2. PAGSISISI
(Pagkukumpisal kapag kailangan)
Pari:
Panginoong Hesus,
kami’y iyong inililigtas sa pamamagitan
ng iyong kamatayan at muling pagkabuhay.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan:
Panginoon, kaawaan mo kami.

Pari:
Panginoong Hesus,
kami’y binibigyan mo ng pag-asa, bagong buhay,
at lakas bilang bunga ng iyong mga tiniis na pagdurusa.
Kristo, kaawaan mo kami.
Bayan:
Kristo, kaawaan mo kami.

Pari:
Panginoong Hesus,
kami’y iyong ginagawang kahati
sa iyong paghahain ng sarili sa Diyos Ama
sa pamamagitan ng aming pagtanggap sa iyo.
Pagpapahid ng Langis sa Maysakit 143

Bayan:
Panginoon, kaawaan mo kami.

MGA SAKRAMENTO
Pari:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Bayan:
Amen.

B. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1. MABUTING BALITA
Marcos 6, 7. 12-13

Pinahiran nila ng langis ang maysakit.


+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon
kay San Marcos

Tinawag ni Hesus ang Labindalawa, at sinugong dala-


dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihang
magpalayas ng masasamang espiritu. Kaya’t humayo ang
Labindalawa at nangaral sa mga tao na pagsisihan nila
at talikdan ang kanilang mga kasalanan. Pinalayas nila
144 PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT

ang maraming demonyo sa mga inaalihan nito;


Pinahiran nila ng langis at pinagaling ang maraming
maysakit.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

2. PANGARAL AT PANALANGIN
Pari:
Panginoong Hesus,
inako mo ang aming mga kahinaan
at pinagtiisan mo ang aming mga karamdaman.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan:
Panginoon, kaawaan mo kami.
Pari:
Panginoong Hesus,
ikaw ay naawa sa mga tao
at nakipamuhay ka sa amin
upang maghatid ng kabutihan
at kagalingan sa mga may karamdaman.
Pagpapahid ng Langis sa Maysakit 145

Bayan:
Kristo, kaawaan mo kami.

MGA SAKRAMENTO
Pari:
Panginoong Hesus,
iniutos mo sa iyong mga apostol
na ipatong ang kanilang mga
kamay sa mga maysakit
at gawin nila ito sa iyong ngalan.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan:
Panginoon, kaawaan mo kami.

3. PAGPAPATONG NG MGA KAMAY


Tahimik na ipapatong ng pari ang kanyang mga kamay sa ulo ng
maysakit.

4. PAGGAWAD NG PAGPAPALA SA LANGIS

Kung gagawaran ng pari ng pagpapala ang langis sa seremonyang


ito, sasabihin niya:

Panginoon, gawaran mo ng pagpapala+


itong langis na iyong nilikha
at gayun din itong aming kapatid na papahiran nito.
146 PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT

5. PANALANGIN NG PASASALAMAT

Kung ang langis na gagamitin ay yaong nagawaran na ng pagpapala,


darasalin ng pari ang panalangin ng pasasalamat:

Pari:
Makapangyarihang Diyos at maibiging Ama,
sinugo mo ang iyong Anak
upang makipamuhay sa amin
at maghatid ng iyong kaligtasan.
Pinupuri ka namin at pinasasalamatan,
Diyos Ama.
Bayan:
Pinupuri ka namin at pinasasalamatan, Diyos Ama.

Pari:
Hesukristo, Bugtong na Anak ng Diyos.
ikaw ay buong kababaang-Ioob
na nakiisa sa aming pamumuhay bilang tao
at niloob mong pagalingin
ang lahat ng aming karamdaman.
Pinupuri ka namin at pinasasalamatan,
Diyos Anak.
Bayan:
Pinupuri ka namin at pinasasalamatan, Diyos Anak.
Pagpapahid ng Langis sa Maysakit 147

Pari:
Diyos Espiritu Santo,

MGA SAKRAMENTO
ikaw ang tumutulong at nagmamahal sa amin bilang
Kaibigan, pinagaling mo ang aming karamdaman
sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan.
Pinupuri ka namin at pinasasalamatan,
Diyos Espiritu Santo.
Bayan:
Pinupuri ka namin at pinasasalamatan, Diyos Espiritu
Santo.

Pari:
Diyos Ama,
taglay ang pananampalataya sa iyo,
itong aming kapatid ay papahiran
nitong banal na langis.
Pagaanin mo ang kanyang mga tiisin
at palakasin mo siya sa sandaling ito ng kanyang
kahinaan. Hinihiling namin ito
sa iyo sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.
148 PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT

C. PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS

Kukunin ng pari ang langis at papahiran nito ang maysakit sa noo at


sa mga kamay, samantalang kanyang sinasabi nang minsanan ang
sumusunod:
Pari:
SA BISA NITONG PAGPAPAHID NG BANAL
NA LANGIS AT ALANG-ALANG SA PAG-IBIG
AT AWA SA IYO NG PANGINOON,
TULUNGAN KA NAWA NIYA SA PAMAMAGITAN
NG BIYAYA NG ESPIRITU SANTO.
Bayan:
Amen.

Pari:
TINUBOS KA NG PANGINOON
MULA SA KASALANAN.
GAWARAN KA NAWA NIYA NG KAGALINGAN,
LAKAS AT KALIGTASAN.
Pagpapahid ng Langis sa Maysakit 149

1. PANALANGIN PAGKAPAHID NG LANGIS


Pari:

MGA SAKRAMENTO
Manalangin tayo.

Panginoong Hesukristo, aming manunubos,


sa kapangyarihan ng Espiritu Santo,
pagaanin mo ang mga tinitiis
nitong aming kapatid na maysakit
at siya’y iyong pagalingin.
Alang-alang sa iyong pag-ibig at awa,
patawarin mo ang kanyang mga kasalanan
at pagkalooban mo siya ng ganap na kalusugan
upang muli siyang makabalik sa paglilingkod sa iyo,
Panginoong nabubuhay at naghahari
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

2. PANALANGIN NG PANGINOON: AMA NAMIN

Sisimulan ng pari ang panalangin ng Panginoong Hesus sa ganito o


katumbas na mga pangungusap:
150 PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT

Pari:
Ngayon ay manalangin tayo sa Diyos alinsunod sa itinuro
sa atin ng Panginoong Hesus.
Bayan:
Ama namin ...
D. PAGBABASBAS
Pari:
Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama at
Anak, + at Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
Pagpapahid ng Langis sa Maysakit 151

MGA SAKRAMENTO
152 PAGKOKOMUNYON NG MAYSAKIT

VII. PAGKOKOMUNYON NG MAYSAKIT

A. UNANG PARAAN

1. PASIMULA

a. Pagbati
Pari:
Ang kapayapaan ng Panginoon nawa’y sumainyo
at sa inyong lahat na naninirahan dito.
Bayan:
At sumaiyo rin.
Pagkaraa’y ipapatong ng pari sa hapag ang banal na sakramento at
ito ay sasambahin ng lahat.

b. Pagwiwisik ng Banal na Tubig

Ayon sa pagkakataon, maaaring wisikan ng pari ang maysakit at ang


silid ng banal na tubig.

Pari:
Ang banal na tubig nawang ito
ay magpaalaala ng pakikiisa
sa kamataya’t pagkabuhay ni Kristo
sa sakramento ng binyag.
Unang Paraan 153

c. Pagsisisi ng Kasalanan

Kung kinakailangan, diringgin ng pari ang pagkukumpisal ng

MGA SAKRAMENTO
maysakit.

Kung hindi nangangailangan ng pagkukumpisal ang maysakit at


kung may mga iba pang tatanggap ng komunyon kaisa ng maysakit,
aanyayahan ng pari ang lahat na magsisi ng kasalanan:
Pari:
Mga kapatid,
bilang paghahanda sa pagtanggap kay Hesukristo,
humingi tayo ng kapatawaran
para sa ating mga kasalanan.
Pagkaraan ng maikling panahon ng katahimikan, sasabihin ng pari:

Pari:
Panginoong Hesus,
kami’y iyong inililigtas
sa pamamagitan ng iyong kamatayan
at muling pagkabuhay.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan:
Panginoon, kaawaan mo kami.
154 PAGKOKOMUNYON NG MAYSAKIT

Pari:
Panginoong Hesus,
kami’y binibigyan mo ng pag-asa,
bagong buhay, at lakas
bilang bunga ng iyong mga tiniis na pagdurusa.
Kristo, kaawaan mo kami.
Bayan:
Kristo, kaawaan mo kami.
Pari:
Panginoong Hesus,
kami’y iyong ginagawang kahati
sa iyong paghahain ng iyong sarili sa Diyos Ama
Sa pamamagitan ng aming pagtanggap
sa sakramento ng iyong katawan.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan:
Panginoon, kaawaan mo kami.
Pari:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Bayan:
Amen.
Unang Paraan 155

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

a. Mabuting Balita

MGA SAKRAMENTO
Juan 6, 57-58

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sinabi ni Hesus nang siya’s nagtuturo sa sinagoga, sa


Capernaum: “Buhay ang Amang nagsugo sa akin, at ako’y
nabubuhay dahil sa kanya. Gayun din naman, ang
sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin.
Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumain
nito’y mabubuhay magpakailanman.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan:
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.
3. PAKIKINABANG

a. Panalangin ng Panginoon: Ama Namin

Pari:

Ngayon ay manalangin tayo sa Diyos alinsunod


sa itinuro sa atin ng Panginoong Hesus.
156 PAGKOKOMUNYON NG MAYSAKIT

Bayan:
Ama namin ...
b. Komunyon

Itataas ng pari ang banal na sakramento upang makita ng mga taong


nasa paligid. Sasabihin niya:
Pari:
Ito ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Bayan:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa iyo
ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Lalapit ang pari sa maysakit at samantalang ipinakikita sa kanya ang


sakramento, kanyang sasabibin:
Pari:
Katawan ni Kristo.
(o kaya. Dugo ni Kristo)

Sasagot ang maysakit:


Amen.
At tatanggapin niya ang komunyon.
Unang Paraan 157

Ang mga iba pang magkokomunyon ay tatanggap ayon sa karaniwang


paraan.

MGA SAKRAMENTO
c. Pangwakas na Panalangin
Pari:
Manalangin tayo.

Diyos na aming Ama,


ginawa mong kami’y magsalo sa isang tinapay at kopa
bilang tanda na kami’y nagkakaisa kay Hesukristo.
Ang amin nawang pamumuhay ay makapaghatid
ng iyong pagliligtas at kaligayahan
sa bawat taong aming nakakatagpo sa daigdig na ito.
Hinihiling namin ito sa iyo sa pamamagitan
ni Hesukristong aming Panginoon
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
158 PAGKOKOMUNYON NG MAYSAKIT

B. MAIKLING PARAAN NG PAGHAHATID NG


KOMUNYON SA MAYSAKIT

Ang maikling paraang ito ay gagamitin kapag ang komunyon ay


ihahatid sa iba’t ibang silid na nasa isang gusali tulad ng ospital.

1. PASIMULA

a. Antipona

Ang seremonyas ay maaaring simulan sa simbahan o sa kapilya sa


unang silid, sa pamamagitan ng pagpapahayag ng sumusunod na
saknong ng antipona:

Dito sa banal na salu-salo si Kristo’y tinatanggap,


ang alaala ng kanyang pagpapakasakit ay ipinahahayag,
ang buhay nati’y pinupuspos ng kanyang lakas,
at ibinibigay sa atin ang katiyakan
ng maluwalhating hinaharap.
Ang pari ay maaaring samahan ng isang taong may dalang kandila.

2. PAKIKINABANG

Sasabihin ng pari sa lahat ng mga maysakit na nasa isang silid o sa


bawat magkokomunyon:
Maikling Paraan 159

Pari:
Ito ang Kordero ng Diyos.

MGA SAKRAMENTO
Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Sasabihin ng magkokomunyon:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Lalapit ang pari sa maysakit at, samantalang ipinakikita sa kanya ang


sakramento, kanyang sasabihin:

Pari:
Katawan ni Kristo.
(o kaya: Dugo ni Kristo)

Sasagot ang maysakit:


Amen.
At tatanggapin niya ang komunyon.

Ang pangwakas na panalangin ay maaaring sa simbahan o sa kapilya


o sa huling silid dasalin; walang paggagawad ng pagpapala.
160 PAGKOKOMUNYON NG MAYSAKIT

Pari:
Manalangin tayo.

Diyos na aming Ama,


ginawa mong kami’y magsalo sa isang tinapay at kopa
bilang tanda na kami’y nagkakaisa kay Hesukristo.
Ang amin nawang pamumuhay
ay makapaghatid ng iyong pagliligtas
at kaligayahan sa bawat taong
aming nakakatagpo sa daigdig na ito.
Hinihiling namin ito sa iyo
sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
Pabaon sa Papanaw (Viatico) 161

C. PABAON SA PAPANAW (VIATICO)

1. PASIMULA

MGA SAKRAMENTO
Pari:
Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:
At sumaiyo rin.

a. Pagwiwisik ng Banal na Tubig


Pari:
Ang banal na tubig nawang ito
ay magpaalaala ng pakikiisa
sa kamataya’t pagkabuhay ni Kristo
sa sakramento ng binyag.
b. Pangaral
Pari:
Mga kapatid,
bago lumisan si Hesus sa sanlibutang ito
upang bumalik sa Diyos Ama,
ipinagkatiwala niya sa atin
ang sakramento ng kanyang katawan at dugo,
upang kung dumating ang sandali ng ating pagpanaw
162 PAGKOKOMUNYON NG MAYSAKIT

mula sa buhay na ito


para makiisa sa kanya
tayo’y magkaroon ng katiyakan at katatagan
mula sa katibayang ito ng ating muling pagkabuhay.
Ito ang banal na pagkain
na pabaon para sa ating paglalakbay:
ang katawan at dugo ng ating Panginoon.
Ngayo’y ipadama natin sa ating kapatid na si N.
ang ating paglingap bilang magkakapatid kay Hesukristo.
Manalangin tayo para sa kanya
at kaisa niya sa mga sandaling ito.
c. Pagsisisi
Maaring magpakukumpisal kapag kailangan.
Pari:
Mga kapatid,
bilang paghahanda sa pagtanggap kay Hesukristo,
humingi tayo ng kapatawaran para sa ating mga
kasalanan.
Pagkaraan ng maikling panahon ng katahimikan, bibigkasin ng lahat:
Bayan:
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos
at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Pabaon sa Papanaw (Viatico) 163

Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang.

MGA SAKRAMENTO
Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Pari:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Bayan:
Amen.

d. Indulhensya
Pari:
Sa kapangyarihan ng Papa na ipinagkaloob sa akin
iginagawad ko sa iyo ang indulhensiya plenaria
at ang kapatawaran sa lahat ng iyong mga kasalanan,
sa ngalan ng Ama, at ng Anak, + at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
164 PAGKOKOMUNYON NG MAYSAKIT

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

a. Mabuting Balita
Juan 14, 6

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Sinabi ni Hesus: “Ako ang daan, ang katotohanan,
at ang buhay.Walang makapupunta sa Ama
kundi sa pamamagitan ko.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

b. Pagsariwa sa Binyag
Pari:
Sumasampalataya ka ba
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
na may likha ng langit at lupa?
Maysakit:
Opo, sumasampalataya ako.
Pabaon sa Papanaw (Viatico) 165

Pari:
Sumasampalataya ka ba kay Hesukristo,

MGA SAKRAMENTO
iisang Anak ng Diyos, Panginoon natin,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?
Maysakit:
Opo, sumasampalataya ako.

Pari:
Sumasampalataya ka ba sa Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan?
Maysakit:
Opo, sumasampalataya ako.
c. Panalangin
Pari:
Mga kapatid,
ngayong tayo’y nagkakaisa ng damdami’t isipan
manalangin tayo sa ating Panginoong Hesukristo.
166 PAGKOKOMUNYON NG MAYSAKIT

Minahal mo kami, Panginoon,


hanggang sa wakas ng iyong buhay sa lupa,
at kusa mong tinanggap na mamatay
upang kami’y magkamit ng buhay:
dinggin mo ang aming panalangin para kay N.

Bayan:
Panginoon, dinggin mo kami.
Pari:
Sinabi mo sa amin:
“Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng
aking dugo ay may buhay na walang hanggan”:
dinggin mo ang aming panalangin para kay N.
Tugon.

Pari:
Inaanyayahan mo kami sa iyong piling
sapagkat doo’y wala nang kamatayan,
dalamhati, pag-iyak, at karamdaman:
dinggin mo ang aming panalangin para kay N.
Tugon.
Pabaon sa Papanaw (Viatico) 167

3. PAKIKINABANG BILANG PABAON


Pari:

MGA SAKRAMENTO
Ngayon ay manalangin tayo sa Diyos alinsunod sa itinuro
sa atin ng Panginoong Hesus.
Bayan:
Ama namin ...
Itataas ng pari ang banal na sakramento upang makita ng mga taong
nasa paligid. Sasabihin niya:
Pari:
Ito ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Bayan:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa iyo
ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Lalapit ang pari sa maysakit at, samantalang ipinakikita sa kanya ang


sakramento, kanyang sasabihin:
Pari:
Katawan ni Kristo.
(o kaya: Dugo ni Kristo)

Sasagot ang maysakit:


Amen.
168 PAGKOKOMUNYON NG MAYSAKIT

Pagkaraan, o pagkatapos magkomunyon ang maysakit, idaragdag ng


Pari:
Pangalagaan ka nawa ng Panginoong Hesukristo at ihatid
ka sa buhay na walang hanggan.

Sasagot ang maysakit:


Amen.
Ang mga iba pang magkokomunyon ay tatanggap ayon sa karaniwang
paraan.

4. PANGWAKAS NA PANALANGIN
Pari:
Manalangin tayo.

Panginoon, ikaw ang pinanggagalingan


ng walang maliw na kalusugan
para sa mga sumasampalataya sa iyo.
Ang kapatid naming si N. na iyong pinasigla
sa makalangit na pagkain at inumin
ay maluwalhati nawang makasapit
sa iyong kaharian ng liwanag at buhay.
Hinihiling namin ito sa iyo
sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon
ngayon at magpasawalang hanggan.
Pabaon sa Papanaw (Viatico) 169

Bayan:
Amen.

MGA SAKRAMENTO
5. PAGBABASBAS
Pari:
Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama,
at Anak, + at Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

6. PAGBATI NG KAPAYAPAAN

Igagawad ng pari at ng mga nakapaligid na tao sa maysakit ang


pagbati ng kapayapaan.
PAKIKIPAGKASUNDO, PAGPAPAHID NG LANGIS,
170 AT PABAON SA PAPANAW

VIII.PAKIKIPAGKASUNDO, PAGPAPAHID NG
LANGIS, AT PABAON SA PAPANAW

A. PASIMULA

1. Pagbati
Pari:
Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:
At sumaiyo rin.
2. Pagwiwisik ng Banal na Tubig
Pari:
Ang banal na tubig nawang ito
ay magpaalaala ng pakikiisa
sa kamataya’t pagkabuhay ni Kristo
sa sakramento ng binyag.
3. Pangaral

Maaaring gamitin ng pari ang sumusunod na paliwanag o anumang


higit na nababagay sa maysakit:
Pakikipagkasundo, Pagpapahid ng Langis, at Pabaon sa Papanaw 171

Mga kapatid,
lagi nating kasama ang Panginoong Hesukristo.

MGA SAKRAMENTO
Binibigyan niya tayo ng bagong buhay, pag-asa, at lakas.
Pinatatawad niya ang mga kasalanan
sa pamamagitan ng paglingkod ng pari.
Ginagawaran niya ng katatagan ang mga maysakit
sa pamamagitan ng pagpapahid ng banal na langis.
Sa lahat ng mga naghihintay
sa kanyang muling pagbabalik,
ipinagkakaloob niya ang kanyang katawan at dugo
bilang pagkaing nagbibigay lakas
para sa kanilang paglalakbay patungo sa piling ng Diyos,
at bilang katiyakan ng walang katapusang buhay.
Kaya’t ating ihain ang mga sakramentong ito
sa ating kapatid na si N.
at ipadama natin sa kanya ang ating pag-ibig
sa pamamagitan ng ating pakikiisa
sa kanyang pagdalangin.
B. PAKIKIPAGKASUNDO

Kung kinakailangan, diringgin ng pari ang pagkukumpisal ng


maysakit. Ito’y maaaring pangkalahatang pagkukumpisal kung hindi
PAKIKIPAGKASUNDO, PAGPAPAHID NG LANGIS,
172 AT PABAON SA PAPANAW

magagawa ng maysakit na isa-isahin ang kanyang mga mabibigat na


pagkakasala.

1. Indulhensiya
Pari:
Alang-alang sa pagpapakasakit, kamatayan,
at muling pagkabuhay ni Hesukristo,
palayain ka nawa ng makapangyarihang Diyos
mula sa lahat ng kaparusahan
sa buhay na kasalukuyan at sa buhay na darating.
Buksan nawa niya sa iyo ang paraiso
at patuluyin ka nawa niya
sa kaligayahan ng buhay na walang hanggan.
Bayan:
Amen.
2. Pagsariwa sa Binyag
Pari:
Sumasampalataya ka ba sa Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat
na may likha ng langit at lupa?
Maysakit:
Opo, sumasampalataya ako.
Pakikipagkasundo, Pagpapahid ng Langis, at Pabaon sa Papanaw 173

Pari:
Sumasampalataya ka ba kay Hesukristo,

MGA SAKRAMENTO
iisang Anak ng Diyos, Panginoon natin,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?
Maysakit:
Opo, sumasampalataya ako.
Pari:
Sumasampalataya ka ba sa Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan?
Maysakit:
Opo, sumasampalataya ako.

3. Panalangin
Pari:
Manalangin tayo,
mga kapatid, para kay N.
PAKIKIPAGKASUNDO, PAGPAPAHID NG LANGIS,
174 AT PABAON SA PAPANAW

Nawa’y bigyan siya ng Panginoon ng katatagan


at lakas sa pamamagitan ng mga sakramento.

O Diyos Ama, ipadama mo sana ngayon


sa aming nagdurusang kapatid ang iyong awa noon
at habag sa iyong nagdalitang Anak na si Hesus.
Bayan:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Pari:
Lingapin mo siya at pangalagaan
alang-alang sa iyong pag-ibig. Tugon.

Pari:
Ipagkaloob mo sa kanya ang iyong lakas
at katatagan ng kalooban. Tugon.

C. PAGPAPAHID NG LANGIS

1. Pagpapatong ng Kamay

Tahimik na ipapatong ng pari ang kanyang mga kamay sa ulo ng


maysakit.

2. Pagpapala ng Langis
Pakikipagkasundo, Pagpapahid ng Langis, at Pabaon sa Papanaw 175

Kung gagawaran ng pari ng pagpapala ang langis sa seremonyang


ito, sasabihin niya:

MGA SAKRAMENTO
Panginoon, gawaran mo ng pagpapala +
itong langis na iyong nilikha
at gayun din itong aming kapatid na papahiran nito.

3. Pagpapahid ng Banal na Langis

Kukunin ng pari ang langis at papahiran nito ang maysakit sa noo at sa


mga kamay, samantalang kanyang sinasabi nang minsanan ang
sumusunod:

SA BISA NITONG PAGPAPAHID NG BANAL


NA LANGIS AT ALANG-ALANG SA PAG-IBIG
AT AWA SA IYO NG PANGINOON,
TULUNGAN KA NAWA NIYA SA PAMAMAGITAN
NG BIYAYA NG ESPIRITU SANTO.
Bayan:
Amen.
Pari:
TINUBOS KA NG PANGINOON
MULA SA KASALANAN.
GAWARAN KA NAWA NIYA NG KAGALINGAN,
LAKAS AT KALIGTASAN.
PAKIKIPAGKASUNDO, PAGPAPAHID NG LANGIS,
176 AT PABAON SA PAPANAW

Bayan:
Amen.
4. Panalangin ng Panginoon: Ama Namin
Pari:
Ngayon ay manalangin tayo sa Diyos alinsunod
sa itinuro sa atin ng Panginoong Hesus.
Bayan:
Ama namin ...
D. PABAON SA PAPANAW (VIATICO)

Itataas ng pari ang banal na sakramento upang makita ng mga taong

nasa paligid. Sasabihin niya:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasaIanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Bayan:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa iyo
ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Lalapit ang pari sa maysakit at samantalang ipinakikita sa kanya ang
sakramento, kanyang sasabihin:
Pakikipagkasundo, Pagpapahid ng Langis, at Pabaon sa Papanaw 177

Pari:
Katawan ni Kristo.

MGA SAKRAMENTO
(o kaya: Dugo ni Kristo)

Sasagot ang maysakit:


Amen.
Pagkaraan, o pagkatapos magkomunyon ng maysakit, idaragdag ng
pari:

Pangalagaan ka nawa ng Panginoong Hesukristo at ihatid


ka sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang maysakit:
Amen.
Ang mga iba pang magkokomunyon ay tatanggap ayon sa karaniwang
paraan.

E. PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pari:
Ama naming mapagmahal,
ikaw ay makapangyarihan at walang hanggan.
Kami’y buong pagtitiwalang dumadalangin sa iyo.
Nawa’y ang Katawan (at Dugo) ni Kristo
na tinangggap ng aming kapatid
PAKIKIPAGKASUNDO, PAGPAPAHID NG LANGIS,
178 AT PABAON SA PAPANAW

ay magdulot sa kanya ng walang maliw na kalusugan.


Hinihiling namin ito sa iyo
sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon
ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.

F. PAGBABASBAS

Pari:
Pagpalain nawa kayo ng makapangyarihang Diyos,
Ama, at Anak, + at Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
Pakikipagkasundo, Pagpapahid ng Langis, at Pabaon sa Papanaw 179

MGA SAKRAMENTO
180 PAGHAHABILIN

IX. PAGHAHABILIN NG NAGHIHINGALO SA DIYOS

A. MGA MAIKLING PANGUNGUSAP

Roma 8, 35

Ano ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal


ni Kristo?
Roma 14, 8

Kung tayo’y nabubuhay,


nabubuhay tayo para sa Panginoon,
kung tayo’y mamatay,
namamatay tayo para sa Panginoon.
2 Corinto 5, 1

Tayo’y may tahanang walang hanggan sa langit.


1 Tesalonica 4, 17

Makakapiling tayo ng Panginoon magpakailanman.


1 Juan 3, 2

Makikita natin ang Diyos sa kanyang likas na kalagayan.


Paghahabilin ng Naghihingalo sa Diyos 181

Mateo 25, 34

Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama!

MGA SAKRAMENTO
Pumasok na kayo at manirahan
sa kahariang inhanda para sa inyo
mula pa nang likhain ang sanlibutan.

Lukas 23, 43

Winika ng Panginoong Hesus:


“Sinasabi ko sa iyo:
ngayon di’y isasama kita sa paraiso.”

Juan 14, 2

“Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid,”


wika ng Panginoong Hesus.
Juan 17, 24

Dumalangin si Hesus:
“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan
ang mga ibinigay mo sa akin.”
182 PAGHAHABILIN

B. PAGBASA
Juan 14, 1-6. 23. 27

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sinabi ni Hesus:
“Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at
manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay
maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa
inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng
matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na
kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa
kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa
pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon,
hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano
naming malalaman ang daan?” Sumagot si Hesus, “Ako
ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang
makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.

“Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita; iibigin


siya ng aking Ama, at kami’y sasakanya at mananahan
sa kanya.

“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking


kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo;
Paghahabilin ng Naghihingalo sa Diyos 183

hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag


kayong mabalisa; huwag kayong matakot.”

MGA SAKRAMENTO
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

C. MGA PANALANGIN

Kapag ang sandali ng pagpanaw ay malapit na, sa mga naroon ay


maaaring magdasal ng ilan sa mga sumusunod na panalangin na
nagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng Kristiyano sa oras ng
kamatayan.

A
Sa ngalan ng Diyos,
ang Amang makapangyarihan na lumikha sa iyo,
sa ngalan ni Hesukristo, ang Anak ng Diyos na buhay,
na nagpakasakit para sa iyo, sa ngalan ng Espiritu Santo,
na ibinuhos sa iyo, pumanaw ka, O kapatid kay Kristo.
Makapamuhay ka nawa sa makalangit na kapayapaan
sa araw na ito makapiling mo nawa ang Diyos
184 PAGHAHABILIN

sa kanyang banal na lungsod,


kaisa ni Maria, ang Mahal na Birhen
at Ina ni Hesukristo,
kaisa ni San Jose, ng mga angheI,
at ng Iahat ng mga banal.

Bayan:
Amen.

B
O kapatid kay Kristo,
ipinagtatagubilin kita sa Diyos na lumikha sa iyo.
Magbalik ka nawa sa humubog sa iyo mula sa alabok.
Si Maria, ang mga anghel, at ang lahat ng mga banal
ang sumalubong nawa sa iyo
sa pagpanaw mo mula sa buhay na ito.
Si Kristong ipinako sa krus +
ang maghatid nawa sa iyo sa kalayaan at kapayapaan.
Si Kristong Anak ng Diyos
na naghandog ng buhay para sa iyo +
ang mag-akay nawa sa iyo
patungo sa kanyang kaharian.
Si Kristo, ang Mabuting Pastol +
Paghahabilin ng Naghihingalo sa Diyos 185

ang tumanggap nawa sa iyo


upang ikaw ay makabilang sa kanyang kawan.

MGA SAKRAMENTO
Patawarin nawa niya ang iyong mga kasalanan
at ipisan ka nawa niya sa kalipunan ng kanyang bayan.
Makaharap mo nawa ang iyong Manunubos
at maging maligaya ka nawa kapag nakita mo ang Diyos
ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.

K
Tanggapin mo ang iyong lingkod, Panginoon,
sa pook na ukol sa iyong mga inililigtas
alinsunod sa iyong pangako na kanyang inaasahan.

Bayan:
Amen.

Palayain mo ang iyong lingkod, Panginoon,


mula sa mga tiisin at dusa.

Bayan:
Amen.
186 PAGHAHABILIN

D
Panginoong Hesukristo,
Manunubos ng sanlibutan,
ipinagtatagubilin namin sa iyo ang iyong Iingkod
na si N. na aming idinadalangin.
Alang-alang sa iyong habag sa amin
ikaw ay naparito sa lupa upang si N. ay iyong tubusin.
Tanggapin mo nawa siya sa ligaya ng iyong kaharian.
Tunay nga pong siya’y nagkulang at nagkasala,
subalit hindi naman niya itinakwil ang iyong Ama,
ikaw na Diyos Anak, at ang Espiritu Santo
kundi siya’y nagsikap manalig
at sumamba sa Diyos na Lumikha:
alang-alang sa lahat ng ito,
tanggapin mo nawa siya sa ligaya ng iyong kaharian.

Bayan:
Amen.

E
Maaaring dasalin o awitin ang sumusunod na antipona:

Aba po, Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa,


ikaw ang kabuhayan at katamisan!
Paghahabilin ng Naghihingalo sa Diyos 187

Aba, pinananaligan ka namin!


Ikaw nga po ang tinatawagan namin

MGA SAKRAMENTO
pinapanaw na taong anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbubuntung-hininga namin
sa aming pagtangis dini sa lupa,
bayang kahapis-hapis.
Ay! Aba, pintakasi ka namin!
Ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain
at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin,
ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos!
Maawain at maalam at matamis na Birhen!
Pagkalagot ng hininga, dapat dasalin ang sumusunod:

Mga anghel, mga banal, tanang nasa kalangitan


halikayo at samahan.

Bayan:
Ang giliw naming pumanaw sa piling ng Poong mahal.

Pari:
Si Kristo ang mag-aakay
sa kandungan ni Abraham
upang doon ay humimlay.
188 PAGHAHABILIN

Bayan:
Ang giliw naming pumanaw, sa piling ng Poong mahal.

Pari:
Sa ilaw na walang hanggan,
kapayapaan kailanma’y
pagkamitin ng Maykapal.
Bayan:
Ang giliw naming pumanaw sa piling ng Poong mahal.

Pari:
Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal,


inihahabilin namin sa iyo si N.
na pumanaw sa buhay na ito.
Huwag mo siyang pababayaan
at pamalagiin mo siyang buhay sa iyong piling.
Alang-alang sa iyong awa at pag-ibig,
patawarin mo na sana ang kanyang mga pagkukulang
at nagawang pagkakasala dala ng kanyang kahinaan.
Paghahabilin ng Naghihingalo sa Diyos 189

Manatili nawa siyang maligaya sa iyong piling


kasama ng iyong Anak at ng Espiritu Santo

MGA SAKRAMENTO
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
190 PAGLILIBING

X. PAGLILIBING

A. PAGTITIPON SA BAHAY NG YUMAO PARA SA


PAGLILIBING

Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

1. SALMO AT PANALANGIN

Salmo 146: Pagpupuri sa Diyos na Tagpagligtas


Bayan:
Sa aming pangungulila, ikaw, Poon, ay kasama.

Namununo:
Purihin ang Panginoon!
Kaluluwa ko, ang D’yos ay papurihan
Pupurihin ko siya’t aking aawitan;
aking aawitin habang ako’y buhay. Tugon.

Namununo:
Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos
Pagtitipon sa Bahay ng Yumao para sa Paglilibing 191

na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob;


Sa Diyos na mahabagin, umaasang lubos.

MGA SAKRAMENTO
Sa Diyos na lumikha niyong kalangitan,
ng lupa at dagat, at lahat ng bagay.
Ang kanyang pangako ay maaasahan. Tugon.

Namununo:
Panig sa inapi, kung siya’y humatol,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.
Pinalaya niya ang mga nabihag;
Pinapanauli, paningin ng bulag,
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap. Tugon.

Namununo:
Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nila’y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo’t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.
Ang Diyos na Poon, walang hanggang hari!
Ang Diyos mo, Sion, ay mananatili! Tugon.
192 PAGLILIBING

Namununo:
Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo.

Bayan:
Kapara noong una, ngayon at magpakailanman,
at magpasawalang hanggan. Amen.

Pari:
Manalangin tayo.
Sandaling katahimikan para sa panalangin.

Panginoong Hesukristo,
ang lahat ng nagtitiwala sa iyo
ay nagtatamasa ng kaligayahan;
sinagan nawa kami ng iyong liwanag
nang sa tuwina’y mahandugan ka namin
ng dalisay na pag-ibig magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
Ama namin. Aba Ginoong Maria. Papuri sa Ama.
Pagtitipon sa Bahay ng Yumao para sa Paglilibing 193

2. PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG


Pari:

MGA SAKRAMENTO
Kapayapaan kailanman
ang igawad ng Maykapal
sa yumaong ating mahal.

Bayan:
Siya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan.
194 PAGLILIBING

B. PAGTITIPON SA SIMBAHAN PARA SA


PAGLILIBING

1. PASIMULA
Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

2. PAGBATI
Pari:
Ang pagpapala ng Panginoong Hesukristo,
ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
ay sumainyong lahat.
Bayan:
At sumaiyo rin.

3. PANALANGING PAMBUNGAD
Pagtitipon sa Simbahan para sa Paglilibing 195

Pari:
Manalangin tayo.

MGA SAKRAMENTO
Ama naming Maykapal,
itinuturo sa amin ng pananampalataya
na ang iyong Anak na si Hesukristo
ay namatay at muling nabuhay
upang hanguin kami sa kamatayan.
Yayamang ang aming kapatid na si N.
ay nahihimlay na may pag-asa kay Kristo,
loobin mo na sa huling araw makasama siya
sa kanyang maluwalhating muling pagkabuhay.
Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
4. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS.

a. Unang Pagbasa
Roma 14, 7-9. 10b-12

Sa mabuhay o sa mamatay, tayo’y sa Panginoon.


196 PAGLILIBING

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Roma
Mga kapatid, walang sinuman sa atin ang nabubuhay o
namamatay sa kanyang sarili lamang. Kung tayo’y
nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung
tayo’y namamatay, namamatay tayo para sa Panginoon.
Kaya nga sa mabuhay o sa mamatay, tayo’y sa Panginoon.
Sapagkat si Kristo ay namatay at muling nabuhay upang
maging Panginoon ng mga patay at mga buhay. Tayong
lahat ay haharap sa hukuman ng Diyos. Sapagkat sinasabi
sa Kasulatan,
“Sa aking pagiging Diyos, sabi ng Panginoon, isinusumpa
kong ang bawat isa’y luluhod sa harapan ko, at ang
bawat dila’y magpupuri sa Diyos.”
Kaya’t lahat tayo ay magbibigay-sulit sa Diyos.

Ang Salita ng Diyos.


Bayan:
Salamat sa Diyos.
b. Salmong Tugunan
Salmo 115, 9-11. 12a-13; 116, 8-9.10-11. 15-16ak
Pagtitipon sa Simbahan para sa Paglilibing 197

Bayan:
Panginoo’y mananahan sa piling ng mga buhay.

MGA SAKRAMENTO
Namumuno:
Ikaw, bayan ng Israel, magtiwala sa Panginoon,
siya ang iyong sanggalang, laging handa na tumulong.
Sa Panginoon ay magtiwala, kayong may takot sa kanya,
pagkat siya ang tutulong at sa inyo’y mag-aadya. Tugon.

Namumuno:
Ang Diyos ay magpapala, hindi tayo lilimutin,
pagpapala’y matamo nitong bayan ng Israel;
Sa lahat ng mayroong takot, Diyos din ang magpapala,
kung magpala’y pantay-pantay, maliit man o dakila.
Tugon.

Namumuno:
Ako’y kanyang iniligtas sa kuko ng kamatayan,
tinubos sa pagkatalo, at luha ko’y pinahiran.
Sa harap ng Panginoon doon ako mananahan,
doon ako mananahan sa daigdig nitong buhay. Tugon.
198 PAGLILIBING

Namumuno:
Laging buhay ang pag-asa, patuloy ang pananalig.
Bagamat ang aking sabi’y “Ako’y ganap nang nalupig.”
Bagamat ako’y takot, nasasabi ko kung minsan,
“Wala kahit isang tao na dapat pagtiwalaan.” Tugon.

Namumuno:
Masakit ang kalooban ng mahabaging Ama kung may
papanaw,
Kahit ito’y iisa, labis siyang magdaramdam.
Panginoon, naririto akong inyong abang lingkod,
yamang ako’y iniligtas, kinalinga at tinubos. Tugon.

c. Aleluya
Juan 6, 40

Aleluya! Aleluya!
Mabuhay kailanman
ang manalig sa hinirang
na Manunubos ng tanan
Aleluya! Aleluya!
Pagtitipon sa Simbahan para sa Paglilibing 199

d. Mabuting Balita
Juan 6, 37-40

MGA SAKRAMENTO
Lahat ng manalig sa Diyos Anak ay mabubuhay kailanman
at magkakamit ng muling pagkabuhay.

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao,


“Lalapit sa akin ang lahat ng ibinigay sa akin ng Ama. At
hindi ko itataboy ang sinumang lumapit sa akin. Sapagkat
ako’y bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang
kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
At ito ang kanyang kalooban: huwag kong pabayaang
mawala kahit isa sa mga ibinigay niya sa akin, kundi
muling buhayin sila sa huling araw. Sapagkat ito ang
kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig
sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At
sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
200 PAGLILIBING

e. Pangaral

f. Panalanging Pangkalahatan
Pari:
Mga kapatid,
halina’t manalangin nang buong pananalig
sa Diyos Amang makapangyarihan.
Binuhay niyang muli ang Anak niyang si Kristo
upang maging pagkabuhay ng lahat ng tao.

Bayan:
Amang makapangyarihan, kami’y iyong kaawaan.

Namununo:
Noong binyagan ang aming kapatid na si N.
sa kanya’y ipinunla ang binhi
ng buhay na walang hanggan.
Nawa’y umani ito ng pagkabuhay
sa piling ng mga banal sa kalangitan.
Idalangin natin siya sa Poong Maykapal. Tugon.
Pagtitipon sa Simbahan para sa Paglilibing 201

Namununo:
Ang lahat ng namatay na umaasang muling mabubuhay

MGA SAKRAMENTO
ay malugod nawang tanggapin ng Diyos
sa piling niya sa kalangitan.
Idalangin natin sila sa Poong Maykapal. Tugon.

Namununo:
Ang lahat ng ating mga kapatid na naririto,
ang mga nagdadalamhati at nalulumbay,
at ang lahat ng sa kanila’y nakikiramay
ay magkasama-sama nawa sa langit na tahanan.
Idalangin natin sila sa Poong May kapal. Tugon.

Namununo:
Nawa’y gantimpalaan ng Panginoon
ang ating mga yumaong kapatid,
kamag-anak at pinagkakautangan ng loob.
Idalangin natin sila sa Poong Maykapal. Tugon.

Pari:
Ama naming mapagkalinga,
ipagkaloob mo sa lahat ng nakikipagkaisa kay Kristo
202 PAGLILIBING

ang muling pagkabuhay sa piling mo,


kasama ng iyong Anak at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
g. Panalangin ng Panginoon
Pari:
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni
Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin
nang lakas-loob.

Bayan:
Ama namin ...

5. HULING PAGHAHABILIN AT PAMAMAALAM


Pari:
Mga kapatid,
bago natin ihatid sa huling hantungan si N.
pag-ukulan natin siya ng huling pamamaalam.
Ipahayag natin ang ating pagmamahal sa kanya,
tanggapin natin nang maluwag sa kalooban
Pagtitipon sa Simbahan para sa Paglilibing 203

ang kanyang pagpanaw,


at umasa tayong magkikita-kita muli sa piling ni Hesus;

MGA SAKRAMENTO
doon ay wala nang dusa, kalungkutan, at kamatayan
kundi ang mamamayani ay lubos na ligaya
at buhay na walang hanggan.

Tahimik na mananalanging saglit ang tanan.

Maipahihintulot ng Panayam ng mga Obispo ang pagsunod sa


kaugaliang magpasalamat ang mga naulila sa mga nakiramay.

Ngayo’y wiwisikan at iinsensuhan ang kabaong.


Pari:
Mga anghel, mga banal, tanang nasa kalangitan
halikayo at samahan.

Bayan:
Ang giliw naming pumanaw sa piling ng Poong mahal.

Pari:
Si Kristo ang mag-aakay sa kandungan ni Abraham
upang doon ay humimlay.

Bayan:
Ang giliw naming pumanaw sa piling ng Poong mahal.
204 PAGLILIBING

Pari:
Sa ilaw na walang hanggan, kapayapaan kailanma’y
pagkamitin ng Maykapal.

Bayan:
Ang giliw naming pumanaw sa piling ng Poong mahal.

Pari:
Ama naming mapagmahal,
inihahabilin namin sa iyo si N.
na pumanaw sa buhay na ito.

Huwag mo siyang pababayaan


at pamalagiin mo siyang buhay sa iyong piling.

Alang-alang sa iyong awa at pag-ibig,


patawarin mo na sana ang kanyang mga pagkukulang
at nagawang pagkakasala dala ng kanyang kahinaan.
Manatili nawa siyang maligaya sa iyong piling
kasama ng iyong Anak at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
Pagtitipon sa Simbahan para sa Paglilibing 205

Pari:
Paalam sa iyo, kapatid na pumanaw,

MGA SAKRAMENTO
mapasapiling ka nawa ng Poong Maykapal.
Ang pagpapala ng Diyos ay baunin mo.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak + at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.

Pari:
Sa paraiso magkikitang muli tayo.
Samahan ka ng mga santo.
Kahit na may nauuna, tayo rin ay magsasama,
upang lagi tayong lumigaya sa piling ng Diyos Ama.

Bayan:
Amen.
206 PAGLILIBING

C. PAGTITIPON SA PAGLILIBINGANG PUNTOD

Kapag hindi pa nababasbasan ang libingan, ito ay mababasbasan


bago ipasok ang bangkay:

Pari:
Manalangin tayo.

Panginoong Hesukristo,
sa tatlong araw na pagkahimlay mo sa libingan,
pinabanal mo ang pinaglalagakan
ng lahat ng sumasampalataya sa iyo.
Pagkalooban mo ng pamamahinga sa kapayapaan
ang aming kapatid na si N.
lkaw ang buhay at muling pagkabuhay
kaya’t umaasa kaming bubuhayin mo siya
sa iyong kaluwalhatian magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

Salmo 23: Ang Awit ng Pastol

Bayan:
Pastol na nagtataguyod, sa akin ay kumukupkop.
Pagtitipon sa Paglilibingang Puntod 207

Namumuno:
Pastol na nagtataguyod, sa akin ay kumukupkop;

MGA SAKRAMENTO
ang Panginoon ang aking Diyos.
Buhay ko’y di magdarahop, ako’y di maghihikahos.
Tugon.

Namumuno:
Sa mainam na pastulan, ako ay pinahihimlay.
Ako’y kanyang inaakay
sa tahimik na batisan upang lakas ay makamtan.
Tugon.

Namumuno:
Ang pangako niya sa aki’y tapat at di babawiin;
Ako’y kanyang aakayin sa matuwid na landasing
hahawiin n’ya ang dilim. Tugon.

Namumuno:
Hindi ako nangangamba kapag ikaw ay kasama;
Ang tungkod mo ang panangga,
Panginooon ko,
sa t’wina walang ikababalisa. Tugon.
208 PAGLILIBING

Namumuno:
lnihanda mo ang dulang upang mapakinabangan;
Pagkaing pagsasaluhan, nang makita ng kalaban na
ako ay iyong mahal. Tugon.

Namumuno:
Sa ulo ko’y ibinuhos ang langis ng iyong lugod.
Pati kopa ko’y pinupuspos
sa ‘yong pag-ibig na lubos na sa aki’y iyong kaloob.
Tugon.

Namumuno:
Pag-ibig mo’t kabutiha’y tataglayin ko kailanman
at ako ay mananahan
sa bahay mong dalanginan
nang magpasawalang hanggan. Tugon.

Namumuno:
Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo

Bayan:
Kapara noong una, ngayon at magpakailanman,
at magpasawalang hanggan. Amen.
Pagtitipon sa Paglilibingang Puntod 209

Ama namin. Aba Ginoong Maria. Papuri sa Ama.

PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG

MGA SAKRAMENTO
Pari:
Kapayapaan kailanman
ang igawad ng Maykapal
sa yumaong ating mahaI.

Bayan:
Siya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan.
Makapagwiwisik ng banal na tubig ang mga naulila. Alinsunod sa
umiiral na kaugalian, makapaghahagis ng lupa o bulaklak para sa
yumao ang mga naulila.
210 PAGLILIBING

D. PAGTITIPON SA BAHAY NG YUMAONG BATA

1. PASIMULA
Pari:
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong
Hesukristo, ang mahabaging Ama at Diyos na
pinagmumulan ng tanang kaaliwan. Inaaliw niya tayo sa
ating mga kapighatian upang makatulong naman tayo
sa mga namimighati sa pamamagitan ng kaaliwang
tinanggap natin sa kanya (2 Corinto 1, 3-4).

2. SALMO
Salmo 114, 1-2. 3-4. 5-6
Bayan:
Nawa’y tanggapin ni Kristo ang mahal nating yumao.

Namumuno:
Ang bayang Israel
sa bansang Egipto’y doon inilabas,
nang ang lahing ito
sa bansang dayuhan ay pawang lumikas;
magmula na noon
ang lupaing Juda’y naging dakong banal,
Pagtitipon sa Bahay ng Yumaong Bata 211

at yaong Israel
ginawa ng Diyos na sariling bayan. Tugon.

MGA SAKRAMENTO
Namumuno:
Ang Dagat ng Tambo, nang ito’y makita,
ay tumakas na rin, magkabilang panig
ng ilog ng Jordan, noon ay humimpil.
Maging mga bundok katulad ng tupa,
ay pawang nanginig, pati mga burol,
Nanginig na parang tupang maliliit. Tugon.

Namumuno:
Ano ang nangyari,
at ikaw, O dagat, wala nang daluyan?
Ikaw naman, Jordan,
bakit ang tubig mo’y hindi na dumaloy?
Kayong mga bundok,
nanginginig kayong tupa ang kapara,
at ang mga buroI,
natakot na parang maliit na tupa? Tugon.
212 PAGLILIBING

3. PANALANGIN
Pari:
Sumainyo ang Panginoon.

Bayan:
At sumaiyo rin.

Pari:
Manalangin tayo.
Para sa batang binyagan

Ama naming maawain,


dinggin mo ang aming pagdalangin
sa pagdulog sa iyong paggiliw.
Ipagkaloob mong aming matagpuan balang araw
sa iyong buhay na walang katapusan
ang batang ito na si N.
na ngayo’y sinasampalatayanan naming
mabubuhay sa iyong kaharian
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
Pagtitipon sa Bahay ng Yumaong Bata 213

Para sa batang di binyagan

Ama naming makapangyarihan,

MGA SAKRAMENTO
tanggapin mo ang mga panalangin
ng iyong sumasampalatayang bayan
upang ang mga namimighati
sa pagtawag mo kaagad sa kanilang anak na mahal
ay mabigyan mo ng lakas ng loob
sa pagtitiwalang ikaw ay maaasahan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
214 PAGLILIBING

E. PAGTITIPON SA SIMBAHAN PARA SA


PAGLILIBING NG YUMAONG BATA

1. PASIMULA
Pari:
Sumainyo ang Panginoon.

Bayan:
At sumaiyo rin.

2. PANALANGIN

Para sa batang binyagan

Ama naming makapangyarihan,


sa iyong pagkamaawain at karunungang taglay
ipinasya mong tawagin ang batang ito
na kasisilang lamang.
Dinggin mo ang aming pagdalangin
at ipagkaloob mong aming matagpuan balang araw
sa iyong buhay na walang katapusan ang batang ito
na iyong inangking sariling anak noong siya’y binyagan
at ngayo’y sinasampalatayanan naming
Pagtitipon sa Simbahan para sa Paglilibing ng Yumaong Bata 215

namumuhay sa iyong kaharian


sa pamamagitan ni Hesukristo

MGA SAKRAMENTO
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
Para sa batang di binyagan

Ama naming makapangyarihan,


Ikaw ang sumasaliksik sa kalooban ng tanan
at nagdudulot ng lakas ng loob
dahil sa iyong pagmamahal,
ikaw ang nakababatid sa pananampalataya
ng mga namimighating magulang.
Ipadama mong ikaw na ang mag-aaruga
sa sanggol na pumanaw upang maibsan ng hapis
ang mga magulang niyang ngayo’y nalulumbay.
Iniluluhog naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
216 PAGLILIBING

3. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Isaias 25, 6a. 7-9

Lubusang papawiin ang kamatayan.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias


Sa bundok ng Sion,
aanyayahan ng Panginoon ang lahat ng bansa,
gagawa siya ng isang piging para sa lahat.
Sa bundok ding ito’y papawiin niya
ang kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa.
Lubusan na niyang papawiin ang kamatayan,
papahirin ng Panginoon ang luha ng lahat;
Aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan.
Kung magkagayon, sasabihin ng lahat:
“Siya ang ating Diyos na ating pinagtitiwalaan,
ang inaasahan nating magliligtas sa atin;
magalak tayo at ipagdiwang ang kanyang pagliligtas.”

Ang Salita ng Diyos.


Bayan:
Salamat sa Diyos.
Pagtitipon sa Simbahan para sa Paglilibing ng Yumaong Bata 217

a. Pangaral

b. Panalanging Pangkalahatan

MGA SAKRAMENTO
Pari:
Mga kapatid, sa taimtim na paghahain ng mga kahilingan
para sa yumaong si N., at gayun din sa Simbahan, sa
kapayapaan sa sanlibutan at para sa ating kapakanan,
manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan:
Panginoong maawain, kami ay iyong dinggin.

Namumuno:
Para sa tanang nangangasiwa ng Simbahan,
upang ang kanilang ipinangangaral
sa salita ay matupad sa gawa,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Namumuno:
Para sa mga umuugit ng pamahalaan
upang maitaguyod nila ang katarungan at kapayapaan,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.
218 PAGLILIBING

Namumuno:
Para sa lahat ng mga may tinitiis sa kalooba’t katawan,
upang huwag nilang pag-alinlanganan
ang kalinga ng Maykapal,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Namumuno:
Para sa yumaong si N.,
upang siya’y pagindapating makasapit
sa kaliwanagang walang hanggan,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Namumuno:
Para sa maluwalhating pagsapit ni N. sa kalangitan,
upang siya’y magkamit doon ng kapayapaan,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Namumuno:
Para sa ikasisiya ni N. sa kabilang buhay,
upang siya’y makasalo ng mga banal sa kalangitan,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Namumuno:
Para sa lahat ng ating yumaong kamag-anak at kaibigan,
Pagtitipon sa Simbahan para sa Paglilibing ng Yumaong Bata 219

upang sila’y pagkamitin ng Diyos ng kaningningan,


manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

MGA SAKRAMENTO
Namumuno:
Para sa tanang Kristiyanong pumanaw,
upang sila ay makapisan ng lahat
ng pinaghaharian ng Maykapal,
manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Pari:
Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
nasa iyong palad ang aming buhay
at panahon ng pag-iral.
Ngayong kami’y sakbibi ng kapighatian
inihahabilin namin sa iyo si N.
na batambata pang pumanaw.
Gawin mong siya’y maligayang makapamuhay
sa iyong tahanan taglay ang kanyang
walang kupas na kabataan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.
220 PAGLILIBING

Bayan:
Ama namin ...

c. Huling Panghahabilin at Pamamaalam

Para sa batang binyagan


Pari:
Ang batang si N. ay napabilang sa mga anak ng Diyos sa
pamamagitan ng binyag. Siya’y niloob na tawagin ng
Diyos alinsunod sa kanyang marunong na pasya. Gayon
pa man, siya’y nakalaang magkamit ng pagkabuhay
upang mamalagi siyang nagtatamasa ng bagong buhay.
Manalangin tayong nakatitiyak sa ating pag-asang
mabubuhay kailanman si N. na dahil sa muling pagsilang
sa binyag ay pinanaligan nating kapiling ng Diyos.
Ipadama nawa ng Diyos ang pagdamay niya sa mga
magulang ni N. at tayo nawa ay itaguyod niya sa
pananabik sa kalangitan.
Para sa batang di binyagan
Pari:
Mga kapatid, ihabilin natin sa Poong Maykapal ang
batang ito na si N. na ihahatid natin ngayon sa libingan.
Idalangin natin ang giliw niyang mga magulang na
Pagtitipon sa Simbahan para sa Paglilibing ng Yumaong Bata 221

nagdadalamhati sa maaga niyang pagpanaw upang


maipaubaya na nila si N. sa Diyos na mapagmahal.

MGA SAKRAMENTO
Tahimik na mananalanging saglit ang tanan.
Maipahihintulot ng Panayam ng Mga Obispo ang pagsunod
sa kaugaliang magpasalamat ang mga naulila sa mga nakiramay.
Ngayon wiwisikan ng banal na tubig at iinsensuhan ang bangkay.
Ito ay maaaring ganapin pagkatapos ng awit.

d. Awiting Tugunan
Pari:
Ang aking paninindiga’y
Manunubos ko ay buhay,
babangon sa huling araw.
Bayan:
Ang Diyos kong kaligtasan ay makikita ko ng tunay.

Pari:
Tanging ang Diyos ko lamang
ang aking mamamataan
pagbangon sa huling araw. Tugon.
222 PAGLILIBING

Pari:
Ang pag-asang aking taglay
sa puso ko’t kalooban
ay tanging ito na lamang. Tugon.

Para sa batang binyagan

Ama naming maawain,


sa iyong pagkupkop aming inihahabilin si N.
na yumaong batang aming ginigiliw.
Itaguyod nawa ng pag-ibig mong di nagmamaliw,
ihatid nawa siya sa paraiso ng iyong luningning.
Wala na roong dalamhati, panaghoy at kalungkutan
sapagkat tanging kapayapaan at kaligayahan ang umiiral
kasama ng iyong Anak at Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.
Para sa batang di binyagan

Ama naming makapangyarihan,


tanggapin mo ang mga panalangin
ng iyong sumasampalatayang bayan
Pagtitipon sa Simbahan para sa Paglilibing ng Yumaong Bata 223

upang ang mga namimighati sa pagtawag mo


sa kanilang anak na mahal

MGA SAKRAMENTO
ay mabigyan mo ng lakas ng loob
sa pagtitiwalang ikaw ay maaasahan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

4. PAGWAWAKAS
Pari:
Paalam sa iyo,
kapatid na pumanaw,
mapasapiling ka nawa ng Poong Maykapal.
Ang pagpapala ng Diyos ay baunin mo.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, + at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.
224 PAGLILIBING

Pari:
Sa paraiso magkikitang muli tayo.
Samahan ka ng mga Santo.
Kahit na may mauuna,
tayo rin ay magsasama,
upang lagi tayong lumigaya
sa piling ng Diyos Ama.
Bayan:
Amen.
Pagtitipon sa Simbahan para sa Paglilibing ng Yumaong Bata 225

MGA SAKRAMENTO
226 PAGLILIBING

F. PAGTITIPON SA PAGLILIBINGAN NG YUMAONG


BATA

1. PAGBABASBAS SA PAGLILIBINGAN

Pari:
Manalangin tayo.
Ama naming mahabagin,
sa pag-ibig mo humihimlay ang iyong mga ginigiliw.
Basbasan mo ang libingang
para kay N. ay inilalaan namin
at pagkalooban mo siya ng tagatanod na anghel.
Patuluyin mo siya sa iyong piling
upang sa kandungan mo
ang ligaya ng mga banal ay kanyang kamtin
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
Pagtitipon sa Paglilibingan ng Yumaong Bata 227

2. PANALANGING PANGKALAHATAN

Madarasal ang pari ang sumusunod na panalanging pangkalahatan

MGA SAKRAMENTO
o anumang kahalintulad nito sa kabuuan o sa ilang piling kahilingan.

Para kay N., halinang manalangin


sa ating Panginoong Hesukristo na nagpahayag:
“Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay.
Ang nananalig sa akin ay hindi mamamatay;
at sinumang nabubuhay at nananalig sa akin
ay hindi magdaranas ng walang katapusang kamatayan.”
Tumangis ka sa libingan ni Lazarong iyong mahal,
kaya’t kami’y yong damayan.

Bayan:
Panginoon, aming dasal: kami ay iyong pakinggan.

Pari:
Dulot mo ay pagkabuhay sa mga taong namatay,
si N. ay bigyang-buhay.
Naiwan n’ya’y bigyan ng lakas ng kalooban
sa pag-asang walang hanggan.

Bayan:
Panginoon, aming dasal: kami ay iyong pakinggan.
228 PAGLILIBING

Ama namin. Aba Ginoong Maria. Papuri sa Ama.


Para sa mga nagdadalamhati
Ama naming mahabagin,
pakundangan sa dalangin ng Mahal na Birhen
na nakatayo sa tabi ng krus
ng iyong Anak na nag-aagaw-buhay.
Sa mga nagdadalamhati ngayo’y
tumayo siyang karamay
bilang tagapagpalakas-Ioob at tagapagdasal
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
MGA SAKRAMENTO
PAGBABASBAS
Pambungad sa Pagbabasbas 233

IKALAWANG BAHAGI: PAGBABASBAS

PAMBUNGAD

I. MGA PAGPAPALA SA KASAYSAYAN NG


KALIGTASAN

1. Ang bukal na pinagmumulan ng lahat ng mabubuting kaloob58 ay


ang Diyos, na siyang pinagpala sa lahat magpakailanman.59 Siya na

PAGBABASBAS
mabuti ang gumawa ng lahat ng mabubuting bagay upang ang lahat
niyang nilalang ay punuin ng mga pagpapala60 at kahit pagkatapos
ng pagkakasala ng unang tao ipinagpatuloy niya ang pagpapala bilang
tanda ng kanyang maawaing pag-ibig.

2. Subalit nang dumating ang kaganapan ng panahon, ipinadala ng


Ama ang kanyang sariling Anak at sa pamamagitan niya – na naging
tao tulad natin – ay pinagkalooban niya tayo ng bagong kaloob sa
lahat ng pagpapalang espirituwal.61 Ang matandang sumpa sa atin
ay napalitan ng pagpapala nang: “ang maluwalhating Liwanag ng
Katarungan, si Kristong ating Diyos, ay lumitaw at iniligtas tayo sa
matandang sumpa at pinuspos tayo ng kabanalan”.62

58. Sakramentario Romano, Maringal na Pagpapala, no.3, Bagong Taon.


59. Roma 9:5
60. Sakram. Romano, Panalanging Eukaristiko IV, Prepasyo
61. Galacia 4:4; Efeso 1:3
62. Aklat ng Oras-Oras na Pagpupuri sa Diyos, Septiembre 8, Kapanganakan
ni Maria.
234 PAGBABASBAS

3. Si Kristo, ang pinakamainam na pagpapala ng Ama sa atin, ay


ipinakikita sa mga ebanghelyo na nagpapala sa kanyang mga
nakakasalamuha, higit sa lahat ang mga bata,63 at nag-aalay sa
kanyang Ama ng mga panalangin ng pagpapala.64 Nang luwalhatiin
siya ng Ama pagkatapos na siya’y umakyat, ipinadala niya ang kaloob
ng kanyang Espiritu sa kanyang mga kapatid na kanyang tinubos sa
pamamagitan ng kanyang dugo. Tinulungan sila ng kapangyarihan
ng Espiritu upang mag-alay sa Ama, palagi at sa lahat ng lugar, ng
papuri, pagsamba, at pasasalamat at upang sa pamamagitan ng
kanilang gawa ng pag-ibig ay mabilang sila sa mga pinagpala sa
kaharian ng Ama.65

4. Ang pagpapala ng Diyos kay Abraham ay naging ganap kay Kristo.66


Sa pamamagitan ng Espiritung ipinadala ni Kristo, ang lahat ng
tinawag sa isang bagong buhay, “puspos ng lahat na uri na
pagpapala”67 ay inampon ng Diyos bilang kanyang mga anak at bilang
bahagi ng Katawan ni Kristo ibinahagi nila ang mga bunga ng
Espiritung ito upang ihatid sa sanlibutan ang mga nagpapagaling na
pagpapala ng Diyos.

63. Tingnan, Gawa 3:26; Marcos 10:16;6:41; Lucas 24:50, etc.


64. Tingnan, Mateo 9:31; 14:19; 26:26; Marcos 6:41; 8:7,9; 14:22; Lucas
9:16; 24:30.
65. Sakram. Romano, Hanay ng mga Banal na Lalaki at Babae 9: Mga
Naglilingkod sa mga Naapi.
66. Tingnan, Genesis 12:3.
67. Dakilang San Basilio, De Spiritu Sancto, cap. 15,36: PG 32,131. Tingnan,
San Ambrosio, De Spiritu Sancto, 1, 7,89: PL 16,755; CSEL 79,53.
Pambungad sa Pagbabasbas 235

5. Bilang paghahanda sa pagdating ni Kristo bilang Tagapagligtas,


inulit ng Ama ang kanyang orihinal na tipan ng pag-ibig sa atin sa
pamamagitan ng pagbubuhos niya ng di-mabilang na pagpapala.
lnihanda niya ang isang bayang hinirang upang tanggapin ang
Mananakop at tinulungan niya sila upang maging karapat-dapat sa
tipan. Sa pamamagitan ng paglakad sa landas ng katuwiran
nagkaroon sila ng kapangyarihang gumalang sa Diyos sa kanilang
mga labi at puso. Dahil dito sila’y naging tanda at sakramento ng
mga pagpapala ng Diyos sa daigdig.

PAGBABASBAS
6. Itinangi ng Diyos na pinagmumulan ng lahat ng pagpapala ang
maraming tao – lalo na ang mga patriarka, mga hari, mga pari, mga
Levita, at mga magulang 68 – sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila
ng kakayahang mag-alay ng pagpapala sa kapurihan ng kanyang
ngalan at tumawag sa kanyang ngalan upang ang ibang tao at ang
mga nilikha ay mapuspos ng pagpapala ng Diyos.

Maging ang Diyos mismo ang nagpala sa mga tao sa pamamagitan


ng paglilingkod ng mga gumagawa sa kanyang ngalan, ang kanyang
pagpapala ay laging isang tanda ng kanyang pagtulong, isang pahayag
ng kanyang pagtatangi, katiyakan ng kanyang katapatan sa tipang
ginawa niya sa kanyang bayan. Sa kabilang dako, kapag iba ang

68. Tingnan Genesis 14:19-20; Hebreo 11 :21; Genesis 27:27 -29,38,40; Hebreo
11:20; Genesis 49:1-28; Hebreo 11:21; Deuteronomio 21:5; Deuteronomio 33;
Josue 14:13; 22:6; 2 Cronica 30:27; Levitico 9:22-23; Nehemias 8:6; Sirac
3:8-11.65. Sakram. Romano, Hanay ng mga Banal na Lalaki at Babae 9: Mga
Naglilingkod sa mga Naapi.
236 PAGBABASBAS

nagbigay ng pagpapala, iniaalay nila ang papuri sa kanya na


kanilang pinupuri dahil sa kanyang kabutihan at awa.

Sa madaling salita ipinagkakaloob ng Diyos ang kanyang pagpapala


sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang kabutihan; pinagpapala
siya ng kanyang mga ministro sa pamamagitan ng pagpupuri at
pasasalamat sa kanya at ng pag-aalay sa kanya ng kanilang magalang
na paglilingkod at pagsamba. Ang sinumang magpala kaninuman
sa ngalan ng Diyos ay tumatawag sa tulong ng Diyos para sa isang
nilalang o para sa sambayanan.

7. Pinatutunayan ng Banal na Kasulatan na ang lahat ng nilikha ng


Diyos at pinanatili niyang umiiral69 dahil sa kanyang kabutihan ay
nagsasabing sila mismo ay pagpapalang galing sa kanya; sila’y dapat
na magbunsod sa atin na magpala sa Diyos bilang ganti. Lalong
naging makahulugan ito pagkatapos na pabanalin ng Salita ng Diyos
na naging tao ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng misteryo ng
kanyang pagkakatawang-tao.

Ang mga pagpapala samakatuwid ay tumutukoy unang-una sa


Diyos; pinariringal nila ang kanyang kadakilaan at kabutihan. At
sapagkat ang mga pagpapala ay nagpapahayag din ng pagbibigay
ng kaloob ng Diyos, tumutukoy din ito sa mga tao na kanyang
pinangangalagaan at pinagsasanggalang ng kanyang pagkandili.
Ang mga pagpapala ay tumutukoy rin sa napakarami at iba’t

69. Tingnan, halimbawa, Daniel 3:57-88; Salmo 66:8; Salmo 103; Salmo 135; 1
Timoteo 4:4-5.
Pambungad sa Pagbabasbas 237

ibang uri ng nilikha ng Diyos sapagkat sa pamamagitan nila ay


pinagpala ng Diyos ang mga tao”70

II. ANG MGA PAGPAPALA SA BUHAY NG SIMBAHAN

8. Ayon na rin sa atas ng Tagapagligtas, nakikibahagi ang Simbahan sa


kalis ng pagpapala, 71 samantalang nagpapasalamat siya sa
napakalaking kaloob na tinanggap niya mula kay Kristo sa kanyang
misteryo paskuwal na ngayo’y ibinibigay sa atin ng Eukaristiya. Dahil
sa grasya at lakas na tinanggap mula sa Eukaristiya ang Simbahan

PAGBABASBAS
mismo ay nagiging isang pagpapalang umiiral sa gitna ng
sandaigdigan. Ipinagpapatuloy ng Simbahan bilang pangkalahatang
sakramento ng kaligtasan 72 ang gawang pagpapabanal at sa
kapangyarihan ng Espiritu Santo ay sumasama kay Kristo na kanyang
Ulo sa pagbibigay papuri sa Poong Ama.

9. Sa pamamatnubay ng Espiritu Santo ginagampanan ng Simbahan


ang kanyang ministeryo ng pagpapabanal sa maraming paraan at
dahil dito’y gumawa siya ng maraming paraan ng pagbibigay ng
pagpapala. Sa pamamagitan ng mga panalangin ng pagpapala
tinatawagan tayong magpuri sa Diyos, tinutulungan tayong humingi
ng proteksiyon, pinangangaralan tayong hanapin ang kanyang awa

70. Tingnan, Genesis 27:27; Exodo 23:25; Deuteronomio 7:13, 28:12; Job 1:10;
Salmo 65:11; Jeremias 31:23.
71. Tingnan, 1 Corinto 10:16.
72. Tingnan, Concilio Vaticano II, Saligang Batas, ukol sa Simbahan, Lumen gentium,
no.48.
238 PAGBABASBAS

sa pamamagitan ng kabanalan ng ating buhay, at binibigyan tayo


ng mga paraan ng pananalangin upang pagkalooban tayo ng
Diyos ng grasyang ating hinihingi.

Ang mga pagpapala na binuo ng Simbahan ay kasama sa mga tandang


Iantad sa mga pandamdam; sa pamamagitan nila ang pagpapabanal
sa tao kay Kristo at ang pagpupuri sa Diyos ay “naisasagisag at
pinapangyayari sa paraang naayon sa pagsasagisag ng bawat tanda.73
Ang kabanalan ng tao at kapurihan ng Diyos ang layuning tinutungo
ng lahat ng gawain ng Simbahan. 74

10. Ang mga pagpapala ay mga tanda na nasasalalay sa salita ng Diyos


at ipinagdiriwang natin ito dahil sa ating pananampalataya. Layunin
nilang ipahayag at ipamalas ang kabaguhan ng buhay kay Kristo na
nagmumula at Iumalago sa mga sakramento ng Bagong Tipan na
itinatag ng Panginoon. At sapagkat ang mga pagpapala ay itinulad
sa mga sakramento, ang mga ito’y tanda ng mga epektong espirituwal
na nakakamtan sa pamamagitan ng panalangin ng Simbahan.75

11. Dahil sa mga nasabi sa itaas, malaki ang malasakit ng Simbahan na


ang pagsasagawa o pagdiriwang ng mga pagpapala ay magbigay ng
papuri at luwalhati sa Diyos at Ialong tumulong sa pag-unlad ng
bayan ng Diyos. Upang maisagawa ang ninanais ng Simbahan, ang

73. Concilio Vaticano II, Dokumento ukol sa Liturhiya, Sacrosanctum concilium, art.
7. [Sa mga sumusunod, SC]
74. SC, art. 7 at 10.
75. Tingnan, SC, art. 60.
Pambungad sa Pagbabasbas 239

mga panalangin ng pagpapala ay isinentro, ayon sa matandang


kaugalian ng Simbahan, sa pagpupuri sa Diyos para sa kanyang mga
kaloob, sa paghingi ng pabor sa kanya, sa pagpigil sa lakas ng masama
sa daigdig.

12. Ibinibigay ng Simbahan ang papuri sa Diyos sa lahat ng bagay at


lalo na sa mga muling isinilang o isinisilang sa grasya ng Diyos.
Samakatuwid para sa kanila at kasama nila nagbibigay-puri ang
Simbahan sa pagdiriwang ng mga pagpapala sa Panginoon at
humihingi ng pagpapala ng Diyos sa mahahalagang pagkakataon sa

PAGBABASBAS
buhay ng kanyang mga miyembro. Kung minsan hinihingi rin ng
Simbahan ang pagpapala sa mga bagay at lugar na may kinalaman
sa paggawa ng tao at may kinalaman sa Iiturhiya o sa mga gawaing
banal at debosyon. Ngunit ang mga bagay at lugar na ito’y laging
idinadalanging pagpalain nang may kaugnayan sa mga taong gagamit
nito at sa mga pupunta sa Iugar na yaon. Ipinagkatiwala ng Diyos
para sa ating kapakinabangan at ipinailalim sa ating pangangalaga
ang mabubuting bagay na kanyang nilikha; tayo rin ang nakikinabang
sa kanyang karunungan. Kaya nga, para sa atin ang pagsasagawa o
pagdiriwang ng mga pagpapala ay naging paraan upang maipahayag
na – samantalang ginagamit natin ang mga nilikha ng Diyos – nais
nating makapisan ang Diyos, ibigin at paglingkuran siya nang buong
katapatan.

13. Sa patnubay ng pananampalataya, sa katiyakan ng pag-asa, at sa


alab ng pag-ibig, binigyan din ang mga mananampalataya ng
karunungang mabanaag ang kabutihan ng Diyos hindi lamang sa
mga nilikhang bagay kundi sa mga pangyayari rin sa buhay ng tao.
240 PAGBABASBAS

Nakikita nila ang Iahat ng ito bilang tanda ng maka-amang


pagkakandili na pumapatnubay at namamahala sa lahat ng bagay.
Sa lahat ng oras at sa lahat ng pagkakataon, may dahilan ang mga
mananampalataya na magpuri sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo
kasama ng Espiritu Santo, sa paghingi ng tulong ng Diyos, sa
pagpapasalamat sa lahat ng bagay ayon sa titik at espiritu ng Mabuting
Balita. Kaya nga bago isagawa o ipagdiwang ang anumang pagpapala
ay dapat munang masusing siyasatin at timbangin ng ministro, lalo
na kung may panganib ang mga mamangha ang mga
mananampalataya o ibang tao.

14. Ang pastoral na pagbibigay pansin sa mga pagpapala ukol sa


sangnilikha ay naaayon sa sinasabi ng Konsilyo Vaticano II: “Para
sa mga mananampalatayang may sapat na kabatiran, ang epekto
ng liturhiya ng mga sakramento at ng mga sakramental ay ang
pagpapabanal sa halos lahat na pangyayari sa kanilang buhay, ng
grasya ng Diyos na nagmumula sa misteryo paskuwal ng
pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Kristo, bukal
na pinagmumulan ng kapangyarihan ng mga sakramento at
sakramental. Ibig sabihin din ng liturhiya na walang wastong
paggamit ng mga bagay na hindi maaring maging bahagi ng
pagpapabanal sa tao at pagpupuri sa Diyos.”76

Ang pagdiriwang ng pagpapala ay paghahanda natin sa


pagtanggap ng pangunahing epekto ng mga sakramento at
nagpapabanal sa iba’t ibang pangyayari sa buhay ng tao.
76. SC, art.61.
Pambungad sa Pagbabasbas 241

15. Ngunit upang maging ganap na mabisa ang liturhiya, dapat na


dumalo ang mga mananampalataya nang may angkop na
disposisyon”.77 Kapag tayo’y humihingi ng pagpapala ng Diyos
sa pamamagitan ng Simbahan, dapat nating pag-ibayuhin ang
ating personal na disposisyon sa pamamagitan ng
pananampalataya — ang lahat ay maaaring papangyarihin nito78
dapat nating ilagay ang katiyakan sa pag-asang hindi naglalagay
sa kahihiyan;79 at higit sa lahat, dapat mag-alab ang ating pag-ibig
na nagbubunsod sa atin na tuparin ang mga utos ng Diyos.80 At
kung magkagayon, lubusan nating mapapahalagahan ang

PAGBABASBAS
pagpapala ng Diyos at tiyak nating tatanggapin ito, samantalang
hinahanap nating nakalulugod sa kanya.81

III. MGA TUNGKULIN AT PAGLILINGKOD

16. Ang mga pagpapala ay bahagi ng liturhiya ng Simbahan. Kaya’t


ito’y nararapat ipagdiwang ng sambayanan kung minsan at sa lahat
ng pagkakataon ay dapat na magkaroon ng anyo ng panalanging
liturhiko. Samantalang inilalagay ng panalangin ng Simbahan ang
katotohanan sa isipan ng mga mananampalataya, ang mga
dumadalo sa ganitong pagdiriwang ng pagpapala ay nahihikayat
na makiisa sa puso at salita sa tinig ng Simbahan.

77. SC, art.11.


78. Tingnan, Marcos 9:23.
79. Tingnan, Roma 5:5.
80. Tingnan, Juan 14:21.
81. Tingnan, Roma 12:2; Efeso 5:17; Mateo 12:50; Marcos 3:35.
242 PAGBABASBAS

Para sa mahahalagang pagpapala na may kinalaman ang


Simbahang Lokal, nararapat na ang komunidad ng diyosesis o
ng parokya ay magkatipon upang ipagdiwang ang pagpapala sa
pamumuno ng obispo o ng kura paroko.

Kahit sa ibang uri ng pagpapala, hinahangad na naroon ang


presensiya ng asemblea ng mga mananampalataya, sapagkat ang
anumang ginaganap para sa kapakanan ng anumang grupo sa looban
ng komunidad ay humahantong din para sa kapakanan ng buong
komunidad.

17. Kahit na walang asemblea ng mga mananampalataya na


sumasaksi sa pagdiriwang, dapat pa ring isaisip ng may nais
magpuri sa ngalan ng Diyos o humingi ng pagpala ng Diyos at
ng ministrong namumuno na kinakatawan nila ang Simbahan
samantalang nagdiriwang. Kung magkagayon dumarating ang
pagpapala dahil sa kanilang sama-samang panalangin at paghingi
anupat “kahit na isang taong nilalang ang sumasambit nito, ang
pagpapala’y hindi basta nagmumula sa tao,”82 isang pagpapala
na walang iba kundi “ang hinahangad na pagbibigay ng
kabanalan at biyaya ng Diyos.”83
Ang pagdiriwang ng pagpapala ng mga bagay o pook ayon sa
kaugalian ay hindi dapat idaos nang walang partisipasyon ng ilang
mananampalataya man lamang.

82. Caesario ng ArIes, Serm. 77,5: CCL 103, 321.


83. Ambrosio, De benedictionibus patriarcharum 2, 7: PL 14, 709; CSEL, De
Patriarchis, 32,2,18.
Pambungad sa Pagbabasbas 243

18.Ang ministeryo ng pagpapala ay nangangailangan ng


pagsasakatuparan ng pagkapari ni Kristo at ayon sa katayuan at
tungkulin sa looban ng Bayan ng Diyos ng bawat miyembro, ang
pagsasakatuparan ng ministeryong ito ay ginagawa ayon sa
sumusunod na paraan:

a. Kabilang sa ministeryo ng obispo ang mamuno sa mga pagdiriwang


na may kinalaman sa komunidad ng diyosesis at isinasagawa nang
may natatanging solemnidad at dinadaluhan ng maraming
mananampalataya. Kaya, maaaring ipasiya ng obispo na siya mismo

PAGBABASBAS
ang mamuno sa mga pagdiriwang na may espesyal na solemnidad.84

b. Nalalaan naman sa ministeryo ng presbitero o pari – ayon sa


kalikasan ng kanyang paglilingkod sa bayan ng Diyos – na
mamuno sa mga pagpapala na may kinalaman sa komunidad na
nasa ilalim ng kanyang panunungkulan. Kaya maaaring
pamunuan ng pari ang mga pagdiriwang ng lahat na pagpapala
na matatagpuan sa aklat na ito, maliban na lamang kung naroon
ang obispo upang siya ang mamuno.

c. Nalalaan sa ministeryo ng diakono ang mamuno sa mga pagpapala


na ibinukod para sa kanila sa aklat na ito, sapagkat bilang ministro
ng altar, ng Salita ng Diyos, at ng pagmamahal, ang diyakono ay
katulong ng obispo at ng kaparian.

84. Tingnan, SC, art. 79.


244 PAGBABASBAS

Subalit kapag ang pari ay naroon, higit na mainam na ang


tungkuling mamuno ay ipaubaya sa kanya at tumulong na lamang
ang diyakono sa pagganap ng mga tungkuling pangdiyakono.

d. Ang isang akolito o ang isang lektor na mayroong tanging tungkulin


sa Simbahan, dahil sa pagtatalaga sa kanila sa kanilang ministeryo
ay higit na angkop kaysa ibang laiko kapag gaganap bilang ministro
ng pagpapala ayon sa pasubali ng obispo.

Ang ibang laiko – lalaki o babae – sa bisa ng pangkalahatang


pagkapari na kanilang tinataglay dahil sa binyag at kumpil ay
maaaring mamuno sa ilang pagpapala; gagamitin nila ang mga ritu
at panalanging sadyang binanghay para sa kanila ayon sa nasasaad
sa mga paraan ng pagpapala. Ginagampanan ng laiko ang ganitong
ministeryo sa bisa ng kanilang tungkulin (halimbawa, mga magulang
para sa kapakanan ng kanilang mga anak) o dahilan sa ilang
natatanging ministeryo liturhiko o alang-alang sa pagtupad ng isang
tanging pangangasiwa sa Simbahan tulad ng mga madre, katekista
sa maraming lugar na itinalaga ayon sa pasiya ng obispo lokal,85
matapos na masuri ang kanilang paghuhubog pastoral at ang
kanilang maasahang patupad ng apostolado.

Ngunit kapag mayroong pari o diyakono, dapat ipaubaya sa kanya


ang tungkuling mamuno.

85. Tingnan, SC, art. 79.


Pambungad sa Pagbabasbas 245

19. Magiging aktibo ang pakikilahok ng mga mananampalataya ayon


sa bisa ng instruksiyon na ibibigay sa kanila tungkol sa kahalagahan
ng mga pagpapala. Sa pagdiriwang ng isang pagpapala at sa
pangangaral at katekesis bago dumating ang pagdiriwang, kailangang
ipaliwanag ng mga pari at mga ministro sa mga mananampalataya
ang kahulugan at bisa ng pagpapala. Higit na mainam na turuan
ang bayan ng Diyos tungkol sa wastong kahulugan ng mga ritu at
panalanging ginagamit ng Simbahan sa pagbibigay ng pagpapala:
hahadlangan nito ang pagpasok sa pagdiriwang ng anumang
pamahiin at/o maling kaisipan na maaariring pumalit sa wastong

PAGBABASBAS
pananampalataya.

IV. ANG PAGDIRIWANG NG ISANG PAGPAPALA

PANGKARANIWANG BALANGKAS
NG PAGDIRIWANG

20. Ang pangkaraniwang pagdiriwang ay nabubuo ng dalawang bahagi:


una, ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos, at ikalawa, ang
pagpupuri sa kabutihan ng Diyos at paghingi ng tulong.
Karaniwan may mga pambungad at pangwakas na ritu na angkop
sa bawat pagdiriwang.

21. Ang layunin ng unang bahagi ng pagdiriwang ay ang isigurado na


ang pagpapala ay isang taal na tandang banal na nagtataglay ng
kahulugan at bisa mula sa Salita ng Diyos na ipinahahayag.86
86. Tingnan, Leksionaryo para sa Misa (ika-2 edisyon, 1981), Pangkalahatang
Pambungad, nos. 3-9.
246 PAGBABASBAS

Ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos ay ang sentro ng unang


bahagi at ang salitang ipinahayag ay dapat magsilbing panuntunan
ng pasimulang komentaryo at maikling pananalita tungkol sa mga
pagbasa, gayundin para sa anumang pangaral o homiliya na
maaaring bigkasin ayon sa hinihingi ng pagkakataon.

Kung may ilang pagbasa, maaaring umawit ng salmo o angkop na


awit o magkaroon ng tahimik na pananalangin sa pagitan, upang
lumalim ang pananampalataya ng mga nakikiisa sa pagdiriwang.

22. Ang layunin ng ikalawang bahagi ay upang magpuri sa Diyos ang


komunidad sa pamamagitan ng mga ritu at panalangin at hingin
ang tulong ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo kasama ng Espiritu
Santo. Ang sentro ng bahaging ito’y ang pormula ng pagpapala
mismo, ibig sabihin, ang panalangin ng Simbahan, kasama ng mga
angkop na tandang panlabas.

Ngunit maaaring magdagdag ng mga kahilingan o intensiyon bilang


isang paraan upang maakay ang mga nagdiriwang sa pananalangin.
Ang mga kahilingan ay maaring gawin bago dumating ang
panalangin ng pagpapala o maaring sumunod dito.

23. Sa pag-aangkop ng pagdiriwang dapat ipakita ang pagkakaiba


ng mga mahahalagang elemento ng pagdiriwang sa mga hindi
totoong mahalaga na nababanggit sa aklat na ito, alalaong baga,
ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos at ang panalangin ng
Pambungad sa Pagbabasbas 247

pagpapala ng Simbahan. Ang dalawang ito’y hindi maaaring


iwanan kahit ang maikling paraan ng pagdiriwang ang gagamitin.

24. Sa pagpaplano ng pagdiriwang ang mga sumusunod ang dapat


na isaalang-alang na mabuti:

a. Sa maraming pagkakataon ang pagdiriwang na nilalahukan ng


sambayanan ang dapat ihanda, 87 at sa ganitong pagkakataon
bibigyan ng pagkakataon na ang diyakono, lektor, cantor o salmista,
at coro ay makaganap ng kani-kanilang tungkulin;

PAGBABASBAS
b. Ang pangunahing panuntunan ay ang magkaroon ng aktibo,
magaan, at may kabatirang pakikiisa ng mga mananampalataya;88

c. Dapat ipaghanda ang mga kinakailangan ayon sa natatanging


kalagayan at ayon sa mga taong dumadalo,89 ngunit isasa-alang-
alang ang mga batas ng bagong liturhiya at mga alituntunin na
ibinigay ng kinauukulang awtoridad.

MGA TANDANG DAPAT GAMITIN

25. Ang layunin ng panlabas na tanda na karaniwang kaalinsabay


ng panalangin ay, una sa lahat, ang ipaalaala ang gawang
pagliligtas ng Diyos, ang ipakita ang kaugnayan ng ginagawang
pagdiriwang sa mga sakramento ng Simbahan, at ang palakasin
87. Tingnan, SC, art. 27.
88. Tingnan, SC, art. 79.
89. Tingnan, SC, art. 38.
248 PAGBABASBAS

ang pananampalataya ng mga nakikipagdiwang at ang akayin


sila sa masinop na pakikiisa sa ritu.90

26. Ang panlabas na tanda o paggalaw na malimit gamitin ay ang


pag-unat ng mga kamay, pagtayo, o pagdadaop ng mga kamay,
pagpapatong ng kamay (sa pinagpapala), ang tanda ng krus,
pagwiwisik ng banal na tubig, at ang pag-iinsenso.

a. Sapagkat ang pormula ng pagpapala, una sa lahat, ay isang oratio,


iniuunat ng ministro ang kanyang mga kamay, ipinagdaraop, o
itinataas ang mga ito samantalang binibigkas ang panalangin, ayon
sa alituntunin para sa bawat paraan ng pagsasagawa ng pagpapala.

b. Ang pagpapatong ng mga kamay ay isang natatanging anyo ng


pagpapala. Malimit gamitin ni Kristo ang ganitong tanda ng
pagpapala, nagsalita siya. sa mga disipulo tungkol dito: “Ipapatong
nila ang kanilang mga kamay sa mga maysakit at sila’y gagaling”,
(Marcos 16:18), at patuloy niya itong ginagamit sa looban at sa
pamamagitan ng kanyang Simbahan.

c. Bilang pagsunod sa matandang kaugalian o tradisyon, ang paggawa


ng tanda ng krus ay kalimitang kasabay ng pagpapala.

d. Ang ilang paraan ng pagpapala ay mayroong pagwiwisik ng banal


na tubig, at sa ganitong pagkakataon dapat ipaalaala ng ministro sa
mga mananampalataya ang misteryo paskuwal at panibaguhin ang
kanilang pangako sa binyag.
Pambungad sa Pagbabasbas 249

e. Ang iba naman ay mayroong pag-iinsenso, na isang tanda ng


pagsamba at paggalang at, sa ilang pagkakataon, ito’y nagsisilbing
tandang panalangin ng Simbahan.

27. Ang mga panlabas na tanda ng pagpapala, higit sa lahat ang


tanda ng krus, ay mga paraan ng pangangaral ng Ebanghelyo at
ng pagpapahayag ng pananampalataya. Subalit upang
magkaroon ng isang aktibong partisipasyon sa pagdiriwang at
upang maiwasan ang anumang pamahiin, hindi pinahihintulot
na magbigay ng pagpapala sa anumang bagay o lugar sa

PAGBABASBAS
pamamagitan lamang ng tanda ng krus na walang pagpapahayag
ng Salita ng Diyos o walang anumang binibigkas na panalangin.

PARAAN NG PAGSASAMA NG ISANG PAGDIRIWANG


NG PAGPAPALA SA IBA PANG PAGDIRIWANG O SA
IBANG PAGPAPALA

28. Dahil sa ang ilang pagpapala ay may tanging kaugnayan sa mga


sakramento, maaaring isama ito sa pagdiriwang ng Banal na Misa.
Ipinakikita ng aklat na ito alin-alin ang mga pagpapalang ito at ang
mga bahagi o ritu na nararapat isama; narito rin ang mga alituntunin
tungkol sa ritu na hindi dapat basta isa-isangtabi. Walang iba pang
pagpapala ang maaaring isama sa pagdiriwang ng Banal na
Eukaristiya maliban sa mga nababanggit dito.

29. Tulad ng nababanggit sa bawat paraan ng pagpapala, ang ilang


pagpala ay maaaring isama sa iba pang pagdiriwang liturhiko.
250 PAGBABASBAS

30. Kung minsan hinihingi ng pagkakataon isagawa ang ilang


pagpapala sa loob ng isang pagdiriwang. Ang prinsipyo sa
pagsasaayos ng ganitong pagdiriwang ay ganito: ang ritu ng
pagpapala para sa higit na mahalagang pagpapala ang gagamitin,
at sa pasimulang pananalita at sa mga kahilingan sa panalangin
idadagdag ang naaangkop na salita at tanda na nagpapahayag
na isinasagawa rin yaong ibang pagpapala.

RESPONSABILIDAD NG MINISTRO NA IHANDA AT


PLANUHIN ANG PAGDIRIWANG NG PAGPAPALA

31. Dapat isaalang-alang ng ministro na ang mga pagpapala ay nauukol,


una sa lahat, para sa mga mananampalataya. Ngunit maaari ring
ipagdiwang ito para sa isang katekumeno at, ayon sa kaisipan ng
Canon 1170, para sa isang di-katoliko, maliban na lamang kung
mayroon pagbabawal ang Simbahan.

Tuwing magdiriwang tayo ng pagpapala kasama ang ibang


Kristiyano na walang ganap na komunyon o pakikiisa sa atin, ang
alituntuning ibibigay ng Ordinaryo Lokal ang dapat sundin.

32. Kung hinihingi ng pagkakataon at sa pagsasaalang-alang ng


pagnanasa ng mga mananampalataya, gagamitin ng namumuno o
ministro ang lahat ng pag-aangkop na ipinahihintulot sa iba’t ibang
ritu ng pagpapala, ngunit dapat niyang panatilihin ang istruktura
ng pagdiriwang at hindi dapat paghaluin ang mahahalagang
bahagi ng pagdiriwang.
Pambungad sa Pagbabasbas 251

33. Sa paghahanda ng pambayang pagdiriwang kailangang


siguraduhin na ang lahat, mga ministro at mananampalataya, ay
makaganap ng kani-kanilang gawain at gawin ito nang buong
ingat, nang may magandang kaayusan.

34. Dapat ding bigyan ng pansin ang kasalukuyang panahon liturhiko


upang ang pasimulang pananalita ng ministro at ang mga
panalangin ng sambayanan at mga kahilingan ay kaugnay sa
taunang pag-ikot ng mga misteryo ni Kristo.

PAGBABASBAS
ANG KASUOTAN NG MINISTRO

35. Kapag ang Obispo ay namumuno sa mahalagang pagdiriwang, dapat


na ang kanyang kasuotan ay nababagay ayon sa aklat ng Ceremonial
ng mga Obispo.

36. Ang pari o ang diyakono, kapag namumuno sa pagpapalang


ipinagdiriwang nang may paglahok ng sambayanan, laIo na ang
mga pagdiriwang sa loob ng simbahan o kung may natatanging
solemnidad, ay magsusuot ng alba at estola. Maaaring gamitin ang
roquete sa halip ng alba kung suot niya ang sotana. Maaaring
gamitin ang kapa para sa mga dakilang kapistahang pagdiriwang.

37. Ang mga kasuotan ng ministro ay puti o kakulay ng hinihingi ng


panahon liturhiko o ng fiesta.

38. Ang isang ministro na pormal na naitalaga ay dapat magsuot ng


kasuotang naaayon sa pasiya ng kapulungan ng mga obispo o
ng obispo ng lugar.
252 PAGBABASBAS

V. MGA PAG-AANGKOP NA MAAARING GAWIN NG


MGA KAPULUNGAN NG MGA OBISPO

39. Sa bisa ng Konstitusyon Ukol Sa Liturhiya, 91 ang bawat kapulungan


ng mga obispo ay may karapatang maghanda ng sariling ritual,
ukol sa paksang ito ng Ritual Romano, angkop sa pangangailangan
ng bawat rehiyon. Matapos na masuri ng Santa Sede ang mga
desisyon ng kapulungan, 92 ang ritual na inihanda ng kapulungan
ay dapat na gamitin sa kinauukulang rehiyon.
Ukol sa bagay na ito ang kapulungan ng mga obispo ay mayroong
mga sumusunod na responsibilidad:

a. Magpasiya tungkol sa pag-aangkop, ayon sa alituntuning nasasaad


sa aklat na ito, at panatilihin ang angking istruktura ng mga ritu;

b. Timbanging mabuti ang mga elemento ng tradisyon at kultura


ng bawat lahi na maaaring ipasok sa pagsamba sa Diyos, at
magmungkahi ng iba pang pag-aangkop na inaakala ng kapulungan
na kailangan o kapaki-pakinabang; 93

c. Gamitin o iangkop ang mga pagpapala na mula sa ritual ng


ibang rehiyon o yaong kasama sa dating Ritual Romano na
ginagamit pa, hanggat ang mga ito’y naaayon sa espiritu ng

90. Tingnan, SC, art. 59-60.


91. Tingnan, SC, art. 63, b.
92. Tingnan, Codex Iuris Canonici [Sa mga sumusunod, CIC], can.838, par.2
at 3; tingnan din ang CIC, can - 1167, par.1
93. Tingnan, SC, art. 37-40 at 65.
Pambungad sa Pagbabasbas 253

Konstitusyon Ukol Sa Liturhiya at ayon sa alituntuning


binabanggit sa Pambungad na ito, at angkop sa
pangkasalukuyang pangangailangan;

d. Magdagdag ng iba pang teksto na katulad na nasa iba’t ibang paraan


ng pagpapala, kapag sa aklat na ito ay ipinahihintulot ang mamili
sa iba’t ibang teksto;

e. Isalin ang mga pambungad sa aklat na ito, at kung kinakailangan,


dagdagan upang lubusang maunawaan ng mga ministro ang

PAGBABASBAS
kahulugan ng mga ritu at maisagawa nang mabisa nang sa gayon
makiisa nang aktibo at lubusan at nang may kabatiran ang mga
mananampalataya;

f. Idagdag ang mga elementong wala sa aklat na ito, tulad halimbawa


ng iba pang pagbasang kapaki-pakinabang at tukuyin ang mga awit
na angkop sa mga pagdiriwang;

g. Ihanda ang salin ng mga teksto ayon sa sariling paraan ng pananalita


ng iba’t ibang wika at ayon sa katangian ng iba’t ibang kultura;

h. Ayusin ang mga nilalaman ng mga edisyon ng aklat ng mga


pagpapala sa isang pormat na madaling gamitin ng mga ministro;
maglathala nang hiwalay ng mga bahagi ng aklat na ito ngunit
laging kasama ang mga mahahalagang pambungad sa mga
pagpapala.
254 PAGBABASBAS SA MGA TAO

UNANG KABANATA:
PAGBABASBAS SA MGA TAO

I. PAGBABASBAS NG MAG-ANAK

Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Pari:
Sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na
ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.
Bayan:
At sumaiyo rin.

Pari:
Mga kapatid:

Buhat sa sakramento ng matrimonio, ang mag-anak ay


tumanggap ng bagong buhay at biyaya ni Kristo. Ang
mag-anak ay lubhang kailangan sa Simbahan at sa bayan,
yayamang ito ang kauna-unahang at pinakamahalagang
sangkap ng lipunan.
Pagbabasbas ng Mag-anak 255

1. PAGBASA
Cor 12:12-13

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Corinto

Sapagkat si Kristo’y tulad ng isang katawan na may


maraming bahagi; bagamat binubuo ng iba’t ibang
bahagi, iisa pa ring katawan. Tayong lahat, maging Judio

PAGBABASBAS
o Griego, alipin man o malaya, ay binaustismuhan sa
iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat
ay pinaiinom sa isang Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:
Salamat sa Diyos.

o kaya:
Eph. 4:1-6
Magmalasakitan kayo sa isa’t-isa ng buong pagmamahal.

Col. 3:12-25
Higit sa lahat ang pag-ibig ang hangarin nyo.
256 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Mga Gawa 2:44-47


Nagsasalo-salo sila sa kanilang mga tahanan. Puno ng kaligayahan
at kadalisayan ng puso ang larawan ng kanilang pagsasalo-salo.

Lucas. 19:1-10
Ang kaligtasan ay pumasok sa bahay na ito ngayon.

Juan1:35-39
Sila’y sumama sa kanya nang araw na yaon.

2. SALMO 128

Bayan:
Pinagpala ang mga may takot sa Panginoon.

Namumuno:
Mapalad ka, ikaw na may takot sa Panginoon,
na tumatahak sa kanyang mga daan.
Sa dahilang kakain ka sa bunga ng iyong mga kamay;
ikaw ay magiging masaya at pagpapalain. Tugon.

Namumuno:
Tandaan, ganyan ang taong mapalad na may takot
sa Panginoon.
Pagbabasbas ng Mag-anak 257

Pagpapalain ka mula sa Sion;


makita mo nawa ang kasaganaan ng Jerusalem
sa lahat ng araw ng iyong buhay. Tugon.

3. PAGNINILAY O MAIKLING PALIWANAG

Kung hinihingi ng pagkakataon, magbibigay ang ministro ng maikling


paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos sa mga dumalo, upang
maintindihan nila ang kahulugan ng pagdiriwang sa pamamagitan ng

PAGBABASBAS
kanilang pananampalataya.

4. PANALANGIN NG BAYAN

Pari:
Si Kristong Panginoon, ang Salitang walang-hanggang
kaisa ng Ama, ay tumahan na sa piling natin. Pinili niyang
maging bahagi ng pamilya, at pinagyaman niya ito ng
kanyang biyaya. Halina’t pakumbaba tayong dumulog
sa kanyang tulong at pagkalinga para sa pamilyang ito:

Bayan:
Panginoon, pamalagiin mo sa Iyong kapayapaan ang
aming pamilya.
o kaya:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
258 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Namumuno:
Sa pamamagitan ng iyong pagtalima kina Maria at Jose,
pinabanal mo ang buhay ng pamilya. Pabanalin mo ang
pamilyang ito sa pamamagitan ng iyong patuloy na
pananahan sa kanila. Manalangin tayo sa Panginoon.
Tugon.

Namumuno:
Nakatuon ang kalooban mo sa adhikain ng iyong
iginagalang na Ama; gawin mong sambahan ng iyong
Ama ang bawat tahanan. Manalangin tayo sa Panginoon.
Tugon.

Namumuno:
Ginawa mong huwaran ng pagdarasal, pagmamahal , at
pagtalima sa kalooban ng Ama ang sarili mong pamilya;
sa patuloy mong pangangalaga, gawin mong banal ang
pamilyang ito, at pagyamanin mo ng iyong mga handog.
Manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Namumuno:
Minahal mo ang mga taong malapit sa iyo, at minahal ka
rin nila bilang tugon; bigkisin mo ang lahat ng pamilya
Pagbabasbas ng Mag-anak 259

sa pamamagitan ng kapayapaan at pagmamahal nila sa


bawat isa. Manalangin tayo sa Panginoon. Tugon
.
Namumuno:
Noong itatag ang isang bagong pamilya sa Cana,
Galileya, ipinagalak mo ito sa pamamagitan ng iyong
unang himala, nang ginawa mong alak ang tubig;
pagaanin mo mula sa kanilang mga kalungkutan at mga
alalahanin ng pamilyang ito, at pag-ibayuhin mo ito sa

PAGBABASBAS
galak. Manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Namumuno:
Sa iyong pagpapahalaga sa karangalan ng pamilya, sinabi
mo: “Huwag paghiwalayin ng sinuman yaong pinag-isa
ng Panginoon.” Pag-isahin mo ang mag-asawang ito
upang lalo silang mapalapit sa isa’t isa sa buklod ng iyong
pagmamahal. Manalangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Maaring magdagdag ng iba pang kahilingan.

5. AMA NAMIN
Pari:
Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos
kay Hesukristo na ating Panginoon.
260 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Bayan:
Ama Namin ...

6. PAGBABASBAS

Pari:
O Panginoon Diyos, kasihan ng iyong mga
biyaya ang mag-anak na ito, na natitipon sa
iyong mahal na harapan.

Ingatan mo at ipagtanggol ang mag-anak na ito upang


sa bisa ng iyong Iingap ang mga magkasambahay ay
magtamo ng kapayapaan at katiwasayan.

Nawa’y tularan nila ang mga halimbawa ng Banal na


Mag-anak sa Nazaret, sina Hesus, Maria at Jose.

Nawa’y pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos


Ama, Anak + at Espiritu Santo.

7. PAGBATI NG KAPAYAPAAN

Maaaring magbigayan ng tanda ng kapayapaan sa isa’t isa.


Pagbabasbas ng Magkasintahang may Kasunduang Pakasal 261

II. ANG PAGBABASBAS NG MAGKASINTAHANG MAY


KASUNDUANG PAKASAL

Panimula

Maliban sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, ang mga Kristiyanong


magulang ay may higit pang tungkulin, isang pagsasabuhay ng kanilang
apostolado, na tulungan ihanda nang mabuti ang kanilang mga anak
sa pag-iisang-dibdib.

PAGBABASBAS
Ang kasunduang pakasal ng magkasintahang Kristiyano ay isang
natatanging pagkakataon para sa mga pamilyang magkasintahan, kaya
kailangan nilang sama-samang ipagdiriwang ang kasunduang ito sa
pamamagitan ng panalangin at espesyal na pagdiriwang. Sa
pagdiriwang na ito, hinihiling nila ang pagpapala ng Panginoon upong
ang kagalakang ipinangako ng kasunduang pakasal ng magkasintahan
ay maganap sa kanilang buhay.

Kung ang dalawang pamilya lamang ng magkasitanhan ang naroon sa


pagdiriwang ng pagbabasbas, isa sa mga magulang ang maaaring
mamuno. Ngunit, kung naroon ang pari o diyakono, ang tungkuling
mamuno ay nakatalaga sa kanya (basta malinaw sa lahat na ang
gagawing pagbabasbas ay hindi pagdiriwang ng sakramento ng kasal).

Ang kasalukuyang ritu ay maaaring gamitin ng mga magulang, pari,


diyakono o ng layko. Habang pinananatili ang pagsunod sa balangkas
262 PAGBABASBAS SA MGA TAO

at sa mga pinakamahalagang bahagi ng ritu, kailangang ibagay ng


ministro ang pagdiriwang sa pangangailangan ng natatanging lugar at
ng mga dumalo.

Ang kasalukuyang ritu ay maaari ring gamitin sa panahon ng kasunduan


kapag ang magkasintahan ay magkasama upang pangaralan tungkol
sa buhay mag-asawa. Ang pormal na kasunduan at ang espesyal na
pagbabasbas ng magkasintahan ay hindi gagawin sa loob ng Misa.

ANG PAGBABASBAS
Kapag natipon na ang mga pamilya, sasabihin ng ministro:

1. PASIMULA
Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Magkukrus ang lahat at tutugon:


Amen.

Babatiin ng ministro, pari man o diyakono, ang mga taong dumalo sa


pamamagitan ng sumusunod na pangungusap o anumang mga salitang
angkop na hango sa Banal na Kasulatan.

Ang biyaya’t kapayapaan


ng ating Panginoong Hesukristo,
Pagbabasbas ng Magkasintahang may Kasunduang Pakasal 263

ang umibig at nag-alay ng sarili para sa atin


nawa’y sumainyong lahat.
Bayan:
At sumainyo rin.

Babatiin ng ministrong layko ang mga dumalo sumusunod na


pangungusap:

Mga kapatid,

PAGBABASBAS
purihin natin ang ating Panginoong Hesukristo
ang umibig at nag-alay ng sarili para sa atin.
Halina’t pasalamatan natin siya
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

Sa pamamagitan ng sumusunod na mga pangungusap o anumang


katumbas nito, ihahanda ng ministro ang mag-asawa at lahat ng dumalo
para sa pagbabasbas.

Batid natin na kailangan nating lahat ang pagpapala ng


Diyos sa lahat ng panahon; ngunit sa panahon ng
paghihintay ng mga Kristiyano sa kanilang kasal,
264 PAGBABASBAS SA MGA TAO

nangangailangan sila ng tanging biyaya habang inihanda


nila ang kanilang sarili upang bumuo ng bagong pamilya.
Halina’t manalangin tayo na padaluyin ng Panginoon
ang kanyang pagpapala sa mga kapatid nating
magkasintahang nagkasundong pakasal: upang habang
hinihintay nila ang araw ng kanilang kasal, lumago sila
sa paggalang at sa pag-ibig sa isa’t isa; upang sa
pamamagitan ng kanilang pakikitungo at sama-samang
pagdarasal, maihanda nila ang kanilang sarili sa tamang
landas at sa kalinisan alang-alang sa kanilang pag-iisang-
dibdib.

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Babasahin ng isa sa mga dumalo o ng ministro ang isang teksto na
hango sa Banal na Kasulatan.
Juan 15:9-12

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Kung paanong inibig ako ng Ama, gayon din naman,
iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung
tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa
aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng
aking Ama at ako’y nananatili sa kanyang pag-ibig.
Pagbabasbas ng Magkasintahang may Kasunduang Pakasal 265

“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati


kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan.
Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya, ng pag-ibig ko
sa inyo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon


Bayan:
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

PAGBABASBAS
o kaya:
Cor 13:4-13 – Ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno
ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.

Oseas 2:21-26 – lkaw ay magiging tapat kong kabiyak.

Filipos 2:1-5 – Magkabuklod sa diwa at mithiin.

Kung hinihingi ng pagkakataon, isa sa mga salmo responsoryo ang


maaaring awitin o basahin, o anumang angkop na awit.
Bayan:
Mabait ang Panginoon sa lahat.

Awit 145

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG


266 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Kung hinihingi ng pagkakataon, magbibigay ang ministro ng maikling


paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos sa mga dumalo, upang
maintindihan nila ang kahulugan ng pagdiriwang sa pamamagitan
ng kanilang pananampalataya.

4. PANALANGIN NG BAYAN

Dadasalin ngayon ang panalangin ng bayan. Sisimulan ito ng


ministro at bibigkasin ng ministrong katuwang ang mga kahilingan
ng bayan. Mula sa mga sumusunod na mga kahilingan, maaaring
piliin iyong mga pinakaangkop sa pagdiriwang, o kaya’y maaaring
lumikha ng ibang kahilingang tumutukoy sa natatanging sitwasyon.

Pari:
Minahal tayo ng lubusan ng Diyos Ama, kay Kristo,
ginawa tayo bilang kanyang anak at mga saksi sa kanyang
pag-ibig dito sa mundo. Halina’t dumulog tayo sa kanya
nang may lubusang pagtitiwala. At sabihin natin:
Bayan:
Panginoon, tulungan mo kaming manatili sa iyo.

Namumuno:
Diyos naming Ama, niloob mong makilala ang tunay
mong mga anak, mga magkakapatid kay Kristo, sa
Pagbabasbas ng Magkasintahang may Kasunduang Pakasal 267

pamamagitan ng kanilang pag-iibigan sa isa’t isa.


Malanangin tayo sa Panginoon. Tugon.
Namumuno:
Iniatang mo sa amin ang tanging tungkuling umibig sa
kapwa upang makamtan namin ang kaligayahan sa
pamamagitan ng aming pagtugon sa tungkuling ito.
Malanangin tayo sa Panginoon. Tugon.
Namumuno:

PAGBABASBAS
Pinag-isa mo ang lalaki’t babae sa pamamagitan ng
kanilang pag-iibigan sa isa’t isa upang sa pamilyang
itatatag nila, masiyahan sila sa magiging mga anak nila,
ang bunga ng kanilang pag-ibig. Malanangin tayo sa
Panginoon. Tugon.
Namumuno:
Sa pamamagitan ng pag-aalay ni Kristo ng kanyang sarili,
naging kabiyak ni Kristo ang Simbahan at sa
pamamagitan ng kanyang dugo, inialay niya ito sa iyo,
isang banal at walang dungis ng kasalanan. Sa
pamamagitan nito, binigyan mo kami ng huwaran ng
pag-ibig na kailangang manatili sa mag-asawa sa
sakramento ng pag-iisang-dibdib. Malanangin tayo sa
Panginoon. Tugon.
268 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Namumuno:
Tinawag mo sina N. at N. sa pagkakaisa ng buhay at pag-
ibig, ang nagbibigkis ng pamilyang Kristiyano sa isip at
diwa. Malanangin tayo sa Panginoon. Tugon.

Kasang-ayon sa kaugalian ng lugar, bago dasalin ang panalangin ng


pagbabasbas, maaaring ipahayag ng magkasintahan ang tanda ng
kanilang katapatan sa isa’t isa sa pamamagitan, halimbawa, ng paglagda
ng isang dokumento o pagpapalitan ng mga singsing o handog.

Maaaring basbasan ang mga singsing o mga handog na ginagamit ang


sumusunod na panalangin.

Sa darating na panahon,
tuparin mo nawa ang pangakong banal
na sinasagisag ng mga alay na ito
na ngayo’y inyong ibibigay sa isa’t isa.
Bayan:
Amen.

5. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Bibigkasin ng ministro, pari man o diyakono, ang panalangin ng


pagbabasbas samantalang nakaunat ang kanyang mga kamay.
Pagbabasbas ng Magkasintahang may Kasunduang Pakasal 269

Bibigkasin ng ministrong layko ang panalanging ito samantalang


magkalakip ang kanyang mga kamay.

Panginoon,
pinupuri ka namin,
nang dahil sa magiliw mong panukala
ipinagbuklod mo sa pag-ibig
ang iyong mga anak na sina N. at N.
Patatagin mo ang kanilang mga puso,

PAGBABASBAS
upang magtiwala sila sa isa’t isa,
papurihan ka sa lahat ng bagay,
at magalak magdiwang ng sakramento
ng kanilang pag-iisang-dibdib.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Bayan:
Amen.

O kaya, bibigkasin ng ministro, pari man o diyakono, ang sumusunod


na panalangin ng pagbabasbas.

Panginoong Diyos,
ang bukal ng tanang pag-ibig,
ang magandang panukala ng iyong kalooban
270 PAGBABASBAS SA MGA TAO

ang siyang dahilan ng pagkakaisa nitong magkasintahan.


Habang inihahanda nila ang kanilang sarili
para sa sakramento ng pag-iisang-dibdib,
at dumudulog ng iyong biyaya,
pinalakas ng iyong pagpapala,
itulot mong lumago sila sa paggalang,
at pagmamahal sa isa’t isa
sa pamamagitan ng taimtim nilang pag-ibig.
Hinihiling naming ito
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Bayan:
Amen.

6. PANGWAKAS NA BAHAGI

Wawakasan ng ministro ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbigkas


ng sumusunod.

Mamalagi nawa sa inyo


ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan;
nawa’y gabayan niya ang inyong mga hakbang,
at patibayin ang inyong puso sa kanyang pag-ibig,
ngayon at magpakailanman.
Pagbabasbas ng Anibersaryo ng Pag-iisang Dibdib 271

III. PAGBABASBAS SA ANIBERSARYO NG


PAG-IISANG DIBDIB

Kasama ang mag-anak at kaibigan o kahit sila lamang, ang magkabiyak


ay maaring magdiwang ng anibersaryo ng kanilang pag-iisang dibdib sa
pamamagitan ng mga panalangin.

1. PASIMULA
Pari:

PAGBABASBAS
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Mag-asawa:
Purihin ang Diyos na siyang nagdulot ng kaaliwan,
ang nagpadama sa ating lahat ng kahabagan.

Pari:
Nawa’y sumainyo ang kanyang pagpapala at pag-ibig.
Bayan:
At sumaiyo rin.

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS:


Juan 15:9-12 (1 Cor 13:4-8; o anumang angkop na Pagbasa)
272 PAGBABASBAS SA MGA TAO

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Kung paanong iniibig ako ng Ama, gayun din naman,


iniibig ko kayo, manatili kayo sa dakilang pag-ibig. Kung
tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa
aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng
aking Ama at ako’y nanatili sa kanyang pag-ibig. Sinasabi
ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo
sa kagalakan ko at malubos ang inyong kagalakan. Ito
ang aking utos: mag-ibigin kayo gaya ng pag-ibig ko sa
inyo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG

Kung hinihingi ng pagkakataon, magbibigay ang ministro ng maikling


paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos sa mga dumalo, upang
maintindihan nila ang kahulugan ng pagdiriwang sa pamamagitan ng
kanilang pananampalataya.
Pagbabasbas ng Anibersaryo ng Pag-iisang Dibdib 273

4. PANALANGIN NG BAYAN

Dadasalin ngayon ang panalangin ng bayan. Maaaring sundin ang


pormularyong ginagamit sa Misa o ang sumusunod na pormularyo:

Pari:
Ayon sa magandang balak ng kanyang pagkalinga,
binigyan ng Diyos, ang Makapangyarihang Ama, ng
natatanging kahulugan sa kasaysayan ng kaligtasan ang

PAGBABASBAS
pag-ibig, katapatan, at ang mga bunga nito ng mag-
asawa. Halina’t dumulog tayo sa kanya, at sabihin natin:
Bayan:
Panginoon, patatagin mong lalo ang katapatan ng iyong
mga lingkod sa isa’t isa.
o kaya:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Namumuno:
Ama, ang lubusang banal at matapat na Diyos, hinihiling
mo ang katapatan sa iyong tipan, at iyong pagkalooban
ng iyong pagpapala ang iyong mga lingkod na ngayo’y
nagdiriwang ng ika-N. anibersaryo ng kanilang kasal.
Manalangin tayo. Tugon.
274 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Namumuno:
Ika’y walang hanggang namumuhay kasama ang Anak
at Espiritu Santo sa iisang buhay at pakikipagkaisa sa
pag-ibig; maging maalalahanin nawa ang iyong mga
lingkod sa tipan ng pag-ibig na ipinangako nila sa
isa’t isa sa pamamagitan ng sakramento ng pag-iisang-
dibdib, at hindi nawa silang magkulang sa katapatan.
Manalangin tayo. Tugon.
Namumuno:
Sa iyong paglingap, niloob mong maging daan ang lahat
na tunay na karanasan ng tao upang maakay ang
mananampalatayang makibahagi sa misteryo ni Kristo;
pagkalooban mo ng katiwasayan ng loob ang iyong mga
lingkod sa panahon ng kahirapa’t ligaya, at ng
pagnanasamg maging malapit kay Kristo, at sa kanya
lamang umaasa. Manalangin tayo. Tugon.
Namumuno:
Kalooban mo Panginoon na ang buhay mag-asawa’y
maging saksi sa turo ng Kristiyanong pamumuhay.
Ipagkaloob mong maging saksi nawa ang lahat ng mag-
asawa sa mga kahanga-hangang pag-ibig ng iyong Anak.
Manalangin tayo. Tugon.
Dadasalin agad ang sumusunod o ibang angkop na panalangin:
Pagbabasbas ng Anibersaryo ng Pag-iisang Dibdib 275

Pari:
Diyos Ama, sa iyong kagandahang loob nakasalalay ang
buhay-pamilya. Sa iyong awa, tanggapin mo ang mga
panalangin ng iyong mga lingkod. Maranasan nawa nila
ang galak ng iyong tahanan sa kanilang pagtulad sa buhay
ng Banal na Pamilya, at sama-sama nawa silang
magpupuri sa iyo magpakailanman. Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Bayan:

PAGBABASBAS
Amen.

5. AMA NAMIN

Pari:
Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos kay
Hesukristo na ating Panginoon.
Bayan:
Ama Namin ...

6. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Pari:
Diyos na makapangyarihan at walang hanggan,
itinaas mo at binigyang dangal
276 PAGBABASBAS SA MGA TAO

ang buklod ng pag-iisang dibdib


at ginawang sakramento ng pagkakaisa
ng iyong Anak sa Simbahang kanyang kabiyak.
Pagkalooban mo ng biyaya sina N. at N.
na pinagbuklod mo sa pag-iisang dibdib.
Sila ay nangangailangan ng iyong tulong
at ng kalinga ng Birheng Maria.
Idinadalangin namin na sa hirap at ginhawa
ay manatili silang nagmamahalan sa isa’t isa.
Magkaisa sana ang kanilang mga puso
sa buklod ng kapayapaan.
Sa kanilang pagpupunyagi, maranasan nawa nila
ang galak ng iyong pagtulong.
Sa kanilang kagalakan matanto nawa nila
na ang lahat ay mula sa iyo
at ikaw ang kaganapan ng lahat.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan
ni Hesukristong aming Panginoon.

Bayan:
Amen.
Pagbabasbas ng Anibersaryo ng Pag-iisang Dibdib 277

7. PAGSASARIWA NG TIPAN NG PAG-IISANG DIBDIB

Lalaki:
N., tinitipan kita na maging aking asawa sa hirap at sa
ginhawa. Ikaw lamang ang aking iibigin at itatanging
karugtong ng buhay ngayon at magpakailanman.

Maybahay:
N., tinitipan kita na maging aking asawa sa hirap at sa

PAGBABASBAS
ginhawa. Ikaw lamang ang aking iibigin at itatanging
karugtong ng buhay ngayon at magpakailanman.

Pari:
Ang Diyos ng pag-asa ay harinawang
maging bukal ng galak sa inyong pananampalataya.
Ang kapayapaan ni Kristo ay maghari nawa sa inyo.
At mapuspos sana kayo ng pagpapala ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Pari:
At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama, at
Anak, + at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
278 PAGBABASBAS SA MGA TAO

IV. PAGBABASBAS NG AMA AT INA SA


PAGDALANG-TAO NG INA

Kapag ang pagdadalangtang-tao ng ina ay natiyak na, o sa anumang


panahon ng kanyang pagdadalang-tao, maaring gamitin ang ritung ito.
Mainam na kasama ang mag-anak sa pagdiriwang ng pagbabasbas na
ito. Hindi lamang ang inang nagdadalang-tao ang binabasbasan kundi
pati na rin ang ama sapagkat ang buhay na dinadala ng ina sa kanyang
sinapupunan ay galing din sa ama. Ang mamumuno ay maaring isang
pari, diyakono, laikong ministro, o isang kapamilya.

1. PASIMULA

Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.

Pari:
Sumainyo ang Panginoon.

Bayan:

At sumainyo rin.
Pagbabasbas ng Ama at Ina sa Pagdadalang-tao ng Ina 279

Kung walang pari o diakono:

Namumuno:
Purihin at ipagdangal ang ngalan ng Panginoon.

Bayan:
Ngayon at kailanman.

Sasabihin ng pari o namumuno sa Ama at Ina:

PAGBABASBAS
Pari:
N., at N., habang hinihintay ninyo ng may
pananampalataya, kayong mga kasangkapan ng pag-ibig
ng Diyos, ang pagsilang ng inyong anak, pakamahalin
ninyo ang buhay na ito na bunga ng inyong pagmamahal.

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Lucas 1:39-45 (o anumang angkop na pagbasa)

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Hindi nagtagal at si Maria’y nagmamadaling


pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda.
Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati siya ni Elisabet.
280 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria,


naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan.
Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet,
at buong galak na sinabi,
“Pinagpala ka sa mga babae,
at pinagpala rin ang dinadala mo
sa iyong sinapupunan!
Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?
Sapagkat pagkarinig ko sa iyong bati
ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan.
Mapalad ka sapagkat nanalig kang
matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG

Kung hinihingi ng pagkakataon, magbibigay ang ministro ng maikling


paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos sa mga dumalo, upang
maintindihan nila ang kahulugan ng pagdiriwang sa pamamagitan ng
kanilang pananampalataya.
Pagbabasbas ng Ama at Ina sa Pagdadalang-tao ng Ina 281

4. LITANYA

Dadasalin ngayon ang Litanya. Sisimulan ito ng ministro at bibigkasin


ng isa sa mga dumalo ang mga kahilingan. Mula sa mga sumusunod
na mga kahilingan, maaaring piliin iyong mga pinakaangkop sa
pagdiriwang, o kaya’y maaaring lumikha ng ibang kahilingang
tumutukoy sa natatanging sitwasyon.

Pari:
Ang Panginoong Hesukristo, ang pinagpalang bunga ng

PAGBABASBAS
sinapupunan ni Maria, sa pamamagitan ng misteryo ng
kanyang pagkakatawang-tao, ay nagkaloob ng kanyang
biyaya’t kabutihan sa sanlibutan. Kaya, halina’t itaas
natin ang ating mga tinig upang purihin siya, at sabihin
natin:
Bayan:
Kapuri-puri ka, O Panginoon, dahil sa iyong
kagandahang-loob.

Namumuno:
Panginoong Hesukristo, binasbasan mo ang pag-ibig ng
mag-asawa sa pamamagitan ng sakramento ng pag-iisang-
dibdib. Manalangin tayo. Tugon.
282 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Namumuno:
Panginoong Hesukristo, nagkatawang-tao ka upang
kami’y magkamit ng panibagong buhay bilang mga anak
ng Diyos. Manalangin tayo. Tugon.
Namumuno:
Panginoong Hesukristo, ginawa mong huwaran sina
Maria at Jose kina N. at N., upang sila’y magiging
mapagmahal na mga magulang. Manalangin tayo. Tugon.
Namumuno:
Panginoong Hesukristo, sa pamamagitan ng misteryo
ng mga magulang, ipinagalak mo ang Simbahan dahil
pinayaman mo ito ng mga bagong supling. Manalangin
tayo. Tugon.

5. AMA NAMIN

Pari:
Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos kay
Hesukristo na ating Panginoon.

Bayan:
Ama Namin ...
Pagbabasbas ng Ama at Ina sa Pagdadalang-tao ng Ina 283

6. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Pari:
Mapagmahal na Ama,
nang winika mo ang iyong Salita,
nalikha ang mag-anak na tao.
Nang ang iyong Anak ay ipinaglihi sa pag-ibig,
nanumbalik sa iyong pakikipag-ibigan ang tao.
Dinggin mo ang panalangin nina N. at N.,

PAGBABASBAS
na naghihintay sa pagsilang sa kanilang sanggol.
Kung sila ay may pangamba,
pawiin mo ang kanilang pagkabahala.
Matyagan mo sila at tulungan
hanggang mailuwal ang kanilang sanggol
sa daigdig na ito na may mabuting kalusugan
at ligtas sa anumang kapahamakan.
Bilang kapamilya mo,
sila ay magpupuri sa iyo at luluwalhatiin ka
sa pamamagitan ng iyong Anak,
ang aming Panginoong Hesukristo,
ngayon at magpakailanman.
Bayan:
Amen.
284 PAGBABASBAS SA MGA TAO

7. PAGHAYO

Pari:
Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:
At sumaiyo rin.

Pari:
Pagpalain nawa kayo ng Diyos
na nagpatupad sa ating kaligtasan
sa pamamagitan ng pagiging ina
ng Mahal na Birheng Maria
at sa pagkalinga ni San Jose.
Panatilihin nawa niya kayo sa kanyang pagkandili,
ngayon magpakailaman.
Bayan:
Amen.

Pari:
At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama, at
Anak, + at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
Pagbabasbas ng Ama at Ina sa Pagdadalang-tao ng Ina 285

Kung walang pari o diyakono:

Ang lahat ay mag-aantanda ng krus sa pagwawakas ng Namumuno.

Namumuno:

Pagpalain nawa tayo ng Diyos


na nagpatupad sa ating kaligtasan
sa pamamagitan ng pagiging ina
ng Mahal na Birheng Maria

PAGBABASBAS
at sa pagkalinga ni San Jose.
Panatilihin nawa tayo sa kanyang pagkandili,
ngayon at magpakailanman.

Maaring awitin o dasalin ng lahat ang “Aba Ginoong Maria”.


286 PAGBABASBAS SA MGA TAO

V. PAGBABASBAS SA INANG NAGDADALANG-TAO

1. PASIMULA
Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Pari:
Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo,
ang pag-ibig ng Diyos at ang liwanag ng Espiritu Santo
ay sumainyong lahat.
Bayan:
At sumaiyo rin.

Pari:
Mga kapatid, purihin ang Panginoong Hesukristo na sa
sinapupunan ng Mahal na Birhen ay natulad sa atin. Ang
Panginoon na may likha ng buhay ay siyang nag-aalaga
sa ating lahat, lalong lalo na sa mga sumisilang buhat sa
mag-anak na tumanggap ng sakramento ng matrimonio,
sapagkat sila’y babahaginan ng buhay ng Diyos sa bisa
ng binyag.
Pagbabasbas ng Inang Nagdadalang-tao 287

2. PAGBASA
1 Sam 1: 19-21

Pagbasa mula sa unang sulat ni Samuel

Kinabukasan, maagang-maaga silang sumamba kay


Yahweh at umuwi sa Rama pagkatapos. Sinipingan ni
Elcana si Ana at dininig ng Panginoon ang dalangin nito.
Naglihi siya at dumating ang araw na siya’y nagsilang ng

PAGBABASBAS
isang sanggol na lalaki. Samuel ang ipinangalan niya rito
sapagkat ang sabi niya, “Siya’y kaloob sa akin ni
Yahweh.”

Pagkalipas ng isang taon si Elcana at ang kanyang


sambahayan ay muling nagpunta sa Silo upang sumamba
sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:
Salamat sa Diyos.
288 PAGBABASBAS SA MGA TAO

B. SALMO 33
Bayan:
Laganap sa lupa ang kabutihan ng Panginoon.

Namumuno:
Mapalad ang bansang
ang kanyang Diyos ay ang Panginoon,
ang bayang pinili niya
upang maging sarili niyang pamana. Tugon.
Namumuno:
Ang aming kaluluwa ay naghihintay
sa Panginoon na siyang saklolo namin at kalasag,
sapagkat sa kanya’y nagagalak ang aming puso.
Sa kanyang ngalan ay nananalig kami. Tugon.
Namumuno:
Sumasaamin nawa, O Panginoon,
ang iyong habag yayamang umaasa kami sa iyo. Tugon.

4. AMA NAMIN

Pari:
Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos
kay Hesukristo na ating Panginoon.
Pagbabasbas ng Inang Nagdadalang-tao 289

Bayan:
Ama Namin ...

Pari:
O Panginoong Hesukrsisto, nagkatawang-tao ka sa
sinapupunan ni Maria, dinggin ang mga panalangin ng
iyong lingkod na si N. na nagdadalang-tao. Pagpalain
mo siya sa kanyang mga takot, hirap at ligalig, upang
maluluwalhating iluwal ang kanyang supling. Kasihan

PAGBABASBAS
mo siya ng iyong biyaya at lakas ng loob sa bisa ng mga
panalangin ni San Ramon Nonato at San Gerardo
Magela, mga pintakasi sa maluwalhating panganganak.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon.
Bayan:
Amen.

Pari:
At pagpalain ka nawa ng makapangyarihang Diyos Ama,
at Anak, + at Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
290 PAGBABASBAS SA MGA TAO

VI. PAGBABASBAS SA INA BAGO MAGSILANG

1. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Kung makatutulong sa sitwasyon, igagawad ng ministro, pari man o


diyakono, ang kanyang mga kamay sa ulo ng ina, o kaya kukurusan
niya ito sa noo, samantalang binibigkas niya ang panalangin ng
pagbabasbas. Bibigkasin ng ministrong layko ang panalangin
samantalang magkalakip ang kanyang mga kamay.

Pari:
Panginoong Diyos, tagapaglikha ng sangkatauhan,
sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo,
ang iyong Anak ay isinilang ng isang babae, upang
mabayaran niya ang matagal nang pagkakautang dala
ng kasalanan, at maligtas kami sa pamamagitan ng
kanyang pagtubos. Malugod mong tanggapin ang
panalangin ng iyong lingkod samantalang hinihiling niya
ang pagsilang ng isang malusog na sanggol.

Nawa’y itulot mong ligtas siyang magluluwal ng sanggol


na siyang magiging kabilang ng iyong angkan,
at maglilingkod sa iyo sa lahat ng bagay,
at magkamit ng buhay na walang hanggan.
Pagbabasbas sa Ina Bago Magsilang 291

Puspusin ka nawa ng banal na kagalakan


at, kaisa ng iyong anak, ay lingapin ng Diyos
na sa pamamagitan ng pagdadalang-tao
ng Mahal na Birheng Maria
ay nagbibigay galak sa sanlibutan
magpasawalang hanggan.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

PAGBABASBAS
Bayan:
Amen.

Pari:
At pagpalain ka nawa ng makapangyarihang Diyos Ama,
at Anak, + at Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
292 PAGBABASBAS SA MGA TAO

VII. PAGBABASBAS SA INA PAGKASILANG NG


SUPLING

1. PASIMULA
Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Pari:
Ang pamayanang Kristiyano ay nagagalak at bumabati
sa Inang ito na si N. na sa tulong ng Diyos ay nagluwal
ng isang sanggol, na sa madaling panahon ay tatanggap
ng binyag, bilang pakikibahagi sa buhay ng Diyos.
Sikaping tuparin ang mga tungkulin mo sa iyong anak at
sa bayan, upang siya’y maging mabuting mamamayan
at katoIiko. Magpasalamat tayo sa Diyos dahil sa kanyang
biyayang ito.

2. PAGBASA
1 Sam 1:20-28
Pagbasa mula sa unang sulat ni Samuel
Pagbabasbas sa Ina Pagkasilang ng Supling 293

Naglihi siya at dumating ang araw na siya’y nagsilang ng


isang sanggol na lalaki. Samuel ang ipinangalan niya rito
sapagkat ang sabi niya, “Siya’y kaloob sa akin ng
Panginoon.”

Pagkalipas ng isang taon si Elcana at ang kanyang


sambahayan ay muling nagpunta sa Silo upang sumamba
sa Panginoon. Sinabi ni Ana kay Elcana, “Hindi na muna
ako sasama sa inyo ngayon. Hihintayin ko nang maawat

PAGBABASBAS
si Samuel. Pagkaawat niya, ihahandog ko siya kay
Yahweh at sa templo na siya titira sa buong buhay niya.”

Sinabi ni Elcana, “Gawin mo kung ano ang inaakala mong


mabuti. Hintayin mo na siyang maawat at tulungan ka
nawa ni Yahweh upang matupad ang pangako mo sa
kanya.” Kaya naiwan si Ana at inalagaan ang kanyang
anak.

Nang maawat na si Samuel, dinala siya ng kanyang ina


sa Templo sa Silo. Nagdala pa siya ng isang torong tatlong
taon, tatlumpu’t anim na litrong harina at isang pitsel
na alak. Nang maihandog na ang baka, dinala nila kay
Eli ang bata. Sinabi ni Ana, “Kung natatandaan ninyo,
ako po yaong babaing tumayo sa tabi ninyo noon at
nanalangin sa Panginoon. Idinalangin ko sa kanya na
294 PAGBABASBAS SA MGA TAO

ako’y pagkalooban ng anak at ito po ang ibinigay sa


akin. Kaya naman po, inihandog ko siya sa Panginoon
upang maglingkod sa kanya habang buhay.”
Pagkatapos nito nagpuri sila sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.


Bayan:
Salamat sa Diyos.

3. SALMO 128

Bayan:
Ang iyong mga anak ay matutulad sa punong- olibo.

Namumuno:
Mapalad ka, ikaw na may takot sa Panginoon,
na tumatahak sa kanyang mga daan.
Sa dahilang kakain ka sa bunga ng iyong mga kamay;
ikaw ay magiging masaya at pagpapalain. Tugon.
Namumuno:
Ang iyong maybahay ay matutulad
sa isang mabungang punong-ubas sa loob ng iyong
tahanan.
Pagbabasbas sa Ina Pagkasilang ng Supling 295

Ang iyong mga anak, tulad ng mga punong-olibo


sa paligid ng iyong hapag. Tugon.
Namumuno:
Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion:
makita mo nawa ang kasaganaan ng Jerusalem
sa lahat ng araw ng iyong buhay;
nawa’y makita mo ang mga anak ng iyong mga anak.
Tugon.

PAGBABASBAS
4. PANALANGIN NG BAYAN

Dadasalin ngayon ang panalangin ng pasasalamat. Maaaring bigkasin


ng ministrong katuwang ang mga kahilingan ng bayan. Maaaring
gamitin ang mga sumusunod, o iangkop, o kaya’y maaaring lumikha
ng ibang kahilingang tumutukoy sa natatanging sitwasyon.

Pari:
Para sa bagong buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa
pamilyang ito, pasalamatan natin ang Diyos. Ang ating
itutugon:
Bayan:
Pinasasalamatan ka namin, O Panginoon.
296 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Namumuno:
Para sa sanggol na masayang tinanggap ng inang ito
mula sa iyong mga kamay. Tugon.
Namumuno:
Para sa handog mong kalusugan sa ina at sanggol na ito.
Tugon.
Namumuno:
Para sa sakramento ng binyag, nang dahil nito’y naging
templo ng kaluwalhatian mo ang puso ng kanyang
sanggol . Tugon.
Namumuno:
Para sa tuwa na nagbibigay ng kasiyahan sa puso naming
lahat dulot ng pagsilang nitong sanggol. Tugon.
Namumuno:
Para sa lahat ng biyayang patuloy mong ipinagkaloob
mo sa amin mula sa iyong mapagkalingang pagmamahal.
Tugon.

Aawit o bibigkasin ng lahat ang papuring awit ni Maria, o kaya’y isang


imnong pasasalamat ang maaaring awitin.

5. AMA NAMIN
Pari:
Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos kay
Hesukristo na ating Panginoon.
Pagbabasbas sa Ina Pagkasilang ng Supling 297

Bayan:
Ama Namin ...

Pari:
O Panginoong Diyos, may likha at namamahala ng
buhay ng tao, bendisyonan mo + ang babaeng ito na
tumanggap ng kagalakan at karangalan na naging ina.
Tanggapin mo ang aming pasasalamat at dinggin ang
aming mga panalangin. Ipagtanggol ang inang ito sampu

PAGBABASBAS
ng kanyang supling sa lahat ng masama at sakuna.
Patnubayan sila sa kanilang buhay sa araw-araw at
nawa’y maging huwaran sila sa angkan at lipunan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon.
Bayan:
Amen.
o kaya:
Pari:
Pagpalain ka nawa at kaisa ng iyong anak
at paligayahin ng makapangyarihang Diyos
na sa pamamagitan ng pagsilang
ng kanyang Anak sa piling natin
ay nagpagindapat na magalak ang daigdig
298 PAGBABASBAS SA MGA TAO
Pagbabasbas sa mga Magulang Pagkatapos Makunan ang Ina 299

VIII. ANG PAGBABASBAS SA MGA MAGULANG


PAGKATAPOS MAKUNAN ANG INA

Sa panahon ng kamatayan at pagdadalamhati, lumalapit sa


Panginoon ang isang Kristiyano upang mabiyayaan siya ng
kapanatagan ng loob at lakas. Ito’y totoong-totoo kapag namatay
ang bata bago pa ipinanganak.
Kailangang alisto ang ministro sa pangangailangan ng mga magulang
at ng mga kamag-anak, at para dito, makatutulong ang pambungad

PAGBABASBAS
ng aklat, Ang Paglilibing, Pangalawang Bahagi II: Ang Paglilibing ng
Yumaong Bata.
Ang mga ritu na ito ay maaaring gamitin ng pari o diyakono, at ng
layko rin, na siyang gagamit lamang ng mga ritu’t mga panalanging
nakatalaga para sa ministrong layko.

ANG RITU NG PAGBABASBAS


1. PASIMULA
Kapag natipon na ang sambayanan, maaaring umawit ng isang angkop
na awit.
Pari:

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Bayan:
Amen.
300 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Babatiin ng ministro, pari man o diyakono, ang mga taong dumalo


sa pamamagitan ng sumusunod na pangungusap o anumang mga
salitang angkop na hango sa Banal na Kasulatan:
Pari:
Ang Amang maunawain at mahabaging Diyos ng tanan,
nawa’y sumainyong lahat.
Bayan:

At sumaiyo rin.

Babatiin ng ministrong layko ang mga dumalo sa pamamagitan ng


sumusunod na pangungusap:

Namumuno:
Purihin natin ang Amang maawain
at mahabaging Diyos ng tanan.
Kapuri-puri ang Diyos ng tanan.
Kapuri-puri ang Diyos magpakailanman.
Bayan:
Kapuri-puri ang Diyos magpakailanman.

Sa pamamagitan ng sumusunod na mga pangungusap, o anumang


katumbas nito, ihahanda ng ministro ang lahat ng dumalo para sa
pagbabasbas:
Pagbabasbas sa mga Magulang Pagkatapos Makunan ang Ina 301

Pari:
Sa mga taong nananalig sa Diyos, sa panahon ng
pagdadalamhati, may kaginhawahan, sa oras ng kawalan
ng pag-asa, may kapanatagan, sa gitna ng kamatayan,
ay may buhay. N. at N., habang nagdadalamhati tayo sa
pagkamatay ng inyong anak, ipaubaya natin ang ating
buhay sa kamay ng Panginoon at hilingin natin ang
kanyang lakas, paghilom at pag-ibig.

PAGBABASBAS
2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Babasahin ng isa sa mga dumalo o ng ministro ang isang teksto na


hango sa Banal na Kasulatan.

Mga Panaghoy: 3:17-26

Pagbasa musa sa Aklat ng mga Panaghoy


Sa akin ay wala na ni bakas ng kalusugan, katiwasayan
ay kaligayahan. Kaya’t sinasabi ko, “nawala na ang aking
paghihirap at kabiguan, lagi ko itong naaalaala, at ako’y
labis ba napipighati. Gayunma’y nanunumbalik ang ating
pag-asa pag naalaala ko ito: ang hindi nagmamaliw ng
pag-ibig ng Panginoon, at ang kanyang walang kupas na
kahabagan. Hindi nagbabago tulad ng bukang-liwayway
dakila ang kanyang katapatan. Ang Panginoon ay akin,
302 PAGBABASBAS SA MGA TAO

sa kanya ako ay magtitiwala. Ang Panginoon ay mabuti


sa mga nagtitiwala sa kanya, pinakamabuting magagawa
ng tao ay buong tiyagang maghintay sa pagliligtas ng
Panginoon.

Ang Salita ng Diyos


Bayan:
Salamat sa Diyos.
o kaya:
Isaias 49:8-13 – Sa araw ng Pagliligtas sa iyo ay lilingapin kita, at
tutugunin ang paghingi mo ng saklolo.

Mga Taga-Roma 8:18-27 – Sa pag-asa, tayo’y naligtas.

Mga Taga-Roma 8:26-31 – kung ang Diyos ay panig sa atin, sino


ang laban sa atin?

Mga Taga-Colosas 1:9-12 – Patuloy namin idinadalangin kayo.

Mga Hebreo 5:7-10 – Lumuluhog si Kristo para sa atin0

Lucas 22:39-46 – ang paghihirap ni Hesus sa Bundok ng Olibo.

Kung hinihingi ng pagkakataon, isa sa mga salmo responsoryo ang


maaaring awitin o basahin, o anumang angkop na awit.
Pagbabasbas sa mga Magulang Pagkatapos Makunan ang Ina 303

Bayan:
Sa iyo, O Panginoon iniaalay ko ang aking kaluluwa.
Awit 25
Awit 143:1, 5-6, 8, 10
Bayan:
Dinggin mo ang aking panalangin, O Panginoon.

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG

PAGBABASBAS
Kung hinihingi ng pagkakataon, magbibigay ang ministro ng maikling
paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos sa mga dumalo, upang
maintindihan nila ang kahulugan ng pagdiriwang sa pamamagitan ng
kanilang pananampalataya.

4. PANALANGIN NG BAYAN

Dadasalin ngayon ang panalangin ng bayan. Sisimulan ito ng ministro


at bibigkasin ng ministrong katuwang ang mga kahilingan ng bayan.
Mula sa mga sumusunod na mga kahilingan, maaaring piliin iyong
mga pinakaangkop sa pagdiriwang o kaya’y maaaring lumikha ng ibang
kahilingan na tumutukoy sa natatanging sitwasyon.

Pari:
Manalangin tayo sa Panginoon, na sa mula’t mula pa’y
tumutugon na sa pagluhog ng mga magulang.
304 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Namumuno:
Para kina N. at N., na dumaranas ng sakit ng
pagdadalamhati, nawa’y aliwin sila ng Panginoon.
Manalangin tayo. Tugon.
Namumuno:
Para sa pamilyang ito, nawa’y maranasan nila ang bagong
pag-asa sa gitna ng kapighatian. Manalangin tayo. Tugon.
Namumuno:
Para sa mga magulang na ito, nawa’y matutunan nila
mula sa halimbawa ng buhay ni Maria, ang nagdalamhati
sa pagkamatay ng kanyang anak sa krus. Manalangin
tayo. Tugon.
Namumuno:
Para sa lahat ng nagdurusa sa pagkawala ng kanilang
anak, nawa’y si Kristo ang kanilang sandigan sa buhay.
Manalangin tayo. Tugon.

4. AMA NAMIN

Pagkatapos ng panalangin ng bayan, sa pamamagitan ng sumusunod


na pangungusap, o anumang katumbas nito, anyayahan ng ministro
ang lahat upang umawit o manalangin ng Ama Namin.
Pagbabasbas sa mga Magulang Pagkatapos Makunan ang Ina 305

Pari:
Manalangin tayo sa Diyos na mahabagin at bukal na
pag-asa, sa pamamagitan ng dasal na itinuro sa atin ng
ating Panginoong Hesukristo:
Bayan:
Ama Namin …

5. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

PAGBABASBAS
Bibigkasin ng ministro, pari man o diyakono, ang panalangin ng
pagbabasbas samantalang nakaunat ang kanyang mga kamay.
Bibigkasin ng ministrong layko ang panalanging ito samantalang
magkalakip ang kanyang mga kamay.

Pari:
Diyos na mahabagin dulutan mo sina N. at N. ng lakas
ng loob at sa pamamagitan ng mga panalangin ni Maria,
ang nagdalamhati sa paanan ng krus ng kanyang Anak,
patatagin mo nawa ang kanilang pananampalataya,
bigyang pag-asa ang kanilang puso, at pagkalooban ng
kapayapaan ang kanilang buhay.
306 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Hinihiling namin ang iyong awa sa pamilyang ito, sila sa


pag-asang balang araw lahat kami’y mabubuhay kapiling
mo, kasama ang iyong Anak at ang Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

o kaya:

Pari:
Ama ng sangnilikha pinupuri’t pinasasalamatan ka namin
dahil sa mapagmahal mong pagkalinga. Tanggapin mo
ang buhay na iyong nilikha sa pag-ibig, at aliwin mo ang
iyong sambayanan sa oras ng kanilang pagdadalamhati
sa pagtitiwala na sa iyong kaawaa’y hindi mo kami
mabibigo.
Bayan:
Amen.

6. PANGWAKAS
Wawakasan ng ministro ang pagdiriwang sa pamamagitan ng
pagbigkas ng sumusunod:
Pagbabasbas sa mga Magulang Pagkatapos Makunan ang Ina 307

Pari:
Manahan nawa sa inyo ang Diyos sa panahon ng iyong
kalungkutan, at bigyan kayo ng liwanag at kapayapaan.
Bayan:
Amen.

Pari:
Ibangon nawa kayo ng Diyos sa inyong dalamhati.

PAGBABASBAS
Bayan:
Amen.

Pari:
Pagkalooban nawa kayo ng Diyos ng tibay ng loob at
lakas upang matanggap ninyo ang kanyang kalooban.
Bayan:
Amen.

Pari:
At pagpalain nawa kayong lahat ng Makapangyarihang
Diyos Ama, at Anak, + at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
308 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Wawakasan ng ministrong layko ang pagdiriwang sa pamamagitan


ng pagkukrus ng kanyang sarili at sa pagbigkas ng sumusunod:

Pagkalooban nawa tayo ng Diyos ng kapayapaan sa oras


ng ating kapighatian, tibay ng loob sa panahon ng ating
kalungkutan, at tunay na lakas upang matanggap natin
ang kanyang kalooban sa lahat ng pangyayari sa buhay.

Bayan:
Amen.

Mainam kung matatapos ang pagdiriwang sa isang angkop na awit.

MAIKLING ANYO NG RITU

Magkukrus ang lahat samantalang bibigkasin ng ministro ang


sumusunod:

Ang tumutulong sa atin ay ang Panginoon.

Bayan:
Na may gawa ng langit at lupa.

Bibigkasin ng isa sa mga dumalo o ng ministro ang teksto na mula sa


Banal na Kasulatan, halimbawa:
Pagbabasbas sa mga Magulang Pagkatapos Makunan ang Ina 309

Panaghoy: 3:17-26

Sa akin ay wala na ni bakas ng kalusugan, katiwasayan


at kaligayahan. Kaya’t sinasabi ko, “Nawala na ang aking
lakas, at ang aking pag-asa sa Panginoon.” Simpait ng
apdo ang alalahanin sa aking paghihirap at kabiguan,
lagi ko itong naaalaala, at ako’y labis na napipighati.
Gayunma’y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag
naalaala ko ito: ang hindi nagmamaliw na pag-ibig ng

PAGBABASBAS
Panginoon, at ang kanyang walang kupas na kahabagan.
Hindi nagbabago tulad ng bukang-liwayway dakila ang
kanyang Katapatan. Ang Panginoon ay akin, sa kanya
ako ay magtitiwala. Si Yahweh ay mabuti sa mga
nagtitiwala sa kanya, pinakamabuting magagawa ng tao
ay buong tiyagang maghintay sa pagliligtas ng Panginoon.

o kaya:
Mga Taga-Roma 8:26-31 – Kung ang Diyos panig sa atin, sino
ang laban sa atin?
Mga Taga-Colosas 1:9-12 – walang tigil naming kayong
idinadalangin sa Diyos.

PANALANGIN NG PAGBABASBAS
310 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Bibigkasin ng ministro, pari man o diyakono, ang panalangin ng


pagbabasbas samantalang nakaunat ang kanyang mga kamay.
Bibigkasin ng ministrong layko ang panalanging ito samantalang
magkalakip ang kanyang mga kamay.

Pari:
Diyos na mahabagin dulutan mo snla N. at N. ng lakas
ng loob at sa pamamagitan ng mga panalangin ni Maria,
ang nagdalamhati sa paanan ng krus ng kanyang Anak,
patatagin mo nawa ang kanilang pananampalataya,
bigyang pag-asa ang kanilang puso, at pagkalooban ng
kapayapaan ang kanilang buhay.

Hinihiling namin ang iyong awa sa pamilyang ito, sila sa


pag-asang balang araw lahat kami’y mamumuhay
kapiling mo, kasama ang iyong Anak at ang Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.

o kaya:
Pari:
Ama ng sangnilikha pinupuri’t pinasasalamatan ka
namin dahil sa mapagmahal mong pagkalinga.
Pagbabasbas sa mga Magulang Pagkatapos Makunan ang Ina 311

Tanggapin mo ang buhay na iyong nilikha sa pag-ibig, at


aliwin mo ang iyong sambayanan sa oras ng kanilang
pagdadalamhati sa pagtitiwala na sa iyong kaawaa’y hindi
mo kami mabibigo.
Bayan:
Amen.

PANGWAKAS

PAGBABASBAS
Wawakasan ng ministro ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbigkas
ng sumusunod:

Pari:
Manahan nawa sa inyo ang Diyos sa panahon ng iyong
kalungkutan, at bigyan kayo ng liwanag at kapayapaan.

Bayan:
Amen.

Pari:
Ibangon nawa kayo ng Diyos sa inyong dalamhati.
Bayan:
Amen.
312 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Pari:
Pagkalooban nawa kayo ng Diyos ng tibay ng loob at
lakas upang matanggap ninyo ang kanyang kalooban.
Bayan:
Amen.

Pari:
At pagpalain nawa kayong lahat ng Makapangyarihang
Diyos Ama, at Anak, + at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Wawakasan ng ministrong layko ang pagdiriwang sa pamamagitan


ng pagkukrus ng kanyang sarili at sa pagbigkas ng sumusunod:

Pagkalooban nawa tayo ng Diyos ng kapayapaan sa oras


ng ating kapighatian, tibay ng loob sa panahon ng ating
kalungkutan, at tunay na lakas upang matanggap natin
ang kanyang kalooban sa lahat ng pangyayari sa buhay.

Bayan:
Amen.

Mainam kung matatapos ang pagdiriwang sa isang angkop na awit.


Pagbabasbas sa mga Magulang Pagkatapos Makunan ang Ina 313

PAGBABASBAS
314 PAGBABASBAS SA MGA TAO

IX. ANG MGA PAGBABASBAS SA MGA BATA

Maraming pastoral na pagkakataon upang magpasalamat sa Diyos at


manalangin para sa mga batang nabinyagan na: halimbawa, kung
humihiling ng pagbabasbas ang mga magulang kung may mga espesyal
na pagdiriwang para sa mga bata, o kung simula ng bagong taong
pasukan sa eskuwela. Ang pagdiriwang ng pagbabasbas ay kailangang
ibagay sa mga sitwasyon.

Ang mga kasalukuyang ritu ay maaaring gamitin ng pari o diyakono.


Maaari ring gamitin ito ng layko, lalung-lalo ng katekista o ng taong
namamahala sa edukasyon ng mga bata, na siyang gagamit lamang ng
mga ritu’t mga panalanging nakatalaga para sa ministrong layko.

Habang pinananatili ang pagsunod sa balangkas at sa mga


pinakamahalagang bahagi ng ritu, kailangang ibagay ng ministro ang
pagdiriwang sa mga pangangailangan ng mga pamilya at mga batang
dumalo.

Kapag ang pagbabasbas ay para sa isang bata lamang, ibabagay ng


ministro ang teksto, o kaya’y kapag higit na naaangkop, gagamitin
ang maiksing pormularyo.

1. Ang Pagbabasbas ng mga Batang Nabinyagan Na

a. PASIMULA
Pagbabasbas sa mga Bata (Nabinyagan na) 315

Kapag natipon na ang sambayanan, maaaring awitin ang Salmo 113


o anumang angkop na awit. Pagkatapos ng awit, sasabihin ng
ministro:

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Magkukrus ang lahat at tutugon:


Amen.

PAGBABASBAS
Babatiin ng ministro, pari man o diyakono, ang mga taong dumalo sa
pamamagitan ng sumusunod na pangungusap o anumang mga salitang
angkop na hango sa Banal na Kasulatan:

Pari:
Ang biyaya’t kapayapaan ng ating Diyos Ama at ng Anak
niyang si Hesukristo, ang kumalinga’t nagmahal sa mga
bata, nawa’y sumainyong lahat.
Bayan:
At sumaiyo din.

Babatiin ng ministrong layko ang mga dumalo sa pamamagitan ng


sumusunod na pangungusap:
316 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Mga kapatid, purihi’t pasalamatan natin ang Panginoon,


ang kumalong at nagbasbas sa mga bata. Purihin ang
Diyos ngayon at magpakailanman.
Bayan:
Purihin ang Diyos ngayon at kailanman.
o kaya:
Amen.

Sa pamamagitan ng sumusunod na pangungusap o anumang katumbas


nito, ihahanda ng ministro ang lahat ng dumalo para sa pagbabasbas.

Noong pumarito sa lupa ang ating Panginoon, ang Anak


ng Diyos ay naging bata at lumago sa karunungan, gulang
at kabutihan sa mata ng Diyos at sa lahat ng nakakilala
sa kanya. Tinanggap ni Hesus ang mga bata,
pinahalagahan ang kanilang dangal, at itinuring na
huwaran para sa lahat na naghahanap ng kaharian ng
Diyos.

Ngunit nangangailangan ng tulong ng mga matatanda


ang mga bata kung nais nilang lumago sa kani-kanilang
talino, pag-iisip, galing at kakayahan upang matamo nila
ang makatao’t maka-Kristiyanong pamumuhay.
Pagbabasbas sa mga Bata (Nabinyagan na) 317

Kaya, halina’t hilingin natin ang tulong ng Panginoon


upang mailaan natin ang ating sarili sa maka-
Kristiyanong paghubog sa mga batang ito (sa batang
ito) at upang malaya nilang (niyang) tanggapin ang
kinakailangan nilang (niyang) tulong.

b. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

PAGBABASBAS
Babasahin ng isa sa mga dumalo o ng ministro ang isang teksto na
hango sa Banal na Kasulatan.
Marcos: 10.13-16

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San


Marcos
May nagdala ng mga bata kay Hesus upang hilinging
ipatong niya sa mga ito ng kanyang kamay; ngunit
pinagwikaan sila ng mga alagad. Nagalit si Hesus ng
Makita ito, at sinabi sa kanila, “Pabayaan ninyong
lumapit sa akin ang mga bata, huwag ninyo silang
sawayin, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang
Diyos. Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi
tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit
na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian
318 PAGBABASBAS SA MGA TAO

ng Diyos. At kinalong ni Hesus ang mga bata, ipinatong


ang kanyang mga kamay sa kanila at pinagpala sila.

o kaya:

Mateo: 18.1-5,10

Nang.sandaling iyo’y lumapit kay Hesus ang mga alagad


at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng
langit?’ Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa
harapan nila, at sinabi, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi
kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo
mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang
sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa
akin ay ako ang tinatanggap.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon


Bayan:
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

o kaya:
Mateo 19:13-15 – Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga
bata.
Pagbabasbas sa mga Bata (Nabinyagan na) 319

Mateo 21:14-26 – Mula sa mga bibig ng mga sanggol at mga


pasusuhin ay pinapamutawi mo ang wagas na papuri.

Lucas 2:46-52 – Patuloy na umunlad sa karunungan, galang at


kabutihan.

c. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG

Kung hinihingi ng pagkakataon, magbibigay ang ministro ng maikling

PAGBABASBAS
paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos sa mga dumalo, upang
maintindihan nila ang kahulugan ng pagdiriwang sa pamamagitan ng
kanilang pananampalataya. Ang paliwanag ay kailangang maiksi
lamang at kayang maunawaan ng mga bata (ng bata), ngunit
makatutulong din para sa mga may gulang na.

Pagkatapos ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos o ng paliwanag,


maaaring umawit ng salmo, imno, o anumang awit na alam ng mga
bata (ng bata).

Bayan:
Tayo’y kanyang sambayanan: ang kordero ng kanyang
kawan.

Salmo 100 o Awit 150:1-2, 3-4, 5


320 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Bayan:
Purihin ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang!

d. PANALANGIN NG BAYAN

Dadasalin ngayon ang panalangin ng bayan. Sisimulan ito ng


ministro at bibigkasin ng ministrong katuwang ang kahilingan ng
bayan. Mula sa mga sumusunod na mga kahilingan, maaaring piliin
iyong mga pinakaangkop sa pagdiriwang, o kaya’y maaaring lumikha
ng ibang kahilingang tumutukoy sa natatanging sitwasyon.

Dalawang pormularyo ang makikita rito, ang pangalawa’y isang


modelong nangangailangan ng tugon mula sa mga bata o kaya’y
maaaring dagdagan ng sariling kahilingan.

Unang pormularyo
Pari:
Ipinahayag ng Panginoong Hesus sa lahat ng kanyang
tagapagsunod ang kapayakan ng buhay at pananalig ng
mga bata bilang batayan upang makapasok sa kaharian
ng Diyos. Kaya, halina’t dumulog tayo kay Hesus, at
sasabihin natin:
Pagbabasbas sa mga Bata (Nabinyagan na) 321

Bayan:
Panginoon, tulungan mo kami na sa mga batang ito ikaw
ang aming paglingkuran.
o kaya:
Bayan:
Panginoon, pakinggan mo ang aming panalangin.
Namumuno:
Panginoong Hesus, isinilang ka ng Mahal na Birhen,
pinapabanal mo ang pagiging bata. Itulot mong umunlad

PAGBABASBAS
nawa sa karunungan, gulang at kabatiran ito. Manalangin
tayo. Tugon.
Namumuno:
Sa pamamagitan ng kanilang (kanyang) mga magulang
at ng Simbahan ipinadama mo sa mga batang ito ang
inyong maalab na pag-ibig; itulot mong hindi magsawang
mag-alaga ang mga taong pinagkatiwalaang kumalinga
sa (batang) mga batang ito. Manalangin tayo. Tugon.
Namumuno:
Sa binyag, binigyan mo kaming lahat ng panibagong-
buhay sa pagkabata, at binuksan mo para sa amin ang
mga pinto ng tahanan ng iyong Ama; itulot mong
susunod kami, ang mga tapat mong lingkod, kahit saan
mo man kami dalhin. Manalangin tayo. Tugon.
322 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Namumuno:
Kahit noong bata ka pa, kailangan mo nang dumanas ng
paghihirap at pag-uusig; itulot mong makakita ng tulong
at pagkalinga ang lahat ng mga batang biktima ng
kasamaan sa kasalukuyang panahon. Manalangin tayo.
Tugon.

Ikalawang pormularyo
Sasabihin ng ministro:
Panginoong Hesus. Tinanggap at binasbasan mo ang
mga batang maliliit; magiliw mo nawang dinggin ang
aming pagsamo sa iyo.

Bayan:
Panginoon, tulungan mo kami na sa mga batang ito ikaw
ang aming paglingkuran.

o kaya:

Bayan:
Panginoong, pakinggan mo ang aming panalangin.

Namumuno:
Ipagsanggalang mo kami sa lahat ng kapahamakan.
Tugon.
Pagbabasbas sa mga Bata (Nabinyagan na) 323

Namumuno:
Kalingain mo ang aming buhay at gabayan ang aming
paghubog. Tugon.
Namumuno:
Lumaki nawa kami sa karunungan, gulang, at kabutihan
sa harap ng Diyos at ng aming kapwa. Tugon.
Namumuno:
Tulungan mo nawa ang lahat ng mga bata sa
kasalukuyang panahon. Tugon.

PAGBABASBAS
Namumuno:
Magpasalamat nawa kami sa mga handog na
ipinagkaloob mo sa amin. Tugon.

d. PANALANGIN SA PAGBABASBAS

Bibigkasin ng ministro, pari man o diyakono, ang panalangin ng


pagbabasbas samantalang nakaunat ang kanyang mga kamay.
Bibigkasin ng ministrong layko ang panalangin ito samantalang
magkalakip ang kanyang mga kamay.

Pari:
Panginoon naming Diyos, mula sa pananalita ng mga
bata ay lumikha ka ng awiting papuri. Kaawaan mo ang
(batang) mga batang ito, ang mga ipinagkatiwala sa
324 PAGBABASBAS SA MGA TAO

mapagmahal mong pagkalinga sa Simbahan. Ang Anak


mong isinilang ng Mahal na Birhen ay malugod na
tumanggap ng mga batang maliliit.
Niyakap niya ang mga ito, binasbasan, kinalong, at
ginawang huwaran para sa lahat.

Dumudulog kami sa iyo Ama, na pagkalooban mo sila


(siya) ng biyaya upang lumago sila (siya) sa Kristiyanong
Pamumuhay, at sa kapangyarihan ng Espiritu Santo,
maging saksi dito sa lupa sa pamamagitan ng pagpa-
palaganap at pagtatanggol ng kanilang pananam-
palataya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.

Bayan:
Amen.

Bibigkasin ng ministrong layko ang panalangin ng pagbabasbas


samantalang magkakalakip ang kanyang mga kamay.

Panginoong Hesukristo, minahal mo nang lubusan ang


mga bata, kaya sinabi mo: “Ang sinumang tumanggap
ng bata ay tumanggap na rin sa akin.” Dinggin mo ang
Pagbabasbas sa mga Bata (Nabinyagan na) 325

aming panalangin, at sa pamamagitan ng iyong walang-


sawang pagkalinga, ipagsanggalang mo ang mga batang
ito (ang batang ito) na pinagpala mo sa pamamagitan ng
sakramento ng binyag. Kapag lumaki na sila sa kanilang
pagkatao, itulot mong manalig sila (siya) sa iyong ngalan,
(buhat sa kanilang malayang pananam-palataya)
magmahal nang lubusan sa kapwa, at manatiling tapat
sa iyo samantalang umaasang makamit ang iyong

PAGBABASBAS
kaharian ikaw na nabubuhay at naghahari ngayon at
magpakailanman. Amen.

Pagkatapos ng panalanging ng pagbabasbas, maaaring wisikan ng


ministro ng agwa bendita ang mga bata (ang bata) at, kung hinihingi
ng pagkakataon, sasabihin ang sumusunod:

Ang tubig na ito nawa’y magpaalaala ng ating binyag


kay Kristo, ang tumubos sa atin sa pamamagitan ng
kanyang kamatayan at muling pagkabuhay.

Bayan:
Amen.
326 PAGBABASBAS SA MGA TAO

e. PANGWAKAS NG BAHAGI

Wawakasan ng ministro, pari man o diyakono, ang pagdiriwang sa


pagsasabi ng sumusunod:
Pari:
Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Hesus, ang umibig
sa mga bata, at nawa’y panatilihin niya tayo sa kanyang
pag-ibig ngayon at magpakailanman.

Bayan:
Amen.

Wawakasan ng ministrong layko ang pagdiriwang sa pamamagitan ng


pagkukrus ng kanyang sarili at sa pagbibigkas ng sumusunod:

Namumuno:
Pagpalain nawa tayo ng Panginoong Hesus, ang umibig
sa mga bata, at nawa’y panatilihin niya tayo sa kanyang
pag-ibig ngayon at magpakailanman.
Bayan:
Amen.

Mainam kung magtatapos ang pagdiriwang sa isang angkop ng awit.


Pagbabasbas sa mga Bata (Hindi pa Nabibinyagan) 327

2. Ang Pagbabasbas ng Batang Hindi pa Nabinyagan

Ang pagtitipon (ng mag-anak) upang maghanda para sa darating na


binyag ay isang napapanahong pagkakataon upang basbasan ang
batang hindi pa nabinyagan sa pamamagitan ng pagdiriwang na
katulad ng mga pagbabasbas na iginagawad sa panahon ng paghahanda
sa binyag. Bahagi ng tungkuling pastoral ang pagpapaliwanag kung
bakit kinukrusan ng mga magulang o ng ministro ang bata. Ito’y
palatandaan na ang bata ay natatakan na ng tanda ng kaligtasan,
nakatalaga na siya sa Panginoong Diyos, at inihahanda para sa

PAGBABASBAS
pagtanggap ng sakramento ng binyag.

Ang kasalukuyang ritu ay maaaring gamitin ng pari o diyakono. Maaari


ring gamitin ito ng layko, lalung-lalo na ng katekista, na siyang gagamit
lamang ng mga ritu’t mga panalanging nakatalaga sa ministrong layko.

a. PASIMULA

Kapag natipon na ang pamilya, sasabihin ng ministro:

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Magkukrus ang lahat at tutugon:


Amen.
328 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Babatiin ng ministro, pari man o diyakono, ang bata at ang lahat ng


taong dumalo sa pamamagitan ng sumusunod na pangungusap o
anumang mga salitang angkop na hango sa Banal na Kasulatan.

Ang biyaya’t kapayapaan ng ating Diyos Ama at Anak


niyang si Hesukristo, ang kumalinga’t nagmahal sa mga
bata, nawa’y sumainyong lahat.

Tutugon ang lahat:


At sumaiyo rin.
o kaya:
Purihin ang Diyos ngayon at kailanman.

Babatiin ng ministrong layko ang mga dumalo sa pamamagitan ng


sumusunod na pangungusap.

Mga kapatid, purihi’t pasalamatan natin ang Panginoon,


ang kumalong at nagbasbas sa mga bata. Purihin ang
Diyos ngayon at magpakailanman.

Bayan:
Purihin ang Diyos ngayon at kailanman.
o kaya:
Amen.
Pagbabasbas sa mga Bata (Hindi pa Nabibinyagan) 329

Sa pamamagitan ng sumusunod na pangungusap o anumang


katumbas nito, ihahanda ng ministro ang lahat ng dumalo para sa
pagbabasbas.

Noong pumarito sa lupa ang ating Panginoon, ang Anak


ng Diyos ay naging bata at lumago sa karunungan, gulang
at kabutihan sa mata ng Diyos at sa lahat ng nakakilala
sa kanya. Tinanggap ni Hesus ang mga bata,
pinahalagahan ang kanilang dangal, at itinuring na

PAGBABASBAS
huwaran para sa lahat na naghahanap ng kaharian ng
Diyos.

Ngunit nangangailangan ng tulong ng mga matatanda


ang mga bata kung nais nilang lumago sa kani-kanilang
talino, pag-iisip, galing at kakayahan upang matamo nila
ang makatao’t maka-Kristiyanong pamumuhay.

Kaya, halina’t hilingin natin ang tulong ng Panginoon


upang mailaan natin ang ating sarili sa maka-Kristiyanong
paghubog sa mga batang ito (sa batang ito) at upang
malaya nilang (niyang) tanggapin ang kinakailangan
nilang (niyang) tulong.
330 PAGBABASBAS SA MGA TAO

b. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS.

Babasahin ng isa sa mga dumalo o ng ministro ang isang teksto


mula sa Banal na Kasulatan, lalung-lalo na iyong hango sa mga
tekstong makikita sa Ritu ng Pagbibinyag para sa mga Bata at sa
Leksionaryo ng Misa. Ang tekstong pipiliin ay iyong higit na
makatutulong sa paghahanda ng mga magulang ng mga batang
bibinyagan.
Marco:10:13-16

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San


Marcos
May nagdala ng mga bata kay Hesus upang hilinging
ipatong niya sa mga ito ng kanyang kamay; ngunit
pinagwikaan sila ng mga alagad. Nagalit si Hesus ng
makita ito at sinabi sa kanila, “Pabayaan ninyong lumapit
sa akin ang mga bata, huwag ninyo silang suwayin,
sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos. Ito
ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa
paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi
mapapabilang sa mga pinaghaharian niya. At kinalong
ni Hesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga
kamay sa kanila at pinagpala sila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Pagbabasbas sa mga Bata (Hindi pa Nabibinyagan) 331

Bayan:
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

c. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG

Kung hinihingi ng pagkakataon, magbibigay ang ministro ng maikling


paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos sa mga taong dumalo upang
maintindihan nila ang kahulugan ng pagdiriwang sa pamamagitan
ng kanilang pananampalataya.

PAGBABASBAS
Pagkatapos ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos o ng paliwanag,
maaaring umawit ng salmo, imno, o anumang awit na alam ng bata.

Bayan:
Purihin ng Panginoon ng lahat ng mga nilalang!
Salmo 150

d. PANALANGIN NG BAYAN

Dadasalin ngayon ang panalangin ng bayan. Sisimulan ito ng


ministro at bibigkasin ng ministrong katuwang ang mga kahilingan
ng bayan. Mula sa mga sumusunod na mga kahilingan, maaaring
piliin iyong mga pinakaangkop sa pagdiriwang, o kaya’y maaaring
lumikha ng ibang kahilingan tumutukoy sa natatanging sitwasyon.
332 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Sasabihin ng ministro:
Ipinahayag ng Panginoong Hesus sa lahat ng kanyang
tagasunod ang kapayakan ng buhay at pananalig ng mga
bata bilang batayan upang makapasok sa kaharian ng
Diyos. Kaya halina’t dumulog tayo kay Hesus, at sabihin
natin:

Bayan:
Panginoon, tulungan mo kami na sa mga batang ito ikaw
ang aming paglingkuran.

o kaya:

Bayan:
Panginoon, pakinggan mo ang aming panalangin.

Namumuno:
Panginoong Hesus, niloob mong maisilang ang mga
bagong supling para sa simbahan hindi dahil sa
kakayahan ng taong magluwal kundi dahil sa kalooban
ng Diyos; nawa’y ang panahon ng paghihintay sa binyag
ay maging tunay na pagkakataong maihandang ganap
ang sarili para sa pagdiriwang sa sakramentong ito.
Manalangin tayo. Tugon.
Pagbabasbas sa mga Bata (Hindi pa Nabibinyagan) 333

Namumuno:
Sa pamamagitan ng kanilang (kanyang) mga magulang
at ng simbahan ipinadama mo sa mga batang ito ang
inyong taimtim na pag-ibig; itulot mong hindi nawa
magsawang mag-alaga ang mga taong pinagkatiwalaang
kumalinga sa mga batang ito. Manalangin tayo. Tugon.
Namumuno:
Sa binyag, binigyan mo kaming lahat ng panibagong

PAGBABASBAS
buhay sa pagkabata, at binuksan mo para sa amin ang
mga pinto ng tahanan ng iyong Ama; itulot mong
susunod nawa kami, ang mga tapat mong lingkod, saan
mo man kami dalhin. Manalangin tayo. Tugon.
Namumuno:
Kahit noong bata ka pa, kailangan mo nang dumanas ng
paghihirap at pagkakataon; itulot mong makakita ng
tulong at pagkalinga ang lahat ng mga batang biktima
ng kasamaan sa kasalukuyang panahon. Manalangin
tayo. Tugon.

e. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Bibigkasin ng ministro, pari man o diyakono, ang panalangin ng


pagbabasbas samantalang nakaunat ang kanyang mga kamay.
Bibigkasin ng ministrong layko ang panalanging ito samantalang
magkalakip ang kanyang mga kamay.
334 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Pari:
Diyos Amang Makapangyarihan, ikaw ang bukal ng
tanang pagpapala, at ang tagapagsanggalang sa mga
sanggol; dahil sa mga handog mong mga supling
napayaman at nabigyang galak ang buhay mag-asawa.

Kaawaan mo ang batang ito, at kung naisilang na siyang


muli sa tubig ng Espiritu Santo, akayin mo siya sa iyong
pamilyang espiritwal, ang simbahan, upang maging
bahagi ng kaharian mo at kasama nama’y magpuri ng
iyong ngalan magpasawalang hanggan. Hinihiling namin
ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Tahimik na kukrusan ng ministro at ng mga magulang ang noong


bata.

f. PANGWAKAS

Wawakasan ng ministro ang pagdiriwang sa pamamagitan ng


pagbigkas ng sumusunod.
Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Hesus, ang
nagmahal sa mga bata, at kalingain niya kayo nang
lubusan ngayon at magpakailanman.
Pagbabasbas sa mga Bata (Hindi pa Nabibinyagan) 335

Bayan:
Amen.

Wawakasan ng ministrong layko ang pagdiriwang sa pamamagitan


ng pagkukrus ng kanyang sarili at sa pagbigkas ng sumusunod:

Pagpalain nawa tayo ng Panginoong Hesus, ang


nagmamahal sa mga bata, at kalingain niya tayo ng lubusan
ngayon at magpakailanman.

PAGBABASBAS
Bayan:
Amen.

MAIKLING PARAAN NG PAGBABASBAS

Sasabihin ng ministro:
Ang tumulong sa atin ay ang Panginoon.

Tutugon ang lahat:


Na may gawa ng langit at lupa.

Babasahin ng isa sa mga dumalo o ng ministro ang teksto ng Banal


na Kasulatan, halimbawa:
336 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Marcos 10:14

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San


Marcos
Nagalit si Hesus ng makita ito, at sinabi sa kanila,
“Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, huwag
ninyo silang suwayin, sapagkat sa mga katulad nila
naghahari ang Diyos.

Mateo 18:5

Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil


sa akin ay ako ang tinatanggap.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon


Bayan:
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

1 Mga Taga-Corinto 14:20

Bibigkasin ng ministro, pari man o diyakono, ang angkop na


panalangin ng pagbabasbas samantalang nakapatong ang kanyang
mga kamay sa bata; bibigkasin ng ministrong Iayko ang panalangin
samantalang magkalakip ang kanyang mga kamay.
Pagbabasbas sa mga Bata (Maikling Paraan) 337

A. Batang nabinyagan na (pahina 328-329)


B. Batang hindi pa nabinyagan (pahina 338)

MAIKLING PORMULARYO
Kung hinihingi ng pagkakataon, maaaring gamitin ng pari o diyakono
ang sumusunod na maikling pormularyo ng pagbabasbas.

N., basbasan + ka nawa ng Panginoong Hesus, ang mga


nagmamahal sa mga bata, at panatilihin ka sa kanyang

PAGBABASBAS
pag-ibig, ngayon at magpakailanman.

Bayan:
Amen.
338 PAGBABASBAS SA MGA TAO

X. PAGBABASBAS NG MGA KATANDAAN

Ang layunin ng ritong ito ay upang ipadama sa mga katandaan ang


paggalang at pagmamahal ng pamayanan at ng mag-anak. Ito rin ay
isang pasalamat sa mga biyaya at kabutihang idinulot ng Diyos sa
kanilang buhay at sa atin na rin, sa pamamagitan ng mga kabutihan
ng mga katandaan. Maaring ganapin ang ritu sa kapistahan nina San
Joaquin at Santa Ana (ika-26 ng Hulyo) o sa anumang angkop na
okasyon.

1. PASIMULA

Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Pari:
Purihin at ipagdangal ang Panginoong Hesus na kinalong
ng matandang si Simeon sa templo. Ang kinalong niyang
sanggol ay ating Panginoon at Banal na Guro. Purihin
at ipagdangal ang Diyos ngayon at magpakailanman.

Bayan:
Pagbabasbas ng mga Katandaan (ika-26 ng Hulyo) 339

Purihin at ipagdangal ang Diyos ngayon at kailanman.


Pari:
Ang katandaan ay handog na ating dapat tanggapin sa
Diyos nang may pasasalamat. Ang mga katandaan ay
patuloy na nagbabahagi ng kanilang yaman at karanasan,
at ng kanilang Kristiyanong pamumuhay sa pamayanan.
Magpasalamat tayo sa Diyos para sa kanila at manalangin
tayo upang patatagin ng Diyos ang kanilang pag-asa at

PAGBABASBAS
pagtitiwala.

Bayan:
Amen

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Lucas 2:25-32, 36-38 (o Ecclesiastico 3:2-18; Karunungan 4:8-9;
Filipos 3:20 - 4;1 o anumang angkop na pagbasa)

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon.


Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at
naghihintay ng katubusan ng Israel. Sumakanya ang
Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya
mamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesiyas na
340 PAGBABASBAS SA MGA TAO

ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu Santo,


pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng
kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang
gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya’y kinalong ni
Simeon. Ito’y nagpuri sa Diyos, na ang wika, “Kunin mo
na, Panginoon, ang iyong abang alipin, ayon sa iyong
pangako. Yamang nakita na ng aking mga mata ang
iyong pagliligtas, na inihanda mo para sa lahat ng bansa.
Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil, at magbibigay-
karangalan sa iyong bayang Israel.”

Naroon din sa templo ang isang propetang babae na


ang pangala’y Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni
Aser. Siya’y napakatanda na. Pitong taon lamang silang
nagsama ng kanyang asawa, nang siya’y mabalo. At
ngayon, walumpu’t apat na taon siya. Lagi siya sa templo
at araw-gabi’y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng
pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding
iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol
kay Hesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng
Diyos sa Jerusalem.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Pagbabasbas ng mga Katandaan (ika-26 ng Hulyo) 341

Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG

Kung hinihingi ng pagkakataon, magbibigay ang ministro ng maikling


paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos sa mga dumalo, upang
maintindihan nila ang kahulugan ng pagdiriwang sa pamamagitan ng
kanilang pananampalataya.

PAGBABASBAS
4. PANALANGIN NG BAYAN

Dadasalin ngayon ang panalangin ng bayan. Sisimulan ito ng ministro


at bibigkasin ng ministrong katuwang ang mga kahilingan ng bayan.
Mula sa mga sumusunod na mga kahilingan, maaaring piliin iyong
mga pinakaangkop sa pagdiriwang, o kaya’y maaaring lumikha ng ibang
kahilingang tumutukoy sa natatanging sitwasyon.

Pari:
Diyos Ama naming makapangyarihan, binibigyan mo
kami ng panibagong lakas at kapangyarihan sa
pamamagitan ng iyong biyayang nagbibigay-buhay sa
tanang panahon ng aming buhay kaya’t kami ay
nananalangin:
342 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Bayan:
Panginoon, huwag mo kaming pababayaan.

o kaya:

Bayan:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Namumuno:
Panginoon, tinupad mo ang aming inaasam nina Simeon
at Ana sa pamamagitan ng pagpapakilala mo ng iyong
Anak sa kanila; sa pamamagitan ng kanilang
pananampalataya, makita nawa ng mga alagad mong ito
ang iyong pagliligtas, at magalak sila sa kagandahang-
loob ng Espiritu Santo. Manalangin tayo. Tugon.
Namumuno:
Isinugo mo ang iyong Anak sa mundo upang sabihin sa
lahat ng napapagod na sa kanya’y matagpuan ang
kapahingahan: tulungan mo ang mga alagad mong ito
na pasanin ang kanilang krus na may pagtitiyaga sa bawat
araw. Manalangin tayo. Tugon.
Pagbabasbas ng mga Katandaan (ika-26 ng Hulyo) 343

Namumuno:
Ang iyong kabutihang-loob ay hindi mapantayan
ninuman; itulot mong matagpuan nawa ng iyong mga
alagad mula sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan
ang mapagmahal nilang pagkalinga na tinanaw na utang
na loob sa kanila. Manalangin tayo. Tugon.
Namumuno:
Sa iyong pagmamahal, hindi ka tumalikod kahit

PAGBABASBAS
kaninuman, lalung-lalo na sa mga mahihina’t nagdurusa;
itulot mong makilala’t galangin ng lipunan ang dangal
ng mga matatanda. Manalangin tayo. Tugon.

5. AMA NAMIN

Pari:
Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos kay
Hesukristo na ating Panginoon.

Bayan:
Ama Namin ...
344 PAGBABASBAS SA MGA TAO

6. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Pari:
Amang maawain,
ang mga katandaang lingkod mo
ay ganap na umaasa sa iyo.
Nasaksihan nila ang iyong kagandahang-loob.
Salamat po sa biyayang handog mo sa kanila
sa maraming yugto ng panahon.
Pagpalain mo sila ng bagong sigla
at bigyan ng kalusugan ng isip at katawan.
At higit mo po silang pagpalain
sa kinabukasang walang hanggan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan
ni Hesukristong aming Panginoon.

Bayan:
Amen.

Pari:
Pagpalain nawa kayo ng Makapangyarihang Diyos,
ang Ama, + ang Anak, at ng Espiritu Santo.
Pagbabasbas ng mga Katandaan (ika-26 ng Hulyo) 345

Bayan:
Amen.

Kung walang pari o diakono:

Ang lahat ay mag-aantanda ng krus sa pagwawakas ng Namumuno.

Namumuno:

PAGBABASBAS
Pagpalain nawa tayo ng Panginoon, ilayo sa lahat ng
kasamaan at akayin tayo sa buhay na walang hanggan.

Bayan:
Amen.
346 PAGBABASBAS SA MGA TAO

XI. PAGBABASBAS NG MAYSAKIT

Ang pagbabasbas ng maysakit ng mga ministro ng Simbahan ay isang


napakatandang kaugalian sa mga gawa ni Hesukrsito at ng kanyang
mga apostoles. Ibig ipakita ng ritung ito ang malasakit ni Hesukristo sa
mga maysakit. Isang pari, diakono o laiko ang maaring magbasbas sa
maysakit sa isang sama-samang pagdiriwang ng panalangin.

1. PASIMULA

Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
Pari:
Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:
At sumaiyo rin.

Kung walang pari o diakono:


Namumuno:
Mga kapatid, purihin at ipagdangal natin ang Panginoon
nagpagaling ng maysakit at gumawa ng kabutihan.
Pagbabasbas ng Maysakit 347

Purihin at ipagdangal ang Diyos ngayon at magpa-


kailanman.
Bayan:
Purihin at ipagdangal ang Diyos
ngayon at magpakailanman.

Pari:
Ang Panginoong Hesukristo, na gumawa ng mabubuting

PAGBABASBAS
bagay at nagpagaling ng maysakit at iba-ibang
karamdaman, ay nag-utos sa kanyang mga alagad na
alagaan ang mga maysakit, ipanalangin sila at ipatong
ang kanilang kamay sa kanila. Sa pagdiriwang nating ito,
ating ipaubaya ang ating mga kapatid na maysakit sa
Panginoon upang mabigyan sila ng lakas na tanggapin
ang kanilang sakit at paghihirap. Sana’y mabatid nila na
kung sila ay kabahagi sa pagpapakasakit ng Panginoon,
magkaroon din sila ng lakas at kagalingang dulot nito.

Bayan:
Amen.
348 PAGBABASBAS SA MGA TAO

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


2 Corinto 1:3-7 (o Mateo 11:28-30; Marco 6:53-56; o anumang
angkop na pagbasa.)

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Corinto

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong


Hesukristo, ang mahabaging Ama at Diyos na
pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya tayo
sa ating mga kapighatian upang makatulong naman tayo
sa mga namimighati, sa pamamagitan ng kaaliwang
tinanggap natin sa kanya. Kung gaano karami ang tiising
dinaranas namin sa pakikipag-isa kay Kristo, gayun din
ang kaaliwang tinatamo namin mula sa kanya. Kung
namimighati man kami, ito’y sa ikaaaliw at ikaliligtas
ninyo, tulad namin. Kapag inaaliw kami, kayo ma’y
naaliw rin at lumalakas upang mabata ang mga
kapighatiang dinaranas ninyo, tulad namin. Kaya’t
matibay ang aming pag-asa para sa inyo sapagkat alam
naming kahati kayo sa aming kaaliwan, kung paanong
kayo’y kahati namin sa pagtitiis.

Ang Salita ng Diyos.


Pagbabasbas ng Maysakit 349

Bayan:
Salamat sa Diyos.

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG

Kung hinihingi ng pagkakataon, magbibigay ang ministro ng maikling


paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos sa mga dumalo, upang
maintindihan nila ang kahulugan ng pagdiriwang sa pamamagitan ng
kanilang pananampalataya.

PAGBABASBAS
4. PANALANGIN NG BAYAN

Dadasalin ngayon ang panalangin ng bayan. Sisimulan ito ng ministro


at bibigkasin ng ministrong katuwang ang mga kahilingan ng bayan.
Mula sa mga sumusunod na mga kahilingan, maaaring piliin iyong
mga pinakaangkop sa pagdiriwang, o kaya’y maaaring lumikha ng ibang
kahilingang tumutukoy sa natatanging sitwasyon.

Pari:
Nagmamahal sa ating mga kapatid na may sakit ang
Panginoong Hesus, manalangin tayo nang may pananalig
sa kanya upang aliwin sila ng kanyang biyaya:
350 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Bayan:

Panginoon, hiling naming ay kagalingan para sa aming


kapatid.

Namumuno:
Panginoong Hesus, dumating kang bilang manggagamot
sa katawa’t kaluluwa upang magbigay lunas sa lahat
naming karamdaman. Tugon.
Namumuno:
Ikaw ay nagpakasakit at ang aming mga sakit ang iyong
pinasan, ang aming mga pahirap ang iyong pinagtiisan.
Tugon.
Namumuno:
Pinili mong maging katulad naming sa lahat ng bagay
upang maasahan namin ang iyong kahabagang-loob.
Tugon.
Namumuno:
Dinanas mo ang sakit ng katawan upang mapalayo kami
sa kasamaan. Tugon.
Namumuno:
Sa paanan ng iyong krus, nakatayo ang iyong Ina, bilang
kasama mo sa iyong mga paghihirap, at dahil sa
Pagbabasbas ng Maysakit 351

mapagkalinga mong pagmamahal, ipinagkaloob mo siya


sa amin bilang aming ina. Tugon.
Namumuno:
Iyong hangarin na dapat naming punin sa sarili naming
laman ang anumang pagkukulang ng iyong mga
paghihirap alang-alang sa iyong katawan – ang iyong
Iglesia. Tugon.

PAGBABASBAS
5. AMA NAMIN

Pari:
Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos kay
Hesukristo na ating Panginoon.

Bayan:

Ama Namin ...

6. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Kukurusan ng Namumuno ang maysakit at dasaralin ang susunod


na panalangin ng pagbabasbas.
352 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Pari:
Makapangyarihang Diyos na walang hanggan,
ikaw ang aming Panginoon at butihing Ama.
Sa iyong pagpapala, ipinagkaloob mo
ang lakas sa aming kahinaan.
Tunghayan mo po nang may kagandahang-loob
ang lingkod mong maysakit na si N.
Pagalingin mo siya sa kanyang karamdaman
at ibalik ang kalusugan
upang mabatid niya ang iyong kabutihan
at siya’y magpasalamat sa iyong Banal na Pangalan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan
ni Kristong aming Panginoon.

Bayan:
Amen.
Pari:
Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:
At sumainyo rin.
Pari:
Pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos Ama, Anak,
+ at Espiritu Santo.
Pagbabasbas ng Maysakit 353

Bayan:
Amen.

Kung walang pari o diakono:

Namumuno:

Nawa’y igawad sa atin ng Panginoong Hesukristo, na

PAGBABASBAS
siyang gumawa ng kabutihan at nagpagaling ng maysakit,
ang mabuting kalusugan at ang kanyang pagpapala.

Bayan:

Amen.

Bilang pagwawakas, maaring awitin o dasalin ang “Aba Ginoong


Maria” o anumang panalangin kay Maria.
354 PAGBABASBAS SA MGA TAO

XII. ANG RITU PARA SA PAGBABASBAS NG


TAONG NAGDIRIWANG NG KANYANG
KAARAWAN

Karapat-dapat na magpasalamat lagi sa Panginoong Diyos lalung-lalo


na kung may nagdiriwang ng kaarawan. Ang nagdiriwang ng kaarawan
ay isang pagkakataong makilala at magpasalamat sa Diyos, ang
Maylikha at Tagapagbigay ng buhay.

Ang kaarawan ay isa ring natatanging pagkakataong maipakita ng mga


bata ang pagmamahal at pasasalamat nila sa kanilang mga magulang,
ang nagbahagi ng handog ng buhay at pag-ibig sa kanilang mga anak.

Ang mga ritung ito ay maaaring gamitin ng pari o diyakono, at ng


layko rin, na siyang gagamit lamang ng mga ritu’t mga panalanging
nakatalaga para sa ministrong layko, o kaya, ng isang miyembro ng
pamilya.

Ang Ritu ng Pagbabasbas

1. PASIMULA

Kapag natipon na ang lahat, maaaring umawit ng isang angkop na


awit. Pagkatapos ng awit, sasabihin ng ministro:
Pagbabasbas ng Taong Nagdiriwang ng Kanyang Kaarawan 355

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, + at ng Espiritu Santo.

Magkukrus ang lahat at tutugon:


Amen.

Babatiin ng ministro, pari man o diyakono, ang lahat ng dumalo sa


pamamagitan ng sumusunod na pangungusap:

Ang Panginoong nagmamahal sa inyo ay pumupuno ng

PAGBABASBAS
galak sa inyong buhay nawa’y laging sumainyo.

At tutugon ang lahat:


At sumaiyo rin.

Babatiin ng ministrong layko ang lahat ng dumalo sa pamamagitan ng


sumusunod na pangungusap:

Kapuri-puri ang Panginoon, na siyang nagmamahal sa


ating lahat at pumupuno ng galak sa ating buhay, ngayon
at magpakailanman.

Bayan:
Amen.
356 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Ihahanda ng ministro ang lahat ng dumalo para sa pagbabasbas sa


pamamagitan ng sumusunod na pangunugsap o anumang mga salitang
katumbas nito:

Bawat taon, habang inaalaala natin ang pagdiriwang ng


isa na namang kaarawan, kinikilala natin na ang buhay
ay handog ng Diyos. Sa araw na ito, magpasalamat tayo
para sa ating mga magulang, at sa lahat na nagmahal, at
nagturo sa atin tungkol sa pagmamahal ng Diyos.

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Babasahin ng isa sa mga dumalo o ng ministro ang isang teksto na


hango sa Banal na Kasulatan.

Filipos 1:3-11
Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-
Filipos
Nagpapasalamat ako sa Diyos tuwing maaalaala ko kayo.
Ang aking mga panalangin para sa inyo ay laging puspos
ng kagalakan dahil sa inyong tulong sa pagpapalaganap
ng Mabuting Balita tungkol kay Kristo, mula nang ito’y
inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan. Tinitiyak
Pagbabasbas ng Taong Nagdiriwang ng Kanyang Kaarawan 357

ko sa inyong ang mabuting gawa na pinasimulan sa inyo


ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng
pagbabalik ni Kristo Hesus. Marapat lamang na
pahalagahan ko kayo nang ganito, sapagkat kayo’y mahal
sa akin. Naging kahati ko kayo sa mga pagpapala ng
Diyos noon pa man ako’y nagtatanggol at
nagpapalaganap ng Mabuting Balita, maging ngayong
nakabilanggo ako. Nalalaman ng Diyos na ang pananabik

PAGBABASBAS
ko sa inyo ay kasinlaki ng pagmamahal sa inyo ni Kristo
Hesus. Idinadalangin ko sa Diyos na mag-ibayo ang
inyong pag-ibig at masangkapan ang malinaw na
pagkakilala at malawak na pagkaunawa upang mapili
ninyo ang pinaka-mahalaga sa lahat ng bagay. Sa gayon,
pagdating ng Araw ng pagbalik ni Kristo, masumpungan
kayong malinis, walang kapintasan, at puspos ng
magagandang katangiang kaloob sa inyo ni Hesukristo ,
sa karangalan at kapurihan.

Ang Salita ng Diyos


Bayan:
Salamat sa Diyos.
358 PAGBABASBAS SA MGA TAO

o kaya:
Oseas 11:1-4 - Bata pa ang Israel.

1 Mga Taga-Tesalonica 3:9-11 - Lumago nawa kayo sa kabanalan.

1 Pedro 1.3-5 - Panibagong buhay kay Kristo

Mateo 5.1-12—Ang Mapapalad


Lucas 2.21-32—Dinala si Hesus sa Templo.

Kung hinihingi ng pagkakataon, isa sa mga salmo responsoryo ay


maaaring awitin, o anumang angkop na awit.

Bayan:
Turuan mo kaming bumilang ng tumpak ng aming mga
araw.

Salmo 90
Salmo 128:1-2, 3-4, 5-6
Bayan:
Pagpalain kayo ng Panginoon hanbang buhay.

Awit 103:1-2, 13-14, 15-16, 17-18


Bayan:
Purihin mo ang Panginoon, O aking kaluluwa.
Pagbabasbas ng Taong Nagdiriwang ng Kanyang Kaarawan 359

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG


Kung hinihingi ng pagkakataon, magbibigay ang ministro ng
maikling paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos sa mga dumalo,
upang maintindihan nila ang kahulugan ng pagdiriwang sa
pamamagitan ng kanilang pananampalataya.

4. LITANYA

Bibigkasin ngayon ang litanya. Sisimulan ito ng ministro at bibigkasin

PAGBABASBAS
ng ministrong katuwang ang mga kahilingan ng bayan. Mula sa mga
sumusunod na mga kahilingan, maaaring piliin iyong mga
pinakaangkop sa pagdiriwang, o kaya’y maaaring lumikha ng ibang
kahilingang tumutukoy sa natatanging sitwasyon.

Sasabihin ng ministro:
Purihin ang Panginoong Diyos ng tanang nilkha.

Bayan:
Kapuri-puri ang Diyos magpakailanman.

Namumuno:
Kapuri-puri ang Diyos, ang lumikha sa atin mula sa alabok
at huminga ng buhay sa atin. Tugon.
360 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Namumuno:
Kapuri-puri ang Diyos, dahil sa kanyang dakilang
pagmamahal, ay nagpadala ng kanyang bugtong na Anak
upang tayo’y maligtas. Tugon.
Namumuno:
Kapuri-puri ang Diyos, na siyang gumagabay sa ating
mga hakbang sa tamang landas. Tugon.
Namumuno:
Kapuri-puri ang Diyos, ang Ama, ang Anak, at ang
Espiritu Santo. Tugon.

5. AMA NAMIN

Pagkatapos ng litanya, aanyayahan ng ministro ang lahat upang umawit


o manalangin ng Ama Namin sa pamamagitan ng sumusunod na
pangungusap o anumang katumbas nito:

Manalangin tayo sa Diyos, ang may akda at bukal ng


buhay, sa pamamagitan ng panalangin itinuro sa atin ng
kanyang Anak.

Bayan:
Ama namin …
Pagbabasbas ng Taong Nagdiriwang ng Kanyang Kaarawan 361

6. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Bibigkasin ng ministro, pari man o diyakono, ang panalangin ng


pagbabasbas samantalang nakaunat ang kanyang mga kamay sa taong
binabasbasan niya. Bibigkasin ng ministrong layko ang panalangin
samantalang magkalakip ang kanyang mga kamay.

A. Para sa mga may Gulang na.

Diyos ng sangnilikha, nagpupuri at nagpapasalamat kami

PAGBABASBAS
sa iyo para sa handog mong buhay. Dinggin mo ang
panalangin ni N., inyong alagad na gumugunita ng
kanyang kaarawan sa araw na ito at nagagalak sa mga
handog mong buhay at pag-ibig, pamilya at kaibigan.
Pagpalain mo siya sa pamamagitan ng iyong patuloy na
pananahan sa kanya, at kupkupin mo siya sa iyong
pagmamahal upang matamasa niya ang darating na mga
masayang taon, lahat na ito nawa’y maging kalugod-
lugod sa iyo. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.

Bayan:
Amen.
362 PAGBABASBAS SA MGA TAO

B. Para sa mga Bata

Diyos na nagmamahal, nilikha mo ang lahat ng tao dito


sa lupa, at alam mo ang pangalan ng bawat isa sa amin.
Nagpapasalamat kami sa iyo para kay N., na ngayo’y
nagdiriwang ng kanyang kaarawan. Pagpalain mo siya
ng iyong pagmamahal at pakikipagkaibigan upang
tumubo siya sa karunungan, kaalaman, at kagandahang-
loob. Nawa’y lagi niyang mahalin ang kanyang pamilya,
at maging tapat sa kanyang kaibigan. Hinihiling namin
ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan:
Amen.

Kung hinihingi ng pagkakataon, tahimik na wiwisikan ng ministro ng


agwa bendita ang taong nagdiriwang ng kaarawan.

7. PANGWAKAS NA BAHAGI

Wawakasan ng ministro, pari man, o diyokono, ang pagdiriwang sa


pamamagitan ng sumusunod na panalangin:
Pagbabasbas ng Taong Nagdiriwang ng Kanyang Kaarawan 363

Pari:
Nawa’y basbasan ka at pangalagaan ng ating Panginoon.

Bayan:
Amen.

Pari:
Nawa’y sumilay ang mukha niya sa iyo at magma-

PAGBABASBAS
gandang loob siya sa iyo.

Bayan:
Amen.

Pari:
Nawa’y magmagandang-loob siya sa iyo, at bigyan ka
ng kanyang kapayapaan.

Bayan:
Amen.

At babasbasan ng ministro ang lahat:


At pagpalain kayong lahat ng Makapangyarihang Diyos,
Ama, at ng Anak + at ng Espiritu Santo.
364 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Bayan:
Amen.

Wawakasan ng ministrong layko ang pagdiriwang sa pamamagitan ng


pagkukrus ng kanyang sarili at sa pagbigkas ng sumusunod:

Namumuno:
Nawa’y pagpalain tayo at pangalagaan ng ating
Panginoon.

Bayan:
Amen.

Namumuno:
Nawa’y sumikat ang kanyang mukha sa atin at
magmagandang-loob sa atin.

Bayan:
Amen.

Hihipan ng may kaarawan ang “birthday cake” at ang lahat ay aawit


ng “Happy Birthday.”
Pagbabasbas ng mga Maglalakbay sa Banal na Pook 365

XIII. ANG PAGBABASBAS NG MGA MAGLALAKBAY


SA BANAL NA POOK

Maging tradisyonal man o makabagong pamamaraan, ang paglalakbay


papunta sa isang banal na lugar, o pagdalaw sa libingan ng isang santo/
a, ay kailangang ituring na mayroon itong pastoral na kahalagahan.
Ang pagdalaw sa mga banal na lugar ay mga pagkakatao ng
pagbabagong-loob, pagpapalalim ng buhay spiritual, at pagpapaunlad
ng apostolado.

PAGBABASBAS
Ang tamang spiritual na kahulugan ng maka-kristyanong perigrinasyon
ay kailangang ipaliwanag ng malinaw at ipaalam bago umalis ang
mga perigrino, upang sila’y tunay ngang “sugong manlalakbay ni Kristo,”
at makaranas nang lubusan ng mabuting bunga ng kanilang
perigrinasyon.

Para sa nabanggit na mga pastoral na layunin, laging makatutulong


kung maghahanda ng natatanging pagdiriwang para sa pagbabasbas
ng mga peregrino bago sila umalis, o kaya’y sa panahon ng kanilang
pagdating.

Ngunit, kung ibig na magdiriwang ng misa, o magdasal na Panalangin


ng mga Kristiyano sa Maghapon, o iba pang uri ng liturhiya bago sila
umalis o pagkatapos ng perigrinasyon nila, maaaring tapusin ang
pagdiriwang sa pamamagitan ng paggamit ng ritu sa pagbabasbas ng
mga perigrino na makikita sa mga panalangin sa kabanatang ito.
366 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Ang kasulukuyang ritu ay maaaring gamitin ng pari o diyakono.


Habang pinananatili ang pagsunod ng balangkas at sa mga
pinakamahalagang bahagi ng ritu, kailangang ibagay ng namumuno
ng pagdiriwang sa pangangailangan ng natatanging lugar at ng mga
taong dumalo.

ANG PAGBABASBAS NG MGA MAGLALAKBAY SA


BANAL NA POOK

1. PASIMULA

Kapag natipon na ang grupo ng perigrino, maaaring awitin ang Awit


122 o anumang angkop na awit. Pagkatapos umawit, sasabihin ng
namumuno:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Magkukrus ang lahat at tutugon:
Amen.

Babatiin ng ministro, pari man o diyakono, ang mga taong dumalo sa


pamamagitan ng sumusunod na pangungusap o anumang mga salitang
angkop na hango sa Banal na Kasulatan:
Sumainyo nawa ang pagpapala ng ating Diyos, na siyang
ating lakas at kaligtasan.
Tutugon ang lahat:
At sumainyo rin.
Pagbabasbas ng mga Maglalakbay sa Banal na Pook 367

Kapag natipon na ang sambayanan, sasabihin ng ministro:

Mga kapatid bago tayo umalis, dapat natin mabatid


kung bakit ninais nating maglakbay tungo sa isang banal
na lugar. Ang lugar na nais nating puntahan ay isang
alaala ng pananampalataya ng sambayanan ng Diyos.
Marami na rin mga tao na pumunta roon upang tumibay
ang kanilang Kristiyanong pamumuhay at upang lalong
lumakas ang kanilang sarili sa pagdamay sa kapwa.

PAGBABASBAS
Kailangan pagsikapan din nating magbahagi ng kahit
anuman para sa mga mananampalatayang nakatira roon:
ang halimbawa ng ating buhay pananampalataya, pag-
asa, at pag-ibig. Sa ganitong paraan, lahat tayo’y lalago
sa pamamagitan ng tulong na ipinagkaloob natin sa
bawat isa.

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Babasahin ng isa sa mga dumalo o ng ministro ang isang tekstong hango


sa Banal na Kasulatan.

2 Corinto: 5-6-10
Pagbasa mula sa Ikalawang Sulat ni Apostol San Pablo
sa mga Taga-Corinto
368 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Kaya’t laging malakas ang aking loob. Alam ko na habang


tayo’y nasa tahanang ito, ang ating katawan, hindi
mapapasaatin ang tahanang galing sa Panginoon.
Namumuhay ako ayon sa pananalig sa Diyos, hindi sa
mga bagay na nakikita. Malakas nga ang loob kong iwan
ang katawang ito na aking tinatahanan upang manirahan
sa piling ng Panginoon. Kaya naman, ang pinakananais
ko ay ang maging kalugod-lugod sa kanya, sa tahahang
ito o doon man sa langit. Sapagkat bawat isa ay haharap
sa hukuman ni Kristo upang maging tumanggap ng
kaukulang ganti sa kanyang ginawa, mabuti man o
masama, nang siya’y nabubuhay pa sa daigdig na ito.

Ang Salita ng Diyos


Bayan:
Salamat sa Diyos.

o kaya:

Isaias 2:2-5 — Halina’t tayo’y lumakad sa liwanag ng Panginoon.

Lacas 2:41-51—Pumunta sila sa pagdiriwang ng Pista ng Paskuwa


na kanilang nakaugalian na.
Pagbabasbas ng mga Maglalakbay sa Banal na Pook 369

Lucas 24:13-35 — Lumapit si Hesus at nakisabay sa kanila.

Hebrero 10:19-25 — Lumapit tayo sa Diyos nang may tapat na


kalooban at matibay na pananalig sa kanya.
1 Pedro 2:4-12 — Mga dayuhan at ipinatapon.

Kung hinihingi ng pagkakataon, isa sa mga salmo responsoryo ang


maaaang awitin o basahin o anumang angkop na awit.

PAGBABASBAS
Bayan:
Panginoon, ito ang sambayanang nananabik makita ang
iyong mukha.

Salmo 24
Salmo 27:1,4,13-14
Bayan:
Isang bagay lang ang aking mithiin: na ako’y manahan
sa banal na templo na Panginoon.

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG

Kung hinihingi ng pagkakataon, magbibigay ang ministro ng maikling


paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos sa mga dumalo, upang
maunawaan nila ang kahulugan ng pagdiriwang sa pamamagitan ng
kanilang pananampalataya.
370 PAGBABASBAS SA MGA TAO

4. PANALANGIN NG BAYAN
Dadasalin ngayon ang panalangin ng bayan. Sisimulan ito ng
ministro at bibigkasin ng ministrong katuwang ang mga kahilingan
ng bayan. Mula sa mga sumusunod na mga kahilingan, maaaring
piliin yaong mga pinakaangkop sa pagdiriwang, o kaya’y maaaring
lumikha ng ibang kahilingang tumutukoy sa natatanging sitwasyon.

Sasabihin ng ministro:
Ang Diyos ay pinanggalingan at patutunguhan ng
paglalakbay ng buhay. Halina’t dumulog tayo sa kanya
na may pagtitiwala, at sabihin natin:
Bayan:
Panginoon samahan mo kami sa aming paglalakbay.
o kaya:
Bayan:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin

Namumuno:
Amang banal, noong unang panahon, ikaw ang gabay
at landas ng iyong piniling sambayanan habang naligaw
sila sa ilang; ikaw nawa ang kumalinga sa amin sa
sisimulan naming paglalakbay upang ligtas kaming
Pagbabasbas ng mga Maglalakbay sa Banal na Pook 371

makabalik sa aming pinanggalingan. Manalangin tayo:


Tugon.
Namumuno:
Ipinagkaloob mo sa amin ang iyong bugtong na Anak
upang maging landas namin patungo sa iyo: matapat
nawa kaming makasunod sa kanya at hindi lumihis sa
tamang landas. Manalangin tayo: Tugon.
Namumuno:

PAGBABASBAS
Ibinigay mo sa amin si Maria bilang larawan at huwaran
sa pagsunod kay Kristo; sa pamamagitan ng kanyang
halimbawa, itulot mong mamuhay kami sa panibagong
buhay. Manalangin tayo: Tugon.
Namumuno:
Ginagabayan mo ang iyong Simbahang naglalakbay dito
sa lupa sa pamamagitan ng Espiritu Santo: matuklasan
ka nawa namin sa lahat ng bagay at lagi naming tahakin
ang landas ng iyong mga utos. Manalangin tayo: Tugon.
Namumuno:
Inakay mo kami sa tama’t mapayapang daan: nawa’y
balang araw masilayan namin ang iyong mukha sa langit.
Manalangin tayo: Tugon.

5. PANALANGIN NG PAGBABASBAS
372 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Ipagpapatuloy ng namumuno ang panalangin ng pagbabasbas


samantalang nakaunat ang kanyang mga kamay.
Diyos na makapangyarihan, kinahahabagan mo ang
lahat ng umiibig sa iyo, at hindi ka kailanma’y lumayo sa
mga taong nangangailangan sa iyo. Manatili ka sa iyong
mga lingkod na sasama sa banal na paglalakbay na ito,
at gabayan mo sila sa pagtahak sa landas na naaayon sa
iyong kalooban. Sa araw, lukuban mo sila ng iyong
pagkalinga; sa gabi, pagkalooban mo sila ng liwanag ng
iyong biyaya, at bilang kasama nila sa paglalakbay na
ito, akayin mo silang ligtas sa kanilang paroroonan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon.

Bayan:
Amen.

6. PANGWAKAS

Wawakasan ng namumuno ang pagdiriwang sa pagsasabi:


Nawa’y ang Panginoon ang gumabay sa atin at iligtas
niya tayo sa lahat ng kapahamakan.
Bayan:
Amen.
Pagbabasbas ng mga Maglalakbay sa Banal na Pook 373

Namumuno:
Nawa’y suma-atin ang Panginoon sa ating paglalakbay.

Bayan:
Amen.

PAGBABASBAS
Namumuno:
Nawa’y sa paglalakbay na ating sisimulan ngayon, dala
ng pag-asa sa Panginoon, ay makarating tayo sa
paroroonan natin nang maluwalhati sa pamamagitan ng
kanyang pagkalinga.

Bayan:
Amen.

Mainam kung magtatapos ang pagdiriwang sa pag-awit ng isang


angkop na awitin.
374 PAGBABASBAS SA MGA TAO

ANG PAGBABASBAS NG MGA NAGLALAKBAY SA


BANAL NA POOK BAGO SILA UMUWI, O KAYA SA
PAGDATING NILA

1. PASIMULA

Kapag natipon na ang mga grupo ng mga perigrino, maaring umawit


ng angkop na awit, halimbawa, Urbs Jerusalem Beata, o kaya, iba pang
mga awiting may kaugnayan sa lugar o pangyayari ng perigrinasyon.
Pagkatapos ng awit, sasabihin ng namumuno:

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Magkrukrus ang lahat at tutugon:


Amen.

Babatiin ng ministro, pari man o diyakono, ang mga diyakono, ang


mga taong dumalo sa pamamagitan ng sumusunod na pangungusap o
anumang mga salitang angkop na hango sa Banal na Kasulatan.

Ang Diyos, ang ating pag-asa’t kalakasan, ang pumuno


sa atin ng kanyang kapayapaa’t galak dulot ng Espiritu
Santo. Purihin natin ang Diyos ngayon at
magpakailanman.
Sa mga Naglalakbay sa Banal na Pook
bago sila Umuwi o sa Pagdating nila 375

Tutugon ang lahat:


Amen.

o kaya:

Purihin natin ang Diyos ngayon at magpakailanman.

Sa pamamagitan ng sumusunod na pangungusap o anumang katumbas


nito, ihahanda ng ministro ang lahat ng dumalo para sa pagbabasbas.

PAGBABASBAS
Ang banal na paglalakbay ay naging natatanging
panahon ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon.
Puno ng pananalig, tayo’y pumarito sa banal na lugar
na ito upang magpasiyang magbagong-loob. Ang mga
banal na lugar na ating nadalaw na ay mga tanda ng
tahanang itinayo, hindi ng ating mga kamay, kundi ng
katawan ni Kristo, kung saan tayo ang mga batong buhay
na itinatag kay Kristo, ang panulukang-bato. Sa ating
pag-uwi sa ating bayan, sikapin nating isabuhay ang
tawag na ipinahayag sa atin ng Panginoon na maging
lahing hinirang, mga saserdoteng makahari, bansang
banal na nakatalaga sa Diyos upang maipahayag natin
ang kanyang kabutihan sa lahat ng sulok ng daigdig, ang
376 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Diyos na nagpalaya sa atin mula sa kadiliman, at nagdulot


ng kahanga-hangang liwanag.

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Babasahin ng isa sa mga dumalo o ng ministro ang isang teksto na


hango sa Banal sa Kasulatan.

1 Cronica 29:9-18
Pagbasa mula sa Unang Aklat ng Cronica
Galak na galak ang mga tao sa kanilang pagkakaloob at
labis namang ikinatuwa ni David. Sa harapan ng mga
tao’y tuwang-tuwa si David na nagpuri kay Yahweh.
Sinabi niya, “Karapat-dapat kang purihin
magpakailanman Panginoon! Ang Diyos ni Jacob na
aming ama. Sa iyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan,
ang karangalan at ang pagtatagumpay pagkat sa iyo ang
lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang buong
pamamahala at ikaw ang hari ng lahat. Sa iyo nagmumula
ang kayamanan at ang karangalan. Taglay mo ang
kapangyarihan at kadakilaan, at ikaw ang nagbibigay ng
lakas at kapangyarihan sa Iahat. Pinasasalamatan ka
namin, O Diyos, at pinupuri ang iyong dakilang pangalan.
Sa mga Naglalakbay sa Banal na Pook
bago sila Umuwi o sa Pagdating nila 377

“Ngunit sino ako at ang bayang ito? Buong puso kaming


nagkakaloob pagkat ang lahat ng ito ay galing sa iyo at
ibinabalik lamang namin. Tulad ng aming mga ninuno,
kami nga’y mga dayuhan at nangingibang bayan. Ang
pagtira namin sa daigdig na ito ay pansamantala lamang,
hindi panatilihin. O Panginoon na aming Diyos, ang lahat
ng kayamanang ito na natipon namin para ipagpagawa
ng iyong tahanan ay sa iyo nga nagbuhat. Alam kong

PAGBABASBAS
nasasaliksik mo ang puso ng tao, at natutuwa ka sa
matuwid. O Diyos, buong-puso kong ipinagkakaloob sa
iyo ang lahat ng ito. Nasaksihan ko rin ang buong-
pusong pagkakaloob ng iyong mga lingkod na narito
ngayon. O Panginoon, Diyos nina Abraham, Isaac at
Jacob, panatilihin mo sa isipan ng mga tao ang gawaing
ito, at akayin mo silang palapit sa iyo.”

Ang Salita ng Diyos


Bayan:
Salamat sa Diyos.

o kaya:
Lucas 23:28-35 – Isinalaysay nila ang nangyari sa daan.

Juan 5:1-15 – Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan,


at lumakad ka.
378 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Juan 9:1-38 – Umalis ako’t naghilamos, at nang bumalik ay


nakakikita na.

Mga Gawa 8:26-35 – Nagpunta siya sa Jerusalem, sumamba sa


Diyos, at umuwi.

Mga Hebreo 13:12-21 – Hindi rito sa lupa ang ang parating bayan
natin, at ang hinahanap nati’y ang bayang masusumpungan
sa panahong darating.

Kung hinihingi ng pagkakataon, isa sa mga salmo responsoryo ang


maaring awitin o basahin, o anumang angkop na awit.

Bayan:
Kaibig-ibig ang Iyong tahanan,
O Panginoong Diyos na Makapangyarihan.

Salmo 84

Awit 122:1-2, 4-5, 6-7, 8-9

Bayan:
Halina’t magalak tayong pumasok sa bahay ng
Panginoon.
Sa mga Naglalakbay sa Banal na Pook
bago sila Umuwi o sa Pagdating nila 379

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG


Kung hinihingi ng pagkakataon, magbibigay ang ministro ng maikling
paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos sa mga dumalo, upang
maunawaan nila ang kahulugan ng pagdiriwang sa pamamagitan ng
kanilang pananampalataya.

4. PANALANGIN NG BAYAN

Dadasalin ngayon ang panalangin ng bayan. Sisimulan ito ng ministro

PAGBABASBAS
at bibigkasin ng ministrong katuwang ang mga kahilingan ng bayan.
Mula sa mga sumusunod na mga kahilingan, maaaring piliin iyong
mga pinakaangkop sa pagdiriwang, o kaya’y maaaring lumikha ng ibang
kahilingang tumutukoy sa natatanging sitwasyon.

Pari:
Nagpasya ang Panginoon ng kalangitan na, sa
pamamagitan ng pagkatao ni Kristo mananahan ang
kaganapan ng kanyang pagkadiyos tulad ng pananahan
niya sa isang templo. Halina’t dumulog tayo sa kanya,
at sabihin natin:

Bayan:
Subaybayan mo kami mula sa langit,
O Panginoon, at pagpalain mo ang iyong bayan.
380 PAGBABASBAS SA MGA TAO

o kaya:

Bayan:
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Namumuno:
Amang Makapangyarihan, sa Paskwa ng Exodo,
naaninag ang banal na landas ng iyong bayan patungong
kaligtasan; sa lahat ng landas na aming tatahakin,
manatili nawa kaming tapat nang buong puso sa iyo.
Manalagin tayo: Tugon.
Namumuno
Itinatag mo ang iyong Simbahan dito sa lupa bilang
santuwaryo ng tunay na liwanag upang makita ang lahat;
itulot mong marami nawang tao ang tumuloy sa
santuwaryong ito upang tumahak sa iyong landas.
Manalagin tayo: Tugon.
Namumuno
Sinabi mo sa amin na sa mundong ito walang tahanan
ang hindi maglalaho; palagi nawa naming hanapin ang
bayang darating sa wakas ng panahon. Manalagin tayo:
Tugon.
Namumuno
Turuan mo ang lahat ng mananampalataya sa iyo na
makilala ang mga tanda ng iyong pananahan sa lahat ng
Sa mga Naglalakbay sa Banal na Pook
bago sila Umuwi o sa Pagdating nila 381

landasin sa buhay; itulot mong tulad ng mga disipulo sa


Emmaus, makilala namin si Kristo bilang kasama sa
aming paglalakbay, at makilala siya sa paghahati-hati ng
tinapay. Manalagin tayo: Tugon.

5. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Dadasalin ng namumuno ang panalangin ng pagbabasbas samantalang


nakaunat ang kanyang mga kamay.

PAGBABASBAS
Kapuri-puri ka, O Diyos, Ama ng aming Panginoong
Hesukristo. Mula sa tanang salinlahi ng sangkalupaan,
pinili mo ang isang bayang nakatalaga sa iyo, na handang
gumawa ng kabutihan. Ang iyong biyaya ang nagkintal
ng puso nitong mga kapatid mo upang ika’y higit pang
ibigin at bukas-loob na paglingkuran. Hinihiling namin
na basbasan mo sila upang maipahayag nila ang mga
kahanga-hanga mong gawa at mabigyang patunay ang
mga ito sa kanilang buhay. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan:
Amen.
382 PAGBABASBAS SA MGA TAO

6. PANGWAKAS

Wawakasan ng ministro ang pagdiriwang sa pamamagitan ng


pagbigkas ng sumusunod:
Pari:
Ang Diyos, ang Panginoong ng langit at ng lupa, ang
bukas-loob na gumabay sa inyong paglalakbay, ay
patuloy nawang kumalinga sa inyo.

Bayan:
Amen.

Pari:
Ang Diyos sa pamamagitan ni Kristo Hesus, ang nagtipon
ng lahat niyang mga anak na nagkawatak-watak, ay
magkaloob nawa sa inyo ng iisang puso’t diwa kay
Hesukristo.

Bayan:
Amen.

Pari:
Ang Diyos, sa kanyang kabutiha’y naghimok sa ating
kalooban ng lahat ng ating mga ninanais at gustong
Sa mga Naglalakbay sa Banal na Pook
bago sila Umuwi o sa Pagdating nila 383

abutin; magbigay nawa siya ng lakas sa ating


pananampalataya dulot ng kanyang pagpapala.

Bayan:
Amen.

Pari:
At pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos Ama,

PAGBABASBAS
Anak, + at Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.

Mainam kung magtatapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng angkop


na awit.
384 PAGBABASBAS SA MGA TAO

ANG RITU PARA SA PAGBABASBAS NG MGA


MAGLALAKBAY

Ang kaugaliang magkaroon ng mga natatanging na panalangin upang


hilingin ang pamamatnubay ng Diyos sa mga maglalakbay, isang
kaugaliang sinasabi ng Banal na Kasulatan, ay kailangang igalang.
Ang ritu ng pagbabasbas na makikita sa kabanatang ito ay isang
huwaran ng mga nasabing panalagin na nagpapanatili sa kaugaliang
ito. Maaring gamitin ang ritung ito sa pagkakataong may mangibang
bansa, kahit pansamantala lamang upang maghanap ng trabaho, o
kaya, para, sa mga taong magbabaskayon.

Itong kasalukuyang ritu ay maaaring gamitin ng pari, diyakono, o ng


layko. Habang pinananatili ang pagsunod sa balangkas at sa mga
pinakamahalagang bahagi ng ritu, kailangang ibagay ng ministro ang
pagdiriwang sa pangangailangan ng natatanging lugar at ng mga taong
dumalo.

Kapag isang tao lamang ang maglalakbay, o isang maliit na grupo ang
babasbasan, maaaring gamitin ang maiksing pormularyo na makikita
sa blg. 635-638.

Ang Ritu ng Pagbabasbas

1. PASIMULA
Kapag natipon na ang sambayanan, sasabihin ng ministro:
Rito sa Pagbabasbas ng mga Maglalakbay 385

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Magkukrus ang lahat at tutugon:


Amen.

Babatiin ng ministro, pari man o diyakono, ang mga taong dumalo sa


pamamagitan ng sumusunod na pangungusap o anumang mga salitang
angkop na hango sa Banal na Kasulatan.

PAGBABASBAS
Ang Panginoong Diyos, ang liwanag na nagmula sa
kalangitan, ang tanglaw sa ating mga hakbang tungo sa
kapayapaan, nawa’y sumainyong lahat.

Tutugon ang lahat:


At sumaiyo rin.

Sa pamamagitan ng mga sumusunod na pangungusap o anumang


katumbas nito, ihahanda ng ministro ang lahat ng dumalo para sa
pagbabasbas.

Halina’t ipaubaya natin sa Panginoon ang mga kapatid


nating maglalakbay. Manalangin tayo na bigyan nawa
sila ng Panginoon ng isang matagumpay na paglalakbay
at, samantalang sila’y naglalakbay, purihin nila ang
386 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Panginoon sa lahat ng kanyang nilikha; maranasan nawa


nila ang kabutihan ng Diyos sa kagandahang-loob na
kanilang matatangap, at dalhin nila ang Magandang
Balita ng kaligtasan sa lahat ng makikilala nila; maging
magalang nawa sila sa lahat, at malugod nilang kilalanin
ang mga dukha’t nahahapis, at matuto silang magbigay
galak at tumulong sa kapwa.

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Babasahin ng isa sa mga dumalo o ng ministro ang isang teksto na


hango sa Banal ng Kasulatan.

Lucas 3:3-6

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas


Dumating sa kanya ang salita ng Diyos, kaya’t nilibot
niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan at
nangaral “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga
kasalanan at pabautismo kayo upang kayo’y patawarin
ng Diyos”, wika niya. Sa gayo’y natupad ang nasusulat
sa aklat ni Propeta Isaias: “Ito ang sabi ng isang
sumisigaw sa ilang. ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng
Rito sa Pagbabasbas ng mga Maglalakbay 387

Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!


Tatambakan ang bawat lambak, at titibagin ang bawat
burol at bundok. Tutuwirin ang daang liku-liko, at
papatagin ang daang baku-bako. At makikita ng lahat
ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon


Bayan:

PAGBABASBAS
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

o kaya:

Deuteronomio 6:4-9
Ang mga utos niya’y itanim ninyo sa lahat ng lugar at sa
lahat ng panahon.

o kaya:
Genesis 12:1-2 – Pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo.

Genesis 28:10-16 – Susubaybayan kita at ipagtatangol saan ka man


magpunta.

Tobit 5:17-22 – patnubayan ka nawa ng Diyos sa kalangitan sa


landas na tatahakin, at makabalik kang ligtas at maluwalhati.
388 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Lucas 24:13-35 – Lumapit si Hesus at nakisabay sa kanila.

Lucas 4:1-11 – Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.

Kung hinihingi ng pagkakataon, isa sa mga salmo responsoryo ang


maaring awtin o basahin, o anumang angkop na awit.

Bayan:
Ang Panginoon ang ating pastol;
hindi ako nangangailangan na anuman.

Awit 23
Awit 25:5-6, 9-10, 12-13

Bayan:
Ituro mo sa akin ang kalooban mo, O Panginoon.

Awit 91:1-2, 10-11, 12-13, 14-15

Bayan:
Susuguin niya ang kanyang mga anghel, sila’y susubaybay
kahit saang dako maparoon tiyak iingatan sila.

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG


Rito sa Pagbabasbas ng mga Maglalakbay 389

Kung hinihingi ng pagkakataon, magbibigay ang ministro ng maikling


paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos sa mga dumalo, upang
maintindihan nila ang kahulugan ng pagdiriwang sa pamamagitan ng
kanilang pananampalataya.

4. PANALANGIN NG BAYAN

Dadasalin ngayon ang panalangin ng bayan. Sisimulan ito ng ministro


at bibigkasin ng ministrong katuwang ang mga kahilingan ng bayan.

PAGBABASBAS
Mula sa mga sumusunod na mga kahilingan, maaaring piliin iyong
mga pinakaangkop sa pagdiriwang, o kaya’y maaaring lumikha ng ibang
kahilingang tumutukoy sa natatanging sitwasyon. Pagkatapos ng
panalangin ng bayan, susunod agad ang panalangin ng pagbabasbas.

Sasabihin ng ministro:
Ang Panginoong Diyos ang pinanggalingan at
patutunguhan ng bawat landas na ating tinatahak.
Halina’t dumulog tayo sa kanya na may pagtitiwala, at
sabihin natin:

Bayan:
Panginoon, gabayan mo ang bawat hakbang namin.
390 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Namumuno:
Amang banal, ipinagkaloob mo ang iyong bugtong na
Anak bilang aming daan patungo sa iyo; turuan mo
kaming sumunod nang walang pag-aatubili saan man
kami dalhin. Manalangin tayo: Tugon.
Namumuno:
Sa bawat sandali’t pook, malapit ka sa mga taong
naglilingkod sa iyo; alagaan mo ang mga kapatid namin
upang madama nilang kasama ka sa paglalakbay, habang
umaasa silang namuhay sa piling mo sa kalangitan.
Manalangin tayo: Tugon.
Namumuno:
Noong unang panahon pa, pinili mong maging gabay at
daan ng iyong bayan habang naglalakbay sila sa ilang;
ikaw nawa ang tagapaglingap namin sa aming
paglalakbay upang ligtas kaming makabalik sa aming
bayan. Manalangin tayo: Tugon.
Namumuno:
Ginawa mong isa sa mga tanda ng iyong kahariang
darating ang kabutihang-loob ng tao sa mga dayuhan;
makakita nawa ng sariling tahanan ang mga taong walang
tirahan. Manalangin tayo: Tugon.
Rito sa Pagbabasbas ng mga Maglalakbay 391

Kung walang panalangin ng bayan at bago dasalin ang panalangin


ng pagbabasbas, sa pamamagitan ng mga sumusunod na
pangungusap, aanyayahan ng lahat ng dumalo upang hilingin ng
tulong ng Diyos.

Pari:
Panginoon, turuan mo kaming tahakin ang iyong mga
landas, Panginoon kawaan mo kami.

PAGBABASBAS
Bayan:
Panginoon kawaan mo kami.

Pari:
Panginoon , ipaabot mo sa amin ang tulong mo mula sa
iyong luklukan: Panginoon kawaan mo kami.

Bayan:
Panginoon kawaan mo kami.

Pari:
Panginoon, maging tunay na lakas ka nawa para sa amin:
Panginoon kawaan mo kami.
392 PAGBABASBAS SA MGA TAO

Bayan:
Panginoon, kawaan mo kami.

Pari:
Panginoon, iligtas mo ang iyong lingkod na umaasa sa
iyo: Panginoon, kawaan mo kami.

Bayan:
Panginoon, kawaan mo kami.

6. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Bibigkasin ng ministro, pari man o diyakono, ang panalangin ng


pagbabasbas samantalng nakaunat ang kanyang mga kamay. Bibigkasin
ng ministrong layko ang panalanging ito samantalang magkalakip ang
kanyang mga kamay.

Makapangyarihan at maawaing Diyos, inakay mo sa


lupang tuyo ang angkan ng Israel sa gitna ng hinating
dagat; ginabayan mo sa Iyong anak ang mga mago sa
pamamagitan ng tala. Tulungan mo ang aming mga
kapatid, at pagkalooban mo sila ng isang ligtas na
paglalakbay. Dulot ng iyong paglingap, marating nawa
Rito sa Pagbabasbas ng mga Maglalakbay 393

nila ang kanilang patutunguhan, at makamtan sa


katapusan ang walang-hanggang daungan ng kaligtasan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon.

Bayan:
Amen.

o kaya:

PAGBABASBAS
Bibigkasin ng ministro na sasama sa mga manlalakbay ang sumusunod
na panalangin.

Diyos na makapangyarihan at walang-hanggan, noong


umalis si Abraham sa kanyang lupang tinubuan at
lumisan sa sarili niyang bayan, tiniyak mong ligtas ang
kanyang paglalakbay sa lahat ng panahon. Kalingain mo
kami, kami’y iyong mga lingkod; maging kasama ka nawa
namin sa aming paglisan, aming lakas sa panahon ng
paglalakbay, at aming kanlungan sa bawat matagpuang
kahirapan. Patnubay mo kami Panginoon upang ligtas
naming marating ang aming mga tahanan. Hinihiling
394 PAGBABASBAS SA MGA TAO

namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming


Panginoon.

Bayan:
Amen.

7. PANGWAKAS

Wawakasan ng ministro, pari man o diyakono, ang pagdiriwang sa


pamamagitan ng pagbigkas ng mga sumusunod:

Patuloy nawang suma-atin ang Panginoon. At sa kanyang


awa ay patnubayan nawa tayo sa ating paglalakbay sa
paraang kalugod-lugod sa kanya. Hinihiling naming ito
sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.

Bayan:
Amen.

At pagpalain nawa kayo ng Makapangyarihang Diyos


Ama, Anak, at ng Anak, + at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.
Rito sa Pagbabasbas ng mga Maglalakbay 395

Hinihiling ng ministrong layko ang pagpapala ng Diyos sa mga


maglalakbay at sa lahat ng dumalo sa pamamagitan ng pagkukrus ng
sarili at sa pagbibigkas ng sumusunod:

Pagpalain nawa tayo ng Makapangyarihang Diyos, at


dingin ang ating mga panalangin para sa isang ligtas na
paglalakbay.

PAGBABASBAS
Bayan:
Amen.
396 PAGBABASBAS SA MGA TAO

MAIKLING ANYO NG RITU


Sasabihin ng ministro:
Ang tumutulong sa atin ay ang Panginoon.

Tutugon ang lahat:


Na may gawa ng langit at lupa.

Bibigkasin ng isa sa mga dumalo o ng ministro ang teksto mula sa


Banal na Kautusan, halimbawa:

Tobit 4:19a
Juan 14:6

At bibigkasin ng ministro ang panalangin ng pagbabasbas.


Ang Panalangin sa pahina 1074-1075.

o kaya:
Pagpalain nawa kayo ng Panginoon nang maluwalhati
niyang biyaya, at pagkalooban kayo ng ligtas na
paglalakbay; matagpuan nawa ninyo Siya bilang inyong
tagapaglingap kahit saan man kayo pupunta. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan:
Amen.
Maikling Anyo ng Rito 397

PAGBABASBAS
PAGBABASBAS NG MGA GUSALI
398 AT IBA’T-IBANG MGA GAWAIN

IKALAWANG KABANATA:
PAGBABASBAS NG MGA GUSALI AT IBA’T-IBANG
MGA GAWAIN

I. PAGBABASBAS NG BAGONG TAHANAN


O GUSALI

A. PASIMULA

Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.

Pari:
Maghari nawa ang kapayapaan sa tahanang ito
at sa mga naninirahan dito.

B. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Pari:
Mga kapatid,
halina’t makinig sa Banal na Salita ng Diyos
Pagbabasbas ng Bagong Tahanan o Gusali 399

nang makintal sa ating puso at diwa


ang aral na gabay ng mag-anak sa kanilang buhay.

1. MABUTING BALITA
Lucas 10, 5-9

Ang kaligtasa’y dumating ngayon sa sambahayang ito.

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

PAGBABASBAS
Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo,
“Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung
maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila
ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila
magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay na inyong
tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot
nila sa inyo — sapagkat ang manggagawa ay may
karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong
magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa
alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo;
pagalingin ninyo ang mga maysakit doon, at sabihin sa
bayan, ‘Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


PAGBABASBAS NG MGA GUSALI
400 AT IBA’T-IBANG MGA GAWAIN

Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

o kaya:

Genesis 18:1-10a

Markos 1:29-30

Lucas 10:5-9

Lucas 24:28-32

2. PANGARAL

3. PANALANGING PANGKALAHATAN

Pari:
Mga kapatid, halina’t dumulog sa Ama na bukal ng buhay
ng lahat ng mga mag-anak at sambahayan.

Bayan:
Sapagkat lubha kang maawain.
Pagbabasbas ng Bagong Tahanan o Gusali 401

May-ari:
Amang mapagmahal,
loobin mong pamayanihan
ng tapat na pagmamahalan ang aming tahanan.
Iniluluhog namin: Tugon.
May-ari:
Amang mapagkalinga,
loobin mong maging bukas-palad kaming lagi
sa mga kapos-palad, dukha at sawi.

PAGBABASBAS
Iniluluhog namin: Tugon.
May-ari:
Amang Maykapal,
loobin mong maging masigasig kami
sa pagpapalaganap ng iyong paghahari.
Iniluluhog namin: Tugon.

Pari:
Aming Ama,
sa iyong kagandahang-Ioob,
ibinigay mo sa amin ang iyong buhay at pagmamahal.
Tangkilikin mo ang iyong namimintuhong angkan,
yamang ikaw ang pinagmumulan
ng kanilang mabuting pagsasamahan.
PAGBABASBAS NG MGA GUSALI
402 AT IBA’T-IBANG MGA GAWAIN

Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo


kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

C. PAGGANAP SA PAGBABASBAS

ltataas ng pari ang kanyang mga kamay na waring lumulukob sa tanan


habang siyay dumadalangin:

Manahan ka, Panginoong Hesukristo,


sa piling ng mga nagpapasinaya sa bahay na ito
at humihiling ng pagbabasbas sa iyo
upang sa paglagi rito’y kanilang madama
ang iyong pagkupkop, upang sa paglabas dito’y
kanilang makamit ang iyong pagtataguyod
at upang sa pagbalik dito’y kanilang mapaunlakan
ang iyong pagpasok hanggang tana’y sumapit
sa iyong inihandang tahanan
sa maligayang pagpisan sa iyong Ama sa kalangitan, hari
naming nabubuhay kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Pagbabasbas ng Bagong Tahanan o Gusali 403

Bayan:
Amen.

D. PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG

Pari:
Ang banal na tubig nawang ito
ay magpaalaala ng pakikiisa
sa kamataya’t pagkabuhay ni Kristo

PAGBABASBAS
sa sakramento ng binyag.

E. PAGWAWAKAS

Pari:
Ang kapayapaang kaloob ni Kristo
ay maghari nawa sa ating puso,
at ang salita ni Kristo ay manahang lubusan
sa ating kalooban
upang anuman ang ating ganapin sa salita o gawa
ay mangyaring lahat sa ngalan ng Panginoon
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
PAGBABASBAS NG MGA GUSALI
404 AT IBA’T-IBANG MGA GAWAIN

II. PAGBABASBAS NG TULAY, DAAN AT SASAKYAN

A. PASIMULA

Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.

Pari:

Si Kristo, na Anak ng Diyos, ay dumating sa daigdig


upang kanyang tipunin ang mga nagkawatak-watak na
mga anak ng Diyos. Anumang daan at sasakyang
naghahatid sa mga tao para magkatipun-tipon ay pawang
naaayon sa layunin ng Diyos na naghahangad pag-isahin
ang mga pinaglalayo ng mga bundok at ilog at
magkakahiwalay na pook.

Halinang manalangin sa Panginoon upang kanyang


basbasan ang mga nagsigawa at makikinabang sa mga
daan at sasakyan.
Pagbabasbas ng Tulay, Daan at Sasakyan 405

B. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1. MABUTING BALITA
Juan 14, 6-7

Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

PAGBABASBAS
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Ako ang daan,
ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta
sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung ako’y kilala
ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon
ay kilala na ninyo siya at inyong nakita.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

2. PANGARAL

3. PANALANGIN NG PAGBABASBAS
PAGBABASBAS NG MGA GUSALI
406 AT IBA’T-IBANG MGA GAWAIN

Pari:
Manalangin tayo.

A Para sa Mga Tulay, Daan, at Riles ng Tren

Ama naming makapangyarihan,


ikaw ay kapiling naming lahat
upang itaguyod ang nagtitiwala sa iyong piling.
Sa iyong pagpapala pangunahan mo
ang mga daraan dito at samahan mo sa paglalakbay
upang sa iyong tulong makamtan nila
ang tanang inaasam
at maluwalhating makarating sa paroroonan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.

B Para sa Mga Sasakyang Panlupa

Ama naming makapangyarihan,


ikaw ang lumikha ng langit at Iupa.
Sa iyong kapasyahan,
ipinagkatiwala mo sa mga tao
Pagbabasbas ng Tulay, Daan at Sasakyan 407

ang dapat gampanan sa daigdig na ito.


Ipagkaloob mo sa mga maglalakbay
sa pamamagitan nitong sasakyan
ang paglingap sa kaligtasan ng tanan.
Sa kanilang pagparoon sa gawain o sa paglilibang,
iyong ipadamang si Kristo’y kasama sa daan
bilang Panginoong nabubuhay
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

PAGBABASBAS
Bayan:
Amen.

C Para sa Sasakyang Panghimpapawid

Ama naming makapangyarihan,


papawiring-ulap ang iyong sasakyan,
bagwis na hangin ang iyong tuntungan.
Ipagkaloob mong ang sasakyang ito
na ginawang mahusay ng talino ng tao
ukol sa paglalakbay sa himpapawid
ay matiwasay na makarating sa paroroonan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.
PAGBABASBAS NG MGA GUSALI
408 AT IBA’T-IBANG MGA GAWAIN

Para sa Mga Sasakyang Pantubig


D
Ama naming maawain,
kalugdan mo ang aming panalangin
ngayong paglingap mo ang aming hinihiling
upang iadya mo sa pagkapahamak
ang sasakyang ito para sa ilog at dagat.
Manaig nawa ang iyong kapangyarihan
sa ibabaw ng daluyong at along nagsasalpukan.
Itaguyod mo sa pagsapit sa daungan
ang mga naglalayag sa dagat nitong buhay
sa pamamagitan ni Hesukristo,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.

Magaganap ang pagwiwisik sa mga tao at sa mga bagay na


binabasbasan pagkapanalangin.
Pagbabasbas ng Tulay, Daan at Sasakyan 409

C. PAGWAWAKAS

Pari:
Patnubayan kayo ng Poong Maykapal
sa inyong paglalakbay
upang sumainyo ang kapayapaan
at maluwalhating pagdating
sa buhay na walang hanggan.

PAGBABASBAS
Bayan:
Amen.
PAGBABASBAS NG MGA GUSALI
410 AT IBA’T-IBANG MGA GAWAIN

III. PAGBABASBAS NG SASAKYAN

A. PAGBASA
Gawa 8 26-29

Pagbasa mula sa mga gawa ng mga Apostol

Pagkatapos, si Felipe naman ay inutusan ng isang anghel


ng Panginoon, “pumunta ka agad sa timog sa daang
patungong Gaza, mula sa Jerusalem.” Kaya’t naparoon
si Felipe. Sa darating naman ang isang Etiopeng eunuko.
Siya ang tagapamahala sa lahat ng kayamanan ng
Candace o Reyna ng Etiopia. Nagpunta siya sa Jerusalem
at sumamba sa Diyos. Siya’y pauwi na noon, nakasakay
sa kanyang karwahe at nagbasa ng aklat ni Propeta Isaias.
“Sabayan mo ang sasakyang iyon,” sabi ng Espiritu kay
Felipe.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:
Salamat sa Diyos.
Pagbabasbas ng Sasakyan 411

B. SALMO 23

Bayan:
Patnubayan mo ako, Panginoon, sa mga tumpak na
landas.

Ang Panginoon ay aking Pastol,


hindi ako mangangailangan ng anuman.
Ako’y inilalagay niya sa mga sariwang pastulan.

PAGBABASBAS
Inaakay ako sa tabi ng tubig na aking pahingahan. Tugon.

Maglakad man ako sa madilim na libis


ay wala akong katatakutang masama,
sapagkat ikaw ay sumasa akin.
Ang iyong pamalo at tungkod
ang siyang nagpapasigla sa akin. Tugon.

Pawang kabutihan lamang at kagandahang-Ioob


ang taglay ko sa lahat ng araw ng aking buhay.
Ako’y maninirahan
sa bahay ng Panginoon magpakailanman. Tugon.

Dasalin ang “Ama Namin.”


PAGBABASBAS NG MGA GUSALI
412 AT IBA’T-IBANG MGA GAWAIN

Pari:
Manalangin tayo.

O Panginoon,
Ikaw ay naglakbay sa iba’t ibang nayon at bayan,
nagkaloob ng iyong mga biyaya at pagpapala.
Pagpalain mo + ang sasakyang ito
na gagamitin ng iyong mga lingkod sa iyong kapurihan.
Ingatan at lingapin ang mga sasakay dito,
sa tulong ng iyong mga anghel;
iligtas sila sa panganib at sakuna.
Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan:
Amen.
P a g b a b asbas at Paglu luklok sa
Imahen ng Mahal na Puso ni Hesus 413

IKATLONG KABANATA:
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARYO AT
KASANGKAPAN SA PANALANGIN.

I. PAGBABASBAS AT PAGLULUKLOK
SA IMAHEN NG MAHAL NA PUSO NI HESUS

A. PASIMULA

PAGBABASBAS
Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.

Pari:
Ang imahen ng Mahal na Puso ay nagpapahayag ng
pananampalataya ng namimintuho at ng pag-ibig ng ating
Panginoon. Sa pagbabasbas sa imaheng ito, ipinapasya
nating iugnay dito ang ating pamumuhay bilang mga
Kristiyano at ang ating kinabukasan para sa atin ay
kinamtan ni Kristo.
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
414 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

B. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

a. PAGBASA
2 Corinto 3,17 - 4,1-2

Tayong lahat ay binabago sa ating anyo


upang maging lalong maningning
hanggang sa maging mistulang larawan ng Panginoon na Espiritu.

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Corinto

Ang Panginoon ay ang Espiritu, at kung saan naroon ang


Espiritu ng Panginoon, naroon din ang kalayaan. At
ngayong naalis na ang talukbong sa ating mukha, tayong
lahat ang nagiging sinag ng kaningningan ng Panginoon.
At ang kaningningang iyon na nagmumula sa Panginoon,
na siyang Espiritu, ang bumabago sa ating anyo upang
maging mistulang larawan niya.

Dahil sa habag ng Diyos, hinirang niya ako para sa


gawaing ito kaya naman malakas ang aking loob.
Tinalikdan ko na ang mga gawang kahiya-hiya at
ginagawa nang palihim. Hindi ako nanlilinlang at hindi
P a g b a b asbas at Paglu luklok sa
Imahen ng Mahal na Puso ni Hesus 415

ko pinipilipit ang Salita ng Diyos. Sa halip, hayagan kong


ipinangaral ang katotohanan at ito’y alam ng Diyos.
Kaya’t handa akong pahatol kaninuman.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:
Salamat sa Diyos.

PAGBABASBAS
C. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Pari:
Mga kapatid,
manalangin tayo sa Diyos Ama
na nagpahayag ng kanyang dakilang pag-ibig
sa pamamagitan ni Hesukristo
upang tayo ay makawangis niya
sa pamumuhay na ayon sa pananampalataya.

Tahimik na mananalanging saglit ang tanan.

Kapuri-puri ka,
Poong bukal ng tanang pagbabasbas at buhay.
Ikinagagalak mo ang katapatan
ng mga tapat sa iyong pagmamahal.
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
416 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

Lukuban mo kaming dumadalanging


sa pagluluklok sa banal na imahen
maipahayag ang pananalig namin
upang makawangis ang iyong Anak na giliw
na siyang Panginoon naming nabubuhay
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

D. PAGLULUKLOK

1. PAGHAHANDOG KAY KRISTONG HARI

Pari:
Hesus na maibigin, tagapagligtas namin,
inihahandog namin sa iyo ang buong buhay
ng mga namamanatang nakaluhod
sa iyong harapan sa pagtatalaga ng sarili
sa Puso mong mahal.

Bayan:
Kapuri-puri ka, Hari naming mahal.
P a g b a b asbas at Paglu luklok sa
Imahen ng Mahal na Puso ni Hesus 417

Pari:
Kaawaan mo ang mga hindi pa nakakakilala
o tumatanggi sa iyong pagsinta.
Sa iyong pag-ibig akitin mo sila.

Bayan:
Kapuri-puri ka, Hari naming mahal.

Pari:

PAGBABASBAS
Maghari ka sa lahat ng tapat sa iyo
at gayun din sa mga taksil na tao.
Ang mga alibughang anak ay iyong akaying
pabalik sa tahanan ng Diyos Ama sa langit.

Bayan:
Kapuri-puri ka, Hari naming mahal.

Pari:
Maghari ka sa mga nasa kamalian,
at gayundin sa mga nag-aalitan.
Gawin mong maganap ngayon kaagad
ang pagkakaisang aming pinapangarap:
isang kawang sa iyo’y tapat
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
418 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

sa iyong pangangasiwang walang wakas,


dakilang Pastol ng tanang alagad.
Pagkalooban mo ng kalayaan at kapayapaan
ang iyong Simbahan sa lupang ibabaw.
Pagkalooban mo ng katarungan at kaayusan
ang lahat ng bansa sa sanlibutan.
Pagindapatin mong lahat ay magpahayag:
Mabuhay ang Pusong sa ami’y nagligtas.
Siya ang purihin at ipagdangal
magpasawalang hanggan.
Amen.

Bayan:
Kapuri-puri ka, Hari naming mahal.

Dadasalin ang “Ama namin”, “Aba Ginoong Maria” at “Papuri sa


Ama”.
Pagbabasbas sa mga Munting Imahen ng mga Banal 419

II. PAGBABASBAS SA MGA MUNTING IMAHEN NG


MGA BANAL AT MGA KASANGKAPAN SA
PANALANGIN

A. PAMBUNGAD

Pari:
Panginoon naming Diyos,
ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas.

PAGBABASBAS
Bayan:
Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.

Pari:
Ang larawan na inyong dinadala ngayon ay sagisag at
tanda ng inyong pananampalataya at pamimintuho sa
pagmamahal ng Diyos sa atin at sa mabisang tulong ng
Mahal na Birhen at ng mga Santo.

Hinihiling natin ang grasya at pagpapala ng Diyos sa


mga larawang ito, upang ang ating buhay ay maangkop
at maayon sa mga halimbawa at aral ni Hesus at ng mga
Santo. Sikaping mabuhay bilang mabubuting Kristiyano,
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
420 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

tumutupad ng mga tungkulin sa Diyos at sa kapwa,


upang maging mabisa ang ating mga panalangin.

1. PAGBASA
Roma 8:26-31

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Roma

Gayun din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating


kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto,
kaya’t ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin, sa
paraang di magagawa ng pananalita. At nauunawaan
ng Diyos na nakasasaliksik sa puso ng tao, ang ibig
sabihin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu’y lumuluhog
para sa mga banal, ayon sa kalooban ng Diyos. Alam
nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ang gumawa ng
kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag
ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikakabuti.
Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung
sino ang sa kanya; ang mga ito’y itinalaga niyang maging
tulad ng kanyang Anak, at sa gayon, naging panganay
natin siya. At ang mga itinalaga niya noong una pa ay
Pagbabasbas sa mga Munting Imahen ng mga Banal 421

kanyang tinawag. Ang mga tinawag niya ay kanya ring


pinawalang-sala at kanya namang binigyan ng
karangalan. Ano pa ang masasabi natin tungkol dito?
Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang laban sa atin?

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:

PAGBABASBAS
Salamat sa Diyos.

o kaya:
2. MABUTING BALITA
Lucas 11:5-13

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Sinabi pa rin niya sa kanila, “Ipalagay natin ang isa sa


inyo’y nagpunta sa isang kaibigan isang hating-gabi at
nagsabi, ‘Kaibigan, bigyan mo muna ako ng tatlong
tinapay. Dumating kasi ang isa kong kaibigang
naglalakbay at wala akong maihain sa kanya. At ganito
naman ang sagot ng kanyang kaibigan sa loob ng bahay,
‘Huwag mo nga akong gambalain! Nakatarangka na ang
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
422 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na


ako makababangon pa upang bigyan kita ng iyong
kailangan.’ Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon
dahil sa kanilang pagkakabigan, babangon siya upang
ibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit
nito. Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo at kayo’y
bibigyan; humanap kayo at kayo’y makasusumpong;
kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo.
Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi;
nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan
ang bawat kumakatok. Kayong mga ama, bibigyan ba
ninyo ng ahas ang inyong anak kung humingi ng isda?
Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya’y humihingi
ng itlog? Kung kayong masasama ay marunong magbigay
ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya
ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu
Santo sa mga humihingi sa kanya!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
Pagbabasbas sa mga Munting Imahen ng mga Banal 423

Pari:
Mga kapatid,
manalangin tayo sa Diyos Amang makapangyarihan
upang tayo ay maging kawangis ni Kristo
sa taimtim na pagdalangin
sa tulong ng mga larawan at dasalan.

Tahimik na mananalanging saglit ang tanan.

PAGBABASBAS
Pari:
Manalangin tayo.

O, Panginoong Diyos,
Ikaw ay bukal at simula ng lahat ng pagpapala at biyaya,
ibuhos mo ang iyong bendisyon +
sa mga larawang ito
na nagpapaalaala ng iyong kabutihan,
kabanalan at pagmamahal sa aming lahat
upang ang lahat na dumulog
at magdasal sa mga larawang ito
ay magtamo ng iyong awa at biyaya.
Loobin mong tularan nila ang kabanalan
at aral ng Panginoon at mga Santo.
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
424 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

III. PAGBABASBAS NG ROSARYO

Pari:
Panginoon naming Diyos,
ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas.

Bayan:
Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.

1. MABUTING BALITA
Lucas 2:46-52

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

At nang ikatlong araw, natagpuan nila si Hesus sa loob


ng templo, nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig
siya sa kanila at nagtatanong; at ang lahat ng nakarinig
sa kanya ay namangha sa kanyang katalinuhan. Nagtaka
rin ang kanyang mga magulang nang siya’y makita. Sinabi
ng kanyang ina, “Anak, bakit ganyan ang ginawa mo sa
amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa
paghahanap sa iyo.” Sumagot siya, “Bakit po ninyo ako
hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako’y dapat na nasa
Pagbabasbas ng Rosario 425

bahay ng aking Ama?” Ngunit hindi nila naunawaan


ang pananalitang ito. Siya’y umuwing kasama nila sa
Nazaret, at naging isang masunuring anak. Ang lahat ng
bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang
puso. Patuloy na lumaki si Hesus. Umunlad ang kanyang
karunungan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga
tao.

PAGBABASBAS
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Pari:
Mga kapatid,
manalangin tayo sa Diyos
na nagpagindapat paligayahin ang daigdig
pakundangan sa Mahal na Birheng Maria,
upang magkamit tayo
at ang (mga) rosaryong ito
ng pagbabasbas sa pamamagitan ni Kristo.

Tahimik na mananalanging saglit ang tanan.


PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
426 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

Sa pag-alala sa mga misteryo ng pagkakatawang-tao,


pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Kristo
at sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria,
magkamit nawa ng pagbabasbas
ang (mga) rosaryong ito:
sa ngalan ng Ama, at ng Anak, + at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.
Pagbabasbas sa mga Eskapulario / Habito / Damit 427

IV. PAGBABASBAS NG MGA ESKAPULARIO / HABITO


/ DAMIT

Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Pari:

PAGBABASBAS
Sa pamamagitan ng Anak na sumilang sa Mahal na
Birhen, ang lahat ng pagpapala at biyaya ay
ipinagkakaloob ng Diyos Ama sa atin. Sumainyo ang
kanyang biyaya at awa.
Bayan:
At sumaiyo rin.

Pari:
Ginagamit ng Diyos ang mga bagay na materyal upang
ipagkaloob sa atin ang kanyang awa at tulong. Sa
pamamagitan ng mga ito, ipinadadama ang ating
pasasalamat sa kanya. Sikaping gamitin ang mga ito sa
kanyang ikararangal upang ibuhos sa atin ang kanyang
awa sa pamamagitan ng Eskapulario/Habito/Damit na
ating binibendisyonan.
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
428 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

A. PAGBASA
2 Cor. 4:13- 15; 17

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Corinto

Sinasabi ng Kasulatan, “Nagsasalita ako sapagkat ako’y


sumasampalataya.” Bunga ng gayong diwa ng
pananampalataya, nagsasalita rin ako sapagkat ako ma’y
sumasampalataya. Sapagkat nalalaman kong ang Diyos
na muling bumuhay sa Panginoong Hesus ang siya ring
bubuhay sa akin kasama niya at magdadala sa inyo at sa
akin sa kanyang piling. Ang lahat ng pagtitiis ko ay sa
kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga
nakatatanggap ng mga kaloob ng Diyos, lalo namang
dumami ang magpapasalamat at magpupuri sa kanya.
Ang bahagya at panandaliang kapighatian dinaranas ko
ngayon ay magbubunga ng kaligayahang walang hanggan
at walang katulad.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:
Salamat sa Diyos.
Pagbabasbas sa mga Eskapulario / Habito / Damit 429

B. SALMO 65

Bayan:
Tugunin mo kami, O Diyos naming tagapagligtas.

Namumuno:
Dinalaw mo ang lupa at iyong dinilig;
pinataba mong lubha.
Ang ilog ng Diyos ay sagana sa tubig;

PAGBABASBAS
inihanda mo ang butil. Tugon.
Namumuno:
Binasa mo ang mga tudlin nito;
binungkal ang lupa, pinalambot sa ulan,
binasbasan ang kanyang mga supling.
Pinutungan mo ang taon ng iyong kabutihan
at sagana sa ani ang iyong mga landas. Tugon.
Namumuno:
Ang mga parang na di-nalilinang ay sagana sa ani,
ang mga burol ay nararamitan ng kasayahan.
Ang mga bukirin ay nabibihisan ng mga kawan
at natatakpan ng butil ang iyong lambak.
Naghihiyawan at nag aawitan sa galak. Tugon.

Dasalin ang “Ama Namin”.


PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
430 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

Pari:

O Panginoong Diyos,
basbasan mo + ang eskapulario / habito / damit na ito
sa karangalan ng Mahal na Puso /
Mahal na Birhen / Santo N.,
nawa’y maging daan at alulod ang mga ito
ng iyong biyaya.
Ang iyong lingkod ay nangangakong
maglingkod sa iyo at tutulong sa kanyang kapwa,
bilang alala ng iyong Mahal na Puso /
Mahal na Birhen / Santo N.
sa iyong ikararangal at ikabubuti ng iyong mga lingkod.
Paunlakan ang kanilang kahilingan
sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.

Bayan:
Amen.
Pagdalaw sa Puntod 431

V. PAGDALAW SA PUNTOD

Ang Ritung ito ay maaring gamitin sa pagdalaw sa puntod ng pamilya


o kaibigan. Ang buwan ng Nobyembre, lalo na ang Araw ng mga Santo
at Araw ng mga Banal, ay nakagawiang panahon ng pagdalaw sa
libingan, gayun din ang anibersaryo ng pagkamatay.

1. PASIMULA

PAGBABASBAS
Namumuno:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.

Namumuno:
Purihin ang Diyos na bumuhay na muli kay Hesukristo.

Bayan:
Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.

2. PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


2 Corinto 5:1-5 (o Romano 8:38-39; o anumang angkop na
pagbasa.)
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
432 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Corinto

Talos natin na kapag nasira ang toldang tinatahanan


natin ngayon, ang ating katawang-lupa, tayo’y may
tahanan sa langit, hindi nasisira, isang tahanang ginawa
ng Diyos, hindi ng tao. Dumaraing nga tayo sa tirahan
nating ito at labis nating pinanabikan ang tahanang
panlangit upang kung maibsan na tayo nito, hindi tayo
matatagpuang hubad. Habang tayo’y nakatira pa sa
toldang ito — sa katawang-lupa — tayo’y namimighati’t
dumaraing, hindi upang mawala ang katawang panlupa
kundi upang mapalitan ng katawang panlangit. At sa
gayon, ang buhay nating may katapusan ay mapapalitan
ng buhay na walang hanggan. Ang Diyos na rin ang
nagtalaga sa atin para sa pagbabagong ito at ipinagkaloob
niya sa atin ang Espiritu bilang katunayan na babaguhin
niya tayo.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:
Salamat sa Diyos.
Pagdalaw sa Puntod 433

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG

4. PAGLUHOG
(Hinango sa “Panlangin ng mga Kristiyano sa Maghapon”)

Namumuno:
Kinikilala natin si Kristong Panginoon na siyang ating
inaasahan upang ang ating marupok na katawa’y matulad
sa kanya sa kaluwalhatian. Ating wikain:

PAGBABASBAS
Bayan:
Panginoon, ikaw ang aming buhay at muling
pagkabuhay.

Namumuno:
O Kristong Anak ng Diyos, na bumuhay kay Lazaro na
iyong kaibigan, mula sa mga patay: buhayin at
luwalhatiin ang mga yumao na iyong tinubos sa
pamamagitan ng iyong dugong banal. Tugon.
Namumuno:
O Kristong tagapag-aliw sa mga nagdadalamhati,
pinahiran mo ang mga luha ng angkan ni Lazaro: aliwin
ang nagdadalamhati dahil sa mga yumao. Tugon.
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
434 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

Namumuno:
O Kristong Tagapagligtas, wasakin ang paghahari ng
kasalanan sa aming katawang makasanlibutan upang
matamo namin sa pamamagitan mo ang walang
hanggang buhay. Tugon.
Namumuno:
O Kristong Manunubos, tunghayan ang mga walang pag-
asa dahil hindi ka nakikilala. Makatatanggap nawa sila
ng pananampalataya sa muling pagkabuhay at sa buhay
na walang hanggang buhay. Tugon.
Namumuno:
Ipinahayag mo ang iyong sarili sa isang taong bulag na
humihingi sa iyo ng liwanag para sa kanyang mga mata.
Ipakita ang iyong mukha sa mga namatay na pinagkaitan
ng iyong liwanag. Tugon.
Namumuno:
Kapag dumating na ang panahong maglaho na ang aming
pansamantalang tirahan sa sanlibutan, bigyan kami ng
isang tahanang di tulad ng gawa sa lupa, kundi tirahang
walang hanggan doon sa kalangitan. Tugon.

Maaring magdagdag ng iba pang kahilingan.


Pagdalaw sa Puntod 435

5. AMA NAMIN
Pari:
Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos kay
Hesukristo na ating Panginoon.
Bayan:
Ama Namin ...

6. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

PAGBABASBAS
Namumuno:
Panginoong naming Diyos na walang katapusan,
ang habag mo ay walang hanggan.
Lagi mong ipaalaala sa amin
na maikli ang buhay at ang oras ng kamatayan
ay lingid sa aming kabatiran.
Gabayan sana ng iyong Banal na Espiritu
ang mga araw namin sa mundong ito
upang lagi naming tahakin
ang daan ng kabanalan at katarungan.
Kaisa ng iyong simbahan,
mapaglingkuran ka sana namin
sa matinding pananampalataya,
matatag na pag-asa at sa pag-ibig na ganap.
At sa pagwawakas ng aming paglalakbay
sa daigdig na ito,
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
436 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

akayin mo kami nang may galak


patungo sa iyong kaharian,
kung saan ka nabubuhay magpakailanman.

Bayan:
Amen.

Namumuno:
Pagkalooban mo sila ng kapayapaang walang hanggan.

Bayan:
Silayan mo sila ng liwanag na walang katapusan.

Namumuno:
Mapanatag sila sa kapayapaan.

Bayan:
Amen.

Namumuno:
Kahabagan ng Diyos ang kanilang kaluluwa at ng lahat
ng mga mananampalataya, at mapanatag sila sa
kapayapaan.
Pagdalaw sa Puntod 437

Bayan:
Amen.
Ang lahat ay mag-aantanda sa pagwawakas ng Namumuno.
Namumuno:
Sa kapayapaaan ng Diyos, atin sanang matanto ang
dakilang pag-ibig niya at ng kanyang Anak na ating
Panginoon Hesukristo.

Bayan:

PAGBABASBAS
Amen.

Maaring isunod ang pagdarasal ng Rosaryo.


PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
438 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

VI. PAGBABASBAS NG “CHRISTMAS TREE”

Kapag naisaayos na ang “Christmas tree” ang sambahayan ay


nakapaligid na magtitipon dito para sa panalangin ng pagbabasbas.

1. PASIMULA

Namumuno:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Namumuno:
Purihin at ipagdangal ang Panginoon.
Bayan:
Ngayon at magpakailanman.

Namumuno:
Ang “Christmas tree” na ito ay isang pagpapala sa ating
tahanan. Ito ay tanda ng kagandahan, kabutihan at
pangako ng Maykapal. Ito ay nagpapaalaala na tayo ay
tinatawag upang magbigay ng liwanag at ganda sa bawat
isa. Sa pamamagitan ng “Christmas tree” na ito, naaalaala
Pagbabasbas ng “Christmas Tree” 439

rin natin ang puno na nakatayo sa Paraiso at ang puno


ng kaligtasan, — ang krus ng buhay na kung saan si Kristo
ay nabayubay.
Bayan:
Amen.

2. PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Tito 3;4-7 (o Salmo 96:11-13; o anumang angkop na pagbasa)

PAGBABASBAS
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Tito

Ngunit nang mahayag ang kagandahang-loob at pag-ibig


ng Diyos na ating Tagapagligtas, tayo’y iniligtas niya.
Natamo natin ito hindi dahil sa ating mabuting gawa,
kundi sa kanyang habag sa atin. Naligtas tayo at
ipinanganak na muli sa Espiritu Santo na siyang luminis
at nagbigay ng bagong buhay sa atin. Sa pamamagitan
ng ating Tagapagligtas na si Hesukristo, ibinuhos sa atin
ng Diyos ang Espiritu Santo upang tayo’y pabanalin ng
kanyang pag-ibig at kamtan natin ang buhay na ating
inaasahan.

Ang Salita ng Diyos.


PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
440 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

Bayan:
Salamat sa Diyos.

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG

4. PAGLUHOG
(Hinango sa “Panlangin ng mga Kristiyano sa Maghapon”)

Namumuno:
Sa pamamagitan ng kanyang Anak, inihayag ng
Diyos Ama ang kanyang kadakilaan sa mga tao.
Kaya’t halinang magpuri nang may kagalakan.

Bayan:
Panginoon, dakilain nawa ang iyong ngalan.

Turuan mo kami ng pagmamahal sa kapwa, Panginoon


tulad ng pag-ibig ni Kristo sa atin para sa kadakilaan ng
Diyos. Tugon.

Punuin kaming lahat ng kagalakan at kapayapaan sa


pananampalataya, upang sa tulong ng Espiritu Santo,
tumahawak kami nang may lakas at pag-asa. Tugon.
Pagbabasbas ng “Christmas Tree” 441

Sa iyong awa, Panginoon, tulungan mo ang


sangkatauhan. Maging malapit ka nawa sa mga
naghahanap sa iyo kahit di nila namamalayan. Tugon.

Ikaw ang tumatawag at nagmamahal sa mga hirang .


Tulad ni Krsito, makapagdulot sana kami ng liwanag at
kagandahan sa mundong ito. Tugon.

Maaring magdagdag ng iba pang kahilingan.

PAGBABASBAS
5. AMA NAMIN

Pari:
Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos kay
Hesukristo na ating Panginoon.
Bayan:
Ama Namin ...

6. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Namumuno:
O Diyos ng lahat ng mga nilikha,
pinasasalamatan ka namin sa “Christmas tree” na ito
at sa kanyang kagandahang.
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
442 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

Ito ay nagpapaalaala ng pangako


ng buhay sa aming tahanan.
Basbasan mo po kaming lahat na nagdiriwang ng Pasko.
Sa liwanag ng ilaw ng “Christmas tree” na ito,
kami po ay naghihintay sa huling pagdating
ni Hesukristo at sa walang hanggang katarungan
at kapayapaang idudulot niya.
Ikaw ang aming Diyos na nabubuhay
at naghahari magpakailanman.

Bayan:
Amen.

Ang mga ilaw ng “Christmas tree” ay sisisndihan.

Namumuno:
Purihin at ipagdangal ang Panginoon.
Bayan:
Salamat sa Diyos.

Maaring umawit ng awit na Pamasko o anumang angkop na awit.


Pagbabasbas ng Belen 443

VII. PAGBABASBAS NG BELEN

Ang kaugalian ng paglalagay ng mga figurin na naglalarawan ng


pagsilang ni Hesukristo ay nagmula kay San Francisco di Assisi na
gumawa ng belen noong kapaskuhan ng taong 1223. Ang
pagbabasbas ay maaring isagawa sa hating-gabi ng kapaskuhan o sa
anumang angkop na panahon. Kung sa isang tahanan gagawin ang
pagbabasbas ng Belen, higit na mabuti na isang magulang o isang
kasambahay ang namumuno.

PAGBABASBAS
1. PASIMULA

Namumuno:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Namumuno:
Purihin si Hesuskristo na naninirahang kapiling natin,
ngayon at magpakailanman.
Bayan:
Amen.
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
444 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

Namumuno:
Bilang paghahanda sa Pasko ating basbasan ang Belen.
Ito ay nagpapahiwatig ng diwa ng Pasko. Sa ating
pagninilay sa belen, ang Mabuting Balita ng
kapanganakan ni Hesukristo ay nagkakaroon ng mas
malalim na kahulugan. Tayo’y lubos na nagagalak
sapagkat ang Anak ng Diyos ay nagkatawang-tao sa
pamamagitan ng mapanglikhang kapangyarihan ng
Espiritu Santo.

Bayan:
Amen.

2. PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Lucas 2:1-14 (o Isaias 7:10-15 o anumang angkop na pagbasa.)

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang panahong iyon, inutos ng Emperador Augusto na


magpatala ang lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng
Roma. Ang unang pagpapatalang ito’y ginawa nang si
Cirenio ang gobernador ng Siria. Kaya’t umuwi ang
bawat isa sa sariling bayan upang magpatala.
Pagbabasbas ng Belen 445

Mula sa Nazaret, Galilea, si Jose’y pumunta sa betlehem,


Judea, ang bayang sinilingan ni Haring David. Kasama
niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang
magiging asawa na noo’y kagampan. Samantalang
naroroon sila, dumating ang oras ng panganganak ni
Maria at isinilang niya ang kanyang panganay at ito’y
lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa
isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila

PAGBABASBAS
sa bahay-panuluyan.

Sa lupain ding yaon ay may pastol na nasa parang,


nagpupuyat sa pagbabantay sa kanilang mga tupa.
Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang anghel ng
Panginoon at lumaganap sa paligid nila ang nakasisilaw
na kaningningan ng Panginoon. Natakot sila nang gayon
na lamang, ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag
kayong matakot! Ako’y may dalang mabuting balita para
sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat
ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang
inyong Kristong Panginoon. Ito ang palatandaan:
matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng
lampin at nakahiga sa sabsaban.
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
446 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

Biglang lumitaw sa tabi ng anghel ang isang malaking


hukbo ng kalangitan, na nagpupuri sa Diyos: “Papuri sa
Diyos sa kaitaasan, at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong
kinanalugdan niya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

3. PAGNINILAY AT MAIKLING PALIWANAG

4. PAGLUHOG
(Hinango sa “Panlangin ng mga Kristiyano sa Maghapon”)

Namumuno:
Hinubad ni Hesukristo ang kanyang pagka-Diyos at
namuhay na isang alipin. Sinubok siya tulad natin sa
lahat ng bagay at hindi nagkasala. Halina ngayon at
tayo’y sumamba’t manalangin sa kanya nang may
malalim na pananampalataya.
Bayan:
Magdulot nawa ng kapayapaan ang iyong pagsilang.
Pagbabasbas ng Belen 447

Namumuno:
Dumating ka sa daigdig na nagpapahayag ng bagong
kapanahunang inihula ng mga propeta. Bigyan ang iyong
sambayanan sa bawat salinlahi ng biyaya ng
pagpapanibago. Tugon.
Namumuno:
Minsa’y inako mo ang kahinaan ng aming kalagayan
bilang tao. Maging tanglaw ka nawa sa mga hindi
nakakakita, maging lakas sa mga nanlulupaypay at

PAGBABASBAS
maging lugod ng mga naguguluhan. Tugon.
Namumuno:
Isinilang ka sa kahirapan at kababaan. Tunghayan ang
mga dukha ay sila’y bigyang kaluguran. Tugon.
Namumuno:
Sa pamamagitan ng iyong pagsilang, pagkalooban mo
ang lahat ng tao ng galak sa pangako na walang hanggang
buhay. Tugon.
Namumuno:
Dumating ka sa sanlibutan upang gabayan ang lahat
patungo sa kaharian. Ibahagi ang iyong maluwalhating
buhay sa mga pumanaw. Tugon.

Maaring magdagdag ng iba pang kahilingan.


PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
448 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

5. AMA NAMIN

Pari:
Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos kay
Hesukristo na ating Panginoon.
Bayan:
Ama Namin ...

6. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Namumuno:
O Diyos ng mga bansa at tanan,
sa simula pa ay ipinamalas mo ang iyong pag-ibig.
Sa mga taong matindi ang pagdaing,
ipinadala mo ang iyong Anak bilang tagapagligtas.
Isinilang ng Birheng Maria,
siya ay nagdulot ng tuwa at kapayapaan,
ng awa at pagmamahal.
Basbasan mo kaming lahat na sa Belen ay tutunghay.
Maalaala sana namin lagi
ang kaabahan ng pagsilang ni Hesus
at itaas ang aming mga puso sa kanya,
ang Diyos na sumasaamin at tagapagligtas ng lahat.
Pagbabasbas ng Belen 449

Siya na nabubuhay at naghahari


magpakailanman.
Bayan:
Amen.

Namumuno:
Silayan nawa ni Kristo ang ating puso at isipan, ngayon
at magpakailanman.

PAGBABASBAS
Bayan:
Amen.
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
450 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

VIII. RITU NG PAGLALAGAY NG ABO KAPAG


WALANG MISA

Ang sambayanan ay titipunin sa isang naaangkop na lugar.


Maghanda ng isang mesa na nalalagyan ng mantel na puti, krusipiho
at dalawang kandila. Ang abong binasbasan ng pari na nakalagay sa
naaangkop na lalagyan ay maaring ipatong sa gitna ng mesa.

PAMBUNGAD NA AWIT

Buksan ang Aming Puso

1. Buksan ang aming puso, turuan mong mag-alab


sa bawat pagkukuro lahat ay makayakap.
2. Buksan ang aming isip, sikatan ng liwanag
nang kusang matangkilik, tungkuling mabanaag.
3. Buksan ang aming palad; sarili’y maialay
tulungan mong ihanap, kami ng bagong malay

1. PASIMULA

Namumuno:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Ritu ng Paglalagay ng Abo Kapag Walang Misa 451

Bayan:
Amen.

Namumuno:
Minamahal na mga kapatid, natitipon tayo ngayon upang
pasimulan ang panahon ng Kuwaresma sa pamamagitan
ng paglalagay ng abo sa ating mga noo. Ang abo ay tanda
ng pagpapakababa at pagsisi na ginamit ng mga anak ng
Diyos kahit sa Matandang Tipan.

PAGBABASBAS
Halina at ihanda natin ang ating mga kalooban sa
pagdiriwang na banal.

Namumuno:
Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


ipagkaloob mong pasimulan namin ngayon
sa banal na pagkukusang pagtitiis ng kagutuman
ang pakikipagtunggalian
bilang mga kapanig ni Kristo.
Sa aming pagsugpo sa mga salungat
sa pamumuhay sa espiritu
maging amin nawang sandata
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
452 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

ang pagtitimpi sa sarili.


Sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.

2. ANG SALITA NG DIYOS

a. Bersikulo (Tatayo at aawitin ng lahat)

Di lamang sa tinapay
Ang tao nabubuhay, kundi sa bawat salita
Sa Diyos natin ay nagmumula.

b. San Mateo 6:1-6, 16-18

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon


kay San Mateo

“Pag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao


lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan
Ritu ng Paglalagay ng Abo Kapag Walang Misa 453

ang ginawa ninyo wala kayong matatamong gantimpala


buhat sa inyong Amang nasa langit.”

“Kaya nga, kapag naglilimos ka huwag mo nang


ipagmakaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga
mapagimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan.
Ginagawa nila ito kahit sa inyo: tinanggap na nila ang
kanilang gantimpala. Ngunit kung maglilimos ka, huwag
mo ng ipaalam ito kahit sa inyong pinakamatalik na

PAGBABASBAS
kaibigan upang malihim ang inyong paglilimos. At
gagantihan ka ng iyong Amang nakakakita ng kabutihang
ginagawa mo nang lihim.”

“At kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad


sa mga mapagimbabaw. Mahilig silang manalangin nang
patayo sa mga sinagoga at sa mga panukalang daan,
upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap
na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung
mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo
ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi
mo nakikita, at gagantihan ka ng iyong Amang nakakakita
ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.”

“Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang


malungkot, tulad ng mga mapagimbabaw. Hindi sila nag-
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
454 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

aayos upang malaman ng mga tao na sila’y nag-aayuno.


Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang
gantimpala. Kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng
buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga
tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo
nakikita ang siya lamang makaaalam nito. Siya, na
nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang
gaganti sa iyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

3. PAGBABAHAGI (kung kinakailangan)

4. PAGLALAGAY NG ABO

Makapipili ng sasabihin ang maglalagay ng abo sa noo ng mga tao sa


mga sumusunod na pormularyo:

a. “Magbagong buhay ka at sa Mabuting Balita


sumampalataya” (Marcos 1:15).
Ritu ng Paglalagay ng Abo Kapag Walang Misa 455

b. “Alalahanin mong abo ang iyong pinanggalingan at abo


rin sa wakas ang iyong babalikan” (Genesis 3:19).

Habang isinasagawa ang paglalagay ng abo sa noo ng mga tao, maaring


awitin ang sumusunod na awitin ng paulit-ulit hanggang sa matapos
ang paglalagay ng abo.

Patawad Po, O Diyos Ko!

Patawad po, O Diyos ko, patawad ang daing ko

PAGBABASBAS
Patawad kaawaan mo (ang abang lingkod mo 2x).

1. Aking kasalanan na kinahulugan


Masama ngang tunay (dapat parusahan 2x).
2. Tangis po sa sala, Hesus tanggap na
Daing ng nagkasala, (Pakinggan Mo sana 2x).
3. Pusong nagtitiis, Madalas ang sakit
Sa sala kong nakamit, (Subyang nitong dibdib 2x).
4. Sa matang pagtangis, Paghalik sa dibdib
Mataas na langit, (Sa iyo nga’y sumapit 2x).
5. Anong sukat gawin, sa sala’y nagupiling
Kay Hesus dumaing, (Patawad ay hingin 2x).
6. Mariang aming Ina, batis ng pagsinta
Tulungan mo sana, (Mahango sa sala 2x).
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
456 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

7. Sa pusong maawain, Ni Hesus ay hingin


Ang hibik ay dinggin, (Nitong aming pagdaing 2x).

5. AMA NAMIN

Pari:
Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos kay
Hesukristo na ating Panginoon.
Bayan:
Ama Namin ...

6. PANGWAKAS NA PANALANGIN

Namumuno:
Ama naming mapagmahal,
ginaganap namin ang pagdiriwang na ito
bilang maringal na pasimula
sa apatnapung araw ng paghahanda.
Ang aming kusang pagtitiis at pagmamalasakit
ay makapagdalisay nawa
sa aming masasamang hilig
upang kami’y pagindapating makaisa
sa iyong Anak na para sa ami’y nagpakasakit
bilang aming tagapamagitan
Ritu ng Paglalagay ng Abo Kapag Walang Misa 457

kasama ng Espiritu Santo


magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.

Ang lahat ay mag-aantanda ng Krus sa pagwawakas ng namumuno

Namumuno:
Pagpalain nawa tayo ng Makapangyarihang

PAGBABASBAS
Diyos Ama, Anak, + at Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Namumuno:
Tapos na ating pagdiriwang, humayo tayong mapayapa
at sa Mabuting Balita sumampalataya.
Bayan:
Salamat sa Diyos.

PANGWAKAS NA AWIT
PAGBABASBAS SA MGA IMAHEN, ROSARIO,
458 AT KASANGKAPAN SA PANALANGIN

Pananagutan
1. Walang sinuman ang nabubuhay
para sa sarili lamang.
Walang sinuman ang namamatay
para sa sarili lamang.
Koro: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa
tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling n’ya.

2. Sa ating pagmamahalan at paglilingkod


sa kaninuman
Tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan.

3. Sabay-sabay ngang mag-aawitan ang mga bansa


Tayo’y tinuring ng Panginoon bilang mga Anak .
Pagbabasbas ng mga Hayop 459

IKA-APAT NA KABANATA:
PAGBABASBAS NG MGA HAYOP

1. PASIMULA

Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:

PAGBABASBAS
Amen.

Pari:
Ang mga hayop ay nilikha upang laganapan ang
himpapawid, lupa at dagat bilang mga kasalo sa mga
nagaganap sa pamumuhay ng mga tao. Pinagpapala ng
Diyos ang tanang nabubuhay bilang mga katuwang sa
pagdudulot ng kaligtasan sa atin. Ang mga hayop sa
daong ni Noe ay sinagip upang pagmulan ng maihahain
sa pakikipagtipan sa Diyos (Gen. 9, 9-10). Ang tupang
inihahain sa hapunan ng pasko ng paglaya ay korderong
handog sa ikatutubos ng bayan ng Diyos. Sa
dambuhalang isda napasuot si Jonas upang siya ay
makapagbago ng pasya at makasunod sa Diyos (Jonas 1-
2). Ang uwak ay siyang naghatid ng makakain kay Elias
460 PAGBABASBAS NG MGA HAYOP

(1 Hari 17, 6). Ang mga hayop ay kasama ng tao sa


pagsisisi at pagpapakabuti (Jonas 3, 2). Sila ay kaisang
nakikinabang sa kaligtasang dulot ni Kristo.

Kaya’t purihin natin ang Diyos na Lumikha sa lahat ng


nabubuhay na kinapal, upang sa pagbabasbas sa (mga)
hayop na ito, ating maisaloob ang pagsunod sa utos ng
Diyos bilang mga katambal sa kanyang buhay na
marangal.

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

A. PAGBASA
Genesis 2, 19-20a

Ang tao ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng mga hayop.

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Lumikha ang Panginoong Diyos ng mga hayop sa parang


at ibon sa himpapawid, inilapit sa tao, at ipinaubaya
dito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano
ang kanyang itawag; iyon ang magiging pangalan nila.
Pagbabasbas ng mga Hayop 461

Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon


at mga hayop, maging maamo o mailap.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:
Salamat sa Diyos.

PAGBABASBAS
B. SALMO 103

Bayan:
Ang lupa ay puno ng iyong mga kinapal.

Purihin mo ang Panginoon, O aking kaluluwa!


O Panginoong kong Diyos, ikaw nga ay dakila.
lkaw ay nararamtan ng karilagan at kagandahan. Tugon.

Pinatutubo mo ang damo sa mga hayop


at ang mga halaman
sa kapakinabangan ng mga tao,
upang makakuha ng pagkain,
at alak na nagpapasaya sa puso ng tao. Tugon.
462 PAGBABASBAS NG MGA HAYOP

Anong dami ng iyong mga gawa, O Panginoon


silang lahat ay umaasa sa iyo
upang pakanin sa takdang panahon.
Ang ibinibigay mo sa kanila ay tinitipon;
sa pagbukas ng iyong kamay,
pinupuno sila ng mabubuting bagay. Tugon.

C. PANGARAL
(Kung ninanais)

3. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Pari:
Mga kapatid,
manalangin tayo sa Diyos Ama
na siyang Lumikha sa mga hayop
upang makatulong sa ating lahat.

Tahimik na mananalanging saglit ang tanan.

Ama naming Lumikha,


niloob mong kalingain ang mga hayop
para makatulong sa pangangailangan ng mga tao.
Pagbabasbas ng mga Hayop 463

(Pakundangan sa pagdalangin ni San N.)


maganap nawa ang iyong kaloobang
aming pakinabangan ang mga hayop
sa ikaluluwag at ikalulusog ng aming buhay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:

PAGBABASBAS
Amen.
o kaya:
Pari:
O Panginoong Diyos,
pinagmumulan ng buhay at kabuhayan,
ikaw na aming Amang nagpapakain sa mga ibon
basbasan mo ang mga binhi/hayop na ito
upang makatulong sa aming buhay
at magbigay sa iyo ng dangal at puri.
Sa lahat ng iyong pagpapala,
babahaginan namin ang aming kapwa.
Kami ay gawin mong kasangkapan
at paraan ng iyong kabutihan at pagmamahal,
alang-alang kay Kristong aming Panginoon.
Bayan:
Amen.
464 PAGBABASBAS SA MGA PANANIM AT ANI

IKA-LIMANG KABANATA:
PAGBABASBAS SA MGA PANANIM AT ANI

1. PASIMULA

Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Pari:
Bilang pagtanaw ng utang na loob sa Diyos para sa mga
kaloob niya sa atin, ginaganap ng Simbahan ang
paghahain ng Pagpupuri at Pagpapasalamat ng Huling
Hapunan.

Ang panalanging ito ay inilalaganap sa buong maghapon


upang ituro sa ating tayo’y dapat laging tumanaw ng
utang na loob.

Kaya’t magpuri tayo sa Panginoong nagbibigay sa atin


ng mga biyayang tumutubo sa lupa.
Pagbabasbas sa mga Pananim at Ani 465

Gaya ng paghahain ni Abel sa Diyos ng mga unang ani,


ang pakikisalo ng ani sa ating kapwa na nasa pagdaralita
ay atin nawang isaloob upang tayo’y mahayag bilang
mga anak ng Diyos Ama na siyang pinagmumulan ng
tanang kabutihang ating pinakikinabangan.

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

PAGBABASBAS
A. PAGBASA
Mga Gawa 14, 15b-17

Binubusog niya kayo ng pagkain at pinupuspos


ng kagalakan ang inyong mga puso.

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Sinabi nina Bernabe at Pablo, “Mga tao rin kaming tulad


ninyo! Ipinangaral namin sa inyo ang Mabuting Balita
upang talikdan ninyo ang mga bagay na ito na walang
kabuluhan, at manumbalik kayo sa tunay na Diyos na
siyang gumawa ng langit, ng lupa, ng dagat, at ng lahat
ng naroroon. Nang nakalipas na mga panahon, hinayaan
niyang sundin ng lahat ng bansa ang kani-kanilang
466 PAGBABASBAS SA MGA PANANIM AT ANI

kagustuhan. Gayunma’y nagbigay siya ng sapat na


katibayan upang makilala ninyo siya sa pamamagitan
ng kabutihang ginagawa niya sa inyo: binibigyan niya
kayo ng ulan mula sa langit at ng masaganang ani sa
takdang panahon. Binubusog niya kayo ng pagkain at
pinupuspos ng kagalakan ang inyong mga puso.”

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:
Salamat sa Diyos.

B. PANGARAL
(Kung ninanais)

3. PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Pari:
Manalangin tayo.

Tahimik na mananalanging saglit ang tanan.

Ama naming Lumikha,


Pagbabasbas sa mga Pananim at Ani 467

sa patak ng ulan at sa sikat ng araw


sumisibol ang tanim sa lupang ibabaw.
Kami’y nagpapasalamat sa iyong paglingap
sa patuloy naming pagganap sa pagtatanim
at pag-aani upang mabuhay kami.
Kaawaan mo kami sa pagdalanging
ang mga pananim ay pamalagiing aming kinakamtan
mula sa iyong masaganang pagbibigay

PAGBABASBAS
bilang pahiwatig ng iyong inilalaan
para sa amin sa langit
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:
Amen.
468 PAGBABASBAS PARA SA ANUMANG BAGAY

IKA-ANIM NA KABANATA:
PAGBABASBAS PARA SA ANUMANG BAGAY
(AD OMNIA)

1. PASIMULA

Pari:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.

Pari:
Ang Panginoong Diyos, na kahanga-hanga sa Kanyang
mga gawa ay sumainyong lahat.
Bayan:
At sumaiyo rin.

Pari:
Mga kapatid, magpasalamat sa Diyos dahil sa Kanyang
kabutihan, lumikha ng langit at lupa at tanang kinapal,
upang dulutan ang tao ng Kanyang mga biyaya. At
paunlakan ang lahat ng kahilingan ng tao.
Pagbabasbas para sa Anumang Bagay (Ad Omnia) 469

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

A. PAGBASA
Genesis 1:1, 11-12.

Pagbasa mula sa sulat ni aklat ng Genesis

Sa simula ng nilikha ng Diyos ang lupa at ang langit.


Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Magkakaroon sa lupa ng

PAGBABASBAS
lahat ng uri ng halamang namumunga at nagbubutil!”
At nangyari ito. Tumubo nga sa lupa ang gayong mga
halaman. Nasiyahan siya sa kanyang ginawa nang ito’y
mamasdan.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:
Salamat sa Diyos.

B. SALMO 107

Bayan:
Ipagdiwang ninyo ang Panginoon, Siya’y butihin.
470 PAGBABASBAS PARA SA ANUMANG BAGAY

Namumuno:
Ang ilang na Kanyang pinaging laman ng tubig,
at ang lupang tigang na bukal ng tubig.
Doon ay Kanyang pinatigil ang mga gutom
at nagtatag sila ng isang lungsod na kanilang
pamamayanan. Tugon.
Namumuno:
Naghasik sila ng mga bukid at nagtanim sa mga ubasan
at nagkaroon ng masaganang ani.
Pinagpala Niya sila at nagsidami,
hindi pinabayaang umunti ang kanilang bakahan.
Tugon.
Namumuno:
Ibinangon ang dukha sa kahirapan
at nagparami sa mga angkan na tulad ng mga kawan.
Ito ang makikita sa mga matuwid at magagalak.
Pinipinid ng lahat ng kasamaan ang kanyang bibig.
Tugon.

3. AMA NAMIN
Pari:
Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos kay
Hesukristo na ating Panginoon.
Pagbabasbas para sa Anumang Bagay (Ad Omnia) 471

Bayan:
Ama Namin ...

Pari:

O Panginoon,
basbasan Mo ang bagay/ gamit/ kinapal na ito
na inilalaan para sa Iyong karangalan at kalooban.
Loobin mong ang lahat ng gumamit nito

PAGBABASBAS
ay magkamit ng Iyong pagpapala
at ipag-adya sa panganib at sakuna,
yayamang kaming lahat
ay umaasa sa Iyong biyaya at kagandahang-Ioob.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon, kaisa mo at ng Espiritu Santo,
magpasawalang-hanggan.

Bayan:
Amen.
472 PAGBABASBAS NG TUBIG

IKA-PITONG KABANATA:
ANG PAGBABASBAS NG TUBIG SA
LABAS NG MISA

Batay sa matagal ng kaugalian, ang tubig ay isa sa mga tanda na


madalas na ginagamit ng Simbahan sa pagbabasbas ng mga
mananampalataya. Ang agwa bendita’y nagpapaalaala sa mga
mananampalataya kay Kristo, ang ipinagkaloob sa atin bilang
pinakabanal na biyaya, ang nagtawag sa sarili na siya’y tubig na
buhay; at sa pamamagitan ng tubig, itinatag ang binyag para sa atin
bilang tanda ng sakaramento ng pagbabasbas na nagdadala ng
kaligatasan.

Madalas na ginagawa sa araw ng Linggo ang pagbabasbas at


pagwiwisik ng agwa bendita na sumusunod sa ritung makikita sa
Aklat ng Pagmimisa sa Roma.

Ngunit, kung ang pagbabasbas ng tubig ay gagawin sa labas ng


Misa, ang ritu na inilalahad dito ay maaaring gamitin ng pari o
diyakono. Habang pinananatili ang pagsunod sa balangkas at sa
mga pinakamahalagang bahagi ng ritu kailangang ibagay ng
namumuno ang pagdiriwang sa mga pangangailangan ng natatanging
lugar at ng mga taong dumalo.

Ang Ritu ng Pagbabasbas


Pagbabasbas ng Tubig 473

1. PASIMULA

Magsisimula ang namumuno sa pamamagitan ng paggamit ng


sumusunod na salita:

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Magkukrus ang lahat at tutugon:


Amen.

PAGBABASBAS
Babatiin ng ministro, pari man o diyakono, ang mga taong dumalo sa
pamamagitan ng sumusunod na pangungusap o anumang mga salitang
angkop na hango sa Banal na Kasulatan:

Ang Diyos Ama, ang nagbigay sa atin ng bagong buhay


kay Kristo Hesus sa pamamagitan ng tubig at Espiritu
Santo, nawa’y sumainyong lahat.

Tutugon ang lahat:


At sumainyo rin.

Sa pamamagitan ng sumusunod na pangungusap o anumang


katumbas nito, ihahanda ng ministro ang lahat ng dumalo para sa
pagbabasbas.
474 PAGBABASBAS NG TUBIG

Ang pagbabasbas ng tubig na ito ay nagpapaalaala sa


atin kay Kristo, ang tubig na buhay, at sa sakramento ng
binyag, kung saan tayo’y isinilang sa tubig at sa Espiritu
Santo. Kaya, tuwing winiwisikan tayo nitong agwa
bendita, o kaya’y kinukrusan natin ang ating sarili tuwing
pumapasok ng simbahan o tahanan, nagpapasalamat
tayo sa Panginoon sa lahat ng biyayang ipinagkaloob
niya sa atin, at hinihiling natin ang kanyang tulong upang
maging matapat tayo sa sakramentong tinaggap natin
nang buong pananalig.

2. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Babasahin ng isa sa mga dumalo o ng ministro ang isang tekstong hango


sa Banal na Kasulatan.

Juan 7:37-39

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Sa huli at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Hesus
at malakas na sinabi: “Ang nauuhaw ay lumapit sa akin
at uminom. Ayon sa sinsabi ng Kasulatan, ‘Mula sa puso
ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-
buhay.’” (Tinutukoy niya ang Espiritung tatanggapin ng
Pagbabasbas ng Tubig 475

mga nanalig sa kanya. Nang panahong iyon ay hindi pa


naipagkakaloob ang Espiritu Santo, sapagkat hindi pa
nagaganap ang pagkamatay at muling pagkabuhay ni
Hesus.)

Ang mabuting Balita ng Panginoon


Bayan:
Salamat sa Diyos.

PAGBABASBAS
o kaya:

Isaias 12:1-6 – Malugod kayong sasalok ng tubig sa batis ng


kaligtasan.

Isaias 55:1-11 – O halikayo, narito ang tubig, lahat kayong mga


nauuhaw.

Ecclesiastico 15:1-6 – Dudulutan ka niya ng karunungan na parang


inumin.

1 Juan 5:1-6 – Naparito si Hesukristo binautismuhan sa tubig, at


nagbubo ng kanyang dugo sa kanyang kamatayan.

Pahayag 7:13-17 – Dadalhin sila ng kordero sa mga bukal ng tubig


na nagbibigay-buhay.
476 PAGBABASBAS NG TUBIG

Juan 13:3-15 – Ikaw din ay malinis na.

PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Pagkatapos ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos, sasabihin ng


namumuno:
Manalangin tayo.

Sandaling manalangin ng tahimik ang lahat, at bibigkasin ng


namumuno ang panalangin ng pagbabasbas samantalang nakaunat
ang kanyang mga kamay:

Kapuri-puri ka, O Diyos na Makapangyarihan, dahil sa


pamamagitan ni Kristo, ang tubig na buhay ng kaligtasan,
ay pinagpala at binago mo kami. Tuwing nawiwisikan
kami, o tuwing ginagamit namin ang tubig na ito, nawa’y
panibaguhin mo ang aming kalooban sa kapangyarihan
ng Espiritu Santo, at patuloy naming isabuhay ang
bagong buhay na aming tinaggap noong kami’y
bininyagan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.

Bayan:
Pagbabasbas ng Tubig 477

Amen.

o kaya:
Diyos Amang Banal kaawaan mo ang iyong sambayanang
iniligtas ng iyong Anak, at isinilang tungo sa panibagong
buhay sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu Santo.
Nawa ang mga taong mawisikan ng tubig na ito ay
mapanibago sa katawa’t kalooban at mag-alay ng
kanilang sarili sa paglilingkod sa iyo. Hinihiling namin

PAGBABASBAS
ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan:
Amen.

o kaya, sasabihin ng namumuno:


O Diyos Amang Makapangyarihan, ang Tagapagligtas
ng tanan, sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu Santo,
ay pinagkalooban mo ng kagandahan ang sangkalupaan,
at nilikha mo kaming kawangis mo.

Bayan:
Pagpalai’t hugasan mo ang iyong Simbahan.
478 PAGBABASBAS NG TUBIG

O Panginoong Hesukristo, mula sa iyong sugat sa


tagiliran ay binigyan mo kami ng iyong mga
sakramentong bukal ng aming kaligtasan.
Bayan:
Pagpalai’t hugasan mo ang iyong Simbahan.

O Espiritu Santo, ang Tagapagbigay ng buhay, mula sa


balon ng binyag ng Simbahan, ay hinubog mo kami na
maging bagong nilalang sa pamamagitan ng tubig ng
bagong pagsilang.

Bayan:
Pagpalai’t hugasan mo ang iyong Simbahan.

Pagkatapos ng panalangin ng pagbabasbas, wiwisikan ng namumuno


ang lahat ng dumalo ng agwa bendita samantalang umaawit ng isang
angkop na awit; kung hinihingi ng pagkakataon, maaaring bigkasin
ang sumusunod:

Nawa ang tubig na ito ay magpaalala sa amin ng aming


binyag kay Kristo, na siyang nagtubos sa amin sa
pamamagitan ng kanyang kamatayan at muling
pagkabuhay.

Bayan:
Amen.
PAGBABASBAS

You might also like