You are on page 1of 32

KOMPILASYON NG MGA SANAYSAY

Isang kahingian sa Asignaturang


(Sanaysay at Talumpati - AS17 FIL119)

Pampamahalaang Unibersidad ng Kanlurang Mindanao


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Lungsod Zamboanga

Ipinasa nina:

Altapa, Princess Farida Ann C.


Baybayan, Yushra A.
Dellata, Franz Jade A.
Escorial, Mona P.
Francisco, Eljay A.
Garcia, Jovelyn N.
Gonzales, Fatima
Hasan, Banni Gin C.
Lucman, Dabia A.
Marcos, Arra Myrna A.
Mosones, Miu Mae O.
Perez, Mariel G.

Ipapasa kay:

Dr. Vilma Pahulaya

Mayo 8, 2023
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
I. Panimula ………………………………………………………………………. 3

II. Impormal na Sanaysay


Red flag na may Konting Green …………………………………………… 4
Balat-kayo: Maskarang Uso ………………………………………………... 5
Musika: Isang sining at takbuhan …………………………………………. 6
Sige Lang …………………………………………………………………... 6
Gintong Pumipitik …………………………………………………………. 7
Love hurts …………………………………………………………………... 8
Stages of Love: Saan ka dito? ……………………………………………… 10
Which is which? Hayskul o Kolehiyo? …………………………………….. 11
Makapangyarihan ang Pag-ibig ……………………………………………. 12
Pangungulila ………………………………………………………………... 13
Pag-Ibig ……………………………………………………………………... 14
Pag-ibig, Isang Sugal ………………………………………………………. 15

III. Pormal na Sanaysay

Takot sa Tagumpay…………………………………………………………… 16
Climate Change: Hagkis sa Kalikasan at Kalusugan ……………………....... 16
HIV: Kaalaman, Seguridad, Proteksyon at Tulong ng Agham ……………… 17
A Millenial Lingo: Ghosting ………………………………………………… 18
Malnutrisyon: Maaaring Hantungan ng Kabataan …………………………… 20
Tao laban sa Sarili ……………………………………………………………. 21
Clay Go na tayo! ……………………………………………………………… 23
Mga Maling Pananaw sa SOGIE Equality Bill: Itama! ………………………. 24
Nakaaalarmang Pagbabago ng Klima ………………………………………… 25
Pagkamit ng Magandang Marka sa Eskwela ………………………………… 27
Pilipinas, Magbago Kana ……………………………………………………… 28
Determinasyon tungo sa Pangarap ……………………………………………. 29

IV. Sanggunian ………………………………………………………………………. 31

Pahina 2 of 32
I. Panimula

Sa panahon ngayon, naging mahalaga ang kakayahan ng isang tao na makapagpahayag


ng kanilang saloobin at ideya sa isang organisadong paraan. Isang magandang halimbawa nito
ay ang paggawa ng sanaysay.

Sa mundo ng pagsusulat, mayroong dalawang uri ng sanaysay: ang pormal at impormal.


Ang pormal na sanaysay ay isang uri ng pagsulat na mayroong estruktura at masistemang
paraan ng pagpapahayag ng isang ideya o mensahe. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga
akademikong sulatin, tulad ng mga tesis, pananaliksik, at iba pa. Sa kabilang banda, ang
impormal na sanaysay ay isang uri ng pagsusulat na mas malaya at hindi gaanong naka-
istruktura. Ito ay mas personal, malapit sa karanasan, at karaniwang ginagamit sa mga blog,
journal, at iba pang pampublikong sulatin.

Sa paaralang ito, naging bahagi ng ating pagtuturo ang paghikayat sa ating mga mag-
aaral na masanay sa pagsulat ng mga sanaysay na pormal at di-pormal. Sa pamamagitan ng
mga gawaing ito, mas napapalawak ang kaalaman ng ating mga mag-aaral sa larangan ng
pagsusulat at nabibigyan sila ng kakayahan na mas maayos at mas epektibong maipahayag ang
kanilang mga ideya.

At sa ngayon, tayo ay magkakaroon ng pagkakataon na magpakita ng ating suporta at


pagpapahalaga sa mga gawang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang kompilasyon ng
mga pormal at di-pormal na sanaysay na ginawa ng ating mga mag-aaral. Sa kompilasyong ito,
maaari nating makita kung paano nag-evolve ang kanilang mga kakayahan sa pagsusulat, kung
paano nila inilapat ang mga natutunan nila sa klase, at kung paano sila nagpakatotoo sa kanilang
mga sariling karanasan at perspektiba.

Kaya't sama-sama nating tangkilikin at ipagdiwang ang mga gawang ito, at patuloy
nating suportahan ang ating mga mag-aaral na magpakadalubhasa sa larangan ng pagsusulat.

Pahina 3 of 32
II. Mga Impormal na Sanaysay

Red flag na may Konting Green

ni Princess Farida Ann C. Altapa

Hello mars! Malapit na naman ang araw ng mga puso, excited ka na ba? O isa ka sa
mga taong bitter dahil wala kang jowa? Char! Alam mo, kahit ganoon ay panalo pa rin tayo
dahil mayroon tayong self-love. Sa pagmamahal mo sa iyong sarili, naibibigay mo ang mga
kinakailangan mo nang hindi umaasa sa ibang tao. Like this valentine’s day, bilhan mo ng
bulaklak o chocolates sarili mo. At imbis na mainggit, ipagsigawan natin na kaya nating
maging independent.

Huwag kang mainggit sa iyong mga makikita dahil kung alam mo lang, halos lahat ng
magkasintahan ngayon, forda clout chasing lang ang fersons, sunod sa uso kumbaga. Makikita
mo na ang sweet sa social media, laging fini-flex ang jowa pero in real-life lagi silang nag-
aaway. Tapos isang araw makikita mo na lang na break na sila dahil may third-party, pero ilang
araw lang ulit, magkakabalikan lang rin naman. Hmmmm… may kakilala ka bang ganon?
Paboritong kulay niya ay blue pero magpapabangga sa kulay red? Kapag tatanungin mo kung
ano ang gusto sa lalaki, sasabihin “yung maginoo na medyo bastos”, “good boy with bad
habits”, o “pogi at mayaman”. Ideal ba talaga yung ganon sa isang relasyon? Hay nako, ayaw
maloko pero ang hilig sa mga walking red flags! Tapos bare minimum lang ibibigay sayo.
Basta bad boy type na pogi at mayaman, ayos na? Hello, hindi ito wattpad! Kailangan natin ng
katuwang na kaya tayong panagutan at hindi yung bare minimum treatment lang ang ibibigay
sa atin.

“Hindi mo ba Ide-date mo ba ang isang tao na hindi man lang afford bumili ng basic
needs?” Iiwas ka ba mars? Baka sabihin mong, “Oo! Kailangan nating maging praktikal.
Paalala, hindi mabubusog ang mahal mo kung sasabihan mo lang ng I love you.”
Hindi sapat ang salitang iyon. Pero pwede namang gawing ng “I love you! Kanino ka lang?”,
tapos shing! 9 months ka nang busog, pero iniwan ka. Ouch!

Nirerespeto ko naman ang mga hindi sumasang-ayon at gusto ng praktikalidad. Pero


paano kapag nakikita mo sa tao na may pangarap siya sa buhay at nagsusumikap siya para
maabot iyon? Bakit hindi, ‘di ba? Kapag nasusubaybayan mong pinagbubutihan niya ang
paggawa ng mga bagay-bagay kahit kapos o mahirap lang sila. Bakit mo pipigilan ang taong
magmahal lalo na kung nagsusumikap ito? “Bad boy, pero may goals sa buhay”, naks red flag
na may konting green.

Sa pakikipagrelasyon, kailangan nating makahanap ng tao na handang mag-grow


kasama natin – isang tao na handa tayong samahan sa pakikibaka, at isang taong mahal tayo
nang walang kondisyon. Pakatandaan, ang true love ay nabubuhay kapag minamahal mo ang
isang tao nang walang inaasahang kapalit. ‘Yan ang dahilan kung bakit ang iba ay nabibigo sap
ag-ibig, dahil nagmamahal sila nang may kondisyon.
Kaya kung isa ka sa mga taong nagmamahal ng red flag na may konting green, hayaan
mo ang mga kantyaw ng mga taong nakapaligid sayo. Mga judger lang yan. Tandan na ang
dahilan kung bakit mayroong “dating” ay para lubusan pang makilala ang isang taong
nagpapatibok ng iyong puso.

Pahina 4 of 32
Balat-kayo: Maskarang Uso

ni Yushra A. Baybayan

Minsan ba'y naranasan mo nang tumingin sa salamin, ngunit hindi ikaw ang repleksyon
kahit ilang beses mong silipin? Yung tipong pilit mong winawaksi ang katotohan at
pinaniniwala ang iyong sarili sa pagkataong alam mong maling-mali at salungat sa tunay na
ikaw. Iyan ang pagbabalat-kayo, ang pamemeke ng pagkataong sa tingin mo ay katanggap-
tanggap para sa nakararami. Bakit nga ba tayo nagsusuot ng isang maskara? Maskarang
magtatago ng ating tunay na ugali, pagkatao, ating naiisip at nararamdaman? Walang bago,
ang sagot ay upang tanggapin tayo ng mga tao at ng lipunan, hindi ba?

Naiintindihan ko ang mga taong ito, mga taong nagbabalat-kayo. Dahil minsan sa buhay
ko ay sinubukan ko na rin ang masuot ng maskara, nang sa gayon ay makasabay ako at magawa
ang mga bagay na sa tingin ko'y magpapasaya sa akin. Ngunit, hindi ito ganoon kadali dahil
alam mo mismo sa iyong sarili na ang anyong pinapakita mo ay purong kasinungalingan
lamang. Minsan ba'y hindi mo naisip na ipakita ang tunay na ikaw? Ang tanggapin ng iba dahil
totoong ikaw ang nakikita nila?

Isang halimbawa ng pagbabalat-kayo ay ang pilit na pakikisabay sa taong mayayaman


at mararangya ang buhay, hindi naman na lingid sa ating kaalaman na ang tunay na katanggap-
tanggap at kaakit-akit na indibidwal ay iyong may kaya sa buhay, mga taong kayang bilhin ang
sandamakmak na mga mahahaling bagay at mga taong laging nasa mararangyang restawran.
Ikaw na nagbabalat-kayo, nakikisabay sa mga taong ito kahit ang salapi mo'y sakto lang sa
pangbaon at pamasahe mo? Hingi nang hingi sa mga magulang ng extrang pera nang sa gayon
ay maipakitang marangya ka rin tulad nila. Para saan? Hanggang kailan?

Kailangan nga ba talagang tanggapin muna ng tao't lipunan bago mo makita ang halaga
mo at katayuan sa mundong ito? Pilit mong maki "in" sa mundong hindi ka nabibilang, tignan
mo ang mga magulang mong naninistis may maibigay lamang para sa'yong mga luho. Luhong
dulot lamang ay pagkabutas ng bulsa ng mga magulang mo. Nakakalungkot na hanggang
ngayon ay nangyayari pa rin ang mga ganitong eksena, mga kabataang nagpupumiglas sa
katotohanang kahit walang wala na ay nandoon pa rin sa kabilang bakod upang masabi na sila
ay sosyal rin kahit ang totoo'y kulang na lamang ay asin ang ulamin.

Para sa akin, kailangan na nating tanggalin ang maskarang ito. Magiging totoo sa sarili
at mamuhay nang payapa at tumayo kung hanggang saan lang muna tayo nararapat habang
nagsusumikap na abutin ang kataas-taasan ng buhay nang walang pagkukunwari. Mas masaya
ang mamuhay kung alam mong wala kang niloloko, lalong lalo na kung alam mong totoo ka
sarili mo at ang katotohanang tanggap mo ang pagkataong pinagkaloob sa iyo. Ang sarap
tumingin sa salamin kung ang nakikita mong repleksiyon ay iyong tunay na ikaw, tunay na
ikaw na walang pagkukunwari.

Kaya ikaw na nagbabalat-kayo, ano pang hinihintay mo? Kung ako sa iyo ay tigilan na
ito. Magsimula sa kawalan ng pake sa iniisip ng tao, wala naman silang ambag sa buhay mo
kung hindi ang manghusga, ano nga ba namang pakealam nila kung kakaunti lamang ang iyong
kita? kung wala ka sa isang mansyon? kung tig-divisoria lamang ang iyong mga damit? at least
galing iyon sa sarili mong sikap, at least hindi ka trying hard manamit ng bongga para sa kanila.
Sumunod ay mahalin mo ang iyong sarili, ito ang iyong pundasyon nang sa gayon ay hindi ka
mawasak ng iba.

Pahina 5 of 32
Musika: Isang sining at takbuhan

ni Franz Jade A. Dellatan

Ang musika ay isa sa mga sining na ating kinagigiliwan dahil may kakayahan ito na
dalhin ka sa ibang mundong imahinasyon na iyong naisin. Ito'y sangkap na nagbibigay sigla sa
ating buhay. Lalong-lalo na kapag ang isang musika ay nakuha nito ang iyong panlasa at lalong
napapaganda dahil sa liriko at mensahe na taglay nito.

Ang isang musika ay maaring mapanakit, nagbibigay kasiyahan at paminsan pa nga


dahil sa musika ay napapasayaw ang ating mga katawan. Bukod pa rito, ang musika rin ang
nagiging koneksyon sa pagitan ng dalawang tao dahil mayroong kanta na nagiging "theme
song" nila ito at napapasanaol ka na lang talaga. Ito rin ang nagiging takbuhan ng mga pusong
wasak dahil sila ay nakakaramdam kung ano ang mensahe na tinutukoy sa kanta maaari ito ay
matatawag natin na nakakarelate sila.

Musika rin ang nagiging daan sa tagumpay! Gaya nga ng kantang ito na may linyang
"musika ang buhay na aking tinataglay, ito rin ang dahilan kung ba't ako naglalakbay". Sa
usaping musika at kantahan ang mga Pinoy na nga ang isa sa mga magagaling at mahilig sa
kantahan. Kahit saan ka man pupunta ay tila ba'ng mayroong kompetisyon sa kantahan ang
nagaganap, eh' paano naman kasi ang mga lugar gaya ng kanto at barangay ay mayroong
kantahang nagaganap na tila ba'y parating may pistahan. Sa telebisyon ay maraming
kompetisyon sa labanan ng boses na masasabii na ang boses ay ang puhunan. Isa sa mga sikat
na linyahang pangkomersyo sa musika ay ang "isa laban sa lahat " at marami pang iba gaya ng
kinatatakutang gong ni Jhong sa It's Showtime na ang tawag ng tanghalan.

Ang musika ay maraming dimensyon at maraming uri. Kung ikaw ay isang klase ng
tao na mahilig sa malumanay na kanta, maragsa na kanta, maingay na kanta o di kaya naman
ay katamtaman lamang ay mayroong mga musika na nakalaan para sa iyo, kung kaya't masasabi
na ang isang ganda ng isang musika o kapangitan ng mga nito ay hindi madaling bigyang titulo
o hatol bagkus ang iba't ibang tao ay may pansariling panlasa pagdating sa klase ng musika na
kanilang tinatangkilik.

Sige Lang

ni Mona P. Escorial

Sana lahat paborito ni Lord! Sana all maganda! Sana all may jowa! Iilan lamang ito sa
mga pahayag na kaliwa't kanan kung pumapel sa bibig ng nakararami't sinasambit ang iconic
line ng bayan, ang SANA ALL! Bakit nga ba tayo napapa-sana all? Naiinggit ba?
Namamangha? O wala sa mga nabanggit at trip-trip lang?

Marahil ay gusto mo lamang maranasan ang mga bagay-bagay. Maging kabigha-


bighani tulad ni Liza Soberano, maging gaya ng dating ni Enrique Gil o mapa-in a healthy
relationship katulad ng Kathniel kaya nangangalikot ang dila't napapasambit ka ng "sana all".
Hindi ba? Ayos lang iyan, normal lang iyan sapagkat likas sa atin ang mamangha at naisin na
makaramdam ng mga bagay-bagay na hindi pa nararanasan. Ngunit sa aaminin man natin o
hindi, dumarating din tayo sa puntong kinukuwestiyon natin ang ating mga sarili buhat sa agos
ng mga nahihinuha natin sa ating kapaligiran.

Pahina 6 of 32
"Bakit hindi ako katulad nila?" "Sana ako na lang siya." "What if maganda rin ako
kagaya nila, siguro ang daming mahuhumalingan ako." Hindi mo ba nababatid na sa bawat
kuwestiyon na iyong ibinabagsak ay maaaring katumbas ng pagbaba ng pagkabilib mo sa iyong
sarili? Kung anong puri mo sa iba, ganoon naman ang pagkadukha mo sa sarili. Natural lamang
ang makaramdam ng pagkainggit, sapagkat hindi lahat ay ipinanganak na maganda at matalino.

Itaas ang pagpapahalaga sa sarili, ngunit huwag maging mataas ang tingin dito. Gawing
elemento ang iyong "sana all moments" upang mas lalong maging dedikado sa iyong mga
hangarin sa buhay. Libre lang ang mag-sana all, mag-sana all ka habang ika'y gising, subalit
huwag papatali at papagapos sa linyang ito. Pakatatandaang may naghihintay din sa iyo, hindi
mo lang alam. Who knows the future? No one. Hindi ba? Pansinin ang sarili. Ikaw din ay may
sariling taglay na ganda, talino, at kakanyahan na maaaring hindi mo lang nadidiskubre pa sa
iyong sarili. Hindi ka man maging the best, dahil laging may taong mas magaling, mas
maganda, mas matalino at iba pa kaysa sa iyo. Ngunit, kailangan pa rin sa buhay ang gawin
ang “the best that you can” at posibleng lampasan ang pagkukumpara. Kung ako sa iyo,
gustuhin mo ang maging “better” dahil kung “better” laging may puwang para sa pag-unlad.

Sanayin natin ang ating puso na maging masaya sa tagumpay ng iba, habang
ipinagdiriwang din natin ang ating mga mumunting narating. Ayos lang maki-sana all sa mga
ganap sa buhay ng iba, ngunit huwag ding kaliligtaan na may mga ganap ka rin naman sa buhay.

Nilikha ka sa mundo hindi para ikumpara at ibaba ang iyong sarili, kundi maipakita at
maipalitaw ang pinaka-ikaw. Ang buhay mo'y mas magiging makabuluhan kung natututuhan
mong bigyan ng mas mataas na pagpapahalaga ang iyong gampanin, gawain, at higit sa lahat
ang sarili. Iba sila, at iba ka. May sarili silang life business and so are you. Marahil ay
nakaplaster sa iyong isip na maramdaman ang mga bagay na hindi mo pa hawak-hawak sa
ngayon, kung kaya ay ganoon na lamang ang dalas ng iyong pagsa-sana all. Mas pangibabawin
mo ang pagtitiwala sa proseso ng daang iyong nilalakbay. Sige lang, mangyaring sa ngayon ay
bukambibig mo pa ang linyang ito, ngunit darating din ang pinakatamang panahon na
mapapalitan ng "finally" ang lahat ng iyong "sana all" moments. Kaya sige lang!

Gintong Pumipitik

ni Eljay A. Francisco

Ika-nga nila na ang oras ay tila’y ginto, ito ay mahalaga at hindi basta’t pwedeng
sayangin. Ito ay maihahalintulad sa isang kayamanang iyo laman, kaya gamitin ito upang
alamin at gawin kung ano ang iyong tungkulin, tapusin at pagyamanin. Pero ginagawa mo ba?
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, tama ba?

“Nobody is perfect” sabi ng nakararami na nagkamali o piniling magkamali sa


pagwawaldas ng oras at panahon. Maaring pagod, kapos sa oras, maraming ginagawa, kaya
hindi mo nagawa ang simpleng trabaho. Ito ay ilan lamang sa mga dahilan ng mga taong gaya
ko, ikukubli ko pa ba? Oo, tunay na mahalaga ang oras sabi nila, pero ako’y hindi sila.
Nakadepende na yan sa atin paano natin hahatiin ang oras para sa tungkulin o gawain. Hindi
naman bawal magkamali at magpahinga o bigyan ng oras ang sarili, dahil sa bawat
pagkakamali ay natututo tayo at napagyaman pa ito, sa bawat pahinga ay nakaiisip tayo at
upang maging masigla at kahit sa gaanong paraan at dahilan ay may kabuluhan parin ang

Pahina 7 of 32
panahon na para sa iba ay iniisip na walang halaga. Hindi ko ibigsabihin na ulit-uliting
magkamali at magpahinga upang matuto at mag-isip, sumusobra na ata, sa akin lamang ay
pwedeng tayong matisod, madapa o mapagod kaya maaaring tayong humintong saglit,
bumangon, muling humakbang at magpatuloy.

Pero minsan hindi natin maiwasang sumobra, labis sa pagbibigay ng oras para sa sarili,
dahil gusto mong maranasan o gusto pang maranasan nang pa ulit-ulit ang hindi mo naiparanas
sa iyong sarili. Oo nga naman at nagagamit ang oras at panahon para sa sariling kagustuhan,
kaya nga lang minsan hindi natin namamalayan na ang bawat oras na lumilipas ay ganon din
ang bawat pagkakataon sa ating buhay. Ang oras ng buhay ay tila’y sigarilyo, kung pinili ang
landas na mali gaya ng bisyong ito, oo masarap ngunit unti-unting nauubos na nagiging upos,
alikabok at usok. “Sa una lang masaya” Saad ng iba, tunay nga naman, sa kalabisang oras para
sa saya ay babalik ka sa realidad at tutunganga na ito ang katotohanan. Kailangan mong ng
oras at gamitin ito para sa ikabubuti ng sarili at magkaroon magandang bukas.

Kahit anong takas mo sa anong dapat na gawin mo, wala eh! Nandito tayo, ito ang
realidad, ito ang katotohanan. Kahit magbulagbulagan, magbingibingihan o magpanggap na
manhid, natitiyak kong darating ang panahon ikaw ay magsisisi at magbabalik-tanaw sa bawat
oras at panahong ginamit sa walang kabuluhan.

Ang oras ay mahalaga, isang kayamanang iyo lamang. Oo, ginto mo yan! Gintong
pumipitik at sa bawat paglipas ay may maaaring mawaglit. Nakasalalay ito paano mo gamitin
at pahalagahan, huwag hintaying nakawin ng pagkakataon kasama ang iyong sarili. Gintong
tinutukoy kong oras na yaman at hawak mo, oo, ikaw na nagbabasa. Tandaan, hindi na
maibabalik ang oras na lumipas at ang lumipas ay bahagi na lamang ng iyong gunita, kaya pag-
isipang mabuti.

Love hurts

ni Jovelyn N. Garcia

Naranasan mo na bang umibig, Umasa? Mabigo? Masaktan? O mawasak ang puso dahil
lamang sa isang tao? Kung oo, naniniwala ka ba sa pariralang "love hurts"? Batid kong hindi
na bago sa atin ang salitang "pag-ibig" dahil kahit saan man tayo tumungo ay maririnig natin
ang salitang ito. Ngunit ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito? Ano ang pakiramdam na may
minamahal? Talagang masarap sa pakiramdam kapag ang taong iyong minamahal ay
sinusuklian ang iyong pinaparamdam. Wari ba'y ang sarap mabuhay sa mundong ito, mayroon
kang karamay sa iyong hamong pinagdadaanan sa buhay. Nagsisilbing iyong pahinga sa
mundong nakakapagod at maraming problema. Subalit sa lahat ba ng pagkakataon ay mahal
ka rin ng taong iyong iniibig? Paano kung ang taong iyong pinakamamahal ay winasak ang
iyong puso? Ang pag-ibig, kahit na ito ay magdadala sa iyo sa kasiyahan, ay nakapagdudulot
din ito ng sakit na hindi malilimutan.

Sabi nga nila, kapag nagmahal ka huwag mong ibibigay ang lahat, magtira ka para sa
iyong sarili sapagkat hindi mo batid kung tunay nga ba ang sadya sayo ng isang tao o
pinaglalaruan ka lamang pala. 'Yon bang buong akala mo ay siya na talaga ang taong ibinigay
o ipinagkaloob sayo ng poong maykapal upang maging iyong karamay sa buhay. Ngunit sa
isang kisapmata ay winasak ang iyong puso. 'Yg tipong ginawa mo na ang lahat, binigay mo
na ang lahat ngunit hindi pa rin ito naging sapat. Walang taong nagmamahal na hindi

Pahina 8 of 32
nasasakan, totoo yan, sapagkat kakambal ng pagmamahal ang sakit. Hindi magiging
makabuluhan/kapanapanabik ang ang inyong pagsasama/pagmamahalan kung walang
pagsubok ang inyong napagdadaanan. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na kailangan mong
saktan ang isang tao para lamang masabi na totoong minamahal mo siya.

Bukod pa rito, kapag ikaw ay nagmamahal nararapat lamang na mayroon kang tiwala
sa iyong kapareha. Ngunit paano kung ang taong iyong pinagkatiwalaan nang husto ay niloko
ka? Paano kung ang taong hindi mo lubos na inaakalang sasaktan ka ay sinaktan at binigo
ka? Hindi natin sigurado na sa lahat ng pagkakataon ay mananatiling totoo ang kanilang
nararamdaman o pinaparamdam sa atin. Kung kaya ay huwag magtitiwala nang lubos sa isang
tao sapagkat kapag ito ay mawawasak ay hindi na ito maibabalik pa. Tulad ng isang baso o
pinggang hindi iningatan at nabasag ay hindi na ito mabubuo pa kahit anong pilit na ayusin o
ipagdikit ang mga ito. Maaari ngang mabuo pa ito kapag gumamit ng pandikit subalit hindi na
ito magiging katulad noong una, naroon pa rin ang bakas ng nawasak na bahagi.

Talagang mahirap turuan ang puso lalo na kapag ikaw ay totoong nagmamahal, dahil
kahit sobrang sakit na ay iindahin pa rin ito huwag lamang mawala sa ating piling ang taong
ating iniibig nang husto. Lahat hahamikin, lahat kayang tiisin, lahat kayang ipaglaban para sa
pusong nagmamahal. Minsan nga ay nakagagawa pa ng mga bagay na hindi nating lubos
akalaing magagawa natin.

Hindi masamang magmahal lalo na't ang iyong intensyon ay puro at totoo ngunit ating
isaisip na kailangang mas mahalin natin ang ating sarili bago ang ibang tao. Kahit ano pa man
ang mangyari ay sarili lamang ang ating kakampi sa huli. Iwan man tayo ng lahat ng tao sa
ating paligid ay kailanman 'di tayo maiiwan ng ating sarili. Kaya naman ay bago tayo
magmahal ng iba ay sarili muna natin ang ating uunahin. Ika nga sa kasabihan na "mahalin mo
muna ang sarili mo bago ang ibang tao". Huwag hayaang mawala ang sarili para lamang
mapunan ang ibang tao, huwag hayaang mawasak ang iyong sarili para lamang mabuo mo ang
isang tao at matapos mong buuin ay ikaw naman ang wawasakin.

Bukod pa rito, ika nga rin sa kanta "huwag mong gawing mundo ang alam mo na tao
lang" kapag nagmamahal ka. Huwag mong hayaang sa kanya lamang iikot ang mundo mo
dahil napakalawak ng mundo, at marami ka pang maaaring gawin upang ikaw lumigaya at
malibang. Normal lamang ang magmahal subalit huwag yung sobra-sobra na aabot sa puntong
kailangan mo pang magmakaawa at itanong sa iyong sarili nang paulit-ulit kung ano ang iyong
naging pagkukulang.

Sabi nga sa kanta, masarap magmahal pag alam mong tunay, bagkus kabaligtaran naman
nito kapag ang pagmamahal na sinasabi ay hindi totoo. Talagang mapapasabi na lamang tayo
na tunay ngang masakit ang magmahal.

Pahina 9 of 32
Stages of Love: Saan ka dito?

ni Fatima Gonzales

Tila ba sa ating mga kabataan ngayon, ang pag-ibig ay isa lamang larong pampam at
sadyang pampalipas oras. Ngunit hindi dapat ganito ang pananaw natin sa pag-ibig. Ang pag-
ibig ay hindi lamang tungkol sa pakikipagrelasyon sa isang tao, kundi tungkol din sa
pagmamahal sa sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin.

Sa panahon ngayon, maraming nakakalimutan ang mga hakbang na kailangan


pagdaanan sa pag-ibig. Kaya naman mahalaga na mas lalo pa nating pag-aralan at maintindihan
ang mga ito. Sa ganitong paraan, mas maiiwasan natin ang mga problema at mas mapapalawak
ang ating pag-unawa sa pag-ibig.

Kaya't mga kabataan, tandaan natin na ang pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa
pakikipagrelasyon sa isang tao. Ito ay tungkol din sa pagmamahal sa ating sarili, sa ating
pamilya, sa ating mga kaibigan, at higit sa lahat, sa ating Diyos. Mag-isip tayo ng mabuti at
pag-aralan natin ng lubusan ang mga hakbang sa pag-ibig upang masiguro nating masaya at
matibay ang ating mga relasyon.

Ah, pag-ibig. Ang tamis-tamis ng pakiramdam nito ay hindi maipaliwanag sa mga


salita. Ngunit, mayroong mga iba't ibang hakbang o stages of love na kailangan nating
pagdaanan bago natin lubusang malaman kung ano ang pag-ibig talaga.

Una sa lahat, mayroong crush stage. Ito ang oras kung saan nakikilala natin ang isang
tao at naiisip na natin siya sa araw-araw. Pumapasok din ang mga pangarap at mga bagay na
gustong gawin kasama ang taong iyon. Masaya itong pagdaanan dahil pakiramdam mo, walang
ibang makakapantay sa kanya.

Pagkatapos nito ay ang honeymoon stage. Ito ang bahagi ng relasyon kung saan parang
nasa isang magandang mundo ka lang kasama ang taong iyon. Napakaligaya at napakasaya na
parang wala nang mas malaking problema sa mundo. Maraming natututunan sa isa't isa at mas
naiintindihan ang mga pangangailangan ng isa't isa.

Sumunod naman ay ang reality stage. Dito na natin nakikita ang mga di-perpekto sa
relasyon. Nagkakaroon ng mga pagtatalo at hindi napapagkasunduan ang mga bagay-bagay.
Ngunit sa pagtutulungan, nagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa at respeto sa isa't isa.

Pagkatapos nito ay ang commitment stage. Dito na natin pinapakita na handa tayong
magtiwala sa isang tao at magpakasal. Mas nagiging malawak ang mga pangarap dahil kasama
na ang taong mahal natin sa ating buhay.

At sa huli, ang maturity stage. Ito ang mga oras kung saan nagmamature na ang relasyon
at mas lalo natin natutunan ang isa't isa. Nagiging mas matibay ang pundasyon ng relasyon at
mas handa na tayong harapin ang anumang hamon na darating.

Sa pag-ibig, hindi lamang sa isang stage matatagpuan ang pag-ibig. Ito ay isang proseso
na kailangang pagdaanan upang masiguro ang kaligayahan at katatagan sa relasyon. Ang
mahalaga ay handa tayong harapin ang anumang hamon na darating at magpatuloy sa
pagmamahalan ng may respeto at pagpapahalaga sa isa't isa.

Pahina 10 of 32
Which is which? Hayskul o Kolehiyo?

ni Banni Gin C. Hasan

“High school life, oh, my high school life, every memory, kay ganda.
High school days, oh, my high school days are exciting, kay saya.”

Marahil naririnig natin ang boses ni Sharon Cuneta sa kanyang awiting “High School
Life” habang inaawit ang linyang ito. Nakaka-LSS, hindi ba? Pero totoo nga ba ito? Sa kabilang
dako, wala naman tayong naririnig na “College life, oh, my college life, every memory, kay
ganda. College days, oh, my College days are exciting, kay saya.” Ni-wala sa atin ang nakaisip
na rebisahin ang awitin sa ganitong paraan. Ipinapahiwatig ba nito na mas masaya sa high
school kaysa sa college? Impyerno nga ba talaga ang college life? Batay sa aking sariling
karanasan at naoobserbahan, aking ikukumpara ang buhay hayskul at kolehiyo.

Isa sa hindi malilimutang karanasan natin pagdating sa paaralan ay ang pamamalagi


natin sa mga klasrum. Sa high school, minsan ang mga estudyante ay may permanenteng
klasrum na lalong-lalo na kung tayo’y nakapribadong paaralan. May telebisyon pang nakadikit
sa blackboard! Kumpleto ang mga upuan, tiyak ika’y komportable sa klase. Sa college,
nauubos ang araw mo sa kahahanap ng klasrum. Napapagod ka na sa kalilibot mo sa ang buong
kampus para makahanap lang ng lugar saan maaaring magklase. Makahanap man, nakakaumay
naman ang makaluma at walang siglang klasrum na tutuluyan. Ikaw ay magtitiis sa mga electric
fan na uugod-ugod at minsan ay hindi pa gumagana. Dala-dala pa ang projector na kung
minsa’y hindi nagagamit dahil hindi gumagana ang saksakan. Kukuha’t hihila ka pa ng mga
armchair mula sa ibang klasrum kung hindi sapat ang bilang nito. Nakakaloka pero aminin
natin mas mainam na ito kaysa sa wala. At least nakahanap ng klasrum (hinihingal).

Pagdating sa mga requirements, totoong bahagyang chill-chill pa tayo noong haysul.


Hindi masyadong mabigat ang mga pinapagawa. Maluwag pa ang deadlines. Ang mga exam
ay medyo madali lang sagutin. May iilang paaralan pang may tiyak na tuntunin sa kung kailan
magbibigay ng quizzes. Kailangan sa isang linggo, tatlong subject lamang ang pwedeng
magbigay ng quiz sa mga estudyante. Gayundin din ang performance task, hindi masyadong
tambak. Sa college, tayo’y tunay na hihingalin sa buwis-buhay na pakikipagsapalaran Tinadtad
na nga sa mga reporting at research, hala bira pa rin! Sunod-sunod ang bigayan ng mga exam
at requirement! Teka sandal, mahina ang kalaban! Sabay pa ang pasahan ng requirements sa
midterms at final examination week. Hindi pa tapos ang isa, may susunod na naman. Mas
mahirap pa ang pagsusulit dahil kung minsan ay wala sa pinag-aralan ang mga aytem nito. Pero
sa kabila ng lahat ng ito, masarap pa rin sa pakiramdam kung lahat ng ito ay ating malagpasan.

Pagdating sa mga guro, sa high school, sila ay laging nariyan sa paaralan upang gabayan
tayo. Makikita mo lang sila sa faculty room, at mapupuntahan natin kung tayo’y may kailangan.
Pumapasok sila sa oras ng klase. Kung sila’y hindi makapasok dahil may ibang pakay na
gagawin, may substitute teacher na magtake-over. Hindi pwede sa kanila ang magmura o
magalit nang sobra sa takot na baka ma-Tulfo. Bihira lang sa college magkaroon ng instructor
o propesor na approachable at mabait. May pagkakataong tayo ang mag-aadjust sa mga guro
nating hindi pumapasok. Ni-hindi natin alam saan dahil hindi naman nagbibigay ng update.
Magpapakita na lang sa susunod na araw’t bigla naman magpapaulan ng tests at oral recitation.
Minsa’y hindi pa nagtuturo. Minsan nga’y papagalitan at mumurahin tayo ng mga propesor
kung tayo’y nagkamali. Walang pake-alam sa kanila kung tayo’y masasaktan sa kanilang

Pahina 11 of 32
sinabi, nasa atin na raw kung paano ito tatanggapin. Pero huwag ka, humahanga pa rin tayo sa
mga magbabangis nating guro.

Aminin, masaya pa rin naman ang college life. Dito, makatatagpo tayo ng mga totoo at
more matured na mga tao. Makakahanap ka rin ng mga taong kakikitaan mo ng pagkapareho.
Pareho kayong hindi handa sa pagsusulit, hindi ready sa oral recitation, hindi rin handa sa mga
report, hindi sigurado sa research, at marami pang iba. Oh, hindi ba? May masasandalan ka.
Ba’t namomoblema sa pag-aaral kung pareho kayong dehado? Pero hindi matatawaran ang
pagtutulungan at pagkakaibigan ng iyong mga kaklase. Sa college lang hindi masyadong uso
ang kompetesiyon sa isa’t isa. Lahat ay kapit-bisig hangga’t maaari para mapagtagumpayan
lang ang tasks na ibinigay.

“High school life, ba't ang high school life ay walang kasingsaya?
Bakit kung graduation na'y luluha kang talaga?”

Ito’y isang linya naman mula sa parehong awitin ni Sharon. Tunay naman talagang
tayong napaluha noong grumadweyt tayo ng high school. Gayunpaman, nakakaiyak dahil mitsa
na ito ng unti-unting paglisan sa mundo ng nakasanayan, at pagharap sa mundo ng realidad
dahil sa college, uso ang sariling sikap at deskarte.

Masasabi pa rin naman natin na ang college life ay walang kasingsaya. Kahit sa
graduation, tayo ay mas napapaluha pa. Sino ba naman ang hindi mapapaiyak na sa lahat ng
dagok at hirap na ating dinanas sa apat na taong dugo’t pawis na pakikipagsapalaran? Sa mga
mura’t pagpapahiya na ating natanggap? Sa requirements, reporting, at exam na na ating
hinarap? Kung papalarin ay magbubunga pa rin ito ng maganda. Sa ating college life,
makakasanayan natin ang iba't ibang dagok at mga paglubog, pero huwag kalilimutang mag-
enjoy at magpahinga. Sa college, malayo pa, pero malayo na tayo. Kayo riyan, which is which?
hayskul o kolehiyo.

Makapangyarihan ang Pag-ibig

ni Dabia A. Lucman

“O, pag-ibig na makapangyarihan, kapag ika'y pumasok sa puso ninuman, hahamakin


ang lahat masunod ka lamang.”. Ito ang mariing sinabi ni Francisco Balagtas sa librong niyang
Florante at Laura. Isang kabigha-bighaning linya na nagpaparating ng labis na kapangyarihan
sa puso ng isang umiibig. Masaya at masarap ang umibig. Ito ang madalas nagbibigay-buhay,
saya at kilig sa mga taong inspirado na ‘tila bang nakalutang sa ulap sa gaan ng pakiramdam.
Makapangyarihan ang pag-ibig. Napakadaling bigkasin subalit napakalaki ang epekto nito sa
tao. Sa simpleng salita nito, hindi natin alam kung bakit nagagawa nitong kontrolin ang ating
mundo.

Napakamisteryoso ng pag-ibig. Ang pag-ibig ay isang pakiramdam na mahirap


ipahiwatig. Nararamdaman mo ito ngunit mahirap bigyang-kahulugan. Ito ay pakiramdam na
nakapagpabago sa damdamin ng isang tao at nagdudulot ng iba’t ibang emosyon. Ang isang
taong umiibig ay madalas nakangiti at lutang ang isip na tila ba’y nasa ibang daigdig. Sa
madaling sabi, sila ay may sariling mundo at kinikilig. Kapag iniisip ang iniirog, madalas ay
masaya kasi nga inlove. Ganito pala ang pag-ibig. Ang boses ng sinisita’y nagiging musika

Pahina 12 of 32
kapag ito’y naririnig na ang sarap namnamin ng mga sinasabing nakakakiliti ang bawat linya
at napapatalon sa saya. Totoo ngang iba ang epekto ng pag-ibig. Makapangyarihan ang mga
salitang nilikha ng pag-ibig na kahit ang pinakamatibay na harang ay kayang malupig. Ang
dating alon na mabagsik ay nagiging musika na may malamyos na himig. Ang nagdaang
kahapon na puno ng lungkot ay nagiging bagong araw na puno ng kilig. Ngunit, hindi natin
masasabi na puro kaligayahan lamang ang hatid ng pag-ibig. Hindi lahat ng pag-ibig ay
masaya. Madalas, ang pag-ibig ay may hatid ring mabagsik na lason na pilit kang ibabaon sa
kailaliman ng kalungkutan hanggang sa hirap kang makaahon. Minsan ay nakatutulog ka na
lamang sa iyong silid, humihikbi habang yakap ang unan na pinipilit na maging mahinahon
upang hindi marinig ang pagtatangis. Nagtatago, umiiyak mag-isa upang maibsan ang sakit na
dulot ng pag-ibig at maghihilom din sa tamang panahon. Ngunit, bakit sa kabila ng masasakit
na nararamdaman ay nananaig pa rin ang pagmamahal? Mahirap at masakit man pero
kailangang tanggapin dahil kasama iyon ‘pag nagmahal ka. Ang masidhing damdaming ito ang
nagtutulak sa isang tao na gawin ang lahat ng kaniyang makakaya at ibigay ang lahat ng
mayroon siya upang mapasaya ang kanyang minamahal. Pagdating sa pag-ibig, lahat tayo ay
nagiging mahina. Labis tayong nadadala sa mga malambing at mabubulaklak na salita dahil
ang bawat hatid nito na halimuyak ay ‘tila isang mabisang gayuma. Isang gayumang maaaring
lumikha o sumira sa tunay na mukha ng pag-ibig na hindi pa natin nakikita.

Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. Isa itong emosyon na napakahirap


pigilan. Kahit na alam na natin kung ano ang tama at mali, minsan ay hindi natin nagagawa
kung ano ang makabubuti kapag ang puso na natin ang nagsalita. Habang lumalalim ang
pagmamahal sa tao o bagay, nagiging kahinaan din natin sila. Kung anong tuwa ay siya ring
lungkot. Kung anong ligaya ay siya ring sakit. Dahil ang pag-ibig ay kakambal ng
pagpapakasakit.

Pangungulila

ni Arra Myrna A. Marcos

Nasanay tayo sa poder na ating mga magulang. Paggising natin sa umaga may
nakahanda ng pagkain sa lamesa. Kung pupunta tayo sa paaralan, nakahanda na ang ating baon
at unipormeng gagamitin. Magulang. Isang salita na may walong letra. May kakaibang tawag
pa nga. May ama, ina, mommy, daddy, papa, mama, erpat, ermat, nanay tatay. Iilan lamang ito
sa mga katagang ating palagiang sinisigaw pagdating sa bahay, sa tuwing may kailangan tayo,
may masakit sa katawan at nirereklamo. Sila ang palaging nandyan, maaasahan at tuwing tayo
ay may kailangan. Sana lahat.

Lumaki ako na wala sa poder ng aking magulang. Hindi ko sila nakakasama araw-araw,
tuwing may okasyon, lalo na sa mga araw na masaya ako, malungkot, may sakit at nahihirapan
sa buhay. Hindi dahil wala na sila sa mundong ito, kundi nasa ibang barangay at ibang bahay.
Ako naman kasama ang aking tiyahin na masungit at medyo mabait. Nasanay ako na wala ang
aking mga magulang, hindi tulad iba na kasama sa iisang bubong. Minsan okay, minsan naman
hindi. Okay siya kasi natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Magluto, maglaba, gumawa
ng mga trabaho o bagay na dapat magulang ang gumagawa. Hinubog ang aking pagkatao na
kung saan natutuhan kong alalayan ang sarili sa tuwing kailangan ko ng taong masasandalan
tulad ng magulang. Dahil sa wala akong masabihan, bukod sa mga kaibigan natuto akong

Pahina 13 of 32
kumausap sa mga bagay na hindi naman ako sinasagot, tulad ng buwan, aso at pusa pati
palanggana na ginagamit ko sa paglalaba. Parang baliw hindi ba.

Minsan nararamdaman kong hindi okay na hindi kasama ang magulang dahil
nararamdaman kong kulang ako sa pag-aaruga, atensyon at pagmamahal. Sa tuwing masaya
ako dahil may bago nanaman akong tagumpay sa buhay hindi nila nakikita kung gaano ako
kasaya, kahit gusto ko rin ibahagi ang aking tagumpay ay hindi ko naman magawa. Sa tuwing
may problema ako hindi ko sila masabihan dahil baka mag-alala lang sila. Sa tuwing kailangan
ko ng tulong hindi ko sila masabihan dahil alam kong hindi nila ako matutulungan dahil malayo
sila. Naiingit ako, oo naiingit ako. Sa tuwing nakakakita ako ng pamilyang sama-sama, naiingit
ako. Bakit kami hindi ganon? Bakit ako hindi ko nakakasama ang pamilya ko? Panay tanong
ko sa sarili kahit alam ko naman ang sagot. Nagagalit ako, oo nagagalit ako. Galit na galit ako
at sa sobrang galit ko hindi ko rin sila masabihan dahil alam kong masasaktan lang sila sa mga
salitang lalabas sa aking bibig dahil sa galit. Umiiyak na lang ako. Oo, umiiyak na lang ako at
saksi ang aking unan at alagang aso. Kahit ganon pa man, hindi ko masasabing hindi ako mahal
ng aking magulang dahil sa tuwing umuuwi ako sa bahay ng dalawang araw ay pinapadama
nila sa akin kung gaano nila ako namiss. Ramdam ko rin ang kanilang pangungulala sa anak
nilang nagpapakatatag para makatapos lamang sa pag-aaral at alam kong alam nila na mahal
na mahal ko rin sila.

Ang buhay natin ay parang isang tubig na umaagos, dumadaan sa mga lugar na
makikitid, tumatama sa matitigas na mga bagay, ngunit sa huli ay sa dagat pa rin ang bagsak.
Malawak, malalim, ngunit napakagandang tanawin. Nagpapadala na lamang ako sa agos ng
buhay. Sinasalo ko na lamang kung ano man ang binabato sa akin ng kapalaran. Kaya kahit
anong sungit at malapuwet ng manok ang bunganga ng inyong mga magulang, mahalin niyo
pa rin sila at yakapin araw-araw. Nawa'y hindi niyo maranasan ang nararanasan ko na hindi
nakakasama ang magulang at kayakap lamang ang sarili.

Pag-Ibig

ni Miu Mae O. Mosones

Sa buhay ng isang tao, ang pag-ibig ay isang napakamahalagang bahagi ng pagkatao.


Ito ang nagbibigay ng kasiyahan at kaligayahan, nagpapakatotoo ng damdamin, at nagbibigay
ng inspirasyon upang tuparin ang mga pangarap. Ang pag-ibig ay may iba't ibang uri at anyo,
mula sa pag-ibig sa pamilya at mga kaibigan, hanggang sa romantikong pag-ibig.

Sa romantikong pag-ibig, hindi maikakaila na ito ang isa sa pinakamasarap na


karanasan na maaaring maranasan ng isang tao. Kapag nagmahal tayo, nagiging handa tayong
ibigay ang lahat para sa minamahal natin. Ang pag-ibig ay nagtutulak sa atin na magpakatotoo
sa ating mga damdamin, at ito ay nakakatulong upang maging mas matatag tayo sa lahat ng
mga pagsubok sa buhay.

Ngunit, hindi lamang sa romantikong pag-ibig nakatutok ang lahat. Mahalaga rin ang
pag-ibig sa pamilya at mga kaibigan. Sa pag-ibig na ito, ang pagsuporta at pagmamahal ay
hindi nawawala. Ito ang nagbibigay ng lakas ng loob sa bawat isa upang harapin ang mga
hamon ng buhay. Ang pag-ibig sa pamilya at mga kaibigan ay nagbibigay ng katiyakan at
pakiramdam ng kaligtasan, na hindi maaring matumbasan ng kahit anong bagay.

Pahina 14 of 32
Ngunit, hindi lamang pag-ibig sa iba ang mahalaga. Mahalaga rin ang pag-ibig sa sarili.
Kapag nagmamahal tayo sa ating sarili, nakakatulong ito upang maging mas malusog ang ating
pag-iisip at katawan. Ito ang nagbibigay sa atin ng lakas ng loob upang harapin ang bawat
hamon na ating kinakaharap sa buhay.

Sa buhay, hindi natin maaaring iwasan ang mga pagsubok. Subalit, ang pag-ibig ay
nakakatulong upang malampasan ang mga ito. Ang pag-ibig ay nagtutulak sa atin na
magpakatatag, magtiwala, at magmahal sa lahat ng mga taong nasa paligid natin. Ito ang
nagbibigay ng kahulugan sa ating buhay, at nagbibigay ng kasiyahan na hindi maaring
matumbasan ng kahit anong kayamanan sa mundo. Kaya't higit na mahalaga na pangalagaan
natin ang ating mga relasyon at pag-ibig, upang maipakita natin ang tunay na kahalagahan ng
pagmamahal sa bawat isa.

Pag-Ibig, Isang Sugal

ni Mariel G. Perez

Bawat isa sa atin ay naghahangad na makatagpo ng isang tao na pupunan sa ating


kakulangan. Isang taong magpaparamdam sa ating kung gaano tayo kahalaga at tutulong upang
mahubog pa natin ang ating pagkatao. Taong magiging dahilan upang lubusan nating
maunawaan ang tunay na kahulugan ng salitang “kaligayahan”. Ngunit masasabi ba nating
pagdating sa pag-ibig, ay puro lamang kaligayahan?

Napapangiti, kinikilig, at tila iniisip mo na sya na ang iyong "the one", nag-iisa lamang
at walang kahambing. Iyan ang nararamdaman ng mga taong umiibig o di kaya'y may
hinahangaan. Ngunit tunay nga bang siya na ang iyong “the one” o ang “mang-iiwan”?
Mayroon din naman na takot magmahal o pumasok sa isang relasyon, mga taong ayaw sumugal
sa laro ng pag-ibig. Marahil ay naranasan na nila o di kaya’y iyon ang kanilang pananaw dahil
sa napapansin sa kanilang mga kaibigan. Maaaring sarado pa o sarado na ang kanilang mga
puso sa mga kumakatok. Papapasukin mo pa ba?

Mayroong mga umiibig rin naman na kahit alam niyang talo na sya sa umpisa, ay sige
pa rin dahil doon lamang siya sumasaya. Kahit one-sided love ang kanilang sitwasyon.
Handang masaktan, mahalin lang ang taong tinatangi niya. Mayroon rin namang ginagawang
laro ang pag-ibig. Hindi ka raw kayang iwan ngunit may kausap na palang iba kahit kayo pa.
Pipitas ng bulaklak at pababayaan na lamang kapag lanta na. Mga taong nais lamang paglaruan
at saktan ang damdamin ng iba.

Sa dinami-rami ng tao sa mundong ito, bihira na lamang ang makahanap ng taong tapat
at totoo. Isang sugal kung iisipin dahil walang katiyakan ang kalalabasan ng iyong
pagmamahal. Ang iba'y mapagpanggap, lilinlangin ka't kakatok upang sila'y maibigan.
Nakataya sa iyo kung bubuksan mo ba ang pinto ng iyong puso. Ikaw, Susugal ka ba?

Pahina 15 of 32
III. Mga Pormal na Sanaysay

Takot sa Tagumpay

ni Princess Farida Ann C. Altapa

Ang pangamba sa kabiguan ay malamang na isang bagay na narinig ng lahat. Bagama't


ito ay isang tunay na sikolohikal na karamdaman na nagdudulot ng pagdurusa sa mga
nakararanas nito, ito ay naging isang karaniwang katwiran at dahilan para sa hindi paggawa ng
isang bagay. Ang takot naman sa tagumpay ay kakaiba. Madalas na binabalewala o itinatakwil
sapagkat ang hatol dito ay hindi mahalaga.

Bakit pipiliin ng isang tao na iwasan ang pagkamit ng mga tagumpay, pagkamit ng mga
layunin, at pagsasakatuparan ng kanilang mga mithiin, sinadya man o hindi? Dahil sa ang
tagumpay sa anumang anyo ay may isang bagay na karaniwan: maaaring baguhin nito ang
buhay ng isang tao. Ito ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang mga tao ay maaaring
matakot sa tagumpay. Ang pariralang "lumabas sa iyong comfort zone," na karaniwang
tumutukoy sa pagsubok ng bago, mapanganib, o hindi pangkaraniwan para sa isang tao. Ang
tagumpay ay nangangailangan ng pagsubok ng mga bagong bagay, pag-adap sa mga
makabagong pamamaraan, at pagkakaroon ng mga bagong gawain, kakilala, inaasahan, at
obligasyon (McGuinness, 2013).

Ang personalidad ng isang indibidwal ay maaaring gumanap ng papel sa takot na


nararamdaman nito sa bago at pagbabago. Ang isang taong natatakot sa tagumpay ay maaaring
mag-isip na kung matagumpay sila ay mayroong magbabago. Ito ay maihahalintulad sa takot
na mamatay dahil kabilang dito ang pagkawala ng iyong pagkakakilanlan. Ayon kay
McGuinness (2013), ang kaisipan na ito ay nagmumula sa ideya na upang maging
matagumpay, ang isang tao ay dapat na ganap na palayain ang kaniyang dating sarili. Ang takot
sa tagumpay ay maaaring may malalim na pinagmulan na nagmumula sa mga trahedya ng
pagkabata. Ang pagkabata ay maaari ding pagmulan ng pagdududa sa sarili o isang
pakiramdam ng hindi pagiging karapat-dapat para sa tagumpay.

Ang pagbabago ay aktwal na nagsasangkot ng pagpapatong ng mga bagong katangian


at pag-uugali sa itaas ng mga dati nang umiiral. Ang isang "mas matandang" personalidad ng
isang tao ay hindi nawawala, at hindi tumitigil sa pag-iral; sa halip, magkakaroon lamang ng
mga bagong katangian, kakayahan, at pananaw.

Climate Change: Hagkis sa Kalikasan at Kalusugan

ni Yushra A. Baybayan

Matagal na panahon nang nagbabala ang mga eksperto tungkol sa lumalalang pag-init
ng panahon dulot ng pagtaas ng greenhouse gases na siyang kagagawan din ng sangkatauhan.
Palasak na ang init na ating nararamdaman dahil dito, ngunit bakit patuloy pa rin ang paggawa
natin ng mga aktibidad na mas magpapalala pa rito? Wika ng iba, walang magagawa sapagkat
hindi tayo mabubuhay kung iiwasan ang mga nakagawian. Hanggang kailan? Kung kailan lahat
tayo'y magkakasakit na sa init? Kung kailan ang ating mga balat ay magiging tuyot kapag ito'y

Pahina 16 of 32
tatamaan ng sinag ng araw? Ang malala pa, ka'y raming sakit ang napupukaw dulot nito,
napakataas ng potensyal nito na pinakamalaking banta sa kalusugan. Tunay na ito'y
nakaaalarma, at bilang isang mamamayang may sapat na kaalaman at kamalayan, sa tingin ko'y
panahon na upang kumilos, panahon na upang itaas ang bandera't bumoses upang tugunan ang
matagal nang isyu sa climate change.

Ayon sa pag-aaral ng DOH, may dalawang sanhi ang climtae change. Una, ito ay natural
na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang panahon. Ito ay sama-samang
epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng
lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo. At pangalawa,
ang mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang
greenhouse gases (GHGs). Ang GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng
carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya
sana’y lalaban sa carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na
nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.

Naaapektuhan ng gawain ng tao ang ating klima sa isang pinabilis na antas. Ang mga
pandaigdigang pagbabagong ito ay pagkawasak ng ecosystem, pagtaas ng lebel ng dagat, at
pagbabago ng ayos ng panahon. Ang Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ay
nag-uulat ng mataas na probabilidad na ang malalang mga kaganapan sa panahon dahil sa
pagbabago ng klima ay palalain ang pagkalat ng mga sakit na dala ng tubig, na humahantong
sa pagtatae, sakit sa bituka, at impeksyon sa mata at tainga. Inaasahang maaapektuhan din ng
pagbabago ng klima ang pamamahagi at paglaganap ng mga sakit na dala ng insekto gaya ng
Malaria, Lyme disease, at Dengue fever. Ang mga sakit na ito ay lubos na tumutugon sa mga
pagbabago sa temperatura at pag-ulan.

Bilang pagpapatunay, ayon sa World Health Organization (WHO), isang pag-aaral mula
sa mga mananaliksik ang nagsasabi na makaaapekto ang climate change sa 250,000 deaths sa
taong 2030-2050 mula sa iba't ibang kondisyon gaya ng heat stress, malnutrition, diarrhea at
iba pa. Ngayon pa lamang ay makikita na natin ang epekto nito, at ang paglala nito ay tiyak na
hahantong sa mas malala pang kalagayan ng mundo at ng mga taong nakatira rito.

"The exigency of this situation must not lead us to despair, rather it should propel us into
action." Wika ni Mary Robinson. Hangga't may panahon at pagkakataon, huwag nating
ilugmok ang ating mga sarili sa isang gilid at hintayin na lamang ang pagkasira ng ating mundo.
Bagkus, maging dahilan ito upang lakasan ang ating mga loob at kumilos upang ito'y tugunan
o bigyang solusyon.

HIV: Kaalaman, Seguridad, Proteksyon at Tulong ng Agham

ni Franz Jade Dellatan

Ang sakit na HIV ay napakaseryosong isyu na kinakailangan lutasin ng mga tao sa


lipunan at na rin ng Departamento ng Kalusugan dahil wala pa itong lunas, mayroong mga
gamot na napapahina ang virus ngunit hindi ito napupuksa ng lubusan. Ngunit ano nga ba ang
HIV? Ayon sa website Grinder App "Ang HIV ay nangangahulugan sa Human
Immunodeficiency Virus. Pinabababa ng HIV ang iyong immune system, at nagiging mahirap
para sa iyong katawan ang manatiling malusog. Kapag ito ay nagpatuloy, maaari itong
luminang bilang Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS)"

Pahina 17 of 32
Ayon sa datos ng United Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS) naitala na ang
Pilipinas ay ang pinakamabilis na may pagtaas ng kaso ng sakit na HIV sa Asya at rehiyong
pasipiko. Nasa kabuuang 38.4 milyong tao na ang namumuhay na may HIV noong katapusan
ng 2021. Nakukuha ito sa pakikipagtalik, sa pagamit ng parehong injections o sinulid at maaari
rin itong mapasa sa isang bata kung may HIV o AIDS ang isang magulang. Ayon sa Datos na
inilabas ng DOH sa mga sanhi ng pagkakaroon ng HIV, ang pakikipagtalik ay nangunguna sa
lahat ng paraan ng paghahatid ng HIV sa 14,637 kaso na naitala noong 2022. Sa bilang na iyon,
10,006 na impeksyon ang nakuha sa pamamagitan ng male-to-male sex, 2,970 sa pamamagitan
ng heterosexual contact, at 1,661 na kaso sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa babae.
Nakapagtala rin ang DOH ng 95 HIV infections na nakuha sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
infected needles, at 37 kaso ng mother-to-child transmission.

Sa pakikipagtalik, gumamit ng mga proteksyon gaya ng condom at marami pang iba


upang maiwasan ang HIV at huwag magkipahtalik kung kani-kanino. Mas mainam na
magpacheck muna kung ano ang estado ng kalusugan. Sa mga datos na nakuha, hindi
maiiwasan na ang mga tao sa lipunan ay nagkakaroon ng diskriminasyon at stigma tungo sa
mga taong may HIV halimbawa na lamang nito ay ang pagkawala ng trabaho ng isang taong
may dinadalang sakit, pinagdidirihan at itinataboy. Dahil sa mga ito, maraming tao na may
HIV ay natatakot ipalaam kung ano ang kanilang estadonsa kalusugan. Kahit sila man ay may
sakit sila pa rin ay tao na may karapatan na nabubuhay ng may kahalagahan, kagandahan at
pagmamahal. Bilang isang tao sa lipunan Kinakailangan natin lutasin at magtulungan.
Respetuhin natin sila ng may dangal at integridad sapagkat ang mga taong may dinadalang
sakit ay grabe ang nakukuhang depresyon. Sa pamahalaan, tulungan natin sila na magkaroon
ng mga karapatan at magkaroon ng sapat na proteksyon sa kanilang trabaho, diskriminasyon at
proteksyon sa kalusugan. Bukod sa mga nabanggit, upang ang mga tao sa lipunan ay maging
bukas, maari ang mga grupo at organisasyon gaya ng DOH ay maglunsad ng programang
kaalaman o awareness gaya ng mga seminar sa kung ano ang sakit na HIV.

Marahil na ang HIV ay wala pang lunas ngunit sa kabutihang palad, may mga
epektibong medikasyon upang mapanatiling malakas ang immune system. Nang dahil sa
patuloy na pag-unlad sa sining ng medisina, maaari na ngayong mamuhay ang mga positibo sa
HIV tulad ng mga negatibo sa sakit na ito, basta’t ipagpatuloy ang pag-inom ng gamot. Iwasan
ang paghuhusga, mas mainam na maging bukas ang isip sa mga ganitong sakit sapagkat
sinundan lamang ng mga tao kung ano ang tinitibok ng kanilang libido.

A Millenial Lingo: Ghosting

ni Mona P. Escorial

Ang "ghosting" ay isang katawagan na naging popular nitong mga nakaraang panahon
at karaniwang bunsod ng kasikatan at malawakang paggamit ng teknolohiya para sa
pakikipagkomunikasyon. Ang pag-usbong ng mga elektronikong pangkomunikasyon at sikat
na dating apps tulad ng Grindr, Tinder, at Bumble ay nagpapabilis sa pagbubuo at pagpuputol
ng koneksyon sa isang taong kakakilala mo lang sa isang swipe.

Ngunit ano nga ba ang konsepto ng "ghosting"? Bakit ginagawa ito ng ilang tao at ano
ang maaari mong gawin kung sakaling ikaw ay makaranas nito?

Pahina 18 of 32
Ang bagong kolokyal na millennial lingo na kung tawagin ay "ghosting", ay nagmula
sa salitang "ghost". Ayon sa Cambridge Dictionary, ang "ghosting" ay tumutukoy sa biglaang
pagputol ng pakikipag-ugnayan sa isang tao nang hindi nagbibigay ng anumang babala o
paliwanag. Ito ay nangyayari sa pamamagitan ng isang teknolohikal na paraan, halimbawa,
hindi pagtugon sa mga tawag sa telepono o text message o pag-unfollow at pag-block sa isa't
isa sa social media.

Ang ghosting ay naiiba sa ibang mga paraan ng pagputol ng isang relasyon, sapagkat
sa konseptong ito ay winawakasan ng isang tao ang isang relasyon nang hindi kinakailangan
ng "break up".

Sa sarbey na ikinomisyon noong taong 2022 ng isang dating app na Bumble, mahigit
lima (5) sa sampung (10) Pilipino ang nakaranas ng ghosting. Samantala, batay naman sa
sarbey na inilabas ng isang research company na YouGov Singapore, humigit-kumulang nasa
56 porsyento (56%) ng 1,118 na mga lumahok na single na may edad 18-41 taong gulang ay
nakaranas ng ghosting. Humigit-kumulang 46 porsyento (46%) din ng mga single ang sinisisi
ang abalang iskedyul bilang pangalawang pinakapalasak na dahilan. Dahil sa mga nasabing
dahilan, humigit-kumulang 48 porsyento (48%) ng mga Pilipinong tumugon ang bumaba ang
tiwala sa sarili sa pakikipag-date matapos makaranas ng ghosting, at 73 porsyento (73%) ay
hindi naniniwala na ang ghosting ay isang angkop na paraan upang wakasan ang isang relasyon.

Matatandaan noong taong 2022 ay inihain ni Negros Oriental 3rd District


Representative Arnolfo Teves Jr. sa kamara ang "Anti-Ghosting Bill". Nais niyang ituring na
"emotional abuse" ang "ghosting," o biglang naglaho na parang bula ang isang tao nang walang
dahilan o paalam. Sa House Bill 611 na inihain ni Teves, ipinaliwanag niyang nakakaapekto sa
mental health ng isang tao ang ghosting, sapagkat ang pang-gho-ghost daw ay maaaring
maging “mentally, physically and emotionally exhausting” sa sinumang nabibiktima nito.

Ang pagiging nasa "receiving end" ng ghosting ay maaaring magkaroon ng malaking


epekto sa isang tao, sa emosyonal at mental na aspeto. Ito ay maaaring humantong sa iba't ibang
emosyon, kabilang na ang pagkalito, pagkabigo, pagdududa sa sarili, galit at kalungkutan.
Bagama't ang pagputol sa anumang relasyon ay maaaring magdulot ng mga emosyong ito, ang
pinakamahirap sa ghosting ay ang hindi man lang alam kung bakit ito natapos. Kapag ang isang
tao ay "na-ghost", hindi sila nakakakuha ng anumang paliwanag. Nagiging sanhi ito upang ang
isang tao ay magsimulang manghula sa mga dahilan, madalas sinisisi ang kanilang sarili, at
maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa kanilang pagpapahalaga sa sarili dahil
nararamdaman nila na hindi sila karapat-dapat na makatanggap ng paliwanag o "closure".

Bilang karagdagan, batay sa resulta ng isang pag-aaral ni Dubar (2021) na


pinamagatang "Disappearing in the Age of Hypervisibility: Definition, Context, and Perceived
Psychological Consequences of Social Media Ghosting", inamin ng ilang mga mag-aaral na
lumahok na "nang-ghost" sila ng ibang tao dahil kulang sila sa mga kinakailangang kasanayan
sa komunikasyon tungo sa pagkakaroon ng bukas at tapat na pag-uusap. Samantala ang ilan
naman ay pinili ang "mang-ghost" kung nararamdaman nila na ang pakikipagkita sa tao ay
pumupukaw sa emosyonal at sekswal na damdaming hindi nila handang ituloy. Sa madaling
sabi, ito ay isang madaling paraan o "an easy way out".

Gayunpaman, sa isang artikulo onlayn na "Ghosting – How it affects your mental


health" ni Heasli (2022), may ilang mga bagay na maaari mong gawin pagkatapos "ma-ghost".
Una, huwag magpatuloy sa pag-text o pagtawag. Ang isang tao ay nagbigay na ng malinaw na

Pahina 19 of 32
mensahe sa pamamagitan ng hindi pagtugon sa iyong mga pagtatangka sa pakikipag-usap. "No
response is a response." Ang pagpapadala ng higit pang mga mensahe ay magdudulot lamang
sa iyo ng sakit at pagkabigo dahil ang mga ito hindi naman nasasagot. Pangalawa, huwag
sisihin ang iyong sarili. Madaling mag-isip ng negatibo tungkol sa sarili at isipin na may
nagawa kang mali. Nagaganap ang pagninilay-nilay kapag sinisisi ng isang tao ang kanilang
sarili sa isang bagay na hindi nila kasalanan. Tandaan na kapag ikaw ay "na-ghost", ito ay
naglalarawan tungkol sa kanya at hindi sa iyo. Pangatlo, pahalagahan ang iyong sarili. Alamin
na karapat-dapat kang tratuhin ng tama at mas mabuti. Ang tunay na pagpapahalaga sa sarili
ay ang pagkakaroon ng tiwala na ikaw ay sapat at karapat-dapat na mahalin at igalang. Pang-
apat, mas bigyang tuon ang maayos at masaganang relasyon. Kumuha ng suporta mula sa mga
positibong tao sa iyong buhay sa pamamagitan ng pakikipag-usap at paggugol ng oras sa mga
kaibigan at miyembro ng pamilya na sumusuporta, nanghihikayat at gumagalang sa iyo.
Panglima, masiyahan sa iyong sarili. Gumugol ng oras sa paggawa ng mga bagay na
nagdudulot sa iyo ng kagalakan at kaligayahan.

Halloween man o hindi, hindi maganda ang "ghosting" at ito ay hindi dapat
ipinagmamalaki. Ito ay nagdudulot ng sakit at bigat sa damdamin ng sinuman. Mahalagang
maunawaan kung gaano kahirap para sa isang tao ang manahimik nang hindi man lang
nabigyan ng closure. Kung ikaw ay nabiktima nito, huwag mag-atubiling pakawalan ang
relasyon. Sapagkat, kung gusto nila, hindi nila ito tatapusin. Kung tunay na sila ay interesado,
hindi sila maglalaho na parang multo.

Malnutrisyon: Maaaring Hantungan ng Kabataan

ni Eljay A. Francisco

Gutom! Malnutrisyon! Ito ay ilan lamang sa napakarami at napakalaking problema


ngayon ng ating mundo, lalong lalo na sa Pilipinas. Ayon sa naitala ng WHO o World Health
Organization, Sa taong 2020 ay mayroong isang daan walumpu't siyam (149) na milyong bata
na wala pa sa edad na 5 ang tinatayang bansot, kung saan sa edad na ito ay napakaliit masyado
kung tutuusin. Tinatatayang namang mayroong apatnapu't limang (45) milyon ang masasabing
payat kung ikukumpara sa kanilang katangkaran, at mayroong 38.9 na milyon ang labis sa
timbang o napakataba. Sa Pilipinas, siyamnapu't limang (95) mga bata ang namamatay araw-
araw kaugnay sa malnutrisyon at ito ay ayon sa UNICEF. Nakakabahala’t nakakalungkot na
ang mga batang dumaranas ng malnutrisyon ay mayroong lamang maliit na pagkakataon na
mabuhay ng mahaba at magkaroon ng isang buhay na produktibo. Ano ba ang malnutrisyon,
uri at epekto nito? Bakit ito nakababahala’t kailangang bigyang pansin?

Ang malnutrisyon ay maaaring humantong sa kamatayan, ngunit bago pa mangyari iyon,


ang mga batang kulang sa nutrisyon ay dumaranas ng maraming pisikal na problema. Kaugnay
dito, ayon sa Philippine Institute for Development studies, ang bilang ng kabataang limang
taong gulang pababa nananatiling mataas parin ang masasabing bansot at o kulang sa timbang.
Ang matinding pagbaba ng timbang, pagbagal ng paglaki, at madalas na dulot nitong mga
impeksyon ay ilan lamang sa mga pisikal na suliranin na nagreresulta mula sa mahinang
nutrisyon. Dahil ang tinatawag na immune system ay madalas na nagsisimulang humina sa
katawan ng mga batang malnourished, sila ay napakadaling magkaroon ng mga sakit na
nagbabanta sa kanilang buhay tulad ng tuberculosis, tigdas, at pagtatae. Ayon kay Dr.
Francesco Branca, Direktor ng Departamento ng Nutrisyon para sa Kalusugan at Pagpapa-
unlad sa World Health Organization (WHO), “Malnutrition is a complex issue, but it is the

Pahina 20 of 32
main cause of death and disease in the world,” dagdag pa sa saad na ayon sa WHO, humigit-
kumulang 45% ng mga namamatay sa mga bata ay wala pang edad na 5 taon at ito ay may
kaugnayan sa mababang nutrisyon.

Ang Marasmus at ang Kwashiorkor ay nabibilang sa uri ng malnutrisyon. Ang Marasmus,


ito ay tumutukoy na kapag ang isang bata ay masyadong maagang nalutas at nakakatanggap ng
napakakaunting kaloriya at sustansya. Kapag ang isang batang mayroong ganitong uri ng
malnutrisyon, nagkakaroon ito ng labis na kakulangan sa timbang, walang taba sa katawan,
maaaninag at makikita na halos maihahalintulad ang bata sa isang puppet na may malalaking
ulo, katawang maliit, ang mga braso at binti ay manipis. Sa kalaunan ay lumubog ang kanilang
balat, at kulubot ang kanilang mga mukha. Hindi rin sila makaliligtas sa mga problemang dulot
nito, kung saan ang kanilang mga organo sa katawan ay lumiliit, ang kanilang mga bituka ay
nagsisimulang magbago, at ang kanilang pulso ay bumabagal. Ang marasmus sa madaling
salita ay nakakapagdulot ng pagkawasak sa katawan ng bata.

Habang ang Kwashiorkor ay nangyayari kapag ang mga bata ay hindi nakatatanggap ng
kinakailangang protina at sustansya. Kapag ang isang batang may karamdamang ito, ang
kanilang mga tiyan ay namamaga na talagang nagpapamukha sa kanila na medyo malusog.
Gayunpaman, ang kanilang mga tiyan ay lumalabas na malaki dahil ang kanilang mga
kalamnan sa tiyan ay maluwag at mahina. Ang kanilang balat ay madalas na maputla o pula, at
ang kanilang buhok ay numinipis. Sa hindi katagalan ay tumitigil na lamang ang isang bata na
lumaki dulot ng karamdamang ito.

Ang mga bata ay nagiging maantukin, mabagal ang pagproseso ng kanilang kaisipan, at
nalilito kapag sila ay kulang sa kain. Kaugnay dito, bumababa ang kanilang kakayahang matuto
at umunlad. Ayon sa UNICEF, ang mahinang nutrisyon sa panahong ito ay maaaring
makapagdulot ng hindi magandang epekto sa pisikal at mental na pag-unlad ng isang bata, na
kalaunan ay nakakaapekto sa pagganap ng isang bata pati na rin sa pagiging produktibo.

Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mahinang nutrisyon sa mga bata ay maaaring patuloy
na hadlangan ang pag-unlad hanggang sa pagtanda. Ang malnutrisyon ay isang seryosong
problema para sa mga tao sa lahat ng edad, ngunit ito ay talagang mayroong malaking pinsala
na dulot sa mga bata, mula sa pagkahina hanggang sila ay mawala. Ang problemang ito ay
hindi mawawala at malulutas sa lalong madaling panahon. May mga bagong paraang tulad ng
patuloy na pagsasaka, pamamahagi ng pagkain, at pangangalagang pangkalusugan ay
makatutulong upang maibasan ang suliraning ito. Ang mga pagbabagong ito ay ngayon pa
lamang nagsisimula, kung kikilos ang lahat at magtutulungan, maaari itong maagapan.

Tao laban sa Sarili

ni Jovelyn N. Garcia

"Ayoko na, pagod na ako, hindi ko na kaya, gusto ko ng mawala sa mundong ito." Iilan
lamang ito sa mga katagang ating naririnig sa mga taong nawawalan na ng pag-asa sa buhay.
Mga taong nasa punto na ng buhay na gustong-gusto ng sumuko at makawala sa problemang
kinakaharap.

Pahina 21 of 32
Ang karaniwang tao ay pursigidong mabuhay sa mundong ito. Maalintanang hamakin
ang lahat para lamang madaig ang mga hamong hinaharap sa buhay. Gayunpaman, hindi lahat
ay may ganitong pananaw sa buhay. May mga taong malakas ang kalooban subalit ang iba
naman ay mahina lamang. Ang kahinaang ito ay maaaring humantong sa pagsuko, kung
minsan ang poot at sakit ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng pag-asa ng isang tao at
humantong sa pagpapatiwakal.

Ang pagpapakamatay ay ang pagkitil sa sariling buhay. Ayon kay Philippe Dobol
Piccio, ang pagpapakamatay ay isang seryosong hamon sa kalusugan ng publiko na nararapat
na pagtuunan ng pansin at matulungan bago pa mawalan ng buhay ang isang tao. Pagkitil sa
sariling buhay ang natatanging solusyon ng iilan para matakasan ang suliraning kinakaharap sa
buhay. Paano nga ba natin mapipigilan ang isang tao na subukang wakasan ang kanilang buhay
sa kabila ng ilang mga hindi inaasahang problema?

Ayon sa ulat noong 2012 ng World Health Organization, ika-150 ang Pilipinas sa 170
bansa na may pinakamataas na bilang ng pagpapakamatay. Malayo ito sa top 10, pero hindi
ibig sabihin na hindi na ito maaaring balewalain. Kahit isang buhay lang ang nawala dahil sa
pagpapakamatay, buhay at paghihirap ang pinag-uusapan dito. Bukod pa riyan, ayon pa sa
World Health Organization (WHO), 800,000 katao sa buong mundo ang nagpapakamatay
bawat taon, o isa sa bawat 40 segundo. Noong 2015, ang pagpapakamatay ay ang ika-17
nangungunang sanhi ng kamatayan. Nalaman ng isang pag-aaral noong 2013 na ang mga rate
ng pagpapakamatay ay pinakamataas sa pangkat ng edad na 20-24. Sa isang hiwalay na pag-
aaral noong 2007 ng Ministry of Health, 15 sa 900 na mga tinedyer ang nagtangkang
magpakamatay.

Hindi lingid sa ating kaalaman na kaliwa't kanan ang napapabalitang nagpapakamatay.


Paggising sa umaga ay bubungad na agad ang balitang may bago na namang kaso ng suicide
sa iba't ibang kadahilanan o salik. Maaaring kawalan ng suporta ng pamilya, mayroong isang
traumatikong karanasan tulad ng pagiging biktima ng karahasan, kawalan ng pag-asa, labis na
pangungulila, problemang pinansiyal, panunukso sa paaralan o sa pamamagitan ng social
media at panunukso sa paaralan o school bullying, social media o cyberbullying komunidad.

Ayon sa psychiatrist na si Redfield Jamieson, “Ang bawat tao ay may dahilan sa


pagpapakamatay na siya lang ang nakakabatid, mahirap unawain nang lubos at lubhang
nakababahala. Kung kaya ay huwag agad husgahan ang isang taong piniling wakasan ang
kanyang buhay. Mahalagang malaman kaagad kung ano ang pinagdadaanan ng isang tao kapag
nagtangka silang magpakamatay para ito ay maiiwasan o maaagapan. Dapat tayong matutong
magkaroon ng habag sa isa't isa at mag-ingat sa bawat salitang bibitawan nang sa gayon ay
hindi makakasakit sa iba. Dapat matutong humingi ng naaangkop na pagpapayo. Tandaan na
ang pagkalumbay ay isang normal na bagay na nararamdaman ng sinumang normal na tao.
Maaaring magsimula sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong mga pagkabigo sa iyong mga
magulang o mga pinagkakatiwalaang kaibigan. Maari rin na komunsulta sa mga psychologists
at psychiatrists’ o pagpunta sa mga center suicide prevention.

Hindi nakakahiya ang humingi ng tulong, hindi ito senyales ng kahinaan, bagkus ito ay
tanda na may kakayanan ka. Kung sumagi man sa inyong isipan ang tungkol sa pananakit sa
sarili o magpakamatay, huwag kang gagawa ng anuman, lahat ng problema ay may solusyon.
Nawa ay pagdating ng araw, magkakaroon ng lunas ang lahat ng inyong mga suliranin sa
buhay. Laging tandaan, ang buhay ay napakahalaga, huwag itong sayangin sapagkat marami
ang naghahangad na mabuhay pa nang mas matagal sa mundong ito subalit hindi nabigyan ng

Pahina 22 of 32
pagkakataon. Kung tutuusin ay mapalad tayo at natatanaw natin ang napakagandang mundong
nilikha ng ating panginoon.

"Hindi malulutas ng isang suliranin ang isa pang suliranin." Ang pagpapakamatay ay
kailanman hindi magiging sagot sa lahat ng problema. Kaya manatiling matatag at huwag
mawalan ng pag-asa dahil magiging maayos din ang lahat. Pakatandaan na "Pagkatapos ng
bagyo ay sisikat din ang araw".

CLAY GO, GO, GO NA TAYO!

ni Fatima Gonzales

Ang kalinisan at kaayusan sa eskwelahan ay mahalaga para sa pangkalahatang


kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang tauhan ng paaralan. Ang
pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ay hindi lamang isang responsibilidad ng mga janitor o
tagalinis, kundi ng bawat isa sa komunidad ng eskwelahan.

Sa isang artikulo na isinulat ni Guevarra (2015), ang kalinisan sa eskwelahan ay may


malaking epekto sa kalidad ng edukasyon na natatamo ng mga mag-aaral. Ayon sa kanyang
pananaliksik, ang mga mag-aaral na nakapaligid sa malinis at maayos na kapaligiran ay mas
maaaring magpakita ng mas mataas na antas ng kahusayan, pagkakatitiyak, at kahandaan sa
pag-aaral.

Bukod sa epekto nito sa kalidad ng edukasyon, ang kalinisan at kaayusan sa eskwelahan


ay nagbibigay ng mga bentahe sa kalusugan. Ayon sa Department of Education (2017), ang
mga maruming kapaligiran ay maaaring magdulot ng iba't ibang mga sakit at impeksyon,
kabilang ang trangkaso, sipon, at iba pang uri ng respiratory illnesses. Sa pamamagitan ng
pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga paligid ng paaralan, mas maaaring maiwasan
ang mga ganitong mga sakit at impeksyon.

Ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa eskwelahan ay isang kolektibong


responsibilidad ng bawat isa sa komunidad ng paaralan. Sa kanyang artikulo, sinabi ni Bautista
(2019) na ang mga mag-aaral, guro, staff ng paaralan, at mga magulang ay dapat magtulungan
upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan. Ito ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng
pagpapakita ng tamang pagtatapon ng basura, paglilinis ng sariling mga gamit, at pagtitiyak na
ang mga pasilidad sa paaralan ay ginagamit nang tama at maayos.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng maruming kapaligiran sa eskwelahan, mahalaga


ang pagsunod sa mga patakaran ng "Cleanliness and Orderliness Program" o CLAYGO. Ayon
sa Department of Education (2016), ang mga paaralan ay dapat magkaroon ng isang sistema
na nagpapakita ng mga panuntunan para sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa
eskwelahan. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng CLAYGO, mas magiging maayos at malinis
ang mga kapaligiran sa paaralan.

Sa huli, ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa eskwelahan ay hindi lamang


nagbibigay ng mga bentahe sa kalidad ng edukasyon at kalusugan, kundi nagtutulungan din
upang mapanatili ang maayos na kapaligiran para sa lahat.

Pahina 23 of 32
Mga Maling Pananaw sa SOGIE Equality Bill: Itama!

ni Banni Gin C. Hasan

Sinasabing hindi pa lubusang tinatanggap ng mga Pilipino ang LGBTQ+ community


sa bansa. Sa pag-aaral na isinagawa ng United Nations, 30% ng mga LGBTQ+ sa bansa ay
iniulat na hinaras, binuli, at diniskrimina ng ibang tao sa oras ng trabaho dahil sa kanilang
SOGIE o sexual orientation, gender identity, at gender expression. Sa parehong pag-aaral,
sinasabing 21% ng mga Pilipinong impormante ang nagsasabing hindi sila tinaggap sa trabaho
dahil sa kanilang SOGIE. Ang bansa ay pang-95 sa SPARTACUS Gay Travel Index noong
2019, na minamarkahan ang mga bansa batay sa kanilang mga hakbang tulad ng transgender
rights, marriage equality, at ang pagkakaroon ng batas na tungkol sa anti-diskriminasyon. Dahil
sa mga talang ito, oras na upang magkaroon ng batas na siyang titigil sa pagkamuhi at
diskriminasyong natatanggap ng mga taong may iba’t ibang SOGIE. Ang SOGIE o Sexual
Orientation, Gender Identity and Expression Equality Bill, na kilalarin sa tawag na Anti-
Discrimination Bill, ang nakikitang sagot para rito. Ito ay ang panukalang batas na naglalayong
pigilan ang diskriminasyon batay sa SOGIE ng isang tao. Higit dalawampung taon na ang
nakararaan nang una itong inimungkahi sa Kongreso. Higit dalawampung taon na ang
nakalipas ay hindi pa ito naipapasa upang maging isang ganap na batas. Isa marahil sa dahilan
nito ay ang kawalan ng kamalayan at pagkakaroon ng maraming miskonsepsyon tungkol dito.

Isa sa mga miskonsepsyon ng panukalang batas na ito ay binibigyan umano nito ang
mga LGBTQ+ community ng isang special treatment. Mali. Ayon kay Atty. Jazz Tamayo ng
Rainbow Rights Philippines, hindi kailanman nagbibigay ng special treatment o special rights
ang SOGIE Bill. Sinusubukan nitong ituwid ang hindi pagkakapantay-pantay sa batas. Sa
katunayan, kahit pa hindi ito naipapatupad, ang LGBTQ+ community ay laging tampuhan na
ng masasakit na pananalita at karahasan sa mga paaralan, trabaho, at pampublikong espasyo.
Makakalimutan ba natin si Gretchen Custodio Diez, isang transwoman na kinaladkad,
pinusasan, inaresto, at pinahiya nang hinarangang ipagamit ang banyo para sa kababaihan
noong 2019? Alam ba ninyong ang komedyanteng si Kaladkaren Davila ay iniulat na hindi
pinapasok sa isang bar sa Makati noong 2018 dahil isa siyang transwoman? Matatandaan pa
ba ninyo noong 2018, si Bunny Cadag ay tinanggal mula sa isang outsourced transcription job
sa Jollibee Food Corporation dahil ang kumpanya ay “hindi pa handang tanggpain ang
kulturang LGBT”? Nakarating din ba sa atin ang balitang ang apat na estudyanteng
transwoman na hindi raw pinahintulutan ng kanilang paaralan na magmartsa kung hindi nila
susundin ang tamang pagdadamit sa pagdalo ng graduation rites? Ang panawagan sa
pagkakaroon ng SOGIE Equality Bill ay hindi nag-ugat sa kagustuhang ang LGBTQ+
community ay mabigyan ng special treatment, kundi isang panawagang pakitunguhan sila nang
patas at mabuti katulad ng iba.

Pinapaniwalaan din ng karamihan na ang SOGIE Equality Bill ay isang hakbang tungo
sa pagkakaroon ng same-sex marriage bill sa bansa. Mali ang paniniwalang ito. Batid nating
lahat na ang Pilipinas ay maituturing na konserbatibong bansa, at hindi ito bukas sa usaping
same-sex marriage. Ngunit, wala itong kinalaman sa panukalang batas na aking ipinaglalaban.
Ipinaliwanag ng abogadong si Kenjie Aman, isa sa mga nagtatag ng Philippine LGBT Bar,
kung titingnan at babasahin ang panukalang batas ay walang anumang probisyon ang inilagay
na tungkol sa same-sex marriage. Hindi nakasaad sa Senate Bill 159 na inimungkahi ni Senator
Risa Hontiveros at iba pang mga katulad na panukalang batas na gawing legal ang same-sex
marriage. Sa katunayan, pinaguukulan lamang nito ang anumang uri ng diskriminasyon na

Pahina 24 of 32
ibinibigay, hindi lamang sa mga LGBTQ+ community, kundi sa sinuman batay sa kanilang
SOGIE.

Naging paulit-ulit na raw ang probisyon ng SOGIE Bill sa ibang batas na ipinatupad na
sa bansa. Giit ng ilang mambabatas na tumataliwas sa panukalang batas na ito, pinoprotektahan
na umano ng Safe Space Act of 2019, Anti-Bullying Act of 2013, at Anti-Sexual Harassment
Act of 1995 ang SOGIE ng isang tao. Ngunit, ito ay lubusang tinatanggi ni Kenjie Aman, isang
abogado, na nagsasabing hindi sapat ang sinasaklaw ng mga batas na nabanggit sa kung ano
ang nilalayon ng SOGIE Equality Bill na protektahan. Inilalahad ng San Beda College Alabang
– Human Rights Center, wala pang batas ang Pilipinas na humahadlang sa uri ng
diskriminasyong nakabatay sa SOGIE ng isang tao. Sa kabilang dako, may mga ordinansa ang
ilang lungsod sa bansa na may parehong layunin sa isinusulong na panukalang batas. Ngunit,
hindi ito sapat. Iilan lang ang mga lungsod na ito. Kailangan ng pambansang batas na siyang
tutugon sa suliraning gender-based discrimination na nagaganap sa bansa. Kaya, ang mga
hakbang laban sa diskriminasyon na nakatuon sa SOGIE ay dapat ding isama sa mga kalipuan
ng batas ng Pilipinas upang kahit papaano ay mabigyan natin ang lahat, lalong-lalo na ang ating
mga kapatid na LGBTQ+ community, ng proteksyon sa diskriminasyong nakabatay sa kasarian
at katauhan.

Kailangan nang isulong ang SOGIE o Sexual Orientation and Gender Identity
Expression Equality bill. Pinoprotektahan ng SOGIE bill ang sinuman laban sa mga
diskriminasyong nakatuon sa SOGIE. Bihira lang nararanasan ng mga heterosexual o yaong
mga “straights” ang uri ng diskriminasyong ito- ngunit kasama rin sila sa pinoprotektahan nito.
Lahat ng tao ay may SOGIE na kailangang igalang. Ito ay isang panawagan sa pagkakapantay-
pantay ng mga tao kahit ano pa ang kanilang SOGIE. Wala itong kinalaman sa same-sex
marriage dahil sinusugpo nito ang diskriminasyong magdudulot ng pangamba sa mga taong
pinapakita ang tunay nilang katauhan. Kailangan ito dahil wala pang batas ang nagtatanggol sa
SOGIE ng isang tao. Walang sinuman ang mabubuhay sa mundo nang may takot sa pagiging
totoo sa sarili. Hindi kailanman ikinababa o ikinasasama ang pagiging lesbyana, bakla,
bisexual, transgender, queer, intersex, asexual, non-binary, at iba pang spektrum. Panahon na
para protektahan ng bansa ang lahat ng mga mamamayan nito, at kabilang na rin dito ang
LGBTQ+ community. Kami ay tulad ng bahaghari na nakikita ang kagandahan, ngunit hindi
nadidinig. Pinturahan nawa ng bahaghari ang inyong puso’t isipan, at makita ang mga katulad
kong naghahangad na magkaroon ng bansang lubos kaming ginagalang, tinatanggol, at
tinatanggap.

Nakaaalarmang Pagbabago ng Klima

ni Dabia A. Lucman

Ang pandaigdigang temperatura ay patuloy na tumataas kada taon. Ayon sa National


Aeronautics and Space Administration o NASA (2021), ang mga taong 2016 at 2020 ay ang
pinakamainit na taong naitala. Ang karaniwang temperatura sa buong mundo noong 2020 ay
tumaas nang humigit-kumulang 2 degrees Fahrenheit na mas mainit mula noong huling bahagi
ng ika-19 na siglo. Nakaaalarmang isipin na sa panahon ngayon, nakararanas tayo ng matinding
init ng panahon, matinding pag-ulan at ito ay dulot ng climate change. Ang pagbabago ng klima
ay isa sa mga pinakamalaking problemang kinakaharap ng mundo ngayon. Ito ay hindi lamang

Pahina 25 of 32
isang salita kung hindi ay may mapaminsala, kakila-kilabot at mapanirang epekto sa mundo.
At ang pagbabagong ito ay tunay na nakakatakot.

Isa sa mga nakaaalarmang isyu sa mundo ay ang pagbabago ng klima o climate change.
Ayon sa United Nations, ang pagbabago ng klima ay isang pandaigdigang pagbabago sa pattern
ng panahon na tumatagal ng mahabang panahon. Ang hindi normal na pagtaas ng temperatura,
pagkaroon ng madalas na pag-ulan, malalakas na bagyo, ang mga glacier ay natutunaw, ang
CO2 o carbon dioxide sa atmospera ay mabilis na tumataas at malawakang pagbaha ay iilan
lamang sa mga ebidensyang nakikita na makapagpapatunay sa kasalukuyang kalagayan ng
kalikasan. Ito ay isa sa mga problemang ikinakaharap ng ating bansa. Alinsunod sa naitala ng
Global Climate Risk Index (CRI) noong 2021, ang Pilipinas ay nasa ika-17 puwesto na
itinuturing na isa sa pinakaapektadong bansa dulot ng malulubhang epekto ng pagbabago sa
ating pandaigdigang klima. Nakaaalarma na malaman na ang Pilipinas ay isa sa
pinakaapektadong bansa dahil kasalukuyan itong nagaganap gaya na lamang ng pagtaas ng
ating temperatura, paglaganap ng iba’t ibang sakit at pagkawala ng buhay at hanap buhay ng
maraming Pilipino.

Sa panahon natin ngayon, masasabi na ang climate change ay isyung nabuo dahil sa
mali at mapangabusong gawain ng mga tao. Ayon sa United Nations, sinasabi ng mga siyentista
at eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels gaya na lamang ng coal
o uling, langis at plastic na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmospera. At
dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o tinatawag na sun’s
rays ay mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok sa ating mundo na
siya ngang nangyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang nagsisilbing taga-sala
o filter upang ang mga mabubuting sinag ng araw lamang ang makapasok sa ating atmospera.
Ang mga makinang ginagamit sa proseso ng pagmamanupaktura pang-industriya gaya ng
industriya ng konstruksiyon ay kadalasang gumagamit ng carbon, langis, o gas at ilang
materyales, tulad ng mga plastic na gawa sa mga kemikal na galing sa fossil fuel. Ang
industriyang ito ay isa sa pinakamalaking nag-aambag sa mga greenhouse gas emissions sa
buong mundo. Ang greenhouse gas ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon
dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina at ang pagputol ng mga puno ay iilan rin sa
mga dahilan ng hindi normal na pagbabago ng klima. Itinala na bawat taon ay humigit-
kumulang 12 milyong ektarya ng kagubatan ang nasisira. Ang pagkaubos ng mga puno ang
nagiging dahilan kung bakit hindi kaagad humuhupa sa ilang mga lugar ang baha na dala ng
matinding ulan. Ang mga dahilan na ito ang malawakang sanhi kung bakit patuloy na
nagbabago ang panahon na humantong sa mga mapaminsalang pangyayari. Ayon sa
Kagawaran ng Kalusugan (2014), ang pagbabago ng klima ay nagdudulot ng mga sakuna
kagaya ng heatwave, matinding pagbaha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o
pagkamatay ng tao. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya
ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.

Ang lumalalang sitwasyon ng pag-aabuso sa kalikasan ay nagiging dahilan upang


magkaroon ng pangyayari na tinatawag na climate change. Patuloy na nasisira ang ating
kapaligiran dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang sa ating bansa
pati na rin sa buong daigdig. Sa isyu ng pagbabago ng klima, napakahalaga na pagtuunan ng
pansin ang mga bagay na maaaring gawin upang hindi lumala ang isyung ito. Sa ganitong
paraan, maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating
ozone layer gaya ng pagsusunog ng mga fossil fuel. Ang pagbabago ng klima ay isang kahila-
hilakbot na problema. Marapat na hanggang maaga pa ay kumilos na tayo upang hindi na

Pahina 26 of 32
lumala pa ang sitwasyon. Kailangang gawing prayoridad ang nakaaalarmang isyung ito upang
masolusyunan ang pandaigdigang problemang kinakaharap.

Pagkamit ng Magandang Marka sa Eskwela

ni Arra Myrna A. Marcos

Karamihan sa mga mag-aaral ang nangangarap na makakuha ng mataas na marka sa


paaralan. Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik ng Department of Education
(DepEd) noong 2019 kung saan sinubukan nilang malaman kung ano ang mga layunin at mga
pangangailangan ng mga mag-aaral sa paaralan. Ayon sa resulta ng pag-aaral, ang pangunahing
layunin ng mga mag-aaral ay ang makakuha ng mataas na marka (97.3%). Ang magandang
marka ay hindi lamang nagpapatunay ng kaalaman at kakayahan ng isang mag-aaral, ito rin ay
nagbibigay ng posibilidad na makapagtapos sa maayos at magandang paaralan at matanggap
sa trabahong nais pasukan sa hinaharap. Ano ang mga hakbang ang maaaring gawin ng isang
mag- aaral upang magkamit ng magandang marka sa paaralan?

Una sa lahat, ang mga mag-aaral ay dapat na maging organisado. "The Relationship
Between Study Skills and Academic Performance", sa pag-aaral na ito mula sa International
Journal of Humanities and Social Science Research, ipinakita na ang pagiging organisado at
pagpaplano ay mahalagang aspeto ng pag-aaral na nakakaapekto sa academic performance ng
isang mag-aaral. Mahalaga na mayroon silang maayos na listahan ng mga gawain at kalendaryo
upang malaman ang mga takdang aralin, proyekto at takdang petsa o oras sa pagpasa. Sa
ganitong paraan, magiging mas madali para sa kanila na maayos na maipagpapatuloy ang
kanilang mga gawain at maiwasan ang mababang marka.

Pangalawa, dapat na maging aktibo sa klase. Ito ay hindi lamang nangangailangan ng


pakikinig sa guro, ngunit kinakailangan rin na magtanong at magpakita ng interes sa mga
aralin. Sa ganitong paraan, mas maging aktibo at engganyo ang mga mag-aaral sa klase at mas
mapapahalagahan nila ang kanilang edukasyon.

Pangatlo, kinakailangan ng sapat na pagsasanay. "The Power of Practice: Improving


Student Achievement", sa artikulong ito mula sa The National Academies Press, ipinakita na
ang sapat na pagsasanay ay nakakatulong sa pagpapabuti ng pagkatuto at academic
performance ng mga mag-aaral. Mahalaga na maglaan ng sapat na oras upang mag-aral at
magsanay sa mga asignatura na mahirap. Sa pamamagitan ng regular na pagsasanay, mas
magiging epektibo ang kakayahan ng isang mag-aaral na maunawaan at masagutan ang mga
tanong ng guro.

Pang-apat, kinakailangan ng masigasig na paghahanda. Mahalaga na maglaan ng sapat


na oras upang magbalik-aral bago ang mga pagsusulit o proyekto. Sa ganitong paraan,
magkakaroon ng tiwala ang isang mag-aaral sa kanyang kakayahan at magiging handa sa
anumang hamon na kanyang haharapin.

Sa kabuuan, ang pagkamit ng magandang marka ay hindi palagiang nangangailangan


ng pagkakaroon ng matalinong pag-iisip. Maaaring maging puhunan ang pagiging disiplinado,
organisado at regular na pagsasanay sa mga asignatura. Sa pag-aaral na "The Effects of Self-
Discipline and Time Management on College Students' GPA", mula sa Journal of College
Student Development, ipinakita na ang pagiging disiplinado at may sapat na time management

Pahina 27 of 32
ay may malaking kaugnayan sa mataas na GPA ng mga mag-aaral. Sa ganitong paraan, mas
magiging tuon mag-aaral tungo sa paggamit ng kaniyang kaalaman upang maging kapaki-
pakinabang na mamamayan sa lipunan.

Pilipinas, Magbago Kana

ni Miu Mae O. Mosones

Kasagsagan na naman ang baha at mga pamilyang naapektuhan nito, hindi pa rin tayo
nadadala. Ilang ulit na natin itong naranasan, ngunit bakit tila wala pa ring ginagawa ang mga
kinauukulan pagdating sa problemang iyan? Ganiyan ba kahirap ang gumalaw para sa bayan?
O tayo'y parang isang batang nagbubulag-bulagan sa mga kalat na kaniyang nakita't napapansin
sa kanilang tahanan? Hanggang kailan pa ba tayo ganito? Paulit-ulit na lamang ba tayong
magiging patay-malisyang nilalang basta problema na sa bayan ang pinag-uusapan?
Napakabagal rumesponde ng pamahalaan sa mga problemang nagaganap sa bayan, patuloy na
tumataas ang inflation rate sa bansa at puro pangakong napapako lamang ang kayang gawin ng
mga kinauukulan.

Napakabagal rumesponde ng mga namamahala basta problemang pang-bayan na ang


nagaganap. Kitang-kita ang paraan ng pagtugon ng pamahalaan sa kamakailan lamang na
bagyong Paeng na tumama sa Pilipinas. Oo, sabihin na nating nagdeklara kaagad ang ating
mahal na Presidente ng immediate response para sa mga nasalanta ng bagyo, ngunit ito'y
isinakatuparan lamang noong tumama na ang bagyo sa Luzon at Visayas, paano naman tayong
mga taga-Mindanao? Hindi ba tayo Pilipino? Parang hindi tayo Pilipino, tila hindi tayo
kabilang sa bansang Pilipinas. Ayon sa ulat na naitala ng Inquirer.net na ulat ni Pauline del
Rosario isang newscaster tungkol sa epekto ng bagyong Paeng sa Pilipinas, sa Mindanao ang
napakaraming taong namatay. Sigaw pa ng mga taong bayan, "PRESENT PO AND
MINDANAO" at "#MindanaoNeed'sHelp", dahil hindi nadama ng mga taga-Mindanao ang
tugon ng mga nasa itaas, sa epekto ng kalamidad sa kanilang lugar. Kung hindi pa nilabas ng
mga mamamayan ang kanilang daing tungkol dito, ay wala talaga silang tulong na matatanggap
at hindi talaga mapapansin ng administrasyon ang hirap at pinsalang natamasa nila sa bagyong
ito.

Patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin sa merkado. Ang mga pamilyang
mahihirap ay patuloy na naghihirap. Wala nang pangtustos sa kanilang pamilya, dahil bukod
sa pagtaas ng presyo, hindi pa sapat ang sahod nila pambili sa mga ito. Ayon pa sa Philippine
Statistics Authority, mula noong Pebrero 2022, na ang inflation rate ay nasa 3.0 at ito'y patuloy
ng tumaas na ngayo'y nasa 8.6 na para sa Pebrero 2023. Kitang-kita ang pagtaas nito kaya't
hirap na hirap ang taong-bayan matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Puro pangakong napapako na lamang ang kayang gawin ng mga namamahala sa taong
bayan. Ilang administrasyon paba ang uupo, bago tayo matututo? Mula sa mga sinaunang
Presidente hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring umaasa lang ang taong-bayan. Nangako
ang ating dating Presidente na sa loob lamang ng anim na buwan ay mawawala na ang droga
sa ating bansa, ngunit hanggang sa matapos ang kaniyang termino ay mayroon pa ring lulong
na mga Pilipino. May mga daing pa ng mamamayan na may mga inosente ang nadadamay sa
war on drugs na iyan, na sinasabing planted ang drogang nakukuha sa kanila. Ngayon naman
ay ang pangakong bente pesos na kilo ng bigas. Base sa mga pag-aaral ay mahirap matamo ang

Pahina 28 of 32
ganitong pagbaba ng presyo ng kilo ng bigas dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa
ating bansa. Paano ito matatamo ng administrasyon kung ganito ang mga pangyayaring
nagaganap sa ating bayan.

Pilipinas, ano na? Wala ba tayong usad diyan? Ilang taon na ang nakalilipas oh! Bakit
di ka pa rin nagbabago? Ilang administrasyon ba ang dadaan, bago ka madadala? Hanggang
kailan ka magiging taong madaling maloko sa pagpili ng taong iluluklok mo sa pwesto, na
nangangakong aalagaan ka at bibigyan ka ng pagbabago? Bago tayo pumili ng taong
mamamahala sa ating bansa, ay siguraduhin nating may mga patunay tayong nakikita na
karapat-dapat silang umupo sa pwesto, dahil tandaan nating anim na taon silang mamamahala
sa ating bayan. Sa maling pagpili, ay anim na taon tayong magdudusa.

Kredensyal, Pilipinas! Krendensyal! Hindi na tayo dapat nagpapani-paniwala sa mga


salitang walang patunay. Dapat ay sa bawat taong nakalilipas ay mas tumataas ang ating
istandards at hindi bumababa.

Pilipinas, sana'y mabuksan ang iyong puso't isipan. Tingnan ang iyong kapaligiran,
piliin ang nakabubuti para sa iyong kapakanan. Huwag na tayo maging tila isang bulag at bingi
na nadadala at nauuto lamang. Dapat matuto na tayong pumili ng taong uunahin ang ating
kapakanan at tunay na nagsisilbi para sa bayan. Hindi yung pansariling interes lamang ang
dahilan, kaya tumakbo upang makakuha ng pwesto sa kinauukulan. Maging mulat na tayo sa
katotohanan hindi lahat ng matatamis na salita ay totoo, at hindi lahat ng pinapakitang interes
ay tunay na interesado. Pilipinas, magbago ka na.

Determinasyon tungo sa Pangarap

ni Mariel G. Perez

“Kapag kaya mo itong pangarapin, kaya mo itong gawin”. Bawat tao ay may kanya-
kanyang pangarap na nais makamit sa buhay. Ito ang nagsisilbing inspirasyon na nagpapatibay
sa atin at isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagsusumikap. Nagsusunog ng kilay upang
malagpasan ang mga pagsubok na pinagdadaanan. Determinasyon tiwala sa sarili, at pagsisikap
ang magsisilbing susi patungo sa tagumpay.

Ang buhay ng tao ay hindi puro kaginahawaan at kasiyahan. Lahat tayo ay dumaranas
ng paghihirap at kalungkutan. Ang pagsubok ay hindi nawawala sa ating buhay, sapagka’t tayo
ay sinusubok lamang ng Panginoon upang mas maging matatag at determinado bilang isang
tao. Walang bagay na makukuha sa isang kisapmata lamang. Bago mo makamit ang mga bagay
na iyong gusto ay dadaan ka muna sa madaming proseso.

Ayon kay Nadine Bitoon, ang pagsisikap mo ay nahahadlangan ng mga pagsubok kung
kaya ay mas mainam na mayroong inspirasyon upang hindi sumuko. Bawat isa sa atin ay
malayo-layo na rin ang binabagtas, madami nang pinagdaanan, naranasan at natutuhan. Paano
nga ba natin nalagpasan ang mga ito? Ayon kay Sarigumba (2020), “sa kabila ng nararanasang
challenges, panatilihin ang pagiging positibo. Sanayin ang sarili at itatak sa isip na dapat ay
mayroon kang lakas ng loob— Lakas ng loob para maharap mo at malampasan ang bawat
problema”

Pahina 29 of 32
Ang mga pangarap ay hindi madaling makamit, kinakailangan ng ibayong pagsisikap.
Lahat ng nais nating makamit, kailangan nating paghirapan. Ayon pa kay Heidilyn Diaz, isang
Olympics Weightlifting Champion, “maging determinado at matatag na harapin ang bawat
bagay sa mundo”. May mga pagkakataong tayo’y madadapa at babagsak ngunit kailangan
nating bumangon. Huwag tayong mawalan ng pag-asa.

“Patuloy ang pangarap” Isang pamagat ng sikat na awitin. Ika nga sa isang awitin, kahit
marami mang pagsubok, hindi iyon dahilan upang sumuko at tumigil sa laban. Gawing pedal
ang ating lakas, gulong ang determinasyon, at manibela ang tiwala sa sarili. Ngunit, ang
Panginoon ang ating drayber na siyang pagtahak sa ating landas tungo pangarap na hinahangad.
Magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan, huwag panghinaan ng loob dahil lahat ng pagsisikap
ay humahantong sa tagumpay. Hindi sapat na mayroon ka lamang pangarap. Kumilos ka at
dapat ay samahan mo rin ng paggawa. Ika nga sa kasabihan, “Nasa Diyos ang awa, nasa tao
ang gawa”. Magtiwala ka sa panginoon, na ika’y kanyang tutulungan, at kumilos para sa iyong
mga hangarin. Kay sarap at sayang mangarap. Ngunit wala nang mas sasarap at sasaya pa kapag
unti-unti nang natutupad ang ating adhikain at pangarap sa buhay at mapapasabi na lamang ng
“malayo pa ako, ngunit malayo na ako”.

Pahina 30 of 32
IV. SANGGUNIAN

Internet

Abad, M. (2022, Hulyo 3). LIST: Philippine local governments with anti-discrimination
ordinances. Rappler. Kinuha noong Marso 25, 2023 mula sa
https://www.rappler.com/newsbreak/iq/list-local-governments-philippines-anti-
discrimination-ordinances/

Arias, J. (2019, Agosto 13). Understanding what SOGIE Means and Why it Matters. Preen.ph.
Kinuha noong Marso 25, 2023 mula sa https://preen.ph/99945/understanding-what-sogie-
means-and-why-it-matters

Arias, J. (2018, Marso 19). Debunking Some Misconceptions About the SOGIE Equality Bill.
Preen.ph. Kinuha noong Marso 25, 2023 mula sa https://preen.ph/70414/debunking-some-
misconceptions-about-the-sogie-equality-bill

Bautista, J. (2019). The Role of Students, Teachers, and Parents in Maintaining Cleanliness
and Orderliness in School. Kinuha noong Abril 5, 2023, mula sa
https://atalian.ph/2020/01/17/the-importance-of-cleanliness-in-school/

Bunag, L., RN. (2023, Marso 7). Uri Ng Malnutrisyon, Anu-Ano Ang Dapat Malaman Ng Mga
Magulang? Hello Doctor. Kinuha noong Marso 25, 2023, mula sa
https://hellodoctor.com.ph/fil/pagiging-magulang/kalusugan-bata/malnutrisyon/uri-ng-
malnutrisyon/

Brown, K. (2021b, March 17). 2020 Tied for Warmest Year on Record, NASA Analysis
Shows. NASA. Kinuha noong Marso 25, 2023, mula sa https://www.nasa.gov/press-
release/2020-tied-for-warmest-year-on-record-nasa-analysis-shows

Cambridge Advanced Learner's Dictionary & Thesaurus. (w.p). Ghosting. Kinuha noong
Marso 26, 2023 mula sa https://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/english/ghosting

CNN Philippines Staff (2021, Hulyo 21). 4 Myths about SOGIE Equality Bill debunked. CNN
Philippines. Kinuha noong Marso 25, 2023 mula sa
https://www.cnnphilippines.com/lifestyle/2021/7/21/myths-about-sogie-equality-bill-
debunked.html

Department of Health. (2012). Climate Change | Department of Health website. Doh.gov.ph.


Kinuha noong Abril 03, 2023, mula sa: https://doh.gov.ph/climate-change

De la Cruz, C. (2019, Setyembre 19). 10 Common Misconceptions About the SOGIE Equality
Bill. Spot.ph. Kinuha noong Marso 25, 2023 mula sa https://www.spot.ph/newsfeatures/the-
latest-news-features/79054/sogie-equality-bill-misconceptions-a833-20190919-lfrm

Del Rosario, P. (2022, October). 48 Patay, 40 sugatan sa Pananalasa ng Bagyong Paeng, 22


Katao Pa Ang Nawawala. Inquirer.net. Kinuha noong Abril 5, 2023, mula sa
https://www.google.com/amp/s/bandera.inquirer.net/328383/48-patay-40-sugatan-sa-
pananalasa-ng-bagyong-paeng-22-katao-pa-ang-nawawala/amp

Pahina 31 of 32
Department of Education. (2017). Handbook on Safe and Healthy School Environment. Kinuha
noong Abril 5, 2023, mula sa https://unesdoc.unesco.org/ark:/48223/pf0000261350

Epekto ng Panahon at Klima sa Ating Katawan at Kalusugan. (w.p.). Www.ritemed.com.ph.


Kinuha noong Abril 05, 2023, mula sa https://www.ritemed.com.ph/articles/epekto-ng-
panahon-at-klima-sa-ating-katawan-at-kalusugan

Global Climate Risk Index 2021 - World. (2021, January 25). ReliefWeb. Kinuha noong Marso
25, 2023, mula sa https://reliefweb.int/report/world/global-climate-risk-index-
2021?gclid=Cj0KCQ

Gregorio, X. (2022). Anti-'ghosting' bill offers no resolution, closure either. Kinuha noong
Marso 25, 2023 mula sa https://www.philstar.com/headlines/2022/07/26/2198109/anti-
ghosting-bill-offers-no-resolution-closure-either

Gould, W.R. (w.p). What Is Ghosting? Kinuha noong Marso 26, 2023 mula sa
https://www.verywellmind.com/what-is-ghosting-5071864

InfoBits Ukol sa Problema sa Malnutrisyon ng Kabataan. (w.p.). Kinuha noong Marso 23,
2023, mula sa https://www.pids.gov.ph/details/resource/infographics-infobits/infobits-ukol-
sa-problema-sa-malnutrisyon-ng-kabataan

McGuinness, M. (2013, Marso 20). Are you subconsciously afraid of Success? behance.net.
Kinuha noong Marso 25, 2023, mula sa https://www.behance.net/blog/are-you-
subconsciously-afraid-of-success

Pagbabago ng Klima at Kalusugan: Ang Kailangan Mong Malaman - MCE. (2021, June 21).
Kinuha noong Abril 5, 2023, mula sa MCE Community Choice Energy.
https://www.mcecleanenergy.org/tl/mce-news/climate-change-and-health-what-you-need-to-
know/

San Beda College Alabang – Human Rights Center (2020, Nobyembre 24). SOGIE Equality
Bill: The Facts, History, and Misconceptions. Kinuha noong Marso 25, 2023 mula sa
https://sbcahrcwebsite.wixsite.com/home/post/sogie-equality-bill-the-facts-history-and-
misconceptions

UNICEF: Many children and adolescents in the Philippines are not growing up healthily.
(w.p.). Kinuha noong Marso 25, 2023, mula sa https://www.unicef.org/philippines/press-
releases/unicef-many-children-and-adolescents-philippines-are-not-growing-healthily

World Health Organization: WHO. (2019b, Septyembre 26). Malnutrition is a world health
crisis. Kinuha noong Marso 25, 2023, mula sa https://www.who.int/news/item/26-09-2019-
malnutrition-is-a-world-health-crisis

Pahina 32 of 32

You might also like