You are on page 1of 5

HISONA CHARLES EMMANUEL P.

PAGBASA AT PAGSUSURI
11 ARCHIMEDES Week 2 Aralin 3
Balikan
1. Oo, ang pag- aaral sa iba’t ibang uri ng teksto ay importante at dapat
na pagtuonan ng pansin dahil sa kadahilanang nakakatulong ito para
mas madaling maintindihan ang tekstong sinusulat ng nagbabasa. Ito
din ay para maiwasan ang mga di pagkakaintindihan at pagkaroon ng
maling akala sa mensahe ng sinasabi o inilalahad sa isang tekstong
binabasa. Nakakatulong din ito para sa atin, para mas maunawaan
pa natin ang tungkol sa paggamit at ang mga uri nito, na
makakakatulong para sa atin.
Pagyamanin
Gawain 3
1. Ang awiting ‘Bulag, pipi’t, bingi’ ni Freddie Aguilar, ay tungkol sa mga
taong may kapansanan na kahit di man makakita, makapagsalita,
makapaglakad, at makadinig, ay meron pa din silang halaga sa
mundong ito, dahil hindi naman sila nalalayo sa ibang mga tao na
kahit walang problema at kapansanan ay tila ba hindi makakita sa
mga taong nangangailangan ng tulong, di makadinig sa tinig ng mga
taong nanghihingi ng barya sa gilid ng kalsada, at di makapagsabi sa
mga opinyon at hinanaing nila laban sa mas makapangyarihan sa
kanila.
2. Inilalarawan sa kantang ito ang lahat ng kakulangan na ginagawa ng
mga tao sa kasalukuyan. Na kung sino pa iyong walang kapansanan
ay sila pa iyong may pagkukulang sa lipunan. Inilalahad din sa kanta
ang bahagi ng pagkukulang ng mga tao, tulad ng pagbubulag
bulagan, pagbibingi bingihan at iba pa.
3. Mailalarawan ko ang kagandahan ng Mundo natin sa pamamagitan
ng paghahalintulad nito sa isang Rosas. Na kung saan maganda itong
tingnan at maraming gustong makakita, magkaroon, at makahawak
nito, ngunit sa kabila ng kagandahan nito ay maraming tinik,
problema at sakit ang dadaanan ng mga tao bago makarating sa itaas
ng bulaklak na tila ba napakaganda.
4. Ang pangkalahatang mensahe o ideya ng awitin ay, pare pareho lang
ang lahat ng tao, walang salot, walang pabigat, at walang di
kinakailangan, dahil sa huli ay nasa iisang mundo lang naman tayo
at namumuhay ng katulad na maraming problema, makasalanan, at
minsan may kapansanan.
5. Ang awitin ay isang halimbawa ng obhetibong paglalarawan na kung
saan ay nakabatay ito sa tunay na pangyayari sa kasalukuyan. Ang
uri ng tekstong ginamit dito ay Tekstong Deskriptibo na kung saan
inilalarawan ni Freddie Aguilar ang mga pangyayaring nadidinig at
nakikita niya sa mundo sa pamamagitan ng isang kanta. Pwede din
itong Tekstong Argumentatibo dahil pinapatunayan nito ang
argumento ni Freddie Aguilar na hindi nalalayo ang mga taong normal
sa mga taong may kapansanan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng
matibay na pangangatwiran na batay sa katotohanan.

Isaisip
1. Kailangan nating pag aralan ang ibat ibang uri ng teksto at ng
kanilang kalikasan upang mas magkaroon tayo ng kaalaman sa kung
paano ito gamitin at para malaman natin agad kung anong uri ng
teksto ang ating binabasa kung sakali mang makasalubong tayo nito.
Nakakatulong din ito sa atin upang mas magkaroon tayo ng malinaw
na pagkakaintindi sa ating mga binabasang teksto at maiwasan ang
pagkalito sa mga ibig sabihin o mensahe ng binabasa.
2. Makakatulong ito sa akin bilang isang mag aaral sa paraan na
magiging mas mabihasa ako sa pag sulat ng mga teksto at pagunawa
sa mga mensaheng nakalapat sa mga ito at sa pagbibigay ng
impormasyon at ebidensya na nakakapanipaniwala na batay sa
katotohanan.
3. Oo, masasabi kong hindi nasayang ang panahon ko, dahil alam kong
magagamit ko itong kaalaman kahit na sa paglaki ko, dahil habang
buhay tayong magsusulat ng mga teksto, magbabasa at maguunawa
sa mga mensahe at ibig sabihin ng binabasa nating teksto.
Karagdagang Gawain
Pagsasanay 1
Ang balitang nabasa ay isang uri ng Tekstong Impormatibo na kung saan
inilalahad nito ang lahat ng impormasyon tungkol sa isang bagay na nais o
dapat malaman ng sambayanan. Tinalakay dito na isang drug pusher ang
nadakip matapos mahuli sa aktong nagtitinda ng droga at ginagamit umano
ng suspect ang kaniyang frontliner ID upang makapasok sa mga lugar na
pinapangyarihan ng transaksiyon. Ito ay isang obhetibong uri ng teksto,
dahil inilahad dito ang mga impormasyon na walang labis at walang kulang
na nangaling sa mga mapagkakatiwalaang tao o ahensiya, tulad nalang ng
mga Pulisya. Inilahad din dito ang mga nailabag na batas ng suspect sa
pangyayari.
Week 2 Aralin 4
Isagawa
Pagsasanay 1
Bigong makabawi ng Golden State Warriors sa talo nila laban sa Dallas
Mavericks noong ika-28 ng Abril, matapos lampasuhin ng Minnesota
Timberwolves nitong ika-29 ng nasabing buwan. Ginanap ang laban sa
Minneapolis, Target Center, na kung saan humantong ang puntos sa 126-
114, pabor sa Dallas. Ginawa man nina Stephen Curry at Andrew Wiggins
ang lahat ng kanilang makakaya matapos makakuha ng pinaghalong 64 na
puntos, ay nahirapan parin silang manalo dahil sa kakulangan nila ng
opensa at depensa. Hindi masyadong nakaambag ang ibang manlalaro ng
Golden States, hindi tulad ng mga nakaraan nilang laro, at lalong lalo nang
nagkulang sila sa depensa na malaking bagay sana para maipanalo nila ang
laro. “I told our team if we boxed out we very easily could have won that
game, and we didn’t box out,” pahayag ni Head Coach Steve Kerr sa isang
panayam.

Pagsasanay 2
Marami akong mga kaibigan; merong sa paaralan, sa simbahan, at sa aming
tahanan. Ang mga kaibigan ko sa paaralan na tinuturing ko nang mga
kapatid ay nabibilang lang. Ang mga babaeng kaibigan ko ay mas maliit
kaysa sa akin, habang ang mga lalaking kaibigan ay halos lahat mas
mataas sa akin. Merong mga maarteng babae akong kaibigan, ngunit
mababait naman, pero kadalasan ng mga lalaki kong mga kaibigan ay mga
makukulit at kwela. Lagi kaming naglalaro ng basketball sa paaralan namin
kada tapos ng aming klase at umuuwing puno ng pawis. Ang mga kaibigan
ko naman sa simbahan ay minsan ko lang nakikita, kadalasan kapag
merong mga gawain sa simbahan namin o di kaya kada linggo, tuwing may
simba kami. Mababait ang mga kaibigan ko sa simbahan at
nagkakaintindihan naman kami. Halos silang lahat ay pormal, at iilan lang
ang mga malapit talaga sa akin dahil nahihiya ako sa iba. Panghuli ay ang
mga kaibigan ko sa tahanan namin. Sila yung mga kalaro ko simula nung
bata pa ako hanggang ngayon. Ngunit hindi lahat ng nga kaibigan ko noon
ay kaibigan ko parin ngayon, dahil ang iba ay nagiba ang mga ugali at di ko
na gusto sa kanila dahil inaaway nila ako. Pero marami pa naman akong
ibang kaibigan sa amin na mababait at masaya ako dahil marami akong
mga kaibigan.

Pagsasanay 3
Paglalaro ng basketball
Bago ka makapaglaro ng basketball ay kakailanganin mo ng
basketball court na may dalawang ring na kung saan ito lalaruin.
Siguraduhin ding meron kang dala na bola na angkop sa iyo na gamitin
dahil maraming klase ng bola at laki, merong junior at tsaka senior, ang
junior ang medyo maliit ngunit hindi masyado, at ang senior naman ang
ginagamit ng pangkalahatan lalo na ng mga matatanda. Una mong dapat
matutunan ay ang mga tuntunin o mga rules sa laro, dahil kapag hindi mo
ito alam ay hindi ka masasayahan sa paglalaro mo dahil magkakaroon ka
ng maraming violations. Merong foul, traveling, 3 seconds violation at
marami pang iba na madali lang naman maintindihan. Pangalawa ay dapat
matuto kang mag dribble ng bola, ito ay ang paraan upang gumalaw ang
bola kasabay mo at maitawid mo ito o maipapunta mo ito sa kung saan mo
gustong lumugar o dumaan para mas mapalapit sa ring ng kalaban. Matuto
ka ring pumasa ng bola dahil ang larong basketball ay dinesenyo na dapat
ay matulungan ang koponan upang manalo. Pangatlo, at ang pinaka
importante ay ang pagiskor sa pamamagitan ng pagshoot ng bola o di kaya
pag lay-up. Hindi ka makakapuntos sa laro kung hindi ka marunong
magshoot ng bola dahil ito lang ang paraan para manalo kayo o
makapuntos ang koponan. Simple lang itong gawin, sanayin mo lang ang
sarili mo na ibato o dalhin ang bola patungo sa mismong ring para pumasok
ito sa butas. Mahirap ito sa simula ngunit kapag nasanay kana ay tiyak na
gagaling ka. Pangapat at panghuli ay dapat marunong ka ding magdepensa
para hindi makapuntos ang kalaban, at para makuha niyo ang bola ay
marunong kang dumokot nito o tinatawag na ‘steal' sa basketball para mas
dumami ang pagkakataon niyong makapuntos. Kung gagawin mo ito lahat
ay siguradong gagaling ka sa paglalaro ng basketball.

Paggawa ng isang email account


Sa paggawa ng email account ay kakailanganin mo ng computer,
laptop o selpon. Unang gawin mo ay pumasok ka sa Google Acount sign in
page na kung saan ay makikita mo ang ikon na nagsasabing create account,
at ito ang iyong pipindutin. Ang unang lalabas pagkatapos mong pindotin
ang ikon ay ipapasulat sa iyo ang buo mong pangalan na susundin mo
upang makapunta sa susunod na step. Pagkatapos mong ilagay ang iyong
pangalan pindotin mo lang ang next at mapupunta ka sa ‘Username field’
na kung saan ay gagawa ka ng username, mabutihing maaalala mo ang
iyong ginawang username dahil importante ito para mapasok mo ang iyong
gagawing account. Pagkatapos nito ay manghihingi ito ng ninanais mong
kontrasensyas o password na dapat mo ring maalala dahil importante ito
para mapasok mo ang iyong account. Pagkatapos nito manghihingi sila ng
patunay na ikaw ang mayari ng account na ginawa, pwedeng selpon
number, existing email, at marami pang iba, pinaka angkop na piliin ay ang
selpon number. Pagkatapos nito ay magsesend sila ng code sa selpon
number mo at ilalagay mo ito para patunay. Pagkatapos nito pindotin mo
lang ang next at tapos kana, nagawa mo na ang iyong email account.

You might also like