You are on page 1of 10

St.

Mary’s Academy, Caloocan City

, Grace Park,

Taong Panuruan: 2020-2021 Asignatura: FILIPINO 9 Markahan: UNA

Modyul Blg. 5 Araling Blg. 5 Petsa: Set. 23- 26, 2020
Paksa: TATLONG MUKHA NG KASAMAAN NI U NU (ISANG SANAYSAY MULA MYANMAR)

Kayo ay inaasahan kong:

1. Naipaliliwanag ang mga salitang may higit sa isang kahulugan

2. Naibabahagi ang opinyon ukol sa mga katangiang dapat at hindi dapat taglayin ng isang
kabataan
3. Nakapagsusuri sa paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyong napanood sa
debate

Halina’t maghanda nang matuto:

“Kasakiman, galit, kamangmangan

Tatlong mukha ng kasamaan
Iwaksi sa puso at isipan
Nang buhay ay maging tunay na
makabuluhan
- U Nu

May mga pagkakataon ba sa iyong buhay na nakaranas ka ng matinding galit sa isang bagay
o tao? O baka naman may mga bagay kang labis na gustong mapasaiyo na hindi mo namamalayang
nagiging makasarili ka na pala. O baka naranasan mo nang suwayin ang isang batas o kautusan sa
inyong barangay dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman ukol dito? Lahat ng iyan ay sakop diumano
ng Tatlong Mukha ng Kasamaan ng Sangkatauhan ayon sa manunulat na si U Nu. Ikaw, naniniwala
ka ba na may mga mukha ang kasamaan?

Katulad ng Pilipinas, matagal na napasakamay ng mga dayuhang mananakop ang bansang

Myanmar. Kilala ito sa pangalang Burma noong ito ay nasa ilalim pa ng kapangyarihan ng bansang
Britanya (Great Britain). Kaya bilang guro, manunulat, at tagapagmulat, sumulat si U Nu ng isang
sanaysay na nagpapakita sa kalagayan ng bansang Myanmar at kung ano ang pumipigil sa bansang
ito sa pagiging isang mahusay na bansa.

Upang malaman mo ang pagbabahaging ito ni U Nu, sumangguni sa inyong batayang aklat sa
mga pahina 81 – 83 at basahin ang sanaysay na “Tatlong Mukha ng Kasamaan”.

Sagutin ang mga gabay na tanong matapos ang pagbabasa.

Mga Gabay na Tanong:

Filipino 9 1
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

1. Ano-ano ang tatlong mukha ng kasamaan na inilahad sa sanaysay? Ipaliwanag ang

bawat isa.

________________________________________________________________________________

______________________________

2. Bilang kabataan, ano ang iyong pananaw ukol sa limang katangian ng isang nilalang
na taglay niya sa pagkapanganak pa lamang? Alin sa mga ito ang sa tingin mong
iyong tinataglay?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
______________________________

3. Bakit daw lubos na malayo ang agwat ng mga mayayaman at ng mga mahihirap sa
lipunan? Ano ang inilahad na pangunahing dahilan ng pagiging gahaman ng isang tao?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
______________________________

4. Sang-ayon ka ba sa may-akda nang sabihin niyang ang tao ay madaling masilaw ang
sa mga bagay na kumikinang? Sa kasabihang pera ang dahilan ng lahat ng
kasamaan? Bakit o bakit hindi?

Filipino 9 2
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
______________________________

5. Bilang kabataan, ano ang aral mula sa teksto na iyong madadala sa iyong pagtanda
na magiging sandata mo laban sa mga mukha ng kasamaan?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
______________________________

Ayon sa sanaysay ay mayroong kalipunan ng mga aral at mga turo ang mga taga-Myanmar
upang kanilang maging gabay sa mabuti at mahusay na pamumuhay. Ang aklat na ito ay ang
Samsara: The Cycles of Rebirth. Narito ang mga pangunahing konsepto sa kanyang mga turo at
paggabay na naging batayan ni U Nu sa paglikha ng sanaysay.

Tatlong Mukha ng Kasamaan ng

Sangkatauhan:
Kasakiman
Galit o Poot
Kamangmangan sa batas ng
sandaigdigan

Tatlong Bagay na Hindi Maiiwasan:

Pagtanda
Karamdaman
Kamatayan

At dahil daw sa mga bagay na ito na hindi maiiwasan ng isang tao, nakagagawa siya ng mga
bagay na nakasalig sa tatlong mukha ng kasamaan. At ang mga motibong ito ng mga tao ang siyang
nakaaapekto sa ibang tao at siya namang sumisira nang unti-unti sa lipunan. Ngunit ang tatlong
mukha raw ng kasamaan na ito ay lubusang makikita sa isang alamat na kanya ring inilahad sa
sanaysay.

Ito ang ginintuang puno ng

Padaythabin na pinagmumula ng lahat
Filipino 9 3
ng pangangailangan ng tao.
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

Ang mga tao ay Lahat ng tao ay hindi

natutong pumatay, nagkukulang sa
magnakaw at ito ang pagkuha ng
naging dahilan ng takot pangangailangan mula
sa marami at galit mula sa puno. Hanggang sa
sa iilang nais nakilala ng mga tao ang
maghiganti. kasakiman,

Unti-unting naubos ang mga bunga at

nalanta ang puno. Mas lalo silang
naging sakim, mapaghangad, at ganid.

Ang alamat na ito ay hindi lamang mailalapat para sa bansang Myanmar, maaari din itong
iugnay sa kalagayan ng iba’t ibang bansa sa mundo, maging sa Pilipinas. Pinatutunayan lamang nito
na ang mundo ay unti-unti nang nababalot ng tatlong mukha ng kasamaang ito. Unti-unting nauubos
ang kayamanang nagmula sa kalikasan. Unti-unting nauubos ang pagtitimpi ng mga tao sa kanyang
kapwa. Unti-unting nagdudusa ang lipunan.

Kaya ikaw, kabataan, ano ang maaari mong gawin upang ito ay maiwasan. Isuot na ang iyong
kalasag at harapin ang mga mukhang ito ng kasamaan.

Nais kong malaman kung kayo’y natuto, sagutan natin ito.

I. Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng angkop na kasagutan sa mga
salitang may higit sa isang kahulugan. Isulat ang titik ng angkop na kasagutan sa puwang na
ibinigay bago ang bilang. Ipaliwanag sa ibaba kung paano nagkaiba ang dalawang salita.

a. pag-aaral sa loob ng paaralan

b. klasipikasyon o pangkat

Filipino 9 4
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

_____1. Palaging handa sa kanyang mga klase ang isang responsableng mag-aaral.

_____2. Napakaraming klase ng produkto ang ibinibenta ng mga online sellers sa

kasalukuyan.

Paliwanag: ____________________________________________________________
_____________________________________________________________________

a. gawaing mabigat
b. namumuhay sa kasalatan

_____3. Hindi naranasan ng ibang mag-aaral na gumamit ng mga online platforms kaya
mahirap para sa kanila ang pag-aaral ngayong “New Normal”.

_____4. Lumaki mang mahirap sina Al ay hindi ito tumigil sa pagsusumikap sa pagkamit
ng kanyang ninanais.

Paliwanag: ____________________________________________________________
______________________________________________________________________

a. impormasyon
b. talino at husay

_____5. Hinahangaan ng lahat ng taga-Myanmar si U Nu dahil sa taglay niyang

kaalaman sa panitikan at wika.

_____6. Maraming kaalaman ang nakuha ko mula sa pagbasa sa talambuhay ni U Nu.

Paliwanag: ____________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Filipino 9 5
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

a. kuwarto
b. inilagay

_____7. Isinilid ng bata ang kanyang mga gamit sa bag matapos ang kanilang klase.

_____8. Nasigawan ng kanyang magulang ang dalagang si Anne kaya pumasok na

lamang ito sa kanyang silid upang magpahinga.

Paliwanag: ____________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

a. tila o parang
b. bahagi ng katawan ng isang
tao

_____9. Palagi akong nagdadala ng payong sa trabaho dahil mukhang uulan sa tuwing
sumasapit ang gabi.

_____10. Hindi niya maiharap ang kanyang mukha dahil sa matinding kahihiyan na
nararamdaman.

Paliwanag: ____________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

II. Basahin ang mga gabay sa pangangatwiran sa pahina 88 – 90. Matapos basahin ang mga
gabay at mga hakbang ay panoorin ang isang debate ukol sa isang napapanahong paksa mula sa
link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=irNm0-xOq50 Gumawa ng pagsusuri sang-ayon sa
mga pamantayang inilahad sa ibaba. Punan lamang ng mga kinakailangang impormasyon ang
mga ito.

Filipino 9 6
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

Pamagat ng Debate: ______________________________________________

___________________________________________________________________________
_____________________________________________________

Mga Nagdebate: _________________________________________________

___________________________________________________________________________
_____________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________

Paksa ng Debate: ________________________________________________

________________________________________________________________

Mga Ideya ng Unang Pangkat:

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________

Mga Ideya ng Ikalawang Pangkat:

Paano inilahad ng unang pangkat ang kanilang mga ideya? Ano ang mga pamamaraang
ginamit nila sa paglalahad?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________

Paano naman ibinahagi ng kabilang pangkat ang kanilang mga argumento?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________

Mahusay bang nailahad ng bawat panig ang kanilang mga ideya? Sa paanong paraan?

Filipino 9 7
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________

Nahikayat ka ba ng kanilang mga argumento ukol sa mga paksang kanilang tinatalakay? Sa

paanong paraan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________

III. Magbahagi ng iyong mensahe para sa iyong kapwa kabataan ukol sa kung paano maiiwasan ang
tatlong mukha ng kasamaan. Gawing mapanghikayat, malikhain, at makabuluhan ang iyong
pagbabahagi.

Para sa aking kapwa kabataan,

__________________________________________________________

______________________

Filipino 9 8
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

MGA SANGGUNIAN

 Baisa-Julian, Ailene, et al. Pinagyamang Pluma 9. Quezon City Phoenix Publishing House,
Inc. 2019. Print. ph. 77, ph. 81 – 83, ph. 88 – 90
 https://quizlet.com/218033878/tatlong-mukha-ng-kasamaan-flash-cards/

 https://prezi.com/fhg3daslpktb/tatlong-mukha-ng-kasamaan/

 https://www.slideshare.net/louiejeandecena/tatlong-mukha-ng-kasamaan

 https://www.youtube.com/watch?v=irNm0-xOq50

Inihanda ni: Mr. Joshua Rosendal

Iwinasto ni: Mr. Bryan Lloyd Reyes

Filipino 9 9
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

Napatunayan ni: Mrs. Vanessa Alcantara

__________________________________________________________________________________________
Komento sa katayuan ng aralin na ipinatupad

Ganap na ipinatupad

Bahagyang ipinatupad

Hindi
ipinatupad
Rason: ___________________________________

Pangalan ng mag-aaral: ________________________________

Baitang at Pangkat: ________________________________

_________________________________________
Lagda ng Magulang sa ibabaw na Pangalan

Filipino 9 10

You might also like