You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
SCHOOLS DIVISION OF DIGOS CITY
Digos City
FILIPINO 10
IKALAWANG KWARTER -SUMMATIVE TEST 1
(SY 2021-2022)

Pangalan: ____________________________________Pangkat: _____________________ Petsa: _____________


Paaralan: ____________________________________ Guro:________________________ Iskor: _____________
Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kung ang sanaysay ay matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa, ano naman ang tawag sa kabuuan ng mga kaisipang nais
ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko?
a. Editorial b. lathalain c. talumpati d. pitak

2. Isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga diyos at diyosa, bathala at mga anito, sa pagkakalikha ng
mundo at ng kalawakan ang
a. alamat. b. epiko. c. kwentong bayan d. mitolohiya.

3. Ang naging dahilan ng kamatayan ni Romeo ayon sa dulang Romeo at Juliet?


a. Sinaksak siya ni Tybalt c. tinamaan siya ng pana sa digmaan
b.uminom siya ng lason d. nagkasakit dala ng matinding gutom

4. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi ginamit sa pagpapakilala ng pahayag na nagbibigay ng opinyon o reaksiyon mula sa suring-
basa?
a. tunay na b. bagkus c. sa makatotohanan d. totoo

5. Sumalagmak siya sa malambot na sopa. Ang kasingkahulugan ng salitang sumalagpak ay


a. napaupo b. natumba c. napahandusay d. napahiga

6. “Hindi ako titigil hangga’t may Brazilian na walang pagkain sa hapag, hangga’t may desperadong pamilya sa lansangan, hangga’’t may
mahirap na mga bata na pinabayaan ng kanilang sariling pamilya.” Batay sa pahayag ng pangulo ng Brazil, masasabing siya ay __________.
a. mapagmahal b. mapagmalasakit c. malakas ang loob d. may determinasyon

7. “Huwag kayong makilahok sa anumang pagkilos laban sa ating mamamayan, manapa’y mapabilang sa mga kamay na magtatag ng bagong
lipunan.” Nais sabihin ng huling bahagi ng pahayag ang panawagan sa ___________.
a. paglikha ng pagbabago c. pagkakaroon ng matatag na bansa
b. Pagbuo ng bagong bansa d. paghubog ng bagong mamamayan

8. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nasa pokus sa layon?


a. Naghanda ang magsasaka ng masaganang hapunan para kay Thor.
b. Ipinaghanda ng magsasaka ng masaganang hapunan si Thor.
c. Inihanda ng magsasaka ang masaganang hapunan para kay Thor.
d. Naghahanda si Thor ng masaganang hapunan para sa magsasaka.

9. . “Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan


Pagkat ikaw o ina ko , ika’y wala pang kapantay”.
Ang mga katagang may salungguhit ay nagpapakita ng
a. pagsisisi b. pag-unawa c. pagkaawa d. pagmamahal ng anak sa ina

10. Naging masining ang tula sa tulong ng paggamit ng


a. talinghaga b. tugma c. sukat d. malayang taludturan

para sa mga bilang 11-12


Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumigising po ako ng alas singko ng umaga. Umiigib ako ng tubig sa isang
balon na malapit sa amin. Napakahirap pong balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako ng almusal at
inihain ko po iyon sa pamilyang pinaglilingkuran. Medyo nahuli nga po akong ng paghahain ng almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng
sinturong kwero.

11. Ginamit ang mga salitang ngayon pong araw na ito, pagkatapos po upang _________.
a. magsalaysay b. maglarawan c. maglahad d. mangatwiran

12. Ikaw na bumabasa ng mga pangyayari ay makadarama ng ___________.


a. Pagkahabag b. panlulumo c. pagtataka d. pagkaasar

para sa mga bilang 13-15

Kinabukasan, habang natutulog pa ang higante ay hinugot ni Thor ang maso sa ulo nito. Napatayo si Skrymir, kinamot ang kanyang
pisngi at nagwika kung may mga ibon ba sa taas ng puno. Nang siya ay magising tila may mga nahuhulog na dahon sa kanyang ulo. “Gising ka
na ba Thor?” wika niya. Oras na upang bumangon at magbihis. Malapit na kayo sa kaharian ni Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na
ako ay walang kwentang higante. Kung makararating kayo kay Utgaro makikita ninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting
payo. Huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki.” sabi pa nito.

13. Ang pagtatanong ni Skymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay nangangahulugang hindi niya ____________.
a. alam na tinaga siya ni Thor c. alam na naunang nagising si Thor
b. nalalaman ang sikreto ni Thor d. naramdaman ang paglipad ng ibon

14. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng _________.


a. pag-aalala b. pagmamalasakit c. pagmamahal d. pagtanaw ng utang na loob

15. “Ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay pagsasaayos din ng paggastos ng gobyerno.” Ang prinsipyong nakapaloob dito ay ___________.
a. Ang pera ng bayan gamitin para sa bayan.
b. Gamitin nang tama ang pondo para sa publiko.
c. Ang mahusay na paggastos ng gobyerno kapalit ay maraming serbisyo.
d. Paunlarin ang serbisyo sa bayan nang lumago ang pondo ng gobyerno.
para sa bilang 16-17

Kailangang magkaisa ang sambayanang Pilipino para umunlad ang ating bansa. Nais ng pamahalaan na tulungan ang mga
mamamayan bagaman ito’y nangangailangan ng masusing pag-aaral. Tayong mga mamamayan ay dapat magsikap upang umunlad ang bayan.
Libu-libong mamamayan ang nangangailangan ng tulong at kalinga ng pamahalaan kaya’t hindi natin dapat balisanhin ang namumuno nito.
Buksan natin ang ating isipan sa mga bagay na makabuluhan sa atin.

16. Ang tekstong iyong binasa ay may layuning ____.


a. mangaral c. manghikayat
b. manuligsa d. magbigay impormasyon

17. Tayong mga mamamayan ay dapat magsikap upang umunlad ang bayan. Ibig ipahiwatig ng pahayag na ___.
a. Kailangang mag-isip,kumilos at makisangkot ang mga mamamayan sa pagpapaunlad ng bayan
b. Dapat magkaisa ang namumuno at ang pinamumunuan upang umunlad ang bayan
c. Kailangang tumulong ang mga mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran.
d.Nakadepende ang kinabukasan ng bayan sa kaniyang pamahalaa

Para sa bilang 18-21


d.
“Bahala na!” Ito ang karaniwang naibubulalas ng Pilipinong gipit o taong wala nang magawa o mapagpipilian sa isang pangyayari. May
maganda at di magandang naidudulot ang ugaling ito. Isa sa hindi magandang idinudulot nito ay ang pagiging palaasa ng isang tao kaya’t madalas
ay ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang pangyayari sa kaniyang buhay. Samantala, ang magandang idinudulot nito ay hindi nagiging aburido
ang isang tao na may matinding problema sa buhay. Isa itong matapang na pagharap sa katotohanan. Sa isang banda ang hindi mahusay na
pagpapasya ay nangingibabaw dahil sa masamang ugaling ito.
Hango mula sa Manwal ng Guro (Wika at Panitikan IV)

18. Ano ang kaisipang nakapabaloob sa pahayag na “Bahala na”?


a. Alaswerte c. kawalan ng pag-asa
b. lakas ng loob d. walang tiyak na patutunguhan

19-20. Ang dalawang kaisipang itinuturo ng teksto ay ___.


a. Matapang na pagharap sa katotohanan
b. pagkilos kaagad sa harap ng pagsubok
c. pagkapit sa patalim kapag nagigipit
d. pananalig sa Diyos

21. Ang salawikaing angkop iugnay sa ugaling ipinapasa-Diyos ng tao ang kaniyang mga problema ay ___
a. Mahal ng Panginoon
b. Diyos ang nakakaalam ng lahat
c. Hindi tayo pababayaan ng Diyos
d. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa

22. Sa panahon ng matinding pakikipaglaban sa paghuli sa marlin, ano ang paulit-ulit na ninanais ni Santiago?
a. Sana siya ay bata pa.
b. Sana siya ay mayroong maayos na kagamitan sa pangingisda.
c. Sana sa mga oras na iyon, nasa tabi niya ang batang si Manolin.
d. Sana ang lahat ng mangingisda na nagaalipusta sa kanya ay naroon para maging saksi sa kanyang tagumpay.

23. Sa pahayag na “Huwag kang mag-isip, tanda. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang dumating.” tinutukoy dito na ang
matanda ay may isipang;
a. pesimista b. kolonyal c. optomista d.alipin

Tunay na isang mabisa, walang kupas at makatotohanang salamin ng lipunan ang nobela. Mabisa sapagkat hindi nito itinatago ang
katotohanan, bagkus ipinapakita nito sa mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isantabi. Sa makatotohanan nitong pagkakasulat, wala kang
magagawa kundi harapin at tanggapin ito.
Totoo na malungkot mang isipin, kuwento ito ng libo libong Julio at Ligayang ipinapadpad ng kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit
napakahirap na buhay sa probinsiya patungo sa buhay na hindi nila akalain na mas magiging mas mahirap pa.
-mula sa suring-basa ng Sa Mga Kuko ng Liwanag

24. Ano ang layunin ng panunuring pampanitikan batay sa bahaging nabasa?


a. mabigyan ng puna ang kabuuan ng akda
b. mailahad ang mga kainaman o kahinaan ng akda
c. mabigyan ng pokus ang mga elementong ginamit sa akda
d. makita ang kaanyuang nilikha ng may akda sa kanyang obra.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Ang Aking Pag-ibig

25. Alin sa sumusunod ang katangiang HINDI taglay ng persona ayon sa tula?
a. mapagtiis c. mapagmalasakit
b. masayahin d. mapagpakumbaba

26. Ipinapahayag ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta sa taong kaniyang iniibig sa pamamagitan ng;
a. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
b. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
c. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
d. pagpapahiwatig ng nararamdaman

You might also like