You are on page 1of 4

FILIPINO

I. Layunin:
a. Nakikilala ang mga pangunahing direksyon,
b. Nasusuri ang wastong direksyon sa isang lugar, at
c. Naibibigay ang kahalagahan sa paggamit ng pangunahing direksyon.

II. Paksa
Mga Pangunahing Direksyon
CODE: F2EP-IIc-2
LM pahina 160-163
Kagamitan: mapa, mga larawan

III. Pamamaraan:
A. Pagwawasto sa takdang- aralin.
B. Pagbabalik-aral tungkol sa malayo, malapit,doon, diyan
A. Lesson Proper:
1. Babsahin ang kwento tungkol sa “ Msaya ang Tumulong sa Kapwa”
Pasagutin ang pahina 158:
*Sino ang naglalaro?, Paano siya tinulungan ni Roy?, Saan makikita ang paaralan ng Sta. Fe?
2. Gamitin ang mapa sa pagbibigay ng mga hinihingi:
Ibigay ang direksyon kung saan makikita ang: kabahayan, health center, pamilihan, simbahan.
3.Gawain:
Pumunta sa kaliwa ng iyong katabi.Anong direksyon ang iyong kinaroroonan?
Pumunta sa likuran.Anong direksyon ang iyong kinaroroonan?
4.Ano ang apat na pangunahing direksyon?
Gamit ang apat na pangunahing direksyon, ibigay ang kinaroroonan ng bawat lugar ayon sa mapa.

IV. Evaluation
Sagutan pahina 159, Gawin Natin

V. Assignment
Gamit ang mga direksyon, ipakita ang mga lugar sa pamayanan.

Simbahan--------hilaga
Kabahayan------kanluran
Palengke--------timog
Paaralan--------silangan
FILIPINO

I.Layunin:
a. Natutukoy ang wastong baybay ng mga salita,
b. Nakapagsusulat ng mga salitang may wastong bayabay,at
c. Nasasabi ang kahalagahan ng pagsusulat ng may wastong baybay.
II.Paksa:
Wastong Baybay ng Salita
CODE: F2KM-IIg-j-3
Sanggunian: LM pahina 383-386
Kagamitan: Tsart, mga larawan, stripa ng mga salita
III. Pamamaraan
A. Pagbabasa ng mga salita:
Sumegaw Sumigaw
Olan Ulan
Kabayu Kabayo
kassabihan kasabihan
B. Itanong ang mga sumusunod:
*Ano ang napapansin ninyo sa hanay A? hanayB?
*Ano ang madalas na may kamalian ang salita?
C. Ipakita ang mga larawan at tatawag ng ilang mag-aaral upang magbigay ng pangalan sa larawan.
Kilalanin sa kanila kung tama ba ang baybay.
D. Ipabasa pahina 383. Sipiin nila at iwasto ang mga salitang may maling baybay.
E. Pangkatang Gawain:
Sa bawat grupo ay may kanya-kanyang Gawain
Isulat ng may wastong baybay ang tinutukoy sa bawat inilalarawan.
Hal.: sinusulatan ng guro sa harap ng klase pisara
IV. Pagtataya:
Sumangguni sa LM pahina 385
V. Kasunduan
Sumulat ng 3 pangungusap na may wastong baybay.
Filipino

I. Layunin:

a. Natutukoy ang angkop na salitang kilos sa pangungusap,


b. Nakikilala na may panahunan ang mga salitang kilos,
c. Nagkakaroon ng sapat na kasanayan sa pagsulat at sa paggamit ng mga sangkap ng pagsulat.

II. Paksa:

Salitang Kilos na Ginagawa pa, Natapos na, at Gagawin pa


CODE: F2WG-IIg-h-5
Batayang Aklat, mga pahina 121-127
Kagamitan: Mga larawan, tsart

III. Pamamaraan:

Pagganyak:
Balik-aralan ang nakaraang aralin tungkol sa salitang nagsasaad ng kilos. Maghanda ng isang laro na
naayon sa kawilihan ng mga bata.Tanungin sila tungkol sa mga kilos na kanilang ginawa.
Paglalahad/ Pagtatalakay:
Iparinig sa kanila ang isang kwento na nagpabatid ng magandang kaugalian. Itanong: *Anu-anong mga
tradisyon ang ang ginagawa pa hanggang ngayon.
Ipakita ang mga sumusunod na pangungusap at suriin:
*Kasalukuyan humahalik sa kamay ng kanyang ina si Dan.
*Humalik sa kamay ng kanyang ina si Dan kanina.
*Si Dan ay hahalik sa kamay ng kanyang ina mamaya.
Tatawag ng ilang mag-aaral na magbigay ng halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng angkop na
salitang kilos ayon sa panahunang ibinigay.

Paglalahat
Ilang panahunan mayroon ang salitang kilos?
Anong panahunan ang salitang kilos na ginagawa pa?natapos na? gagawin pa?

Paglalapat:
Ipagawa ang mga Gawain A at B sa GAWIN sa pahina 125.

IV. Pagtataya:
Bilugan ang angkop na salitang kilos sa pangungusap .
1. ( Umiyak, Iiyak, Umiiyak ) ang bata kagabi.
2. Si nanay ay ( bumili, bumibili, bibili ) ng prutas sa susunod na araw.

V. Takdang-aralin:
Sumulat ng limang salitang kilos at isulat sa kabila nito ang panahunan nito.
FILIPINO

I. Layunin
a. Natutukoy ang mga bahagi ng aklat
b. Nakapgbibigay ng kahulugan sa bawat bahagi nito
c. Nagpapakita ng pamamaraan sa paggamit ng aklat

II. Paksang Aralin


Bahagi ng Aklat
CODEF2EP-IIf-h-5
Kagamitan
tunay na aklat na nagpapakita ng iba’t ibang bahagi nito
Sanggunian: TG, LM, CG

III. Pamamaraan:

Panimulang Gawain:
Tukoy-Alam
Magpakita ng isang aklat.
Ipakita ang ilang mga bahagi nito at itanong sa mga bata ang tawag dito.

Paglalahad / Pagtatalakay
Ano ang paborito mong aklat?
Hayaang magbahagi ang mga bata tungkol sa paborito nilang aklat.
Ano-ano ang makikita sa paborito mong aklat?
.
Ipakita ang mga bahagi ng aklat sa pamamagitan ng paggamit ng tunayna aklat.
Ano ang makikita sa pabalat?
Saan makikita ang mga talaan o listahan ng mga mababasa sa aklat?
Ano ang talahuluganan o glossary sa aklat?
1. Pahina ng Pamagat - Makikita rito ang pamagat ng aklat, pangalanng may-akda, tagaguhit, ang
naglimbag at ang lugar napinaglimbagan.
2. Talaan ng Nilalaman - Dito makikita ang pahina ng bawat aralin.
3. Katawan ng Aklat - Mababasa ang mga aralin at mga pagsasanay
4. Talahulugan o Glossary - ito ay talaan ng mga salitang binigyan ngkahulugan.
5. Indeks - ito ang paalpabetong talaan ng mga paksa o nilalaman ngaklat.
Paglalapat / Paglalahat
Paano natin pangangalagaan ang ating aklat?
Ano-ano ang bahagi ng aklat?
Paano mo gagamitin ang aklat?
Ano ang wastong paggamit nito?

IV. Pagtataya:
Isulat ang titik na may wastong sagot.
Dito makikita ang mga pahina ng bawat aralin
A. pabalat b. talaan ng Nilalaman

V. Kasunduan:
Pag-arala ang mga bahagi ng aklat.

You might also like