Ang kwentong “Ang Dalaginding” ay isinulat ni Iñigo Ed Regalado tungkol sa isang dalaginding si Irene na kadalasang tinatawag na Ineng at tinagurian bilang “Tala ng Kabukiran”. Siya ay isang matulungin na dalaginding na tumulong sa kanyang inang si Aling Petang na magbenta ng sampaguita. Si Daniel, isang lalaking parating bumibili sa kanyang mga pinagbebenta hanggang sa nahulog na ang kanyang damdamin sa dalaginding. Dumating ang panahon na nagtapat ang binata sa dalaginging at sinuyo pa ito hanggang sa mapasagot siya ni Ineng. Isang araw, biglang lumahong parang bula si Ineng sa kanila dahil sumama na pala siya kay Daniel. Ang lenteng panitikan na nangibabaw sa kwentong ito ay romantisismo dahil batay sa takbo ng kwento, si Daniel ay may gusto kay Ineng kung kaya’t nangibabaw nito ang damdamin kaysa sa isip. Pinahahalagahan dito ang emosyon kaysa sa katwiran. Ang romantisismo ay isang lenteng panitikan kung saan sa isang akda, nangingibabaw ang emosyon o damdamin ng isang karakter na tampok sa kwento. Bilang patunay, mapapansin natin sa tagpo ng kwento na may gusto si Daniel kay Ineng kahit sila ay magkaibang estado sa buhay. Isang mayaman si Daniel habang si Ineng ay isa lamang simpleng dalaginding na nagbebenta ng sampaguita. Inilalarawan dito ang pag-iibigan ng dalawa kahit magkaibang estado sila nang mahulog ang naramdaman ni Daniel kay Ineng. Ito ay nagpapatunay na wala sa estado ng buhay ang batayan sa pag-iibigan sa isa’t-isa basta totoo kundi nasa puso ang totoong naramdaman mo sa isang tao at ipinagmalaki mo na mahal mo siya. Sa pangkalahatan, may mga magsyota na hindi na nila ginawang batayan ang estado ng kanilang buhay. Magkaibang mundo man silang nagmula, ginagawa nila ang lahat upang suyuin ang kanilang minamahal hanggang sa mapasagot sila nito at kinalauna’y magkatuluyan na sila.